Download Story.

close

My Chubby Kind of Love

Written By: Jersey Gabrielle       |       Story Status: Completed
Posted By:
Jersey Gabrielle

####Prologue…

 

 

“H-hindi totoo ‘yan. S-sabihin niyong nagbibiro lang kayo,” nanginginig ang boses na sabi ni Tobby sa mga magulang niya.

“Tobby, anak totoo ang narinig mo. Critical si Cherry at nasa ospital siya ngayon.” Umiling-iling pa si Tobby habang pinakikinggan ang kaniyang ina. “Hindi totoo iyan mommy,” aniya saka nagmamadaling lumabas ng kanilang bahay.

“Tobby!” narinig pa niyang sigaw ng kaniyang mga magulang bago siya lumulan sa kaniyang sasakyan.

Agad siyang nagtungo sa ospital matapos marinig ang sinabi ng kaniyang mommy. Hindi puwedeng iwan siya ni Cherry. Hindi pa niya nasasabi rito kung gaano niya ito kamahal. Kailangang magising ito.

‘Chubs, ‘wag na ‘wag mong susubukang iwan ako. Hindi ko pa nasasabi sa iyo kung gaano kita kamahal. Hindi mo ako puwedeng iwan na lang matapos mo akong paibigin babae ka!’ bulong niya sa sarili habang nagmamaneho patungong ospital.

Matagal na niyang alam na mahal niya ang kababata niya. Simula pagkabata, gustong-gusto na niya ito. Ilang beses na niyang sinubukang sabihin dito ang kaniyang tunay na nararamdaman. Pero hindi siya nito siniseryoso, at pinagtatawanan lang siya palagi.

‘Lord please ‘wag mo munang kunin si Chubs. Mamahalin ko pa po siya eh. Alam kong mapang-asar ako pero mahal na mahal ko ‘yong taba ching-ching na iyon. Promise po magpapakabait na po ako magising lang siya,’ impit pa niyang dalangin.

“Tobby!” agad siyang sinalubong ng tita Lucille niya nang makarating siya sa ospital.

“Tita, how’s Chubs po?” nag-aalalang tanong niya sa ina ni Cherry.

“She’s in coma hijo. Sabi ng mga doctor, nagkaroon ng complication during the operation. Bakit ba naman kasi naisipan pa niyang magpa-opera? Okay naman kasi ang katawan niya,” umiiyak na saad ng ina nito sa kaniya.

“Tita tahan na po. Magigising din po si Chubs.” Hinagod-hagod pa niya ang likuran ng mommy ni Chubs upang kumalma ito.

‘Kasalanan ko ito eh. Kung hindi dahil sa akin, baka hindi niya iisiping mag-undergo ng operation.’ Paninisi niya sa kaniyang sarili.

Araw-araw siyang nagpapabalik-balik sa ospital, upang dalawin ang dalaga. Kaya naman nang araw na iyon, tinungo niya ang kuwarto kung nasaan ito upang silipin ang dalaga. Nang makalapit siya sa higaan ng dalaga, ay hinaplos niya ang mukha nang natutulog na si Cherry. Tumulo ang kaniyang luha habang tinititigan ito.

“Chubs, gumising ka na riyan please. ‘Wag mo na akong takutin. Pangako paggising mo riyan, hindi na kita aasarin kahit kailan. Kahit alilain mo pa ako papayag ako, basta bumangon ka na lang diyan. Nag-aalala na kaming lahat para sa iyo. Six months ka nang nakahilata riyan oh.” Patuloy ang pag-agos ng kaniyang mga luha habang kinakausap ito. “Chubs, gising na. Hindi ko pa nga nasasabi sa iyo na mahal na mahal kita. Ang daya mo naman eh! Walang iwanan, madami pa akong patutunayan sa iyo. Kapag, hindi ka pa gumising diyan, hahalikan kita! Hindi ako nagbibiro.” Napangiti pa siya saka pinahid ang mga luhang dumaloy sa kaniyang mga pisngi.

Dahan-dahan niyang inilapit ang kaniyang mukha sa mukha nang natutulog na si Cherry. Pumikit siya saka buong pagmamahal na hinalikan niya sa gilid ng mga labi nito ang kababata. Ilang segundo niya rin inilapat ang mga labi niya roon. Nagbabakasakali siyang parang sa fairytale, gigising ang prinsesa kapag hinalikan ng prince charming nito.

“Mahal na mahal kita. Please wake up Sweetheart,” bulong pa niya rito habang hawak ang kamay ni Cherry, at nakadikit ang noo sa sintido nito.

Napamulat siya nang pinisil nito ang kaniyang kamay na nakahawak dito. Namilog ang mga mata niyang tiningnan ang magkahugpong nilang mga kamay. Pagtingin niya sa mukha ni Cherry gumalaw rin ang talukap ng mga mata nito at nagmulat.

“Cherry? Teka sweetheart, tatawagin ko ang doctor mo!” natatarantang saad niya rito, ngunit hindi siya binitawan ni Cherry. Kaya naman ang intercom na lang ang kaniyang ginamit, para papuntahin ang doctor sa silid ni Cherry.

“Chubs, ‘wag kang pipikit please stay with me! Darating na ang doctor mo!” Hinalikan pa niya ito sa noo habang magkahawak pa rin ang kanilang mga kamay.

Ilang saglit pa at pumasok na ang doctor sa silid nito upang i-check ang kalagayan ng kaniyang kababata. Agad naman siyang dumistansiya upang matingnan ito nang maayos ng doctor. Abot-abot din ang kaniyang panalangin para rito.

‘Lord thank you po! Thank you sa pagdinig mo ng panalangin ko.’ Impit na dalangin pa niya.

Biglang nagkagulo ang loob ng silid at agad siyang pinalabas ng mga nurses. Ang huling tagpong nakita niya, ay no’ng sinusubukang i-revive ng doctor si Cherry.

“Cherry!” tanging naisigaw niya habang bumubuhos ang kaniyang mga luha.

“Tobby, anong nangyari?” tanong ng mommy ni Cherry.

Agad niyang niyakap ito at doon ibinuhos ang kaniyang nararamdaman. “Tita, hindi ko rin po alam eh. Nagising si Cherry tapos tinawag ko ang mga doctor. Then after that, pinalabas nila ako. Ang huli kong natatandaan ay nire-revive nila si Cherry,” humihikbing salaysay niya rito.

‘Damn, kalalake kong tao kung makahagugulhol ako daig ko pa ang babae!’ sabi pa niya sa kaniyang sarili.

“Tita, I’m scared. What if iwan na tayo ni Cherry? Tita hindi ko pa naaamin sa kaniya na mahal ko siya.” Wala na siyang pakialam kung aminin man niya ngayon sa ina ng kababata niya ang tunay niyang nararamdaman.

“Tobby, huwag kang mag-alala, magiging okay rin ang lahat. Masasabi mo rin sa anak ko iyang nararamdaman mo,” nakangiting saad ng mommy ni Cherry sa kaniya.

“Mrs. Vergara?” Sabay pa silang napalingon sa doctor na tumingin kay Cherry.

“Doc, how’s my daughter?” agad na tanong ng ina nito nang makalapit sila rito.

“Your daughter is doing fine. Na-revive na namin ang pasyente. I think nakatulong ang pagkausap ng binatang ito sa anak ninyo Misis.” Malapad ang pagkakangiti ng doctor sa kaniya.

“Thank God! Thank you po doc!” Tila sila nabunutan ng tinik sa kanilang dibdib nang marinig ang sinabing iyon ng doctor.

“You’re welcome! But no visitors muna, we still have to monitor her vitals within the next 24 hours. Pero bukas, we can transfer her in a private room para mabisita niyo na siya.” Nakangiting imporma ng doctor sa kanila saka ito nagpaalam.

Masayang-masaya si Tobby nang dalawin niya kinabukasan si Cherry sa hospital. Ngayong magaling na ang dalaga, uumpisahan na rin niya ang panunuyo rito. Ngunit sa kaniyang pagkabigla, pagpasok niya ng silid nito ay may kayakap itong isang lalake. Parang tinadyakan ng sampung kabayo ang kaniyang dibdib sa kaniyang nakita. Lalo na nang makita kung paanong nagniningning ang mga mata ni Cherry nang mga sandaling iyon.

Ramdam niya ang kirot sa kaniyang dibdib. Paano na ngayon iyan? Naunahan na ba siya ng iba? May nagmamay-ari na ba ng puso ng babaeng pinakamamahal niya?

‘Hindi ito maaari. Pambihira ang tagal kong hinintay ang pagkakataong ito. Hindi ako papayag na basta na lang masayang ang paghihintay ko!’ determinadong saad niya sa kaniyang sarili.

Ano nang gagawin niya? Manalo kaya siya sa puso ni Cherry?

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

#####Chapter 1

 

 

“Chubs!” tawag ni Tobby sa batang babaeng may hila-hilang bag palabas sa gate ng bahay ng mga ito.

Huminto naman ito at tiningnan siya ng masama nito. Ngingisi-ngisi naman siya habang tumatakbong palapit dito. Nang makalapit ay saka niya kinuha ang bag nito, upang siya na ang maghila para rito.

“Bakit ba Chubs ang tawag mo sa akin? Cherry Joy ang pangalan ko. Kung nahahabaan ka CJ na lang,” nakairap na saad nito sa kaniya.

“Eh gusto ko ng Chubs para ako lang ang tatawag sa iyo ng gano’n,” nakangising sagot naman niya rito.

“Eh bakit nga kasi Chubs?” nayayamot na tanong nito sa kaniya.

“Chubs, short for Chubilita!” tatawa-tawang sabi niya rito saka siya tumakbo palayo kay Cherry.

“Ikaw talaga Tobby, kapag naabutan kita lagot ka talaga sa akin!” sabi naman nito habang hirap na hirap itong tumatakbo upang habulin siya.

Huminto naman siya upang hintayin ang kaniyang kababata. Agad niya itong inabutan ng tubig nang huminto ito sa kaniyang harapan. Hingal na hingal namang inabot iyon ni Cherry saka uminom.

“Ikaw talaga kahit kailan ka talaga! Palagi mo na lang akong inaasar!” hinihingal na saad pa nito sa kaniya matapos itong uminom ng tubig.

Nakangisi naman niyang tinignan ito. “Dapat nga nagpapasalamat ka pa sa akin eh,” aniya rito.

Dinukot niya ang kaniyang panyo sa suot niyang pantalon at saka pinunasan ang pawis nito sa noo at ilong. Inagaw naman ni Cherry ang panyo mula sa kamay niya at ipinagpatuloy ang pagpupunas ng pawis..

“Eh bakit naman ako magpapasalamat sa iyo aber? Eh pinapagod mo lang naman ako palagi kakahabol sa iyo!” nakasimangot na saad nito sa kaniya saka tinabig ang kaniyang kamay.

“Oh, ‘di ba nae-exercise ka kapag hinahabol mo ako?” pilyong ngiti niya rito saka ito inakbayan.

“Ewan ko sa iyo Tobby! Bilisan na nga natin baka ma-late pa tayo dahil sa kaharutan mo!” masungit na saad nito sa kaniya.

Ganoon palagi ang kanilang eksena sa tuwing papasok sila sa kanilang paaralan. Pareho kasi sila ng paaralang pinapasukan, at magkatapat lang din ang kanilang mga bahay. Malapit lang ang kanilang eskwelahan sa kanilang mga tahanan. Isang kanto lang at matatanaw na ang kanilang paaralan. Pareho rin silang nasa ikalimang baitang ng elementarya.

“Chubs, sabay tayong umuwi mamaya ha? Hintayin mo ako, kapag nauna kayong mag-uwian,” bilin pa niya rito pagkahatid niya rito sa classroom nito. Magkaiba kasi sila ng section. Nasa section one siya samantalang si Cherry, ay nasa section two naman.

“Eh bakit? Kaya ko namang umuwi mag-isa eh. Saka baka mamaya asarin na naman ako ng mga classmates mong babae,” masungit na sagot naman nito sa kaniya.

“Basta sabay tayo. Kapag hindi mo ako hinintay, lagot iyang pisngi mo sa akin!” pagbabanta pa niya rito. Tinalikuran na siya nito kaya umalis na rin siya at nagtungo sa kaniyang classroom.

Pagsapit nang uwian ay matiyagang hinintay ni Tobby si Cherry sa labas ng classroom ng mga ito. Nauna kasi silang i-dismiss kaya siya ngayon ang naghihintay sa kaniyang kababata. Nang mag-umpisa ng maglabasan ang mga kaklase ni Cherry ay agad naman siyang tumayo upang lumapit sa classrom nito.

“Chubs!” tawag pa niya rito mula sa bintana ng classroom nito.

Nilingon naman siya ng kababata saka sumagot. “Cleaner pa ako, mauna ka na kung gusto mo!” nakasimangot na saad nito nang lumapit ito sa bintana.

Agad naman siyang pumasok sa classroom ng mga ito at inilapag ang kaniyang bag sa bakanteng upuan. Kinuha nito ang walis mula sa kamay nito at saka nag-umpisang magwalis.

“Chubs, kilos na para makauwi na tayo agad,” untag pa niya rito nang tila na-estatwa na ito sa isang tabi.

Agad namang kumilos ito at tumulong nang maglinis. Pagkatapos nilang maglinis ay nagpaalam na sila sa kanilang guro. Kinuha niya ang de hilang bag nito saka nag-umpisang maglakad.

“Tobby, ako nang maghihila ng bag ko!” Hinawakan pa nito ang bag at pilit kinukuha sa kaniya.

“Ako na para hindi ka na mahirapan.” Pinitik pa niya ang mga kamay nitong nakahawak sa bag nito, upang bumitiw ito sa pagkakahawak doon.

“Kaya ko naman na hilahin iyan. Mabigat din iyang bag mo eh.” Pagpupumilit pa rin nito.

Huminto siya saglit at hinarap si Cherry. “Kapag kinuha mo ang bag mo, pati ang bag ko ay bibitbitin mo rin,” sabi niya rito nang tuluyan nang nakaharap sa kababata.

Nginisihan pa niya ito sabay taas baba ng kaniyang mga kilay. Naaaliw siyang pagmasdan ito habang nakabusangot ito sa kaniyang harapan.

“Bag ko lang naman ang kinukuha ko bakit kasama pati ang bag mo?” nakataas ang isang kilay na tanong nito sa kaniya.

“Package kaya iyon. ‘Di ba ako, paghila ko ang bag mo, bitbit ko rin ang bag ko? Kaya ganoon din kapag kinuha mo ang bag mo, kasama rin dapat itong bag ko,” nakangising saad pa niya rito.

“Ewan ko sa iyo! Sige na ikaw na magbitbit niyan. Enjoy!” Saka ipinagpatuloy na nila ang paglalakad.

Napangiti na lang siya, nang sumuko na ito sa pakikipag-agawan ng bag nito sa kaniya. Nang makarating sila sa bahay nila Cherry, ay agad naman silang sinalubong ng ina nito. Nagmano siya rito bago dumiretso sa pool side. Feel at home na siya sa bahay ng mga ito, at ganoon din naman si Cherry sa kanila.

“Tita, makiki-miryenda na po ako ha? Ang bigat po kasi ng bag ni Chubs eh. Saka inalipin niya ako kanina kaya nagutom ako.” Sabay upo sa upuang nandoon at nag-inat pa.

Agad naman siyang nilapitan si Cherry at pinamewangan. “Huyyy, ikaw kaya ang nagboluntaryo riyan na bitbitin iyong bag ko, at tulungan akong maglinis ng classroom namin!” pagpro-protesta naman nito sa kaniya.

Nginisihan lang niya ito habang prenteng nakasandal sa upuang naroon. Pinanlakihan naman siya ng mga mata ni Cherry saka ito naupo sa kalapit niyang upuan. Natatawa namang napapailing ang mommy ni Cherry sa kanila.

“Sige Tobby. Teka at ilalabas ko na lang dito ‘yong miryenda niyo. ‘Wag na kayong mag-away riyan.” Tumalikod na ito at pumasok sa loob ng bahay ng mga ito.

“Ikaw talagang lalake ka, bakit sinabi mo iyon kay mommy? Sa susunod ‘wag mo na akong tutulungan kung magre-reklamo ka after!” Hinampas pa siya nito sa kaniyang braso.

Tumawa lang naman siya habang sinasalag ang hampas nito. Imbes na masaktan ay nag-e-enjoy pa siya sa ginagawang paghampas ni Cherry sa kaniya.

“Aray Chubs! Tama na! binibiro lang naman kita eh. Masakit na, tama na!” tatawa-tawa pa rin niyang sabi rito.

“Oh, tama na iyan. Halina kayo at magmiryenda na muna kayo.” Natigil naman ito sa paghampas sa kaniya nang dumating ang mommy nito.

“Oh, ayaw ko na ha? Nakarami ka na nang palo sa akin,” sabi pa niya rito, saka tumayo at nagtungo sa lamesa kung nasaan ang miryendang dala ng tita Lucille niya.

Sinalinan niya ng juice ang mga baso nila, saka iniabot kay Cherry ang isa. Pagkatapos nilang magmiryenda, ay nagpaalam na rin siya sa mommy nito at kay Cherry na busy na sa pagbabasa.

“Chubs, aalis na ako. See you tomorrow!” Kinindatan pa niya ito saka naglakad palabas ng bahay ng mga Vergara.

Ngingiti-ngiti pa siya habang naglalakad patungo sa kanilang bahay. Tawid kalsada lang naman ang bahay nila, kaya mabilis lang siyang nakauwi. Buo na naman ang araw niya dahil muli niyang nakasama ang kaniyang kababata. Kuntento na siyang nakakasama ito at naaasar araw-araw. Ito lang naman kasi ang way niya para maiparamdam dito na gusto niya ito. Kaso may pagkamanhid yata si Cherry. Dahil kahit anong gawin niya, hindi pa rin nito napapansin ang mga kalokohang pinaggagagawa niya.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

#####Chapter 2

 

 

Nang sumunod na araw ay muli siyang nagpunta sa bahay nila Cherry. Dumating kasi ang ate niya at may dala itong mga pasalubong. Pero dahil gusto niyang pikunin si Cherry, iisang toblerone lang ang dinala niya sa bahay ng mga ito. Inabutan niya itong nakaupo sa sahig ng sala ng mga ito, at nag-aaral.

“Chubs, para sa iyo,” aniya rito sabay abot niya rito ng Toblerone na agad namang tinanggap ni Cherry.

“Uyyy, thank you! Saan mo naman nakulimbat ito?” tanong ni Cherry sa kaniya habang binubuksan ang Toblerone.

Kakamot-kamot siya ng kaniyang ulo habang pinagmamasdan ang kaniyang kababata. Tumabi siya sa pagkakasampak nito sa sahig ng sala ng mga ito, at nagpanggap siyang nagbabasa ng libro nitong nakakalat sa sahig bago sumagot.

“Dumating si Ate kahapon, pasalubong niya iyan,” balewalang sagot niya rito.

“Huh? Bakit ito lang?” namimilog ang matang tanong nito sa kaniya na ikinatawa naman niya.

“Oh, eh bakit? Ilan ba dapat?” nakangising tanong pa niya rito.

“Kilala ko si Ate Timmy, hindi ako titipirin no’n sa chocolates. Siguro kinain mo ng lahat ‘no?” nang-aakusang tiningnan pa siya nito.

Close nga pala ito at ang kaniyang ate, kaya naman alam na alam nitong hindi lang iyon ang pasalubong ng ate niya para rito.

“Ayan, kaya ka hindi namamayat eh. Ang takaw mo sa matatamis,” aniya rito saka kinurot ang pisngi nito.

“Aray ko!” reklamo naman nito, sabay hampas nito sa kaniya.

Tatawa-tawa naman siya habang sinasalag ang mga hampas nito. Enjoy na enjoy niya kapag hinahampas siya ni Cherry. Feeling kasi niya, that’s how Cherry shows her sweetness and love to him.

“Paanong may magkakagusto sa iyo niyan kung hanggang ngayon ang taba-taba mo pa rin?” sabi pa niya dito sabay tayo upang dumistansya sa kababata.

“Heh! At sino namang may sabi sa iyong walang nagkakagusto sa akin kahit mataba ako?” Inismiran pa siya nito habang ngumunguya ng chocolate. Napakunot naman ang kaniyang noo at biglang nagseryoso.

“At sino namang loko-loko ang nagkakagusto sa iyo?” seryosong tanong niya rito.

Tinapunan lang siya nang tingin nito, at nakakalokong ngumiti sa kaniya. Hindi niya nagustuhan ang reaksiyong iyon ni Cherry. Kaya nilapitan niya ito upang usisain.

“Huyyy, Chubs, sino nga?” Pangungulit pa niya rito habang niyuyugyog ito sa balikat.

“Tobby tumigil ka nga sa kakayugyog sa akin diyan. Hindi ko makain ng maayos itong chocolate!” saway nito sa kaniya, pilit isinusubo ang toblerone sa bibig.

Pero hindi pa rin siya tumitigil sa ginagawang pagyugyog dito. Gusto niyang malaman kung sino ang nagkakagusto sa Cherry niya.

“Isa Tobby ha!” May pagbabanta na sa boses nito.

“Sabihin mo na kasi kung sino nga.” At muling inalog niya ang balikat nito.

“Eh bakit ba kailangan mong malaman?” Hinila siya nito paupo sa kaniyang tabi, saka nagpatuloy sa paglantak sa tsokolate.

“Syempre baka mamaya niloloko ka lang no’n, o kaya pinagti-tripan. Sino nga kasi?” Sinundot pa niya ito sa tagiliran. Parang wala namang epekto, dahil ni hindi man lang ito nag-react.

“Si Ringo,” maikling sagot nito saka itinuloy na ang pagkain.

Nanahimik naman siya at tila nag-iisip kung sino si Ringo.

“Oh, nanahimik ka na riyan. Hindi ba kapani-paniwalang magkakagusto sa akin ang isang Ringo Salas?” tanong pa nito sa kaniya.

“Sus, masyado kang mapaniwalain. Babaero naman ‘yon eh! Baka mamaya niyan pinagti-tripan ka lang nila, ikaw naman gustong-gusto mo naman!” nakasimangot niyang saad dito.

Dancer sa school nila si Ringo, at aaminin niyang gwapo naman ang kaeskwela. Pero alam din niyang kaliwa’t kanan ang nagiging babae nito. Ayaw niyang mapabilang ang kababata sa mga babae nito, kaya ganoon na lamang ang inis na nararamdaman niya para rito.

‘Iyon nga lang ba?’ kutya ng kaniyang isipan.

“Hmp! Inggitero! Pero don’t worry, ang sabi ko lang naman gusto niya ako ‘di ba? Hindi ko naman sinabing gusto ko rin siya, so relax ka lang diyan,” nakangising saad pa nito sa kaniya.

Para naman siyang nabunutan ng tinik sa kaniyang dibdib, sa sinabing iyon ni Cherry.

“Pero kapag hindi mo ibinigay ang iba pang chocolates na para sa akin, baka pansinin ko na si Ringo.” Pamba-blackmail pa nito sa kaniya.

“Pambihira! Sige tara sa bahay nang makuha mo na ang mga pasalubong mo!” Tumayo na siya saka hinila ito patayo.

Nakangisi naman itong sumunod sa kaniya. Nakahinga na rin siya nang maluwag dahil wala naman pa lang interest si Cherry sa lalake. Masaya silang nagtungo sa kanilang bahay upang makuha nito ang iba pang pasalubong mula sa kaniyang ate.

“Ate Timmy!” agad nitong tili nang makita ang kaniyang ate.

Sinalubong naman sila ng kaniyang ate at niyakap nang mahigpit nito si Cherry. Close kasi ang dalawa kaya ganoon na lamang kung magbatian ang mga ito.

“Kumusta ka na? Lalo yata tayong sumisexy ah,” sabi ng ate niya kay Cherry.

“Naku po! Patay tayo riyan ate, baka lalong hindi mag-diet itong si Chubs. Huwag mo kasing sabihing sexy siya,” tatawa-tawang sambit naman niya sa kaniyang ate.

Sinamaan siya ng tingin ni Cherry saka akmang kukurutin, kaya mabilis siyang tumakbo palayo sa kababata. Inambaan pa siya nito ng suntok nang makalayo na siya rito.

“Ikaw talaga Tobby, palagi mo na lang pinagti-tripan si Cherry,” sabi naman ng kaniyang ate. “Halika na Cherry madami akong pasalubong sa iyo!” Excited na hinila na ito ng kaniyang ate patungo sa kwarto nito.

Susunod sana siya nang tawagin siya ng kanyang ina. “Hmmm, Tobby Ryan, ‘wag ka nang sumunod doon. Hayaan mong mag-girl bonding ang mga iyon.” Kakamot-kamot sa ulong napabalik tuloy siya sa sala.

Manonood na lang siya ng TV, habang hinihintay matapos ang kaniyang ate at si Cherry na matapos sa so called girl bonding daw ng mga ito. Kaya naman inabala na lang niya ang sarili sa panonood ng kung ano-ano sa TV.

“Ate Tim, ang ganda naman nito!” nagniningning ang mga matang saad ni Cherry rito.

“I know right? Kaya nga ibinili rin kita ng ganiyan.” Kinuha nito ang isang paper bag at saka iniabot iyon kay Cherry.

Agad namang binuksan iyon ni Cherry at inilabas ang laman niyon. Tuwang-tuwa siyang isinukat iyon, at umikot-ikot pa sa harapan nito. Ngiting-ngiti naman si Timmy habang pinagmamasdan siya nito.

“Ate, thank you talaga!” Lumapit siya rito’t hinalikan pa ito sa pisngi.

“Aysus! You’re welcome!” natatawang sambit nito sa kaniya.

Solong anak kasi si Cherry kaya naman sabik siyang magkaroon ng kapatid. Masuwerte nga siyang mabait ang ate ni Tobby, at itinuring siya nitong nakababatang kapatid. Minsan nga parang mas sila pa nito ang magkapatid kaysa kay Tobby.

“Itatabi ko na itong mga ito at baka mainggit si Tobby,” nakabungisngis pa niyang pahayag dito.

“I don’t think maiinggit iyon sa mga pasalubong ko sa iyo. Not unless isang mamita ang kapatid kong iyon.” Bumunghalit na rin ito ng tawa sa pagkakasambit niyon sa kaniya.

“Ayyy, barbie!” sabi naman niya sabay tawang muli.

“Anong pinagtatawanan niyo?” Pareho pa silang napalingon nang may magsalita sa pintuan ng kwarto ni Timmy.

“Wala naman barbie, este Tobby,” nakangising sagot ng ate nito.

“Tsk! Chubs, hanap ka na ni Tita. Sabi ko nakikipagtsismisan ka pa kay ate,” masungit na saad nito sa kaniya.

“Ayyy, sige ate Timmy, uuwi na ako ha? Thank you talaga sa mga pasalubong mo!” Muli niyang niyakap ito at hinalikan sa pisngi, saka ito tumayo bitbit ang mga pasalubong mula kay Timmy.

Agad namang kinuha iyon ni Tobby mula sa kaniya saka naglakad nang palabas ng kawarto ng kaniyang ate. Sinundan na lang niya ito habang nakangiting nagpaalam sa mga magulang ni Tobby. Natutuwa talaga siya sa pasalubong na natanggap mula sa kapatid ng kaniyang kababata.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

#####Chapter 3

 

 

Matuling lumipas ang mga panahon at ngayon nga’y nasa high school na sila. Same school pa rin sila ni Cherry. Sabay pa rin silang pumapasok dahil kagaya ng school nila noong elementary, walking distance lang din ang school nila ngayon.

“Chubs! Chubs… Yuhuuu…” dire-diretso siyang pumasok sa bahay ng mga ito upang sunduin si Cherry.

Wala naman masyadong nagbago sa kanila ni Cherry. Palagi pa rin niya itong inaasar at Chubs pa rin ang tawag niya sa dalaga. Well, malaman pa rin kasi ito. Pero lumaki namang maganda si Cherry.

Natural ang pagkaka-rosy cheeks nito, na binagayan ng maliit at mapupulang labi, and she have the most expressive eyes that makes her look sexy. Para kay Tobby, Cherry is the most beautiful and sexy lady in his eyes. Taray haba ng hair ng lola niyo. Pero syempre hindi niya alam iyon. Dahil hanggang ngayon ligaw tingin pa rin si Tobby sa kaniya.

“Ang ingay mo naman! Ito na ako wait lang!” reklamo nito habang may pagmamadali sa kilos nito. Isinukbit na nito ang bag saka isinuot ang sapatos.

“Late ka na naman sigurong bumangon ‘no? Nanood ka na naman siguro kagabi ‘no?” napapailing na sita niya sa kababata habang pinapanood ito sa ginagawa.

“Heh! ‘Wag mo na akong sermunan diyan. Tara na at male-late na tayo!” sabay hila nito sa kaniya.

“Aba, at ako pa ang may kasalanan kung bakit tayo male-late?” sabi naman niya rito saka kinuha ang bag mula rito. Inakbayan pa niya ito saka naglakad palabas ng bahay ng mga ito.

“Mommy, aalis na po kami!” Paalam nito sa ina saka humalik sa pisngi nito.

“Tita, papasok na po kami.” Paalam din niya rito.

“Sige mga anak, mag-iingat kayo,” nakangiting sabi pa ng ina nito sa kanila.

Magkapanabay na silang naglakad habang nakaakbay siya rito. Wala namang reklamo ito dahil sanay na ito sa kaniya. Masyado na silang komportable sa isa’t isa. Kaya naman ang simpleng akbay na iyon ay walang malisya sa kanila. Kay Cherry lang pala walang malisya, dahil para sa kaniya ay napakalaking bagay na iyon. Maliban ngayong araw, dahil tila nagre-reklamo si Cherry sa pagkaka-akbay niya rito.

“Tobby ang bigat ng braso mo!” reklamo nito sabay tanggal sa kamay niyang nakapatong sa balikat nito.

“Ang arte mo ngayon Chubs ha!” Saka ibinalik ang kamay sa pagkaka-akbay rito.

“Mabigat nga kasi!” At tinanggal nitong muli ang kaniyang kamay.

Hindi na niya inakbayang muli si Cherry. Sa halip kinuha niya ang kamay nito, at pinagsalikop ang mga kamay nila. Tiningala naman siya ni Cherry at nakakunot noong tinignan siya nito.

“Oh, sige mamili ka akbay o holding hands?” agad niyang tanong dito.

“Masyado kang clingy. Bahala ka nga riyan!” sagot na lang nito sa kaniya kaya naman, nakangiti na lang siyang ipinagpatuloy ang paglalakad nila.

Gaya nang nakagawian, inihatid niya ito sa kanilang classroom bago siya magtungo sa classroom niya. Hindi naman lingid sa kaalaman ni Tobby na madami ang naiinggit kay Cherry. Eh, paano namang hindi? Isa siya sa itinuturing na heartthrob sa kanilang paaralan, tapos makikita silang palaging magkasama ni Cherry. Pero wala siyang pakialam sa mga iniisip ng mga kapwa nila estudyante.

‘Gusto ko si Cherry at wala kayong pakialam kung makita ninyong palagi kaming magkasama.’ Napangiti na lang siya sa naisip.

Matagal na niyang crush si Cherry. Nagsimula iyon noong grade five sila. Iyon ‘yung araw na inabutan niyang nagswi-swimming ito sa pool ng mga ito. Nakasuot ito ng one-piece suit na kulay itim. Lutang na lutang ang kaputian nito sa suot na swimsuit. Parang nalaglag ang mga panga niya nang umahon ito sa pool. Dahil sa takot na mabuko siya nito, dinaan na lang niya sa pang-aasar ito. Sinabihan niya itong parang binalot na suman. Kaya napikon ito at binato siya ng tsinelas.

Kaya simula ng araw na iyon, mas naging clingy pa siya rito. Kahit hindi mag-effort sa pagpapaganda ito, para sa kaniya ito na ang pinakamagandang babaeng nakilala sa tanang buhay niya. Aaminin din niyang possessive siya pagdating kay Cherry. Gusto niyang siya lang ang tanging lalakeng makakalapit kay Cherry. Gusto niyang siya lang ang gagawa ng mga bagay na ginagawa niya para rito. Gaya ng pag-akbay, holding hands at pang-aasar. Gusto niya siya lang.

“Jenny, nasaan na si Cherry?” tanong niya sa kaibigan nito, nang makasalubong ito sa hallway.

“Nasa room pa hindi pa tapos sa sinusulat niya,” sagot naman nito sa kaniya.

“Okay. Thank you ha?” nginitian niya ito saka tinapik sa balikat. Nagmamadali namang tinungo niya ang classroom ng mga ito.

“Chubs, ‘di ka pa tapos diyan?” Umupo siya sa tabi nito saka tiningnan ang ginagawa nito.

“Anong ginagawa mo rito?” kunot noong tanong naman nito sa kaniya.

“Eh ‘di sinusundo ka mahal na prinsesa,” nakangising saad niya rito sabay agaw sa notebook at ballpen nito.

“Huyyy, ano iyang ginagawa mo?” tanong naman nito sa kaniya at tinangkang kunin ang notebook nito na nailayo naman niya agad dito.

