Download Story.

close

Oblivious in Lust

Written By: Iminpainsendhelp       |       Story Status: In-Progress
Posted By:
iminpainsendhelp

Chapter 2


NAKA UPO AKO sa isang bench malapit lang sa mga kotseng naka parada , still waiting for my driver to come and pick me up pero hanggang ngayon ay wala parin siya

Kanina pa nag si uwian ang mga kaibigan ko , sina georgina at Lyka gayun din si kent at iba pang mga classmates , muli kong itinaas ang wrist watch ko only to find out its already six

Madilim na ang paligid kaya nanginginig na ang mga binti ko

Muli kong inilabas ang cellphone ko na nasa bulsa ng aking suot na uniporme at idinial ang numero ng driver ko , but he didnt picked it up

Nagpakawala ako ng malalim na hininga at kaagad na natatarantang tumayo nang may nakitang itim na kotseng papasok sa school

Nanginginig ang labi ko nag himinto ang kotse sa harapan ko at bumukas ang driver’s seat nito

“Do you even know how disappointed i am right now” , nakataas ang kilay ng aking ina at naka halukipkio ito habang nag lalakad , naka kulay pula itong feminine corporate attire , more like a suit

Kaagad na bumaba ang tingin ko sa kulay nude niyang lipstick sa labi

I could see her gritting her teeth. 

“mamma—”

“pumasok ka sa isa sa mga importanteng program sa school ng late Athena!” , ibinaba nito ang naka halukipkip na kamay  at lumapit saakin kaagad akong nag baba ng tingin

“paano kung mas na late kapa nun at naabutan mo ang representative ng La vaile!” , napa hilot ito sa sentido para bang ang lakong kasalanang nagawa ko

“ilang beses ba kitang pinag sabihan na you must be on time , specially sa mga special events!”

Kaagad akong nag taas ng tingin nang marinig ng pag honk ng isang papasok na sasakyang kulay silver

It must be daddy’s

I heard my mom snorted nang makita niya ang driver ng sasakyan , naka on ang ilaw sa loob ng sasakyan at lightly tinted lang ang sasakya kaya klarong klaro ko ang daddy ko

“why is he even here?” , her voice was covered with bitterness habang naka titig lang sa kakalabas kong ama

“playing as the savior huh?” , my mom snorted again at muling humalukipkip , naka ngisi ang labi nito pero halatang iritable

“go on baby , pumasok kana sa loob ng sasakyan ko gabi na” , malumanay na sabi ng daddy ko habang iginiya ako papasok sa kotse

Nanatiling nakatitig sa paahan ko ag aking mga mata , my heart beat fastened

It has always been me.  Ako parati ang dahilan nilang mag away sa tuwing mag kasama sila.  Parati akong kasama sa pinag aawayan nila .

And i blame my self for being such a disgrace for my mother , just like what she said.

I couldnt clearly hear their argument , at mas gugustuhin kong hindi iyon marinig

Kaagad akong napatingin sa driver’s seat sa bandang kaliwa ko nang bumukas ito at pumasok ang daddy ko

Tinanggal niya ang suot na eye glass at kinusot ang mata at ngumiti saakin , nahagip pa ng mga mata ko ang itim na kotse ng aking ina na nauna nang umalis

”  have you eaten yet?” ,naka ngiti nitong tanong saakin kaya kaagad akong nag pumilit na ngumiti , “hindi pa po , ikaw ba kumain na?” , tanong ko pabalik sa kaniya

He chuckled and caressed my hair bago itinuon sa pag papaandar sa kotse ang focus

“ive been craving for some dumplings and seafood ramen , ikaw ba?”, tanong ng ama ko habang nag lalakad na kami papasok sa mall

Malaki ang ngiti sa labi ko dahil naka akbay ito saakin , “oo nga daddy ano , dumplings and ramen yung spicy na spicy talaga” , ani ko at sinabayan pa ng mahinang pagtawa namin

Kaagad kaming naka hanap ng Chinese slash Japanese na restaurant pag pasok na pag pasok palang namin ay kaaagd kaming sinalubong ng hagikgik ng ibang costumers at ang mabangong aroma ng mga niluluto

Kaagad kaming nakahanap ng upuan na pang dalawahan kahit marami itong costumers

Kaagad na may lumapit saaming babaeng naka kulay puti at itim na slacks at kinuha ang order namin

