KABANATA 2
Tahimik akong naglalakad paakyat sa aming lugar, matataas na puno at talahib sa isang gilid habang sa kabila naman ay mga dikit dikit na bahay na gawa sa mga sira sirang kahoy at mga trapal, kokonti lang ang may mga maayos na tirahan na gawa sa plywood o kaya naman ay gawa sa bato.
“Oh, Sola ginabi ka na ng uwi ah? Nakipag-date ka siguro no?”
Tanong ni Aling Mira sa akin dahil hapon na masyado, nakapameywang pa siya at nakatingin sa akin. Nginitian ko lamang siya, isa sa mga chismosa dito sa amin. Minsan ayaw ko nalang patulan ang mga tanong niya dahil kinaumagahan ay iba pa din naman ang ipamamalita niya tungkol sa akin at sa pamilya ko.
Dire-diretso lang ako naglakad paakyat sa amin, Oo. Di kayo nagkakamali, kasalukuyan kaming nakatira ngayon sa isang squatters area, at halos 13 years na kami dito. Gusto ko nang umalis sa lugar na ito, dati ko pang sinasabi kina Mama at Papa na hindi ko gusto dito at nakakahiyang tumira dito kung may lupain naman kami sa Antipolo. Pero lagi lang nilang sinasabi na mas okay daw dito dahil tahimik.
Kailan pa naging tahimik ang lugar na ito? Eh takbuhan nga ng mga addict, magnanakaw itong lugar namin. Tapos madami pang chismosa at inggiterang kapitbahay, kung magtatanong kayo kung saan napupunta ang mga napapanalunan ko sa mga competition, binibigay ko iyon kay Mama, nilalagay niya sa bangko para sa pang-kolehiyo ko.
Natanaw ko na ang pulang gate, na kadugtong nang aming tindahan at ang terasa ng bahay namin, di kalayuan sa tindahan namin ang bahay namin. Agad akong sinalubong ng dalawa kong aso at masaya ko naman silang hinimas at nakipaghabulan pa sa kanila papasok ng bahay. Nadatnan ko silang kumakain na ng hapunan, napatingin ako sa aming orasan, 6:30 na pala.
“Dyan ka na pala Sol, magbihis ka na at kumain na dito.” ani Mama sa akin at uminom ng tubig.
Tinanguhan ko lang siya at agad na dumiretso sa kwarto ko para magbihis, nang matapos ay dumiretso na ako sa sala kung saan nila nai-set ang hapag, di ko alam kung bakit hindi kami sa kusina kumakain pero dahil siguro nanonood si Mama palagi ng balita ay dito na nakasanayang kumain.
“Ate, paturo ako mamaya sa World Literature namin?” ani Joseff sa akin.
“Sige pagkatapos kong kumain.” ani ko at umupo para makakain. Hindi pa naman ako gutom pero gusto kong kumain dahil nakakapagod ang araw na to.
“At maghugas ng pinggan” dagdag niya. Sinamaan ko siya ng tingin.
“Ako ba ngayon naka-toka?” medyo inis kong tanong.
“MWF ka ah?” aniya at pinanlakihan ako ng mata. Sumimsim ako sa aking tubig at tinaasan siya ng kilay bago sumenyas na okay sa kanya.
Si Mama ay busy na kay Bella ngayon na masayang naglalaro sa crib niya, apat kaming magkakapatid, si Kuya ay nasa 3rd year na niya sa criminology, tas ako, tapos itong si Joseff na grade 7 na ngayon at si Bella na 3 years old na.
Nang matanaw ko si Kuya na binubuksan ang aming gate ay agad akong napatayon at kinawayan siya, he raised his middle finger in the air while eating his favorite vanilla ice cream, umirap ako sa ere and sticked my tongue out to him, narinig ko naman si Joseff na tumawa sa aking tabi dahil nakita niya ang asaran namin ni Kuya JJ mabilis ko siyang binalingan at sinamaan ng tingin.
“Kumain ka ng kumain dyan!” ani ko at muling ipinagpatuloy ang pagkain.
“Oh, JJ nandyan ka na pala, magbihis ka na at kumain na. Kamusta ang exam niyo?” tanong ni Mama kay Kuya.
