CHAPTER THREE
PABALING-BALING si Omid sa pinaka-mataas na bahagi ng grandstand kung saan isang babae ang abala sa kung ano man ang ginagawa nito sa harap ng laptop nito. Hindi niya gaanong maaninag ang mukha nito dahil halos matakpan na iyon ng aparato.
Kakaibang tuwa ang naramdaman niya nang makitang kasama ni Amani si Lia nang dumating sa Emperador Stadium sa Taguig kung saan ginaganap ang kanilang training. At dahil first time niya itong nakita na pumunta sa training nila —as in actual training ng team nila— ay nabigla siya nang pagkaguluhan ito ng teammates niya at maging ng mga staff. Kahit si Coach Leigh nga na nakikita niyang nagsusungit sa ibang taong hindi kasapi ng Stray Wolves family ay niyakap pa ang dalaga at ginulo ang buhok nito.
At dahil sa pagkagulat na iyon kaya hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na lapitan at batiin man lang ito. Pinanood lang niya kung paano ito pagkaguluhan at pagkatapos ay mabilis nang bumalik sa kanya-kanyang ginagawa ang lahat. Ganoon din naman ang dalaga na agad inilabas ang laptop nito. Nagsuot ito ng salamin at pagkatapos ay hindi na umangat ang ulo mula sa pagkakatingin sa laptop.
“Hinay-hinay sa pagtingin, baka malusaw.”
Biglang inalis ni Omid ang tingin kay Lia at binalingan ang nagsalita na walang iba kundi si Misagh na siyang partner niya sa araw na iyon. Nakapamaywang ito habang nakataas ang isang kilay na nakatingin sa kanya.
“I don’t know what you are talking about.” pagkakaila niya bago humiga sa damuhan at bumalik sa pags-stretch. Dahil parehong kalahating Pinoy ay hindi nakasanayan nina Omid at Misagh na mag-usap gamit ang Iranian Language. Pareho kasing mahigpit ang kanilang mga ina tungkol sa pagpa-practice ng Filipino culture at sa pagsasalita ng Tagalog noong sa Iran pa sila parehong nakatira.
“Sa akin ka pa talaga nagkaila?” pumalatak ito pagkatapos ay pumuwesto sa ulunan niya. Hinawakan nito ang magkabilang balikat niya at pinuwersa hanggang sa lumapat iyon sa damuhan. “Alam ko na iyang mga ganyang tingin mo eh. Mag-ingat ka lang, hindi katulad si Lia ng mga babaeng madalas nating makahalubilo. Isa pa, napakahigpit ni Amani pagdating sa kanya. Walang kahit na sino sa club ang basta-basta na lang nakaka-porma kay Lia.” pagbibigay-alam nito. “Mukha lang binubugaw niyon ang kaibigan niya pero ang totoo, parang leon kung magbantay.” pumalatak pa si Misagh pagkasabi niyon.
“Alam ko. Nakasama ko silang mag-bonding kahapon kaya nakita ko kung paano maging protective si Amani sa kanya.” kaswal namang sagot niya. Una pa lang naman niyang nakilala si Lia ay may napansin na siyang iba dito pero syempre, hindi naman niya ito ganoon kakilala para basta na lang itong husgahan.
Pero aminin mo, sa nakita mong pagu-ugali niya ay nagustuhan mo siya. tudyo ng isang bahagi ng isip niya.
“At hindi mo man lang sinasabi sa’kin iyan?” muli ay pumalatak ito. “Anong klaseng best friend ka? Achievement iyon para sa isang katulad mo na hindi naman basta-basta nakikipag-kaibigan kung kani-kanino lang kaya kung nalaman ko lang iyan, aba’y nagpa-party na sana ako.” himig nagtatampong sawata nito.
“Stop it, Misagh. It’s not that I really like her in that way. I’m just curious and somehow, I want to be friends with her. Dahil nakausap ko na siya, sa tingin ko ay napaka-interesting niyang tao.” Totoo naman ang sinasabi niya, hindi siya ang tipo ng lalaki na basta na lang nakikipag-kaibigan sa kung kani-kanino. Hindi naman sa namimili siya ng kaibigan, maingat lang talaga siya.