“daddy , paano mo nalaman na nasa school pa ako?”, i asked as i sipped the spicy seafood ramen , napatigil naman sa pag sawsaw ang daddy ko sa dumpling sa sawsawan

“paulito called me , hindi ka raw pinapasundo ng mamma mo” , seryoso ang mukha nito habang kumakain ng dumpling , napalabi ako

“i—i didnt mean to daddy , ayaw ko naman kasing ma late , i got interested sa newly found book ko sa library..di ko inaasahan na makakalimutan ko ang oras dahil dun” , nag baba na ako ng tingin , naghihintay at natatakot sa sasabihin ng daddy ko

“hindi naman yun isang malakong kasalanan , you dont have to be sorry for it but promise me you wont be doing it again , pwede mo namang dalhin ang librong magugustuhan mo sa kung saan ka dapat.” , ngayon ay naka ngit na ito habang kumakain

I tilted my head to see his face , my eye watered

“i—i really thought youd be mad too..” , ani ko , halog humikbi na. ,atleast si mamma na lang ang dapat kong hingan ng tawad same as mister rebles

“hey shh shh , why are you even crying?”, my father was chuckling inabot nito ang tissue at punanasan ang gilid ng luha ko

“I just though youd get mad at me..yun lang” , kaagad akong napatigil sa pag iyak dahil sa ginawa niya at natawa ako

“i dont want to be a disgrace in our family—”

“you never were!” , putol ng papa ko sa sinasabi ko , my eyes widened same as his

“you never were a disgrace , youre my lucky charm kaya wag na wag mong iisipin ang sinasabi ng iba dyan ,kay daddy ka lang maniniwala ” , marahas akong tumango at ibinuka ang bibug nang sinubuan niya ako ng isang dumpling

“Mr. Montrahe?” , ani ng isang baritonong boses na kaagad pumukas sa attensyon namin ng aking ama

“mr. La vaile? Oh its nice to see you here” , tumayo ang aking ama at nag punas pa ng kamay sa table napkin , ganoon rin ang ginawa ko

Inabot ni Mr. La vaile ang kamay ng aking ama at nakipag handshake

Kaagad akong napatingin sa likod niya , my eyes widened even more nang makita ko so Sivo at si Mrs.  Sandejas na siyang ginang na naka kulay silver na evening gown noong masquerade party

“oh hello hija!” , nilapitan ako ni Mrs. Sandejas at bineso beso , matamis ko naman siyang nginitian , napansin ko kaagad ang titig saakin ni Sivo kaya naman binigyan ko siya ng isang magandang ngiti he didnt answered me back kaya kaagad na wala ang ngiti sa labi ko

“Ms. Montrahe , how’s your feet masakit parin ba?” , kaagad akong napatingin sa gawi ni Mr. La vaile nang mag salita siya saakin , kaagad na napatingin sa gawi ko ang daddy ko

“yes po mr. La vaile , pasensya na po talaga sa nangyari kanina” , yumuko ako bilang tanda sa panghingi ng tawad per bago ko pa iyon nagawa ay nag salita na siya

“i was worried you know , she tripped and fell kasi nagmamadali siyang pumasok sa AVR ” , ani ni Mr. La vaile , napa kagat labi ako

“hindi naman iyon isang malaking kawala kung ma li late ang isang bata , am i right mister Montrahe?” , ani ni mrs. Sandejas na kaagad tinanguan ng aking ama habang napa tiim bagang

“good thing erp was there.” , ani ni Sivo sa isang casual na boses , “well, be careful nextime athena , we’ll get going now” , ani ni Mr. La vaile at umalis na kasama ang dalawa pang kasama

“you tripped?” ,tanong ng papa ko na tinanguan ko lang at nag patuloy na sa pag kain

“and you havent told me , let me see nga paano kung namaga na yang paa mo?” , tanong ng papa ko na puno na ng pag aalala ang mukha at boses

“daddy im fine , i could walk properly na naman. Tsaka later na , ang daming tao rito , its an inappropriate manner na tingnan mo paa ko banag nag da dine” , ilang segundo pa akong pinag katitigan ng daddy ko bago tuluyang sumuko at bumalik sa pag kain

AS WE WENT out of the restaurant kaagad kaming dumeretso sa third floor ng mall dahil na pasyahan ng daddy kong mamili ng dress na maari kong suotin dahil may pupuntahan raw kaming birthday party dahil his friend insisted for him to come

