Download Story.

close

MAGNET: A BL Story by Xross Kyuuketsuki

Written By: xrosskyuuketsuki       |       Story Status: Completed
Posted By:
xrosskyuuketsuki

CHAPTER 3

MAGHAPON KAMI’NG MAGKASAMA ng girlfriend kong si Sandra dahil holiday ngayon. Sulit na sulit ang araw na ito dahil simula nang makapasok ang baseball team namin sa championship game ay bihira na kaming magkasama; si coach kasi ay dinagdagan ang training hours namin. Inihatid ko si Sandra sa kanilang bahay at doon na rin ako naghapunan kasama ng pamilya niya. Matapos nito ay umuwi na ako.

Sa daan ay hindi naiwasang sumagi sa isip ko ang pagtulog ko sa kwarto ni Yuu kagabi. Hindi ko kasi matiyak kung hinipuan ba ako ng matalik kong kaibigan o tumanday lang siya sa akin. Kahit ano pa, kailangan ko siyang kausapin.

Gabi na nang makarating ako sa subdivision namin. Nagmamadali akong naglakad patungo sa bahay nila Yuu at nang makarating ako sa kanila ay nakita kong may nakaparadang motor sa labas, at bukas ang ilaw sa kaniyang silid.

Pumasok ako at dumiretso sa pinto subalit naka-lock ito. Nagtatalo ang isip ko kung kakatok ba ako upang lumabas si Yuu o uuwi na lang muna ako sa amin. Lalo lang tumindi ang paghihinala ko na may kakaiba sa ikinikilos ni Yuu. Bigla ko tuloy naalala ang palaging ibinibilin ng mommy niya sa akin kapag hindi siya nakikinig: “Ingatan mo si Yuuto sa mga sira-ulong lalaki.”

Gayon pa man ay nanaig sa akin ang hiya at nagpasiya ako na umuwi na lamang. Dumiretso ako sa aking silid upang magbihis, subalit hindi ako mapalagay. Kung may motor kasi sa labas, siguradong may ibang kasama si Yuu. Nagpasiya akong tawagan si Yuu. Nang mag-ring ang cellphone niya ay bigla ko ring ibinaba ang telepono. Hindi ko kasi alam kung paano ko sisimulan ang usapan namin. May ilang ulit pa na sinubukan ko na muling tawagan si Yuu subalit muli ko rin namang ibababa ang telepono sa tuwing tutunog ang cellphone niya. Hindi ko kaya!

Bumaba ako sa sala upang manuod ng TV pero si Yuu pa rin ang naiisip ko — at ang motor. Naaalala ko ang motor na iyon, hindi ko lang matukoy kung sino ang nakita kong gumagamit noon. Labas-masok ako sa pinto namin na parang may hininahanap o may hinihintay. Hindi ko rin maipaliwanag ang pagkabalisa ko noong gabing iyon. Napansin ni mommy ang ikinikilos ko.

“May hinihintay ka ba, anak?” Tanong ni mommy.

“Uhm, kasi si Yuu — hindi sinasagot yung mga tawag ko…”

“Bakit hindi mo puntahan sa kanila?”

“Ah… o-oo nga… tama… sige, mommy, lalabas muna ako.”

Dali-dali akong nagtungo sa bahay nila Yuu subalit hanggang sa makarating ako malapit sa kanila ay parang may kung anong pwersa pa rin ang humihila sa akin at nagsasabing umuwi na lang ako. Pero nangako ako sa mommy ni Yuu na iingatan ko siya. Huminga ako ng malalim, at pumihit sa kalyeng maghahatid sa akin patungo kay Yuu. Malayo pa lang ay natigilan na ako dahil nakita ko na may lalaking lumabas sa gate nila at sumakay sa motor: si Renz! Sumunod na lumabas si Yuu at inihatid ng tanaw ang papalayong si Renz. Sabi ko na nga ba at nakita ko na ang motor na iyon!

Naisara ko ng mahigpit ang aking kamao. Sa dami ng makikita kong kasama ni Yuu, bakit si Renz pa? Kilala siyang maloko sa lugar namin. Ano ang kailangan niya kay Yuu? Muli ko’ng tinangkang tawagan si Yuu nang mapansin ko na papasok na siya sa kanila. Dito lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na kausapin siya.

“H-hello?” Ani Yuu.

“Kaya naman pala hindi kita maka-usap, busy ka pala.”

Iyon lang at ibinaba ko na ang telepono at umuwi sa amin. Masama ang loob ko sa sarili ko dahil hindi ko kayang protektahan si Yuu, at ang tanging nagawa ko lang upang hindi ako ma-guilty ay ang magalit sa kaniya upang palabasin na kasalanan niya ang lahat.

