CHAPTER SEVEN
“THANK YOU sa paghatid sa’kin kahit hindi naman talaga kailangan. Alam kong pagod ka pa dahil sa game ninyo kanina. Kung gusto mo, magpahinga ka na lang muna sandali sa loob at mayamaya ka na umuwi.”
Isang matamis na ngiti ang iginawad ni Omid sa paga-alala ni Lia. “It’s okay, hindi pa naman ako pagod. ‘Tsaka nag-enjoy naman ako na kasama ka. Sana hindi ito ang huling beses na makakasama kita, Lia.” he patted the top of her head, still with a smile on his face.
Gusto nang matunaw ni Lia dahil sa ngiti nito ngunit hindi niya ipinahalata. Nahihiya pa din kasi siya sa paghahatid nito sa kanya maging ang panlilibre nito kahit na sinabi niyang hati na lang sila sa bayarin. Pinagbigyan pa nga nito ang kapritso niyang maglaro sa arcade. Kahit isang sandali ay hindi niya kinakitaan ng pagkabagot o pagkapagod ang mukha nito sa buong durasyon na magkasama sila.
Ang pagkailang na naramdaman niya bago sila umalis ng Rizal Memorial Stadium ay nawala dahil sa pagpapatawa ni Omid. Punong-puno naman pala ng humor ang binata, ngayon nga lang niya iyon nakita dahil ngayon lang naman niya ito nakasama nang sarilinan. Bukod doon ay kinausap siya nito nang kinausap hanggang sa maging kumportable siya dito.
Kahit pa nga nag-commute sila mula RMS hanggang Mall of Asia, hindi siya nakaramdam ng kahit kapiranggot na inis. Natapakan na siya, nakipag-gitgitan pa sila sa LRT—pinilit kasi niya ito kahit na ang gusto nito ay mag-taxi na lang sila—, naglakad nang naglakad dahil nahirapan silang makasakay ng shuttle papunta sa MOA ay okay lang. Walang kaso sa kanya. At least, naranasan ng binata ang mga ganoong experience habang nasa bansa ito.
Ang simpleng paghangang nagu-umpisa niyang maramdaman para sa binata ay mukhang lumalalim. Sa isang banda ay natatakot siya dahil hindi naman siya sanay sa mga pakiramdam na iyon ngunit sa isang banda, nao-overwhelm siya dahil may kakayahan pa pala siyang makaramdam ng mga ganoong emosyon na akala niya ay hindi na niya mararamdaman pa.
Ngayon tuloy ay natutuwa siya na nakasama at naka-bonding niya ito. Mas nakilala niya ang binata kahit pa sabihing ilang oras lang naman silang magkasama. Gusto na nga niyang magpasalamat at halikan ang naging karakter niya sa kanyang mga istorya dahil hindi siya nahihirapang pangalanan ang damdamin niya dahil naisulat na niya ang mga iyon.
“Are you sure? Kung nandito lang si Amani, ipahahatid na lang kita sa kanya. Kaya lang mukhang wala pa siya.” sandali niyang sinulyapan ang bahay ng kaibigan bago muling ibinalik ang tingin kay Omid.
“Okay lang talaga, Lia. Kaya ko naman ang sarili ko, magta-taxi na lang ako. Ikaw ang magpahinga na, baka naistorbo na kita ng sobra at hindi ka na makapag-trabaho.”
“No worries, naka-bakasyon ako ngayon sa trabaho. Next week na ako babalik, kapag nakapag-relax at nakapag-pahinga na ang utak ko.” bumungisngis pa siya pagkasabi niyon.
She heard him chuckle before he pinched her cheeks. “Alam mo, ang cute mo talaga.” anito. “Sige na, pumasok ka na sa loob. I’ll see you again next time or maybe, we can hang-out again one of these days. Tutulungan na lang kitang mag-relax bago ka bumalik sa trabaho tutal isang linggo naman kaming nakapahinga sa training.”
Nalunok yata ni Lia ang lalamunan niya dahil walang gustong lumabas na salita sa bibig niya. Hindi niya inaasahan ang pagyayaya nito. Gusto niyang pumayag pero isang bahagi niya ang naga-alinlangan. Kung bakit ay hindi niya alam.
“Titingnan ko muna, Omid. Ayoko kasing mangako, baka hindi ko matupad.” alanganing nginitian niya ito pagkasabi niyon.
Nagkibit-balikat ito. “Of course. It’s okay, no pressure. I’ll go ahead. Good night, Lia.”
Binuksan na niya ang pinto at hinintay na mawala ang binata sa paningin niya bago isinara ang pinto at ni-lock iyon. Agad niyang dinukot mula sa bulsa ang cellphone niya ‘tsaka tinawagan si Amani.
