Download Story.

close

Sonata’s Memoir

Written By: foxybeee       |       Story Status: In-Progress
Posted By:
foxybeee

KABANATA 1

 

“Sige, for today yun nalang muna ang gagawin natin. Iiwan ko ang seatplan niyo dito sa desk. Bukas ay magkakaroon na tayo ng election para sa class officers okay? Iiwan ko na kayo para naman makapagkilanlan kayo sa isa’t isa.” ani Ma’am Laurel habang nakangiti at diretsa ang tingin sa amin. 

 

“Thank you Ma’am!” ani Jam mula sa likod. 

 

“Grabe pag maganda talaga adviser mabait e!” parinig ni Mark kay Ma’am Laurel, natawa naman si Ma’am dahil doon. 

 

“Naku! Mga mambobola pala ang nasa klase ko e!” humalakhal na saad ni Ma’am. “Osya! Enjoy the first day of being a Senior!” aniya at nagpaalam na sa amin. 

 

“Uy legit! Pianist ka?” agarang tanong sa akin ni Ate Riz, bumaling din sa akin ang ilan sa mga kaklase ko na nakarinig non. 

 

Agad akong pinamulahan ng mukha, ang pisngi at tainga ko ay nag-iinit na ngayon dahil sa atensyong nakuha dahil sa biglaang tanong ni Ate Riz, I smiled awkwardly at her at marahang tumango sa kanya. 

 

“Hala tugtugan mo kami ah?” aniya sa akin. I smiled and nodded again at her. 

 

“Kapag dinala ko ang organ, tutugtugan kita Ate…” ani ko sa kanya. 

 

“Maganda boses niyang si Ate Riz, pwede kayo mag-video at i-uupload natin sa Facebook!” ani Yanni na tuwang tuwa dahil sa plano namin. 

 

“May mga alam ka bang kanta ni Taylor Swift?” tanong ni Ate Riz hindi pa ako nakakasalita ay may sumingit na isa sa mga kaklase ko. 

 

“O kaya Shawn Mendes!” She beamed and smiled at me. Napakamot ako sa aking noo dahil onti lamang ang alam ko sa mga kanta nila. 

 

“Konti lang pero kaya ko namang aralin, gusto niyo bang mag jam?” ani ko sa kanila. 

 

The girl who requested Shawn Mendes squealed in excitement and held my hands, I was taken aback with what she did. Her hands are soft and warm, parang katulad lamang ng kamay ko. She smiled warmly at me. 

 

“I’m Danie by the way,” she muttered, her voice like a calming ocean. 

 

“Sola, you sing too?” tanong ko sa kanya. 

 

“Oo!” she answered quickly. 

 

“Ayon, pwede tayong mag jam, maybe on wednesday? I-mix nalang natin yung song na gusto niyo ni Ate Riz is that okay Ate?” I said and bumaling kay Ate Riz na nakatingin lamang sa amin. 

 

“Oo naman okay na okay lang sa akin!” she assured us and gave us a thumbs up with a big grin on her face. 

 

“Ayun, settled na. Can you tell me the song later? So I can study the sheets for the songs.” I added. 

 

“Uy! Grabe unang ganap ‘to ah!” ani Ate Riz. 

 

Naglapitan ang ilan sa mga kaklase namin dahil sa narinig nila. Lalo akong yumuko dahil nahihiya pa ako makipag-usap. 

 

“Weh? May Jam kayo sa wednesday? Ayos ‘yan, nood kami ah?” ani Vaugh.

 

Nag-angat ako ng tingin, nandoon na si Vaugh at si Ronald sa tabi niya nakatingin sa amin, nang magtagpo ang mata namin ay agad akong nag-iwas ng tingin doon. Kabado talaga ako kapag madaming tao sa paligid namin. 

 

“Congrats nga pala, Sola? Napanood ko yung laban niyo last week, yung kapatid ko kasi kasali.” ani Vaugh sa akin at napakamot pa sa kanyang ulo. 

 

Tinignan ko siyang maigi, nagkunot ang noo ko. Kapatid niya? Hindi ko kilala dahil halos lahat ng nandoon ay busy sa kakabisado noong mga piece namin. Lumunok ako at magsasalita na sana pero agad siyang nagsalita kaya pinakinggan ko nalang siya. 

