CHAPTER FOUR
I’m a man
Kasalukuyan na kaming nasa kalahati ng pag iinterview ko dito ng hindi ko maiwasan na hindi mapatitig sa bagong Ade na nakaupo sa harapan ko.
Habang tinitignan ko to, may parang langgam na kumukurot sa puso ko dahil parang ang layo layo na nito sakin gayung nasa harapan ko lang naman to.
Hindi mo makikita dito yung bakas ng kapilyuhan, pagiging laid back at palabiro nito noon.
In fact, sa mga nakaraang oras, purely business yung pakikitungo nito sakin even nung mga oras na kumakain kami. Hindi ko nga alam kung pano kong natapos yung kinakain ko dahil ilang beses na yata akong nag reminisce dahil dito, samantalang to, parang baliwala lang etong muli namang pagkikita. And to tell you guys the truth, it sucks.
Hindi ko alam kung ilang minuto akong napatitig dito dahil nagulat nalang ako ng nagsalita to ulit.
“Embry?” Muling pukaw nito sakin sa kaswal nitong tono na mas lalong nagpatindi ng kirot sa dibdib ko.
All emotions rush through me, to the point na para na akong ma so-suffocate.
“I… I can’t..” Tumayo ako. ” I’ll send someone to do your interview.”
“Is this what you’ve learned in Europe? Ang maging unprofessional?” Turan nito na syang nagpahinto sa gagawin kong pag alis. “Are you scared of me?”
Mariin kung pinikit yung mga mata ko to calm the turmoil inside of me bago dahan dahan akong muling humarap dito. “I’m not scared of you.” Pinilit kong diretsong tumingin dito.
” Really?” Tumaas yung kilay nito na tipong naghahamon. “So, walang dahilan para hindi matuloy tong interview nato. Don’t let our past, affect your job. That’s very unprofessional and a coward way to do.”
Napasinghap ako at di nakakibo sa sinabi nito. Alam kong nagiging duwag at unprofessional ako pero yung mismong sa bibig nito manggaling yung mga salitang yon, iba pa rin pala ang impact… Iba pa rin pala yung sakit.
Diretso tong nakatingin sa mga mata ko kaya kahit gusto ko alisin yung tingin dito, pinilit kong salubungin yung tingin nito.
Ilang sandali akong tumahimik para kalmahin yung nararamdaman ko bago ko binuka yung mga labi ko. “Okay. Let’s do this.”
Pero bago pa ako makaupo, nag ring yung phone nito.
Tumingin muna to sakin bago nito sinagot yung tawag nito at sa buong duration na may kausap to, hindi ko mapigilan na hindi manggigil kasabay ng paninikip ng dibdib ko sa mga naririnig kong endearments na lumalabas sa bibig nito.
You’re a married man! Asswhore! Gusto ko sanang isigaw dito.
What did you expect Embry? You left him. Alangang mag mongha sya sa taong lumipas? Tuya ng isip ko.
Nang nilingon ako nito, I try to make my expression neutral at saka ko napansin na nakatayo pa rin pala ako.
Kaya padabog akong umupo sa kabila ng pagkukunwari kong hindi big deal at di ako apektado sa mga naririnig ko.
Pagkababa nito ng phone, taas kilay akong tumitig dito. “A girlfriend?” Agad uminit yung pisngi ko because of embarrassment.
Seriously Embry? Pakialam mo ba kung sino yung kausap nya!
“No.” Umiling to. “But I’m a man.” Kibit balikat nitong dagdag.
I’m a man? Ulit ng isip ko.
Just like that? Eh ako nga, walang naging companion sa mga taong lumipas pero dahil sa lalaki sya, lumalabas na understandable yung pambababae nya?
I smiled bitterly.
You’re not really married Embry!! Mantra ko nalang saking sarili.
Tumikhim ako at hinalungkat nalang yung questionnaire. Pinagpatuloy ko kung san kami nahinto . “What qualities do you look for in a woman?”
“Someone who can trust me.”
Ilang segundo din akong naghintay ng iba pa nitong sagot bago nag sink in sakin na yon lang ang sagot nito kaya napatingala ako dito. “Just that?” Nabiglang tanong ko bago ko pa napigilan yung bibig ko.
Nagkibit to ng balikat. “Women tend to judge quickly and base on my experience, too quickly. I want someone who can give me a benefit of the doubt.”
Napalunok ako. Ilang beses kong binukas, tinikom yung bibig ko pero wala akong maapuhap na isagot dito.
Sa mga nagsasabing, ang mga babae lang ang marunong magparinig. They never met Ade yet. Dahil kulang nalang lumubog ako sa kinakaupuan ko sa tingin na binibigay nito the whole time he was talking.
Gusto kong tumakas at kalimutan yung araw nato pero alam kong seeing him again is inevitable.
We have the same circle of friends at obviously pati sa trabaho, konektado kami. Ngayon ko napatunayan na talagang maliit ang pilipinas para samin.