“Hello, nasaan ka? Uuwi ka ba ngayon?” bungad niya.
“Yeah, actually I’m on my way. Bukas na lang tayo mag-usap at pagod na ako, okay? Ikuwento mo sa’kin ang tungkol sa date n’yo ni Omid.” pagod ang tinig na sagot nito ngunit hindi pa din nakaligtas sa kanya ang panunudyo sa boses nito.
“Shut up, Amani.” saway niya sa kaibigan ngunit hindi naman niya napigilan ang mapangiti. “Hindi ko na lang ido-double lock iyong pinto. Ikaw na ang magluto ng breakfast natin bukas, okay? Ingat sa pagda-drive. Good night, Amani.”
Hindi na naalis ang ngiti sa labi ni Lia hanggang sa dalawin siya ng antok nang gabing iyon.
PAGGISING ni Lia kinabukasan ay agad na nanuot sa ilong niya ang mabangong amoy ng nilulutong tuyo. Napangiti siya nang maluwang, nandoon na si Amani at ipinagluluto na siya ng agahan.
Bumangon na siya at nagtungo sa banyo. Magse-sepilyo at maghihilamos lang siya bago lumabas ng silid. Hindi na siya nag-abalang magsuklay o magpalit man lang ng maayos-ayos na damit. Si Amani lang naman iyon, sanay na ito kahit na ano ang suot o hitsura niya.
Ngunit natigil siya sa pagbaba dahil sa nakita niyang mga taong nagkakasiyahan nang mga sandaling iyon. Wala si Amani, ang nandoon at nagtatawanan ay ang kanyang ina at kakambal. And to make things worse, kasama at katawanan ng mga ito si Omid na mukhang close na sa pamilya niya. Hindi na naman niya inaasahan na makikita ang kanyang ama dahil kahit na minsan ay hindi ito nag-abalang kumustahin o puntahan man lang siya mula nang magsarili siya.
Wala sa sariling napaatras siya. Babalik na lang muna siya sa kanyang silid at ite-text na lang si Amani na hindi siya lalabas ng silid hangga’t hindi umaalis ang mga bisita nito. Ngunit nakakaisang hakbang pa lang siya nang biglang mag-angat ng mukha si Leo. Lalong lumawak ang pagkakangiti nito. “Well, good morning baby girl!” masiglang bati nito sa kanya. Tumayo pa ito at nagmamadaling umakyat sa ikalawang palapag palapit sa kanya. Niyakap siya nito ng mahigpit. “I missed you, Liandra.” bulong nito sa tapat ng tainga niya.
Napalunok siya. Hindi niya inaasahan na makikitang muli ang kakambal niya. At mas lalong hindi niya inaasahan ang ginawa at sinabi nito gayong hindi naging maganda ang paghihiwalay nila.
“Ang sweet naman ng mga babies ko. Halina’t bumaba na kayo dito. Siguradong malapit nang maluto ang agahan natin.” nakangiting yaya sa kanila ng ina bago ito bumaling sa kanya. “Liandra, mag-ayos ka nga muna ng sarili mo at may bisita ka. Hindi ka man lang nagsuklay ng buhok.” nakasimangot na wika nito.
“I didn’t know, mom. Ang alam ko, si Amani lang ang kasabay kong magb-breakfast.” sagot naman niya. Hinarap niya si Leo na malapad pa din ang ngiti habang nakatingin sa kanya. “Huwag mo akong tingnan nang ganyan, Leonardo. Naiilang ako, mamaya na lang tayo mag-usap.” hindi makatingin ng deretso ditong saway niya bago nagmamadaling bumalik sa kanyang silid. Hindi na ba matatapos ang mga sorpresang nangyayari sa buhay niya? Bakit ngayon pa? Bakit ba palagi na lang siyang ginugulat ng mga taong ‘to gayong nananahimik na nga siya?
“SO, OKAY lang sa’yong mag-stay dito sa Philippines for good? Papayagan ka ng parents mo kahit na mahiwalay ka sa kanila?”
Napangiwi si Lia dahil sa sunod-sunod na pagtatanong ng mommy niya kay Omid. Hindi na sila matapos-tapos sa pagkain dahil sa kadaldalan ng ina. Maging sina Amani at Leo ay hindi makakain ng maayos at napapailing-iling na lang habang nauumay na nakatingin sa mommy niya.
“Pigilan mo na nga iyang nanay mo, baka matakot si Omid at hindi pa kayo magkatuluyan.” udyok sa kanya ni Leo na siniko pa siya.
Tinaasan niya ito ng isang kilay. “At ano naman ang gusto mong palabasin sa sinabi mong iyan?”
“Boyfriend mo si Omid, ‘di ba? Matatakot na iyan at kahit mahal ka niyan, iiwan ka dahil iisipin niyang may nanay kang baliw.” patuloy na bulong nito.
