CHAPTER 8
“WHAT THE FUCK?!” Hindi ako makabangon kinaumagahan. Para akong pinapaikot sa kinahihigaan ko. Hindi naman karamihan ang naimon kong beer kagabi, pero bakit nahihilo pa rin ako? Ano’ng nangyayari? At nasaan ako?
Biglang sumilip si Renz mula sa pinto. May dalang mainit na bowl ng noodles. Tumingin ako sa paligid. May lamesita sa tabi ng kama, at naroon ang mga pictures nilang mag-asawa at ng anak nila. Nasa kwarto ako nila Renz. Napangisi ako. Ilang babae o bakla na kaya ang naikama dito ni Renz sa tuwing wala ang asawa niya?
“Breakfast in bed?” Ani Renz. Inilapag niya ang bowl sa lamesita, at umupo sa tabi ko. Hinimas-himas ako ni Renz sa noo, hinawi ang aking buhok. Para bagang alam niya kung ano ang nangyayari sa akin. “Nahihilo ka ba?” Tanong ni Renz.
Pinilit ko’ng sumagot kahit na umiikot ang paligid ko.
“Hang-over iyan,” wika ni Renz, “first time mo ba? Mag noodles ka muna.”
Habang kumakain ay nag text pa sa akin si Kiyo, inaalam kung nasaan ako, at kung hindi ba ako papasok. Tumingin ako sa orasan na nakasabit sa pader: alas-nueve na pala ng umaga! Nag reply na lang ako na nagpunta ako sa Pangasinan, sa probinsiya ng mommy ko, para mag-unwind at dahil nami-miss daw ako ng lola ko. Hindi na nag reply si Kiyo.
Sa huli, maghapon lang akong natulog sa silid nila Renz dahil kahit ano’ng pilit kong bumangon ay talagang matindi ang pagkahilo ko. Nang gumagabi na ay pinilit ko na’ng ibangon ang sarili ko. Gusto ko nang umuwi. Hindi rin naman kasi ako nakakasigurado kung kailan darating ang asawa ni Renz, at ayoko’ng abutan niya ako dito.
Paglabas ko ng silid ay nagluluto ng hapunan sa Renz. Ginisang corned beef lang naman ang niluluto niya pero bahung-baho ako dito. Hindi ko matiis ang amoy kaya dali-dali akong lumabas ng bahay. Sinundan pa ko ni Renz para alalayan pero sinabi ko na lang na ayos na ako, at kailangan ko nang umuwi. Gusto ni Renz na kumain muna ako, pero tumanggi na ako. Hindi na nagpumilit si Renz.
May ilang minuto na akong tulala habang naglalakad sa kalye. Iniisip ko pa rin ang unang pagkakataon na napunit ang pagka-birhen ko. Alam ko’ng nag-enjoy ako pero sa likod ng utak ko, hinihiling ko na sana, sana man lang, si Kiyo ang naka-una sa akin. Kahit na alam ko’ng hindi ako ang baklang naka-una sa kaniya (dahil naunahan ako ng baseball captain nila, pakshet siya!), umaasa pa rin ako na sa huli ay may mas malalim pang patutunguhan ang pagkakaibigan namin ni Kiyo.
“Yuu!”
Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad.
“Yuu!”
Hindi ko pinansin ang boses ng tumatawag sa akin.
“Hisagi Yuuto! Baka ra yo! “
Bigla akong natauhan. May nagmura sa akin — sa salitang Hapon. Minura ako in Japanese! Dalawa lang ang taong kilala ko na nagsasalita ng Hapon kapag nagagalit: si Mommy, at si Kiyo.
Biglang akong pumihit sa aking likuran at naroon si Kiyo, matalim ang mga mata, at malalim ang paghinga — halatang may matinding galit sa dibdib.
Natakot ako. Hindi ko pa nakita si Kiyo na magalit nang ganito. Kahit na noong mga bata pa kami at napapasabak kami sa ilang mga away bata, ngayon ko lang nakita ang kakaibang poot sa mga mata ng bestfriend ko. Mabigat ang yabag ng kaniyang mga paa habang papalapit sa akin.
“ANTA GA YATTE IRU TO OMOIMASUKA?!”* Pasigaw na tanong sa akin ni Kiyo. “ALAM MO PA BA ANG GINAGAWA MO, HA, YUUTO?!”
Hindi ko alam kung ano’ng isasagot ko. Para kasing alam ko na ang dahilan kung bakit nag-ngingitngit sa galit si Kiyoteru. Hinablot ni Kiyo ang kuwelyo ko.
