Download Story.

close

MAGNET: A BL Story by Xross Kyuuketsuki

Written By: xrosskyuuketsuki       |       Story Status: Completed
Posted By:
xrosskyuuketsuki

CHAPTER 4

MARAMING BESES na tinangka ni Yuu na kausapin ako simula nang magkasagutan kami subalit hindi man lang ako natinag at nagpatuloy pa rin sa hindi pagkibo sa kaniya. May ilang ulit din niya akong na-text at na-message sa Facebook upang anyayahan na dumalo sa birthday niya na gaganapin daw sa Thailand. Hindi ko sinagot ang lahat ng iyon. Hindi pa rin kasi ako handang pakisamahan siya ngayong alam ko na na hindi lang kaibigan ang tingin niya sa akin. Isa pa, sinabi rin ni mommy na this year, sila lang muna ng mommy niya ang aalis. Hindi niya agad sinabi kung bakit, pero hindi naman ako tanga para hindi maisip na mahal ang pamasahe papuntang Thailand. Malamang ay iyon ang dahilan kung bakit sila lang ang aalis this year.

Samantala, nagsimula na rin akong mag try-out sa swimming team ng school at mapalad na nakapasok. Masakit man, pero tuluyan ko na nga sigurong tatalikuran ang baseball.

Halos mag-iisang buwan ko nang hindi kinakausap ni pinapansin man lang si Yuu. Nang dumating ang bisperas ng kaniyang kaarawan ay nagtanong si mommy dahil hindi na raw niya kami nakikitang magkasama. Ang sabi ko ay marami lang pinagkaka-abalahan si Yuuto.

“Siya nga pala,” Wika ni mommy, “bukas sa birthday ni Yuu, kailangan sumama ka sa airport…”

Nag-ring ang cellphone ko. Tumatawag si Sandra. Hindi ko na pinakinggan pa ang sasabihin ni mommy dahil mas interesado ako sa sinasabi ng girlfriend ko:

“Umalis sila mommy kasama si Nicholo para mag-grocery.” Ani Sandra. “Ako lang ang tao sa bahay.”

“Papunta na ako diyan!”

Iyon lang at nagmamadali akong nagtungo kina Sandra at inabutan nga siyang mag-isa lamang sa kanilang bahay. Nang makapasok ako sa kanila ay sabik ko siyang hinalikan. Gumanti rin siya ng halik. Maya-maya pa ay niyaya ako ni Sandra upang pumanhik sa kaniyang silid.

Pagdating sa loob ay bakat na sa aking shorts ang tigas na tigas kong tite. Humiga si Sandra sa kaniyang kama at mapang-akit na tinawag ang pangalan ko. Nagsimula akong humakbang palapit sa kaniya. Habang naglalakad ako ay pabilis ng pabilis ang aking paglunok. Sigurado na kasi ako na this time, makaka-home run na ako!

Sumampa ako sa kama at dahan-dahang hinalikan ang mga labi ng aking girlfriend. Kasabay nito ay nilalamas ko ang kaniyang suso. Gumanti si Sandra sa pamamagitan ng paglalaro sa aking ari. Unti-unti ko’ng hinubad ang suot kong damit at shorts, at ganon din ang ginawa ni Sandra. Nang bumungad sa akin ang malulusog niyang mga dibdib ay ito naman ang ninamnam ko.

Sinimulan kong paliguan ng halik ang kaniyang suso, at gumapang ang aking mga labi pababa sa kaniyang pusod, pababa sa kaniyang hiyas na ngayon ay basang-basa na. Dinila-dilaan ko ang kaniyang hiwa at minsan pa ay gumiling na naman ang kaniyang balakang. May ilang minuto ko na ring nilalasap ang kaniyang bulaklak nang hatakin niya ako.

“Pasukin mo ako, Kiyo…” Halos umungol si Sandra nang sabihin niya sa akin ito.

Hinubad ko ang suot kong boxers. Napansin ko na may kaunting katas na rin sa aking ari. Hinawakan ko ang kahabaan nito at marahang ginabayan upang itutok sa hiwa ni Sandra. Huminga ako ng malalim. Pagkatapos ay dahan-dahan kong ibinaon ang aking sandata sa pagkababae niya. Napakagat ng labi si Sandra at bigla niya akong naitulak.