“Huwag ka ng magulo riyan. Tutulungan na kitang magsulat para matapos ka na rito. Ang bagal mo kasing magsulat eh!” Saka itinuloy ang pagsusulat sa notebook nito. Naramdaman naman niya ang pagtitig nito sa kaniya.

“Oh, bakit mo ako tinititigan ng ganiyan? Hindi naman ako lalaban sa iyo. Tinutulungan lang kita para makauwi na tayo,” nakangising saad niya rito. “Konti na lang ‘wag ka ng mainip,” sabi pa uli niya nang hindi na ito umimik sa kaniyang tabi. Ilang sandali pa at natapos na siya sa pagsusulat.

“Ayan, tapos na. Akin na ‘yung bag mo.” Saka kinuha ang bag nito at iniligpit ang mga libro at notebook nito sa bag. “Huyyy, Chubs halika na. May problema ka ba?” may pag-aaalalang tanong niya rito ng hindi pa rin ito umiimik.

“Tobby, kasi ano eh.” Yumuko pa ito at tila nahihiya sa kaniya.

“Chubs ano ba iyon? Pinapakaba mo naman ako eh.” Sinilip pa niya ang mukha nito mula sa pagkakayuko nito. Tinignan naman siya nito saka umayos ng upo.

“Umayos ka nga ng upo mo riyan. Mamaya isipin pa nilang naghahalikan tayo rito!” Tinampal pa siya nito na ikinatawa lang niya.

“Ano ba kasi iyon?” tanong uli niya sa dalaga.

“Prom na kasi ‘di ba? Wala akong partner,” nahihiyang sambit nito sa kaniya.

Napakagat labi pa ito nang sabihin iyon sa kaniya, na ikinatawa naman niya. Nilingon siya ni Cherry saka tiningnan ng masama. Tumikhim naman siya bago nagsalita.

“Sus, akala ko naman kung ano ‘yung malaking problema mo Chubs. Eh ‘di ako na lang ang date mo!” ngiting-ngiti pa niyang sabi rito.

“Sure ka? Wala ka bang date?” kunot noong tanong uli nito sa kaniya.

“Oo sure na sure ako!” Taas baba pa ang kilay niyang sagot sa kababata.

“Eh kasi baka mamaya may niyaya ka ng iba, eh nakakahiya,” nakangusong sabi pa ulit nito sa kaniya.

“Ang cute-cute mo talaga Chubs! Huwag ka ng mag-alala riyan kasi ikaw naman talaga ang yayayain kong maging date sa prom.” Hindi na niya napigilan ang sarili, kaya naman nakurot niya ito sa pisngi.

“Aray ko naman!” Hinimas-himas pa nito ang nasaktang pisngi.

“Ang cute mo kasi eh. Tara na nga!” Sabay tayo na niya sa kaniyang kinauupuan at dinampot ang mga bag nila.

Inilahad pa niya ang kamay kay Cherry na tinanggap naman nito. Muli na naman niyang naramdaman ang kakaibang pakiramdam na iyon. Parang may mga mumunting kuryenteng dumaloy sa kaniyang katawan sa pagkakadikit ng kanilang mga palad.

“H-halika na,” nauutal na yaya naman ni Cherry sa kaniya. Nagpatiuna na itong maglakad palabas ng silid nila.

‘Naramdaman din kaya ni Chubs iyon?’ tanong pa niya sa kaniyang sarili.

Nagkibit balikat na lang siya saka sinundan na si Cherry. Nang abutan niya ito sa labas ay agad niya itong inakbayan. Hindi naman ito nagreklamo, kaya malapad ang mga ngiti niya sa kaniyang mga labi. Taas noo siyang naglakad kasabay ng dalaga habang naka-akbay siya rito.

‘Ang sarap sa pakiramdam ng ganito kami kalapit. Pagdating ng tamang panahon, liligawan kita Chubs. Kaya sana ‘wag kang magpapaligaw sa iba,’ bulong pa niya sa sarili habang sinusulyapan ang dalagang tahimik sa kaniyang tabi.

“Ano namang iningingiti-ngiti mo riyan Tobby Ryan Galang?” tanong sa kaniya ni Cherry.

“Wala naman Cherry Joy Vergara.” Saka tumawa ng malakas. Kinurot tuloy siya ni Cherry sa kaniyang tagiliran na ikinapitlag niya.

“Uyyy, ‘wag diyan. Malakas kiliti ko riyan eh.” Saka hinawakan ang kamay ng kababata.

“Puro ka kasi kalokohan diyan eh!” asik naman nito sa kaniya.

“Aba at ikaw nga itong unang bumuo ng pangalan ko eh,” nakangising saad pa niya rito.

Inirapan na lang siya nito at nagpatuloy na sa paglalakad. Natutuwa talaga siya kapag naaasar niya ito. Ang cute kasi lalo nito kapag namumula ang mga pisngi nito. Inayos niya ang pagkaka-akbay rito at nagpatuloy na rin sa paglalakad. Hindi mapalis ang ngiti sa kaniyang mga labi habang naglalakd silang pauwi sa kanilang mga bahay.

‘Hayyy naku Cherry, kung alam mo lang kung gaano ako kasaya sa araw-araw na magkasama tayo.’ Tanging naibulong niya sa kaniyang sarili.

Cherry’s POV…

Highschool na kami pero ganoon pa rin kami ni Tobby. Sanay na akong pumasok at umuwi ng kasabay siya. Sanay na rin naman akong inaakbayan niya ako. Dati ‘yun, pero ngayon parang biglang may kakaiba akong nararamdaman sa pag-akbay niya.

Parang may kuryenteng gumapang sa aking buong katawan. Kaya naman tinanggal ko ang pagkaka-akbay niya sa akin. Pero alam niyo naman si Tobby mapang-asar kaya ibinalik lang niya ang kamay sa balikat ko. Nang tanggalin ko ulit, hinawakan naman niya ang kamay ko. Shocks mga beshy! Mas dumoble ang pintig ng aking puso.

Hinayaan ko na lang siya sa pagkakahawak niya sa mga kamay ko. Ang kaba na aking nararamdaman ay sobra-sobra. Kulang na lang lumipat ang puso ko sa mga paa ko.

Pagdating namin sa school namin, ayun mula sa gate hanggang sa pintuan ng classroom namin, nagtataasan ang mga kilay ng kababaihan. Haller? Who wouldn’t? Ang isa sa mga hearthrob ng SNA (St. Nicholas Academy), kasama lang naman ng matabang si Cherry. At ito namang si Tobby, parang proud pa na magkahawak kamay kami.

Sus ko day! Nakakaloka talaga! Pagsapit naman ng uwian, sinundo pa niya ako sa classroom namin. At take note, siya nardin ang tumapos sa sinusulat ko. Napatitig na lang ako sa kaniya habang nagsusulat. Nang mahuli niya ako, nagkunwari na lang akong namoroblema ako sa prom date. Ang totoo wala naman akong pakialam kung may date ako o wala eh.

Nagprisinta siya mga beshy! Akalain mo iyon, nagpalusot lang ako, nagka-date na agad ako? Oh my goodness talaga. Feeling ko ang haba-haba ng hair ko mga inday.

 

 

 

 

 

 

#####Chapter 4

 

 

Araw ng Prom…

Kagaya nga ng sabi niya kay Cherry, siya ang date nito. Kaya naman nagpa-pogi talaga siya ng husto para rito. Gusto kasi niyang makita siya ni Cherry bilang makisig na binata, hindi bilang kaibigan nito.

“Wow, ang pogi naman ng anak ko mana sa akin!” Narinig niyang sabi ng kaniyang daddy.

“Syempre naman dad.” Kinindatan pa niya ang ama nang humarap siya rito.

“Sino ba ang date mo at todo ang pagpapa-pogi mo?” tanong pa nito habang inaayos ang bow tie niya.

“Sino pa nga ba daddy? Eh ‘di ‘yung ultimate crush ko dad,” nakangising saad niya rito. Alam ng mga magulang niyang gusto niya si Cherry at wala namang tutol ang mga ito roon.

“Ay sus, binata na talaga ang anak namin. Bakit hindi mo pa ligawan? Ikaw rin baka maunahan ka pa ng iba.” Tinapik pa siya nito sa balikat.

“Saka na dad, mga bata pa naman kami eh. Saka walang liligaw roon, guwardyado ko yata si Chubs!” nakangising sagot naman niya sa ama.

“Sino ang binata na?” Sabay silang napalingon sa mommy niya, na nakatayo na ngayon sa pintuan ng kaniyang kwarto.

“Syempre mommy ako. May iba ka pa bang anak na lalake? Alam ko kasi ako lang ang anak mong lalake,” pabirong tanong niya sa kaniyang ina. Tumawa naman ang kaniyang ama sa kaniyang sinabi.

“Naku manang-mana ka nga talaga sa pinagmanahan mo!” Lumapit ito sa kaniya saka humawak sa kaniyang ulo.

“Mommy naman eh, ‘wag ang buhok ko! Matagal kong inayos iyan eh!” Pagrereklamo niya sa ina na ikinatawa naman ng mga magulang niya.

“Okay fine! Mag-iingat kayo ha, saka ‘wag kayong iinom ng alak. Tobby Ryan behave ha?” paalala pa ng kaniyang ina.

“Opo mommy, don’t worry po hindi ako iinom at uuwi kami ng safe ni Chubs.” Humalik na siya sa mga magulang saka lumabas ng bahay. Agad din siyang bumalik ng may maalala.

“Dad, nasaan nga pala ‘yung susi ng sasakyan?” tanong niya sa ama.

“Oo nga pala. Here!” Sabay abot sa kaniya ng susi ng kanilang sasakyan.

“Thanks dad!” nakangiting sabi niya rito saka kumaway sa mga magulang.

Agad siyang nagtungo sa bahay ng mga Vergara upang sunduin si Cherry. Eksakto namang pababa na ito ng hagdan ng bahay ng mga ito nang makapasok siya sa sala. Napanganga pa siya nang makita itong naglalakd pababa ng hagdan. Napakaganda nito sa baby pink na gown nito. Nakataas ang buhok nito kaya kitang kita ang maputing leeg nito na nakalantad sa tube style na gown nito. Tumikhim siya ng makarating na sa huling baitang ng hagdan si Cherry.

“Ang ganda mo naman Chubs.” Titig na titig pa rin siya sa mukha ng dalaga.

“Ang pangit mo naman Tobby,” ganting saad nito saka humagikgik pa ito. Agad namang nagsalubong ang mga kilay niya sa sinabi nito.

“Huyyy, tabaching-ching maka-pangit ka riyan! Isa yata ito sa tinaguriang heartthrob ng school natin!” Pagmamalaki pa niya rito.

“Oo na! Hindi ka na mabiro. Pogi ka na, kaya tara na!” nakangiting saad pa nito sa kaniya saka umabrisyete na sa kaniyang braso. Kinilig naman siya ng sabihan siya ni Cherry na pogi.

“Mommy, aalis na po kami.” Paalam pa nito sa ina nito.

“Tobby, mag-iingat sa pagmamaneho ha? Huwag magmadali at diyan lang naman ang school niyo.” Bilin pa ng mommy ni Cherry sa kaniya.

“Opo tita. Don’t worry po maingat naman po akong magmaneho. ‘Wag lang pong magpapasaway si Cherry,” nakangising saad pa niya rito.

“Mabait ako baka ikaw riyan ang magpasaway!” Dahil nakaabrisyete ito sa kaniya ay agad siyang nakurot nito.

“Aray! Kita mo na tita?” Sabay huli sa kamay ni Cherry nang muling tangkain nitong kurutin siya.

“Hay naku kayong dalawa talaga. Sige na at baka ma-late pa kayo. Kasama ka pa naman yata hijo sa cotillion,” wika pa ng ina ng dalaga.

Doon naman para siyang natauhan. Kasama nga pala siya sa cotillion, at kailangan niyang maagang makarating doon para sa assembly. Nagpaaalam na sila sa ina ni Cherry saka naglakad na palabas ng bahay ng mga ito.

“Akin na ang kamay mo Chubs, isuot mo itong corsage.” Inabot niya ang kaliwang kamay nito at isinuot iyon sa kamay ng dalaga.

“Bakit parang iba ito sa ipinakita ni Jenny sa akin?” nagtatakang tanong nito sa kaniya.

“Syempre espesyal ka eh, special child. Kaya iba iyang sa iyo!” Nginisihan pa niya ito bago pinaandar ang sasakyan. Hinampas naman siya nito.

“Huwag ka ng magulo riyan baka mabangga tayo! Basta, special ka kasi kaya dapat mas maganda ‘yung isusuot mo kaysa sa kanila.” Kinindatan pa niya ito saka itinutok na niya ang mga mata sa daanan.

Nakita pa niya sa gilid ng mga mata, ang tila naguguluhang itsura ni Cherry. Napangiti na lang siya habang nagmamaneho. Wala talagang idea ang dalaga sa kaniyang tunay na nararamdaman para rito. Nang makarating sila sa kanilang school, ipinark niya malapit sa gate ang kanilang sasakyan. Ipinagbukas din niya ito ng pinto saka inalalayang makalabas doon.

“Mukhang kailangan ng palitan ni daddy itong sasakyan namin ah,” komento pa niya habang inaalalayan niyang makababa si Cherry sa sasakyan.

“Bakit naman?” nagtatakang tanong nito sa kaniya.

“Para mas komportable kang makaka-upo. Saka mas mabilis kang makakababa ng sasakyan,” todo ngisi pa niyang sagot sa dalaga. Nakatikim tuloy uli siya ng pinong kurot mula rito.

“Nagbibiro lang naman ako Chubs. Ang sakit mo mangurot ha.” Hinimas pa niya ang nasaktang baso.

Inirapan lang naman siya ni Cherry saka nagpatiunang maglakad patungo sa entrance ng kanilang school. Siniguro muna niyang nakasara ang sasakyan, bago mabilis na sinundan si Cherry.

“Chubs, wait lang! Hindi ka na mabiro!” Agad niyang pinagsalikop ang kanilang mga kamay nang maabutan niya ito.

Pilit namang tinatanggal ni Cherry ang magkasalikop nilang kamay. Ngunit lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ng kababata.

“Huwag ka ng mag-effort tanggalin ‘yan. Baka masaktan lang ang mga kamay mo. Let’s just stay this way. Ang lambot kasi ng mga kamay mo eh, masarap hawakan.” Tiningala naman siya ni Cherry, kaya kinindatan at nginitian niya ito saka ipinagpatuloy ang kanilang paglalakad.

“Ewan ko sa iyo Tobby. Bahala ka nga riyan!” sabi na lang nito sa kaniya. Maya-maya’y naramdaman na lang din niyang, komportable nang nakahawak ang kamay nito sa kaniyang kamay.

‘Awww! Ang sarap talagang hawakan ng mga kamay niya. Parang marshmallow sa lambot,’ nakangiting bulong pa niya sa sarili.

Nagpa-register na sila sa entrance ng gate, saka iginiya niya ito sa kanilang table. Kasama nila sina Jenny at Althea sa table, kaya panatag niyang iiwan ito roon. Pagkahatid niya rito sa table nila ay nagpaalam na rin siya agad sa mga dalaga, dahil kailangan na siya sa assembly station nila for cotillion.

Nginitian naman siya nito saka tumango. Masaya na siyang nagtungo sa gilid ng stage, kung saan ang kanilang assembly station. Mula roon ay tanaw pa rin naman niya si Cherry, kaya panatag siyang walang mangyayaring hindi maganda rito.

Cherry POV…

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa lahat ng pinaggagagawa at ipinapakita ni Tobby sa akin. Dapat ba akong matuwa sa mga ipinapakita nito sa akin? Alam kong magkaibigan kami. Pero bakit pakiramdam ko ay may mas malalim pa itong nararamdaman para sa akin?

Madalas ko siyang mahuling nakatitig lang sa akin. At minsan hindi ko rin maintindihan ang pagiging clingy nito. Natatakot naman akong komprontahin ito dahil baka mapahiya lang ako. Pero nitong mga nakaraang mga araw, parang may kakaiba na rin akong nararamdaman para sa kaniya.

Gusto ko na si Tobby, kaso baka naman hanggang pagkakaibigan lang ang tingin niya sa akin. Baka natutuwa lang siya sa akin, kaya siya palaging nasa tabi ko. Hayyy Tobby, Tobby, Tobby… bakit ba naman kasi napakabait mo sa akin?

Sa ngayon, hahayaan ko na lang muna kung ano man itong nararamdaman ko para sa iyo. I-e-enjoy ko na lang muna ang makasama ka ng wala pang nagbabawal sa iyo. Makokontento na muna ako sa anong meron sa pagitan natin.

 

 

 

 

#####Chapter 5

 

 

“Uyyy, Cherry nasaan na ang date mo? Bakit mag-isa ka rito?” tanong ni Althea nang makalapit ito sa table nila.

“Ayun kasali sa cotillion.” Sabay nguso niya kay Tobby.

“Ahhh okay, kaya naman pala mag-isa ka lang dito. Nasaan na si Jenny?” maya-maya’y tanong nito sa kaniya.

“Kanina lang nandito na iyon. Baka nag-CR lang,” sagot naman niya sa kaibigan saka uminom ng tubig.

“Ano ba iyan ang mga partners natin kasali sa cotillion!” nakasimangot na saad nito sa kaniya, nang makaupo ito sa bakanteng upuan malapit sa kaniya.

“Hi Girls, ano kumusta na? Oh bakit ka nakasimangot diyan?” ani Jenny na kararating lang. Humila ito ng upuan saka naupo sa tabi niya.

“Nagrereklamo. Lahat raw kasi ng mga partners natin ay kasali sa cotillion,” nakangising sagot naman niya kay Jenny.

“Bakit hindi ka kasi sumali rin, at ng hindi ka nagmumumok diyan? Kakaloka ka girl!” natatawang saad naman ni Jenny kay Althea.

“Hmp! Ayaw ko nga nakakatamad kaya mag-practice ‘no! Ang sarap-sarap humilata eh,” nakaismid namang turan nito. Tumawa lang si Jenny sa sinabi ng kaibigan.

Nginitian lang niya ang mga ito saka tumingin sa kinaroroonan ni Tobby. Nakita pa niyang kumaway ito sa kaniya kaya naman tinanguan na lang niya ito.

‘Why so pogi Tobby?’ bulong pa niya sa kaniyang sarili habang nakatingin siya rito.

Ilang saglit pa at nag-umpisa na ang program nila. Nagsimula nang magsayawan ang mga kasali sa cotillion. Habang nagsasayaw ay napapasulyap si Tobby sa kinaroroonan ni Cherry. Mukha namang okay ito dahil kasama nito ang mga kaibigan. Nang matapos ang sayaw ay agad siyang nagtungo sa mesang nakalaan para sa kanila.

“Chubs, okay ka lang ba rito?” Hinila pa niya ang katabing upuan nito sabay upo roon.

“Oo naman. Kumusta naman ang pakikipagsayaw mo?” Napangiti naman siya sa tanong nito dahil nakasimangot ito.

“Uyyy, bakit ka nakasimangot? Nagse-selos ka ‘no?” panunukso pa niya rito.

“Hindi ah! Ang kapal mo abot dito oh!” masungit nitong sagot sa kaniya. Tumawa naman siya saka kinurot ang pisngi nito.

“Eh bakit ka nga kasi nakasimangot kung hindi ka nagse-selos?” nanunudyong tanong pa niya ulit dito.

“Hindi nga ako nagse-selos sabi! Naiinis lang ako sa partner mo! Napaka arte halata namang nagpapa-cute lang sa iyo!” Salubong ang kilay na sagot nito sa kaniya. Nginitian niya na lang ito saka inakbayan.

“Gutom ka na siguro. Ikukuha na lang kita ng food. Hintayin mo na lang ako dito ha?” Hinalikan pa niya ito sa ulo bago tumayo.

Ikinagulat naman niya ang kaniyang ginawa, kaya naman agad na lang siyang naglakad palayo rito. Hindi siya makapaniwalang magagawa niyang halikan si Cherry sa harapan ng mga kaibigan nito.

‘Tobby Ryan, what the hell did you just did?’ tanong pa niya sa sarili.

Nilingon niyang muli si Cherry na nakatalikod mula sa kinaroroonan niya. Nakikipag-kwentuhan na ito sa mga kasama nila sa mesa. Mukha namang hindi ito apektado sa ginawa niya kanina kaya nakahinga siya ng maluwag. Napabuntong hininga na lang siya saka ipinagpatuloy na ang pagkuha ng pagkain.

“Here you go. Kain na,” nakangiting saad niya rito nang makabalik na siya sa kanilang mesa.

“Ang dami naman nito Tobby. Bibibitayin mo na ba ako mamaya?” nagbibirong tanong nito sa kaniya.

“Sus, kunwari ka pa riyan. Kayang-kaya mo naman talaga ubusin iyan eh. Baka pati pagkain ko nga agawin mo pa mamaya eh,” nakangising wika niya rito.

“Grabe ka sa akin! Konti lang!” Pakikisakay pa nito sa trip niya at ngumiti pa ito ng pagkatamis-tamis sa kaniya.

“Kumain ka na nga lang diyan.” Napapailing na lang siya rito, dahil ang totoo apektado siya sa ngiting iyon ni Cherry.

Matapos nilang kumain ay nag-announce na for their first dance. Kaya naman agad niyang niyaya si Cherry para sumayaw.

“Chubs, may I have this dance?” Nakangiti niyang inilahad ang kamay sa harap ng kababata.

“Sure. Pero I’m warning you, parehong kaliwa ang mga paa ko baka maapakan lang kita. ‘Wag na huwag kang magrereklamo pag-nangyari ‘yun!” Tumatawang saad nito saka iniabot ang kamay sa kaniya.

“Awww! Okay lang basta ‘wag mo lang sasadyain ang pag-apak ha?” Saka niya iginiya ito sa dance floor.

Inilagay niya ang mga kamay ni Cherry sa kaniyang balikat, saka naman niya hinapit ito palapit sa kaniya. Ang lakas ng kabog ng kaniyang dibdib at halos marinig na niya iyon.

“Chubs, puwede kang humilig sa dibdib ko kung gusto mo.” Napatingala naman sa kaniya ang dalaga.

“Kung gusto mo lang sabi ko.” Nakataas pa ang isang kilay na saad niya rito. Nginitian lang naman siya nito at inihilig nga nito ang ulo sa kaniyang dibdib.

‘Ahhh, ang sarap naman ng ganito. Kayakap ko ang taong gustong-gusto ko. Sana hindi na matapos ang kanta, para buong gabi kaming magkayakap lang,’ impit na hiling pa niya.

Pero kagaya nga ng ilang bagay sa mundo, walang permanente. Natapos na ang kanilang sinasayaw, kaya naman iginiya na niya ito sa kanilang mesa upang makapagpahinga.

“Gusto mo ba ng drinks?” tanong pa niya rito.

“Please?” sagot naman nito sa kaniya, kaya nginitian niya ito bago kumuha ng inumin.

Pagbalik niya ay narinig pa niyang tinutukso ito ng mga kaibigan. Kaya naman hindi muna siya lumapit at pinakinggan ang mga ito. Parang mga kiti-kiti ang mga kaibigan nitong kinikilig habang pinagkaka-isahan si Cherry.

“Cherry, ano na? Nanliligaw na ba sa iyo si Tobby?” narinig niyang tanong ni Althea.

“Oo nga, ano na bang status ninyo ng kababata mong iyon? Ang sweet niyo kasi eh,” segunda naman ni Jenny. Tila naman nahiya si Cherry sa tanong na iyon ng mga kaibigan.

“Mga sira! Wala magkaibigan lang kami ni Tobby. Saka hindi naman magkakagusto sa akin ‘yun ‘no. Palagi nga niya akong tinatawag na Chubs ‘di ba?” narinig niyang sagot nito sa dalawang kaibigan.

“Malay mo naman endearment niya lang sa iyo ‘yon. Ang sweet nga eh!” kinikilig pang sabi ni Althea kay Cherry.

“Tigilan niyo akong dalawa ha! Wala kaming relasyon okay? Magkababata kami at parang best friends gano’n.” Narinig pa niyang sagot nito. Doon na siya nagdesisyong lumapit sa mga ito.

“Girls, drinks? Mukhang iniwan na kayo ng mga partners niyo eh,” nakangising saad niya sa mga ito sabay nguso sa mga partners ng mga ito na nakikipag-usap na sa ibang mga babae.

“Hayyy naku bayaan mo iyang mga ‘yan Tobby. Nakakabuwiset nakakita lang ng babaeng nakasuot ng halos labas na ang kaluluwa, iniwan na kami!” nagmamaktol na wika naman ni Jenny.

“Mabuti pa itong si Cherry, kahit walang ka-effort-effort hindi mo iniiwan,” sabi naman  ni Althea. Natawa naman si Cherry sa sinabi ng kaibigan.

“Luh siya, ako na naman ang nakita niyo,” sagot naman ng dalaga sa sinabi ng mga kaibigan.

“Oh, bakit totoo naman ah? Ang pogi-pogi kaya ng date mo ‘no! Kanina ko pa rin gustong dukutin ang mga mata ng mga babaeng nakataas ang kilay sa iyo!” sabi naman ni Jenny.

“Kalma lang girls. Hayaan niyo na ang mga iyan. Lilipas din ang inggit nila,” Nakangising saway naman niya sa mga ito.

Tumawa naman ang mga dalaga matapos niyang sabihin iyon. Natutuwa lang siyang pakinggan ang mga dalagang nagtatawanan sa kaniyang tabi. Habang siya naman ay abalang nakatitig lang kay Cherry. Hindi talaga niya mapigilan ang sariling hindi hangaan ang dalaga. Ilang oras pa silang nanatili roon bago natapos ang kanilang prom. Isinabay na nila ang dalawang kaibigan nito pauwi, dahil ang mga dates nito ay naghatid ng ibang babae.

“Ang mga walang hiyang iyon. Naku, naku ‘wag silang magpapakita sa atin sa Lunes at talagang hmm—” nanggigigil na sabi ni Jenny.

“Naku talaga sinabi mo pa. Lagot talaga sa akin iyang Ace na iyan!” sabi naman ni Althea.

“‘Wag na kayong ma-high blood diyan. Deadmahin niyo na lang sila sa Lunes,” natatawang wika naman ni Cherry.

“Kakainis kasi sis eh! Buti ka pa, kahit madaming lumalandi at nagpapa-cute rito kay Tobby, hindi siya nagpalandi. Ikaw na talaga sis, gondo lang eh ‘no?” nakasimangot na saad ni Jenny sabay muwestra sa kaniya. Humagikhik naman si Althea sa tabi nito.

“Bakit pa ako titingin sa iba, kung kay Chubs pa lang eh busog na ako?” tatawa-tawang sabad naman niya sa usapan ng mga ito. Pinanlakihan naman siya ng mga mata ni Cherry.

“Ayyyiiieee! Ikaw Tobby ha, may gusto ka ba rito kay Chubs este Cherry?” panunukso pa ni Althea sa kaniya.

“Hindi lang gusto, gustong-gusto,” nakangisi niyang sagot dito, saka sinulyapan ito sa rearview mirror.

“Eeeiii!!! Kinikilig naman ako sa inyo! Team Toberry na kami!” Impit na tili pa ni Jenny.

“Tigilan niyo nga iyang team Toberry na ‘yan, sounds like tobero lang!” saway naman ni Cherry sa mga kaibigang kinikilig pa rin na nakaupo sa likod ng sasakyan. Bumungisngis pa ang dalawa saka nag-appear.

“Ikaw naman Tobby, ano-ano pinagsasasabi mo riyan. Baka mamaya maniwala itong dalawa sa iyo!” Inirapan pa siya nito.

“Oh, ano naman kung maniwala sila? ‘Di ba ‘no girls?” tanong pa niya sa dalawang kaibigan nito.

“Oo nga! Bagay naman kayo ni Tobby, kaya why not chocnut?” sagot naman ni Althea.

“Ewan ko sa inyong tatlo! Oh, nandito na tayo sa inyo Jenny. Bye sis, see you on Monday!” Dumukwang naman si Jenny para ibeso ito bago bumaba ng sasakyan.

Isinunod naman nila si Althea na ibaba sa bahay ng mga ito. Bumeso rin muna ito kay Cherry bago ito bumaba. Kaya naman dalawa na lang sila ngayong naiwan sa loob ng sasakyan.

“Oh, tahimik ka na riyan. Inaantok ka na ba? Malapit na tayo don’t worry,” nakangiting wika niya rito bago saglit na tinapunan ito ng tingin.

“Oo antok na ako Tobby. Sa susunod hindi na ako sasama sa JS Prom na ‘yan. Nakakapuyat lang, though on the other hand, nag-enjoy naman ako. Thank you!” Nakangiti pa itong bumaling sa kaniya.

“Thank you? Para saan?” kunot noong tanong naman niya rito.

“For taking me as your date. Kahit pa alam ko namang marami kang ibang choices, ako pa rin ang pinili mo.” Nagulat naman siya ng bigla itong dumukwang, at halikan siya nito sa kaniyang pisngi.

Agad naman siyang napa-preno at sinulyapan ito sa kaniyang tabi. Halatang nagulat din ito sa biglang paghinto nila.

“Aray ko naman Tobby! Dahan-dahan ka naman sa pagmamaneho. Malapit na tayo sa bahay saka pa tayo madi-disgrasya,” reklamo pa nito sa kaniya.

“Ahm, sorry. May pu-pusa kasing dumaan.” Palusot na lang niya rito. Palakas ng palakas ang kabog sa kaniyang dibdib na parang may naghahabulang mga daga roon.

‘Shit! Hindi ko Inaasahan iyon ah!’ Napamura pa siya dahil sa ginawang iyon ni Cherry.

Hindi niya inaasahang hahalikan siya nito. Kaya naman sobrang bilis ng pagtibok ng kaniyang puso. Nang makabawi, agad din niyang itinuloy ang pagmamaneho. Sa bahay nila sila dumiretso para i-park ang sasakyan bago niya ihatid ang dalaga sa bahay ng mga ito.

“Halika na, ihahatid na kita sa inyo,” sabi pa niya rito ng mai-park na niya ang sasakyang ginamit.

“Tara! Antok na antok na talaga ako Tobby,” sagot naman nito sa kaniya, saka tinanggal ang sandals na suot nito bago muling naglakad.

“Chubs, baka may maapakan kang bubog sa kalsada. Halika papasanin na lang kita sa likod ko.” Hinawakan niya ang kamay nito upang pigilan ito sa paglalakad ng nakayapak. Saka siya pumwesto sa harapan nito, upang makakapit ito sa kaniyang balikat.

“Sure ka? Baka mabigatan ka lang sa akin, maglalakad na lang ako.” Paniniguro pa nito sa kaniya.

“Ano namang palagay mo sa akin? Weak? ‘Wag ka ng maarte, bakay na para makapag-pahinga na rin ako.” Nag-aalangan man ay sinunod pa rin siya nito.

Nakangiti siya habang ninanamnam ang sandaling iyon. Kahit may kabigatan si Cherry, ay hindi niya iyon alintana. Mas nananaig ang kasiyahan sa kaniyang puso. Nang makarating sila sa bahay ng mga ito ay agad din naman siyang nagpaalam dito. Gabi na masyado at alam niyang pagod na rin ang dalaga. Kaya naman kumaway na siya rito saka tumalikod at nag-umpisang maglakad pabalik sa kanilang bahay.

Ito na yata ang pinaka masayang pangyayari sa buhay niya, ngayong high school life nila. Ang babaeng pinaka mamahal niya ay napakalapit lang sa kaniya. Abot na abot lang niya ito, ngunit kailangan niyang maghintay ng tamang pagkakataon upang ligawan ito.

‘Maghihintay ako sa tamang panahon para ligawan ka Chubs. Pangako iyan!’ bulong pa niya sa kaniyang sarili. Saka nakangiting nagpatuloy sa paglalakad.

Cherry’s POV…

Napaka-swerte ko dahil si Tobby ang date ko ngayong gabi. Napansin kong may kakaiba sa lalakeng ito. Napaka maasikaso niya sa akin. Well dati naman na pero ngayon, parang mas dumoble pa. Lalo tuloy akong naguguluhan sa nararamdaman ko para sa kaniya.

Kanina nga ay ni hindi niya ako iniwan sa aking kinauupuan. Buong gabi kaming magkasama. Maski na ilang babae pa ang lumapit sa kaniya para makipagsayaw ay hindi niya iyon pinansin. Yes, siya ang niyayayang magsayaw ng mga babae. Tinanggihan niya lahat ng mga iyon dahil sa akin. At ng mag-sayaw kami, rinig na rinig ko ang mabilis na tibok ng kainyang puso. Nasobrahan ba ito sa kape?

Nang pauwi na kami, sinabi niyang gustong-gusto niya ako kila Jenny at Althea. Hindi ko alam kung dapat ba akong maniwala sa sinabi niyang iyon? Palagi lang naman niya akong binibiro kaya mahirap paniwalaan na totoo ang mga iyon.

Nang maihatid namin sila Jenny at Althea, nag-thank you ako sa kaniya. Syempre sa dinamirami ng puwede niyang maging date, ako ‘yung pinili niya. Kaya naman nahalikan ko siya sa kaniyang pisngi.

