Download Story.

close

Unexpected Love

Written By: Ian       |       Story Status: Completed
Posted By:
Ian

CHAPTER TEN

GUSTO nang murahin ni Omid ang sarili niya. Kung puwede nga lang siyang magwala nang mga sandaling iyon ay ginawa na niya.

            Nang nagdaang araw pa siya nawawala sa sarili. Wala siya sa focus at palaging sablay ang mga ginagawa niya. Kanina ay sinabihan siya ni Coach Leigh na kapag hindi niya nai-kondisyon ang sarili ay aalisin siya nito sa First Eleven players na maglalaro sa Singapore Cup at ilalagay siya nito sa mga substitutes. At syempre, hindi dapat mangyari iyon kung gusto talaga niyang hindi malagay sa alanganin ang spot niya sa National Team.

            Hindi naman kasi dapat siya magkaka-ganoon kung naging tapat lang siya sa sarili niyang damdamin. Kung naging matapang lang siyang harapin ang mga bagay na normal lang namang nangyayari sa mga tao. Ang kaso ay duwag siya. Kaya hayun ang napapala niya.

            Magta-tatlong linggo na ang nakararaan nang kausapin siya ni Amani at Misagh. At ang topic? Ang madalas na pagsasama nila ni Lia at ang pagiging masyadong malapit nila sa isa’t-isa. Deretsahan siyang tinanong ni Amani kung ano ang mayroon sa kanila ng matalik nitong kaibigan. At nang sabihin niyang magkaibigan lang sila ni Lia ay itinulak siya nito ng malakas at sinabing hindi ito naniniwala sa kanya.

            Napapansin daw nito kung paano niya pakitunguhan at tingnan ang kaibigan nito. Nakikita din daw nito ang mga pagbabago kay Lia mula nang makilala siya nito. Hindi man niya naintindihan ang parteng iyon ng sinabi ng kaibigan ay hindi na siya nagtanong. Doon din kasi niya na-realize kung ano ang totoong nararamdaman para sa dalaga. Natatakot lang siya dahil nga alam niyang hindi katulad ng ibang babae si Lia. Madami itong hang-ups sa buhay at hindi pa naman talaga sila ganoon katagal na magkakilala. Hindi pa din naman ganoon kadami ang alam nila sa isa’t-isa. Kaya naman nang tanungin siya ni Amani kung ano ang intensiyon niya kay Lia at kung may balak ba siyang ligawan ito ay sinabi niyang wala. Siniguro pa niya sa kaibigan na iiwasan na lang muna niya ang kaibigan nito para patunayang wala itong kailangang ipagalala sa kung ano man ang mayroon sa kanila ng dalaga. He even dated some woman he met at the bar to prove not only to his friend but also to himself that he can still be attracted to other women.

            Pero nang makita niya si Lia pagkatapos ng ilang araw na pag-iwas dito ay para siyang sinipa ng malakas sa dibdib. Dahil noon niya napagtanto kung anong kagaguhan ang sinusubukan niyang patunayan sa sarili at sa ibang tao.

            Sa halip na aminin kay Lia kung ano ang totoong nararamdaman niya at maging matapang siyang harapin ang kung ano man ang mangyayari sa magulo niyang buhay pag-ibig ay nagpalamon siya sa kaduwagan. Kaya ngayon, he’s suffering the consequences. Hindi siya pinapansin ni Lia, kahit ang tingnan siya ay hindi nito ginagawa.

            At iyon ang hindi niya nakakayanan. Ang ibig bang sabihin niyon ay malalim at matindi na ang nararamdaman niya sa dalaga para makaramdam siya ng ganoon para dito? Kung ganoong hindi siya nito kakausapin o kahit titingnan man lang, magiging matapang na lang siya. Dahil hindi pala niya kayang iwasan ang babaeng nagpasaya sa kanya at nakapagpa-realize na hindi dapat iniiwasan ang pagmamahal dahil lang natatakot ka. Kung mahal mo, dapat ay ipaglaban mo. Kapag sinabi sa’yong hindi ka mahal, puwedeng gawin mo ang lahat para maging pareho ang nararamdaman n’yo o sumuko ka na at mag-move on na lang.

