Download Story.

close

Del Franco Brothers: Adien (Book 2)

Written By: ROugeLips       |       Story Status: In-Progress
Posted By:
ROugeLips

CHAPTER THREE

Interview

 

Wala sa huwisyo na inaayos ko yung mga papel na nagkalat sa lamesa nang pumasok si Grace sa loob ng opisina ko.

She placed a cup of coffee in front of me.

Tinanguan ko lang to habang patuloy lang yung utak ko sa paglipad sa kung saan.

“……….precisely four to half past four with Mr. Adien Del Franco.”

Mr. Adien Del Franco?

Did I hear it right?

Natigil yung mga kamay ko sa pag galaw at mabilis akong tumitig sa kinakatayuan ni Grace mula sa pag aayos ko ng mga papel sa lamesa.

My mind is with somewhere else and I’m actually half listening kaya yung huling part lang nang sinasabi nito yung nag sink in sakin.

I heard Adien’s name or it’s just my subconscious talking?

Yan ang napapala mo sa pagahahalo ng personal mong problema sa trabaho, Embry!

“Four? Adien?” Ulit na tanong ko kay Grace. Giving her my undivided attention.

Halos lumundag na yung puso ko sa kaba habang naghihintay sa sagot dito.

Damn it!

Naguguluhan at nagtataka namang napatitig sa mukha ko si Grace. “Mr Del Franco’s schedule is full for the next five weeks but his secretary kindly spared us today a half an hour to do the interview.”

She’s talking about the interview?

Half an hour?

Wait! Today????

As in ngayon na talaga yung interview?

Nang tumitig ako sa mga mata nito, tumango lang to na para bang nababasa nito yung iniisip ko.

Napatayo ako bigla mula sa pagkakaupo ko. “I’m not ready!!!” Napatingin ako sa wrist watch ko. “That is exactly four hours from now! What’s with the short notice Grace?”

Short notice is an understatement of the year!

Napaatras si Grace sa pagtaas ng boses ko and I instantly feel sorry nang ninenerbyos tong napatingin sakin.

Napapabuntung hininga na umupo ulit ako. “I’m sorry for raising my voice. I don’t work well under pressure.” Lame na pagrarason ko dito.

Nananantya at pilit tong ngumiti sakin. “It’s ok Ma’am Embry.”

“Can it be move?” Puno nang pag aasam na tanong ko dito.

Nagsisimula na namang kumabog yung puso ko sa kaba at namamawis yung mga kamay ko sa tensyon na nararamdaman ko.

“I already tried to convince Mr. Del Franco’s secretary but she can’t spare another time nor day but now. And Dream Men will be next month’s issue for Glamour.” She cleared her throat. “If it helps, I cleared your schedule for the whole afternoon.”

I held my tongue bago ko pa to mapagtaasan na naman ng boses dahil wala naman tong kasalanan sa mga nangyayari.

Nang hindi ako nagsalita, nagpatuloy to. Nilapag nito sa harap ko yung folder na hawak nito. . “Inside this folder is your questionnaires and tape recorder.”

I heaved several deep breaths.

After a few minutes of calming my nerves, I feigned a smile. “Can you please get me another cup of coffee, please?”

“Coffee? Again?” Nagtataka na tanong nito habang tinitignan yung kape ko sa lamesa na hindi ko pa nagagalaw.

Yes, I know. My secretary probably thinks that I’m crazy. Who wants another cup of coffee sa katanghaliang tapat? Not to mention, may kape pa akong hindi nagagalaw sa lamesa ko.

But hey! Kung yung iba, nilulunod yung sarili sa alak o sigarilyo…Ako, nilulunod ko yung sarili ko sa kape. So sue me!

“Yes, please.” I paused and shook my head. “Scratched the cup, sa tumbler mo ilagay and I want it full.”

Kunwari na inasikaso ko ulit yung mga folders at papel sa lamesa ko hanggang sa makalabas to.

Nanghihina na napasandal ako sa headrest ng upuan ko pagkasarang pagkasara ni Grace ng pinto.

Oh God! Kill me now!!

******

With a thundering heart and heavy breathing against my ear, I park my car next to a BMW.

Pagkatapos kong mag retouch, napatingin ako sa suot ko. Good thing, I’m wearing something presentable.

Red and white top with classic black pencil skirt.

Professional in a classy way.

After taking several deep breaths, I looked at my wrist watch.

Quarter to four.

With one last sigh, I pulled my key out of the ignition. Sinukbit ko yung shoulder bag ko at kinuha yung folder sa passenger seat.

Kalmado akong naglakad papunta na building ng Del Franco Corporation, kabaliktaran ng tunay kong nararamdaman.

Nang makapasok na ako sa lobby at makalagpas sa nakakainis na desk clerk na halos ilang minuto akong inusisa, binuksan ko yung folder na hawak ko para tignan yung questionnaire at notes sa loob sa huling pagkakataon.

Dahil nakatuon yung buong atensyon ko sa hawak kong folder, hindi ko napansin yung bultong papasalubong sakin.

Napahinto nalang ako sa paglalakad nang huminto yung bulto sa tapat ko. Hindi ko parin inalis yung pagtingin ko sa hawak kong folder. But I mumbled a quick and soft apology. Pagkatapos, umatras ako. “Excuse me.” Nang lumipat ako sa kaliwa para makalagpas dito, lumipat din to sa kaliwa. Natawa nalang ako ng mahina sa pag aakala na pareho kami nang iniisip kaya lumipat ulit ako sa kanan ko para makaraan dito pero sa pagkagulat ko, lumipat din to sa kanan.

Mula sa hawak kong folder, kunot noo at naiinis na tumingala ako. “What’s wrong with……….” Natigil ako sa pagsasalita at napasinghap sa pagkagulat nang makita ko kung sino yung nakatayo sa harapan ko.

“Adien.” Halos hinahabol yung hininga kong usal dito. I feel like, I lost my ability to breath.

Hindi to nagsalita, nakatingin to sa hawak hawak kong folder.

He took my folder and his eyes casually skimmed through it. After a while, he looked at me straight in the eyes and with a business tone and expression, he asked, “Is this your questionnaire?”

“Ye-ss.”

Tumatango tango na kinuha nito yung shoulder bag ko at dahil nakatanga lang ako dito, hindi ko to napigilan. At bago pa ako makapagsalita o makapag protesta, nagsalita na ulit to. “Let’s discuss this over dinner.”

Mas lalong nag short circuit yung utak ko.

Wait!

What?

“Dinner?” I repeated, still looking dumbfounded.

He nodded his head and gave a look that clearly stated, “That’s what I’ve said, right?”

And without uttering another word, he turned his back at me with an aura that says, “Don’t try to ask another stupid question and just follow me.”

I stayed rooted on my spot habang nakatanga lang akong nakatitig sa likod nito.

What the fvck just happened?

 

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15

4 thoughts on “Del Franco Brothers: Adien (Book 2)

  • Thanks! Update please
    ❤️💕💕

  • Nice stories po 😊Update po kay aiden 😊

    • Kaka update ko lang po. Have fun reading 💜

  • Hi chapter 15 Lang ung story?

close