Download Story.

close

Del Franco Brothers: Adien (Book 2)

Written By: ROugeLips       |       Story Status: In-Progress
Posted By:
ROugeLips

CHAPTER FIVE

Direction

 

Puno ng tensyon yung sasakyan habang pinagmamaneho ako ni Adien pauwi. Kahit yung mahinang kanta na nagmumula sa stereo eh hindi nakatulong.

Sa tuwing sinusulyapan ko to ng palihim, nananatiling iisa yung expression nito and it’s not a pleasant one.

Kaya nagulat nalang ako ng bigla nalang tong nagsalita. Umawang yung mga labi ko at hindi makapaniwalang napatitig dito.

“You didn’t like the food?” Kaswal na ulit nito.

“What?” Naguguluhang bulalas ko dito dahil sa lahat ng pwede nitong itanong, yon ang pinaka hindi ko pa inaasahan.

He shrugged his shoulders. “You didn’t eat much.”

Napatanga na naman ako dito. Hindi ko ini-expect that he was paying attention sa kilos ko dahil when he was not answering my questions, he was busy most of the time, typing something on his freaking phone.

Alanganing umiling ako dito. “I lik–ee i—-itttt.” I cleared my throat dahil sa pagkakabulol bulol ko. “I’m just full.” Namumula na dagdag ko.

The corner of his lips curled in amusement. He clearly didn’t believe me. I can’t blame him dahil kung ako nga hindi din naniwala sa lame na pagrarason ko kaya mas lalong namula yung muka ko. “About my car. I can really take care of it. You really don’t need to bother.” Pagbabago ko ng usapan.

Dumilim yung muka nito. “I hate repeating myself Embry. Just let it go.”

Bakit parang nagagalit to? Eh ayoko lang namang makaabala dito. Magpo-protesta pa sana ako nang makita kong mas lalong dumilim yung muka nito. I decided to keep quiet ng makita ko na tila galit na to sa manibela.

Sumandal nalang ako sa backrest ng upuan at mariin na pumikit. Arguing with him is futile at sa totoo lang, it’s draining all of my energy. Not the arguing per se but being with him is exhausting.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa ganitong posisyon. Nagmulat lang ako ng mata ng parang hindi na gumagalaw yung kotse.

Tumingin ako kay Adien at kumabog na naman yung puso ko sa kaba nang makita ko na nakatitig pala to sakin.

Ilang minuto din kaming nakatitig lang sa isa’t isa at sa bawat sandali na lumipas, nararamdaman ko yung unti unting pamumula ng buo kong muka.

Ito ang unang nag iwas ng tingin at tumingin sa may bintana. “We’re here.” Pahayag nito.

Binaling ko din yung tingin ko sa labas at nagulat nalang ako sa pamilyar na gate na nakita ko.

Pinaglipat lipat ko yung tingin ko dito at sa may bintana. I’m about to open my lips nang bigla nalang tong lumapit sakin para tanggalin yung seatbelt ko.

Tumuwid ako nang pagkakaupo at nakalimutan na yung balak ko sanang sabihin dito. Dahil sa lapit nito, parang nag short circuit yung utak ko. Napalunok ako at nanatiling parang tuod na napatitig dito.

“Here you go.” I heard him mumble.

Pero nanatili pa rin akong parang natuklaw ng ahas sa tabi nito. Nang umayos to ng pagkakaupo, saka ko lang pinakawalan yung hininga na kanina ko pa pala pigil pigil.

After a few minutes of silence, nahamig ko din yung sarili ko. “Thank you.” I mumbled as soon as I found my voice.

Tinanguan lang ako nito.

Naiilang na tumango din ako dito at pagkatapos, nanginginig na binuksan yung pintuan ng kotse nito para lumabas.

Sa pag aakala na aalis nato, nanatili ako sa sidewalk habang parang lutang parin yung utak kong nakatitig sa sasakyan nito.

Kaya nagulat nalang ako nang biglang bumaba yung bintana sa side ko. “Go inside, Embry.”

Gusto ko ulit sanang mag protesta dito but for the life of me, I couldn’t speak. I shook my head and with a sigh, naglakad nalang ako para buksan yung gate.

Papasok na sana ako nang may bigla akong maalala. I briskly turned around, only to find his taillights.

I frowned.

I didn’t give him any direction, did I?

This house is fairly new kaya paano nya nalaman kung saan ako nakatira?

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15

4 thoughts on “Del Franco Brothers: Adien (Book 2)

  • Thanks! Update please
    ❤️💕💕

  • Nice stories po 😊Update po kay aiden 😊

    • Kaka update ko lang po. Have fun reading 💜

  • Hi chapter 15 Lang ung story?

close