Kailangan kong makabawi kay Yuu. Kailangan kong masiguro na hindi siya mapapalapit sa mga sira-ulong lalaki. Bibigyan ko siya ng panahon na makakilala ng ibang kaibigan, at may alam akong magagawang ibaling ang atensiyon niya palayo kay Renz at sa iba pa: si Hazel.

Dali-dali kong tinawagan si Hazel at ipinaalam sa kaniya ang aking plano. Nangako sa akin si Hazel na sisiguraduhin niyang “malilibang” si Yuu sa kaniya, pero kailangang huwag kong kakausapin si Yuu hanggat hindi niya sinasabi.

Hindi naman pumalya sa pagre-report si Hazel simula ng isakatuparan niya ang kaniyang “misyon”. Sa unang araw ay ginamit niya ang kaniyang mga kaibigan upang ipaalam kay Yuu na humahanga siya rito. Si Yuu naman ay tumugon sa pamamagitan ng paghingi sa numero ni Hazel. Noong ikalawang araw ay magka-textmate na sina Yuu at Hazel, at sa ikatlong araw nga ay masayang ibinalita sa akin ni Hazel na sila na ni Yuu.

“Pero hindi mo pa siya pwedeng kausapin, Kiyo.” Bilin sa akin ni Hazel nang magkita kami sa cafeteria upang makapag-usap. “Hintayin mo ang go-signal ko bukas.”

Kinabukasan nga ay matama kong hinintay ang senyales ni Hazel. Upang hindi ako mainip ay  tumambay muna ako kina Sandra. Inabutan kong ang tanging kasama niya ay ang bunso niyang kapatid na si Nicholo — siyam na taong gulang. Ginugol namin ang maghapon sa panunuod ng isang season ng favorite niyang American series sa kanilang living room. May batas kasi sa bahay nina Sandra na bawal magpapasok ng lalake sa kaniyang silid, pero sa tuwing naiiwan kaming dalawa sa sala ay sumisimple kami upang makapaghalikan.

Marahil ay nabibitin na rin si Sandra sa panakaw-nakaw naming sandali kaya inutusan niya si Nicholo na pumunta sa convenience store upang bumili ng merienda. Mabuti na lamang at masunurin ang kapatid niya, kaya kami na lamang ang naiwan sa kanilang bahay.

“Babalik agad iyon,” ang mapang-akit na wika ni Sandra, “kaya bilisan natin.”

“Sigurado ka ba dito?” Mabilis ang tibok ng puso ko habang nagtatanong.

Hindi sumagot si Sandra, bagkus ay madali siyang lumuhod sa harapan ko. Mabilis niyang ibinaba ang suot kong shorts at hinimas-himas ang aking alaga hanggang sa tuluyan na akong tigasan. Hindi ko maiwasan ang mapaungol nang isinubo niya ito. Labas-masok ang galit na galit kong ari sa kaniyang bibig, at matapos pa ang ilang sandali ay nahawakan ko siya sa ulo dahil naiputok ko na ang aking katas sa loob na kaniyang bibig.

Ito ang first time na mas higit pa sa paghahalikan ang ginawa namin ni Sandra. Sa katunayan pa nga ay ito ang kauna-unahang nagpaputok ako sa isang tunay na babae — palagi kasing si Mariang Palad ang pumapawi sa init ko.

Kahit nilabasan na ako ay parang bitin pa rin ako. Pinahiga ko si Sandra sa sofa at ako naman ang nagtrabaho. Sumuot ako sa ilalim ng suot niyang mini-skirt at hinila pababa ang suot niyang panty. Dinila-dilaan ko ang kaniyang hiwa at marahan niyang iginiling ang kaniyang balakang.

Lalo akong ginanahan kaya pinaghusayan ko pa ang pagnamnam sa kaniyang hiyas. Ibinuka ko pa ito, at muli kong ipinasok ang aking dila upang laruin ang kaniyang kuntil. Bumilis ang giling ng kaniyang balakang, at ngayon nga ay nakahawak na rin siya sa aking ulo. Nagsimulang umungol si Sandra, at walang anu-ano nga ay tuluyan nang nabasa ang kaniyang hiwa ng kaniyang tumagas na katas. Nilasap ko ang kaniyang nektar hanggang sa huling patak. Pagkatapos nito ay bumalik na kami sa panunuod ng DVD, at maya-maya pa ay dumating na rin si Nicholo.