Pero si Lia, parang may kung ano dito na madaling makahatak sa mga tao. Para bang madami itong itinatago na kahit naman siguro sino ay gugustuhing malaman. Ang gulo mo, ‘pre! Iba man iyon sa naramdaman niya sa mga kasamahan niya sa team, madali pa din niyang nakagaanan ng loob ang dalaga.
“Malamang, sinto-sinto iyan eh. Kasapi ng mga baliw sa mundo si Lia. Romance writer kasi.” natatawa na naiiling na sagot nito. “She’s a part-time romance writer and a part-time script writer. Kaya hindi mo siya maihihiwalay sa precious laptop niya.”
Well, that became more interesting. At wala sa sariling napangiti siya. He became more interested in getting to know her because of what his friend just told him.
Bumalik lang siya sa kasalukuyan nang marinig ang pagpalatak ni Misagh at ang lalong pagdiin nito ng puwersa sa magkabilang balikat niya. “Bakit ko nga ba sinabi iyon? Siguradong magho-hoard ka ng books niya pati na ng mga movies na siya ang nagsulat ng script kahit na ba hindi ka nanonood ng mga tagalog movies.” parang mas sarili nito ang kausap samantalang siya ay lalong lumuwang ang pagkakangiti.
Kilalang-kilala siya ng kaibigan. Dahil hindi siya titigil hangga’t hindi naku-kumpleto ang mga na-publish na nitong mga libro at makapanood ng mga palabas na ito ang sumulat ng kuwento.
TUMIGIL lang si Lia sa pagtipa sa keyboard ng laptop niya nang maramdaman ang pagtabi ng kung sino sa kanya. Inalis niya ang earphones sa magkabilang tainga at hinarap ang katabi na walang iba kundi si Amani.
“Tapos na kayo?” nagtatakang tanong niya pagkatapos ay ‘tsaka siya tumingin sa relong pambisig. Nagulat pa siya nang makitang maga-alas otso na ng gabi. Agad niyang pinatay ang laptop at inayos ang gamit niya.
“Masyado ka kasing engrossed sa pagta-trabaho kaya hindi mo na napansin ang oras. Ang ibig bang sabihin niyan, bumalik na ang kasipagan mo?”
Nagkibit-balikat si Lia. Hindi siya maaaring magpaka-siguro na bumalik na nga ang kasipagan niyang MIA nang mga nagdaang-araw dahil baka mawala ulit iyon kinabukasan. “Hopefully, bumalik na nga siya at hindi na mawala pa.” sagot niya. Hinarap niya ito nang matapos sa ginagawa.
“Sana nga. Ilang chapters naman ang nagawa mo habang hinihintay ako?” pagu-usisa pa din nito.
Muli ay nagkibit-balikat siya. “Sakto lang. Dalawang scene sa script, isa’t kalahating chapter sa manuscript.” Balak niyang ipagpatuloy sa bahay ang pagsusulat nang malaman niya kung binalikan na siya ng kasipagan niya.
“That’s good. Kumain na muna tayo bago umuwi. Nagyayaya si coach na mag-dinner ang buong club kaya sumama ka na lang. At least, libre ang dinner natin ngayon.” pagyayaya nito pagkatapos ay tumayo na. Akmang kukunin nito ang back pack niya nang pigilan niya ito.
“Ang bigat na nga ng dala mo, gusto mo pang buhatin ‘tong mabigat ding bag ko.” nakasimangot na reklamo niya. Akmang bubuhatin na niya ang bag nang may mauna sa kanya.
“Ako na lang ang magdadala para hindi ka mahirapan.” ani Omid na hindi niya namalayang nakalapit na pala sa kanila.
“Ako na ang magdadala niyan, para kayong mga baliw. Nabitbit ko nga iyan kanina, hindi ba?” nakataas ang isang kilay habang nakahalukipkip na sabi niya sa bagong dating.
“I can manage. Magaan lang naman ang bag mo.” balewalang sagot nito habang nakangiti. Kinindatan pa siya pagkasabi niyon bago tumalikod at nagsimula nang lumayo sa kanila.