“Mahirap…” he said and agad na dumiretso sa kanyang kwarto.
Bumaling sa akin si Mama at nagkibit balikat nalang, nauna na mag-start ang school year nila kuya, and crucial na din dahil 4th year na siya sa Criminology ngayon may mga times na umaalis siya dahil may camp sila madalas inaabot ng dalawang linggo ang training nila at may mga pinupuntahan na mga camp para mahasa yung shooting skills at mapping skills nila sa field, medyo dalawang linggo lang naman ang tinatagal noon. May mga uniporme na din sila ngayon na pinapagawa mukhang may parating na OJT na and maa-assign na si Kuya sa mga Police Posts.
Nang matapos siya sa pag-aayos ng sarili ay agad na umupo sa tabi ni Mama para makisalo na din sa hapag, habang si Mama sa tabi niya ay busy sa kakapakinig ng balita at pag-aasikaso sa makulit kong kapatid na si Bella.
“Kuya, ML tayo mamaya!” pagyaya ni Joseff kay Kuya.
“Hoy, gawin mo muna mga homeworks mo bago laro, mamaya yung mga heroes na sa ML yung masagot mo!” patutya ko sa kapatid na ngayon ay nakabusangot na ang mukha sa akin.
“Eh ikaw, kamusta na practice niyo?” tanong sa akin ni Kuya. “Pasensya ka na di ako nakapanood, pero nakita ko na ang video sa facebook, galingan mo pa.” ani Kuya sa baritonong tono at nagsimula nang kumain.
Wala kasi si Kuya noong nag-perform kami at nanalo, he was out and on training. I smiled at him and tumango tango pa. I know that I did very well sa last na performance ko and I will do much better sa next pa.
“Syempre ginalingan ko talaga!” ani ko proud na proud sa sarili.
“Pero ang pangit talaga ang make-up mo ate, mukha kang si dracula, di bagay sa shining shimmering mong damit!” nakabawi si Joseff at nagsimula na sa kanyang pang-aasar. “Pang la opera yung make up mo e, ang kapal masyado nung eyeshadow. Di na compliment yung mukha mo hahaha!” he then laughed.
Mabilis ko siyang binatukan, pinandilatan ng mata at inirapan dahil sa inaasal niya.
“Sol! Itigil niyo nga ‘yan nasa hapagkainan tayo.” ani ni Mama.
“Okay lang naman, accompanist ka kaya hindi gaanong pansin, malamang kay Zeer lahat ng mata dahil siya yung nasa harapan diba? Hindi ka naman siguro napahiya dahil sa make up mo,” Ani kuya at bumaling kay Mama bago nagsalita, “Bakit naman kasi si Aling Marites ang pinili mong mag make up dito kay Sola, Mama? May naipon naman na pera ‘yan kasasali sa mga contest, para namang tinitipid mo itong si Sola.” komento ni Kuya at muling pinagpatuloy ang pagkain niya.
Agad ko namang nakita ang pagkailang ni Mama dahil sa sinabi ni Kuya habang, nakatingin ako sa kanya at nang magtama ang tingin namin ay nagpakita siya ng pagkadismaya dahil doon at para bang nalulungkot din.
“Narinig kasi nitong si Marites na naghahanap ako ng magm-make up kay Sola eh sabi niya yung anak niyang dalaga ang daming make up at marunong naman daw kaya di na ako lumayo pa, sabi ko pagmukhaing fierce itong si Sola.” Ani ni Mama in an apologetic tone.
Hinayaan ko nalangl, inaalala ang araw ng laban namin noon, naalala kong sinabihan din ako ni Zeer na hindi tugma ang make up ko sa soot kong damit, that I look completely wrecked kaya naman ginawan niya ng paraan na mabawasan manlang ang kapal ng eyeshadow ko nang araw na iyon.
“Sino ba naman kasing siraulo magc-combine ng violet sa black? Ano bang klaseng emphasis sa mata mo ang ginawa netong nag make up sayo?” Zeer said half-pissed while rubbing some wet wipes sa talukap ng mga mata ko.