“alam mo wala talagang alam si daddy sa mga dress dress na iyan , ill let you pick anything you want without limit , go ahead and pick ill wait here for you”, napa ngisi ako sa sinabi niya kaya naman kaagad akong naglakad papunta sa mga damit na maaring mag kasya saakin

My fingers trailed every pice of clothing sa rack na nadaanan ko , napangiti ako nang makakita ng isang kulay baby blue na may stripes off shoulder above the knee dress , mayroon pa itong belt na kasing kulay ng scheme color ng damit

Kaagad na tinanggal ko ito sa hanger at itinaas , may ngiti ang labi ko habang papa balik sa kugar kung saan nag hihintay ang daddy ko

“hey , there you are” , ani niya at tumayo nang makita ako , “that dress looked cute , you should try it” ,hinawakan niya ako sa balakang at iginiya sa fitting room

“lumabas ka once youre ready okay?” ,ani ng papa ko na agad kong tinanguan

Once i finished trying on the dress kaagad akong lumabas sa maliit na silid at hinanap ng mata ko ang daddy ko

There he was standing and talking to someone , i took another step only to find out na si Sivo sandejas pala ang kausap nito

Naupo naman si Mr. La vaile sa inuupuan ng daddy ko kanina at parang hindi businessman kung i sukat ang sapatos

My eyes settled on him , he was indeed a handsome man

He could pass up as a demi god , napa ka gwapong lalaki nito lalo na kung naka ngiti

Hindi ko na namalayan ang tagal ko sa pagkakatitug sa kaniya hanggang sa ito na mismo ang umayos ng upo matapos niyang tanggalin ang sapatos na isinukat at tumingin sa gawi ko

Our eyes met

He smiled at me i stilled

Para akong napako sa kinatatayuan ko.  Dahil doon hind ko kaagad siya na ngitian tulad ng ginawa niya  , and that was so rude of me!

Huli na nang ngumiti ako dail naka balik na agad ang sales lady na umasikaso sa kaniya bitbit ang box ng branded niyang sapatos

Tumayo ito at kinuha sa sales lady ang box at nag simulang mag lakad papalapit saakin

“honey” , kaagad na napatingin ako sa direksyon ng daddy ko at sinenyasan akong lumapit sa kaniya at sinunud ko naman

“That dress suits you so good hija” , napatingin ako kay Mrs. Sandehas na may kasamang sales lady na siyang may hawak sa mga shoe boxes

“mom inaabuso mo ang sales lady” , mahinang natawa si Sivo hindi ko maiwasang mapangiti nang makita ko ang ngiti niya

“am i? Oh im sorry hija , let my son take over—Sivo anghelo help her!” , asik ng ginang , napakamot naman si Sivo sa ulo na ikinatawa ng daddy ko at kaagad na kinuha ang nasa limang shoe boxes na dala ng sales lady , nahagip pa ng mata ko ang pag bla blush ng babae

“dont you think these are too much?” , ani ni Sivo sa Ina , “oh silly you.  Walang limitasyon remember?”

“you looked beautiful in that dress Ms. Montrahe” , kaagad akong napatigil nang mamalayan na kanina pa pala narito sa gilid ko si Mr. La vaile

“a-ahm , thanks Mr. La vaile—”

“silly. Hija stop calling him by his surname , call him Spencer , masyado kang formal” , ani ng ginang na kaagad kong tinugunan ng tango

“naka sanayan lang dahil sa ina” , my father sighed and Ms. Sandejas laughed

“ofcourse , Celestine.” , sa sinabi niyang iyon para bang sagut na ito o pwede nang maging rason

“baby blue looked good on you”

“Thanks again uhm  s-spencer”  , ani ko sa medyo naiilang na boses

Again i was intimidated by his presence

“anyways , na imbitahan ako ni Tito arturo and he told me na kayo rin ay pupunta sa darating na kaarawan ng asawa niya?” ,tanong ni Spencer hababg iniabot kay Sivo ang dala dala nitong shoe box , tumulis ang nguso ni Sivo at nag papadyak

“Yes naimbitahan nga kami. He insisted tho hindi ko pa alam kung sasama si Celestine , you know what happened right?” , tiningnan ni daddy si Mrs. Sandejas at kaagad na nalukot ang mukha nito at tumango

“mahilig si Celestine sa mga catfights , gosh. You must come with or without her , bring Athena with you. Ipapakilala kita sa mga pamangkin kong mga babae hija” , nilapitan ako ni Mrs. Sandejas , she combed my hair with her fingers and smiled