Actually, nagulat din ako kung bakit ko iyon nagawa. Pero nagawa ko na eh. Saka kakaiba ‘yung pakiramdam pagkadampi ng mga labi ko sa kaniyang pisngi. Parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko. Pero masarap na kuryente. Can’t explain.

Inihatid niya ako sa amin. Nagulat ako nang buhatin niya ako mula sa kaniyang likuran. I was hesitant at first, but eventually, nagustuhan ko rin naman. Hayyy, ano ba itong nararamdaman kong ito? Nagugustuhan ko na ba siya?

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

#####Chapter 6

 

 

Matatapos na ang school year nila. Nalulungkot siya dahil baka hindi na sila maging mag-school mate ni Cherry. HRM kasi ang kukunin nito samantalang siya, ay kukuha ng kursong Marine Engineering. Magiging limited na rin ang kanilang pagkikita dahil paniguradong pareho silang magiging abala sa kanilang pag-aaral.

“Chubs, saan ka mag-aaral ng college?” kasalukuyan silang nakalublob sa pool ng mga ito nang araw na iyon.

“CLC sa Olongapo. Ikaw ba?” nilingon pa siya nito.

Napangiti naman siya sa isinagot nito. Akala niya talaga magkakalayo sila ng school. Buti na lang at doon din pala ito mag-aaral.

“Doon din. Syempre kung nasaan ka, nandoon din dapat ako. Dahil hindi pwedeng iwan ang magandang kagaya mo ng mag-isa,” nakangisi pang saad niya rito.

“Sira ka talaga, puro ka kalokohan!” Winisikan pa siya ng tubig nito.

“Ahhh ganyanan pala ang gusto mo ha?” Sinabuyan rin niya ng tubig si Cherry saka lumayo rito.

“Buwiset ka talaga Tobby! Bumalik ka rito!” Lumangoy ito palapit sa kaniya upang habulin siya.

Nang mahawakan siya nito ay agad siyang dinamba nito at umangkas sa likod niya. Tatawa-tawa naman siya habang inaawat ito sa paglunod nito sa kaniya.

“Chubs, tama na hahaha!” Sa wakas ay tinantanan na siya nito.

Agad din namang bumitiw ito saka siya winisikan ulit ng tubig. Bago nagmamadaling lumangoy palayo sa kaniya.

“Ayan na ako Chub— bilisan mong lumayo!” Saka siya lumangoy palapit dito. Nagtititili naman ang dalaga at nagkakakawag ito nang mahawakan niya ang isang paa nito.

“Ano ba ‘yan, para ka namang kinakatay ka piggy oink, oink!” sabi niya rito nang bitiwan niya ang  paa nito.

“Piggy oink, oink pala huh!” Saka siya hinampas nito.

“Aray! Tama na Chubs! ‘Wag kang mag-alala, sa lahat ng piggy ikaw ang pinaka love ko!” Wala pa ring tigil ito sa sa paghampas sa kaniya.

“Heh! Mukha mo!” Saka siya muling hinampas nito.

“Ang bigat ng kamay mo Chubs. Tama na! Grabe daig ko pa ang nabugbog. Hindi nga ako napapalo sa bahay, solve naman ako sa pambubugbog mo.” Naiiling na lang niyang sabi rito, habang tinitingnan ang namumulang braso.

“Hmp! Kasalanan mo naman kung bakit kita hinampas eh!” saad pa nito sa kaniya bago ito umahon na sa pool.

Napalunok pa siya nang makita ang makikinis at mapuputi nitong hita. Agad niyang iniiwas ang paningin nang bigla itong lumingon sa kaniya. Kakamot-kamot na lang siya ng ulo saka umahon na rin mula sa pagkakalublob niya sa pool.

‘Lord, ilayo mo ako sa napaka healthy’ng tukso!’ Pabirong dalangin pa niya.

“Pa-miryenda ka naman diyan Chubs!” Ungot pa niya rito nang makaahon na siya sa pool.

“Sa kusina madaming pagkain. Kaya mo na iyan, malaki ka na,” patamad na sabi nito habang tinatali ang roba nito sa bewang nito.

“Wow grabe napaka maasikaso mo talaga!” Napakamot na lang siya sa kaniyang ulo saka nagtungo sa kusina para kumuha ng makakain.

“Thank you Tobby! Dala ka na rin ng chips ha?” sigaw pa nito sa kaniya.

‘Kung hindi lang kita mahal babae ka. Naku naman talaga!’ bubulong-bulong pa niyang kausap sa kaniyang sarili.

“Oh, Tobby, tapos na kayong maglangoy ni Cherry?” Ang mommy ni Cherry iyon.

“Opo tita. Kukuha lang po sana ako ng miryenda. Saka chips daw po sabi ng healthy baby girl ninyo.” Natawa naman ang ginang sa kaniyang sinabi.

“Ikaw talaga Tobby naku, kayong dalawa talaga. Hindi na ako magtataka kung isang araw magka-in love-an kayo ng anak ko,” sabi pa nito sa kaniya.

“In love na nga po yata ako sa tabachingching na ‘yun eh,” halos pabulong na sagot niya rito.

“Huh? May sinasabi ka ba hijo?” nakakunot noong tanong pa nito sa kaniya.

“Ahhh wala po tita sabi ko po, dadalhin ko na ang mga ito sa pool. Salamat po tita!” Sabay kuha sa tray na naglalaman ng kanilang pagkain.

‘Muntik ka na Tobby,’ sabi pa niya sa kaniyang sarili.

“Oh, mahal na prinsesa, ito na po ang inyong pagkain!” Sabay lapag niya ng tray sa tabi nito.

“Huyyy, nandito na ang pagkain, bakit parang wala kang naririnig riyan?” untag pa niya rito nang hindi ito umimik at nakatingin lang sa kaniya.

“W-wala. Puwede ba Tobby, magsuot ka nga ng bathrobe mo. hjhkjhkk.” Hindi niya naintindihan ang huling sinabi nito.

“Huh? Ano ‘yung huling sinabi mo?” tanong niya rito.

“Meron ba akong sinabing iba pa? Sabi ko lang naman magsuot ka ng bathrobe mo.” Sabay abot nito ng juice at ininom iyon.

“Hindi eh may karugtong ‘yung sinabi mo eh,” hindi naniniwalang saad niya rito.

“Wala nga! Gutom ka lang siguro kaya kung ano-ano na iyang naririnig mo!” sabi nito sabay abot sa kaniya ng sandwich.

Nakakunot pa rin ang noo niya habang inaabot ang sandwich sa kamay nito. Sigurado siyang may iba pang sinabi ito bukod sa pagsusuot ng bathrobe. Nagkibit balikat na lang siya nang mukhang wala namang balak sabihin nito, kung ano ‘yung huling sinabi nito sa kaniya.

Cherry’s POV…

Hayyy ito na naman ang sutil na lalakeng ito. Kanina lang malungkot ito, pero bigla ring naging masaya. Daig pa ang babae kung magpalit ng mood. Inasar na naman ako ng buwiset na lalakeng ito kaya naman sinugod ko siya at sumampa sa likod niya.

Ayun na naman ‘yung parang kuryenteng gumapang sa katawan ko. Kagaya nang kuryenteng naramdaman ko nang halikan ko siya sa pisngi niya noong gabi ng prom. Kaya naman agad din akong bumitiw at lumangoy palayo sa kaniya.

Pero dahil nga sutil siya, sinundan pa rin niya ako at hinila ang paa ko. Nang magtititili ako, sinabihan ba naman akong parang kinakatay na baboy. Siraulo talaga! Tapos sasabihin niyang sa lahat ng baboy, ako ang pinaka love niya? Paano ko naman paniniwalaan ‘yun eh puro siya kalokohan?

Nang umahon ako nakita ko siyang nakatitig lang sa akin. Agad din naman siyang nag-iwas ng tingin saka umahon. Shet! Ang ganda ng katawan niya. Nawawala ako sa sarili ko kaya inutusan ko na lang siyang kumuha ng miryenda.

Nang makabalik siya mula sa kusina, sus ko day! Kitang-kita ko ang malalaki niyang muscles sa kanyang kuwan… sa kaniyang braso. Kayo huh! Kaya naman sabi ko isuot niya ang bathrobe niya dahil nadi-distract ako. Buti na lang hindi niya iyon narinig kundi, yari ako!

Baka mabuko ako ng ‘di oras na pinagnanasaan ko siya. Alam ko namang hindi siya naniniwalang wala na akong ibang sinabi. Pero syempre kailangan kong magsinungaling. Ayaw ko ngang mahuli niya akong pinagnanasaan ko siya hehehe.

Hmmm, paano na lang kaya kapag nagka-jowa na ito? Syempre maeetsa pwera na ang ate niyo. Kaya naman sana, ‘wag siyang mag-jowa muna. Ako na lang jowain niya. Charot!

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

#####Chapter 7

 

 

“Hi Tobby! Dito ka rin pala mag-aaral. Anong course mo?” Nilingon niya ang babaeng bumati sa kaniya. Si Aileen iyon, kaklase niya noong high school sila.

“Uyyy, ikaw pala Aileen. Marine Engineering, ikaw ba?” nakangiting tanong niya rito.

“Talaga? Pareho tayo ng course! Patingin nga baka magkaklase pa tayo.” Inagaw na nito ang schedule niya saka iyon tiningnan. Kitang-kita niya ang pagningning ng mga mata nito nang makita nito ang kaniyang schedule.

“Wow! Ang galing magkaklase nga tayo!” tuwang-tuwang sambit nito saka umabrisyete sa kaniya.

“Ahm, hehehe bihira sa babae ang kumukuha ng ganitong course ah.” Pasimple niyang tinanggal ang mga kamay nito sa kaniyang braso. Biglang naging uneasy ang pakiramdam niya dahil sa maharot na babaeng nasa kaniyang tabi ngayon.

‘Asaan ka na ba Chubs?’ bulong niya sa kaniyang sarili, sabay nagpalinga-linga pa siya upang hanapin si Cherry.

Ayaw na niyang manatili kasama ng babaeng ito. As if on que naman ay nakita niya si Cherry na nagmamadaling maglakad patungo sa kinaroroonan nila ni Aileen. Bigla siyang nabuhayan ng loob nang makita ang dalaga.

“Chubs!” Tuwang-tuwa siyang sinalubong ito at agad inakbayan.

“Sorry, hinanap ko pa kasi kung saan ‘yung schedule namin eh.” Hinging paumanhin naman nito sa kaniya. Pareho pang nabaling ang atensyon nila nang tumikhim si Aileen.

“Ayyy, Chubs si Aileen, natatandaan mo pa ba siya? Dito rin siya mag-aaral and you know what course?” kunwa’y tanong niya sa kababata. “Same as mine,” sabi niya rito.

“Ayyy oo! Classmate mo siya ‘di ba no’ng highschool? Nice to see you here Aileen. Ang galing mo naman, bihira ang kumukuhang babae ng course ninyo nitong si Tobby.” Nginitian pa ni Cherry ang dalaga ng ubod ng tamis.

“Oo nga eh. Destined siguro na dito rin ako nag-enroll.” Pilit ang ngiting ibinigay nito kay Cherry. Ngunit todo naman ang pa-cute nito sa kanya.

“Chubs tara na?” Baling na lang niya sa kababata. “Bigyan mo ako ng copy ng schedules mo ha? Ibibigay ko rin sa iyo ‘yung schedules ko mamaya,” wika niya kay Cherry na tila walang Aileen na nasa paligid.

Siniko siya ni Cherry para iparating na nasa harapan pa nila si Aileen. Binalingan naman niya ito saka tipid na ngumiti. Hindi niya kasi gustong makasama ang dalaga. Dahil alam naman niyang matagal na itong may gusto sa kanya. Saka isa pa, ayaw niya sa maarte.

“Aileen, mauuna na kami ni Cherry ha? Nice to see you here!” saad niya rito saka akmang maglalakad na palayo nang magsalita itong muli.

“Pauwi na ba kayo? Puwedeng pasabay?” Nagkatinginan muna sila ni Cherry saka sabay na sumagot.

“Sure!” sabi ni Cherry, samantalang iba naman ang kanyang isinagot.

“May dadaanan pa kasi kami.” Sabay napakamot na lang siya ng kaniyang ulo.

“Ahm, Aileen, ibig sabihin ni Tobby, puwede ka naman naming isabay. ‘Di ba Tobby?” Nakangiting sagot ni Cherry saka pinandilatan si Tobby.

“Ahm yeah, s-sure!” alanganing sagot na lang niya rito.

“Yehey! Let’s go na!” maarte pang saad ng babae saka umabrisyete kay Tobby.

Nagkatinginan muna sila ni Cherry saka siya nginisihan ng kababata. Alam nitong hindi niya gustong nahahawakan siya ng ibang babae maliban sa kanya. Matalim na tingin lang ang ibinigay niya sa dalaga, saka mas hinigpitan pa ang pagkaka-akbay niya rito Humagikhik naman ito sa kanyang tabi.

Nang makasakay sila ng jeep, napagitnaan siya nila Cherry at Aileen. Nakasimangot na siya dahil sa pagkakalingkis ni Aileen sa kanyang braso. Nilingon niya si Cherry na humahagikhik sa kanyang tabi. Sinamaan niya ito ng tingin, at salubong ang mga kilay niyang pabulong na kinausap ito.

“Ihuhulog kita riyan Chubs!” Pagbabanta niya rito nang hindi pa rin ito tumitigil sa katatawa.

“Sige kapag ginawa mo iyon, maso-solo ka lalo niyang katabi mo!” bulong rin nito sa kanya.

“Naiinis na nga ako eh. Help me please? Isang oras ko pang titiisin ito!” naiiritang saad niya kay Cherry. Kinindatan naman siya ni Cherry bago tumikhim.

“Tobby, palit nga tayo please. Baka kasi mahulog ako rito eh,” kunway sabi ni Cherry sa kanya.

“Sige, baka nga mahulog ka riyan mapagalitan pa ako ng mommy mo,” nakangising sagot naman niya rito.

Nagmamadaling tinanggal ni Tobby ang mga braso ni Aileen na nakalingkis sa kaniya— mabilis na nakipagpalit siya ng puwesto kay Cherry. Sa gulat ni Aileen ay wala na itong nagawa nang si Cherry na ang katabi nito.

“May utang ka sa akin Tobby,” bulong pa nito sa kaniya nang sa wakas ay makawala siya kay Aileen. Sabay pa silang napabungisngis nang makita ang pagka-irita sa mukha ni Aileen.

“Kahit alilain mo pa ako habang buhay hindi ako magrereklamo.” Sabay akbay niya ulit kay Cherry. “Sarap mo talaga yakapin. Parang unan ang lambot-lambot!” sabi pa niya dito, at pinisil-pisil pa ang mga braso nito. Agad naman siyang kinurot ni Cherry sa kaniyang tagiliran.

“Tigilan mo iyang kaharutan mo Tobby, baka gusto mong kay Aileen naman ako makipagpalit para mamolestya ka niya ulit?” Pananakot nito sa kanya.

“Huwag! Dito ka lang mas masarap ka katabi kesa sa buto-butong iyan!” Napabunghalit naman ito ng tawa sa sinabi niya.

“Ang ingay naman! hindi ako makatulog.” Reklamo naman ng katabi nito.

Sarry!” maarteng sabi ni Cherry saka tumikhim.

Hindi na sila muling nag-usap pa at pareho na lang nanahimik sa kanilang mga upuan. Maya-maya pa’y naramdaman na lang niyang bumigat ang kanyang balikat. Nang silipin niya si Cherry ay tulog na tulog na ito sa kanyang tabi. Napangiti na lang siya saka inayos ang pagkakasandal nito sa kanya.

‘Sige lang Chubs, sleep well. Gigisingin na lang kita mamaya.’ Nakangiti pa niyang hinaplos ang mukha nito.

Nang malapit na sila sa kanilang bababaan, marahan niyang tinapik sa pisngi si Cherry. Pupungas-pungas naman itong napatingin sa labas saka bumalik sa pagkakasandal sa kanya. Natawa naman siya sa ginawa nito.

“Chubs, gising na, malapit na tayong bumaba. Sige ka iiwan kita rito.” Pananakot pa niya dito.

“Kaya mo?” tanong naman nito saka umayos na ng upo.

“Siyempre hindi!” Nginitian niya ito saka kunwa’y pinunasan ang gilid ng mga labi nito. “Sobrang sarap ng tulog mo, TL ka pa!” nakangising sabi pa niya rito.

“Hala, hindi nga?” namimilog ang mata nitong inagawa ang panyo sa kanya.

Tinitigan siya nang masama nito nang humagalpak siya ng tawa. Akma itong mangha-hampas nang pigilan niya ito.

“Oh, ‘wag mo akong hahampasin— nangangalay pa ‘yang braso ko. Ang bigat mo kasi eh!” saad pa niya rito kaya kinurot na lang tuloy siya nito. “Sadista ka!” angal pa niya saka pumara. Nauna siyang bumaba at inalalayang makababa si Cherry.

Tatawa-tawa pa rin siya, habang naglalakad na sila patungo sa bahay nila Cherry. Nakabusangot namang tiningnan siya ni Cherry habang naka-agapay ito sa kanya.

“Nasaan na ‘yong schedules mo? Akin na para ma-kopya ko na,” aniya rito habang nakalahad ang mga kamay sa harapan nito, nang nasa tapat na sila ng bahay nila Cherry.

“Sa loob na lang. Halika na, para maayos mong ma-kopya at para makapag-miryenda ka na rin.” Nagpatiuna na itong maglakad papasok sa bahay ng mga ito.

Pagpasok nila sa bahay nila Cherry, ay agad namang iniabot nito ang notebook, na naglalaman ng schedules nito. Agad niyang kinopya ang schedules nito. Saka kinopya ang schedules niya sa notebook nito. Pagbalik nito sa sala ay may dala na itong juice at sandwich.

“Kumain ka muna. Makabawi man lang ako sa kabutihan mo,” sarkastikong sabi nito sa kanya.

“Naks! Ang sweet naman! Baka lalo akong mahulog sa iyo niyan!” nakangiting wika niya sa kababata.

“Tse! Tigilan mo ako ng mga banat mo Tobby ha?” Sabay irap nito sa kanya.

“Okay lang pala Chubs kahit mahulog ako sa iyo,” nakangising saad niya ulit dito.

“Tumigil ka na riyan!” saway naman nito sa kanya na may himig ng pagbabanta.

“Kahit mahulog ako sa iyo okay na okay lang, kasi malambot ka naman eh. Tatalbog lang ako sa iyo!” Sabay takbo niya palabas ng bahay ng mga ito. “Bye Chubs! Sunduin kita bukas!” Sigaw pa niya nang nasa labas na siya ng bakuran ng mga ito. Narinig pa niya ang naiiritang tili ni Cherry.

“Tobbyyyy!!! Buwisit ka talaga!”

Kontentong siyang nakangiting naglakad pauwi sa bahay nila. Masaya siyang malaya niyang nayakap si Cherry kanina, habang natutulog ito. Napapangiti pa siya habang binabalikan ang pangyayari sa loob ng jeep. Napaka sarap pagmasdan ng dalaga habang natutulog ito.

Hindi tuloy niya napigilan ang sariling haplusin at halikan ang pisngi nito. Kung hindi lang siya nag-aalalang magigising ito, malamang na nahalikan niya ito sa mga labi. Pilyong ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi nang maalala iyon.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

#####Chapter 8

 

 

“Huyyy! Tobby anong—” Hindi naituloy ni Cherry ang kanyang sasabihin nang bigla niya itong hatakin at takpan ang bibig.

“‘Wag kang maingay Chubs, baka marinig ka ni Aileen!” Dahan-dahan na niyang tinanggal ang kamay sa bibig ng dalaga nang tumango ito.

“Bakit mo ba kasi siya tinataguan eh mag-kaklase naman kayo? Baka mamaya may kailangan pala siyang itanong sa iyo about sa subjects niyo.” Pinagkrus pa nito ang mga kamay sa dibdib nito.

“Wala! Nagpapasama kasi iyan sa akin. Eh ayaw ko siyang samahan, kaya sinabi kong aalis tayo. Ewan ko nga kung bakit pa siya nagpunta sa bahay. Daig pa niya ang girlfriend kung makapagbantay!” nayayamot na sabi niya rito. Tumawa naman si Cherry sabay upo sa sofa.

“Halika na rito baka lalo ka pang mahuli riyan sa pinaggagagawa mo. Hindi ka naman siguro ibubuko ni tita Martha kay Aileen.” Nagbubuklat ito ng magazine nang tabihan niya ito sa sofa.

Ilang buwan na siyang binubuntot-buntutan ni Aileen— at ang matindi, ipinangalandakan niya sa buong marine engineering na girlfriend niya ito. Kaya naman naiinis siyang lalo rito. Binabansagan tuloy siya ngayong ‘Pabling’ ng mga kaklase. Dahil ang pagkakaalam ng mga ito ay si Cherry ang girlfriend niya.

Nagulat pa siya nang biglang mag-vibrate ang kanyang cellphone. Mabuti na lang naka-vibrate mode ito, kung hindi mahuhuli talaga siya ni Aileen. Ang mommy niya ang tumatawag kaya agad nya itong sinagot.

“Mommy, bakit po?” tanong niya sa ina.

“Nandito sa bahay ang girlfriend mo raw. Sabi niya may usapan daw kayo.” Halatang hindi masaya ang kanyang ina sa tinig nito.

“Mom, hindi ko girlfriend iyan. ‘Wag mo po akong ituturo ha. Kasama ko si Chubs, nandito kami sa bahay nila,” sagot niya sa ina.

“Sinabi ko nga na kasama mo si Cherry at hindi ko alam kung saan kayo nagpunta. Pero sabi niya hihintayin ka raw niya rito,” tila nangungun-sumisyong turan ng kaniyang ina.

“Mom, sabihin mo nagtanan na kami ni Chubs para umuwi na iyan.” Hinampas naman siya ni Cherry ng hawak nitong magazine.

“Tita Martha ‘wag mo pong sundin itong si Tobby!”  singit ni Cherry sa usapan ng mag-ina saka pinadilatan si Tobby. “ Sira ulo ka talaga!” Tumawa naman ang kanyang ina sa kabilang linya.

“Huh? Ano? Itinanan mo si Cherry? Sige anak magpakarami kayo. Ako nang bahala kay mareng Lucille. Ingat mga anak. Bye!” Rinig na rinig ni Cherry ang sinabi ng ina niya sa telepono. Kaya naman nakatikim na naman siya ng kurot at hampas mula rito. Hindi naman siya makapaniwalang seseryosohin ng ina ang sinabi niya.

“Nakakainis ka talaga Tobby! Bakit mo sinabi ‘yon?” Agad niyang nahawakan ang mga kamay nito, at inipit ang mga iyon sa pamamagitan ng pagyakap dito.

“Sorry na. Babawi na lang ako sa iyo promise,” malambing niyang saad dito sabay halik sa ulo nito. “Ang asim ng ulo mo Chubs. Maligo ka na nga!”  maya-maya’ y saad niya rito.

Dahil sa sinabi niyang iyon, pilit na kumakawala ito mula sa kaniyang pagkakayakap. “Sino naman kasing may sabi sa iyong amuyin mo ‘yang ulo ko? Baliw ka talaga!” asik pa nito sa kanya. Saka ito tuluyang kumawala sa pagkakayakap niya.

“Baliw sa iyo! Oh, ‘wag mo na akong bugbugin!” tatawa-tawa niyang sambit habang sinasalag ang mga hampas ni Cherry sa kanya.

“Puntahan ko kaya si Aileen sa bahay ninyo ngayon para sabihing nandito ka?” Akmang maglalakad ito patungong pintuan, nang hilahin niya ito upang pigilan.

Nawalan siya ng balanse kaya naman natumba sila at nadaganan siya ni Cherry. Ilang Segundo silang nagkatitigan lang. Maya-maya pa’y tinapik niya ito upang patayuin.

“Chubs, tayo ka na ang bigat mo!” kunwa’y reklamo niya rito.

Agad namang tumayo ito at nag-iwas ng tingin sa kanya. Habang siya nama’y saglit na naupo sa sahig at nakayuko upang itago ang pamumula ng kaniyang mukha kay Cherry.

“Ahm, Tobby, may masakit ba sa iyo? Tawagin ko na ba sila tita?” nag-aalalang tanong nito sa kanya nang hindi man lang siya kumilos.

“No, okay lang ako. Ang bigat mo pala talaga!” nakangising saad niya rito para pagtakpan ang totoong nararamdaman niya.

“Sure ka?” diskumpyadong tanong pa nito sa kanya.

“Oo nga!” Tumayo na siya saka inakbayan ito at sabay na naglakad sila palabas ng bahay ng mga ito para magtungo sa kanilang bahay.

“Uyyy, saan tayo pupunta? Baka nandoon pa si Aileen!” Nilingon niya ito at nginisihan.

“Kaya nga tayo pupunta roon para mag-pakita kay Aileen. At dahil may kasalanan ka sa akin, magpapanggap kang girlfriend ko.” Saka ngiting-ngiting nagpatuloy sa paglalakad.

“Huyyy, sira ulo ka talaga! Ayaw ko nga!” Sabay tanggal nito sa kanyang kamay na nakaakbay rito.

“Chubs, hindi ka puwedeng tumanggi dahil may atraso ka sa akin. Ang bigat mo kaya!” sabi pa niya sa kababata at nag-inarteng masakit ang balakang.

“Umaarte ka lang eh! Sabi mo kanina walang masakit sa iyo. Ngayon meron na?” nakabusangot na sabi nito sa kaniya.

“Sige na Chubs. Hindi ka ba naaawa sa akin? Para tigilan na ako ni Aileen. Please?” nagpapa-awang sabi pa niya rito. Pinagsalikop pa niya ang mga kamay saka akmang luluhod ng pigilan siya nito.

“Sige na nga! ‘Wag ka nang lumuhod baliw ka! Tara na nang lumayas na sa buhay mo si Aileen.” Agad nagliwanag ang kanyang mukha saka muling inakbayan ito.

“Masaya ka ha! Sige lang sisingilin din kita balang araw, kala mo riyan.” Inirapan pa siya nito.

“Thank you sweetheart!” bulong pa niya rito saka nakangiting ipinagpatuloy ang paglalakad nila patungo sa kanilang bahay..

Pagdating nila sa kanilang bahay ay inabutan pa nilang nakaupo si Aileen sa sofa, at mukhang katatapos lang nitong umiyak. Katabi nito ang ina na tila pinapatahan ito. Agad siyang dinaluhong nang yakap nito at tinabig pa si Cherry nang makita sila nito.

“Babe, sabi ng mommy mo nagtanan daw kayo niyang matabang babaeng iyan. Sabi ko na at nagbibiro lang si Tita eh.” Pilit niyang tinanggal ang pagkakayakap nito sa kanya.

Hindi niya nagustuhan ang mga sinabi nito about Cherry. Kaya ngayon, seryoso ang kanyang mukha habang kausap ito.

“Aileen, listen. Wala namang tayo ‘di ba? Sinabi ko naman sa iyong hanggang friendship lang ang mai-ooffer ko sa iyo, dahil may mahal na akong iba,” sabi niya rito saka nilapitang muli si Cherry at inakbayan. “Si Cherry lang ang mahal ko. Please sana maintindihan mo ‘yun,” mahinaho pa ring saad niya sa dalaga.

“Nagbibiro ka lang ‘di ba Tobby? Paano mo magugustuhan ang isang katulad niya? Ang taba-taba niya at parang napabayaan sa kusina!” Panlalait pa nito kay Cherry.

Nag-init naman ang ulo niya sa narinig niyang iyon. Ngunit bago pa man siya makapagsalita, naunahan na siya ni Cherry.

“Wow, grabe sa panlalait ha! Tumingin ka na ba sa salamin lately? Try mo gusto mo? May salamin dito sila Tobby eh, ‘yung full body mirror. Saan nga nakalagay ‘yun sweetheart?” kunwa’y tanong pa nito sa kaniya. “And for your information, hindi naman basehan ang physical appearance para magustuhan ka ng isang tao. Maganda ka nga at sexy pero bulok naman ang ugali mo, good luck naman sa iyo girl!” mahaba-habang litanya nito kay Aileen.

Tila naman napahiya ang babae, kaya namumutla ang mukhang tumakbo ito palabas ng kanilang bahay. Dali-dali naman nila itong sinundan upang malaman kung umalis na nga talaga ito. Nang makita nilang wala na ito saka sila nag-appear ni Cherry. Nayakap pa niya ang dalaga na tila naman nagulat sa kanyang ginawa. Naputol lang ang pagyakap niya nang marinig niya ang palakpak ng kanyang ina.

“Ang galing ninyo talagang dalawa! Puwede na kayong mag-artista. Pero palabas lang ba iyon o totoong kayo na?” mapanuksong tanong ng kanyang ina sa kanila.

“Naku tita hindi po! Tinulungan ko lang po si Tobby para tantanan na siya ni Aileen,” atubiling sagot naman nito sa kaniyang ina saka naupo sa kanilang sofa.

“Aysus! Totohanin niyo na kaya ng wala ng umeksena?” Hirit pa ng ina niya saka pasimple siyang kinurot sa tagiliran.

“Mommy naman eh! Bugbog na nga ako sa hampas at kurot nitong si Chubs, pati ba naman ikaw makikikurot din?” kakamot-kamot sa ulong saad niya rito. Natawa naman ang kanyang ina sa sinabi niya saka siya muling kinurot nito sa kaniyang tagiliran.

“Naku, mukhang kapag naging kayo ni Cherry, maa-under ka!” Pang-aasar pa ng ina sa kanya.

“Payag naman ako mommy eh. Hinding-hindi ako aangal,” nakangising sagot naman niya sa ina sabay kindat kay Cherry.

“Naku po, humirit ka na naman Tobby Ryan!” sabad naman ni Cherry sa usapan nila ng ina. Tumawa pa ang ina niya sa sinabi ni Cherry.

‘Naku rin Cherry kung alam mo lang,’ sabi naman niya sa kanyang sarili.

Cherry’s POV…

Sa mga nakaraang mga buwan, parang mas lumalalim na ang nararamdaman ko para kay Tobby. Kinikilig na ako sa mga simpleng banat niya na alam ko namang hindi seryoso. Sa simpleng ngiti at gestures nito ay kinikilig talaga ako.

Palagi pa rin niya akong sinasabayan pagpasok kahit na hapon pa ang pasok niya. At palagi rin niya akong sinasabayan sa pag-uwi, kahit minsan ay late na akong natatapos. Kaya madalas kaming pagkamalang magkasintahan na hinahayaan na lang namin.

Si Aileen lang talaga ang matibay ang sikmurang ipagkalat na mag-jowa sila. Kaya naman kanina naloka ako nang puntahan niya si Tobby sa bahay ng mga ito, at magpakilalang jowa siya ni Toby kay tita.

Kaya naman napilitan kaming magpanggap ni Tobby. Ang bruhang babaeng iyon, nilait pa ako! Buti na lang mataas pa rin ang self confidence ko sa sarili. Though kapag si Tobby ang nagsasabing mataba ako ay napipikon ako paminsan. Ewan ko ba, hindi ko talaga siya mabasa. Basta ako, alam kong gusto ko siya. At masaya akong mag-panggap na jowa niya, kahit nga totohanin niya, I really don’t mind at all. Harot!

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

#####Chapter 9

 

 

“Sweetheart, kila Jenny ka na lang muna sumabay mamaya. May tatapusin pa kaming thesis eh. Mag-iingat na lang kayo pag-uwi ha?” Nasa canteen sila at kumakain ng mga oras na iyon.

Simula no’ng araw na nagpunta si Aileen sa bahay nila, napagpasyahan nilang ituloy ang pagpapanggap nila bilang magkasintahan. Kaya naman hindi na rin siya nito ginulo pang muli. Nasa huling taon na rin sila ng kolehiyo. Kaya naman pareho na rin silang busy. Sadyang humahanap lang sila ng oras para magkasabay kahit sa pagkain lang.

“Okay. Sabihin ko ba kila tita? O tinawagan mo na sila?” tanong nito sa kanya.

“Tinawagan ko na si mommy, pero sabihin mo na rin para sure. Alam mo naman si mommy,” sabi pa niya rito sabay kagat sa kaniyang burger.

“Okay. Kila Jenny na lang ako sasabay. At last makakagala rin ng walang bantay!” nakangising saad pa nito sa kanya.

Masyado nga kasi siyang clingy pagdating kay Cherry. Gusto niyang present siya sa lahat ng lakad nito. Which is hindi naman nagrereklamo ang dalaga. Kasi ginagawa siyang alipin ng magbabarkada kapag may lakad ang mga ito, na game na game naman niyang pinagbibigyan.

“Masaya ka ha! Sige basta mag-iingat kayo. Sasabihan ko rin sila Jenny mamaya,” turan pa niya rito. Napa-ikot naman ang eyeballs ni Cherry sa sinabi niya.

“Tobby Ryan, jowang-jowa lang talaga? Relax ka lang diyan!” Nakangiti pang saad nito sa kanya.