“Ewan ko ba, sinabihan ko na din na bawasan pero mas maganda daw na matapang ang itsura dahil mahuhulas daw kapag pinagpawisan na tayo.” I said in a low tone dahil alam kong papagalitan niya lang din ako habang inaayos ang make up ko.
“Tsaka yung totoo? Pinapanget ka lang niya, hindi bagay sayo ang masyadong matapang na make up dahil strong na ang features ng mukha mo, you look like someone performing La Opera eh, paniguradong hindi naman talaga marunong mag makeup ang gumawa nito!” he lamented and bumuntong hininga ng ilang beses at patuloy na inaayos ang eye make up ko.
Well, at the end it turn out pretty enough mabuti nalang talaga at binawasan niya kung hindi ay parang naninindak na ang looks ko sa stage, nakakahiya din sa mga photo op kung sakali.
“Fierce, eh sa sobrang fierce nung look ni Ate nakakatakot na siya tignan e!” Ani Joseff.
“Ganoon ba talaga kapangit?” tanong ko at tinitigan ang natitirang pagkain sa aking pinggan.
“Oo panget ka na nga, pinapanget ka pa!” ani Joseff at mabilis na tumayo.
Sinundan ko lang siya ng tingin at muling pinagpatuloy ang pagkain. Hinayaan ko nalang din sila, nang matapos kumain ay pinagpatuloy ko na ang mga dapat kong gawin, matapos mag hugas ng pinggan ay agad akong dumiretso sa kwarto at doon naabutan ko si Joseff na nakikigamit ng study table ko.
“Ate tumunog pala cellphone mo,” aniya kaya naman mabilis ko iyong kinuha at agad na dumiretso sa aking kama at binasa ang message ni Sophie.
Sophie:
Sola, may group chat na kayo? Nagpost na yung page ng SHS para ma-add na, naimention nalang kita para ma-add ka na ng mga classmates mo.
Natigilan ako, kailangan ko pang pumunta sa pinakamalapit na computer shop para i-check yun okaya manghiram nalang kaya ako kay Kuya? Mabilis akong umahon sa pagkakahiga at hinanap kaagad si Mama, nasa sala pa din siya kasama si Kuya na nanonod. Nahihiyang lumapit ako, nakita ko si Kuya na busy din sa kanyang cellphone habang nanonood sa tv.
“Kuya may load ka pang internet?” tanong ko sa kanya.
“Wala, naka free data lang ako. Bakit?” tanong niya sa akin at binaba ang cellphone niya. At ang buong atensyon ay nasa akin na.
“Ah may group chat na daw kasi sa aming klase ba doon mag announce at magbigay ng ibang school materials titignan ko lang kung nakasali na na ba ako.” ani ko.
“Diba malaki ang napanalunan niyong premyo nung nakaraan kumpetisyon niyo? Mgakano nga ulit?” tanong niya sa aklin.
“50k kuya, pero hinati pa namin ni Zeer yon tapos binigyan namin tig 5k yung si Coach Ysa e, pasasalamat sa kanya ganon.” ani ko at nagsimulang magtipa sa de keypad kong cellphone, luma na iyon at minsan ay mabagal pang magbukas, minsan nagkakaroon din ng problema sa signal.
“Oh, edi malaki na ang ipon mo kung ganoon? Merong mga murang cellphone na touch screen dyan ah? Ma? Di wala ba kayong balak bilhan ng bagong cellphone itong si Sola? Lahat ngayon online na ginagawa, mahihirapan yan kapag walang cellphone na bago.” komento at rekomenda ni Kuya.
Nataranta naman si Mama dahil sa sinabi ni Kuya sa kanya, tumingin muna siya sa amin bago tumango at ngintian ako.
“Ganoon ba? Sige sa linggo bibili tayo ng bagong cellphone mo.” ani Mama sa akin, napangiti naman ako, sa wakas hindi ko na kailangang pumunta ng mga computer shop para gawin ang iba sa mga assignments ko.
“Sige po Mama, thank you po!” ani ko at tuwang tuwa na naglakad pabalik sa kwarto ko. \
“J, pasuyo ako isara mo na ang tindahan at gabi na, wala naman na sigurong bibili” rinig kong utos ni Mama kay Kuya.