“so what now. Ill be excepting you to be there in the party” , ani ni Mrs. Sandejas habang naka taas ang kilay at naka ngiti

“sure sure Emelda. We’ll be there. Me and my daughter” , kaagad akong tumango at ngumiti.  Muling nagka titigan kami ni Spencer

His eyes settled on mine. Nanatili itong nakatitig kaya ako na ang unang umiwas ng tingin

“hope to see you there Ms. Montrahe”, anito bago pa tuluyan kaming naka alis sa harapan nila

NANGINGINIG ANG tuhod ko nang makalabas ako sa kotse , naka halukipkip na ang mamma ko sa mismong entrance ng mansyon

She is again wearing one of her silk robes , ang ngayon ay suot niya ang kulay itim na may lace sa may dibdib na roba. Naka takong pa ito at kulay maroon lipstick ang ginamit na pang kulay sa labi. She is sipping her wine while waiting

“good that you came home late” , puno ng sarkasmo ang boses nito. Nanatili akong nasa likoran ng aking daddy , nakita ko pa ang mag igting ng panga nito sa sinabi ng mamma ko

“at sinama mo pa talaga ang anak ko , how could you?” , nakunot at lumalim ang gatla sa nuo ng aking daddy

“go and take a rest Athena , may pask ka pa bukas.” , walang pag dadalawang isip na nag lakad takbo akong pumunta sa pangalawag palapag ng mansyon kung na saan naka locate ang kwarto ko at kaagad na isinarado ang pinto nang naka pasok na ako

Mariin akong napapikit kasabay ng pa lakad ko patungo sa higaan at naupo sa gulid nito

Napakapit ako sa comforter na kulay maroon na siyang bumabalot sa higaan ko

My breath ragged , mag aaway na naman ba kaya sila?

Ang masaklap pa ay tungkol pa iyon saakin , ako pa ang dahilan.

MORNING CAME  at nang magising ako ay both of my parents left earlier than expected. Nang makababa ako ay nginitian lang ako ng mga katulong pati ng mayordoma ng bahay

Kahit papano ay napa ngiti ako nang maipuslit nila ang in can na coca cola at nag luto rin sila ng bacon ,  eggs at hotdogs

“hayan at kumain ka ng marami , matagak tagal ka ring makakakain niyan sunod” , mahinang na tawa ang mayordoma haang ako kay masaganang kumain kahit matapos kong malaman  na umalis pala ng mansyon ang ama ko pagkatapos nilang mag away ng mamma ko

“manang pwede bang gawan moko ng bacon sandwich for lunch” , tanong ko sakaniya bago uminom ng in can na coke

Hinimas niya ang buhok ko at mahinang natawa , “sure sure , basta atin atin lang ito okay?”, kaagad akong ngumisi at napa tango

TODAY WAS THE SAME ang kaibahan lang ay required kaming fourth and third year med students na pumunta sa isa sa mga tanyag na hospital dito sa manila. 

Nang maka baba ako sa kotse ay kaagad akong tumigil sa harap ng hospital , La vaile Hospital

“this hospital was founded by Nicholas Elizer La vaile noung dekada otsenta—they started off from scratch hanggang sa lumaganap ang kanilang mga hospital.” , ani ng prof namin na siyang in charge sa well being namin

“Sir! Mr. Spencer Lesseter La vaile didnt go to med school , how come siya ang naging tagapag mana ng chain of hospitals nila and pharma?” , tanong ni Byran isa sa mga ka klase ko

” he did not had the chance to go and pursue medicine because he didnt want to—tho he finished Bachelor in Science nursing  at kaagad na nag train kung paano hawakan ang isang kompaniya” , tumango tango ang nga ka samahan ko ganoon rin ako

Nang tuluyan kaming naka pasok ay kaagad akong na bighani , hindi sa laki at modernong style ng building kundi sa mga busy na mga interns , nurses at doctors na nag tratrabaho

Lahat sila ay kahit busy nabibigyan parin kami ng panahon na ngitian kami

“The la vaile chain of hospitals are said to give the most high quality of medicine and care they could give. Halos lahat ng kilala at magagaling na doctor ay dito nag tatambay sa La vaile” , patuloy na sabi ng guro

Umikot ako ng bahagya para makita ang sitwasyon sa kapaligiran ko hanggang sa napatigil ako nang makita ko si Spencer na may kausap na matandang babaeng hawak hawak ang dextrose niya