“Oh, ‘di ba girlfriend nga kita? Kaya syempre concern ako sa iyo Chubs,” sagot naman niya rito.

“Tantanan mo ako Tobby! Hjkjghkkjhj” sagot naman nito sa kaniya. Hindi na naman niya naintindihan ang huling sinabi nito. Magtatanong pa sana siya nang lapitan sila ni RJ.

“‘Tol, halika na nagtatawag na si Dion. Hi Cherry!” Yaya nito sa kanya sabay bati kay Cherry. Tinanguan lang naman ito ni Cherry na ikinangisi niya.

“Sige ‘tol, susunod na ako. Magpapaalam lang ako sa girlfriend ko.” Pinagdiinan pa niya ang salitang ‘girlfriend’ dahil parang nagpapa-cute pa ito kay Cherry.

Ngumisi naman ang kaibigan saka naglakad palayo. Nakakunot-noo niya na lang sinundan ito g tingin. Hindi niya gusto ang paraan ng pagtingin ni RJ kay Cherry. Mukhang may gusto ito kay Cherry, delikado!

“Chubs, mauuna na kami ha? Iyong bilin ko ha? Mag-iingat kayo!” Tumayo na siya sabay halik sa noo nito.

Cherry’s POV…

So, in realiy, walang kami ni Tobby. Palabas lang ang lahat para tuluyan na siyang tigilan ni Aileen. Effective naman kasi hindi na siya ginugulo ng babaeng haliparot na iyon at bali-balita, may bago na itong nilalandi.

Nasanay na rin si Tobby na tawagin kong sweetheart. No’ng una sinasaway ko siya pero nang lumaon, hinayaan ko na lang kasi wala rin namang mangyayari kung kokontra pa ako. Never naman akong nanalo sa arguments namin ng magaling na lalakeng iyon eh. Saka feel na feel ko rin naman eh, ehehehe.

Kaya kanina no’ng nagbibilin siya, sinabi kong ma-grelax siya at pinaalala kong hindi kami totoong mag-jowa. Aba ang magaling na lalake sabihin ba namang girlfriend niya ako? Kaya sabi ko tigilan niya ako at ‘baka seryosohin ko siya’. Pero syempre dahil mahina ang pagkakasambit ko ng mga katagang iyon, hindi niya na naman narinig, hahaha.

Sinadya kong ‘wag lakasan para syempre hindi inya isiping gustong-gusto kong maging totoong jowa niya. Arte-arte muna ang ate niyo syempre. Saka kung talagang seryoso siya, aba manligaw muna siya kahit ten minutes lang, sasagutin ko siya agad, ehehehe. Harot ko talaga!

Well anyway, aarte pa ba ako? Si Tobby kaya iyon. Lahat ng katangian ng isang jo-jowain ay nasa kanya na. Matangkad, matipuno, maputi, matangos ang ilong, mapupulang labi, mapang-akit na mga mata, malalalim na biloy, matalino at malaki— anong iniisip niyong malaki?  Kayo ha? Malaki ang puso at malambing! Oh, saan ka pa? Hahanap pa ba ako ng iba? Syempre hindi na!

“Sis! Taralets bagets!” excited na yaya ni Jenny nang makalapit ito sa kinauupuan niya.

“Let’s go! Teka nasaan na naman si Althea?” tanong niya sa kaibigan.

“Nasa CR. Puntahan na lang natin doon at alam mo naman ang isang iyon. Baka bukas pa matapos sa pag-aayos. Kala mo naman may jowang pinapagandahan!” Nagkatawanan pa silang dalawa.

Palagi kasing ganoon ang kaibigan nilang iyon, kung makapag-ayos akala mo palaging a-attend ng party. Naglakad na sila patungong CR upang sunduin si Althea. At tama nga sila, nagkikilay is life pa ang loka.

“Althea, taralets na!” sabi niya rito, hindi sila pinansin nito at itinuloy ang pagkikilay.

“Huyyy, mukha ka ng tao. Tara na!” wika naman ni Jenny rito.

“Wait! Isang stroke na lang,” sagot naman nito sa kanila, saka seryosong ibinalik ang atensiyon sa pagkikilay.

Luh, may pa-one stroke ka pa riyan, baka kami ang ma-stroke rito!” tugon naman niya.

“Ito na nga oh!” saad na nito sabay tago ng mga gamit nito.

Sa wakas natapos din ito, kaya naman nakaalis na rin sila sa kanilang paaralan. Dumiretso sila sa mall dahil may bibilhin daw si Jenny para sa nobyo nito. Anniversary na kasi ng mga ito sa makalawa kaya ang loka ay natataranta sa pagbili ng ireregalo sa jowa nito.

“Anong regalo ba ang hinahanap mo Jen?” tanong niya sa kaibigan. Nasa mens section sila ngayon at tumitingin-tingin ng mga damit.

“Ewan ko ba riyan sa kaibigan natin, puwede namang ‘yung ano na lang ang iregalo niya, para hindi na gumastos eh!” pilyang saad ni Althea habang nagbubusisi ng mga polo shirt.

“Thea, ‘yang bunganga mo!” saway ni Cherry rito at pinandilatan pa ang kaibigan.

“Bakit ano bang masama sa sinabi ko? ‘Yung ano ang iregalo niya.” ulit pa nito, kaya pinanlakihan niya ito ng mga mata saka kinurot sa tagiliran.

“Masyadong makamundo ‘yang iniisip mo!” sabi naman niya rito.

“Hala anong makamundo? Ikaw Cherry ha, ikaw ang madumi ang utak! Ang sinasabi kong ano ay ‘yung painting ni Jenny. Ipininta na kasi niya si Ron, kaya bakit hindi na lang iyon ang ibigay niya sa anniversary nila? Ano ba ang iniisip mo Cherry?” Biglang namilog ang mga mata nito, saka napatingin sa kanya na ngayon ay namumula na ang mga pisngi.

“Oo na mali na ako ng iniisip! ‘Wag mo na akong tingnan ng ganiyan!” Sabay iwas niya ng tingin sa kaibigan.

Hindi naman siya tinantanan ng mga ito ng kakatukso. Hindi na lang niya ito pinansin at nagkunwari na lang na namimili rin ng bibilihin. Nakakahiya talaga siya!

“Teka, teka ‘di ba si Ron iyon?” tanong niya sa mga kaibigan nang makita ang kasintahan nitong may kasamang ibang babae.

“Oh-em-gee— teh si Ron nga!” bulalas naman ni Althea. Biglang hinila nila si Jenny para magtago.

“Beshy, tawagan mo dali! Tingnan natin kung sasagot siya.” Utos ni Althea kay Jenny.

“Paano kung hindi niya sagutin?” naluluhang tanong naman nito sa kanila.

“Hindi natin malalaman kung hindi mo gagawin gaga! Kaya tawagan mo na bilis!” May pagmamadali sa tinig na utos ni Althea.

Maya-maya pa’y tinatawagan na nga nito ang kasintahan. Sinagot naman nito ang tawag ni Jenny, ngunit sinabi nitong nasa bahay ito at gumagawa ng assignment. Sinungaling! Kaya naman agad nila itong nilapitang magkakaibigan saka isa-isa nilang sinampal ito. Hindi pa nakontento si Jenny at tinuhod pa niya ito.

“Magsama kayong dalawa! Break na tayo gago!” galit na galit na saad ni Jenny, sabay walk out nilang tatlo.

Nang makalayo na sila sa department store ay saka bumuhos ang luha ng kanilang kaibigan. Inalo naman nila ito at pinakalma. Ilang sandali pa ay niyaya na lang niya ang mga itong umuwi na. Sa bahay na lang muna nila sila mananatili habang pinapakalma ang kaibigan. Nang makarating sila sa kanilang bahay ay agad silang umakyat sa terrace at doon tumambay.

“Tobby, nasa bahay na kami. May problema si Jenny eh. Medyo okay naman na siya. Mag-o-overnight na lang sila ni Althea rito. Ikaw nasaan ka na?” tinawagan niya si Tobby para ipaalam kung nasaan na sila, at ng hindi na rin ito mag-alala pa.

“Pauwi na rin kami, katatapos lang namin gawin ‘yung thesis namin. Anong nangyari kay Jenny?” nag-aalalang taong pa nito sa kaniya.

“Basta mamaya na lang. Mag-iingat ka pag-uwi,” tugon naman niya rito.

“Okay, dadaan na lang ako riyan mamaya. Sige na Chubs, bye!” At tuluyan na nga itong nagpaalam.

Pagbabang, pagbaba ni Tobby ng jeep, nagmamadali itong nagtungo sa bahay nila Cherry. Pag-pasok niya sa bahay ng mga ito, nadatnan niya sa sala ang ina nito. Nagmano lang siya saka nagtungo sa terrace kung saan naroroon ang magkakaibigan.

“Hi Girls! Pizza anyone?” tanong niya sa mga ito. Agad naman siyang nilapitan ni Cherry at kinuha ang dala niyang pizza.

“Kumain ka na ba? Gusto mo dalhan na kita rito ng pagkain?” tanong ni Cherry sa kaniya.

“Hindi pa nga eh, may pagkain pa ba kayo?” nakangisi naman niyang tanong dito.

“Oo, teka ikukuha kita. Diyan muna kayo, mabilis lang ako.” Tumango lang siya saka hinarap ang dalawang dalaga.

“Mabuti pa si Cherry may Tobby na hindi marunong tumingin sa iba. Sana all Tobby kagaya mo!” sabi ni Jenny at umatungal na naman ito ng iyak.

“Hayyy naku beshy, tama na iyang pag-iyak mong iyan. Think positive! Baka naman hindi pa talaga si Ron ang itinakdang mahalin mo?” hinimas-himas pa nito ang likod ng kaibigan.

“Ano ba kasi ang nangyari?” tanong naman niya sa mga ito.

“Nahuli lang naman namin si Ron na may kasamang ibang babae sa mall. No’ng tawagan ni Jenny ang sabi, nasa bahay siya at gumagawa ng assignment. Eh ibang assignment pala ang inaatupag!” dire-diretsong kuwento ni Althea sa kanya.

“Tsk, tsk, tsk, ‘wag mo nga pag-aksayahan ng luha ‘yun Jen. Kung talagang mahal ka no’n, ‘di sana hindi siya nagloko. Saka ang tagal niyo na ‘di ba? Hindi naman din ito ‘yung first time na nagloko ‘yung gagong ‘yun ‘di ba?” naiinis niyang saad sa mga ito.

“Pangatlong beses na niya ito! Palagi niyang sinasabing wala raw kasi akong oras para sa kanya. Eh lahat na nga ng spare time ko sa kanya na napupunta eh!” humihikbi namang sambit ni Jenny sa kaniya.

“Kaya nga, this time kapag sinuyo ka na naman niya, ‘wag ka ng papaloko. Madami pang iba riyan na mas deserve para mahalin mo. Bigyan mo ng space iyang sarili mo para makahinga. Focus ka muna sa ibang bagay. Darating din ‘yung tamang tao para sa ’yo sa tamang panahon. Iiyak mo lang iyan ngayon, itodo mo na. Bukas pag gising mo dapat hindi ka na iiyak. Ang mga ganoong klase ng lalake ay hindi dapat iniiyakan,” mahabang payo niya rito.

‘Hanep sa payo Tobby parang tunay!’ Pang-aasar ng isang bahagi ng utak niya sa kaniyang sarili.

“Oh, tama na muna iyang drama niyo. Kumain na muna tayo.” Nilingon niya si Cherry na may dalang tray ng pagkain at inumin. Agad niya itong nilapitan at tinulungan.

“Tara kain!” Yaya niya sa mga ito habang inilalapag ang mga pagkain sa mesang naroon.

“Sige pizza na lang kami. Kumain na kami kanina, itong si Cherry lang naman ang hindi pa kumakain,” sagot ni Althea sabay abot ng pizza. Napatingin naman siya kay Cherry saka hinila ito paupo sa kanyang tabi.

“Bakit hindi ka pa kumakain?” masuyong tanong niya rito.

“Nagda-diet ako!” sagot naman nito sa kaniya.

“Anong diet-diet kang nalalaman diyan? Kapag nagkasakit ka tignan ko lang. Kumain ka saluhan mo ako.” Saka siya nagsalin ng pagkain sa isang plato para sa dalaga.

“Tobby naman eh! Konti lang— hindi na ako magkasya sa uniform ko eh!” nakasimangot nitong saad sa kaniya.

“Patatahian kita ng bago kay mommy, kaya kumain ka na riyan,” sagot naman niya rito. Isa kasing mananahi ang kanyang ina.

“Panira ka talaga ng diet ko!” Reklamo pa nito sa kaniya saka nagkamot ng kilay.

“Bakit nagre-reklamo ba ako sa katawan mo? Hindi ka naman mataba eh, malaki lang ‘yung mga salbabida mo!” Sabay ngisi niya rito. Sinimangutan naman siya nito saka inilayo ang plato.

“Ayaw ko na nakakainis ka!” nakangusong saad pa nito. Tumawa naman siya saka inilapit ang kutsara sa bibig nito.

“Joke lang ito naman! Sige na kain na tayo oh, subuan kita, say ahhhh.” Natawa naman ito saka ngumanga.

“Very good Chubs!” nang-aasar na sabi pa niya rito.

“Heh, tumigil ka na sa pang-aasar Tobby ha! Kaya ko ng subuan ang sarili ko!” Agad naman niya itong pinigilan nang akmang kukunin nito ang kutsara mula sa kaniya.

“Ako na para sweet! At para mainggit si Jenny,” natatawang sabi niya, sabay lingon sa kaibigan.

“Letse ka Tobby!” Binato naman siya ni Jenny ng piraso ng pizza crust.

Humalakhak naman silang tatlo habang si Jenny ay nakabusangot ang mukha. Sarap lang mang-asar ng babaeng sawi. Pero mas masarap mang-asar sa babaeng mahal mo. tapos lalambingin mo after. Hehehe.

 

 

 

 

 

 

 

 

#####Chapter 10

 

 

Lumipas pa ang mga panahon at masaya pa rin silang magkasama ni Cherry. Kontento na siya sa ganoong set-up nila ng kababata— para na rin naman silang magkasintahan kahit hindi pa rin siya umaamin dito.

“Chubs, nasaan ka na?” tinawagan niya ito dahil ngayong araw ang kasal ng ate Timmy niya. Kanina pa sila hinihintay ng mga ito sa venue ng kasal.

“Teka lang Tobby, hindi ko maisara ‘yung gown ko! Saan ka ba? Puwede mo ba akong puntahan dito sa bahay please? Umalis kasi si mommy eh. Hintayin kita bye!” nahihirapang sagot nito saka ibinaba ang tawag.

‘Pambihira ka talaga Chubs kung hindi lang kita mahal naku talaga!’ Wala siyang nagawa kundi ang bumalik sa bahay ng mga Vergara.

Ang sabi kasi nito kagabi sa venue na sila magkita. Kaya hindi na siya nag-abalang puntahan ito sa bahay nila kanina. Saka nang silipin niya ang bahay ng mga ito, parang wala namang tao. Kaya ang buong akala niya tuloy nauna na ito sa venue.

“Chubs, nasaan ka?” agad niyang tawag dito nang makapasok na siya sa loob ng bahay ng mga ito.

“Tobby, dito sa kwarto bilis!” Narinig niyang sigaw nito bilang sagot sa kanya.

“Teka ang demanding mo ha! Ito na paakyat na!” sagot niya rito. Napapailing na lang siya habang nagmamadaling umakyat sa kwarto nito.

“Tobby, pasara ako ng zipper! Kanina ko pa sinusubukan isara, ayaw eh!” Pinagpapawisan na ito kaya naman napakamot na lang siya sa kanyang ulo.

“Talikod!” Utos naman niya rito na agad namang sinunod nito. “Okay hold your breath at the count of three. One, two, three!” Sa wakas naisara na rin niya ito. Tila nakahinga naman ito nang maluwag matapos maisara ang kanyang gown.

“Hayyy, thank you Tobby!” Niyakap pa siya nito na bahagya pa niyang ikinagulat. Hindi niya kasi inaasahang yayakapin siya ng kababata niya.

“Halika na! Tayo na lang ang hinihintay. Grabe ka nauna pa ‘yung ikakasal sa atin.” Sabay dampi ng panyo sa pawisang ilong at noo nito.

“Ito na nga oh!” Sabay hila na nito sa kanya  pababa ng hagdan bitbit ang sandals nito.

“Chubs hindi ka pa nakasandals! Saka dahan-dahan naman baka sa hospital tayo makarating imbes sa kasal nila ate!” Paalala pa niya rito. Sumunod naman ito sa kanya at nagdahan-dahan nga ito sa pagbaba ng hagdan.

“Sa kotse na ako magsusuot ng sandals, halika na bilis!” Natatawa na lang siya habang sumusunod dito. Parang ang lagay eh siya pa ang may kasalanan kung bakit sila male-late.

Agad niya itong pinagbuksan ng pintuan sa passenger seat bago siya nagtungo sa driver’s seat. Pagkakabit ng mga seat belts nila, agad na niyang pinaandar ang sasakyan. Malapit lang naman ang simbahan, kaya mabilis lang din silang nakarating doon.

“Okay, teka okay pa ba ang make up ko?” tanong agad nito sa kanya. Humarap pa ito sa kanya upang makita niya ang magandang mukha nito.

“Opo okay na okay pa. ‘Wag kang mag-alala mamahalin pa rin naman kita kahit na kumalat pa iyang make up mo sa mukha mo eh,” nakangiting tugon niya rito.

“Sira ka talaga puro ka kalokohan! Tara na!” sabi nito sabay labas ng sasakyan. Hinila pa siya nito patungo sa simbahan nang pareho na silang nasa labas ng sasakyan.

‘Mahirap ba talagang paniwalaang mahal ko siya?’ napapailing niyang tanong sa kanyang sarili.

‘Loko ka kasi brad eh, palagi mo na lang siyang inaasar. Ayan tuloy ayaw ka na niyang paniwalaan. Puro ka kasi biro, mag-seryoso ka naman minsan!’ sermon pa niya sa kanyang sarili.

Napabuntong hininga na lang siya at masuyong pinisil ang kamay ni Cherry saka nginitian ito. Gumanti naman ito ng ngiti saka pinisil din ang kamay niya.

“Dito na ako. Ikaw roon ka na sa tabi ng bayaw mo!” turan nito nang nasa entrada na sila ng simbahan. Bahagya pa siya nitong itinulak patungo sa harap ng altar.

Bestman kasi siya ng ate niya at Maid of Honor naman si Cherry. Nang naglalakad na si Cherry sa isle ng simbahan, pakiramdam niya siya ang ikakasal. Napakaganda nito sa suot nitong gown. Nakangiti ito habang naglalakad at tila ba sa kanya ito nakatingin. Hulog na hulog na siya sa pangangarap ng sikuhin siya ng kaibigang si RJ.

“‘Tol, ang ganda ni Cherry ‘no. May boyfriend na ba siya?” tanong nito sa kanya na nakapagpadilim ng kanyang mukha. Binalingan niya ito at tiningnan ng masama.

“Back off RJ. Girlfriend ko na si Cherry. Iba na lang ligawan mo, pili ka na lang sa ibang mga abay, huwag si Cherry,”  seryosong wika niya sa matalik na kaibigan.

“‘Tol, alam naman nating pareho na walang kayo ni Cherry,” nakangising sagot naman nito sa kaniya.

Bukod kasi sa kanila ni Cherry, alam din ni RJ ang totoong sitwasyon nila noon. Bestfriend niya kasi ito at kapatid ng groom ng ate niya.

“RJ ‘wag si Cherry, iba na lang. Alam ko namang isasama mo lang siya sa mga koleksyon mo ng babae.” Hindi niya masabi rito ang tunay niyang nararamdaman para sa kababata.

“Tobby, I’m serious, I like Cherry. I like her a lot.” Kitang-kita niya ang pagkislap ng mga mata nito habang matamang nakatitig kay Cherry.

‘Patay ka ngayon Tobby! Ano nang gagawin mo? Mukhang seryoso nga ang BFF mo kay Cherry. Ang bagal mo kasing dumiskarte eh!’ sermon ulit ng utak niya sa kanya.

Ipinilig niya ang kaniyang ulo saka ibinalik ang tingin kay Cherry, na ngayon ay nakapuwesto na sa harapang bahagi ng simbahan. Kailangan na niyang kumilos. Dahil kung hindi, mauunahan siya ni RJ. Ayaw niyang magkasira silang magkaibigan ng dahil kay Cherry. Mahal niya si Cherry, pero kaibigan din naman niya si RJ. Parehong mahalaga ang dalawa sa kanya, at ayaw niyang may masaktan isa man sa mga ito.

‘Eh ano na ngang gagawin mo? magpapaka-martir at ipapaubaya si Cherry kay RJ? Duwag ka dude!’ nang-uuyam na sabi niya sa sarili.

Buong durasyon ng seremonyas sa simbahan, ay matamang nag-iisip si Tobby ng kanyang gagawin. Lutang ang kanyang utak kaya naman nagulat pa siya nang hawakan siya ni Cherry sa kanyang braso.

“Tobby, okay ka lang ba? Parang wala ka kasi sa sarili mo eh,” nag-aalalang tanong nito sa kanya. Tinitigan niya ito saka inakbayan at nginitian.

“Okay lang ako Chubs. Puyat lang siguro ako kaya medyo matamlay ako ngayon. Pero don’t worry okay talaga ako.” Kinindatan pa niya ito saka iginiya palapit sa mga bagong kasal upang batiin ang mga ito.

Sa totoo lang hindi talaga siya okay. Natre-treaten kasi siya ngayon kay RJ. Dati-rati, kapag may nagkakagusto kay Cherry, madali lang niyang naitataboy ang mga ito. Pero ngayon, mukhang mahihirapan siyang gawin iyon. Lalo pa’t matalik na kaibigan niya si RJ, at mukhang seryoso talaga ito sa pagporma kay Cherry.

Pagdating sa reception nakasimangot si Tobby dahil panay na ang buntot ni RJ sa kababata. Hindi naman niya puwedeng pigilan ito dahil wala naman siyang karapatang gawin iyon. Isa pa mukha rin namang nag-eenjoy si Cherry na kausap ang kaniyang matalik na kaibigan. Kaya ngayon, umiinom siyang mag-isa sa isang sulok habang pinagmamasdan ang dalawang taong malapit sa kanya.

“Oh, hijo, why not join the crowd?” malambing na tanong ng kanyang ina. Hindi niya namalayan ang paglapit nito sa kanya.

“Mamaya na ‘my,” walang ganang sagot niya sa ina.

“Hmmm, mukhang ang binata ko ay may pinagdaraanan. Care to tell mommy?” nakangiting tanong nito sa kanya.

“Wala mommy. Puyat lang ako kaya wala ako sa mood makisaya.”  Pagsisinungaling niya sa ina.

“Hmmm, Tobby Ryan, sa akin ka pa ba maglilihim? Ibalik kaya kita sa sinapupunan ko?” pabirong sambit ng kanyang ina na ikinatawa niya.

“Mom, hindi na ako kakasya riyan!” kakamot-kamot sa ulong sabi niya rito. Pabirong kinurot naman siya ng ina.

“Well, kahit hindi mo naman sabihin mukhang alam ko na kung sino ang dahilan.” Inginuso pa ng ina ang kinaroroonan nila Cherry at RJ.

Mukhang enjoy na enjoy ang dalawa sa pagku-kwentuhan. Bigla tuloy umasim ang kanyang mukha. May pahampas-hampas pa kasing nalalaman si Cherry kay RJ.

“Uyyy, nagseselos siya!” Sinundot pa siya ng kanyang ina sa kanyang tagiliran.

“Mom, huwag mo na akong asarin please? Hindi ko na nga alam ang gagawin ko eh!” natotorpeng sagot niya sa kaniyang ina. Tumawa naman ito saka Kinurot ang kanyang pisngi.

“Naku, binatang-binata na nga talaga ang anak ko. Well son, follow what your heart’s telling you to do. It’s better to take the risk, than not at all. If you love her, tell her. ‘Wag mong hayaang lamunin ka ng takot mo. Dahil baka dumating ang araw na pagsisihan mong hindi mo sinubukang sabihin, at iparamdam sa kanya kung gaano mo siya kamahal. Don’t be a coward, kailan ka pa kikilos ‘pag huli na ang lahat?” mahaba-habang litaniya nito sa kaniya. Sinulyapan niya ang kaniyang ina saka napabuntong hininga. Nginitian naman siya nito saka tinapik ang kanyang balikat.

“Think about it, son. There’s no harm in trying.” Iyon lang at tinalikuran na siya ng ina.

Muli niyang sinulyapan sina Cherry at RJ na masayang nagkwe-kwentuhan. Hindi niya alam kung kaya na ba niyang harapin si Cherry, at sabihin ang kanyang tunay na nararamdaman para sa kababata ng hindi dinadaan sa biro ang lahat? Susubukan niya pero hindi sa pagkakataong iyon. Sa ngayon hahayaan na muna niya itong mag-enjoy sa company ng iba.

Cherry’s POV…

Kakaiba ang mga ikinikilos ni Tobby lately. Napaka-possessive nito sa akin. Ayaw na ayaw niyang may lumalapit na ibang lalake sa akin. Minsan nga gusto ko na siyang tanungin kung ano ba talaga kami eh. Ang weird lang kasi, kung umasta siya para ko siyang boyfriend.

Hindi naman sa nagre-reklamo ako, pero parang gano’n na rin. Hehehe. Ang hirap kayang mag-assume ‘no! Lalo’t gusto ko siya, gustong-gusto ko siyang jowain. Landi! Pero seriously, lahat nang ipinakita niya sa akin ay sobrang nakaka-fall.

Minsan nga gusto ko ng patulan kapag sinasabi niyang gusto niya ako. Lalo ‘yung sinabi niya sa akin kanina na kahit humulas ang makeup ko, mamahalin pa rin niya ako. Awww! Grabe kinilig kaya ako roon. Hindi ko na lang pinahalat kasi alam ko namang nagbibiro lang siya.

Pero nag-aalala talaga ako sa kanya. Bigla kasi siyang nanahimik at mukha siyang matamlay. Kanina ko pa rin siya hinahanap habang kausap ko si RJ, pero hindi ko siya makita. Tapos ito namang si RJ panay ang kuwento ng mga nakakatawang bagay, kaya tuloy hindi ako makaalis para hanapin siya.

Okay lang kaya siya? Kailangan kong makawala rito sa kadaldalan ni RJ. Well, RJ is funny and bubbly kaso wala naman akong interest sa kanya. Pero nakakatuwa talaga siyang kausap. In fairness naman sa kanya. Saka gentleman din naman ito. Kaya wala naman din akong masabi. Kaso ang isip ko ay na kay Tobby pa rin.

Kaya nang kumuha ng pagkain si Rj ay agad akong umiskapo. Tinakasan ko siya para hanapin si Tobby. Pero hindi ko talaga siya makita. Nasaan na kaya iyon? Nakarating na ako sa isang playground kung saan walang katao-tao, wala pa rin Tobby. Hayyy, nasaan ka na ba Tobby?

Kaya naman naupo na lang ako sa isang swing na naroon. Dito na lang muna ako para makatakas sa kadaldalan ni RJ. Mukha kasing ayaw na akong lubayan ng isang iyon eh. Grabe naman kasi si Tobby iniwan na lang ako basta sa BFF niya. ‘Di kaya may nakita itong babae sa reception that catches his attention? Oh no! Paano na ako niyan? Hindi puwede! Ako lang ang puwedeng jowain ni Tobby. Char! Pero kung magk-aganoon man, eh ‘di kailangan ko ng dumistansya sa kanya. Hayyy… saklap naman no’n.

 

 

#####Chapter 11

 

 

Pagkatapos ng kasal ng ate Timmy ni Tobby, nagdesisyon siyang ‘wag na lang sabihin kay Cherry ang tunay niyang nararamdaman. Natakot kasi siyang baka kapag nagtapat siya sa kababata, ay bigla silang magka-ilangan. Baka tuluyan na siyang hindi makalapit dito. Baka hindi na niya ito mayakap o mahawakan man lang. Baka iwasan siya ng dalaga kapag nalaman nito ang tunay niyang nararamdaman para rito. Worst, baka masira ang pagiging magkaibigan nila.

‘Baka ka ng baka, mukha bang baka si Cherry? Doon ka sa farm madaming baka roon!’ Pagsusungit ng isang bahagi ng utak niya.

“Tobby!” naputol ang kaniyang pag-iisip nang marinig ang tinig ni Cherry.

Excited na nilapitan siya nito habnag malapad ang pagkakangiti nito sa mga labi. Napangiti naman siya habang pinagmamasdan itong palapit sa kanya. Lalo yatang gumanda si Cherry sa kaniyang paningin.

“Ang saya natin ah! Kumusta ang interview?” tanong niya rito.

“May trabaho na ako!” kumikislap ang mga matang sambit nito sa kaniya, saka siya niyakap nito mula sa kaniyang likuran habang nakaupo siya. Nagustuhan naman niya ang ginawang iyon ni Cherry.

“Wow! Ang galing naman ng sweetheart ko! Eh ‘di ibig sabihin niyan eh, ililibre mo ako ngayon?” nakangising tanong niya habang ninanamnam ang yakap nito sa kanya.

“Okay! Tara na!” Umayos na ito ng tayo saka inilahad ang kamay sa kaniya na agad naman niyang tinanggap.

Pinagsalikop niya ang mga kamay nila saka naglakad palabas ng establisimyentong iyon. Ayon sa kababata natanggap siya bilang pâtissier sa restaurant na in-apply-an nito. Masayang-masaya naman siya para rito. Dahil sa wakas, matutupad na ni Cherry ang mga pangarap nito.

“Tobby, eh ikaw ba? Kumusta naman ang board exam review mo?” tanong sa kanya nito nang sa wakas ay makahanap na sila ng makakainan.

“Ayun, insane!” napapa-iling na sagot niya rito.

“Sus, ikaw pa ba? Alam ko namang yakang-yaka mo iyan eh. No sweat!” nakangising saad naman nito sa kaniya.

“Wow, thanks Chubs! Kailangan ko talaga iyang pagpapalakas loob na iyan eh.” Malawak ang pagkakangiti sa kanyang mga labi ng sulyapan niya ito.

“You’re welcome sweetheart!” malambing na sagot nito sa kanya.

Hindi naman na siya nagulat sa pagtawag nito ng sweetheart sa kanya, dahil gaya niya nakasanayan na rin nito ang endearment nilang iyon. Kung sana lang masabi niya rito ang tunay niyang nararamdaman para sa kababata.

‘Duwag ka nga kasi dude! Puwede naman kung gugustuhin mo eh. Kaso mas pinili mong hindi na lang!’ sumbat ng kanyang utak.

‘Eh, anong magagawa ko? Sa natatakot akong mawala siya sa akin kapag nagtapat ako sa kanya eh!’ sagot naman niya rito.

Ilang sandali pa at nagyaya na itong umuwi, dahil bukas ay magsisimula na ito sa kanyang trabaho. Kitang-kita niya kung gaano ito ka-excited na magtrabaho. Masaya naman siya para dito, but on the other hand, malungkot— kasi mababawasan na ang time nila sa isa’t isa. Babalik na rin siya sa Maynila para sa review at board exam niya. Isa pa, nagta-trabaho na rin naman siya roon, habang hinihintay ang magiging resulta ng board.

“Chubs, ihahatid na kita bukas ha? Paluwas na rin naman ako ng Manila eh,” sabi niya rito nang nasa tapat na sila ng bahay nito.

“Sige. Sabihin ko na lang kay RJ na sa uwian na lang niya ako sunduin,” nakangiting turan naman nito sa kaniya.

Para naman siyang tinadyakan ng mga sampung kabayo sa sakit na nararamdaman. Aware naman siyang itinuloy ni RJ ang panliligaw rito kaya he keeps his distance hangga’t maaari. Para hindi rin magkaroon ng conflict.

“Okay. Pahinga ka na Chubs, maaga ka pa bukas. Good night!” Paalam niya rito saka hinalikan ito sa kanyang noo.

“Good night Tobby. See you bukas!” Nakangiti pa itong kumaway sa kanya.

Nasasaktan man siya, kailangan niyang tiisin. Ginusto naman niya iyon eh. Dahil doon, ifo-focus na lang niya muna ang atensyon sa pagre-review para makapasa sa board. Baka sakaling magkaroon na siya ng confident kapag nakapasa na siya sa board. Anong connect? Wala lang kayo na lang ang mag-connect. Hehehe.

Kinabukasan, maaga siyang nagtungo sa bahay ng mga ito upang sunduin siya. Nagulat na lang siya nang datnan rin niya si RJ doon. Nagmano siya sa tita Lucille niya saka tahimik na naupo sa tabi ni RJ.

“‘Tol, ang aga mo yata ah!” Bati nito sa kanya.

“Oo may usapan kasi kami ni Chubs na ihahatid ko siya ngayon bago ako lumuwas ng Manila eh. Ikaw ba?” nakakunot-noong tanong niya rito dahil alam naman niyang sa uwian pa ni Cherry dapat ito susundo sa kababata.