Huminga ako ng malalim and I summon all my courage to speak. The faster we finish, the better. Tumingin ulit ako sa hawak kong papel at binasa yung nakalagay dito. “And lastly, what did you think about marria—-” napahinto at nanlaki yung mga mata ko.
Shit! Bakit ko ba nakalimutan tong tanong nato!!
Kaya nga may red ink Embry diba? Bakit mo binasa?
Damn it!
Tumaas yung kilay ni Ade. “You mean, marriage?” Nilagay nito yung isa nitong kamay sa panga nito na tipong nag iisip. After a minute, tumingin na naman to ng diretso sa mga mata ko. “A complete BS w/o trust.”
Napapikit nalang ako ng mariin. Pagdilat ko ng mga mata ko, sinikap kong itago dito yung epekto sakin ng sinabi nito.
Mahabang katahimikan yung namagitan samin bago ako naglakas loob na pasalamatan to para sa pagtatapos ng interview.
I try to guard all my emotions dahil para akong ticking bomb na anytime pwedeng sumabog. Hindi nga lang dahil sa galit kung hindi dahil sa sakit ng kalooban.
Aktong aalis na ako ng may bigla akong naalala. Pabuntunghiningang humarap ulit ako dito.
Kasalukuyan tong may kinakalikot sa cellphone nito kaya hinintay ko nalang tong matapos kesa gambalain pa to.
“You want to say something more?” Kaswal nitong tanong habang binababa yung cp nito sa lamesa.
Hindi na naman ako nakasagot agad dahil sa kung anong bumara sa aking lalamunan….Must be my heart.
I sighed. “Yung picture na kelangan for this interview….”
Tinaas nito yung kamay nito to cut me off. “Just contact my secretary. I’ll spare a few minutes for a shoot.”
“Okay. Thank you.” Wika ko. Dahil ano pa ba ang pwede kong sabibin don? “I’ll go ahead. ” Ulit kong paalam dito na tinanguan lang nito.
Hindi ko alam kung pano akong nakalabas ng restaurant nang hindi bumibigay yung mga tuhod ko.
Hinang hina yung pakiramdam ko nang makaupo na ko sa loob ng kotse ko. Buti nalang nag convoy kami papunta dito dahil kung hindi baka sa harap pa ako nito nag breakdown.
Isinubsob ko nalang yung mukha ko sa manibela. Ilang minuto ko ding pinagaang yung nararamdaman ko bago ako nag drive pero umaatras palang ako, parang may kakaiba na sa likod ng kotse ko.
Tumigil ako sa pagmamaneho at bumaba para tignan yung likuran ng sasakyan ko at saka ko nakita na totally deflated yung back tire ko!
Damn it!
Panong na flat ng ganito to eh ok naman to kanina!
Naiinis na sinipa ko yung back tire ko. “Bwisit! Pati ba naman ikaw, nakikisabay! Sabog na sabog na nga nararamdaman ko pati ba naman ikaw, nakikisabog?” Inis na bulong ko.
Sisipain ko pa sana ulit yung gulong ko ng may tumikhim sa likod ko. Naiinis na lumingon ako. “What??—-” yung pagsigaw ko, humina ng humina hanggang sa napatanga nalang ako dito. “Ade.” Usal ko.
“Problem?” Tanong nito.
“No.” Exaggerated akong umiling dito.
Hindi ko alam kung imagination ko lang pero parang nakita kong ngumisi to. Mabilis at medyo di naman maliwanag sa kinakatayuan namin kaya baka namamalikmata lang ako.
Umiling nalang to sa obvious na kasinungalingan ko at tinitigan yung gulong kong sumabog. “Any spare tire?”
Napakagat labi ako. Dahil kahit nung college days pa, never akong nagdadala ng spare tire. Pabuntunghininga na umiling nalang ako dito. “Wala.”
“I’ll drive you home. I-lock mo nalang to and give me your car key. I know someone who can fix your tire.”
What? No way, highway!!!!
“No, thanks. I can do…..” Bago ko pa matapos yung pagpo-protesta ko, si Adien na mismo yung kumuha ng susi sa ignition at nag lock ng kotse ko.
Mas lalo sana akong magpo- protesta ng nilapat nito yung hintuturo nito sa labi ko. “I’ll drive you home and take care of this.” Mariin na ulit nito.
Napahinto ako, hindi dahil sa utos nito kung hindi dahil sa first physical contact na in-initiate nito.
Nanatili yung daliri nito sa mga labi ko ng ilang minuto kaya di ko maiwasan na hindi mamula at mapalunok.
Damn it Embry! Daliri lang yan!!!!! Maghunos dili ka!
4 thoughts on “Del Franco Brothers: Adien (Book 2)”
Thanks! Update please
❤️💕💕
Nice stories po 😊Update po kay aiden 😊
Kaka update ko lang po. Have fun reading 💜
Hi chapter 15 Lang ung story?