Download Story.

close

MAGNET: A BL Story by Xross Kyuuketsuki

Written By: xrosskyuuketsuki       |       Story Status: Completed
Posted By:
xrosskyuuketsuki

FOREPLAY

MARAMI NA KAMI’NG PICTURES TOGETHER pero sa lahat ng iyon ay may isa akong paborito. Iyon yung picture na pinilit ko siyang bumuo ng puso gamit ang mga kamay namin.

Ako si Yuu. Kaka-eigtheen ko lang this year. Ang birthday ko, laging sa kasagsagan ng summer ginaganap kaya taun-taon na lang ay beach party ang drama ko. May bestfriend ako, si Kiyo. Mga bata pa lamang kami ay magkaibigan na kami. Ang mga nanay namin, parehong Pinay na nakapag-asawa ng hapon, pero pareho rin namang nabalo ng maaga kaya nagdesisyon silang umuwi sa Pilipinas at kumuha ng bahay sa iisang subdivision. Kung paanong mag-bestfriend ang mga nanay namin ni Kiyo ay ganon din naman kami.

Noong mga bata pa kami, wala akong masiyadong naging problema dahil pareho lang kami ng mga hilig ni Kiyo. Nagsimula lang ako’ng magka-problema kay Kiyo simula noong mag highschool kami.

Unti-unti kasi, nag-iba ang mga hilig namin ni Kiyo dagdag pa dito ang mga bagong kaibigan na nakikilala namin along the way. Dahil very athletic si Kiyo, member siya ng baseball team ng school namin simula elementary haggang high school. Ako naman, sa teatro ng school sumali noong mag third year high school kami.

Sikat si Kiyo sa school, hindi lang dahil sa magaling siyang baseball player, kung hindi dahil guwapo rin siya. Maraming estudyante ang nagkakandarapa sa kaniya. Ikaw ba naman sa edad na kinse ay may height na 5’10”, maganda ang tikas, makinis pa ang balat. Singkit ang mata ni Kiyo dahil sa dugong Hapon niya (actually, ako rin naman), matangos ang ilong dahil sa mommy niyang half-French at may very kissable lips si Kiyo na kahit ako mismo ay kina-iingitan ito.

Maraming nakikipagkilala kay Kiyo sa loob o labas man ng school, at iyong iba sa kanila ako pa ang unang kinakaibigan para mapalapit sila kay Kiyo. Minsan, iniisip ko kung anong tumatakbo sa isip ni Kiyo dahil sa kasikatan niya. Nagi-enjoy pa kaya siya sa buhay o iniisip na niyang sumpa ang kaguwapuhan niya? Buti na lang ako, tamang cute lang. Sabi nga nila, sakto lang!

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25