Download Story.

close

MAGNET: A BL Story by Xross Kyuuketsuki

Written By: xrosskyuuketsuki       |       Story Status: Completed
Posted By:
xrosskyuuketsuki

CHAPTER 2

“NASAAN NA ang change of clothes mo, Kiyo-kun?”

Hindi ako pinansin ni Kiyo. Sa halip ay tuluy-tuloy lang siyang umakyat sa kwarto ko. Wala namang nabago sa suot niya simula nang umalis siya ng bahay kanina. Suot pa rin niya ang school uniform namin.

“Manghihiram ako ng boxers at T-shirt sa’yo,” ang malokong sagot niya, “magkasukat naman tayo diba?”

“Wow ha!” Mabilis ko siyang sinundan sa kuwarto.

Ang totoo, hindi naman ako worried na manghihiram siya ng gamit. Worried ako na baka makita niya ang mga magasin na nasa drawer ko. Inunahan ko siya sa drawer at mabilis na humugot ng sando at boxers. Dahil sa pagmamadali ay hindi na ako nakapili ng ipapahiram sa kaniya.

“Ben 10?” Gulat na tanong ni Kiyoteru, “Ben 10 boxers ang ipapagamit mo sa’kin?”

“Wag ka na’ng choosy!” nakaharang pa rin ako sa drawer. “May malinis na bath towel sa banyo, kumuha ka lang sa mga nakatupi doon kapag maliligo ka na.”

“Bakit ba ang arte mo na?” tanong ni Kiyo, “Wala ako’ng galis, Yuu-kun. Towel mo na lang ang gagamitin ko.”

Bago pa ako makasagot ay bitbit na ni Kiyo ang towel ko at nakababa na siya sa banyo para mag-shower. Mabilis ko’ng inilipat ng taguan ang mga magasin ko saka inayos ang aking kama. Para may ambience, sinindihan ko ang scented candle na matagal nang naka-display. Espesyal ang gabi’ng ito dahil dito matutulog si Kiyo — si Kiyoteru Kaneshiro — sa aking kwarto!

Bigla ako’ng natigilan. Bakit nga pala ako excited? Bestfriend ko si Kiyo at sa maraming pagkakataon ay pinangarap ko na sana makitulog siya sa amin, o dili kaya’y makitulog ako sa kanila. Pero huling nangyari iyon noong mga grade four pa lamang kami. Kinailangan ko’ng makitulog sa kanila dahil maaga kaming ihahatid ng mommy niya sa school para sa field trip namin. Hindi naman kami natulog noon ni Kiyo. Nagpuyat lang kami kalalaro ng video games. Pero ngayon, matutulog kami. Sisiguraduhin ko’ng matutulog kami.

Kakatapos ko lang magpalit ng kobre-kama nang pumasok si Kiyo sa kwarto, nakatapis ng tuwalya.

“Ilagay mo na lang yang dirty clothes mo sa laundry basket ko.” ani ko, habang panakaw na tumitingin sa mga abs ni Kiyo.

“Maka dirty, wagas,” patawang sagot ni Kiyo, “hindi ba pwedeng labahan lang?”

Dali-dali ay dinamba ako ni Kiyo at itinakip sa mukha ko ang mga labahan niyang damit. Dahil sa hindi ko inaasahan ang gagawin niya ay madali ako’ng napahiga sa kama. Si Kiyo naman ay umibabaw sa akin at patuloy pa ring tinatakpan ng labahan ang aking mukha.

Gusto ko’ng mainis kay Kiyo pero hindi ko magawa nang malanghap ko ang amoy ng kaniyang mga pinaghubaran. Ito ba ang amoy ng katawan ni Kiyo? Napakabango. Alam ko’ng hindi nagpapabango si Kiyo pero iba ang amoy ng mga pinaghubaran niya. Ganito siguro iyong sinasabi ng mga seniors namin na amoy pinipig.

“Yuuto!” gulat na sambit ni Kiyo at biglang inalis ang damit sa aking mukha, “OK ka lang? Hindi ka na gumagalaw. Napikon ka ba? Sorry…”

“OK lang ako…” nagsimula akong humakbang palayo kay Kiyo, palabas ng kuwarto.

“Yuu, saan ka pupunta?”

“Ako naman ang maliligo.”

“O, Catch!”

Paglingon ko ay nasilayan ko ang hubad na katawan ni Kiyoteru, pero sandali lang ito dahil nagdilim na naman ang paningin ko nang tumakip sa aking mukha ang bath towel na inihagis niya sa akin.

“Pak yu, ka talaga!” Bulalas ko matapos kong maalis ang towel sa aking mukha. Tawa lang ng tawa si Kiyo, nakahubad pa rin, “Umuwi ka na sa inyo!” Tumalikod na ako para lumabas ng kuwarto, pero sa isip-isip ko, hinihiling ko na sana dito na lang tumira si Kiyo para gawin niya sa akin to gabi-gabi.

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25