Download Story.

close

MAGNET: A BL Story by Xross Kyuuketsuki

Written By: xrosskyuuketsuki       |       Story Status: Completed
Posted By:
xrosskyuuketsuki

CHAPTER 9

SAKSI ANG BUWAN at mga bituin sa isang natatanging sumpaan na magaganap sa pagitan namin ni Yuu. Hinawakan ko siya sa kamay. Nanginginig siya.

“Natatakot ka ba, Yuu?” Marahang tanong ko.

“Naguguluhan ako, Kiyo. Ano ba ang nagyaya…”

“Mahal kita, Yuu.”

“Alam ko na iyon, Kiyo. Mahal mo ako bilang kapatid.”

“Hindi Yuu. Mahal na kita.” Niyakap ko si Yuu. “Naisip ko na hindi kita kayang ipaubaya sa iba. Baka kasi hindi ka nila ingatan na gaya ng magiging pag-iingat ko sa iyo. Yuu, tinatanggap mo ba ako at mamahalin ng habambuhay?”

“Pero, paano si Sand..”

Hinalikan ko si Yuu sa labi. Hindi ko na siya hinayaan pang makatapos sa nais niyang sabihin. Gumanti rin siya ng halik. Sapat na sagot na iyon sa aking tanong. Iginapos ko si Yuu ng mahigpit sa aking mga braso at pinag-alab pa ang paghalik sa kaniyang mga labi. Binuhat ko si Yuu.

“Saan tayo pupunta, Kiyo?”

Hindi ako sumagot pero sinundan ni Yuu ang direksiyon kung saan ako nakatingin. Nakarating kami sa isang munti at lumang kubo. Hindi ako makapaniwala na narito pa rin ito. Dito kami madalas tumambay ni Yuu noong mga bata pa kami. Kami mismo ang gumawa ng kubong ito kaya simpleng-simple lang ang pagkakayari. Sapat lang upang may masilungan kami.

Sa loob ay inilapag ko si Yuu. Matama pa rin siyang nakatitig sa akin. Sa tingin ko ay hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyayari. Muli ko siyang hinalikan upang ipadama sa kaniya na hindi panaginip ang mga nangyayari ngayong gabi.

“Yuu,” ani ko, “hindi ba’t pagkatapos ng kasal, honeymoon ang kasunod?”

Tumango si Yuu. Hinubaran ko siya ng damit. Bilang ganti ay hinubaran din ako ni Yuu ng damit. Gamit ang kanang kamay, hinawakan niya ang aking dibdib at dinama ang kakisigan nito. Iginapang niya ang kaniyang kamay pababa subalit tumigil siya pagdating sa aking tiyan. Ngumiti ako at tumango. Sa tingin ko ay naintindihan ni Yuu ang nais kong ipahiwatig.

Itinuloy ni Yuu ang paggapang ng kaniyang kamay hanggang sa masapo niya ang aking alaga. Dinama pa niya ito ng ilang saglit. Nang makumbinse siyang totoo na nga ang mga nangyayari ay siya naman ang humalik sa aking mga labi. Muli ko siyang ibinigkis sa aking mga braso habang dahan-dahan akong humihiga sa sahig.

Pumatong siya sa ibabaw ko at nagsimulang gumapang ang kaniyang mga labi pababa sa aking leeg, sa dibdib, sa tiyan, habang maingat niyang hinuhubad ang suot kong baseball pants at supporter.

Tumambad sa kaniya ang aking alaga na kanina pa nangangalit. Hinimas-himas ito ni Yuu at pinagmasdan itong mabuti. Para bagang pilit niyang ikinikintal sa kaniyang isipan ang hitsura nito. Tumingin siya sa akin. Tumango ako.

Iyon lang at marahan na niyang isinubo ang aking ari. Dahan-dahan ang paglasap niya rito. Ninanamnam ang bawat sandali. Matapos ang ilang saglit ay bumangon ako sa pagkakahiga at ipinihit si Yuu patalikod sa akin. Ngayon ay siya naman ang hinubaran ko ng pantalon at boxers.

Hinimas-himas ko ang makinis na pisngi ng kaniyang puwet at iginapang ang aking daliri sa pagitan nito hanggang sa matumbok ko ang kaniyang butas. Marahan ko itong nilaro ng aking daliri. Pagkadaka ay ginamit ko ang aking laway bilang pampadulas at maingat na ipinasok ang aking alaga.