 

“Idol na idol ka non e,” dagdag niya pa. “Next time picture tayo para iinggitin ko siya ha?” he said in a friendly way, tumango nalang ako dahil sa biglaan niyang desisyon. 

 

Well, a picture won’t hurt me naman so that’s okay. I don’t remember anyone that resembles him, why is that? I inhaled and exhaled, calming myself. Ang iba ay nakikipag kwentuhan yung iba naman ay umalis at mukhang kakain. 

 

“Uy guys okay lang ba? Ayusin na natin seating arrangement?” ani Gelo habang nasa podium at hawak ang isang papel, so I assume na yun ang seat plan namin. 

 

Sumang-ayon naman ang mga kaklase ko dahil sa sinabi niya, lahat kami ay dumiretso sa likod para mag-intay kung saan ang designated seat namin and then everyone was called, onti nalang kami, well, my surname starts with S so basically nasa likod na part na kami. Tinawag na si Ate Riz, she was placed in the last seat of the second row, onti lang pala din kami. Then the next on si Remie, the followed by my other guy classmates, mixed yung seat plan na ginawa ni Ma’am so may makakatabi talaga kami na mga lalaki. 

 

“Sacramento, Samaniego, Sevilla…” ani Gelo, “Dito sa left side,” he added. 

 

Napatingin ako kay kay Yanni she immediately intertwined our forearms at hinatak na ako papunta sa designated seat namin. Magkatabi kami at nasa harapan lang namin si Ate Riz, she waved at me and I smiled politely at her si Danie, at Jonathan ang katabi niya. 

 

“Hi, seatmate!” Ani Yanni sa nakatabi ko. Bumaling ako kay Karl na tahimik na kakaupo pa lamang sa tabi ko. 

 

“Hello!” He greeted Yanni warmly and bumaling akin, I batted my eyelashes on him, I don’t know why he’s looking at me. 

 

I can feel he’s eyeing me on my peripheral visions, nang may umupo sa tabi niya tsaka lamang ako bumaling and our eyes met again. I smiled at him while he smirked at me. 

 

“Hi…” he muttered in a soft tone. Lumunok ako bago nag respond sa kanyang sinabi. 

 

“Hi…” nahihiyang usal ko pabalik. 

 

Maya maya pa ay natapos na ang pag-aayos sa mga upuan namin. Tahimik lamang ako si Yanni naman ay busy sa paglalaro ng kung ano sa kanyang cellphone. May kanya kanyang buhay na ang mga kaklase ko. I feel so tense, nilabas ko nalang ang phone ko at nag scroll sa fb ng kung ano ano. 

 

“Ay grabe! Magkatabi pala yung mga bigtime satin no?” nag-angat ako ng tingin dahil nagsalita si Gelo. 

 

He looks friendly, and the way he talks is something you would pay attention talaga. Binaba ko ang phone ko, nag-iintay ng idudugtong niya dahil hindi ko alam kung ano ba tinutukoy niya. Well, I am considering myself a bigtime pianist virtuoso. 

 

“Aweh?” ani Ronnel na katabi ni Danie 

 

“Oo, etong si Sola e kilalang pianist, si Karl chess master diba? Tapos etong si Yanni gold medalist sa arnis, tapos etong si Eula naman panlaban sa mga tulaan.” proud na proud na saad ni Gelo. 

 

Napatingin ako kay Yanni. She was a gold medalist? She smiled at me na para bang hindi alam kung ano ang sinasabi ni Gelo. 

 

“Magkakilala kayo ni Yanni?” tanong ko kay Gelo. 

 

“Oo! Lumaban din ako arnis last year eh! Galing niyang si Yanni!” aniya pa at natawa tawa 

 

“Tigilan mo nga ako Angelo ha. Baka sapukin kita! Low key lang dapat!” aniya pa. 

 

The day goes by and everyone is getting closer and closer, I am happily sitting in my designated chair and watching everyone happily talking to each other. It’s so nice na halos nakahanap na sila agad ng set of friends na bubuo sa circle nila. And I guess, I have my own circle in the room. I have Yanni, Ate Riz, Avin, Ella, and Mari. 

 

Everyone is showing their own skills, everyone is asking one another to their own likes in dislikes and ganoon lang din ako, nakikinig sa mga pinag-uusapan nila. We are gathered in a circle, this is what high school is so fun. We get to talk about a lot of things on our first day, most of the time the proctors won’t meet us to get to know each other. 