Sa sinabi nito ay hindi niya napigilan ang mapabungisngis. “Sira ulo ka, Leo. Kapag ikaw narinig ng nanay mo, siguradong hindi ka na aabutin ng bukas sa katatalak niya sa’yo.” nakangising pananakot niya sa kapatid. Parang nawala lahat ng negatibong aura sa pagkatao niya dahil sa nagiging sagutan nilang magkapatid.
“Nanay mo iyan eh, okay lang hindi naman na ako nakatira sa bahay nila ni daddy. Okay lang kahit na sabihin ko lahat ng iyon.” pagmamatigas nito.
“Lalo naman ako, hindi naman ako nakatira sa bahay nila kaya kahit na ano ang sabihin ko, okay lang. Hindi naman nila ako palalayasin.” at muli siyang bumungisngis pagkasabi niyon.
Sabay silang magkapatid na bumaling sa mga kasama nang marinig ang sunod-sunod na pagtikhim na iyon. “Masyado naman yata kayong masaya sa pinagu-usapan n’yong magkapatid. Parang wala kayong kasamang ibang tao.” Nakataas ang isang kilay na tanong sa kanila ng kanilang ina.
Nang pasimple niyang sulyapan si Amani ay may masuyong ngiti sa labi nito. Nagsalubong ang mga kilay niya at nagtatanong na tumingin dito. Nagkibit-balikat lang ito at muling ibinalik ang atensiyon sa pagkain. Nang balingan naman niya si Omid ay naaaliw na nakangiti lang ito habang nakatingin sa kanya.
At hayun na naman ang kakaibang bilis ng puso niya. Mabuti na lang at sanay na siya kaya hindi na siya napa-praning. Iyon nga lang, ayaw kasi niyang masyadong pakaisipin kung ano ang mga ipinararamdam sa kanya ni Omid.
“Si Lia kasi mommy kung ano-ano ang sinasabi. Ngayon na nga lang ulit kami nagkita, dine-demonyo pa ang utak ko.” pagsusumbong ni Leo dahilan para marahas na mapabaling siya sa kakambal. Pinanlakihan niya ito ng mga mata. “What? Nagsasabi lang naman ako ng totoo!”
“You bastard! Alam mong hindi totoo ang sinabi mo, gago!”
“Liandra, language! Nasa harap tayo ng kainan, tumigil na kayong dalawa.” saway sa kanila ng ina. Hinarap nito si Omid at nginitian. “Pasensya ka na sa mga anak ko, hijo. Ganyan talaga sila kapag magkasama, nasisiraan ng bait. Sana hindi ka ma-turn off sa dalaga ko.”
“Mommy!” ano ba ang sinasabi nito? Nakakahiya kay Omid, baka isipin nitong nawawala na din sa sarili ang mommy niya.
“Okay lang po, Tita. Normal naman po sa magkakapatid ang ganyan. Ganyan din po kasi kami ng kapatid ko kapag magkasama. At artist po si Lia kaya naiintindihan ko po ang ugali niya.” magalang namang sagot nito.
Naitakip niya ang dalawang palad sa mukha. Anong kahihiyan ba ang napasukan niya ngayong araw? Ang alam niya, lalabas dapat sila ni Omid para magliwaliw habang pareho nakabakasyon. Yayayain pa nga lang niya si Amani kung gusto nitong sumama sa kanila. Pagkatapos ngayon, nandoon sa bahay ang nanay at kakambal niya para guluhin ang buhay niya.
Umiling-iling na lang siya at ibinalik ang atensiyon sa pagkain. Sana ay umalis din agad ang mga ito o kahit ang mommy lang niya para makapag-usap at makapag-bonding silang magkapatid buong araw.
Pagkatapos kumain ay nag-prisinta siyang magliligpit ng mga pinagkainan nila. Hinayaan na niya ang mga ito na lumipat sa sala para doon mag-usap.
“Tutulungan na kita, Lia.” prisinta ni Leo na tinanguan lang niya.
Tahimik silang magkapatid habang nililigpit ang mga hugasin. “How are you?” mayamaya ay basag ni Leo sa katahimikan.
Saglit siyang natahimik bago nagkibit-balikat. “I’m fine, surviving on my own. Mabuti na lang at nandiyan si Amani para alalayan ako kahit paano.” kaswal na sagot niya.
“Good. Palagi kitang kinukumusta kina mommy kaya kahit paano ay alam ko kung ano ang nangyayari sa’yo. Nakikibalita din ako kay Amani kapag walang maibigay na sagot sa’kin iyong nanay mo dahil hindi pa daw kayo nagkikita.” pagkukuwento nito. “Ang totoo, nag-alala ako ng sobra nang malaman kong umalis ka sa bahay. Hindi ko lang nagawang umuwi ng Pilipinas dahil busy ako sa tinatayo kong negosyo sa Japan at sa muling panunuyo kay Minako.”