Kung paanong ninamnam ni Yuu ang bawat sandali nang isubo niya ang aking ari, sinigurado ko ring hindi ko malilimutan ang pagpasok ko sa kaniya ngayong gabi. Dahan-dahan akong naglabas-masok, maingat, at may halong pagmamahal. Idinapa ko si Yuu sa sahig, iniunat ko ang kaniyang mga braso at naghawak kami ng mga kamay habang ipinagpapatuloy ko ang pagsakop sa kaniya.

Matapos pa ang ilang saglit ay nakadama na ako ng kakaibang sensasyon. Dito ko binilisan ang paggalaw ng aking balakang hanggang sa iputok ko sa loob ni Yuu ang mainit kong katas. Naglabas-masok pa ako ng ilang sandali at nang hugutin ko ang aking ari ay niyakap ko ng mahigpit si Yuu. Hinawakan niya ang aking mga bisig at sabay kaming nahimbing.

~~~

NAGISING AKO sa marahang tapik ni Yuu. Tumingin ako sa labas at nakita kong maliwanag na ang paligid. Subalit may isa pang nakapukaw ng aking atensiyon: may mga tinig na tumatawag sa amin. Boses iyon nila mommy!

Madali kaming nagbihis habang tahimik na nagtatawanan. Bumalik muna kami sa lugar kung saan kami nagpalit ng puting damit upang kunin ang aking bag at ang mga pinagpalitan namin. Dito ko nga napansin na marami na akong missed calls galing kila mommy. Ilang saglit pa ay sabay naming sinalubong ang mga humahanap sa amin. Kasama na rin nila si Sandra.

Sa huli ay napag-alaman naming isa sa mga tauhan ng lola ni Yuu ang nakakita sa amin nang pumunta kami sa isla subalit hinayaan lamang kami. Sumunod na lamang sila nang umaga na upang dito na rin mag-picnic. Nakapag set-up na sila malapit sa tubig at nagkakasiyahan na rin. At dahil naman sa alam na nila kung nasaan kami, nagpaalam akong muli kay mommy na maglilibot-libot muna kami ni Yuu sa isla. Isa lang ang bilin nila, kailangan namin makabalik bago magtanghalian para sabay-sabay kaming kumain.

Pumunta kami ni Yuu sa isa pang madalas naming puntahan: ang mga batuhan sa tubig. Dito kami madalas maupo upang panuorin ang mga mangingisda. Inalalayan ko si Yuu sa pag-upo. Tumabi ako sa kaniya at umakbay. Humilig si Yuu sa aking dibdib.

“Natakot ako,” panimula ni Yuu, “kaya hindi ako nagparamdam sa iyo ng mahabang panahon. Nangako ako na hindi haharap sa iyo hanggat hindi pa ako handa.”

“Kaya natiis mo akong hindi kausapin sa loob ng dalawang taon?” Nakangiti kong tanong.

Marahang pinalo ni Yuu ang tiyan ko. Niyakap ko siyang muli at hinalikan. Hindi ko alintana kung makita man kami ng mga mangingisdang malapit sa amin. Yumakap din siya sa akin. Inubos namin ang oras na magkayakap sa batuhan hanggang sa dumating ang oras ng tanghalian at bumalik na kami kila mommy.

Nananatili pa kami sa isla hanggang sa magdapit hapon. Bago umuwi ay nagpasiya kaming lahat na magpakuha ng larawan para mahuli rin ang ganda ng paglubog ng araw. Kinuha ni Yuu ang kamay ko dahil nais niyang bumuo kami ng puso gamit ang aming mga kamay. Dito ay nahiya pa ako ng kaunti dahil katabi ko lamang si Sandra. Sa huli ay pumayag na rin ako.

 “Say sushi!” Utos ni mommy matapos i-set ang timer ng camera at nagmamadaling tumakbo sa pwesto namin.

“SUSHI!!!”

 ~~~

Nang dumilim ay bumalik na kami sa bahay ng lola ni Yuu upang magpahinga. Maaga silang bibiyahe pa-Maynila bukas para sa pagsasara ng deal sa taong nakabili ng bahay nila sa subdivision.

Magpapa-alam sana ako kung maaari akong sumama sa kanila, subalit hinawakan ni Sandra ang kamay ko. Pahiwatig ito na ayaw niyang makisali ako sa lakad ng mag-ina. Tumingin ako kay Yuu at ngumiti siya sa akin.

Nanghinayang ako. Gusto ko pa namang sulitin ang mga sandaling naririto sa Pilipinas si Yuuto. Sa huli ay nagkasundo kami na sasama na lamang ako sa paghahatid sa kaniya sa paliparan.