“Gano’n ba? Hindi ko yata naintindihan ‘yung sinabi ni Cherry kagabi. Paano ba ‘yan?” Tila nakikipag-kompitensya pa ito sa kanya.

Sasagot sana siya nang makitang palapit na si Cherry sa kanila. Agad na tumayo si RJ sa kinauupuan nito saka lumapit kay Cherry. Nakita naman niya ang pagkabigla sa mukha ng kababata.

“Ahm, RJ ang aga mo naman yata? ‘Di ba sabi ko mamayang uwian mo pa ako susunduin, dahil may usapan na kami ni Tobby na siya ang maghahatid sa akin ngayon?” kunot-noong wika nito sa kaniyang bestfriend.

“Ahm, oo nga eh, namali yata ako ng intindi. Pero since nandito naman na rin ako, bakit hindi na lang ako ang maghatid sa iyo? Para hindi na rin maabala pa si Tobby sa pagluwas niya sa Maynila. Baka kasi ma-traffic pa siya, hassle naman iyon ‘di ba? What do you think ‘tol?” Baling pa nito sa kanya. Napabuntong hininga na lang siya saka tumango.

“Pero—” Hindi na nito naituloy ang sasabihin nang magsalita siya.

“It’s okay Chubs. Tama rin naman  si RJ.” Pilit siyang ngumiti rito saka lumapit.

Niyakap niya si Cherry nang mahigpit saka hinalikan sa noo nito. Malungkot namang ngumiti ito sa kanya. Niyakap siyang muli nito na ikinatawa naman niya. Parang bata lang ito na nagsumiksik sa kanyang dibdib.

“Mami-miss kita Tobby!” sabi pa nito sa kanya. Tila maiiyak pa ito sa pagkakasabi niyon sa kanya.

“Ako rin naman Chubs eh. Pero don’t worry aasarin pa rin naman kita kapag nag-chat tayo.” Kinurot pa niya ito sa pisngi bago kumalas.

Nakita rin niya ang matalim na tingin ni RJ sa kanya. Hindi na lang niya ito pinansin at nagpaalam na sa mga ito. Kailangan na niyang umalis dahil hindi niya kayang makita ang mga itong magkasama. Nang makalabas siya ng bahay ng mga Vergara, agad siyang sumakay sa kanyang sasakyan at umalis.

‘Sana magkaroon ako ng lakas ng loob para sabihin sa iyo Chubs kung gaano kita kamahal,’ bulong pa niya sa kanyang sarili habang pinaaandar ang kanyang sasakyan.

Cherry’s POV…

Masayang-masaya akong natanggap ako sa unang company na inapplyan ko. Sa sobrang kasiyahan ko, nayakap ko si Tobby. It really feels like home sa tuwing yayakapin ko ang lalakeng ito. At dahil nga nakapasa ako sa interview, inilibre ko siya ng hapunan.

May usapan kaming ihahatid niya ako bukas bago ito lumuwas ng Maynila. Pumayag ako kasi matagal ko na naman siyang hindi makikita. Nalulungkot din ako kasi nasanay na akong nasa tabi ko siya palagi. Masaya akong makasama siya ngayong araw promise! Feeling ko siya ang lucky charm ko kaya natanggap ako sa trabaho eh.

Kinabukasan maaga siyang dumating sa bahay ang kaso, nandoon din si RJ. Nagtataka nga ako kung bakit nandito ito eh. Samantalang sinabi ko naman sa kanyang sa uwian niya ako sunduin, dahil may usapan kami ni Tobby na siya ang maghahatid sa akin pagpasok sa trabaho. Feeling ko sinadya talaga ni RJ ang magpunta rin sa bahay para ihatid ako. Noon pa man alam kong nakikipag-paligsahan siya kay Tobby.

Nai-insecure ito sa kababata ko kasi masyado raw kaming dikit ni Tobby. Ito ang isa sa ikinaiinis ko kay RJ.  Hindi pa kami, pero kung makaasta parang nobyo ko na ito. Grrrr! I mean, okay naman siya overall, ayaw ko lang kasi na pinagseselosan niya si Tobby. Duh! Kung papipiliin ako between him and Tobby, syempre kay Tobby ako ‘no!

Anyway, nag-give way na lang si Tobby para iwas conflict. Noong niyakap niya ako aaminin kong gusto ko talagang maiyak. Pinigilan ko lang baka kasi isipin niyang ang te-arts ko eh. Kakaiba rin naman ang yakap niya sa akin ngayon, mas mahigpit at mas malambing. Pati ang paghalik niya sa noo ko ramdam kong punom-puno ng pagmamahal.

Ayan na naman tayo mga sis eh! Bawal mag-assume, nakamamatay! Hehehe. Hayyy, hihintayin ko na lang ulit ang pagbabalik niya. Sana maipasa niya ang board exam niya. Kung bibigyan lang ako ng pagkakataon, ako na lang ang aamin ng nararamdaman ko sa taong iyon eh. Kaso natatakot akong baka hindi naman pala pareho ang nararamdaman namin.

Kaya naman, makokontento na lang ako sa ganito. At least, walang restrictions. Nagagawa ko ang lahat ng gusto kong gawin sa kanya. ‘Yun nga lang, wala ring label ang relasyon namin. Hanggang paramdam lang ng feelings. Nothing more, nothing less.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

#####Chapter 12

 

 

So, time flies so fast. Matagal-tagal na rin noong huling beses silang nagkita ni Tobby at nananabik na siyang muling makita ang kababata. Anniversary ng parents nito at nagprisinta siyang mag-bake ng cakes and cup cakes para sa mga ito. Nag-effort din siyang mag-ayos dahil uuwi si Tobby ngayon. Na-miss niya ito ng sobra! Kaya excited na talaga siyang makita itong muli.

“Tita Martha!” tawag niya sa ina ni Tobby nang makapasok siya sa bakuran ng mga ito.

“Uyyy, Cherry halika pasok ka! Ang ganda naman yata natin masyado ngayon!” mapanuksong saad ng Ate Timmy ni Tobby. Nginitian naman niya ito at saka bumeso, bago pumasok sa loob ng bahay ng mga ito.

“Tita, Tito happy anniversary po!” Masayang bati niya sa mga ito nang makapasok siya sa kusina, kung saan siya iginiya ni Ate Timmy.

“Thank you hija! Naku nag-abala ka pa talagang mag-bake,” nakangiting saad naman ng ginang, habang kinukuha mula sa kamay niya ang bitbit niyang box ng cake at cupcakes.

“Syempre naman tita, para saan pa po at naging Pâtissier ako?” Nakangiting tugon niya sa mga ito.

“Aysus! Oh, siya maraming Salamat sa mga ito. Nasaan na si balae?” pabirong tanong naman ng tito Leo niya sa kaniya. Natawa naman siya na may kasamang kilig sa sinabi ng matandang lalake.

“Nasa bahay pa po. Papunta na rin po iyon, baka maya-maya nandito na rin po si mommy,” nakangiting sagot niya sa mga ito.

“Gano’n ba? Siya sige, pumwesto na kayo sa garden para makapagsimula na tayong kumain,” turan naman ng mommy ni Tobby.

“Mommy, hindi na ba natin hihintayin sila Tobby?” maya-maya naman ay tanong ni Timmy sa ina.

“Malapit na raw sila eh, sabi niya ten minutes ago. Kaya malamang na nariyan na ang mga iyon sa malapit,” sagot naman ng ama nito.

‘Sila? May kasama si Tobby? Bakit parang wala naman yata siyang nabanggit kagabi nang mag-usap kami na may kasama siyang uuwi rito?’ Gusto sana niyang tanungin ang mga ito kung sino ang kasama ni Tobby, nang biglang sumulpot ito sa pintuan ng kusina.

“Happy anniversary sa mga paborito kong magulang!” Masiglang bati nito sabay yakap sa mga magulang nito.

“Mga paboritong magulang ka riyan, bakit? May iba ka pa bang magulang?” Pabirong kinurot pa ito ng Tita Martha niya.

Tumawa lang ito saka hinalikan ang ina at ama. Gayon din ang ginawa nito sa kaniyang ate at sa pamangkin nitong karga na ni Timmy. Tumikhim siya saka ngumiti ng pagkatamis-tamis sa binata. Doon naman ito bumaling sa kanya.

Saglit na natigilan si Tobby nang makita si Cherry na nakatayo sa tabi ng mesa, kung saan nakalagay ang cake and cupcakes na alam niyang ito ang may gawa. Napakaganda nito sa kanyang simpleng ayos. Nakalugay ang buhok nitong hanggang bewang na kinulot sa dulo. At nakabestida ito ng kulay lumot, na hanggang tuhod ang haba. Lutang na lutang ang kaputian nito sa kanyang damit.

“Chubs! Kumusta naman ang pinakamalusog kong kababata?” Niyakap niya ito saka hinalikan sa noo nito na palagi niyang ginagawa. Agad naman siyang tinampal nito at pinandilatan na kanya namang ikinatawa.

“Puro ka talaga kalokohan!” sabi pa nito sa kanya.

Sabay pa silang napalingon nang may marinig silang tumikhim ng pagkalakas-lakas. Agad naman silang kumalas sa pagkakayakap ng isa’t isa nang lingunin ang tumikhim na iyon. Doon siya tila natauhan at muli siyang lumapit sa kasamang babae. Nakalimutan niyang may kasama nga pala siya. Masyado kasi siyang na-distract kay Cherry eh.

“Sorry babe. Si Audrey nga po pala mom, dad, ate Timmy, Chubs este Cherry pala.” Kakamot-kamot pa sa ulong sabi niya rito ng ipakilala niya si Audrey sa mga ito.

‘Ano raw Babe? As in baboy? Este girlfriend?’ gulat na gulat na tanong ni Cherry sa sarili.

Nagpapalit-palit nang tingin ang kanyang pamilya sa kaniya at kay Audrey. Saka nila nilingon si Cherry na nakaplaster ang ngiti sa mga labi, na halata namang pilit lang.

“Good afternoon po tito, tita, ate Timmy and Cherry.” Magiliw na bati nito sa pamilya niya at kay Cherry.

“Good afternoon din Hija. Hala sige magsipunta na kayo sa garden, ng maka-puwesto na kayo at makakain na rin tayo.” Pagtataboy sa kanila ng ina.

“Cherry, anak, tulungan mo muna ako rito ha?” Kinindatan pa ito ng kanyang ina.

Hindi niya alam kung bakit dinala niya si Audrey sa bahay nila. Wala naman talaga sa plano niya iyon, kaso inisip niyang kailangan niya ng distraction. Natakot siyang baka kasama ni Cherry si RJ kaya naisip niyang magdala ng date.

Audrey and him were dating for two months now. Kaya naman nang tanungin niya ito no’ng nakaraang buwan, kung puwede siyang maging girlfriend niya, agad naman itong pumayag. Kaya naman kahapon inaya niya itong umatend sa anniversary ng mga magulang niya.

‘Oo na bad boy na ako! At ngayon ay kinakain ako ng konsensiya ko,’ kastigo pa niya sa sarili.

“Tobby, halika nga saglit.” Tawag sa kanya ng ate niya.

“Babe, sandali lang ha?” paalam naman niya sa kasintahan, bago tumayo at sinundan ang kanyang ate sa isang sulok ng kanilang garden.

“What is this? What do you think you’re doing brother?” agad na sita ng kanyang ate nang makalapit siya rito.

“What? I brought my girlfriend. Anong problema roon ate?” tanong niya rito.

“Anong problema? Ikaw ang problema! You brought someone sa isang family gathering. Are you serious about that girl? Paano na si Cherry?” sunod-sunod na tanong ng kanyang ate sa kanya.

“What about Cherry? Wala namang kami ni Cherry ate. We’re just, friends,” mahinang sagot niya rito.

“Are you sure about that Tobby? Kilala kita Tobby, alam kong matagal mo ng gusto si Cherry. I just don’t understand, kung bakit hindi mo ipi-nur-sue ang panliligaw mo sa kanya.” Tila nafru-frustrate na rin ito sa sitwasyon nila ni Cherry.

“I don’t know. Mahal ko si Cherry ate but, I think mas mabuti ng walang kami. Natatakot kasi akong baka pag-inamin ko sa kanya ‘yung nararamdaman ko, mawala lahat sa akin. Ayaw kong tuluyang mawala si Cherry sa buhay ko ate. Hindi ko kakayanin,” nakayukong saad niya dito. Tinapik naman siya ng kanyang ate sa kanyang braso.

“And you think, sa ginagawa mong iyan, hindi siya mawawala sa iyo? Paano kung lahat ng kinatatakutan mo ay mali? Paano kung pareho pala kayong naghihintayan kung sino ang mauunang umamin ng nararamdaman? Tobby, sometimes you have to take the risk, to know the answer that you are looking for. Think brother, think.” Bumuntong hininga pa ito saka siya iniwang nag-iisa sa parteng iyon ng hardin.

Cherry’s POV…

Excited akong makitang muli si Tobby after a year na nasa malayo ito, talaga naman nami-miss ko na siya. Kaya ang ate niyo effort kung effort sa pagpapaganda. Nagpaparlor pa ako kahapon para lang sa kanya. Kaya naman maaga akong nagtungo sa kanila para dalhin ang cake at cupcakes na ginawa ko para kila tita.

Nang dumating ito, inihanda ko ang napakatamis kong ngiti. Kaso parang gusto ko iyong bawiin kasi may kasama pala isyang babae. Sino kaya ito? Lumapit siya sa akin at niyakap niya ako ng mahigpit saka hinalikan ako sa noo. Awww! Na-miss ko talaga siya.

Kaso may panira ng moment namin. Napaka OA lang naman tumikhim ng kasama niyang babae. Papampam lang ang loka. Nabitin sa ere ang pagtataray ko nang tawagin ni Tobby itong ‘BABE’. May jowa na siya? Nagkunwari na lang akong hindi apektado at pilit akong ngumiti sa harapan nilang lahat. Buti na lang at magaling si Tita Martha. Ipinagtabuyan silang magtungo na sa garden habang kami naman ay naiwan sa kusina.

Nang masiguro ni Tita na nakalabas na ang mga ito, agad niya akong nilapitan at pinaupo. Doon na tumulo ang luha kong kanina pa pinipigilan. Mabuti na lang at wala ni isa sa mga ito ang bumalik sa kusina. Hinagod ni tita ang aking likod habang ibinubuhos ko ang sama ng loob ko kay Tobby. Paano pa ako aasa kung may jowa na siya? Paano na ang puso ko? Mahal ko si Tobby, noon akala ko gusto ko lang siyang jowain. Pero ngayon nang makita kong may kasama siyang babae, na-realize kong mahal ko pala siya.

Ang hirap naman ma-in love lalo na kung ‘yung taong mahal mo ay may mahal ng iba. Ang sakit mga sis! Tagos hanggang buto! Anong laban ko doon sa Audrey na iyon? Maganda, mahinhin, sexy, mukhang mabait at higit sa lahat mahal ni Tobby. Huhuhu. Bakit? Bakit kasi late na ng ma-realize kong mahal ko pala siya? Kung nalaman ko lang ng mas maaga ‘di sana noon pa nasabi ko na sa kaniya ang nararamdaman ko. Baka sakaling may chance na naging kami.

Nang mahimasmasan ako, nagpaalam muna ako kay Tita na uuwi muna. Naintindihan naman niya ako kaya pumayag na rin siya. Nang palabas na ako ng bahay nila, narinig ko pa ang sinabi ni Tobby sa ate Timmy niya. Sinabi niyang wala namang kami, na magkaibigan lang kami. Ang sakit-sakit na talaga ng puso ko kaya naman hindi ko na tinapos ang usapan nila ng ate niya. Nagtatatakbo na ako pauwi sa bahay namin at nagkulong sa kuwarto ko.

Siguro naman mamaya magiging okay na ang pakiramdam ko. Sana lang talaga maging okay na ako mamaya. Naisip ko na lang ding umalis ng bahay at magpunta kila Jenny. Doon na lang muna ako hanggang matapos ang araw na ito. Hindi ko pa kayang harapin si Tobby ng hindi nasasaktan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

#####Chapter 13

 

 

“Nakakaloka naman iyon Che. Akala ko pa man din hindi talaga titingin sa ibang babae si Tobby. Dati naman kasi walang naging girlfriend iyon ‘di ba?” sabi ni Jenny habang hinahalo nito ang nilulutong afritada.

“Dati iyon loka! People change you know! Saka sa Maynila kaya siya nagta-trabaho, kaya natural lang na makakita ng ibang babae iyon doon,” sabi naman ni Althea habang nagmamasa ito ng dough.

Tulala lang siya habang nakapangalumbabang tinitingnan ang ginagawa ng dalawang kaibigan. Mabuti na lang at wala ring pasok ang mga ito, dahil kung hindi— hindi niya alam kung saan siya pupunta. ‘Yung hindi siya agad mapupuntahan ni Tobby.

“Eh ano namang laban ko roon sa jowa niya? Sexy mga beshy! Samantalang ako, ma-jubis pa rin hanggang ngayon. Kahit yata isang taon akong hindi lumamon, tabachingching pa rin ako!” nakasimangot niyang sumbong sa mga ito.

“Teka nga, akala ko ba kasi nagda-diet ka? Bakit parang wala namang pagbabago?” tanong ni Althea sa kanya.

Nagda-diet naman talaga siya. Kaso kapag nakaamoy na siya ng pagkain, wala na ang diet. Food is lifer than diet eh. Kaya ayun, waley nangyayari. Imbes na pumayat, lalo siyang lumobo.

“Food is lifer than diet kasi eh!” nakangusong sagot niya sa mga ito.

“Ayan tayo e!. Kaya naman pala eh,” sabi pa ni Jenny na tapos na yatang magluto.

“Gusto mo ba talagang matanggal iyang taba mo? ‘Yung mabilisan, pero pricy nga lang— pero may pera ka naman kaya kayang-kaya mo iyon!” Napalingon siya kay Althea, na ngayon ay nilalagay na sa tray ang tinapay na isasalang nito sa oven.

“Paano?” nakataas ang kilay na tanong niya rito.

“Liposuction beshy. May kilala akong gumagawa,” mabilis na sagot pa nito sa kanya saka isinalang ang mga tinapay sa oven.

“Huyyy loka ka! Baka mamaya delikado ‘yan!” singit naman ni Jenny.

“Naku hindi! ‘Yung isang kasama namin sa trabaho, nagpagano’n, ngayon ang sexy na niya! Teka tingnan niyo ito.” Dinukot nito ang cellphone saka ipinakita ang before and after photo ng kasamahan nito sa trabaho.

Namangha siya sa transformation ng katrabaho nito. Naging interisado tuloy siya sa Liposuction na sinasabi ni Althea. Mapansin na kaya siya ni Tobby kapag pumayat na siya, at nawala ang mga taba niya sa katawan?

“Huyyy, Cherry! ‘Wag mong sabihing papatulan mo iyang Liposuction na iyan ha? Naku baka mamaya makasama pa sa iyo iyan!” Pangaral ni Jenny sa kanya.

“Ikaw talaga Jen, nega ka! Malay mo naman ito na ang way para mapansin siya ni Tobby. Support na lang natin ang beshy natin,” sabi nito kay Jenny. “Ano Che, kailan mo gustong magpunta tayo roon sa sinasabi ko sa iyong clinic?” Binalingan pa siya ng kaibigan.

“Bahala nga kayong dalawa riyan, basta ako winarningan na kita Che ha?” sabi pa nito sa kaniya habang naghahain ng pagkain sa mesa.

Sa totoo lang kinakabahan din siya sa gagawin. Pero kung ito lang ang paraan para mapansin siya ni Tobby, sige gagawin niya. Para kapag nagkita sila ulit ng kababata, malaglag ang mga dapat malaglag dito.

“Sige i-set natin for next month,” sagot niya kay Althea.

“Bakit naman next month pa? Next week na beshy, para sa reunion natin, vavavoom ka na!” Nae-excite pang sabi nito na ikinatawa naman niya.

“Sige next week na!” natatawang saad niya rito. Marupok siya kaya napapayag siya agad ni Althea.

“Hayyy, bahala na nga kayong dalawa! Tara na lafanga na tayo. I-enjoy mo na ito habang puwede ka pang lumafang ng madami.” Nginitian niya ang mga ito saka nag-umpisang kumain.

Hindi siya umuwi ng gabing iyon sa kanilang bahay. Tinawagan na lang niya ang mommy niya, at nagbilin na ‘wag na ‘wag sasabihin kay Tobby kung nasaan siya. Naintindihan naman siya ng kaniyang ina kaya nakahinga na siya ng maluwag. Pinatay rin niya ang kaniyang cellphone para hindi siya matawagan nito.

Gayon din naman ang ginawa ng mga kaibigan. Alam kasi niyang tatawagan nito ang mga iyon. Kaya pare-pareho nilang pinatay ang mga cellphone nila. Kapag naman may emergency ay sa land line sila makokontak.

Kinabukasan ay umuwi na rin siya ng kanilang bahay. Nagulat pa siya nang makita si Tobby na nakaupo sa kanilang sofa. Akala kasi niya ay umuwi na ito ng Maynila kasama ng girlfriend nito.

‘Wait, so kung hindi siya umuwi kagabi, ibig sabihin ba nito ay sa bahay rin nila natulog ang jowa nito? As in sa kuwarto niya? Magkatabi sila?’ Kumirot ang puso niya sa isiping iyon.

‘Haller? Eh jowa niya kaya iyon, syempre riyan natulog iyon alangan namang paalisin ni Tobby iyon ‘no?’ sabi naman ng kotrabidang parte ng utak niya. Pinilit na lang niyang ngumiti rito.

“Oh, ang aga mo yata ah.” Kunwa’y bati niya rito.

Buti na lang at nakapag-makeup siya bago umuwi. Hindi masyadong halata ang pamamaga ng kaniyang mga mata. Tumayo naman ito at nakapamulsang humarap sa kaniya.

“Can we talk?” seryosong tanong nito sa kanya.

Bigla naman ang pagkabog ng kanyang dibdib. Bumuntong hininga siya bago umupo sa katapat nitong upuan. Napasunod naman sa kaniya si Tobby.

“Okay, about what?” maya-maya’y tanong niya rito.

“Iniiwasan mo ba ako Chubs?” diretsong tanong nito sa kaniya habang mataman siya nitong pinagmamasdan.

“Huh? Hindi! Bakit ko naman iyon gagawin?” kaila niya rito. Gusto niyang batiin ang sarili, dahil hindi man lang siya nabulol ng sagutin niya ito.

“Eh bakit bigla ka na lang umalis kahapon at hindi na bumalik? Sabi ni tita Lucille, umalis ka raw. Saan ka ba nagpunta? Nakapatay pa ang cellphone mo. Sinubukan ko ring tawagan sila Jenny, patay rin ang mga cellphone nila. Saan ka ba nagpunta kahapon?” Sunod-sunod ang tanong nito sa kanya.

“Teka isa-isa lang, mahina ang kalaban. Una, umalis ako kasi tinawagan nila ako sa trabaho. Nagkulang ng supply ng cakes, so I need to go there to save their ass. Pangalawa, hindi ko napansin na low batt ang cellphone ko, kaya sorry kung nag-worry kayo. Pero nakatawag naman ako kay mommy gamit ang telepono sa Restaurant. Then lastly, hindi ko alam kung bakit patay ang mga cellphone ng dalawang iyon. Hayaan mo’t aalamin ko mamaya,” mahaba-habang paliwanag niya rito.

Iniiwas niya ang tingin dito para hindi makita nito na nagsisinungaling lang siya. Tila hindi naman ito satisfied sa isinagot niya. Hindi naman siya nagpahalata rito at kunwa’y humikab pa.

“Tobby, I hate to say this, pero kailangan ko ng matulog eh. Napagod ako sa pagbe-bake all night sa Restaurant. Saka hindi ka ba hinahanap ng girlfriend mo? Go home, baka gising na iyon.” Tumayo na siya saka diretsong naglakad patungo sa hagdan ng bahay nila paakyat sa kaniyang silid.

“She’s not there. Umuwi na siya kahapon pa.” Hindi niya ito nilingon upang hindi makita nitong tumutulo na ang luha niya. Pigil na pigil niya ang mapahikbi saka siya sumagot muli kay Tobby.

“Ahhh, okay. Sorry Tobby inaantok na talaga ako. I’ll see you later, kung hindi ka pa aalis.” Hindi pa rin niya ito nililingon nang sumagot siya rito. Hindi na niya hinintay na sumagot ito at nagmamadali na siyang umakyat sa kanyang silid.

‘Bye Tobby. For now— ‘Pag payat na ako saka ako magpapakita ulit sa iyo,’ bulong pa niya sa sarili.

Pagsarang-pagsara ng kanyang silid, padausdos siyang sumandal sa likod ng pintuan saka umiyak nang umiyak. Nasasaktan pa rin siya sa nangyari. Hindi naman niya maamin sa kababata ang nararamdaman niya, dahil baka hindi niya rin kayakin ang isasagot nito sa kanya. Nasanay siyang siya lang ang babaeng nakakdikit at nakakahawak kay Tobby. Pero ngayon iba na, iba na kasi may kasintahan na ito. Mahal na nga talaga niya ito kaso paano niya ipaglalaban iyon? Is it too late?

Tobby’s POV…

Alam kong hindi nagsasabi ng totoo si Cherry. Batid kong nasaktan ko siya kaya hindi na siya bumalik kahapon. Nagi-guilty ako dahil alam kong ang pagdadala ko kay Audrey ang dahilan kung bakit ito umalis. Nakausap ko rin si tita Lucille at sinabi nitong pabayaan ko na lang muna si Cherry.

Kaya naman kahit halos mabaliw ako sa kakahanap sa kanya kagabi, sinunod ko ang sinabi ng mommy niya. Hinatid ko rin agad si Audrey pabalik ng Maynila kahapon. Pagbalik ko na lang doon saka ko ipapaliwanag sa kanya ang lahat. Alam kong kasusuklaman niya ako, pero okay nardin iyon kaysa naman patuloy ko siyang saktan.

Mabait si Audrey kaya ko nga siya nagustuhan eh. Pero hindi kasi sapat iyon para mahalin mo ang isang tao. Mahal na mahal ko talaga si Chubs. Kaya naman nagdesisyon na akong i-push ang nararamdaman ko para sa kanya. kung pagkatapos ng gagawin ko ay talagang wala pa ring mangyari, at least wala akong pagsisihan dahil sa wala akong ginawa.

 

 

 

#####Chapter 14

 

 

Isang lingo na ang nakalilipas mula nang huli silang nagkausap ni Cherry. Naka balik na rin siya sa Maynila at nagkausap na rin sila ni Audrey. Naintindihan naman ng babae ang sitwasyon kaya naman maayos ang naging paghihiwalay nila.

Flashback…

Nakipagkita siya kay Audrey pagkadating na pagkadating niya sa Maynila. Gusto kasi niyang humingi ng tawad dito. Nagi-guilty siya sa kanyang nagawa. Alam niyang hindi pa naman ganoong kalalim ang kanilang relasyon, pero ganoon pa man, nakasakit pa rin siya ng damdamin ng iba.

“I’m really, really sorry Audrey. Ang gago ko lang talaga! Niligawan kita kahit pa alam kong may iba ng nagmamay-ari ng puso ko. Sana mapatawad mo ako.” Hiyang-hiya talaga siya sa nagawang kasalanan sa babae.

“Tobby, okay lang talaga ako promise! Mabuti nga at maaga pa lang na-realize mo na agad ang pagkakamali mo. Saka I’m happy na kahit hindi tayo, naging way naman ako para ma-realize mo ang isang napakaimportanteng bagay sa buhay mo. Sana maging masaya kayo,” Nakangiting saad nito habang gagap nito ang kanyang mga kamay. “Huwag kang mag-alala sa akin, makakalimutan rin kita. Makakahanap din ako ng isang kagaya mong loyal magmahal.” Napangiti naman siya sa sinabi nito sa kaniya.

“Thank you Audrey. I owe you a lot!” Tumayo siya saka niyakap ang dalaga.

Gumaan na ng husto ang kaniyang kalooban matapos ng pag-uusap nilang iyon ng dalaga. Para siyang nabunutan ng malaking tinik sa kanyang lalamunan. Now what’s next?

End of Flashback…

Kaya naman ngayong maayos na ang lahat, haharapin na niya si Cherry. Sasabihin na niya rito ang tunay niyang nararamdaman para rito. Hindi niya maipaliwanag ang kasiyahang kanyang nararamdaman. Ang bilis-bilis din ng kabog ng kanyang dibdib, na hindi niya maipaliwanag. Siguro dahil ito sa excitement na nararamdaman niya no’ng mga oras na iyon.

Pauwi na siya ngayon sa Zambales at hindi mapuknat ang kaniyang ngiti sa kaniyang mga labi. Excited na siyang mayakap at masabi kay Chubs ang kaniyang pagmamahal na kay tagal niyang inalagaan para rito.

‘Chubs, wait for me sweetheart. Ngayong araw, sisiguruhin kong magiging akin ka. Hindi ako papayag na hindi tayo magkaayos. Konti na lang sweetheart, nandyan na ako!’ Kinikilig pa niyang saad sa kanyang isipan. Hindi niya akalain na ang mga lalaki pala’y kinikilig din.

Pagdating niya sa kanilang bahay ay agad niyang hinanap ang ina, upang ipaalam ang kanyang pagdating. Hindi kasi niya sinabi sa mga itong uuwi siya ngayong araw. Napangiti naman siya nang makita ang kanyang ama’t ina na nag-uusap sa sala.

“Mom, dad, I’m home!” Malapad ang kanyang pagkakangiti na agad din namang napawi nang makita ang mga itsura nito.

“Oh, bakit parang namatayan yata kayo?” Umupo pa siya sa tabi ng kanyang ina.

“Tobby, anak—” malungkot na saad ng kanyang ina habang nakatitig sa kanya.

Tila katatapos lang din nitong umiyak. Bigla naman ang pagtahip ng kanyang puso na hindi niya mawari kung para saan.

“Nasa hospital si Cherry anak. Malubha ang kalangayan niya.” Napatingin siya sa kanyang ama at tila hindi makapaniwala sa narinig.

“H-hindi totoo ‘yan. S-sabihin niyong nagbibiro lang kayo,” nanginginig ang boses na sabi ni Tobby sa mga magulang niya.

“Tobby, anak totoo ang narinig mo. Critical si Cherry at nasa hospital siya ngayon.” Umiling-iling pa si Tobby habang pinakikinggan ang ina.

“No mom, hindi iyan totoo! Okay si Cherry—” Tumayo na siya at dire-diretsong lumabas ng kanilang bahay.

“Tobby!” narinig pa niyang sigaw ng kanyang mga magulang.

Ngunit hindi na niya ito pinakinggan pa. Ang tanging nasa isip niya ay ang mapuntahan agad ang dalaga. Agad siyang nagtungo sa hospital matapos marinig ang sinabi ng kanyang mommy. Hindi puwedeng iwan siya ni Cherry. Hindi pa niya nasasabi rito kung gaano niya ito kamahal. Kailangang magising ito.

‘Chubs, ‘wag na ‘wag mong susubukang iwan ako. Hindi ko pa nasasabi sa iyo kung gaano kita kamahal. Hindi mo ako puwedeng iwan na lang matapos mo akong paibigin babae ka!’ bulong pa niya sa sarili habang nagmamaneho patungong hospital.

Matagal na niyang alam na mahal niya ang kababata niya. Simula pagkabata, gustong-gusto na niya ito. Ilang beses na niyang sinubukang sabihin dito ang kanyang tunay na nararamdaman. Pero hindi siya nito siniseryoso, at pinagtatawanan lang siya nito.

‘Lord please ‘wag mo munang kunin si Chubs. Mamahalin ko pa po siya eh. Alam kong mapang-asar akong tao pero mahal na mahal ko ‘yung tabaching-ching na iyon. Promise po magpapakabait na po ako magising lang siya.’ Dalangin niya sa Panginoon.

“Tobby!” Agad siyang sinalubong ng tita Lucille niya nang makita siya nito.

“Tita, how’s Chubs po?” nag-aalalang tanong niya sa ina ni Cherry.

“She’s in comma hijo. Sabi ng mga doctor, nagkaroon ng complication during the operation. Bakit ba naman kasi naisipan pa niyang magpa-opera? Okay naman kasi ang katawan niya eh,” naiiyak na saad ng ina nito.

‘Chubs naman bakit mo naman ginawa iyon? Sabi ko naman sa iyo ‘di ba mamahalin pa rin kita kahit na mataba ka?’ bulong pa niya sa kanyang sarili.

“Tita tahan na po. Magigising din po si Chubs.” Hinaplos niya ang mommy ni Chubs sa likuran nito.

‘Kasalanan ko ito eh! Kung hindi dahil sa akin baka hindi niya iisiping mag-undergo ng operation.’ Paninisi niya sa kanyang sarili.

Maya-maya’y nakita niya sina Jenny at Althea na humahangos. Agad niyakap ng dalawa ang mommy ni Cherry. Iyak din nang iyak ang mga ito habang humihingi ng tawad sa ginang.