Nawalan siya ng imik. Kapatid pa niya ang nanuyo sa nobya nito gayong dapat ay siya ang gumagawa niyon. Siya ang may kasalanan kung bakit naghiwalay ang mga ito noon kaya nga umalis ang kapatid niya sa bahay nila. Susundan kasi nito ang babaeng mahal nito at Susubukan din nitong buuin ang buhay sa ibang bansa. Sa mga nakalipas na taon ay sinusubukan niyang kalimutan ang mga nagawa niyang mali. Itinatak niya sa isip na darating ang araw at mapapatawad din siya ng mga taong nagawan niya ng mali at mapapatawad din niya ang sarili sa mga nagawang kamalian sa buhay.
At ngayon, ang isa sa mga dahilan ng pagbabagong-buhay niya ay nasa harap niya, kinakausap siya na para bang walang kahit na anong hindi magandang nangyari sa pagitan nila noon. Sa isang banda ay nakahinga ng maluwang si Lia dahil pakiramdam niya ay pinapatawad na siya ng kapatid sa nagawang pagkakamali. Na kinalimutan na nito ang kung ano mang kagaguhan ang nagawa niya dito at sa minamahal nito.
“I’m okay, Leo. At least, natututo ako ng kung ano-ano sa buhay. Simula nang umalis ako sa poder nina mommy at daddy, marami akong naranasan na kahirapan at kaginhawaan sa buhay na hindi ko siguro mararanasan kung nanatili ako sa kanila. I felt satisfied. I felt fulfilled. I don’t know, siguro iyon ang nagagawa kapag nabubuhay kang mag-isa, nagiging mature ka.” natatawang umiling-iling pa siya pagkasabi niyon. Bigla kasi niyang na-realize na sa buong buhay nilang magkakambal, ngayon lang sila nagkaroon ng ganoon ka-seryosong usapan.
Naramdaman niya ang pagyakap na iyon sa kanya mula sa likuran. “I really missed you, baby girl. Hindi ko alam kung paano kita natiis ng ganito katagal. Hindi ko din alam kung bakit ako nakinig kina mommy at daddy na huwag kang puntahan at hayaan ka lang sa ginagawa mo. Kaya nanahimik na lang ako at naging silent fan mo kahit na gustong-gusto kong isigaw sa harap ng mga tao na proud na proud ako sa kakambal ko sa lahat ng achievements niya sa buhay.” ibinaon nito ang mukha sa pagitan ng leeg at balikat niya. “Patawarin mo sana ako dahil wala ako sa tabi mo kapag nahihirapan ka. At lagi mo sanang tatandaan na proud ako sa’yo dahil naging matatag ka at nakayanan mong mabuhay nang mag-isa.”
Huminga ng malalim si Lia at nagmamadaling tinapos ang paghuhugas kahit na nanginginig ang mga kamay niya. Pinipigilan kasi niya ang tuluyang maiyak kahit na ba nagbabanta nang tumulo ang mga luha niya. Hindi siya umiiyak, kahit kapag nagsusulat siya ng mga istorya ay hindi pa siya nakaramdam ng ganoon katinding emosyon. Ngayon lang. Na para bang may malaking tinik na nabunot mula sa puso niya.
Nang matapos ay sinikmuraan niya ang kapatid para pakawalan siya nito pagkatapos ay humarap siya sa lalaki at humalukipkip. “Tama na ang drama, Leonardo! Naiirita ako sa drama nating dalawa. Hindi bagay!” pagmamaldita niya kahit na ang gusto niya talagang gawin ay humagulgol sa harap ng kapatid.
He smiled widely and is about to say something when she suddenly hugs him tight. “I missed you too, brother. And thank you… for coming back.” bulong niya habang nakasubsob ang mukha sa dibdib nito.
Naramdaman niya ang paggulo nito sa buhok niya. At least, okay na silang magkapatid. Nabawasan na ang bigat sa dibdib niya. Sana lang ay magtuloy-tuloy iyon para maging masaya na nang tuluyan ang buhay niya.
Love life mo na ang isipin mo para lalo kang maging masaya. You’re not getting any younger, Liandra Camaro.
Love life. Parang hindi pa niya kayang harapin ang bagay na iyon dahil na din sa takot na nararamdaman niya. Dahil nasanay pa din siyang dumadating at umaalis ang mga tao sa buhay niya nang walang pasabi. Hindi pa siya handang sumugal.
Kung kailan siya magiging handa… iyon ang hindi niya alam. Bahala na si Superman!
0 thoughts on “Unexpected Love”