            Tao lang naman kasi ang gumagawa ng komplikasyon sa sarili nilang mga buhay. At ayaw na niya ng ganoon. Kung gusto niyang maging masaya, kailangan niyang gumawa ng paraan para makamit ang kasiyahang iyon.

            “Hoy, Ahmadi! Kanina ka pa nakatulala diyan! Umayos ka nga nang matapos na tayo!”

            He cleared his head and look at the person who talked to him. Si Aly iyon, salubong ang kilay nito habang nakapamaywang na nakaharap sa kanya. Nasa likod nito sina Misagh at Amani na parehong nakatingin din sa kanya.

            Huminga siya ng malalim. He needed to talk to Amani after the training. Hindi na niya patatagalin pa iyon, tatapusin na niya ang pagdurusa ng puso niya kahit na gaano pa ka-corny ang labas niyon para sa ibang tao. Sa ngayon, kailangan muna niyang mag-focus sa training para sa nalalapit na Singapore cup. Para hindi ako maalis sa first eleven at hindi manganib ang spot ko sa national team.

            With that in mind, he walked towards his teammates.

IGINALAW-GALAW ni Lia ang ulo para kahit paano ay mawala ang ngalay na nararamdaman niya. Nang sulyapan niya ang wall clock ay napabuntong hininga na lang siya. Alas siyete na ng umaga, ang ibig sabihin ay sampung oras na siyang hindi tumitinag sa pagtipa sa laptop.

            At least, nakatapos ako ng trabaho. satisfied na sagot niya sa isip. Bihirang mangyari ang makatapos siya ng nobela sa iisang upuan lang. Iiwan muna niya iyon ng ilang araw bago niya balikan para i-edit. Niluluobs-lubos lang naman niya ang pagkakataon na wala siyang maisulat na movie-worthy na istorya. Pakiramdam niya ay pang-libro lang ang mga naisusulat niya. Isa pa, wala pa naman tumatawag sa kanya para muling kunin ang serbisyo niya.

            Pagkatapos patayin ang laptop ay tumayo siya at naginat-inat. Ang alam niya ay ngayong araw ang huling training nina Amani sa RMS at bukas ng umaga ang alis ng mga ito papuntang Singapore. Sinasama nga siya ng kaibigan pero hanggang nang mga sandaling iyon ay hindi pa din siya makapag-desisyon kung tatanggapin niya ang alok nito. Dahil kung sakaling hindi siya sasama, iyon ang magiging unang pagkakataon na mawawala siya sa isang international game ng Stray Wolves.

            Ang sabihin mo, dahil kay Omid kaya hindi ka makapag-desisyon kung sasama ka. panunudyo ng isang bahagi ng isip niya.

            Napabuntong-hininga siya at napailing-iling. Kahit na anong pagkalimot ang gawin niya ay pumapasok pa din si Omid sa isip niya. Kahit nga nagta-trabaho siya ay ito pa din ang naiisip niya. Kaya ang nangyari, ito ang naging hero sa katatapos lang na nobela na naisulat niya. Syempre pa, siya ang heroine. Hindi nga lang pangalan niya ang ginamit dahil baka may makabasa niyon na nakakakilala sa binata. Malilintikan pa siya.

            Paglabas niya ng silid ay dumeretso siya sa kusina. Kumuha lang siya ng kabibili lang niyang yogurt bago dumeretso sa sala at umupo sa sofa. Wala siyang ganang mag-heavy breakfast kaya iyon na lang muna ang kakainin niya. Mayamaya na siya matutulog para siguradong walang mangi-istorbo sa kanya.

            Ngunit hindi pa siya nakakatagal sa pagkakaupo ay narinig na niya ang pagkatok sa pinto. Napasimangot siya. Hindi pa siya nakakatulog at nakakakain. At ang aga-aga pa, may mambubulabog na agad sa kanya. Sana lang ay hindi sina Iyah at Elyza iyon kundi ay makakatikim talaga ng pagmamaldita ang mga ito mula sa kanya.