“Tita, sorry po talaga! Kasalanan ko po ito eh. Kung hindi ko tinukso si Cherry at ipinakita ang picture ng ka-trabaho ko, hindi naman siya magpapa-lipo eh!” Humihikbing sabi ni Althea sa ina ng dalaga. Hinaplos naman ng ginang ang mukha nito at nginitian.

“Althea, tama na. Huwag ka ng umiyak anak, walang may gustong mangyari ito kay Cherry. Nangyari ang bagay na ito, dahil ginusto rin naman ng anak ko. Kaya ‘wag niyo ng sisihin ang mga sarili niyo okay?” mahinahong saad nito sa mga ito saka muling niyakap ang dalawang dalaga.

“Tita, kailan daw po ba siya magkakamalay?” tanong naman ni Jenny, matapos kumalas nito mula sa pagkakayakap ng ina ni Cherry.

“Sabi ng doctor, hindi raw nila masasabi kung kailan. Let’s just pray that she wakes up soon,” naluluhang sambit ng ginang.

“Tita, ‘wag ka na pong umiyak. Hindi gugustuhin ni Chubs na makita kang umiiyak,” pang-aalo naman niya rito saka inalalyan ng maupo ito.

Tanging dasal na nga lang talaga ang makapagliligtas kay Cherry. Nang lumabas ang doctor nito, sinabi sa kanilang makakatulong kung kakausapin nila si Cherry, kahit wala pa itong malay. Kaya naman iyon ang kanilang ginawa.

‘Lord, please heal my Chubs. Hindi ko po alam kung anong mangyayari sa akin kapag nawala si Chubs sa buhay ko. Mahal na mahal ko po siya. Napakarami ko pang plano para sa aming dalawa. Please po Lord, heal her.’ Tumulo ang luha sa kanyang mga pisngi pagkasambit noon sa kaniyang sarili.

Agad niya iyong pinahid at pilit nagpakatatag. Inisip niyang hindi ikatutuwa ni Cherry kapag lahat sila ay malungkot. Isa pa kailangan niyang ipakita sa magulang niya at sa mommy ni Cherry na matatag siya. Kahit pa ang totoo ay weak siya ng mga sandaling iyon.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Chapter 15

 

 

Araw-araw siyang nagpapabalik-balik sa ospital upang dalawin ang dalaga. Kaya naman nang araw na iyon, tinungo niya ang kwarto kung nasaan ito upang silipin. Hinaplos niya ang mukha ng natutulog na si Cherry. Tumulo ang kanyang luha habang tinititigan ito.

“Chubs, gumising ka na riyan please. ‘Wag mo na akong takutin. Pangako paggising mo riyan, hindi na kita aasarin kahit kailan. Kahit alilain mo pa ako papayag ako, basta bumangon ka na lang riyan. Nag-aalala na kaming lahat para sa iyo. Six months ka nang nakahilata riyan oh. Kita mo ang payat mo na. Hindi ka na masarap yakapin niyan.” Patuloy ang pag-agos ng kanyang mga luha habang kinakausap ito.

“Chubs, gising na. Hindi ko pa nga nasasabi sa iyo na mahal na mahal kita. Ang daya mo naman eh. Walang iwanan, madami pa akong patutunayan sa iyo. Kapag, hindi ka pa gumising diyan, hahalikan kita. Hindi ako nagbibiro!” Napangiti pa siya saka pinahid ang mga luha. Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha sa mukha ng natutulog na si Cherry.

Pumikit siya saka buong pagmamahal na hinalikan niya sa gilid ng mga labi nito si Cherry. Ilang segundo niya rin inilapat ang mga labi niya roon. Nagbabaka-sakali siyang parang sa fairytale, gigising ang prinsesa kapag hinalikan ng prince charming niya.

“Mahal na mahal kita. Please wake up Sweetheart,” bulong pa niya rito habang hawak ang kamay ni Cherry, at nakadikit ang noo sa sintido nito.

Napamulat siya nang pinisil nito ang kanyang kamay. Namilog ang mga mata niyang tiningnan ang magkahugpong nilang mga kamay. Pagtingin niya sa mukha ni Cherry gumalaw rin ang talukap ng mga mata nito. Magkahalong kaba at excitement ang naramdaman niya ng mga sandaling iyon.

“Cherry? Teka sweetheart, tatawagin ko ang doktor mo,” natatarantang saad niya rito.

Aalis sana siya upang tawagin ang doctor, ngunit hindi siya binitawan ni Cherry. Kaya naman ang intercom na lang ang kanyang ginamit, para papuntahin ang doktor sa silid ni Cherry.

“Chubs, ‘wag kang pipikit please stay with me, darating na ang doktor mo.” Hinalikan pa niya ito sa noo habang magkahawak pa rin ang kanilang mga kamay.

Ilang saglit pa at pumasok na ang doctor. Doon lang siya dumistansya kay Cherry para matingnan ito ng doctor. Abot-abot din ang kanyang panalangin habang nakatingin kay Cherry.

‘Lord thank you po! Thank you sa pagdinig mo ng panalangin ko!’ Impit na dalangin niya.

Biglang nagkagulo sa loob ng silid na iyon at agad siyang pinalabas ng mga nurses. Ang huling tagpong nakita niya, ay no’ng sinusubukang i-revive ng mga doktor si Cherry. Kinabahan siya nang makita iyon at agad nangilid ang luha sa kanyang mga mata.

“Cherry!” tanging naisigaw niya. Kasabay noon ay nanghihinang napasandal siya sa pader habang umiyak. Isinara na ng mga nurses ang pintuan ng silid ng dalaga.

“Tobby, anong nangyari?” nag-aalalang tanong ng tita Lucille niya na humahangos na lumapit sa kanya. Agad niyang niyakap ito at doon ibinuhos ang kanyang nararamdaman.

“Tita, hindi ko rin po alam eh. Nagising si Cherry tapos tinawag ko ang mga doktor. Then after that, pinalabas nila ako. Ang huli kong natatandaan ay nire-revive nila si Cherry,” humihikbing salaysay niya sa ginang.

‘Damn, kalalake kong tao kung makahagugulhol ako daig ko pa ang babae! Lakas makabakla!’ sambit pa niya sa kanyang sarili.

“Tita, I’m scared. What if iwan na tayo ni Cherry? Tita hindi ko pa naaamin sa kanya na mahal ko siya.” Wala na siyang pakialam kung aminin man niya ngayon sa ina ng kababata niya ang tunay niyang nararamdaman para sa anak nito.

“Tobby, huwag kang mag-alala, magiging okay rin ang lahat. Masasabi mo rin sa anak ko iyang nararamdaman mo,” nakangiting saad ng mommy ni Cherry kahit pa lumuluha na rin ito sa kanyang harapan.

“Mrs. Vergara?” Sabay pa silang napalingon sa doktor na tumingin kay Cherry.

“Doc, how’s my daughter?” agad na tanong ng ina ni Cherry nang makalapit sila rito.

“Your daughter is doing fine. Na-revive na namin ang pasyente. I think nakatulong ang pagkausap ng binatang ito, sa anak ninyo Misis.” Malapad ang pagkakangiti ng doctor sa kanya.

Nakahinga naman siya ng maluwag at napapikit. ‘Thank you Lord, muli mong dininig ang panalangin ko sa inyo,’ niusal pa niya bilang panalangin.

“Thank you po Doc!” Tila nabunutan naman siya ng tinik sa kanyang lalamunan.

“Thank God! Thank you po doc!” Masayang nagpasamat din ang tita Lucille niya sa doctor ng anak.

“You’re welcome. But no visitors muna, we still have to monitor her vitals within twenty four hours. Pero bukas, we can transfer her in a private room para mabisita niyo na siya,” nakangiting imporma ng doctor sa kanila saka ito nagpaalam.

Dahil sa labis na katuwaan, nayakap niya ng buong higpit ang ina ni Cherry. Lubos ang kanyang kaligayang nadarama. Kaya naman, nagpaalam muna siya sa ina ng dalaga na uuwi’t ibabalita sa mga magulang ang kalagayan nito. Tinanguan naman siya ng ginang bago siya tuluyang umalis ng hospital.

“Anak ang aga mo yata? Kumain ka na muna para hindi ka gutumin sa ospital,” turan ng kanyang ina nang makita siya nitong palabas sana ng kanilang bahay.

Agad naman siyang lumapit sa ina at humalik sa pisngi nito. Niyakap pa niya ito nang mahigpit na ikinatawa naman ng kaniyang ina. Maya-maya pa’y bumitiw na rin siya rito saka hinarap ang ina.

“Mommy, mamaya na ako kakain. Gusto kong ako ang unang makikita ni Chubs paggising niya eh,” nakangiting wika niya rito.

“Ay sus! Baka naman bukas makalawa, ikaw naman ang dinadalaw namin sa ospital anak?” Nilapitan niya itong muli at niyakap.

“Hindi po mommy. Ngayon pa ba? Eh gising na si Chubs!” nakangising saad niya sa ina.

“Oh, siya sige. Kung talagang ayaw mong kumain sige. Sabihin mo na lang sa tita Lucille mo na dadalaw na lang kami bukas kay Cherry ha?” Hinalikan siya ng ina sa kanyang pisngi, bago siya tuluyang lumabas ng kanilang bahay.

Masayang-masaya si Tobby nang dalawin niya si Cherry sa hospital. Ngayong magaling na ang dalaga, uumpisahan na rin niya ang panunuyo rito. Ngunit sa kanyang pagkabigla, pagpasok niya sa silid ng dalaga, ay may kayakap itong isang lalake. Parang tinadyakan ng sampung kabayo ang kanyang dibdib sa kanyang nakita. Lalo na nang makita niya kung paanong nagniningning ang mga mata ni Cherry ng mga sandaling iyon.

‘Hindi ito maaari. Pambihira ang tagal kong hinintay ang pagkakataong ito. Hindi ako papayag na basta na lang masayang ang paghihintay ko!’ determinadong saad niya sa kanyang sarili.

“Oh, Tobby, anong ginagawa mo riyan sa pinto? Halika na nga sa loob!” Si Jenny iyon na kararating lang din at may dala pang prutas.

Hindi na siya nakaimik nang hilahin siya nito, lalo na nang tumingin sa kinaroroonan nila sina Cherry at ang lalakeng kayakap nito, na walang iba kundi si RJ. Tumikhim siya saka ngumiti kay Cherry.

“Good Morning Chubs!” masiglang bati niya sa dalaga habang tinanguan naman niya si RJ.

Inilapag niya ang dalang mga bulaklak sa tabi ni Cherry, saka siya naupo sa kabilang bahagi ng kama nito. Masuyo niyang hinaplos ang pisngi ng dalaga habang titig na titig siya rito.

“Aherm, ‘tol, Cherry, mauuna na ako,” maya-maya’y pukaw ni RJ sa kanila. “Pagaling ka kaagad ha?” Kinindatan pa nito si Cherry bago ito tumalikod sa kanila.

“Ahm, sige RJ. Thank you sa pagdalaw, ingat ka sa pag-uwi,” nakangiting tugon naman ni Cherry sa kaibigan.

Selos na selos man ay nagtimpi na lang siya ng kanyang nararamdaman. Hindi kasi iyon ang tamang oras para sa kaniyang selos. Mas importante ang kumustahin niya si Cherry.

“Kumusta na ang pakiramdam mo?” masuyong tanong niya sa dalaga.

“Eto medyo nanghihina pa pero so far okay naman na ako,” nakangiting saad nito sa kaniya.

“Mabuti naman kung ganoon. Na-miss kita. Huwag mo na uling uulitin iyon ha? Tinakot mo ako Chubs.” Kinuha niya ang kamay nito saka iyon hinalikan.

Nakatitig lang sa kaniya si Cherry habang hinahalikan niya ang kamay nito. Tipid itong ngumiti saka umiling. Masuyo niyang hinila ito at pinaloob sa kaniyang mga bisig. Miss na miss talaga niya ang dalaga.

Cherry’s POV…

My Goodness! Muntik na akong mategi dahil sa kagagahan ko. Mabuti na lang at hindi pa ako tinuluyan ni Lord. Paano na lang kung tinuluyan niya ako, eh ‘di bye, bye na sa earth? Hayyy ang jonget no’n, hindi ko man lang mai-spread ang kagandahang lahi ko.

 

Habang in comma ako, may isang boses akong narinig na kumakausap sa akin. Umiiyak siya at sinasabing mahal na mahal niya ako. Sinabi pa nga niyang hahalikan niya ako kapag hindi ako gumising. At mga sis, hinalikan nga niya ako sa gilid ng mga labi ko!

Kaso paggising ko, tanging mga doctors and nurses na lang ang nakikita ko sa paligid. Wala na ang lalakeng kumakausap sa akin at kahawak ko ng kamay. Hindi ko alam kung sino iyong lalakeng umiiyak. Maaari kayang si Tobby iyon? Pero imposible kasi ‘di ba nga may girlfriend na siya? Kaya nga ako nagpakagaga sa liposuction na iyan eh.

Kailangan ko ng ayusin ang buhay ko. Mukhang hindi kami ni Tobby ang para sa isa’t isa kaya hindi ko na iyon ipagpipilitan pa. Magiging masaya na lang ako para sa kanya.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

#####Chapter 16

 

 

Ilang araw ng nakakauwi si Cherry sa bahay nila at patuloy na nagpapahinga. Dinadalaw rin siya ng mga kaibigan paminsan-minsan. Habang si Tobby naman ay halos sa kanila na tumira. Natutuwa naman siya sa ipinapakitang pagmamalasakit at pag-aalala nito sa kaniya. Ngunit sa kabilang banda, nalulungkot pa rin siya sa isiping may kasintahan na ito.

Si RJ naman ay nanatiling kaibigan niya. Bago pa man mangyari ang insidenteng nagpabago ng buhay niya ay nag-usap na sila nito. Alam na rin nitong si Tobby ang mahal niya, kaya naman nagparaya na lang ang binata. Araw-araw rin kung dalawin siya nito. Pero napapansin niyang kapag nandoon si RJ ay umaalis si Tobby.

“Chubs, may dala akong biko gawa ni mommy!” Nilingon niya si Tobby na kapapasok lang ng kanilang bahay. Nasa sala siya ngayon at nagbabasa ng bagong labas na lifestyle magazine.

“Sige Tobby, pakisabi kay tita, thank you!” sabi pa niya rito saka ibinalik ang atensyon sa pagbabasa ng magazine.

Umupo naman ito sa kanyang tabi saka siya inakbayan at marahang yakapin nito. Bahagya pa siyang nagulat sa ginawa nitong pagyakap sa kanya. Napakagat labi na lang siya dahil tila nagwawala ang kanyang puso, at gustong kumawala sa kanyang dibdib. Kakaibang sensasyon ang hatid nito sa kanya.

‘Tobby ano ba ‘yang ginagawa mo? Okay na eh moving on na ako sa iyo eh. Tanggap ko na ngang may jowa ka, kaya please lang ‘wag mo na akong pahirapan pang muli!’ kausap niya sa kanyang sarili. Pinilit niyang kumawal mula sa pagkakayakap nito. Pero mas hinigpitan pa nito ang pagkakayakap sa kanya.

“Can we just stay this way a little bit longer?” halos pabulong pang saad nito sa kaniya, habang nakadikit ang labi nito sa kanyang tainga. Nagdulot iyon ng kakaibang kilabot sa kanyang katawan.

“Tobby, puwedeng magtanong?” maya-maya’y naglakas loob siyang magsalita.

“Hmmm?” Para namang musika sa kanyang tainga ang pag-ungol nito.

‘Focus Cherry, ano ka ba? Hindi na nga puwede ‘di ba? Taken na kaya magtigil ka riyan!’ Pagalit niya sa kanyang sarili.

“Ahm, wala ka bang work ngayon? Or mas tamang tanong eh, may trabaho ka pa ba? Kasi parang halos dito ka na tumira eh.” Tiningala niya ito para makita ang itsura nito.

“Wala na,” maikling sagot nito. Nabitin naman siya sa sagot nito. Kaya naman tinaaasan niya ito ng kilay at tila sinasabing, explain further please.

“Wala na akong work simula nang ma-hospital ka. Kaya kasalanan mo!” nakapikit pang sagot nito sa kaniya.

Namilog naman ang kaniyang mga mata saka niya pinalo ang mga kamay nito na nakayakap sa kanya. Nagmulat naman agad ng mga mata ito saka nakangising tiningnan siya nito.

“Bakit? I mean bakit wala ka ng work? Tinanggal ka ba nila?” nag-aalalang tanong niya rito. Tumawa naman ito saka pinisil ang kaniyang ilong. “Silly! Nag-resign na ako,” matipid pa ding sagot nito.

“Tobby Ryan, puwede bang pakihabaan naman ng explanation mo? Nakakabitin ang mga sagot mo eh! Nabibitin ako!” Umayos na ito ng upo saka tumatawang humarap sa kanya.

“Nag-resign po ako kasi hinihintay ko lang ‘yung pagsampa ko ng barko. Yes, Chubs, sasampa ako sa barko at doon magta-trabaho. Four months on, two months off. Mabilis lang naman ‘yun eh. ‘Wag kang mag-alala babalikan naman kita eh,” nakangising saad pa nito sa kanya.

‘Teka ano raw? Babalikan niya ako? Bakit? Ang gulo talaga ng lalakeng ito!’ sambit niya sa kanyang sarili.

“Alam ba ng girlfriend mo na aalis ka? Saka buti hindi ka no’n nami-miss, eh halos hindi ka na lumuluwas ng Maynila,” kunot-noong saad pa niya rito. Malawak naman ang mga ngiting sumandal ito sa sofa.

“Wala naman akong girlfriend eh.” Sinulyapan niya ito at tatawa-tawa lang ito habang nakatingin sa kanya.

“Ikaw talaga Tobby, puro ka kalokohan!” Hinampas pa niya uli ito. Mataman naman siyang tinitigan nito bago magsalita.

“Sa ngayon, wala akong girlfriend. ‘Yung taong gustong-gusto ko kasi, hindi naniniwala kapag sinasabi kong gusto ko siya. Manhid yata ‘yon eh!” Ngumiti pa ito sa kanya saka tumayo. “Chubs, uuwi na ako. Magpahinga ka na rin. Hindi ka pa dapat nagkikikilos masyado,” bilin pa nito sa kaniya, habang siya naman ay hindi pa nakakabawi sa mga sinabi nito.

Lumapit ito sa kanya at hinawakan siya sa magkabilang pisngi. Saka hinalikan siya sa gilid ng kanyang mga labi. Pinagdikit pa nito ang mga noo nila saka ngumiti ng nakakaloko.

“Bye Chubs. Babalikan kita pangako. Hjkjhlljhhkk.” Dahil sa pagkabigla hindi niya masyadong naintindihan ang mga sinabi nito.

Nang tumayo na ito ng maayos ay ngumiti lang ito saka siya kinindatan at naglakad nang palayo. Habang siya naman ay hindi pa rin makapaniwala sa naganap sa pagitan nila. Hinalikan nga ba siya nito sa gilid ng kanyang labi? Saka ano ba iyong huling salitang sinabi nito sa kanya? Gulong-gulo na ang kanyang isipan. Ginulo ni Tobby!

Tobby’s POV…

Nakapag-usap na kami ni RJ noong huling beses siyang dumalaw kay Cherry. Sinabi nitong wala akong dapat ipag-alala dahil magkaibigan lang daw sila ni Chubs. Tuwang-tuwa naman ako sa nalaman ko syempre. Wala naman pala akong dapat ipag-alala. Hindi ko pa rin kasi nasasabi kay Cherry ang totoong nararamdaman ko. Hindi dahil sa naduduwag ako, ayaw ko lang siyang biglain dahil kalalabas lang inya ng ospital.

Kaya naman araw-araw akong matyagang dumadalaw sa kanya. Una dahil na-miss ko ‘tong tabaching na ito. ‘Yun nga lang hindi na siya kasing flabby kagaya ng dati, dahil pumayat ito buhat nang ma-ospital siya. Pero masarap pa rin naman siyang yakapin.

Nagtanong siya kanina tungkol sa girlfriend ko, sinagot ko naman iyon ng buong katotohanan, at walang halong biro. Pero ewan ko ba kay Chubs, hindi niya ako pinaniniwalaan. Kaya tuloy nang magpaalam ako, hinalikan ko siya at sinabing babalikan ko siya. At mahal na mahal ko siya. Hindi ko lang alam kung narinig niya ‘yun. Kasi halos pabulong ko lang sinabi iyon. Hehehe. Iniwan ko siyang tulala sa kinauupuan niya. Sana ma-gets na niya ‘yung sinabi ko sa kanya.

Ewan ko ba naman kasi kung bakit napakamanhid ng babaeng iyon. Minsan nga iniisip kong nagkukunwari lang ito. Pero hindi eh, kapag sinasabi kong gusto ko siya ay tinatawanan lang ako. Hayyy, paano na lang kapag nagtapat na ako sa kanya? Baka pagtawanan lang niya ako. Nakakababa ng ego ‘yun ha. Bahala na nga, basta magtatapat din ako sa kanya soon. Kaya ‘wag kayong mainip.

Cherry’s POV…

Nakakaloka talaga itong si Tobby. Ninakawan na ako ng halik, ni hindi man lang nilinaw kung ano ‘yung huling sinabi niya. Tuloy ngayon mabaliw-baliw na ako sa kakaisip. Ang isa pang palaisipan, ay ‘yung sinabi niyang may gustong-gusto siya, kaso manhid yata at palaging inaakalang biro ang mga sinasabi niya.

Hindi kaya ako iyon? Kasi ganoon ako sa kanya eh. Pero imposible namang ako iyon. Pero sabi rin niyang babalikan niya ako eh. Nag-promise pa nga siya eh. Bakit naman niya ako babalikan? Eh bakit nga ba kailangan niya akong balikan? Kasi naiwan niya ako? Ehehehe, ang corny ko! Sasabog na ang utak ko sa kakaisip. Kakapiranggot pa man din ang utak ko. Baka ma-over use patay na! Mag-malfunction bigla lalong magkanda-letse-letse.

Hayyy, nandyan lang naman siya sa katapat bahay. Aalamin ko na lang sa kanya kapag fully recovered na ako. Mahirap na baka hindi ko kayanin kapag ngayon ko siya tanungin tungkol doon. Haller? Syempre kakalabas lang ng ate niyo sa hospital. Pagaling muna tayo mga sis.

Saka na ang landi kapag kaya ng lumandi uli. In fairness naman sa pagkaka-ospital ng ate niyo, achieve ko na ang payat looks. Pero hindi pala maganda sa akin. I miss my flabby body. Kaso hindi na ako puwedeng lumamon sabi ni doc. Sabi niya dapat eat healthy raw. Syempre susunod tayo mga ate sa sabi ni doc at baka mapalo tayo sa puwet. Hehehe.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

#####Chapter 17

 

 

“Beshy, kumusta ka na? Baka mamaya bumuka ang mga sugat-sugat mo riyan ha!” tanong ni Althea sa kanya. Tatlong buwan na simula no’ng makalabas siya sa ospital.

“Sira! Okay na ako sabi ni Doc,” natatawa namang sagot niya sa kaibigan. Kasalukuyan silang nasa park sa may bayan ngayon dahil nauuta na siya sa bahay nila.

“So ibig sabihin makakabalik ka na sa work?” excited na tanong ulit nito sa kaniya.

Magkasama na kasi sila sa restaurant kung saan siya nagta-trabaho dati. Nag-resign kasi ito sa dating pinapasukan dahil sa ilang issue. Knowing her friend, ayaw nito ng ma-issue sa buhay, kaya hangga’t maaari ay siya na ang umiiwas.

“Kung ba tatanggapin pa rin ako roon eh. Ang tagal ko kayang nawala ‘no!” nakangiting sagot niya rito.

“Gaga! Siyempre naman tatanggapin ka pa rin doon. Wala naman silang hinire na kapalit mo eh. Saka nami-miss ka na nila sa restauran,” sabi pa nito habang umiinom ng sago’t gulaman.

“Talaga? Sige babalik na ako bukas na bukas din!” nagbibiro niyang wika sa kaibigan.

“Luka-luka! Basta bumalik ka roon para naman magkasama na tayo sa work.” Bahagya pa siya nitong hinampas sa kaniyang balikat, na ikinatawa naman niya.

“Nasaan nga pala si Jen? Bakit parang hindi ko na napagkikita iyon lately?” tanong niya sa kaibigan nang mapansing wala si Jenny roon.

“Ayyy, ewan ko nga sa babaeng iyon! Sabi niya kanina hahabol siya kasi may lalakarin pa raw siya. Ewan kung ano iyon, ang sabi lang niya basta raw.” Nagkibit balikat pa ito habang sinasabi iyon sa kanya. “Hmmm, ma-iba nga pala ako. Kumusta na kayo ng kababata mong si Tobby?” pag-iiba nito ng usapan.

Agad naman siyang napasimangot at napabuntong hininga. Ikinuyakoy pa niya ang paa sa ilalim ng upuan. Tumingin siya sa malayo bago sagutin ang tanong ni Althea.

“Ewan ko sa kulugong iyon. Pagkatapos niya akong banatan ng mga weird niyang salita, aba nilayasan ako! Ayun nasa barko ngayon. Lintek na lalakeng iyon! Ni hindi ko pa nga nalilinaw sa kanya ‘yung mga sinabi niya eh!” salubong ang mga kilay niyang saad sa kaibigan.

“Ano ba kasi iyong sinabi niya sa iyo?” tanong naman ni Althea. Ikinuwento naman niya rito ang sinabi ng kababata bago ito nag-disappear. Tatango-tango na lang si Althea sa kanya.

Naiinis talaga kasi siya kay Tobby, ni hindi nagpaalam ng maayos na aalis na pala siya, at iyon ang huling araw na magkakausap sila. Kung hindi pa siya nagpunta sa mga bahay ng mga ito, para isoli ‘yung tub na pinaglagyan ng biko ng mommy nito, hindi pa niya malalamang kaaalis lang nito patungong airport. Tandang-tanda pa niya ang naging reaksyon niya noon. Naiyak pa siya sa harapan ng mga magulang nito. Hindi naman niya ma-explain kung bakit siya umiyak no’n.

Flashback…

Napag-isipan ni Cherry na ibalik ang tub na pinaglagyan ng biko sa bahay nila Tobby. Magpapasalamat na rin siya ng personal sa mga ito. Noong hindi pa kasi siya nagigising ay dinalaw rin siya ng mga ito sa ospital.

Mabilis siyang nag-ayos at nagpaganda para naman mapansin siya ni Tobby. At dahil pumayat na siya ng bongga, wala nang halos magkasya sa kanyang mga damit. Mabuti na lang at may mga naitabi pa siyang jogging pants na de garter at may tali. Kaya naman iyon na lamang ang kanyang isinuot at isang may kalakihang t-shirt.

Pagdating niya sa bahay ng mga ito, tanging ang tita Martha niya ang nadatnan niya roon at walang Tobby sa paligid. Nagtaka naman siya dahil hindi rin naman ito dumaan sa bahay nila ngayon. Maliban na lang kung nagpunta iyon ng mas maaga. Tanghali na kasi siya bumangon eh.

“Tita, isosoloi ko lang po itong tub. Maraming Salamat po sa napakasarap na biko!” nginitian pa niya ito ng ubod ng tamis.

“Ay sus! Gusto mo pa ba? Mayoron pa ako rito.” Nakangiting inabot ng ginang ang tub mula sa kamay niya, saka siya nito ipinaghanda ng biko sa platito.

“Ahm, tita si Tobby po?” kapag kuwan ay tanong niya rito. Tumingin naman ito sa kanya at parang nagulat.

“Hindi ba siya nagpaalam sa iyo? Sabi niya kanina nagpaalam daw siya sa iyo kahapon, at kanina naman ay maaga siyang nagtungo sa bahay ninyo kaso tulog ka pa raw.” Nakakunot-noo naman siyang napailing habang ngumunguya ng biko.

“Hindi po siya nagpaalam sa aking kahapon. Ang sabi lang niya—” Doon na siya naiyak. Sinabi nga pala nitong babalikan siya nito.

‘Ang daya mo Tobby! Hindi mo man lang sinabi sa akin na aalis ka na ngayong araw. Nakakainis ka talagang lalake ka!’ sabi niya sa kaniyang sarili habang pinapahid ang mga luha.

“Oh, Cherry naku ‘wag kang umiyak anak. four months lang naman siya sa barko anak.” Nilapitan siya ng ginang at hinimas ang kanyang likod.

“Ang daya naman kasi niya tita eh! Sinabi niyang hinihintay pa niya ang sampa niya, pero paaalis naman na pala siya!” humihikbing sabi niya rito.

“Alam mo naman ‘yung anak kong iyon hija. Maski sa amin no’ng nakaraang linggo lang niya sinabing aalis na siya. Pasaway talaga ang batang iyon! Pero ano bang sinabi niya sa iyo?” curious na tanong ng ginang saka siya naupo sa tabi nito.

“Sabi niya po babalikan niya ako. Nag-promise pa nga po siya eh. Tapos hindi ko naintindihan ‘yung huling sinabi niya.” Muli na naman siyang naluha.

Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit siya umiiyak. Nang lingunin niya ang ginang ay tila aliw na aliw itong pagmasdan siya, at tila nanunukso pa itong nakangiti sa kanya.

‘Luh, napa-praning na yata si tita!’ bulong pa niya sa kanyang sarili.

“Cherry, anak, ang masasabi ko lang sa ’yo, magtiwala ka lang kay Tobby. Babalik din siya kaya ‘wag ka ng malungkot.” Hinaplos pa nito ang kanyang pisngi.

Hindi man niya naiintidihan ang pinagsasabi ng mommy ni Tobby, ay tinanguan na lang niya ito. Wala na rin naman siyang magagawa dahil nga nakaalis na ang binata. Hihintayin na lang niya ang muling pagbabalik nito.

End of flasback…

Bahagya pa siyang napapitlag nang pumitik ang daliri ni Jenny sa kanyang harapan. Kunot-noo pa niya itong pinagmasdan. Doon siya parang nagising sa malalim na pagkakahimbing.

“Sows! Tulog naman pala itong kaibigan natin eh!” nakangising saad nito habang kumakain ng pizza.

‘Pizza? Saan galing ang pizza?’ tanong pa niya sa sarili.

Agad din naman niyang natampal ang kanyang noo nang maalalang kararating nga lang pala ni Jenny at malamang na sa kanya galing iyon.

“Kailan ka pa dumating?” takang tanong pa rin niya sa kaibigan.

“Kanina pa mga hmmm, ten minutes ago?” sagot nito sa kanya habang ngumunguya. Ganoon katagal na siyang nakatulala at nagbabalik tanaw?

“Ano ba kasi ang iniisip mo? Masyado ka yatang occupied eh. Ano ba kasing pinag-uusapan ninyo nitong babaeng ito habang wala pa ako?” Baling nito kay Althea na punom-puno ng pagkain ang bibig.

“Hmmm, ngewan ko riyan. Tinanong ko lang naman kung kumushta na shila ni Tobby eh,” sagot nito habang hirap na hirap itong pagsabayin ang pagnguya at pagsasalita.

“Bakit hindi pa ba kayo nagkakaayos ni Tobby? Akala ko ba kinausap ka na niya?” takang tanong naman ni Jenny sa kanya.

“Okay naman kami ni Tobby. Medyo weird lang siya ng mga nakaraang araw bago siya umalis. May mga bagay siyang sinasabi at ginagawa na nakakapag-pagulo sa akin. Extra sweet, super clingy, and super pa-cute!” tugon niya sa mga ito habang pinapanood ang mga kaibigang kumakain ng pizza.

“Wow, lakas maka-high school beshy!” tatawa-tawang saad naman ni Jenny.

“Truth! Naku, bakit kasi hindi mo iyan nilinaw bago siya umalis ng hindi ka nagugulumihanan diyan ngayon?” singit naman ni Althea na wala ng laman ang bibig.

‘Anong magagawa ko eh sa nabigla ako sa kiss na ‘yon, ni hindi nga ako nakapag-isip at nakakilos kaagad ng mga sandaling iyon eh!’ sambit niya sa kanyang sarili.

“Hay naku Cherry, huwag mo na munang isipin iyang si Tobby Ryan. Ito na lang ang paglaanan ninyo ng pansin. Listen up girls, balak kong magtayo ng isang coffee shop dito sa atin. Location is okay na, ‘yung pagpapagawa, may nakausap na akong carry ng budget. Now I need a business partners. Ang gusto ko sana kayo ang kunin ko kong partners. Since this is our dream ever since the world begun, right? Kaya nga HRM ang kinuha nating course eh. Game?” nangingislap ang mga matang tanong nito sa kanila. Agad naman silang na-excite ni Althea at sabay na napatango.

“G na G! Wala ng isip-isip ‘yan beshy. Matagal na nating dream ito mga besh! Kaya let’s go for the goals!” impit na tili pa ni Althea.

Natutuwa siyang sa wakas ay matutupad na nila ang kanilang dream café. Iiisang tabi na muna niya si Tobby. Saka na sila magtutuos nito pag-uwi nito sa kanila. Anyway, it’s just a month away.