Napalunok at napa-tikhim si Lia dahil sa hindi inaasahang ginawa ni Omid. Nag-react kasi ang matagal nang natutulog na puso niya dahil sa simpleng pagkindat na iyon. Mabuti na lang at sanay siyang hindi ipinapakita sa kahit na sino ang kung ano man ang totoong nararamdaman kaya madali niyang nahamig ang sarili.
“Magaan lang naman pala, bakit nagpupumilit pa kayong kunin sa’kin?” bubulong-bulong na tanong niya.
“Para nga hindi ka na mahirapan, ‘di ba?” sagot naman ni Amani na nasa likod niya.
Binalingan niya ito at sinimangutan bago nagmamartsang sumunod na din kay Omid pababa ng grandstand pero agad naman siyang naabutan ng kaibigan at inakbayan siya. Hinayaan na lang niya ito.
Anong nangyari sa’kin? Bakit ganoon ang naging reaksiyon ng puso ko nang dahil lang sa simpleng kindat at ngiting iyon? Hindi naman iyon ang unang beses na nakakita ako ng lalaking kumindat at ngumiti. Oo nga at guwapo si Omid pero hindi lang naman siya ang guwapong nakita ko sa buong buhay ko kaya wala akong makitang rason para maapektuhan ng ganoon ni Omid Ahmadi.
Buwisit! patuloy na pagmumura niya sa isip. Mukhang may saltik na talaga siya sa utak.
Matagal na!
NANG mga sumunod na araw ay naisipang tumambay ni Lia sa Heart Bound dahil nasiguro naman na niyang bumalik na nga ang kasipagan niya sa pagsusulat. Noong araw na sumama siya sa training ni Amani ay animo nakasagap siya ng sariwang hangin at nagtuloy-tuloy ang daloy ng mga eksena sa utak niya. Iyon nga lang ay kakaunti pa din para sa kanya ang mga naisulat niya.
At nang umuwi nga siya ay itinuloy niya ang pagta-trabaho. And thank God, kaunti na lang at matatapos na niya ang manuscript na kailangan niyang ipasa dalawang araw mula sa araw na iyon.
Tuwang-tuwa pa siya nang ibalita sa mga kapwa manunulat na bumalik na ang kasipagan niya. Kahit wala halos siyang tulog nang nakaraang mga araw ay ayos lang sa kanya, makatapos lang siya ng trabaho. At sisiguruhin niyang hindi na siya tatamaan pa kahit na kailan ng writer’s block.
At hindi na ako manlilibre dahil lang mahuhuli ako ng pag-pasa.
At nang araw na iyon nga, maaga pa lang ay nasa writer’s lounge na siya ng Heart Bound at nag-trabaho. Nauna pa siya sa mga co-writers niya kaya nakapag-sulat pa siya ng medyo tahimik. Hindi na nga niya masyadong napansin ang pagdating ng ilan sa mga ito dahil tutok na tutok siya sa pagtipa sa keyboard.
Maga-alas tres na ng hapon nang mai-type niya ang salitang ‘Wakas’ para sa kanyang bagong nobela. Maaari na siyang mag-focus sa script na kailangan na din niyang ipasa sa susunod na linggo.
“Tapos na ako, guys! Ipapasa ko na ‘to bukas kaya good luck na lang sa mga manlilibre!” anunsiyo niya sa mga kasama. Halos puno ang writer’s lounge kaya madami-dami siyang maaasar. Ang ibig lang kasing sabihin niyon ay nas-stress na din sa paghahabol ng deadline ang mga ito.
“Madaya ka!” reklamo ni Juri, ang isa sa iilang umo-okupa sa cubicle.
Pumalatak siya. “Tapos ngayon, ako ang madaya? Porque tapos na ako? Dalian mo na lang din para hindi ka manlibre. Medyo masakit sa bulsa iyon kapag naunahan ka nila.” patuloy na panga-asar niya habang naga-ayos ng mga gamit.