            Siguradong hindi si Amani iyon dahil magtutuloy-tuloy naman ito ng pasok kung sakaling ito nga ang kumakatok. At kung isa iyon sa mommy niya at kay Leo, siguradong magi-ingay na iyon sa labas at tatawagin nang walang humpay ang pangalan niya.

            Nang mabuksan ang pinto ay animo nalunok niya ang dila dahil walang salita ang gustong lumabas mula doon. Dahil ang taong nasa labas ng bahay niya ay walang iba kundi ang lalaking gusto na niyang kalimutan. Ang lalaking hindi niya akalaing magugustuhan niya sa napakaikling panahon lang na nakilala niya ito. Ang lalaking kauna-unahang minahal ng puso niya at siya ring nagdulot ng sakit doon. Kahit na ba hindi ito aware sa ipinaramdam nito sa kanya.

            “Good morning, Lia. Naistorbo ba kita?” tagilid ang ngiting bati nito sa kanya.

            Hindi siya makagalaw, kahit nga ang kumurap ay hindi niya magawa dahil baka kapag ginawa niya iyon ay bigla na lang itong mawala sa harap niya.

            “Are you okay? Do you want me to call Amani for you? Or sign ba iyan na ayaw mo akong makita o makausap? Puwede naman akong umalis na lang kung ayaw mo akong nandito.” Nang mga sumunod na sandali ay paga-alala na ang nakikita niya sa guwapong mukha nito.

            Nang wala pa din itong makuhang reaksiyon mula sa kanya, marahil ay inakala nitong ayaw nga talaga niya itong makita o makausap kaya walang salitang tumalikod ito at nag-umpisang maglakad palayo sa kanya.

            Agad namang nataranta ang sistema niya. Pakshit, iyon lang pala ang paraan para bumalik ako sa huwisyo. Ang abnormal ko talaga.

            “Wait, Omid! You can come inside!” sigaw niya sa binata, hindi pa din umaalis sa kinatatayuan sa may pintuan.

            Agad naman itong bumaling sa kanya, may pagkagulat na nakarehistro sa mukha. Isang alanganing ngiti lang ang ibinigay niya dito ‘tsaka nilakihan ang pagkakabukas ng pinto. Kung ano man ang sadya nito sa kanya ngayon, sana hindi maging dahilan iyon para lalo lang siyang masaktan. Besides, hindi naman nito alam kung ano ang talagang nararamdaman niya. Kaya makakapag-pretend pa siya.

            Aja, Liandra! Kaya mo iyan! Makaka-move on ka din!

ANIMO may mga anghel na lumilipad-lipad sa paligid dahil sa katahimikang namamayani sa pagitan nina Lia at Omid. Hindi nga lang alam ni Lia kung ilang minuto na silang nasa ganoong situwasyon.

            Mayamaya ay tumikhim si Omid kaya nabaling dito ang tingin niya. Nakatingin ito sa kanya, may paga-alinlangan sa mga mata.

            “So…” ano nga ba ang gusto niyang sabihin? Niyaya niya itong pumasok sa bahay niya para lang magpakiramdaman sila. Hindi dapat nasasayang ang oras nito o ang oras niya. Hindi pa siya natutulog at alam niyang may training pa ito. Mabuti nga at hindi pa nagpaparamdam si Amani.

            Bumuntong-hininga naman ito bago tumayo sa bean bag. Napalunok siya at napakagat sa loob ng ibabang labi nang makitang nakatingin ito sa kanya. Bigla ang consciousness na naramdaman niya nang umupo ito sa tabi niya sa sofa. Naalala kasi niyang hindi pa nga pala siya naliligo o nagsusuklay man lang. Baka maamoy siya nito kahit na hindi naman siguro siya nangangamoy.

            “I just want to say sorry, Lia. Hindi ko alam na ako lang pala ang magsa-suffer sa bandang huli sa kagaguhang pinaggagagawa ko.” panimula nito.

            Muli siyang napalunok. Ano ba ang inihihingi nito ng tawad? Ang bigla bang pag-iwas nito sa kanya? Ang pagkakaroon ba nito ng kasintahan kahit na ba hindi naman matatawag na kasalanan iyon dahil wala naman silang relasyon? Kahit na ba nasaktan siya sa nakitang pakikipag-lambingan nito sa ibang babae, hindi naman nito alam iyon at sigurado siyang hindi sasabihin ni Amani iyon dito.