“Dahan-dahan, Kiyo.” Pakiusap niya. “Masakit kasi…”

Tumango ako. Muli ay tinangka kong ipasok ang aking batuta sa loob ni Sandra. Muli naman ay nakita ko sa mga mukha niya ang sakit. Huhugutin ko sana ang tite ko subalit nakiusap siyang ituloy ko lang. Bagamat nanginginig ako sa magkahalong kaba at excitement at tinangka ko ngang pasukin si Sandra hanggang sa tuluyan ko na ngang maibaon ang ari ko sa kaniya.

Nagsimula akong bumayo. Dahan-dahan muna, hanggang sa unti-unti ko itong binilisan. Maya-maya pa  ay para na akong isang hayop na hayok sa pakikipag-niig dahil sa tindi ng pagbayo ko kay Sandra. Gumagawa na ng ingay ang higaan dahil sa matinding pag-ugoy nito.

Matapos ang ilang pang ulit ng pagbayo ko ay ipinihit ko patuwad si Sandra nang hindi hinuhugot ang aking ari. Gusto kong gawin iyong napanuod kong porn: iyong nakatuwad ang babae habang kinakasta. Hindi naman nanlaban si Sandra. Muli ay ipinagpatuloy ko ang pagbayo sa girlfriend ko. Dito ako parang nalibugan ng husto at naramdaman ko na malapit na akong labasan. Hinugot ko ang aking batuta upang pakalmahin ang libog ko at laking gulat ko nang makita kong duguan ito!Napatingin ako sa hiwa ni Sandra at dumudugo rin ito.

Shit! Ganon ba talaga kalaki ang alaga ko at nakakapagpadugo ako ng kepyas? Marahil ay napansin ni Sandra na biglang nag-iba ang mood ko nang makita ko ang dugo, kaya mabilis siyang yumakap sa akin at nagpaliwanag:

“Kiyo,” panimula niya, “normal lang ang dugo na to. Virgin ako at ikaw ang nakapunit sa akin…”

Sinimulan akong paliguan ni Sandra ng halik. Ako naman ay biglang nahimasmasan. Ang tanga ko talaga! Malamang, dugo nga ito ng isang birhen! Bakit ba hindi ko agad naisip iyon? Ano pa nga’t matapos ang ilang sandali ay balik na naman kami sa aksiyon.

Inihiga ko ulit si Sandra at ipinatong ko ang kaniyang mga binti sa aking magkabilang balikat. Muli kong itinutok ang aking sandata at nang maibaon nga ito ay nagsimula na naman akong bumayo. Kasabay nito ay sinusubasob ko naman ang kaniyang mga dibdib. Mahigpit ang yakap sa akin ni Sandra na para bang ayaw na niya akong pakawalan. Samantalang ang kaniyang pag-ungol naman ay patuloy na nagpapatindi ng aking libog.

Maya-maya pa ay nakaramdam na ako ng kakaibang sensasyon. Isang kuryenteng gumagapang sa aking buong katawan na may hindi maipaliwanag na sarap. Lalong bumilis ang aking pagbayo kay Sandra. Subalit maya-maya pa ay natukoy ko na kung ano ang kakaibang pakiramdam na ito: lalabasan na ako!

Sakto nang hugutin ko ang aking ari ay pumulandit sa katawan ni Sandra ang aking katas. Napaungol ako ng malakas dahil sa tindi ng sarap na nadama ko. At sa sobrang dami ng inilabas ko ay halos maligo na si Sandra sa aking tamod. Humihingal pa ako nang mabilis na damputin ni Sandra ang hinubad niyang damit upang pahirin ang pawis at tamod sa kaniyang katawan. Nahiga ako sa tabi niya na naghahabol pa rin ng hininga. Yumakap sa akin si Sandra, at nagsimula kaming makatulog.

~~~~~~~~

Sa tingin ko ay wala pang isang oras kaming natutulog nang magising ako. Pagtingin ko sa orasan ay mag-a-alas dose pa lamang ng tanghali. Malamang ay hinihintay na ako ni mommy para sa tanghalian kaya niyaya ko na rin si Sandra na sa bahay na kumain. Tumanggi siya dahil paparating na rin daw ang mga parents niya. Isa pa, kailangan ko rin daw ng pahinga dahil may mahalagang magaganap bukas.

“Kiyo, sorry for the short notice,” binabasa ni Sandra ang natanggap kong text galing sa aking swimming coach habang nagbibihis ako, “but you have to be at the gym tomorrow. May mga darating na representatives from different universities para mag-scout ng mga potential swimmers na ipapasok sa kanilang scholarship program. This could be your chance. See you at 7:00 AM!”

Isipin mo iyon: mukhang matutupad pa rin ang plano ko na gamitin ang sports upang maging scholar. Hindi biro ang gastos sa university at gusto kong makatulong kay mommy, kaya desidido akong gawin ang lahat ng aking makakaya upang huwag maging pabigat sa kaniya.

“Kailangan mong umuwi ng maaga mamayang gabi, Kiyo.” Ani Sandra. “Pag tapos na ang papel mo sa graduation ball, umuwi ka na’t magpahinga agad. Ikaw rin, baka hindi ka makalangoy ng maayos bukas kapag napuyat ka.”