 

“Kailan ka nag-start mag piano? May ibang instruments ka din bang marunong tugtugin?” tanong ni Ate Riz habang nakanguso. 

 

“A-Ah.. 6 years old siguro ako nun, I can play violin and drums but not that well…” ani ko and awkwardly smiled at me. 

 

“Feeling ko itong si Sola, madaldal e. Naiilang ka pa ‘no?” tanong ni Avin sa akin. He looks so nice and friendly. 

 

Ngumiti ako at marahang tumango, “Oo! Sa susunod, magsasawa na kayo sa mga kwento ko.” ani ko sa kanila. 

 

“May boyfriend ka ba, Sola?” tanong ni Ella sa akin, nanlaki ang mata ko. “Oh sino may jowa dyan, kwentuhan niyo naman kami.” dagdag ni Ella. 

 

“Eto naman si Ella, apaka chismosa!” natatawang ani ni Yanni sabay hataw sa balikat ni Ella. 

 

“Ako meron, 4 years na kami.” ani Ate Riz, wow. 

 

“Ay sana all!!” ani Arvin, “Pero mas nakaka-enjoy maging single.” 

 

And the stories went on and on. 

 

“Sola! Uwi na tayo!” Sigaw ni Sophie sa labas nang aming room. 

 

Tumango ako sa kanya at inayos na ang sarili ko, nilingon ko ang ilan sa mga kaibigan ko at naghahanda na din sila sa pag-uwi. Mukhang nasa labas na sila Trina at Zeer. 

 

“Bye, Sola!” ani Ate Riz at Yanni and they waved at me. 

 

I waved back and murmured my goodbye to them. Pagtayo ko ay bumaling ako sa katabi ko na nag-aayos din ng gamit niya, he was holding a sketchbook. I smiled as I was about to leave. 

 

“Goodbye, Sola.” Karl mustered and smiled at me. I was taken aback to his composure. 

 

“Oy! Sola, bye bye!” ani Vaughn sa aking likuran kaya naman binalingan ko siya. 

 

Muli kong nilingon si Karl and he was still smiling at me sa tabi niya ay si Eula na nakangiti din sa akin, I smiled at them and tinanguhan sila. 

 

“Bye, ingat kayo sa pag-uwi.” ani ko sa kanila. 

 

“Ikaw din!” ani Eula sa akin and smiled  brightly. She’s pretty. 

 

I waved at Vaughn and smiled at him. I headed straight towards my friends. They were all grinning at me. Hindi ko nalang pinansin ang mga mukha nila, ayokong ma-issue sa unang araw ng class, i glance at my wristwatch and saw that it was exactly 4 o’clock. Agad akong inakbayan ni Trina at si Sophie naman ay nasa tabi ko habang si Zeer ay nasa likuran namin. 

 

“Nagugutom ako, kain tayo!” ani Trina habang hinihimas himas pa ang tiyan niya. 

 

“Lagi ka namang gutom” komento ni Sophie sa gilid ko. At nagpaypay pa.

 

Ngumuso ako, hindi din ako nakakain ng maayos kanina dahil puros kwentuhan lang naman ang ginagawa namin. Nadala kami masyado sa mga kwento ni Angelo tsaka ni Ronnel, tapos puros tawa lang ginawa namin kanina. Magulo na din masyado ang ilan sa mga kaklase naming lalaki. 

 

“Tumahimik ka dyan baka masapak kita, gutom ako.” seryosong usal ni Trina. 

 

Kahit kailan talaga pagdating sa pagkain, walang kaibi-kaibigan dito kay Trina. 

 

“Merong bagong tayong lugawan dyan sa labas, gusto niyo dyan nalang?” suggestion ni Zeer sa amin. 

 

“Uy bet! Try natin!” Ani Trina at nagmamadaling naglakad sa hallway, 

 

“Magdahan-dahan ka, baka madapa ka. SPG lang?”  ani Sophie, bumaling ako sa kanya. Nagkunot ako ng noo sa kanya. 

 

“May regla ka ba ngayon, Sophie?” tanong ni Zeer dahil mukhang badtrip ang isang ito. 

 

Hindi siya umimik at dire-diretso lamang ang lakad. Sinundan lang namin siya hanggang sa makalabas na kami ng school, panay ang pakiramdaman naming tatlo dahil minsan lang ma-badtrip itong si Sophie, baka sa kakaaway nila ni Trina kaya nabadtrip ang isang ito?