            “Bakit ka nagso-sorry? Anong kasalanan mo sa’kin?” kaswal na tanong niya kahit na sobrang bilis at lakas na ng kabog ng dibdib niya. Kahit minsan ay hindi niya naisip na mararanasan niya ang mga bagay na nararanasan ng mga characters niya sa mga nobela.

            “I’m sorry dahil iniwasan kita. Ang akala ko kasi ay kaya kong lumayo sa’yo at takbuhan ang nararamdaman ko. Hindi ko din kasi na-realize na sobrang lalim na pala ng nararamdaman ko para sa’yo. Natakot akong masaktan kung sakaling itaboy mo din ako sa buhay mo pagdating ng panahon. And when Amani talked to me, I thought that avoiding you will make things better.”

            “Amani talked to you? When? And why?” nagtatakang tanong niya. May hindi ba siya alam na alam ng mga ito?

            “Yeah. Tinanong niya sa’kin kung ano ang intensiyon ko sa’yo. At dahil naduwag ako, sinabi kong magkaibigan lang tayo at wala siyang dapat na ipag-alala.”

            “Magkaibigan lang naman talaga tayo, hindi ba?” napailing-iling siya. “Sumasakit ang ulo ko sa mga sinasabi mo, Omid. Puwedeng isang bagsakan na lang kung ano man ang gusto mong sabihin? Alam mo kasi hindi pa ako natutulog at —“

            “I love you, Lia! So much that it hurts just looking at you not looking at me at all.”

            Nalunok yata ni Lia ang dila niya dahil sa sinabi ni Omid. Hinawakan nito ang mga kamay niya at hinuli nito ang tingin niya. Kulang na lang ay maduling siya dahil sa pagkakalapit ng mukha nila sa isa’t-isa. Parang lalabas na nga sa ribcage ang puso niya dahil sa bilis ng tibok niyon.

            “I’m serious of what I’m saying, Lia. Hindi pa ako nakakaramdam ng ganito katinding damdamin para sa isang babae. Kaya nga natakot ako dahil alam kong madami ka ding pinagdadaanan. Hindi ko alam kung ano ang kahahantungan ng pagtatapat kong ‘to sa’yo pero susugal na ako kaysa naman matakot ako habang buhay. Pero sinasabi ko sa’yo, hindi ako lalayo sa’yo kahit na tanggihan mo ang nararamdaman ko.”

            Huminga siya ng malalim. Masyado siyang nao-overwhelm sa mga sinabi nito. At nakita naman niya sa mga mata nito ang sinseridad at determinasyon tungkol sa sinasabi nito. “I understand what you’re saying, Omid. Pero puwede bang i-process ko muna ang lahat ng iyon ‘tsaka ko ibibigay ang sagot ko sa’yo? Hindi pa talaga kasi makapag-process ng maayos ang utak ko eh.” Hindi niya mapigilan ang ngiting sumilay sa labi niya nang bumagsak ang balikat nito.

            “Aalis na kami bukas papuntang Singapore. Tatlong araw din kaming mawawala. Ang ibig sabihin lang niyon ay tatlong araw kong hindi maririnig ang boses mo o makikita ang mukha mo—“

            “I love you, too. Puwede na sigurong pabaon iyon para kahit paano, ma-inspire ka sa paglalaro mo sa Singapore. And just so you know, kasama akong pupunta doon para mag-cheer sa inyo.” wika niya pagkatapos ay ngumiti ng matamis.

            Kitang-kita niya nang matigilan ito at pakurap-kurap na nakatingin sa kanya. Pinisil lang niya ng mahigpit ang mga kamay nito. “Wala ka bang sasabihin man lang?”

            Bumuka ang bibig nito ngunit agad naman nitong itinikom iyon. Mukhang nakagat nito ang labi nito. Napapalatak tuloy siya. Sinubukan niyang alisin ang pagkakahawak nito sa mga kamay niya habang tumatayo ngunit agad na hinigpitan nito ang pagkakakapit doon. “Where are you going?” nagpa-panic na tanong nito.