“Hoy, Lia! Tigilan mo ang panga-asar at lumayas ka na kung wala ka nang gagawin dito. Nakakaistorbo ka sa mga nagta-trabaho.” nabubugnot namang ani Leah, isa sa mga senior writers nila.
Tumayo na siya at isinukbit ang back pack niya. Sumaludo siya dito. “Yes, ma’am.” muli siyang nagpaalam sa mga ito at malapad ang ngiting lumabas ng silid. Nakasalubong pa niya ang CEO nila. “Good afternoon, Boss!”
“Mukhang masaya ka, nakatapos ka na?” nakangiti ding tanong nito.
“Yes, Boss. Ipapasa ko na po bukas kaya puwede na akong mag-focus sa isa pang trabaho.” pagbabalita niya.
Isa na yata si Mr. Jun Delos Reyes sa mga pinaka-mabait at pinaka-galanteng boss na nakilala niya. Kaya siguro madami ang gustong mag-trabaho sa kompanya nito dahil na din sa magandang reputasyon niyon maging ng may-ari. Bonus na lang na magagaling naman talaga ang manunulat maging ang mga isinusulat ng mga ito. Kaya nga malaking karangalan para sa kanya ang mapasama sa pamilya ng mga ito.
“Good!” tinapik pa siya nito sa balikat. “Magsulat ka lang nang magsulat, okay? At good luck sa bagong script na ginagawa mo. Siguradong box office iyan katulad ng tatlo mo pang gawa.” puri pa nito sa kanya pagkatapos ay nagpaalam na ito.
Abot hanggang langit na yata ang sayang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Sabihin nang mababaw siya pero ang mapuri ka ng boss mo at makatapos ka ng trabaho ay malaking achievement na para sa kanya.
Nakalabas na siya ng building nang maramdaman niya ang pag-vibrate ng cellphone niya. Nang ilabas niya iyon at tingnan ang screen ay nadagdagan ang tuwa niya dahil sa pangalang nabasa niya. Agad niya iyong sinagot.
“Hey, mom! How are you?” masiglang bati niya.
“Hey, beautiful daughter. You sound happy! Mukhang gusto kong matuwa na ngayon ako tumawag sa’yo.” mahihimigan ang tuwa sa tinig ng ina.
“I just finished my new story, mom. At pinuri ako ng boss ko kaya masaya ako. I’m about to eat my first decent meal now before going home and sleep. Bukas na ulit ako magsusulat pero dahil mukhang na-miss mo ako, gusto mo bang lumabas ngayon? My treat.”
“Naughty, baby girl. But you’re right, I miss you so much. Magi-isang buwan na tayong hindi nagkikita at gusto ko nang makita ang unica hija ko. Hindi ako naku-kuntento sa mga ibinabalita sa’kin ni Amani na mabuti nga at hindi nakukulitan sa’kin kapag tinatawagan ko gabi-gabi. Gusto ko na ngang magtampo minsan dahil mukhang nakalimutan n’yo na akong magkapatid. Kahit si Leo ay hindi nagdadadalaw-dalaw dito sa bahay.
“And to your new achievement, I’m so proud of you. Kahit kailan hindi ko pinagdudahan ang kakayahan mo pagdating sa napili mong career. Ipagpatuloy mo lang iyan, okay? I’ll see you in a couple of hours at huwag kang aalis sa bahay mo hangga’t hindi ako dumadating. Ako ang susundo sa’yo.” tuloy-tuloy na pagsasalita ng ina.
“Alright, mom. I’ll see you later. I love you!”
“I love you more, baby. Kumain ka ng madami. Ciao!” pagkatapos ay nawala na ito sa kabilang linya.
Napailing-iling na lang siya nang ibalik sa bulsa ang aparato at muli nang naglakad papunta sa McDonalds, ang favorite fast food restaurant niya. Mabuti na lang at katabi lang iyon ng building ng Heart Bound kaya hindi siya malilipasan ng gutom.
“WHY ARE you insisting on going to her house? Iyong totoo, Omid? Do you like my best friend?”