Bukas nalang siguro ako makiki balita sa mga kaklase ko kung nasa gc na ba ako, baka maki-open nalang din ako sa mga cellphone nina Trina kung may announcement ba doon. Maaga akong nagising at nadatnan ko si Papa sa kusina na nag-aalmusal na. Alas singko-y-medya palang ah? Alam ko 8 am pa ang pasok ni papa sa work?
“Oh, Sola, anak kain ka na, nagluto na ako ng itlog tsaka hotdog, itimpla na ba kita ng milo?” tanong niya sa akin.
“Sige po papa, maliligo muna ako.” ani ko at dumiretso na ako sa sa cr. Mabilis din akong nakapag asikaso at nakapag bihis ng damit, kailangan agahan ko ang pag-alis dahil mahirap mag commute lalo na kapag umaga, maraming pumapasok sa trabaho at madami ding estudyante.
“Dahan dahan lang sa pagsubo, ano ba ‘yan nagmamadali ka ba?” tanong ni Papa sa akin habang sumisimsim siya ng sa kanyang tasa ng kape.
“Baka po kasi mal-late ako katulad ng kahapon, Pa.” ani ko at mabilisang inubos ang hotdog na huling natira sa aking pinggan.
Si mama ay nag-aasikaso ng baon namin, marahan siyang kumikilos habang pinapanood kaming kumakain. Nginitian ko siya, nakita ko kung ano ang ulam na baon ko at ni Joseff para sa eskwela, pininyahang manok ang ulam, naglagay din si Mama ng isang laga na itlog sa akin at pinuno na ng tubig ang tumbler ko, nilagyan niya din ako ng isang choco bar at inilagay na iyon sa maliit kong lunch bag.
“Sola, pagising naman ako kay Joseff ha, baka malate din ang isang iyon sa eskwela, ayos na itong bao mo,” aniya at ipinatong sa ibabaw ng lunch bag ko ang isang daang piso. Ang magiging baon ko sa araw na iyon.
“Sige ho, Ma. Si Kuya?” tanong ko sa kanya,
“Mamaya pa ang pasok, alas nuebe.” aniya.
“Pwede kitang ihatid anak,” ani Papa habang binabantayan ang pagkain ko.
“Hindi na ho pa, ibang way ang school, magpapagod lang ho kayo tsaka baka ma-late ka din,” ani ko kay Papa at agad na inayos na ang sarili para makapag toothbrush.
“Osya sige, mag-iingat ka sa byahe ha.” paalala ni Papa sa akin.
“Pabili po!!!” sigaw mula sa labas.
“Anak, ikaw na muna ang magbenta mukhang nagising na si Bella,” ani Mama hindi na magkaundagaga sa pag-aasikaso sa amin.
“Ma, nasaan ang polo ko?” tanong ni Papa.
Kinuha ko na ang mga gamit ko at dumiretso sa tindahan, para mapagbentahan ang bumibili.
“Ano yun leng??” tanong ko.
“Ate Sola, isang balot nga ng balony.” aniya,
“45” ani ko at inabot sa kanya ang supot ng balony at sinuklian siya ng limang piso.
“Salamat,” aniya
Tinanguhan ko lang siya at nagmamadaling lumabas na sa tindahan.
“Ma, Pa! Alis na ako!” ani ko at nagmamadaling tumakbo palabas, malayo pa naman ang sakayan aabutin ako ng limang minuto bago makarating doon.
Inayos ko ang sarili at marahang naglakad sa boardwalk nang aming unibersidad, nilingon ko ang orasan ko at 6:35 am palang, maaga pa masyado pero mas mabuti na na maaga ako para di na mahirapan pa. Ngumuso ako, may naalala. Oo nga pala kailangan kong hiramin ang organ sa music lab, nakapag-paalam naman na ako kay Ma’am Cynthia. Hindi naman kasi kami pwede mag jam sa music room dahil may ibang college students doon na ginagamit iyon madalas, mga banda sa school. Siguro naman ay bukas na ang music room?
Dahan dahan akong kumatok at nagdadasal na bukas na sana, nagliwanag ang mukha ko dahil bukas na nga! Ang aga pa ah? Gulat sa nakita sa loob ay isang lalaki na nag-aayos ng electric guitar, bumaling siya sa akin and he awkwardly smiled at me. Ganon din ako sa kanya bago tumango.