            Nagkibit-balikat lang siya.

            Agad naman itong kumilos at bago pa niya malaman ang susunod na gagawin nito ay niyakap na siya nito ng mahigpit. At dahil hinila nito ang mga kamay niya ay napaupo siyang bigla sa kandungan nito.

            “You don’t know how happy I am right now. Pakiramdam ko, sasabog ang puso ko sa sobrang sayang nararamdaman ko. Ngayon lang ako nagmahal ng ganito at hindi ko inasahan na pareho pa tayo ng nararamdaman para sa isa’t-isa.” Ibinaon nito ang mukha sa pagitan ng leeg at balikat niya pagkatapos ay bigla na lang niyang naramdaman ang paggalaw ng mga balikat nito.       

            “Hey! Are you crying? Seriously?” ano ang nakakaiyak sa situwasyon nila ngayon? O tears of joy ba iyon?

            Nang mag-angat ito ng ulo ay tumatawa na ito. “Kailangang malaman ni Amani ang nangyaring ‘to sa’tin. Siguradong magiging masaya siya para sa’tin.” Excited na inalis siya nito sa kandungan nito pagkatapos ay tumayo na sila. Muli siya nitong niyakap ng mahigpit at sa kabiglaan niya ay binigyan siya nito ng mabilis na halik sa labi. “Let’s go, baby.” yaya nito sa kanya.

            ‘Tsaka lang siya natauhan nang sa wakas ay mabuksan na nito ang pinto. Hinila niya ang kamay mula dito. “Huwag muna nating istorbohin si Amani. Ang bilis lang yata ng mga pangyayari. At isa pa, may kasalanan ka pa sa’kin. Mahal mo naman pala ako pero nag-date ka ng ibang babae. Sabihin mo nang masama ako pero hindi ka man lang marunong pumili, may deadly weapon pa ang naisipan mong i-date.” Bumalik siya sa pagkakaupo sa sofa at isinandal ang ulo sa headrest niyon ‘tsaka pumikit.

            “About the girl that you’re talking about, sinubukan ko lang naman makipag-date sa ibang babae. Gusto ko lang patunayan sa sarili ko na kaya kong magkagusto sa iba. Pinipilit ko nga na maging masaya sa kanya pero hindi ko talaga kaya. Kasi hindi lang siya ang niloloko ko kundi pati ang sarili ko.” Naramdaman niya ang pag-upo nito sa tabi niya ngunit hindi siya nagmulat ng mga mata. “At ano ang mabilis na sinasabi mo? We loved each other, right? So, we should tell Amani that we’re together now.”

            Bigla siyang dumilat at bumaling dito, salubong ang mga kilay. “Wait, together? Tayo? Aba, hindi mo pa nga ako nililigawan tapos akala mo tayo na?” inungusan niya ito. “Manligaw ka muna. Dalagang Filipina pa din naman ako kahit na ganito ako. Gusto ko din maranasan ang suyuin.”

            Pabagsak na umupo ito sa tabi niya at inihilig ang ulo sa balikat niya. “Of course, I’ll do that. Because you deserved to be wooed. Excited lang akong sabihin kay Amani ang mga nangyari sa’tin. Ang mga inamin natin sa isa’t-isa. Gusto ko lang malaman niya na may katulong na siyang maga-alaga sa’yo dahil nandito na ako at hindi na ako muling lalayo sa’yo.” naglalambing na paliwanag nito.

            Awtomatikong lumuwang ang ngiti niya. Mukhang tama nga siya ng lalaking minahal. Kasing tatag ng sapak sa utak niya ang sapak ng lalaking ‘to. Talagang magkakasundo nga sila.

            Lalong lumuwang ang ngiti niya nang biglang may maisip. Umayos siya ng upo kaya napilitan din itong umayos ng upo. Hinarap niya ito at tiningnan ng mataman. “I have a deal for you.”

            Ito naman ang nagsalubong ang mga kilay. “And what is that?”