Natigilan si Omid dahil sa huling tanong ni Amani. Lihim pa siyang paulit-ulit na huminga ng malalim para payapain ang biglang pagbilis ng tibok ng kanyang puso dahil sa huling tanong nito.
“Lagot ka, Omid! Nasa protective mode na si Tatay Amani.” pananakot ni Charly sa kanya.
“Umamin ka na lang kasi para malaman na natin kung ano ang susunod na mangyayari. Gusto kong makita kung sasaktan ka ni Tatay eh.” ani naman ni Dominic, ang pangalawa sa bunso sa mga teammates niya.
“Tumigil nga kayo. Bakit ba kayo sumasali sa usapan nila?” saway naman ng Captain nila na si Aly pagkatapos ay nakapamaywang na humarap sa kanya. “Gusto mo ba talaga si Lia?” seryosong tanong nito.
Napabuga siya ng malalim na hininga. Ano pa ba ang inaasahan niya sa mga baliw na miyembro ng Stray Wolves? Mukha lang matitino ang mga ito kapag nasa harap ng ibang tao. Nasa war mode kapag nasa field ngunit kapag sila-sila na lang? Daig pa ng mga ito ang mga batang naga-asaran.
“Yes, I like her.” Sa wakas ay pag-amin niya pero nang padarag na tumayo si Amani ay bigla siyang kumambyo. “But only as a friend.” Pakiramdam niya ay lalabas na sa ribcage niyon ang puso niya. Ang alam niya ay gusto lang niyang maging kaibigan si Lia kaya siya lumapit dito noong araw na sumama ito kay Amani sa training nila. Pero ang pagkakagusto niya dito nang higit pa sa isang kaibigan? Parang hindi naman sumagi iyon sa isip niya.
Talaga ba? Hindi mo nga ba talaga siya gusto nang higit pa sa isang kaibigan? nanunudyong tanong ng isang bahagi ng isip niya na agad niyang iwinaksi.
“Why do you want to be her friend?” seryoso pa ding tanong ni Amani. Nakapamaywang ito habang matalim na nakatingin sa kanya.
Pakiramdam niya ay isa siyang kriminal na ini-interrogate ng kinauukulan.
Stop beating so fast, heart! Damn it! Please, calm down! Pagpapakalma niya sa nagririgodon pa din niyang puso.
“Because of the things that Misagh told me about her.” Muli siyang humugot ng malalim na hininga bago sinalubong ang tingin ni Amani. “I will tell you everything that you want to know but not in front of them. Hindi ako kumportableng sabihin ang dahilan ko. Kung mayroon man akong dapat pagsabihan niyon, ikaw na lang dahil mukhang mapagkakatiwalaan ka naman ng sekreto at wala naman akong obligasyon na sabihin pa iyon sa kanila.” seryoso na ding pahayag niya bago inilibot ang tingin sa mga kaibigan niya. “No offense meant, guys.”
“Non-taken, bro. Don’t worry. Nirerespeto naman namin ang mga sekreto mo.” tumatangong ani Aly bago niya muling ibinalik ang tingin kay Amani.
Sandali siyang tiningnan ng mataman ng kaibigan bago sa wakas ay na-relax at bumuntong-hininga. “Okay. Pero hindi pa din kita dadalhin sa bahay niya hangga’t hindi ko nalalaman ang rason mo para makipaglapit kay Lia.” pagkatapos niyon ay tinalikuran na siya nito.
Sinapo niya ang dibdib habang nakayuko at sunod-sunod ang paghugot ng hininga. Daig pa niya ang nakipag-marathon dahil kay Amani.
Sunod-sunod na pagpalatak at pagtapik naman sa balikat ang naramdaman niya at nang mag-angat siya ng tingin ay ang mga walanghiyang teammates lang pala niya ang mga iyon.
Totoo ba talagang nakakasundo at naging kaibigan niya ang mga sinto-sintong taong ‘to? Na dahil lang sa isang babae na gusto niyang makilala at maging kaibigan ay babaliwin na siya ng mga lalaking iyon?
Well, Welcome to the Philippines and Welcome to Stray Wolves, Omid!
0 thoughts on “Unexpected Love”