“Nandyan na po ba si Ma’am Cynthia?” maliit na tinig kong tanong sa kanya bago pumasok sa loob ng room.
“Wala pa, pero iniwan niya na sa akin ang susi, maaga na kasi ang practice, may kailangan ka ba?” he asked in a cool tone.
Mnatangkad at maskulado, gwapo kung ako ang tatanungin, I analyzed his uniform, hindi siya SHS so nasa college na siya? Ngumuso ako at lumapit, iginala ko ang mata ko kung nasaan man ang organ na pinareserve ko kahapon.
“Nagpa-reserve ako ng organ, kukuhain ko lang sana.” nahihiyang saad ko sa kanya.
Tinitigan niya muna ako bago tumango at binaba ang inaayos niyang electric guitar, naglakad siya sa kabilang sulok ng room at may hinanap sa likod ng drum set, tahimik akong nakatingin sa kanya, wondering kung saang department siya.
“Hindi ka magp-practice sa piano? Nilinis ko pa naman ‘yon kahapon dahil bilin ni Ms. Cynthia na mag-eensayo ka kasama ang violinist mo.” he questioned while pulling the organ at marahang naglakad palapit sa akin.
Umiling ako at agad na kukuhain na sana sa kanya pero hindi niya iyon ibinigay sa akin at tinignan lamang ako. Lumunok ako at nagtaas ng kilay sa kanya.
“A-ah, may jamming sa room at gustong makita ng mga kaklase ko na tumugtog ako, mag-eensayo kami ngayong araw…” nahihiyang paliwanag ko.
Hindi ko alam kung bakit ba ako nagpapaliwanag sa kanya pero feeling ko kailangan dahil nga nakakahiya naman na siya ang naglinis noon. Kinabahan ako ng nakatingin lamang siya sa akin, binabasa ang bawat galaw ko. I awkwardly smiled at him and he nodded eventually.
“Mabigat, samahan na kita sa room mo.” aniya at hindi na nag-atubiling naglakad palabas ng room.
Aapila pa sana ako pero hindi ko na nagawa dahil bago pa ako makapagsalita ay nakalabas na siya ng room. Kaya sinundan ko nalang siya, sinabi ko na din kung ano ang room namin, hindi naman siya gaanong nagtatanong pero ng malapit na kami sa room ay nakita ko sa peripheral view ko na nilingon niya ako sa saglit bago kami tumigil sa pinto ng aming room.
“Anong oras?” tanong niya ng wala sa oras.
“Ha?” hindi nagproseso sa utak ko kung ano ba ang tinutukoy niya.
Inabot niya sakin ang organ at mabilis ko namang kinuha iyon sa kanya, gulat na napatingin sa kanya, hindi naman mabigat ah?
“Anong oras kayo magppractice?” tanong niya ulit, ngayon ay mas malinaw na ang tanong.
“Ah, hindi ko pa ala, depende sa kasama ko.”
“Sige,” then he turned around and started to walk away.
“T-Thank you nga pala!” ani ko at kumaway kahit na hindi naman siya nakatingin at hindi naman niya ako nakikita dahil nakatalikod siya at dirediretso lamang ang lakad palayo sa akin.
Pagbaling ko ay napabalikwas ako sa gulat at muntikan ko nang malaglag ang hawak na organ dahil kay Karl, he was staring at me, nakasandal sa pintuan at para bang na-aamuse pa siya nakita niya. I sighed heavily at napahawak sa dibdib ko, shit. Grabe kaba ko doon ah? Bat andito na siya?
Hindi ko nalang siya pinansin at dumiretso nalang papasok ng room, naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin.
“Uy ikaw ha, hinatid ka ng boyfriend mo?” he asked jokingly at me but it didn’t seem funny.
Bumaling ako sa kanya nang mauna siyang umupo, ipinatong ko ang organ sa harapang upuan bago inalis ang bago ko at isinukbit din iyon sa sandalan ng upuang nasa harapan ko.