 

 

 

 

#####Chapter 18

 

 

Nagising si Cherry sa pag-iingay ng kaniyang cellphone, kaya naman napilitan siyang bumangon at kunin iyon sa kanyang bag. Hindi na kasi niya nagawa pang i-check iyon kagabi sa sobrang kapaguran. Busy kasi silang magkakaibigan sa pagdadry-run ng mga pagkain sa kanilang café. Plus, hindi pa fully furnish ang kanilang munting negosyo. Ilang linggo na rin ang nakalilipas simula nang mapag-usapan nilang magkakaibigan ang tungkol sa pagtatayo nila ng cafe.

“Hello,” humihikab pa niyang sagot sa tumatawag.

“Good Morning sweetheart!” Napakunot-noo siya nang mabosesan ang nagsalita sa kabilang linya.

Bahagya pa niyang nailayo ang cellphone sa kanyang tainga upang tingnan kung sino ang tumatawag na iyon. Agad ang pagbundol ng kakaibang kaba sa kanyang dibdib nang makitang si Tobby iyon. Tuluyan siyang nagising nang muling marinig ang boses ni Tobby sa kabilang linya.

Agad din siyang napatingin sa orasan na nakapatong sa kanyang bedside table. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang mag-aalas nuwebe na ng umaga. Late na siya sa usapan nila nina Althea at Jenny!

‘Oh no! Bubungangaan na naman ako ni Althea for sure!’ Nagmamadali siyang naghalungkat ng damit niya habang nakaipit ang telepono sa kanyang tainga.

“Tobby, sorry nagmamadali na kasi ako eh. What’s up?” tanong niya rito. Natawa naman ito sa kabilang linya.

“Easy sweetheart, baka naman madisgrasya ka sa kamamadali mo. Sige na kumilos ka na at late na late ka na. I’ll see you in a bit!” Bago pa siya makapagtanong ay naibaba na nito ang tawag. Naiwan na naman tuloy siyang nagtataka.

‘Hayyy, mamaya ko na nga lang ulit tatawagan si Tobby. Kailangan ko na talagang kumilos nang mabilis at baka sabunutan na ako ng dalawa kong kaibigan!’ Patakbo na niyang tinungo ang banyo saka naligo.

Wala pang labin-limang minuto ay natapos na siyang maligo at bihis na rin siya. Mamaya na lang siya magme-make up ng todo kapag kasama na niya sina Jenny at Althea. Bakit ba naman kasi hindi niya naisip mag-alarm kagabi.

Pagbaba niya ng hagdan ay agad niyang tinungo ang kusina, upang magpaalam sa kanyang ina. Nakihigop lang siya ng kape nito, saka humalik sa pisngi ng ina.

“Mommy mauuna na ako. Bye. I love you!” sabi pa niya habang halos patakbo niyang tunguhin ang pintuan palabas ng kanilang bahay. Agad naman siyang natigilan nang makitang nakasandal si Tobby sa sasakyan nito.

‘Shocks! Anong ginagawa niya rito? Kailan pa ito dumating?’ Sobrang lakas ng kabog ng kanyang dibdib.

Looking at him now, bakit parang sobrang guwapo nito ngayon? Compare sa Tobby na umalis about four months ago.

“Chubs, mas lalo kang male-late kung tititigan mo lang ako riyan. Tara na!” nakangiting untag sa kanya ni Tobby.

‘Oo nga pala, may investor nga pala kaming kailangang i-meet. Mamaya na ang harot girl, business muna!’ Ipinilig niya ang kaniyang ulo saka sumakay sa sasakyan ng binata.

Habang nasa biyahe ay titig na titig pa rin siya sa kababata niya. Hindi siya makapaniwalang kasama niya ito ngayon. At ang guwapo-guwapo nito sa kanyang paningin ngayon.

“Chubs, baka naman hindi pa tayo nakakarating sa meeting place niyo ay tunaw na ako?” nakangiting saad nito sa kanya. Bigla naman siyang tinamaan ng hiya saka nag-iwas ng tingin dito.

‘Shocks ang weird ko! Hindi naman ako ganito mag-react sa kanya dati ah. Bakit ngayon parang tinatamaan ako ng hiya sa kanya? At heart puwede bang kalma-kalma ‘pag may time?’ kausap na naman niya sa kanyang sarili.

Marahas siyang huminga ng malalim, kinakabahan kasi siya at hindi niya alam kung para kay Tobby ba iyon, o para sa kikitain nilang magkakaibigang inverstor?

“Ahm, kailan ka pa dumating?” lakas loob na tanong niya rito. Bahagya naman itong lumingon sa kanya bago sumagot.

“Kanina lang about five hours ago?” balewalang sagot naman nito sa kaniya.

Nakaramdam naman siya bigla ng guilt, dahil ibig sabihin lang no’n ay hindi pa ito masyadong nakakapagpahinga. Biglang parang gusto niya itong ikulong sa kanyang mga bisig.

“Dapat hindi mo na lang ako hinatid ngayon. Hindi ka pa nakakapag-pahinga masyado eh,” nag-aalalang saad niya rito.

Lumingon naman ito sa kanya saka ngumiti. “Uyyy, concern siya! Don’t worry Chubs, makakapagpahinga rin ako mamaya pag-uwi natin.” Kinindatan pa siya nito saka muling nag-focus sa pagmamaneho.

‘Pag-uwi natin? Balak mong sumama sa lakad namin?’ tanong pa niya sa sarili.

Napabuntong hininga na lang siya sa sinabi nito. Ilang minuto pa at narating na rin nila ang kanilang Dreame Cafe. Napangiti siya dahil iyon talaga ang naisip nilang ipangalan sa kanilang coffee shop since dream nilang tatlo ito. At gaya nga ng iniisip niya kanina, nakapamaywang na sa bungad ng coffee shop si Althea. Kaya naman agad na niyang tinakpan ang kanyang mga tainga upang hindi marindi sa talak ng kaibigan.

“Aha! At bakit ngayon ka lang mahal na prinsesa? Kanina ka pa namin tinatawagan, bakit hindi mo sinasagot ang phone mo? At bakit magkasama kayong dalawa? Kailan ka pa dumating magaling na lalake?” sunod-sunod na tanong nito sa kanila. Nagkamot na lang ng ulo si Tobby sa dire-diretsong salita ni Althea.

“Puwede, pumasok muna tayo at doon mo na ako talakan?” sabi niya rito habang patuloy lang niyang tinatakpan ang kanyang tainga.

Sumunod naman sa kanya si Tobby. Hindi rin naman ito natinag sa talak ni Althea. Nakataas naman ang kilay ni Althea habang nakasunod ang mga mata sa kanila.

“Good Morning Althea!” nakakalokong bati pa nito sa kaibigan nang huminto ito sa tapat nito.

“Heh! Sagutin ninyo ang mga tanong ko! Ikaw Cherry, bakit ngayon ka lang?” ulit nito sa tanong nito kanina.

“Sorry po ma’am kasi sobrang pagoda ako kahapon kaya napahimbing ang tulog ko!” sagot niya sa kaibigan.

Nagkatinginan naman sina Jenny at Althea, sabay pinagpalit-palit pa ng mga ito ang paningin sa kanilang dalawa ni Tobby. Nanlaki ang mga mata niya dahil mukhang alam na niya ang tumatakbo sa mga over imagine na utak ng mga kaibigan.

“Oh my God! Don’t tell me you and you—” Dinuro pa sila ni Jenny. Hindi na nito naituloy ang sasabihin nang awatin niya ito.

“Hep! Kayong mga malalaswang mag-isip na dalawa, hindi niya ako pinagod!” Lalong nanlaki ang mga mata ng mga kaibigan sa sinabi niya.

“I mean hindi pa— NO! I mean napagod ako sa lakad natin kahapon. That’s it! Kaya ako na late. Hindi ko nailabas ‘yung cellphone ko sa bag, kaya hindi ko narinig ang tawag ninyo. Sorry!” Nag-iinit ang kanyang mga pisngi kaya agad siyang nag-iwas ng tingin sa mga ito.

Humagalpak naman kakatawa sina Jenny at Althea, habang si Tobby ay ngiting-ngiti habang mataman siyang pinagma-masdan nito. Lalo tuloy siyang nahiya.

‘My Gosh Cherry! Ang bibig mo! Ayan, hindi ka pa niya pinapagod ha? So, gusto mong pagurin ka niya gano’n?’ sita ng kanyang isip.

‘Hindi naman sa gano’n, pero puwede rin naman kung papayag ba siya eh! Ayyy! Bet!’ anang malanding bahagi naman nito.

“Okay, so bakit nga kayo magkasama? At bakit parang disappointed ka rin na hindi ka niya pinagod?” bumungisngis pa si Jenny habang tinatanong siya ng bruha niyang kaibigan. Agad niya ito nilapitan para kurutin.

“Hinatid ko lang siya girls,” nakangiting sagot ni Tobby sa mga ito, habang nakasandal ito sa bar counter ng coffee shop nila. Tinapunan din siya nito nang makahulugang tingin, na bigla niyang ikinailang.

“Owkay! Buti na lang at nandyan ka Tobby. Teka paano mo nga pala nalaman na may importanteng lakad itong babaeng ito?” tanong ni Jenny rito.

“Social media,” maiksing sagot nito sa kaibigan. Naalala niyang nag-post nga pala siya na may lakad sila ngayon sa kanyang wall.

“Owkay! Anyway highway, ilabas mo na ‘yung binake mo kahapon nang madala na natin sa investor natin.” Utos ni Althea sa kanya.

Kaya naman agad siyang nagtungo sa kusina, at kinuha ang binake niyang cakes kahapon. Nag-request kasi ng sample cakes ‘yung prospective investor nila.

Nang makuha ang mga cakes ay agad din siyang lumabas ng kusina. Sinalubong naman siya ni Tobby at kinuha mula sa kanya ang tatlong boxes ng cakes. Lumakad na rin ito palabas ng coffee shop nang makuha mula sa kaniya ang cakes. Kaya naman nang tapunan niya nang tingin ang dalawa niyang kaibigan, isang mapanuksong tingin ang ibinigay sa kanya ng mga ito.

“Anong itinitingin-tingin niyo riyan? Tara na kaya!” paiwas na saad na lang niya sa mga ito upang pagtakpan ang pagkapahiya.

“Tara na nga, ng maagang mapagod ni Tobby itong kaibigan natin!” ani Althea, sabay hagikhik pa ng mga ito. Agad naman niyang pinagkukukurot ang mga kaibigan.

‘Eeeiii! Pagurin nga kaya ako ni Tobby mamaya? Awww, ilusyonada lang? Eh hindi nga pala kami. Hihihi! Hindi pa is the correct word— malay natin maging kami rin ‘pag hinarot ko siya!’ Napapangiti na lang siya sa kanyang isiping iyon.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

#####Chapter 19

 

 

Tobby’s POV…

Sinadya ko talagang hindi sabihin kay Chubs na ngayon na ang uwi ko. Gusto ko kasi siyang i-surprise. Nakita ko rin sa post niya sa social media account niya, na may lakad sila ngayong araw ng mga kaibigan niya. Kaya maaga ko siyang pinuntahan sa bahay nila.

Pagdating ko sa bahay nila, nakita ko si tita Lucille sa may bakuran nila. Tatawagin sana niya si Cherry, pero sinabihan kong tatawagan ko na lang ito. Kaya naman nang tawagan ko siya ay halatang kagigising lang nito. At tama nga ag hula ko, sa sobrang kapaguran niya, tinanghali ito ng gising. Paano ko nalaman na pagod siya? Sa post niya sa my day niya.

Kitang-kita ko ang pagkabigla niya nang makita akong nakasandal sa sasakyan ko. Gustong-gusto ko na siyang yakapin at halikan, pero nagpigil ako. Bakit? Kasi male-late na siya at for sure, bubungangaan talaga siya ni Althea. Habang nasa biyahe kami, hindi pa rin siya makapaniwalang nasa tabi niya ako ngayon.

Natutuwa ako sa reaksyon niya. Napaka-cute talaga niya kapag namumula ang mga natural ng mapulang mga pisngi niya. At dahil maputi siya, kitang-kita ko ang pagba-blush niya. Pagdating naman namin sa Dreame Cafe nila, agad siyang inusisa ng mga kaibigan.

Naaliw ako sa sagot niya sa mga itong hindi ko pa raw siya pinapagod. Aba at gusto yata niyang pagurin ko siya. Ahahaha. Syempre saka na kapag kami na. Grabe advance siya mag-isip! Tawa naman nang tawa ang mga kaibigan niya sa kanyang isinagot. Pulang-pula na ang mukha niya sa sobrang pagkapahiya sa mga ito. Kaya ako na ang sumagot sa tanong ng mga ito kung bakit kami magkasama.

Saglit siyang nagtungo sa kusina para kunin ang mga sample cakes nila for their prospected investor. Nang lumabas siya, kinuha ko sa kanya ang mga iyon para ilagay sa sasakyan. Narinig ko pa ang pang-aasar sa kanya nina Jenny at Althea. Natatawa na lang ako sa mga ito.

Hayyy, maamin ko na kaya sa kanya ang tunay kong nararamdaman? Mukha naman na siyang okay eh. Medyo nagkalaman na siya ulit pero hindi na kasing flabby kagaya ng dati. Malaman pero sexy, ‘yun siya ngayon.

 

“Okay saan tayo?” tanong ni Tobby sa kanila nang makalabas na silang tatlo mula sa shop.

“Wow ang pogi naman ng driver of the day natin! Sa Subic tayo pogi,” nakangising saad ni Althea.

“Okay ma’am! Pasok na po kayo sa loob,” sagot niya sa mga ito at ipinagbukas pa niya ng pinto si Cherry sa passenger seat.

“Wowwwrrr! Ang sweat naman may pagbukas pa ng pinto. Sana all!” pang-aasar naman ni Jenny. Napakamot na lang siya sa kanyang batok bago lumigid sa driver’s seat.

Habang nasa byahe, pasimpleng sinusulyapan niya si Cherry. Naglalagay na ito ng makeup, kaya medyo binagalan niya ang kanyang pagpapatakbo hanggang matapos ito. Nakita naman niyang tila kinikilig na naghahagikhikan ang dalawa nitong kaibigan sa likurang bahagi ng sasakyan. Napapangiti na lang siya sa mga ito saka muling ibinaling ang paningin sa kalsada.

“Okay nandito na tayo. Sino ba ‘yung investor ninyo?” tanong niya sa mga ito habang nagpa-park.

“Someone named Zacharias Delmundo? Actually may coffee plantation din sila kaya good deal. Sana magustuhan niya ‘yung proposal and cake samples,” sagot ni Jenny.

“Break a leg girls! Kayang-kaya niyo iyan kayo pa ba?” Sinulyapan pa niya si Cherry na halatang kinakabahan.

Bumaba siya ng sasakyan at pinagbuksan ang mga kaibigan ng sasakyan. Nang makababa si Cherry, hinawakan niya ang nanlalamig na kamay nito. Napatingala naman ito sa kanya.

“Nervous?” tanong niya rito. Tumango ito kaya naman napangiti siya at hinaplos ang pisngi nito.

“Kaya niyo iyan. Gusto mo bang samahan kita sa loob?” masuyong tanong niya rito.

“Bakit hindi ka ba sasama sa amin?” nakakunot noong wika nito.

“Eh baka kasi hindi ako puwedeng sumama, kaya plano ko sanang hintayin na lang kayo rito,” sagot naman niya rito.

“Naku Tobby, sumama ka na. Mukhang kailangan ka niyang si Cherry sa loob,” singit pa ni Althea habang maingat na hawak nito ang mga cakes.

Tumingin muna siya sa dalaga at tila nagtatanong kung tama ba ang kaibigan. Nang tumango ito, agad siyang ngumiti at hindi na napigilan ang sariling yakapin ito. Napapikit pa siya habang ninananamnam ang pagyayakapan nila nito. Naghiwalay lang sila nang tumikhim si Jenny.

“Aherm, daming langgam! ‘Di ba ‘no Thea? Tara na baka makagat tayo rito,” nanunuksong sabi pa nito saka nag-umpisang maglakad palayo sa kanila.

Ilang saglit muna niyang tinitigan si Cherry saka muling niyakap ito nang mahigpit. Nang makontento ay hinalikan pa niya ito sa noo bago pakawalan. Nginitian pa niya ito at magkasalikop ang mga kamay na sinundan ang dalawa pang kaibigan.

‘I miss her, I really do miss her so much! Sana ito na ang perfect timing para masabi ko sa kanya ang tunay na nararamdaman ko.’ Muli niya ito sinulyapan sa kanyang tabi, at napangiti nang makitang kalmado na ito at nakangiti na rin habang naglalakad.

“Ready? Kaya mo iyan dito lang ako sa tabi.” Muli niya itong hinalikan sa noo bago nagtungo sa isang sulok malapit sa kinaroroonan nila.

“Kaya natin ito girls! Aja!” sabi naman ni Jenny bago sila huminga nang malalim.

Dumating ang isang may edad na lalakeng wari niya ay nasa fifties na. Maganda pa rin ang pangangatawan nito at malakas pa rin ang karisma. Nakita niyang may kasama itong isang babaeng pamilyar sa kanya. Si Aileen! Kaano-ano ng babae ito ang investor nila?

“Oh, parang kilala ko kayo?” bungad nito sa kanilang tatlo. Bigla ang panlalaki ng mga mata nito nang makilala sila nito.

“Cherry? Is that really you? Wow in fairness ha, you loose weight— a lot!” parang nang-uuyam na wika nito. Napangiti na lang si Cherry sa sinabi nito.

“Magkakakilala kayo? Oh what a small world huh,” anang matandang lalakeng kasama nito.

Umakbay pa ito kay Aileen na tila pinapangalandakan pa nito sa kanila na may relasyon sila ng investor nila.

“Oh yes honey. Mga schoolmates ko sila noong highschool and college. Sila pala ang ka-business deal mo.” Hindi niya nagustuhan ang tila pangmamata nito sa kanila.

“Well, Mr. Delmundo, I guess we should get down into the business?” nakangiting sabat naman ni Jenny.

“Yes, please. Let’s sit ladies so we can discuss the proposal properly.” Sinundan nila ang matanda sa mesang tinungo nito.

 

Sinulyapan niya si Tobby at nakitang nakangiti ito sa kanya. Nag-thumbs up pa ito saka siya kinindatan nito. Gumanti naman siya ng ngiti saka bumuntong hininga. Buong meeting nila ay walang ibang ginawa si Aileen kundi ang pagtaasan sila ng kilay. Hindi niya maintindihan kung bakit ito galit sa kanya. Dahil pa rin ba ito sa pagpa-panggap nilang magkasintahan ni Tobby noong college sila? Hindi na lang niya ito inintindi at nag-focus sa business deal nila. Ang mahalaga, na-close nila ang deal kay Mr. Delmundo. Nakita niya kung gaano kasama ng mukha ni Aileen, nang tanggapin ni Mr. Delmundo ang proposal nila. Nasarapan din ito sa cakes na gawa niya kaya tuwang-tuwa siyang nagpa-salamat sa matanda.

“See? I told you kayang-kaya ninyo iyan eh.” Agad niyang niyakap si Tobby sa sobrang tuwa. Ginantihan naman siya nito nang mas mahigpit na yakap.

“Thank you sa pagpapalakas ng loob ko— I mean namin,” saad niya rito habang nakasubsob pa rin sa dibdib ng binata.

“Walang anuman sweetheart!” malambing naman nitong tugon sa kanya.

Ilang segundo rin silang nasa ganoong ayos nang may magsalita sa kanyang likuran. Saglit silang kumalas sa isa’t isa. Ngunit si Tobby ay nanatiling nakapulupot ang isang kamay sa baywang niya.

“Oh my God, Tobby is that really you?” tanong ng maarteng si Aileen saka sinugod ng yakap si Tobby.

Sa pagkabigla ay nabitiwan siya ni Tobby. Agad namang uminit ang ulo niya sa ginawang iyon ni Aileen pero nagpigil siya. Gusto niyang sabunutan ito at ingudngod sa sahig. Char lang! Huminga siya nang malalim at kinalma ang sarili.

“Ahm, Aileen, nice seeing you again,” kunwa’y turan naman ni Tobby habang kinakalas ang kamay ng babaeng higad sa leeg nito.

Nang matanggal iyon ay agad siya nitong nilapitan at hinapit sa bewang. Nakita naman niya ang pagtaas ng kilay nito. Gusto sana niyang humalakhak pero pinigilan niya ang sarili. Sa halip, nginitian niya ito ng matamis, saka ipinulupot ang kamay sa bewang ni Tobby.

“Kamusta ka na Tobby? Lalo kang gumuwapo ha!” malanding turan nito at tila hindi siya nag-e-exist sa paligid.

Tiningala niya si Tobby upang tingnan ang reaksyon nito. Tila hindi naman ito komportable sa pakikipag-usap dito. Kaya naman siya na ang gumawa ng paraan.

“Ahm, sweetheart, ‘di ba kagagaling mo lang sa biyahe? Tara na para makapagpahinga ka na sa bahay.” Sinobrahan niya sa tamis ang kanyang pagkakangiti at binigyang diin ang ‘bahay’.

“Oo nga sweetheart eh. Let’s go? Papagurin pa nga pala kita.” Pilyong dagdag pa nito sa sinabi na ikinapula ng kanyang mukha.

Pasimple niya tuloy itong nakurot na ikinahalakhak nito. Umasim naman ang mukha ng babae sa kanyang ginawa. Samantalang si Tobby naman ay parang natuwa pa sa kanyang ginawa. Humalukipkip naman si Aileen at nakataas ang isang kilay na tinignan siya mula ulo hanggang paa.

“So, are you living in together?” parang ‘di makapaniwalang tanong pa nito sa kanila.

Sa halip na sumagot ay nagkatinginan lang sila ni Tobby saka ngumiti sa isa’t isa. Nagpaka-sweet pa si Tobby sa kanyang tabi, at pabiro nitong pinisil ang kanyang ilong. Hindi yata nagustuhan ni Aileen ang nakita, kaya nakasimangot itong tumalikod na sa kanila. Siya namang dating ni Althea.

“Uyyy, lovers tara na baka dumami ang langgam dito sa bahay ni Captain Zachy.” Yaya ni Althea sa kanila nang makalapit ito.

“Captain, thank you so much po sa pagtitiwala. We’ll make sure na hindi kayo magsisisi sa pag-invest sa Dreame Cafe,” nakangiting saad pa ni Jenny sa matanda.

“Thank you ladies! I’m looking forward sa opening ng Cafe,” nakangiti ring tugon ng matanda sa kanila.

Masaya silang naglakad pabalik sa sasakyan ni Tobby. Nagkatinginan muna sila ni Tobby bago tuluyang pumasok sa sasakyan. Nagtilian pa sina Jenny at Althea nang makapasok na silang lahat sa sasakyan. Sobrang saya lang ng mga ito dahil napapayag nila si Mr. Delmundo sa kanilang business proposal. Napapailing naman si Tobby bago tuluyang pinaandar ang sasakyan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

#####Chapter 20

 

 

“Beshy, grabe! Can you imagine si Aileen, pumatol sa tanders? I mean I have nothing against Captain Zachy, pero hindi ko lang talaga akalaing papatol siya sa more than twenty years ang tanda sa kaniya!” Hindi pa rin nakaka-get over na sabi ni Althea.

“Oo nga eh. Ano kayang nangyari roon?” nagtataka ring tanong niya.

“Hmmm, ang alam ko kasi huminto ‘yun noong college kasi naghiwalay ang mga parents niya. Parang hindi na rin sila sinustentuhan ng papa niya kaya ayun, huminto siya. Then wala na akong narinig after,” kuwento naman ni Jenny sa kanila. Tumingin pa ito kay Tobby na tahimik lang na nagda-drive.

“Baka naman may alam ka ring kuwento tungkol kay Aileen, Tobby? Magkaklase kayo noong college ‘di ba?” Baling naman niya rito. sumulyap ito sa kinauupuan niya saka sumagot.

“Huh? Wala naman. Kagaya ni Jenny ‘yun lang din ang alam kong kuwento. After niya mag-stop ang sabi ni Marcus, ‘yung boyfriend niya dati, nag-trabaho raw sa ibang bansa si Aileen. Tapos hindi na nagparamdam sa kanya,” salaysay naman nito sa kanila.

“Well that’s life. Hindi mo talaga masasabi kung ano ang tatahakin mong landas. Kahit pa siguro plinano mo na ang lahat, kung hindi talaga para sa iyo, hindi talaga,” komento naman ni Althea. Napabuntong hininga na lang siya sa sinabi ng kaibigan.

‘Siguro nga gano’n na nga ang naging faith ni Aileen. Pero sana hindi siya pumatol kay Captain Zachy dahil lang sa kayamanan nito,’ bulong pa niya sa sarili.

 

Buong biyahe siyang tahimik lang habang ang dalawa niyang kaibigan ay nakatulog naman sa likurang bahagi ng sasakyan. Napangiti na lang siya nang makita ang ayos ng dalawa. Nakanganga pa ang mga ito habang natutulog. Ginising na lang niya ang mga ito nang makarating na sila sa cafe.

“Che, sige na ihatid mo na si Tobby. Kawawa naman eh mukhang pagod na pagod na talaga siya,” sabi ni Jenny nang makababa na sila ng sasakyan.

“Okay lang ako don’t worry girls,” nakangiting saad naman nito sa kanila. Pero kitang kita niya sa mga mata nito ang pagod. Agad naman siyang nakaramdam ng awa rito.

“Ako na ang magda-drive Tobby. Akin na ang susi.” Inilahad pa niya ang kamay rito.

Hesitant, pero ibinigay rin naman nito ang susi sa kanya. Sumakay na ito sa passenger seat, habang siya naman ay pabulong na nagpaalam sa mga kaibigan.

“Okay mga beshy, mauuna na kami! Magpapaguran pa kami ni Tobby eh!” Tatawa-tawa niyang biro sa mga kaibigan.

Nagningning naman ang mga mata ng mga kaibigan sa sinabi niyang iyon. Pigil na pigil ng mga ito ang mapatili. Nagbungisngisan pa sila dahil sa kalokohang naisip niya.

“Waaaahhhh! Totoo? Sige excuse ka na rin bukas sa work!” humahagikhik namang sagot ni Althea.

“Kaya nga basta galingan ninyo sa gagawin niyo ha?” dugtong naman ni Jenny.

“Mga patola! Joke lang ‘yun syempre. Haller?” nakangising turan naman niya sa mga ito saka tinungo ang driver’s seat.

“Tobby, ingat ka riyan kay Cherry may masamang balak iyan sa iyo!” bumungisngis pang sabi ni Althea.

Kunot-noo namang bumaling sa kanya si Tobby. Nagkibit balikat lang siya saka kumaway sa mga baliw niyang kaibigan, at pinatakbo na ang sasakyan.

‘Grabe ang wild ko! Paguran agad? Hahahaha. Mga baliw kasi ang mga babaeng iyon eh!’ Napapangiti pa siya habang kinakausap ang sarili.

“Anong nginingiti-ngiti mo riyan?” tanong naman nito sa kanya. Sinulyapan niya ito saka nginitian.

“Wala naman, masaya lang ako kasi nai-close namin ang deal with Captain.” Pagsisinungaling niya sa kababata. Mabuti na lang at hindi na ito muling nagtanong.

“Sa bahay niyo muna ako ha? Wala sila mommy eh,” maya-maya ay sabi nito.

“Okay!” maiksing sagot naman niya rito.

Alam kasi niyang umalis ang mga ito kasama ang kanyang ina. May pinuntahan ang mga itong isang okasyon ng kaibigan ng mga ito. Pagdating nila sa kanilang bahay ay agad humilata sa sofa si Tobby. Halatang pagod na pagod ito at hindi na nagawang hubarin ang sapatos. Napapailing na lang siyang hinubad iyon saka inayos ang mga paa nito.

Inayos rin niya ang ulo nito saka nilagyan ng unan. Mukhang nakatulog agad ang binata dahil malalim na agad ang paghinga nito. Saglit siyang umupo sa sahig at niyakap ang mga tuhod, habang pinagmamasdan ang natutulog na lalake. Doon niya totoong naamin sa kanyang sarili, na mahal na mahal na niya ito.

“Can you imagine Tobby? Ang tagal nating magkasama, pero ngayon ko lang na-realize how much I love you? Ikaw naman kasi eh, kasalanan mo ito! Palagi kang nakadikit sa akin, ang sweet-sweet mo pa. Kahit alam kong pinagti-tripan mo lang ako, na-fall pa rin ako sa iyo. Ikaw kaya? Pareho kaya tayo ng nararamdaman?” kausap niya sa natutulog niyang kaibigan.

‘Ano ka ba naman Cherry, tulog iyang kausap mo. Try mo kaya siyang kausapan paggising na siya?’ sita ng isang bahagi ng utak niya.

Napabuntong hininga pa siya nang matapos kausapin ito. Hinaplos niya ang pisngi nito, saka nagdesisyong tumayo na. Isang sulyap pa uli ang itinapon niya rito bago naglakad palayo. Ngunit nakakailang hakbang pa lang siya nang magsalita ito.

“Mahal na mahal kita. Please stay, mine.” Narinig niyang sabi nito kaya agad siyang napalingon dito.

‘Sino si mine? May girlfriend na naman ba ito? Late na naman ba ako?’ tanong niya sa sarili at tila may kurot siyang naramdaman sa kanyang puso.

Nanghihinang umakyat siya sa kanyang silid at doon ibinuhos ang kanyang sama ng loob. Ilang beses ba siyang aasa, at masasaktan sa lalakeng pinakamamahal niya? Hindi ba talaga sila para sa isa’t isa? Ang hirap naman!

Nagising si Tobby na nangangalay ang mga paa. Pagdating nila ni Cherry kanina sa bahay ng mga ito, hindi niya namalayang agad siyang nakatulog. Marahil dahil sa pagod. Napangiti naman siya nang maalala ang pag-aala nito sa kanya.

Bumangon siya saka isinuot ang kanyang sapatos. Wala si Cherry, malamang natutulog din ito sa silid nito. Hindi na niya ito inistorbo pa at umalis na lang ng bahay ng mga ito. Magaan ang pakiramdam niyang naglakad pabalik sa kanilang bahay. Mamaya na niya kukunin ang sasakyan dahil tinatamad na siya.

“Oh, anak saan ka natulog? Gulo-gulo pa iyang buhok mo, hindi ka man lang nag-ayos bago umuwi.” Salubong ng kaniyang ina sa kanya.

“Kila Cherry mom, nakatulog ako sa sofa nila. Kumusta ang lakad ninyo?” tanong niya rito matapos itong halikan sa pisngi. Agad siyang nagtungo sa kusina upang kumuha ng tubig.

“Okay naman anak. Kumain ka na ba? Halika’t ipaghahain na kita,” wika pa nito nang sundan siya sa kusina ng ina. Umiling siya upang pigilan ang ina.

“Mamaya na ‘my. Matutulog na lang muna ako. Antok pa ako eh,” tugon niya rito saka naglakad patungo sa kaniyang kwarto.

Nakita niya ang isang malaking bear na kanyang binili bago umuwi ng Pilipinas. Nilapitan niya iyon at niyakap. Napapikit pa siya habang ginagawa iyon.

“I love you mine! Maibibigay na kita sa mommy mo, kaya ‘wag kang mainip!” Natawa pa siya sa kanyang tinuran.

Nae-excite siyang makita ang magiging reaksyon ni Cherry kapag ibinigay na niya ito sa kanya. Bukas niya ito planong gawin kaya naman inayos niyang muli si Mine saka nagpasyang magbihis. Kailangang guwapo siya sa paningin nito bukas, kaya kailangan niyang magpahinga ng husto.

‘Ito na ‘yun brad, kailangan wala ng atrasan. Kapag hindi mo pa rin nasabi sa kanya ‘yang nararamdaman mo, ewan ko na lang sa iyo!’ sermon pa ng kanyang isip. Pero disidido na siya sa kanyang gagawin. Kaya wala ng atrasan ito!

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

#####Chapter 21

 

 

Maagang nagising si Cherry para mag-ayos at magtungo sa Dreame Cafe. Ayaw muna niyang makita si Tobby. Hindi pa kasi niya nakakalma ang sarili niya. Baka bigla na lang niyang masumbatan si Tobby. Nasasaktan pa rin kasi siya sa narinig niya mula sa labi nito kagabi.

Tinawagan din niya ang mga kaibigan bago siya umalis ng kanilang bahay. Kaya naman pagkarating niya sa Cafe, magkakasunod lang din silang dumating. Agad silang pumasok sa loob gamit ang backdoor at mabilis na ini-lock iyon.

“So, what happen? Kahapon lang ang saya-saya niyo ah. Tapos ngayon naman Biyernes Santo na iyang mukha mo!” agad na usisa ni Althea habang gumagawa ng kape. Ikinuwento niya sa mga ito ang nangyari kahapon pagka-uwi nila ni Tobby.

“So, ano give up na lang teh? Baka naman wala lang ‘yung minahan na ‘yun!” saad naman ni Jenny. Pareho pa silang napakunot-noo ni Althea sa sinabi nito.