Nang halos dumidilim na ay nagpasiya na akong umuwi. Sa daan ay nakatanggap ako ng text kay Hazel. Dito niya ibinalita sa akin na may nangyari sa kanila ni Yuu. Isipin mo nga naman, ang alam ko kasi ay virgin pa din si Yuu. Ang ibig sabihin nito ay sabay kami’ng nagkaroon ng karanasan sa babae. Mag bestfriend nga talga kami!

Dumaan ako sa kanila bago umuwi sa amin at nakita ko pa siyang papasok na sa kanilang gate. Maganda ang ngiti ko habang lumalapit sa kaniya.

“Congrats, Yuu!” Bati ko. “Effective pala iyong space na ibinigay ko sa iyo — nagka-girlfriend ka in three days.”

“Ha? Pa’no mo nalaman?” Gulat na tanong ni Yuu.

“Magka-text kami kanina pa ni Hazel at may naikuwento siya sa akin.”

Napamura si Yuu at napahalakhak naman ako ng malakas.

~~~

May isang linggo na simula ng maging mag-on sina Yuu at Hazel, at normal na muli ang samahan namin ng bestfriend ko. Muli ay nakumbinse ako na normal si Yuu. Subalit isang araw, biglang hindi pumasok si Yuu at nang hanapin ko siya kay Hazel ay hindi rin nito alam kung nasaan siya. Nagpasiya akong magtext kay Yuu. Ang sabi niya, nasa Pangasinan lang siya at nagbabakasyon.

Nagtaka ako dahil parang masiyadong biglaan ang ginawa niya at ngayon lang siya hindi nagpa-alam sa akin na mawawala siya. Pero dahil may tiwala ako kay Yuu ay naniwala ako sa sinabi niya.

Kinahapunan, habang papauwi na ako sa amin, ay hindi ko inaasahan ang aking nakita: lumabas si Yuu sa bahay nina Renz. Muli na namang nanumbalik ang galit ko. May kulang pa ba sa ginawa ko para kay Yuu? Bakit kailangan pa niyang makipagkita kay Renz? Hindi pa ba sapat si Hazel?

Ang sabi ng mommy ni Yuu, ingatan ko siya sa mga sira-ulong lalaki — sa mga lalaking hindi siya kayang mahalin ng totoo! Kilala si Renz sa lugar namin bilang maloko at malibog na lalake. Kung magkasama sila ni Yuu, siguradong may ginagawa silang hindi tama! Masasabi kong hindi tama dahil hindi marunong magmahal si Renz. Libog lang ang lahat sa kaniya. Malamang, noong gabing nakita ko siyang nanggaling kina Yuu ay may nangyari din sa kanila. Kailangan nang matapos ang kalokohang ito. Ngayon na!

Tinawag ko si Yuu subalit hindi siya lumingon. Sa galit ko ay sinigawan ko siya at doon lamang niya ako pinansin. Mabigat ang yapak ng aking mga paa habang lumalapit ako sa kaniya. Hindi ko maitago ang galit ko.

Galit ako dahil parang balewala sa kaniya si Hazel. Galit ako dahil kasama niya si Renz. Galit ako dahil hindi ko siya kayang protektahan. Bakit Yuu? Bakit?

“Dahil bakla ako, Kiyo.” Ang wika ni Yuu habang umiiyak. “Bakla ang bestfriend mo!”

Halos maiyak ako sa sinabi ni Yuu. Matagal ko nang alam ang bagay na ito dahil madalas magbilin ang mommy niya sa akin. Subalit iba pa rin ang dating kung sa mismong tao mo maririnig ang katotohanan. Lalo pang bumigat ang nararamdaman ko nang ipagtapat sa akin ni Yuu na minamahal niya ako ng higit pa sa isang kapatid o kaibigan.

Hindi ko alam ang isasagot ko sa kaniya. Siguro nga ay totoo ang sinasabi ni Sandra na isa akong friend-in-denial. Sa kabilang banda kasi ay umaasa pa rin ako na mas pipiliin ni Yuu ang mamuhay nang normal — o namumuhay na nga ba siya ng normal at ako ang di tuwid ang pag-iisip? Naguguluhan ako! Tumalikod ako kay Yuu. Marahang naglakad palayo, at pagkalao’y tumakbo.

Kung alam ko lang na ito na ang huling pagkakataon na makakapag-usap kami ni Yuu, hindi ko siya iiwanan noong araw na iyon. Sasamahan ko siya hanggang sa tuluyan kong maintindihan ang nararamdaman ng bestfriend ko.

Pero naging duwag ako…

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25