~~~~~~~~

Kinagabihan ay dumalo ako sa graduation ball bilang escort ng softball captain na si Maxine. Nakita ko si Yuu, escort siya ng kasamahan niya sa theatre club nila. Nang mapansin ko na parang lalapit siya sa akin ay dali-dali akong tumayo upang magpunta sa washroom. Hindi ko pa talaga siya kayang kausapin. Pero sinabi ko sa sarili ko na bukas, dahil kaarawan niya ay babatiin ko siya. Bukas.

Nang bumalik ako sa mesa ay wala na si Yuu. Marahil ay umuwi na. Nagpalipas pa ako ng ilang oras sa ball, at mga bandang alas-onse nang magpaalam ako kay Maxine na uuwi na dahil kailangan ko pang matulog ng maaga. Pinigilan niya ako. Nasagap raw kasi niya na siya ang tatanghaling lady of the night kaya kailangan ko siyang samahan hanggang sa matapos ang ball. Pinilit kong itago ang pagkadismaya ko at nanatili akong kasama niya hanggang ala-una ng umaga — kung saan ay hindi naman siya pinarangalan bilang lady of the night.

Muli akong nagpaalam na uuwi na subalit minsan pa ay pinigilan ako ni Maxine. Nakakahiya naman daw kasi kung iiwanan ko siyang mag-isa. Hindi na nga raw siya nananalo, mawawalan pa siya ng escort. Isa pa, may ibibigay daw siya sa akin kung sasamahan ko siya hanggang matapos ang ball. Ewan ko ba kung bakit kapag babae ang nakikiusap ay hirap na hirap akong tumanggi. Sa huli ay sinamahan ko si Maxine hanggang sa matapos ang graduation ball kahit na alam kong kailangan ko ng pahinga.