“Hindi,” agap ko sa kanya, kapag may nakitang kasama ko boyfriend ko agad? “Ikaw. bat ang aga mo?” I asked back.
“Ikaw din, bat ang aga mo?” he asked and smiled at me. Nanatili akong nakatayo sa harapan niya, I can see that he just randomly wants to talk to me and ask questions if given a chance huh?
“Mahirap sumakay,” sagot ko ulit sa kanya.
“Same, mahirap din sumakay.” he uttered in a small voice.
Ngayon ay bumaling siya sa daladala ko kanina and stare back at me again. Nag-iwas nalang ako ng tingin sa kanya bago ako umupo sa upuan ko, this is awkward lalo na’t kami palang ang nasa room and magkatabi pa kami, kung lumipat kaya ako ng upuan? But, that won’t look nice on my part.
“Can you play now?” he asked and bumaling siya sa akin.
Sa gulat ko ay napalayo ang katawan ko sa kanya na para bang iniiwasan ko siya, shocked to my instance move he crooked a smiled and then laughed eventually.
“Okay ka lang? Bat parang gulat na gulat ka?” he ask, amusement was evident in his face.
I slowed my breathing, bakit ba parang ang sensitive ko ngayong araw na ito? I licked my lower lip and binalingan ang organ na nasa harapan ko. Tumango ako sa kanya at nagmamadaling tumayo at kinuha iyon. Natataranta, hinanap ko ang pinakamalapit na oulet.
“Sola, meron dito sa row natin. Eto oh” he said and pointed to the power outlet next to Ate Riz’ seat.
Tangina. So magkatabi kami habang tumutugtog ako? Inayos niya ang mga upuan at siya na mismo ang nagsaksak ng organ doon. I choose to sit to Yani’s chair para naman may distansya kami, dahil kung sa upuan ko ako uupo ay mahihirapan akong pumindot ng mga keys dahil mababangga ko siya.
“May request ka?” tanong ko sa kanya bago pindot ang C sharp, at sinundan pa ng ilang keys nag-iisip din ako kung ano bang magandang tugtugin.
“Fur elise,” he murmured in a serious tone.
Shocked to his choice I started playing the keys for fur elise, isa ito sa mga pinaka madaling piece and unang tinuturo bukod sa mga etudes.
“Do you know what the meaning of Fur Elise is?” I asked him while playing the piece, I glanced at him shortly and fixated my eyes on the keys.
“No, pero it’s a love song right?” he muttered.
I smiled, “A sorrowful one,” I said and played berserkly.
“Woah!” I heard him comment.
“It was composed and dedicated for Therese, they said, the girl who Ludwig Van Beethoven wants to marry, but for some reason, Therese didn’t marry him because the piece was named Fur Elise, meaning For Elise, that was the rumor, so it was a one sided love at all, they say..” I said and ended the piece.
Bumaling ako sa kanya and smile, he then gave me a warm smile also. I fidgeted on my fingers waiting for his comments and words to come out of his mouth.
“So dapat, Fur Therese?” he laughingly said.
Tumango ako dahil yun nga ang sabi, “Oo pero mali nang nalagay and instead of Therese, naging Elise.”
“Ang sad naman non, dahil lang dun? Hindi na siya pinakasalan?” He can’t stop and laughed again at the tragic idea Therese chose.
“That was a rumor, but the piece was a one-seded love.” I said and played with the keys again.
“You look good while playing, kumikinang ka.” he said, I snorted to what he said and giggled dahil sa joke niya, kumikinang? Ano lang dyamante?
Natahimik siya bago doon kaya naman bumaling ako sa kanya, he is seriously looking at me, awkwardly and uncomfortable to what he was doing, well, he’s just staring straightly at me as if he was looking at my soul, umiling ako.
“Guni-guni mo lang ‘yan.” I said jokingly, he was about to speak when one by one my classmates entered the room.
I feel queasy, mabuti na lang at may mga nagdatingan na and thanks to them, they saved me to my awkward situation, mabilis kong iiwasan ang tingin niya dahil alam kong may masasabi pa siya, naging busy nalang ako sa paglalaro sa ibang mga keys para hindi na siya makausap pa.
0 thoughts on “Sonata’s Memoir”