 

“May ginawa ka bang di maganda kanina?” tanong ko kay Trina. 

 

“Wala ha. Pagkatapos nung harutan namin kanina sa room niyo di na ulit kami nang-inis sa isa’t isa. Basta, ngayong hapon bigla nalang badtrip ‘yang gaga na ‘yan.” ani Trina habang nakahawak sa phone niya. 

 

“Gutom lang ‘yan. Ikain nalang natin,” at mabilis na hinabol si Sophie mukhang kakausapin niya.

 

Nginitian ko nalang si Trina dahil alam kong mababadtrip din ang isang ito dahil gutom, at madalas ay di maganda talaga ang lumalabas sa bibig niya kapag may mga bagay siyang hindi niya nagugustuhan. 

 

“Halos di din ako nakakain kanina, daming kwento ng mga kaklase ko.” paunang sabi ko. “Kayo ba?” I tried to sound interested, kahit pagod na din ako. Na-drain masyado ang energy ko ngayong araw na ito. 

 

Pumalatak siya at nilabas ang phone niya, she showed it to me. I smiled when I saw that it was her Mom, Tita Rose, mukhang susuduin siya? Or may lakad sila. 

 

“Ang daming madaldal, wala naman bago. Sagutin ko lang si Mame.” aniya at agad na sinagot ang tawag. 

 

“Mame, nasa school pa ako.” aniya. 

 

“Hindi, nandito si Sola, Zeer tsaka Sophie, kakain muna kami sa lugawan Me,” dagdag niya pa natahimik siya saglit bago muling sumagot. “Sige, didiretso nalang ako sa clinic, sabay tayo uwi.” 

 

At binaba na ang tawag, bumaling siya at ngumiti sa akin. Kapag talaga mama niya ang kausap niya masayang masaya siya eh. I entangled my forearm in hers and carried her to catch up with Zeer and Sophie nagdadaldalan na silang dalawa. 

 

We chose to sit in a circle at umorder ng lugaw. Nang ma-serve na ay tsaka kami nagsignal-an sa isa’t isa pinakikiramdaman si Sophie, kahit na mukhang okay naman na siya. 

 

“So ayun nga, chika mo na Sophie.” ani Zeer habang humihigop ng sabaw. 

 

“Issue ka dyan” ani Sophie at sinubo ang siomai na kasama sa order niya. 

 

“Ikwento mo na yan bago ako mabadtrip sayo, tungkol ba ‘yan sa Jowa mo o sa ano?” tanong ni Trina sa kanya. 

 

Tumikhim si Sophie bago bumaling sa amin, sa akin siya nakatingin kaya naman alam ko na kung tungkol saan ang ikinabadtrip niya. Tumahimik nalang ako at kumain nalang ng lugaw, mukhang hindi ko pa mae-enjoy itong lugaw na ito ah? 

 

“Paano kasi, yung mga feeling untouchable na kaklase natin nung JHS, pinagchi-chikahan na naman itong si Sola kanina, wala ba silang magawa sa buhay nila?” ramdam ko ang pagkainis niya habang sinasabi iyon. 

 

Umirap siya ng ilang beses habang si Trina naman ay tumigil sa pagkain habang si Zeer ay nakikinig lang sa amin. 

 

“Ano ba sinabi? Ano narinig mo? Magkalayo kasi tayo ng upuan, kung ako nakarinig non baka sinupalpal ko mga bunganga ng mga babaeng ‘yon.” Ani Trina na mukhang badtrip na din ngayon. 

 

“Hanggang ngayon hindi pa din sila tumitigil sayo, Sola. affected naman sila masyado?” ani Zeer sa akin. 

 

“I don’t know. Nakalimutan ko na din mga nangyari nung JHS.” I murmured and focused on my food. 

 

Gusto ko nalang umuwi ng bahay. Tumahimik sila at kumain nalang din, actually to be honest hindi ko nakalimutan kung ano ang nangyari noong JHS. I was bullied horribly, because I was me. Because I was being me, out and proud. Tumikhim ako at humigop ng sabaw, hindi ko na maramdaman ang anghang netong lugaw ko dahil sa mga alaalang ayaw ko nang balikan. 

