Download Story.

close

MAGNET: A BL Story by Xross Kyuuketsuki

Written By: xrosskyuuketsuki       |       Story Status: Completed
Posted By:
xrosskyuuketsuki

CHAPTER 1

SA HALIP NA MAKIPAG-UNAHAN AKO SA PILA SA SCHOOL CAFETERIA PARA MAG-LUNCH, natagpuan ko ang sarili ko na humahangos papunta ng Guidance Counsellor’s Office.

“KIYOTERU!” Ang sambit ko pag-pasok ng office.

Nakita ko si Kiyo at ang kanilang team captain sa Baseball club, nasa magkaharap na upuan, parehong nakayuko. Ang guidance counsellor naman namin ay matamang nakamasid lamang sa kanila na para’ng may hinihintay na sagot. Malakas ang boses ko (sa tingin ko), pero para’ng wala namang nakarinig sa akin. May pasa ang team captain, may sugat sa kamao si Kiyo.

“Mr. Hisagi,” Binalingan ako ng guidance counsellor, “you can wait for Mr. Kaneshiro outside my office. I believe you have no part in this.”

Mahigit kalahating oras rin akong nakatunganga sa labas ng guidance office nang lumabas sina Kiyo. Mabilis akong hinatak ni Kiyo palayo ng office, at ramdam ko’ng may sama pa rin siya ng loob dahil sa bigat ng mga yapak niya na umaalingawngaw sa hallway. Huminto lang kami nang makarating kami sa cafeteria, sa paborito naming mesa. Inilapag ni Kiyo ang mga gamit niya at sinenyesan ako upang maupo. Tahimik siyang umalis para pumila. Maya-maya pa’y bumalik na si Kiyo, dala-dala ang aming pananghalian.

Tahimik lang siyang kumain, matapos niyang maibigay sa akin ang bahagi ng lunch ko. Gustong gusto ko nang itanong kung ano’ng nangyari pero ramdam ko’ng hindi magandang timing ito. Nakatitig lang ako kay Kiyo nang tapunan niya ako ng matalim na tingin at doon lang ako nagsimulang kumain.

“K-Kiyo,” marahan kong sambit makaraan ang ilang minuto, “sabay ba tayong babalik sa classroom after this, or mauuna na lang ako?”

Tahimik na naman si Kiyo. Dali-dali ay tumayo siya, kinuha ang mga gamit at hinatak na naman ako. HIndi pa nga ubos ang lunch ko, palibhasa siya’y mabilis kumain kaya wala man lang consideration na nagugutom pa ko. Mabilis pa rin ang lakad niya at kinailangan ko siyang sabayan. Mabilis kasi si Kiyo sa maraming bagay, samantalang ako, babagal-bagal. Nakarating kami sa classroom (nasa 3rd floor ng building ang silid ng mga junior students) at nang maka-upo ay naglabas siya ng libro para sa aming susunod na subject.

Natapos ang araw sa school namin na hindi man lang nagsalita si Kiyo (kahit noong tinatanong siya ng teacher namin sa subject na literature, iling lang ang isinagot niya). Walking distance lang ang subdivision na tinitirahan namin mula sa school kaya naglalakad lang kami pauwi. Masaya naman kasi marami din kaming kasabay, pero sa pagkakataong ito, pinili ni Kiyo na huwag kaming sumabay sa mga ka-eskwela namin.

“I’m quitting baseball.” ani Kiyo habang malayo ang tingin.

“Ha? Hindi ba favorite sport mo yun? Simula pa elementary, player ka na ng baseball. Ano’ng nakain mo?”

Tinitigan ako ni Kiyo. Napayuko ako. Wala na kaming pinag-usapan hanggang sa makarating kami sa bahay namin. Tuwing uwian, sa amin muna dumideretso si Kiyo para samahan ako. Mag-isa lang kasi ako sa bahay dahil bumalik si mommy sa Japan at magi-stay siya doon for one month. Umuuwi lang si Kiyo sa kanila pag dumarating na ang mommy niya galing sa trabaho.

As usual, sa ref didiretso si Kiyo para kumuha ng pwedeng makain at tatambay sa may sala para manuod ng TV. Ako naman, aakyat na sa kwarto ko para magbihis. Pagbaba ko ay inabutan ko si Kiyo sa sofa, naka-upo naman siya pero hindi ko alam kung nakapikit lang ba siya o nakatulog na. Iyong isang platong dried mangoes na inilapag niya sa center table, hindi naman nagalaw. May problema ang bestfriend ko pero ayaw niyang magsalita tungkol dito. Isa lang ang malinaw sa akin, naka-away niya ang team captain nila.

Sa baseball na halos umikot ang mundo ni Kiyo kaya naiintindihan ko kung gaano ka-depressing ang pag-iwan niya dito. Ang pagkaka-alam ko pa naman ay ito rin ang gagamitin niya para makakuha ng scholarship sa college. Napansin ko ang sugat sa kaniyang kamao, nagdurugo ito. Mabilis akong kumuha ng malinis na towel at binasa ito para punasan ang sugat ni Kiyo.

“Eto ba ang kamay ng baseball player?” tanong ko sa sarili, “Bakit ang lambot?”

Hindi umimik si Kiyo kahit noong matapos kong linisin ang sugat niya. Marahan na lamang akong naupo sa tabi niya para manuod ng TV. Nakarinig ako ng mahinang paghilik sa tabi ko. Nakatulog si Kiyo! Dahan-dahan akong tumayo at nagtungo sa ref para kunin ang marker na ginagamit namin kapag mag-iiwanan kami ni mommy ng sticky notes.

“Kiyo, malas mo lang. Walang depress-depress sakin ngayon, hehehe”

Marahan akong lumapit kay Kiyo para sulatan ang mukha niya. Lumuhod ako sa harapan niya para madali akong makapagsulat. Dahan-dahan ay inilapit ko ang sarili ko hanggang sa sobrang lapit ko na sa kaniyang mukha at dito ko na ini-amba ang aking kamay para simulan na ang pagsusulat subalit hindi ko inaasahan ang mga sumunod na pangyayari.

Biglang bumaling ang mukha ni Kiyo paharap sa akin at nagdikit ang aming mga labi! Sa gulat ko ay bigla akong napa-atras pero nakaharang sa likod ko ang center table kaya nasagi ko ito at nalaglag ang platong inilipag ni Kiyo kanina. Dito nagising si Kiyo at nakita niya akong nakaupo sa sahig, hawak pa rin ang marker. Ang sumunod na narinig ko ay ang malakas na pagtawa ni Kiyo.

“AHA!” ani Kiyo, “Susulatan mo ko sa mukha no?”

“Hindi kaya!” sagot ko sabay biglang tayo. Ibinalik ko na lang sa ayos ang centre table. “Kakainin mo pa ba to?”

“Siyempre,” sagot ni Kiyo habang may binabasang text message, “Uhm, Yuu, uuwi muna ako.”

“Go ahead…”

“Kukuha lang ako ng change of clothes. Dito ako matutulog. Hindi raw makaka-uwi si Mommy.”

“Sure,” sagot ko, “pwede ka naman sa sofa diba? hehe”

“Manahamik ka,” ang nakangiting sagot ni Kiyo, “ako ang matutulog sa higaan mo!”

“Ang kapal ng mukha mo!” Pabirong sambit ko. Deep inside, excited ako. Matagal nang hindi nakikitulog si Kiyo sa bahay. “Dito ka na rin ba maghahapunan?”

“Bakit? Magpapakain ka ba?” Kinindatan ako ni Kiyo sabay alis.

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25