Download Story.

close

MAGNET: A BL Story by Xross Kyuuketsuki

Written By: xrosskyuuketsuki       |       Story Status: Completed
Posted By:
xrosskyuuketsuki

AFTERPLAY

MARAMI NA KAMI’NG PICTURES TOGETHER pero sa lahat ng iyon ay may isa akong paborito. Iyon yung picture na pinilit ko siyang bumuo ng puso gamit ang mga kamay namin. Kuha ito noong araw na magpunta kami sa isang isla sa Pangasinan.

Ako si Yuu. Kaka-eigtheen ko lang this year. Ang lalaking tinutukoy ko sa larawan ay ang bestfriend kong si Kiyo. Mga bata pa lamang kami ay magkaibigan na kami at palagi ko siyang kasama sa tuwing dumarating ang aking kaarawan. Subalit hindi nitong makalipas na dalawang taon. Nasa Pilipinas si Kiyo. Narito ako sa Japan.

Noong mga bata pa kami, wala akong masiyadong naging problema dahil pareho lang kami ng mga hilig ni Kiyo. Nagsimula lang ako’ng magka-problema kay Kiyo simula noong mag highschool kami — nang magsimula akong umibig sa kaniya.

Nang dumating ako sa puntong kailangan ko nang pumili sa pagitan ng puso o kaibigan, ang akala ko ay hindi ko kakayaning hanggang pagkakaibigan lang ang mamamagitan sa amin ni Kiyo. Nagkamali pala ako. Sa huli ay pinili ko ang pagkakaibigan namin at ngayon ay kapwa kami nakasumpong ng kaligayahan — si Kiyo ay engaged na kay Sandra. Ilang taon pa mula ngayon ay magpapakasal na sila. At ako?

“Yuuto,” Sumilip si mommy sa pintuan ng aking silid. “May naghahanap sa iyo.”

Isinara ko ang photo album na puno ng mga larawan namin ni Kiyoteru. Regalo ito sa akin ng mommy niya noong araw na lumipad kami papunta dito sa Japan.

Nag-ayos ako ng aking sarili, at nagtungo sa hardin na nasa likuran ng aming bahay kung saan ay masasamyo mo ang lamig ng hangin ng nalalapit na taglamig.

Setyembre na. Nagsisimula ng malagas ang mga dahon ng mga puno at halaman sa hardin. At naroon sa di kalayuan, sa ilalim ng isang puno, at nauulanan ng mga nagbabagsakang dahon ay masaya kong binati ang taong naghihintay sa akin:

“Sorry to keep you waiting,” nakangiti kong bati sa aking panauhin, “konnichi wa, Kazuki-kun.”

–THE END–

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25