 

It all happened and started when I transferred here in 9th grade, it was when my family is in big debt and we are lost of finance and I need to transfer from a private school to a semi-private, because my Kuya is also taking his college and it’s too expensive and my Papa’s income is not  enough to support us in all aspects that is why I was pushed to change school, hoping for a new set of friends, I was naive and competitive at the same time and people are expecting something big for me because, I came from a private school, giving me names such as ‘brainy dapat kasi galing private’, ‘mayaman, galing private e.’ ‘prim and proper ba?’, ‘mukhang mahinhin’ and such but I did not meet those expectations. 

 

All I have is my brain, and passion for music and literature nothing more. Hindi ako mahilig makipag-kaibigan and limited lang ang kilala kong tao. I was so focused on music and I don’t really want to connect with the world. To be honest, I am a straightforward person, and I was too insensitive that time but it wasn’t my intention to hurt someone, way back JHS i have a natural high tone voice, my face is always in a resting bitch face and people tend to misunderstood the way I talk and react, that is when they chose to turn their backs on me instead of getting to know me better and started gossiping about my life and what i do. 

 

“Wala ka namang ginawang masama sa kanila, masyado lang silang judgemental na akala mo ang perfect nila masyado.” nanggagalaiting komento ni Trina habang kumakain. 

 

Hindi ko alam kung bakit sa hapagkainan pinag-uusapan lagi ang mga bagay na di maganda, nakagawian na nga siguro namin siguro na ganoon nalang, sometimes good stories but most of the time, it was my stories and the people who have issues with me. 

 

“Actually, wala naman ginawang tama itong si Sola sa paningin nila, di lang nila talaga matanggap na may mas magaling sa kanila. Typical crab mentality.” ani naman ni Zeer. 

 

“No, I was too insensitive way back to JHS, and I guess doon sila nainis. But the only thing I don’t understand is why would they recruit someone who doesn’t know me at all to hate and bash me.” I grit my teeth, hindi ko inalis ang tingin ko sa lugaw na nasa aking harapan.

 

Yes, I admit that I made a mistake, that particular friend of mine felt like her feelings were disregarded but I didn’t intend to make her feel that way, and all the people around her dislike me automatically calling me names, and making fun of me like I am someone who has a communicable disease. I remember myself crying from time to time because of that and they did not stop there, they ruined my things and school stuff, they didn’t include me in extracurricular activities so that they won’t share the same thing with me. 

 

Akala ko okay na ang lahat, I kept on saying na okay lang ang lahat na makakalimutan ko din lahat but no, hindi nandito pa din sila, nasa isang sulok at nag-aantay lang na mahawakan para muling maalala at bumukas. Now, I realize what my Mama always says to me and not everyone will like you, and you never know who will dislike and talk behind your back. Always take precautionary measures at all times. Na kahit hindi mo kilala ay may masasabi sayo, all you have is yourself at the end of the day so do things that makes you happy. 

 

And that is when I disregard everyone who can make me feel uneasy and safe, I protected myself from getting hurt and invalidated and I am enjoying my peace now. Sana naman wag na sila gumawa ng issue dahil wala na akong pakialam sa kanila. All I want to do is to be happy.  

 

“Hayaan niyo nalang, kung di sila maka-move on edi don’t.” ani ko at tinapos na ang kinakain. 

 

Natawa naman sina Trina at Sophie dahil sa sinabi ko, kung ano ano nalang ang pinag-usapan namin dahil hindi naman maganda na puro negativity lang ang pag-uusapan namin. 

 

After several minutes ay nagpaalam na kami sa isa’t isa well not that, sabay kami ni Sophie lagi umuuwi, madalas ay nagj-jeep lang kami dahil yun ang gusto niya at ayaw naman niyang magpasundo sa kanyang papa. I sighed heavily nang bumaling ako sa kanya.

 

We were walking on an alley, sa kabilang kanto ay subdivision na nila at ang i-kalawang kanto naman ay sa amin. Bago siya dumiretso sa paradahan ng mga tricycle ay bumaling siya sa akin, she looks so worried but she doesn’t want to show it to me so she flashed a smile. 

 

“Are you sure that you’re okay?” tanong niya sa akin. 

 

I smiled and tumango ako sa kanya. “Oo naman, ako  pa ba?” I said proudly and waved at her before walking, I want to go home and sleep. Yun lang ang gusto kong gawin ngayon. 

 

I want to rest my endless thoughts, sana naman okay lang sa bahay.  

1 2 3 4 5