Hindi ko man naririnig ang usapan nila pero napangiti ako nang nagtawag ng nurse si Spencer para alalayan ang mantanda papunta sa kwarto nito

Nang tuluyang maka alis ang matanda at namulsa si Spencer. Nanatili akong nakatitig sa elevator na pinasokan ng matanda hanggang sa ibinalik ko ang tingin ko  kay spencer na ngayon ay nakatitig na rin saakin

He held his right hand up and waved at me

My beat fastened , he has this loop sided smile , he was wearing a grey sleeves at pinaresan iyon ng black slacks and a gucci belt

Ngumiti ako sa kaniya at ibinalik ang attensyon sa guro na ngayon ay patuloy parin ang pag sasalita pero this time may ipina pakilala nang isa sa mga tanyag na Doctor sa hospital

Meredeth Dizon—anim na taon na siyang naging doctor rito sa hospital at nanggaling din siya sa Alkerbick helms bilang isang Scholar

“nice meeting you all aspiring doctors—i am glad to finally meet you all.” , ani niya at isa isa niya kaming kinamayan

“well todays your lucky day! Nrito ang masipag nating  CEO , wait here ill call him” , since she insisted to call him hindi na siya napigilan pa ng prof naming si Mr. Rebles , my prof even said na nakakahiya daw at baka busy but she said its fine since mabait naman daw iyon

“mukhang close sila ni Mr. La vaile noh?”,  kinalabit ako ni Kent sa beywang at napatingin sa direksyon kung nasaan si Doc. Meredeth at si Spencer

Tumatawa ang babaeng doctor , may pa hampas hampas pa ito sa braso ni Spencer, “Oo , mukhang close nga sila” , ani ko kaagad naman akong sinamaan ng tingin ni Kent

“ano ka ba , ipag laban mo kasi nga mas bagay kayo”, nangunot ang nuo ko sa sinabi niya at kaagad na pinamulahan

Mag sasalita pa sana ako nang nag simula nang mag lakad ang dalawa papunta sa direkyon ko—namin ng mga iba pang estudyante

While they were walking towards us , nanatili lang ang titig ni Spencer saakin. Kahit na naiilang ay hindi ko afford na iwasan ang titig ng kulay abo niyang nga mata

“Good afternoon everyone.”,  bati nito , muling umecho sa taenga ko ang baritonong boses nito napara bang nag i ispread ng milliong milliong boltahe sa katawan ko

Napahimas ako sa braso ko nang maramdaman ang pag tayo ng akong buhok dun , his voice is giving me goosebumps

Silang dalawa ang naging tour guide namin sa hospital pero kaagad ding umalis si Doc. Meredeth lalo nat may emergency siyang trabaho at kailangan na kailangan siya nito.  She wanted to stay but Spencer insisted her to go and mind her work

Palinga linga pa ako sa buong silid ng gallery kung saan napapadalas ag nga intern sa tuwng mayroong mahalagang surgery ang nagaganap—to add up their knowledge ofcourse

Kitang kita ko ang nga kagamitan na nasa baba , may mga surgical utensils at iba pa na siyang pangunahing kailangan sa pag su surgery

“What do you think?” , muntik akong mapatalon nang buglang sumulpot si Spencer sa gilid ko at nag salita

“do you think naibibigay ng tama ng La vaile hospital ang knowledge na kina kailangan ng mga interns and aspiring doctors?”, muli niyang tanong , napa tingin ako sa mukha niya

I have to tilt my head more para naman ay makita ko ang mukha niya , my eyes settled on his thin red lips

“y-yes. The said your hospital offers the best there is..”, ani ko at kaagad na nag iwas ng tingin nang marealoze na nakatitig ako sa labi niya at oara ako g tanga dahil dun

I heard him chuckle ,” they said?”, tanong niyang muli , i nod

“i havent experienced the quality of practice na nai o-offer ng la vaile since im still a student—and i might never experience it” , ani ko , unting unting nang hina ang boses

Nangunot naman ang nuo ni spencer at humalukipkip. “why is it?” ,tanong niya , muli ko siyang tinitigan

“youre being nosy” , i joked , he chuckled again with what i said

” i should be.  We’ll be spending more time soon , ofcourse i should know you more.” , with that remark.  He left the gallery , sumunod naman ang mga guro pati estudyante palabas at naiwan ako , hindi pa sana ako makakaalis kung hindi ako binalikan ni kent at hinila palabas

1 2 3 4 5 6 7 8 9