            “Kapag naka-goal ka sa Singapore Cup, papayag akong magpaligaw sa’yo. Pero kapag hindi…” nagkibit-balikat siya. “Magdusa ka muna ng mga… two months bago kita payagang manligaw.” Pigil na pigil niya ang mapangisi. Kapag tinamaan ka nga naman ng kabaliwan.

            Tinaasan lang siya nito ng isang kilay bago itinaas ang mukha at sinalubong ang tingin niya. “Deal!” mayabang na pagpayag nito. May aroganteng ngiti sa labi.

            She smirked. Mukhang malakas ang loob nitong tanggapin ang hamon niya dahil naniniwala itong kaya nitong maka-goal sa laban ng team nito. Well, malaki naman ang tiwala niyang magagawa nito iyon. Sisiw lang ang pagsubok na ibinigay niya dito.

            “Deal!”

            Umisod ito palapit sa kanya at hinapit ang baywang niya palapit sa katawan nito. Nahigit niya ang hininga nang magkalapit ang mga mukha nila. Hindi talaga siya masanay sa mga ganoong scenarios sa pagitan nila ni Omid. “Kapag nanalo ako, papayag kang magpaligaw sa’kin at kailangan mong sumama ng date sa’kin.”

            Napalunok siya. Alam naman na niya ang sagot sa tunog-utos na deal nito. Dahil bago pa man siya makapag-desisyon ay nakasagot na ang puso niya para sa kanya. Kaya sa halip na sumagot ay tumango na lang siya.

            Hinalikan nito ang tungki ng ilong niya. “Very good, baby girl.” bulong nito pagkatapos, unti-unting inilapit ang mukha sa kanya. “Hindi ko alam na may itinatago ka pala na pagiging laitera.” natatawang bulong nito, dumadampi na sa kanyang mukha ang init ng hininga nito.

            Napapikit na lang siya dahil alam na niya kung ano ang susunod na mangyayari ngunit biglang naistorbo ang moment nila nang makarinig sila ng malakas na tikhim. Agad silang naghiwalay at halos sabay pa silang napatingin sa pinto.

            Ang nakakunot-noong si Amani ang nandoon. “Care to tell me what the hell is going on? Anong ginagawa mo kay Lia?” matalim ang tingin kay Omid na tanong nito.

            Tumayo naman si Omid at nilapitan ito. “I want to tell you that Lia is already mine. Officially.” deklara nito, hindi alintana ang masamang tingin ni Amani dito.

            Tumango-tango ang kaibigan niya at bago pa niya malaman ang susunod nitong gagawin ay nabigyan na nito ng isang malakas na suntok si Omid. Napasigaw siya at agad na dinaluhan ang binatang natumba sa sahig. “Bakit mo ginawa iyon?” galit na tanong niya sa kaibigan.

            “Para lang malaman niyang hindi ko siya sasantuhin oras na saktan ka niya ulit.” nakangising sagot nito pagkatatpos ay dinaluhan na din sila nito. Inilahad nito ang kamay sa nakahandusay na si Omid. “Welcome to the family, mate!”

            Tumawa lang ang binata at tinanggap ang pakikipag-kamay ni Amani bago umupo. “Thank you, mate.” Inakbayan siya nito at hinalikan sa sentido. “Don’t worry, baby. I won’t take it against him. Para sa’yo naman ang suntok na iyon. Mas nakadagdag pa nga iyon sa pagmamahal na nararamdaman ko para sa’yo.” kinindatan pa siya nito pagkasabi niyon.

            Hinampas niya ito sa dibdib. “Nakakainis ka. Mga sira ulo talaga kayo.” Pagkatapos ay tumayo na siya. Namaywang siya sa harap ng dalawang lalaki. “Umalis na nga kayo at pumunta sa training ninyo. Matutulog na ako, nakakainis kayong dalawa.” Tuloy-tuloy na sabi niya bago dere-deretsong nagmartsa paakyat sa ikalawang palapag.

            “See you later, Liandra.” sigaw ni Amani.

            “I love you, Lia. See you later, baby girl. Dream of me.” pahabol naman ni Omid.

            At malapad na ang ngiti niya nang maisara ang pinto ng kanyang silid.

            Well, it feels good to be in love.

-WAKAS-

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11