Kinaumagahan ay sabay-sabay na kaming bumiyahe pabalik ng Maynila at naghiwa-hiwalay na kami ng ruta paglampas ng express way. Parang gusto ko pa ring ipihit ang sasakyan para samahan si Yuu — kung hindi lang sana nakarating si Sandra.

Hanggang sa gumabi ay hindi ako makatulog. Si Yuu pa rin ang naiisip ko. Bukas na ang uwi nila sa Japan.

~~~

SA AIRPORT ay hindi ako mapalagay. Ilang sandali na lamang ay aalis na sila Yuuto. Dinala ko si Yuu sa isang sulok dahil may mahalaga akong sasabihin sa kaniya. Nang sigurado na akong hindi na kami maririnig ng mga kasama namin ay nagwika na ako:

“Yuu,” panimula ko, “pagbalik mo sa Japan, mag-message ka agad sa akin. Mami-miss kita. I love you!”

Niyakap ko ng mahigpit si Yuuto. Gumanti rin siya ng yakap.

“Kiyo,” ani Yuu habang nakayakap sa akin, “aaminin ko na lampas langit ang kaligayahan ko ngayong nalaman ko na mahal mo rin ako ng higit pa sa kaibigan o kapatid. Pero may isa akong napagtanto noong gabing magtalik tayo.” Huminga siya ng malalim. “Napagtanto ko na mas masaya ako kung magiging magkaibigan lang tayo. Mas gusto ko  iyong mga panahong hindi ako naiilang sa iyo dahil walang espesyal na namamagitan sa atin.”

Kumalas si Yuu sa pagkakayakap sa akin. Walang bakas ng luha sa kaniyang mga mata, bagkus ay nakangiti siya. Isang ngiting walang mantsa ng pagsisisi.

“Sa tingin mo ba ay magiging mas masaya tayo sa ganoon?” Tanong ko kay Yuu.

“Oo.” Sagot niya. “Higit sa masaya — maligaya. Kuntento na ako’ng ang bestfriend ko na inibig ko ay hindi tinanggihan ang nararamdaman ko. Mas gugustuhin ko nang manatiling macho ang puso mo — Kaneshiro Kiyoteru. Mamuhay ka sa buhay na nakalaan para sa iyo, at ganoon din naman ako. Tama nang ako na lang ang pusong babae.”

“Nagkakamali ka, Yuu.” Sagot ko sabay akbay sa kaniya. “Macho rin ang puso mo dahil matapang ka. Hindi ka nahiyang ipakilala ang tunay na ikaw. Kaya ang masasabi ko, pareho lang tayong may macho hearts.”

Ngumiti si Yuu at nagsimula nang maglakad pabalik kung saan nakapwesto sila Sandra, mommy,  at ang ilan pang mga kamag-anak nila Yuu mula sa Pangasinan. Subalit bago pa siya tuluyang makalayo ay tinawag ko siyang muli:

“Yuuto, bago ko malimutan,” wika ko, “huwag ka sanang mabibigla, pero may anak ka kay Hazel.”

Huminto sa paglalakad si Yuu, subalit hindi niya ako nilingon. Dinukot niya ang kaniyang pitaka at may kinuhang larawan. Sumenyas siya na lumapit ako sa kaniya at tumalima naman ako. Paglapit ko ay iniabot niya sa akin ang larawan niya at ng kaniyang anak.

“Kuha kahapon iyan. Kinontak ko kasi si Hazel nang makabalik ako sa Pilipinas upang humingi ng patawad, and guess what? Nagulat ako sa inabutan ko.”

“Anong plano mo, Yuu?” Tanong ko.

“Mahal ni Gavin sina Hazel at ang bata.” Sagot ni Yuu. “At hindi ko kayang mamuhay ng gaya ng sa kanila. Iba ang mundong ginagalawan ko, Kiyo.”

Tumango ako. Bagama’t hindi naman nagsalita ng tapos si Yuu ay dama ko na sa mga oras na ito, o sa mahaba pang panahon, ay hindi niya magagampanan ang tungkulin ng isang ama.

“Babantayan ko si YuKi, para sa iyo.”

Nagpatuloy na kami sa paglalakad pabalik sa pwesto nila mommy. Matapos pa ang ilang sandaling pag-uusap ay tuluyan na nga kaming humantong sa paalaman. Babaunin namin sa paghihiwalay ng aming landas ang lahat ng masasayang pinagsamahan namin ni Hisagi Yuuto.

Walang luhang pumatak. Walang lungkot na nadama. Sa pagkakataong ito ay maghihiwalay kaming masaya — sigurado na balang araw ay muling magkikita.

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25