Bago umuwi ay may iniabot nga sa akin si Maxine: isang bagong cellphone. Regalo niya raw bilang pasasalamat sa akin dahil nagtiyaga akong samahan siya. May load na rin ito at naka-save na rin ang number niya. Hinalikan niya ako at naghiwalay na kami upang umuwi. Alas-singko na ng umaga nang makarating ako sa bahay. Pinilit kong labanan ang sobrang antok dahil ilang oras na lang ay kailangan ko nang bumalik sa school para sa special try-out.

~~~~~~~~

Naalimpungatan ako sa ingay ng aking alarm clock. Shit! Nakatulog ako! Alas-siyete na ng umaga, at huli na ako sa special try-out! Ang masakit nito ay nakatulog ako na hindi man lang naisi-set ang alarm clock sa mas maagang oras. Nagmamadali kong dinampot ang aking sports bag at hinablot ang tuwalya, ilang damit, at swimming gear at saka isinuksok ang mga ito sa bag. Nagpalit lang ako ng suot na damit, naghilamos at nag-toothbrush ng mabilis at saka humangos papunta sa school. Kahit na anong mangyari, kailangang makakuha ako ng scholarship!

Pagbaba ko ay nakita ko si mommy.

“Saan ka pupunta, Kiyo?” Tanong niya. “Hindi ka ba sasama sa airport?”

“Mommy, sorry, late na ko!”

Iyon lang at iniwan ko na si mommy. Pagdating sa school ay inabutan ko na si coach, kasama ang mga representatives ng universities, at isa-isa ng sumasalang sa pool ang mga kapwa kong swimmers upang magpakitang gilas. Mabilis akong nagpalit ng damit panglangoy at pumuwesto upang hintayin ang aking pagkakataon. Subalit nang dumating ang sandali na ako na ang magta-try out ay nakaramdam ako ng pamamanhid sa aking binti at braso. Epekto marahil ng kaunting tulog.

Habang papalapit ako sa pool ay nagsimulang umikot ang paligid ko. Shit, huwag ngayon! Pumito na si coach hudyat upang humanda ako. Sa muli niyang pagpito ay lumundag na ako sa tubig. Pabilisan ang labanan dito. Pipili ang mga representatives ng pinakamabibilis na manlalangoy. Kailangang mapili ako!

Walang anu-ano’y bigla akong nakadama ng matinding kirot sa aking binti. Hindi puwede ito: pinupulikat ako! Pilitin ko mang lumangoy ay hindi ko na kaya ang labis na sakit. Humingi ako ng tulong at dali-daling nagsilusong sa tubig ang mga kasama ko upang ako’y sagipin. Nang mapagtanto nilang puyat ako ay nagpasiya silang bigyan ako ng kaunting pahinga.

Nang magising ako ay napagtanto ko na hindi ako napili para sa scholarship program. Ang sabi ni coach ay may isang grupo pa raw na darating, pero hindi na ito iyong mga top universities. Kung gusto ko raw sumubok ay pwede pa rin naman. Nawalan na ako ng gana. Sa isip-isip ko ay uuwi na lamang ako. Sayang talaga!

Pagkatapos kong magbihis ay naalala kong ngayon ang kaarawan ni Yuu. Hinanap ko ang cellphone ko sa aking sports bag upang tawagan siya at batiin. Halos binaligtad ko na ang buong bag ko ay wala akong nakitang cellphone. Kung mamamalasin ka nga naman talaga. Hindi ka na nga natanggap sa scholarship program, nawalan ka pa ng cellphone!

Umuwi akong hinang-hina. Pagdating ko sa bahay ay inabutan ko si mommy. Halos kararating lang daw niya galing sa airport, at galit siya sa akin dahil hindi ko raw sinasagot ang mga tawag ni Yuu. Wala ako sa mood para makipag-away kay mommy kaya dumiretso na lamang ako sa aking silid. Pagpasok ko ay nakita ko sa ibabaw ng aking study table ang cellphone ko at ang bigay na cellphone ni Maxine! Naiwanang ko lang pala. Napailing na lang ako. Bigla namang pumasok si mommy.

“Kiyo,” panimula niya, “nag return-call ka na ba kay Yuuto?”

“Hindi pa po.” Sagot ko. “Bakit ba big deal masiyado sa inyo iyon? Babalik naman iyon dito. Para nag-birthday lang sa Thailand iyong tao…”

“Isa ka pa! Hindi ka kasi nakikinig sa akin. Ang sinasabi ko sa iyo, kailangan mong sumama sa airport para ihatid natin sina Yuu at ang mommy niya. Sa Japan na sila titira for good!”

Sabay labas ng kuwarto si mommy. Natigilan ako. Totoo ba ang sinabi ni mommy? Hindi na uuwi dito si Yuu? Kung ganon ay kailangan ko siyang maka-usap! Dinampot ko ang cellphone ko upang tawagan siya pero wala na itong load. Pasalamat na lang ako at may nagbigay sa akin ng cellphone. Hindi makikilala ni Yuu ang number na gagamitin ko dahil bago ito, pero sana sagutin niya ang tawag ko.

Nag-ring ang cellphone sa kabilang linya. Maya-maya pa ay sumagot si Yuu:

“H-hello?”

Dinig ko ang lungkot sa tinig ni Yuu. Oras na upang gampanan kong muli ang papel ng isang matalik na kaibigan. Isang kaibigang maaasahan sa oras ng kalungkutan. Tapos na ang mga sandaling puno ng takot ang dibdib ko dahil sa kakaiba ang bestfriend ko. Kahit na ano pa man ang mangyari, si Yuuto ay si Yuuto — bakla man o hindi, siya ang bestfriend ko!

“Yuuto, alam kong naririnig mo ako. Pakinggan mo ang sasabihin ko…” Huminga ako ng malalim at nagpatuloy sa pagsasalita. “Inaamin ko, mali ako sa hindi pagpansin sa iyo nitong mga nakaraang linggo. Sana mapatawad mo ako. Mahal kita, Yuu. Mahal na mahal kita…”

Binabaan ako ni Yuu ng telepono. Shit! Huli na yata ang lahat. Dahil sa hindi ko pagpansin sa kaniya, marahil ay nagpasiya na siyang tuluyan na akong kalimutan. Nagsimulang mangilid ang luha sa aking mga mata dahil sa matinding panghihinayang.

Noong araw na iyon, dalawang mahalagang bagay ang nawala sa akin…

…ang pangarap ko…

… at ang bestfriend ko…

Happy birthday, Hisagi Yuuto.

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25