“What? Bakit ganyan kayo makatingin sa akin? May nasabi ba akong mali?” tanong pa nito ng tingnan sila nito.

“Anong minahan pinagsasasabi mo riyan?” nakataas ang kilay na tanong niya rito habang humihigop ng kape.

Tila naguluhan naman itong sumagot sa kanya. Napaka-inosente pa ng mukha nito habang nagsasalita. “Sabi mo, narinig mo siyang sinabing ‘I Love you Mine’. Mine as in minahan! Tama naman ‘di ba?” Muntik na niyang maibuga rito ang iniinom na kape.

“Buwiset kang babae ka! Mine as in akin hindi minahan, luka-luka ka!” Ngani-nganing sabunutan niya ito. Tawa naman ng tawa si Althea sa kanila.

“Baliw ka talaga Jen. Buset!” dugtong pa ni Althea.

“Sorry naman, akala ko kasi minahan eh!” Sabay ngisi nito sa kanilang dalawa.

Natigil ang tawanan nila nang tumunog ang cellphone ni Jenny. Kinuha nito iyon at tiningnan kung sino ang tumatawag. Nakita niyang si Tobby iyon kaya sinenyasan niya itong sabihing wala siya roon at hindi sila magkakasama. Pinatay kasi niya ang cellphone niya kaya malamang na isa kina Jenny at Althea ang tawagan ni Tobby.

“Gaga ‘yung sasakyan mo nasa labas! Makikita pa rin niya iyon!” sabi naman ni Althea sa kanya.

“Naku beshy, sibat na kasi siguradong pupunta ‘yun dito!” Pagtataboy pa ni Jenny bago niya sagutin ang tawag ni Tobby.

Dahan-dahan naman siyang umiskapo. Narinig pa niyang natataranta si Jenny na sinenyasan siyang bilisan ang pag-alis. Malapit na raw kasi ito sa Cafe. Kaya naman nagmamadali siyang lumabas at pinaandar ang sasakyan.

‘Huwag ko naman sanang masalubong si Tobby sa daan!’ Kinakabahan pa niyang bulong sa sarili.

Nakarating si Tobby sa Cafe at nakitang sarado naman ang front door nito. Maya-maya pa nakita niyang lumabas kung saan si Jenny. Agad siyang lumabas ng sasakyan niya at nilapitan ito. Niyaya pa siyang pumasok sa loob ng Cafe nito.

“Hi Tobby, halika sa loob,” wika nito sa kanya. “Ang aga mo namang napasyal!” Nag-aalangang ngiti ang ibinigay sa kanya ng kaibigan.

“Ahm, tatanungin ko lang sana kung dumaan na ba si Cherry rito?” tanong naman niya bago umupo sa bakanteng upuan.

“Oo kanina. Nagmamadali nga eh hindi niya nasabi kung saan siya pupunta. Bakit mo naman siya hinahanap?” tanong ni Althea sa kanya.

“Ahm, wala naman kasi dapat susunduin ko siya ngayon kaso, maaga pala siyang umalis ng bahay nila.” Nagkatinginan sina Jenny at Althea saka sumulyap sa kanya.

“Ahm, puwede bang malaman kung ano bang nangyari sa inyo ni Cherry? Kasi kahapon okay naman kayo tapos ngayon parang hindi kayo okay. Ano bang nangyayari sa inyo?” tanong ni Althea sa kanya.

“Hindi ko nga rin alam kasi okay naman talaga kami kahapon. Noong umuwi kami nakatulog pa nga ako sa sofa nila. Tapos paggising ko, wala naman siya. Kaya inisip kong baka napagod din at nagpapahinga sa kwarto niya, kaya hindi ko na siya inabala. Kaya nitong umaga, sabi ng mommy niya maaga nga raw siyang umalis,” mahabang paliwanag nito sa kanila. May bahid ng pagtataka sa mukha ng binata.

“Sure ka na wala kang nagawang ikasasama ng loob ni Cherry?” paniniguro naman ni Jenny.

Umiling siya kasi wala naman talaga siyang matandaang nagawang ikasasama ng loob nito. In fact ang sweet nga nila kahapon eh. Kung hindi lang talaga siya inaantok baka nagkaaminan na sila kahapon.

“Eh kung ganoon, wala ka naman pa lang dapat ikabahala. Magpapakita rin iyon sa iyo. Baka natatakot lang iyon masaktan ulit,” makahulugang saad naman ni Jenny.

“Tumpak! Basta alam mong wala ka namang nagawang ikasaama ng loob niya, magiging okay rin ang lahat,” nakangiti ring pagsang-ayon ni Althea sa kaibigan.

“Thank you girls! Sana nga maging maayos ang lahat. Ang tagal kong naghintay, sana worth it iyon.” Napabuntong hininga pa siya pagkasabi niyon sa mga ito.

“Just make sure na hindi mo susukuan si Cherry agad-agad. Ewan ko ba sa inyong dalawa, habulan kayo nang habulan. Hindi kayo magsalubong sa gitna ng matapos na iyang problema ninyo,” litanya pa ni Althea.

Tumawa naman si Jenny saka uminom ng kape. Habang naguguluhan siya sa sinabi ng mga ito. Alam niyang may laman ang bawat salitang sinabi ng mga ito sa kanya. Kaso lang ayaw niyang mag-asume.

Tobby’s POV…

Hindi ko alam kung anong nangyari. Kahapon lang ang saya-saya namin. Niyakap pa nga niya ako nang matapos ang meeting nila with investor. Hinatid pa namin sina Jenny at Althea pabalik sa cafe. Ipinag-drive pa niya ako kasi nag-aalala siya sa akin.

Masaya pa nga akong umuwi kasi sabi ko, ngayong araw ako magtatapat sa kanya. Kaso pagdating ko sa bahay nila ay hindi ko na siya inabutan. Umasa ako na nasa cafe siya, pero nakaalis na pala ito. Saan naman kaya ito nagpunta? Nakapatay rin ang telepono niya kaya hindi ko siya matawagan.

Cherry, nasaan ka na ba? Bakit kung kailan nakapagdesisyon na akong magtapat sa iyo saka ka naman tumatakbong palayo? Hindi ba puwedeng magtagpo tayo sa gitna? Hindi ba puwede iyon? ‘Pag nakita lang talaga kita humanda ka sa akin. Sisiguruhin kong mako-corner kita ng wala ka ng kawala sa akin.

At para namang inihadya rin ng pagkakataon nakita niya si Cherry sa park malapit sa bayan. Nakaupo ito roon at may kausap. Naghanap siya ng mapagpa-park-an ng sasakyan. At nang mai-park ng maayos ang kanyang sasakyan, dali-dali siyang bumaba upang puntahan ito. Palapit na sana siya sa mga ito nang makita niyang tumayo ang mga ito at naglakad patungong sasakyan ng lalake.

Kilala niya ito, ito ‘yung lalakeng may gusto kay Cherry noong elementary pa lang sila. Napakunot-noo siya nang makitang magkaagapay ang dalawa. Bakit naman kaya sila magkasama? Saka anong ginagawa ng mga ito sa park ng ganoong kaaga. Agad nagngitngit ang kanyang kalooban.

‘Oh, brad ‘wag mong sabihing aatras ka na naman? Pang-ilan mo na ba ito? Grabe ka, tatandang binata ka niyan!’ sita ng kanyang isipan. Pero ano bang dapat niyang gawin? Lalapitan ba niya ang mga ito? Para ano? Sabihing ‘wag sumama si Cherry sa lalakeng iyon at sa kanya ito sumama? Hindi ba magmumukha naman siyang tanga no’n?

Ang ending, bagsak ang mga balikat nitong bumalik sa kaniyang sasakyan, at ilang minutong nagpalipas ng sama ng loob. Bago nito pinatakbo ang sasakyan. Uuwi na lang muna siya. Doon na lang muna siya magmumukmok hanggang maging okay siya.

Cherry’s POV…

Maaga akong nagtungo sa cafe. Sinadya ko talaga iyon dahil gusto ko munang lumayo kay Tobby. Nasaktan talaga ako sa narinig ko kahapon. May mine na siya parang sa mga nag-oonline selling. May na-mine na siya! Kaya naman nang tumawag ito kay Jenny, sinenyasan ko siyang ‘wag sasabihing nandoon ako.

At dahil supportive sila, pinatakas na nila ako bago pa man kami mag-abot ni Tobby. Agad akong sumibat paalis at nagtungo sa park malapit sa bayan. Doon muna ako nagpalipas ng oras. Nagulat na lang ako nang may lumapit sa akin. Si Ringo Salas, ‘yung may gusto sa akin noong elementary kami. Nagkumustahan kami at ayun nalaman kong may pamilya na pala siya, at kapapanganak lang ng asawa niya. Kinuha pa niya akong ninang, syempre pumayag naman ako sabi kasi parang bawal tanggihan ‘yung gano’n.

Tapos niyaya niya ako sa sasakyan niya para makita ko at ma-meet ko’ yung asawa niya at ang cute little angel niya. Ang cute ng baby niya at mabait din ang asawa niya. Ilang minuto rin kaming nagkwentuhan bago ako umalis at bumalik sa cafe. Medyo gumaan na ang pakiramdam ko. Siguro dahil sa baby ni Ringo. Ang cute-cute kasi nito eh. Ang sarap kagatin ng pisngi, kakagigil!

 

 

#####Chapter 22

 

 

Ilang araw ng hindi nagpapakita si Tobby kay Cherry. Iniisip tuloy ni Cherry na umalis na ito at kasama ang mine nito. Napabuntong hininga na lang siya sa isiping iyon. Okay na rin naman siguro iyon kaysa mag-iwasan sila nito.

‘Cherry, sabi naman kasi sa iyong ‘wag mag-assume, nakamamatay! Pero gumora ka pa rin! Ano ka ngayon? Ngangabels day?’ sermon ng kanyang utak.

Ipinilig niya ang kanyang ulo saka nagmadali ng mag-ayos ng sarili. Ngayon kasi ang binyag ng anak ni Ringo. At dahil ninang siya syempre kailangan present siya roon. Kasama rin niya sina Jenny at Althea. Ang plano nilang tatlo ay sasaglit lang sila roon, tapos dederetso sa cafe para sa final dry run ng kanilang shop.

“Cherry, anak nandito na sila Jen at Thea!” Narinig niyang tawag sa kanya ng ina.

“Bababa na mommy! Wait lang po!” sagot naman niya saka dinampot ang kanyang bag at regalo sa inaanak. Napag-usapan kasi nilang isang sasakyan na lang ang gamitin nila para tipid sa gas, tutal iisang lugar lang din naman ang pupuntahan nila after.

Nang makababa na siya sa sala, agad siyang nagpaalam sa ina at saka niyaya ang mga kaibigan. Kumaway pa silang tatlo sa mommy niya saka pinasibat ang sasakyan. Si Althea ang lovely driver nila today, dahil kanya ang sasakyan.

“Saan ba tayo sa simbahan muna? Sa reception na lang kaya para makakain na kaagad?” nkangising tanong ni Jenny sa kanila.

“Ang takaw mo talaga beshy! Baka naman ikaw ang pumalit dito kay Cherry?” birong sagot naman ni Althea.

Natawa naman siya rito. Hindi na nga naman kasi siya tabachingching kagaya noon. Malaman pero sexy na siya ngayon. Nakangisi naman si Jenny na sumagot kay Althea.

“Loka hindi kasi ako nag-almusal kaya gutom na ako!” Tumawa naman si Althea sa kaibigan.

“Tiis ka muna beshy, sa simbahan muna tayo ng mabasbasan naman tayo ng pari!” tugon naman niya rito.

“K! ‘Pag nasunog ako mamaya kayo ang may kasalanan ha?” pabirong sagot pa nito sa kanila na ikinatawa naman nila.

Pagdating sa simbahan, agad na nilapitan nila ang asawa ni Ringo at kinarga niya ang bata. Natutuwa kasi talaga siya sa anak ng mga ito. Humagikhik naman ang baby nang kargahin niya ito. Mukhang gustong-gusto siya ng bata.

‘Hayyy, magkakaroon pa kaya ako ng kasing cute mong baby? Mukhang malabo na ah! ‘Yung mahal ko kasi may Mine na eh.’ Bigla na naman ang paglukob ng lungkot sa kanyang puso.

Matapos ang binyagan, agad din naman silang nagpaalam sa mag-asawa. Nagpasalamat naman ang mga ito sa pag-punta nila. Hinalikan pa nila ang baby ng mga ito saka umalis. Nakangiti siya habang namimili ng pictures na puwedeng i-post sa kaniyang my day.

Nakita niya ang isang picture kung saan karga niya ang baby nila Ringo. Nakatingin sila sa isa’t isa ng bata at nakabungisngis ito sa kanya. Nilagyan niya iyon ng caption, ‘Kailan kaya ako magkakaroon nito?’ #kagigilkababy #ingitako.

Pagkatapos niyang ipost iyon, itinago na niya ang kanyang cellphone. Tumingin na lang siya sa labas ng bintana habang nakangiti. Sana magkaroon din siya ng baby na kasing cute ng baby ni Ringo.

“Beshy, ang ganda ng ngiti ah!” sabi ni Jenny na nakaupo sa kanyang tabi. Sinulyapan niya ito saka ngumiti.

“Ang cute kasi ng baby ni Ringo eh. Kailan kaya tayo magkakaroon ng ganoon?” nakangiting tanong pa niya rito.

“Eh kasi naman ang arte nyo ni Tobby eh! Gawa na kasi kayo ng maging ninang na kami ni Jen. ‘Di ba ‘no Beshy?” panunukso naman ni Althea na manaka-nakang sumusulyap sa kanilang kinaroroonan.

“Oo nga!” sang-ayon naman ni Jenny sa sinabi ni Althea.

“Mga baliw! Wala ngang kami saka may mine na nga siya ‘di ba? Aasa pa ba ako kapag gano’n?” nakasimangot niyang sagot sa mga kaibigan.

“Luh siya! Drama besh? Teka nasaan ba kasi ang isang iyon? Noong huling beses na nakausap namin siya akala namin nagka-usap na kayo hindi pa pala,” wika naman ni Jenny na nakahalukipkip sa kanyang tabi.

“Kaya nga! Ewan ko sa inyong dalawa ha! Para kayong naglalaro ng taguan. Tapos ni isa sa inyo ayaw maging taya. Mga baliw kayong dalawa! Pinahihirapan niyo lang ang mga sarili ninyo eh!” Dagdag naman ni Althea.

“Ano bang pinagsasasabi ninyong dalawa? Wala namang nagtatago sa amin ah. Baka busy lang iyon sa mine niya.” Napabuntong hininga na lang siya sabay tingin sa daan. Habang ang dalawang baliw niyang kaibigan ay pinagtawanan pa siya. Sinimangutan niya ang mga ito saka ibinalik sa labas ng bintana ang kanyang atensyon.

“Alam mo beshy, once in for all magharap nga kayong dalawa ng magkalinawan kayo. Kasi baka puro assumption lang kayo, wala naman pa lang basis. Kayo rin, baka pagsisihan niyo bandang huli iyang hindi niyo pag-uusap ng matino,” mahaba-habang litanya ni Jenny. Tiningnan lang niya ito at hindi na lang siya umimik.

Tobby’s POV…

Simula nang makita ko silang magkasama ni Ringo sa park, nawalan na ako ng gana. Dalawang araw na rin akong nagkukulong lang sa aking kwarto. Pati sila mommy nag-aalala na sa akin. Kaya naman sinasaluhan ko pa rin naman sila kapag oras ng kainan. Wala namang nagbubukas ng topic sa kanila tungkol sa amin ni Cherry, kaya hindi ko na kailangan pang magkuwento sa kanila. Mabuti na nga lang din at wala si ate Timmy— dahil kung hindi, malamang napagalitan na naman ako no’n.

Nami-miss ko na si Chubs. Kaso nasasaktan pa rin ako sa nakita ko kaya titiisin ko na lang munang hindi ko siya makita hanggang sa humupa itong nararamdaman ko. Sa ngayon magtitiis na lang muna ako sa pag-i-stalk sa kanya sa social media. Katulad ngayon, galing pala silang binyagan ayon sa nakatag sa account nitong galing kay Althea. Picture nilang tatlo iyon sa labas ng simbahan.

Nakita kong may my day siya. Kaya naman binuksan ko iyon, at nakita ko ang post niya na may kargang bata. Bagay sa kanya ang may kargang baby. Ang cute nila ng baby lalo na’t nakabungisngis ang baby kay Chubs. Pero ang nakakuha ng atention ko eh yung caption niya. Gusto na niyang magka-baby? Napangiti ako ngunit bigla ring napawi nang muling maalala ang tagpo sa park.

Maya-maya lang ay may bagong naka-tag sa kanya galing sa Riza Legaspi-Salas. Tiningnan ko iyon at namilog ang mga mata ko nang makita ko ang mga larawang kasama ni Ringo ang Riza na iyon. Men! Mali na naman ba ako ng akala? Natampal ko ang aking noo. Ini-scroll ko pa ang mga picture at doon ko nabasa ang caption sa picture, kung saan kasama silang tatlong magkakaibigan nina Ringo at Riza: ‘Thank you ninangs sa pag-punta.’

Shit! Ang tanga-tanga ko talaga! Puro kasi hinala eh wala namang tumatama. Nagmadali akong naligo at nagbihis. Pupuntahan ko siya sa shop. Putcha talaga, hindi na talaga ako magpapadaig sa selos at maling akala na iyan! Chubs sana naman this time magtagpo na tayo sa gitna. Hintayin mo ako, riyan ka lang, ‘wag kang aalis!

“Teh, ano na? Bakit tulaley ka lang diyan? Baka naman pumait iyang choco-crumble cake mo? Last na ‘yan oh!” untag ni Jenny kay Cherry. Bigla naman siyang parang natauhan sa sinabi nito.

“Mga beshy, hindi ko na ito kaya! Pupuntahan ko na si Tobby. Bahala na kung may mine pa siya o wala! Kailangan ko lang talagang mailabas itong mabigat sa dibdib ko na ito!” Sabay tanggal niya ng apron niya at naghugas ng kamay.

“Ayun oh! Halleluja! Salamat po Lord at mukhang natauhan na ang kaibigan namin!” Nakatingala pang saad ni Jenny.

“Go beshy! Kami na ang bahala rito isasalang na lang naman ito eh,” supportive na tugon naman ni Althea.

“Thank you beshies! Promise pagkatapos nito, magiging okay na ako!” Niyakap pa niya ang mga ito.

“Gora na besh! Balitaan mo na lang kami ha?” Sabay tapik sa kanya ng mga ito.

Nakangiti niyang kinuha ang kaniyang bag saka tumakbo palabas ng shop. Agad siyang pumara ng jeep saka sumakay roon. Sana lang nasa bahay nila si Tobby.

‘Tobby papunta na ako sa iyo, please naman diyan ka lang! ‘Wag kang aalis ng maayos na natin ito!’ Bulong pa niya sa sarili habang lulan siya ng jeep.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

#####Chapter 23

 

 

“Oh, Tobby anong ginagawa mo rito? Nagkita na ba kayo ni Cherry?” gulat na tanong ni Jenny sa kanya nang makita siya nito sa shop ng mga ito.

“Nandito siya ‘di ba? Kaya nga ako nagmamadaling magpunta rito eh.” Natampal ng dalawa ang mga noo ng mga ito.

“Ay sus! Sabi ko na eh! Nagkasalisi na naman kayo. Sabi niya pupuntahan ka niya sa bahay niyo. Naku naman talaga kayong dalawa! Teka susubukan kong tawagan at sasabihin kong ‘wag aalis kung nasaan man siya.” Kinuha ni Althea ang kanyang telepono at tinawagan si Cherry.

Sabay-sabay pa silang napalingon sa pinanggalingan ng tunog. Naiwan ni Cherry ang cellphone nitong naka-charge. Nagkatinginan silang tatlo at napangiwi naman si Althea sa kanya.

‘Naku naman talaga Chubs! Bakit ka ba naman hindi mapakali sa iisang lugar?’ Napahilamos pa siya sa kanyang mukha saka tumayo.

“Oh, saan ka pupunta? Baka bumalik iyon, hindi na naman kayo magtagpo!” saad ni Jenny sa kanya.

“Uuwi ako. Salamat girls, I’ll make sure na aabutan ko siya sa kanila o sa bahay. Tatawagan ko sila mommy. Maraming salamat. Wish me luck girls!” Nginitian niya ang dalawa saka dinukot ang cellphone sa kanyang bulsa at nag-dial. Masuwerte namang sinagot agad iyon ng kaniyang ina.

“Mommy, kapag dumating si Chubs diyan, please ‘wag na ‘wag niyo pong papaalisin. Pauwi na ako. Bye mom!” Saka nagmamadali na siyang sumakay sa kanyang sasakyan at pinaandar iyon.

Kagaya ng bilin niya sa kaniyang ina, hindi nga nila pinaalis si Cherry. Kaya naman rinig na rinig niya ang pag-iyak nito nang nasa pintuan na siya ng kanilang bahay.

“Huwag ka nang umiyak Cherry. Magiging maayos din ang lahat.” Nakita pa nyang hinihimas ng ina ang likod nito.

“Tita, paano po kapag may mine na nga talaga siya? Paano na ako tita? Wala akong ibang minahal kundi si Tobby lang!” Napangiti siya sa kanyang narinig.

Alam na niya ngayon ang dahilan ng pag-iwas nito sa kanya. Pinagselosan nito ang bear na dapat ay ibibigay niya rito.

“Alam mo anak dapat mag-usap kayo ni Tobby. Halika, doon tayo sa kwarto at may ipapakita ako sa iyo,” anang ina nito at pasimpleng sinenyasan siya nitong magtago muna.

Mukhang may plano ang kanyang ina kaya agad siyang sumunod dito. Sa pagmamadali ay natabig niya ang isang paso at nabasag. Napalingon pa ang mga ito kaya naman mabilis siyang tumakbo at nagtago. Narinig na lang niya ang kanyang inang nagpapalusot.

“Naku baka ‘yung pusang gala lang iyon. Shhoooo!” sabi pa ng kanyang ina kaya naman nagkunwari siyang pusa at ginaya pa ang tunog ng pusa.

“Meoooowwwrrr!” Sabay tutop sa kanyang bibig para pigilin ang pagtawa.

Nang masiguro niyang nasa kwarto na niya ang mga ito, agad siyang sumunod saka mabilis na pumasok doon at isinara ang pinto. Dahil sa nakatalikod ito sa kanya, nagulat ito nang yakapin niya ito mula sa kanyang likuran.

“Chubs, I miss you so much sweetheart! Mahal na mahal kita Chubs.” Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Hindi pa rin kumikilos si Cherry kaya nag-aalalang iniharap niya ito sa kanya.

“Chubs, sabi ko mahal na mahal kita. Wala ka bang sasabihin man lang sa akin?” Tinitigan pa niya ito sa kanyang mga mata.

“Sira ulo ka Tobby!” Sunod-sunod na suntok ang natanggap niya mula rito. Agad naman niya itong ikinulong sa kanyang mga bisig.

“Chubs, bakit ka ba nananakit? Sinabi ko na ngang mahal na mahal kita eh.” Hinalikan pa niya ito sa ulo nito. “Amoy pawis ka Chubs!” Sabay tawa niya nang malakas habang yakap ito. Sa gulat itinulak siya nito nang malakas, saka naglakad patungong pintuan.

“Saan ka naman pupunta ng lagay na iyan Cherry Joy Vergara?” seryosong tanong niya rito.

“Uuwi na! Pinag-loloko mo lang naman ako eh! Kahit kailan hindi ka na naging seryoso!” Pinahid pa nito ang luha sa mga mata nito.

“At tingin mo makakalabas ka na lang basta-basta rito ng hindi tayo nagkakaayos? Ini-lock nila mommy iyan.” Humakbang siya palapit dito habang umaatras naman si Cherry hanggang masukol niya ito. Inilagay pa niya ang mga kamay sa magkabilang gilid nito para hindi ito makatakas.

“Sweetheart, please let’s talk. Hindi kita niloko kahit kailan. Lahat ng mga sinabi ko sa iyo simula ng mga bata pa tayo, totoong lahat ng iyon. Ang hirap sa iyo hindi mo man lang ako sineryoso. Lahat ng sabihin ko sa iyo inakala mong biro. Cherry mahal na mahal na kita noon pa man. Noong sinabi ko sa iyong sa lahat ng piggy ikaw ang pinaka love ko, totoo ‘yun.” Inirapan naman siya ni Cherry. Saglit siyang huminto para hilahin ito payakap sa kanya.

“‘Yung sinabi ko kila Jenny at Althea na gustong-gusto kita, no’ng tanungin nila ako kung may gusto ako sa iyo? Totoo ‘yun. Lahat ng ipinakita ko sa iyong sweetness, noong hinahabol-habol ako ni Aileen noong college? Totoong lahat ng ‘yun walang halong pagpapanggap. Noong anniversary nila mommy, nagdala ako ng date kasi inakala kong dadalahin mo si RJ. Inaamin kong niligawan ko si Audrey noon para mag-move on sa iyo, pero wala ring nangyari. Ikaw pa rin talaga eh.” Lumunok pa siya para tanggalin ang nakabara sa kanyang lalamunan. Magsasalita sana si Cherry pero pinigilan niya ito.

“Patapusin mo muna ako Chubs. Noong na-commatose ka, sinisisi ko ‘yung sarili ko noon. Sabi ko kasalanan ko ang lahat. Kasi kung hindi kita inasar-asar, hindi ka naman mag-iisip na mag-undergo ng surgery. Kaya araw-araw akong dumadalaw sa iyo. Kinakausap kita palagi. ‘Yung huli nga sabi ko, hahalikan kita kapag hindi ka pa bumangon at nagising. Ginawa ko iyon hinalikan kita sa gilid ng labi mo. Doon din ako unang nagsabi na mahal na mahal kita. Nangako ako kay Lord, na hinding hindi na kita aasarin magising ka lang. Sabi ko pa kahit alipinin mo ako habang buhay papayag ako. Kaya nang magising ka, sabi ko aamin na ako sa iyo ng nararamdaman ko para sa iyo. Kaso, nakita ko kayo ni RJ na magkayakap ng araw na iyon. Naduwag na naman ako. Kaya hindi ko na naman itinuloy,” mahabang salaysay niya rito.

“Ang duwag mo Tobby!” sambit ni Cherry habang umiiyak ito sa kanyang dibdib.

“Alam ko. Kaya nga nagsisisi ako sa lahat ng panahong nasayang. Pero sinabi ko rin naman sa iyo na babalikan kita eh. At iyon din iyong pangalawang pagkakataon na sinabi kong mahal na mahal kita. Hindi ko lang alam kung naintindihan mo iyon kasi natulala ka no’n eh. Pagbalik ko galing sa barko, sabi ko ito na talaga aamin na talaga ako sa iyo. Kaso after that day, iniwasan mo naman ako. Tapos nakita ko kayo ni Ringo sa park. Sumama ka pa nga sa kanya sa sasakyan niya. Akala ko noon, naunahan na naman ako. Kaya dalawang araw akong hindi nagpakita sa iyo. Pakiramdam ko kasi wala na akong pag-asa sa iyo. Hanggang kanina kung hindi ko pa nakita ‘yung tags sa iyo ng asawa ni Ringo, hindi ko pa malalaman na ang laki kong tanga!” Tumulo na rin ang luha niya na agad naman niyang pinahid.

“Nagmamadali akong puntahan ka sa cafe kanina para sana magtapat na sa ’yo. Kaso pagdating ko roon wala ka naman. Kaya sabi ko kila mommy na ‘wag na ‘wag kang paaalisin hangga’t hindi ako dumarating. Buti na lang alam nila mommy kung gaano kita kamahal.” Bahagya nyang inilayo ito sa kanya at tinitigan sa kanyang mga mata.

“Mahal na mahal na mahal kita Chubs. Hindi ko na kakayanin pa uling pakawalan ka. Please will you believe me this time?” maramdaming tanong niya rito.

“Eh sino si Mine?” nakangusong tanong nito sa kanya.

“Mine?” napakunot ang noo niya pero agad ding napalitan ng ngiti nang may maalala.

Hinila niya sa kamay si Cherry saka pinaupo sa kanyang kama. Kinuha niya ang malaking bear sa ulunan ng kanyang kama. Iniharap niya iyon kay Cherry at saka ipinakilala.

“Mine, meet your mommy Chubs!” nakangiting wika niya kay Cherry. Bumuhos naman ang luha sa mga mata nito saka siya nito himampas.

“Nakakainis ka talaga Tobby! Palagi mo na lang akong pinapaiyak. Akala ko talaga may bago ka namang jowa eh!” Natatawa naman siyang muling niyakap ito.

“Wala akong gustong jowaing iba kundi ikaw lang Chubs, sweetheart,” nakangiti niyang sabi rito.

Maya-maya’y inilayo niya ito sa kanya, saka tinitigan ng buong pagmamahal. Napapikit pa si Cherry nang ilapit niya ang kanyang mukha rito. Napangiti naman siya nang makitang parang hinihintay nito ang kanyang mga labing lumapat sa mapupula nitong mga labi. Sa halip na halikan, kinurot niya ito sa kanyang ilong.

“Aray ko naman Tobby! Masakit!” Hinimas pa nito ang nasaktang ilong habang nakasimangot.

“Mapanamantala ka Chubs ha! Anong tingin mo sa akin just just?” natatawang tanong pa niya rito. Nakanguso namang tinalikuran siya ni Cherry.

“Hindi ba dapat ganoon ‘yun? ‘Pag nagkakabati dapat they will seal it with a kiss. Nakakainis paasa ka Tobby! Akala ko pa naman—” Hindi na nito naituloy ang sasabihin ng siilin niya ito ng halik.

Nabigla pa ito noong una ngunit nang makabawi, agad din naman nitong tinugon ang kanyang matamis na halik. Halik na inipon niya sa napakahabang panahon. Kaya naman wala na silang pakialam kung sinoman ang kumakatok sa labas ng kwarto nito. Basta sila, pinagsasaluhan nila ngayon ang halik na matagal nilang ipinagkait para sa isa’t isa.

“Teka Chubs,” hinihingal na awat niya rito. “Hindi mo pa ako sinasagot. Will you believe me this time?” Hinaplos pa niya ang pisngi nito.

“Nagtikiman at nagpalitan na tayo ng laway tatanggi pa ba ako? Yes Tobby! Mahal na mahal na mahal din kita. Now can you continue kissing me?” sabi nito sa kanya kaya naman natatawa siyang pinagbigyan ang kahilingan nito ng buong puso.

Finally nagtagpo rin ang mga maliligalig nilang damdamin.

           

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

#####Epilogue

 

           

Cherry’s POV…

Akala ko talaga wala na kaming pag-asang magkaayos ni Tobby. Pagkatapos ng dalawang araw na hindi niya pagpapakita sa akin, akala ko finish  na. Pagkatapos ng binyagan, bumalik kami sa cafe para sa final dry run ng shop. Hindi ko na kinaya ang sitwasyon. Gusto ko ng mawala ang sakit at bigat sa dibdib na nararamdaman ko. Kaya naman nagpaalam ako sa mga kaibigan ko para puntahan siya sa bahay nila. Kung pagkatapos nito ay hindi talaga kami magkasundo, titigilan ko na ang pagmamahal ko sa kanya.

Nainis ako no’ng hindi ko siya madatnan sa kanila. Aalis na sana ako pero pinigilan ako ng mommy niya. Wala na akong magawa kundi ang umiyak sa kanila. Sa kanila ko nailabas ang kinikimkim kong sama ng loob. Inalo naman ako ni tita at dinala sa kwarto nito. Nagtaka naman ako kung bakit pero hindi na ako nagtanong. Pagpasok ko sa kuwarto, namalayan ko na lang ang pagsara no’n. Nagulat ako nang may yumakap sa akin mula sa likuran. Hindi na ako nakakilos no’ng sabihin niyang mahal na mahal niya ako.

Tumulo ang mga luha kong kanina pa uma-agos. Nang iharap niya ako sa kanya inulit niya ang sinabi niya. Pinagsusuntok ko na lang siya, kasi sa haba ng panahong sinayang niya nakakainis talaga! Okay na sana kaso inasar na naman niya ako kaya lalabas na sana ako pero naka lock ang pintuan.

Lumapit siya sa akin at saka ikinulong sa kanyang mga bisig. Feels like home! At doon na nga siya nag confess ng undying love niya for me. Natuwa naman ako lalo na no’ng ibigay niya sa akin si mine. Nakakatawa, si Mine pala ang baby naming stuff toy. Pinagselosan ko ang regalo niya sa akin.

Syempre in every story, when you confess and accept love, you have to seal it with a kiss. Kaso nakaka-addict pala ang mahalikan niya. Kaya naman nang huminto siya nagreklamo ako at nag-request na halikan niyang muli ehehehe. Sa wakas, nagtagpo rin kami sa gitna ng taong pinakamamahal ko. Sana pangmatagalan na ito. Sarap ma-in love mga beshy!

 

 

 

Hello Dear readers,

Sana po natawa, kinilig at na-touch kayo sa aking storya. Hanggang sa muli!

 

Thank you.

            Love Lots,

            Jersey Gabrielle