“Ang sabi mo, nasa Pangasinan ka. Pero bakit nakita kitang lumabas sa bahay ni Renz? Sa kanila ka ba natulog?! Ano’ng ginawa ninyo?! NAGUSTUHAN MO BA?!”
“PUTANG-INA, KIYO, TUMAHIMIK KA NA!” Sabay tulak kay Kiyo.
Sinigawan ko si Kiyo. Sa kauna-unahang pagkakataon, sinigawan ko si Kiyoteru Kaneshiro — ang bestfriend ko. Hindi ko na kasi napigilan ang sarili ko. Napikon ako sa mga tanong niya. Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko nang biglang mag-unahan ang mga luha sa aking pisngi at tuluyan na akong umiyak.
“OO, KIYO! G-galing ako kina R-Renz! At OO, m-may ginawa kami! At OO, n-nagustuhan ko ang g-ginawa namin! MAY TANONG KA PA?!” Pinilit ko’ng magsalita sa gitna ng pagtangis.
“Bakit, Yuu?” Biglang naging mahinahon ang tinig ni Kiyo. “Bakit kay Renz?”
“Dahil bakla ako, Kiyo.” sagot ko, “Bakla ang bestriend mo!”
“Alam ko iyon, Yuu.” Maluha-luha si Kiyo, “Alam ko iyon… matagal na… dati pa…”
Nanlaki ang mga mata ko. Para’ng ayaw ko’ng maniwala pero magsisinungaling pa ba naman sakin Kiyo?
“What the fuck! And you didn’t give a damn? Bakit?”
“Dahil ipinagkatiwala ka sakin ng mommy mo nang mga bata pa tayo; at nangako ako na puprotektahan kita.”
“So ano? Ginagawa mo lang ang trabaho mo? Bakit, binayaran ka ba ng mommy ko para pakisamahan ako? All those years, Kiyo, all those years, kaya mo lang ba ako pinagtitiisang maging kaibigan ay dahil nangako ka sa mommy ko? Go to hell!”
“Ginagawa ko iyon dahil mahal kita, Yuu—“
“—at mahal din kita, Kiyo!”
“—bilang kapatid at kaibigan, Yuu…”
“Fuck!”
Sabay talikod ako kay Kiyo. Hindi ko na to kaya, kunin mo na ako, lord, o satanas. Kahit sino, please, ilayo niyo lang ako kay Kiyo ngayon. Gusto kong matunaw sa magkahalong hiya at galit. Gusto ko’ng maglaho!
Bakit kasi hindi kita naging katulad, Kiyo? Bakit kasi normal ka habang ako’y hindi? Kung pareho lang sana ang mundong ginagalawan natin ay hindi ito ang problema ko ngayon. Sana pinoproblema ko na ang kinabukasan natin. Pero hindi, gising gising din pag may time dahil sa totoong buhay, walang kinabukasan sa ating dalawa.
“Yuu,” ani Kiyo, ipinihat ako paharap sa kaniya. “tanggap ko kung ano ka. At kung talagang sa lalake ka masaya, susuportahan kita. Kung iiwan mo si Hazel upang sundin ang tibok ng puso mo, kaya kitang ipagtanggol — isa lang ang paki-usap ko: huwag kay Renz. Wala kang pagmamahal na makukuha sa kaniya. Libog lang ang lahat kay Renz.”
“At sino ang lalaking mamahalin ko, Kiyo? Kaya mo ba’ng ibigay ang pagmamahal na hinahanap ko? Dahil wala akong ibang lalaking mamahalin sa buong buhay ko kung hindi ikaw lang, Kiyoteru Kaneshiro. Handa akong ibigay ang lahat, kapalit ng pagmamahal mo. Lahat… lahat…”
Hindi sumagot si Kiyo. Matagal niya akong tinitigan, hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Walang anu-ano’y tumalikod si Kiyo. Dahan-dahang naglakad palayo, at di naglao’y tumakbo.
Naiwan ako sa kalye, naghahalo ang uhog, pawis, at luha sa aking mukha. Kumuha ako ng panyo upang punasan ang aking mukha at nagsimulang maglakad pauwi sa aming bahay. Kailangan ko nang tanggapin: tuluyan nang mawawala sa akin si Kiyo.
Sa wakas, dumating na kami sa puntong kinatatakutan ko — ang araw na kailangan na naming pumili: puso o kaibigan. Gusto ko’ng piliin ito pareho, pero si Kiyo — hindi ko alam.
Pagdating ko sa bahay ay marahan ko’ng binuksan ang pintuan at laking gulat ko nang mapansin ko’ng hindi naka-lock ang door knob. Bigla ako’ng kinabahan. Napasok yata ng magnanakaw ang bahay namin.
Dahan-dahan ko itong binuksan upang huwag gumawa ng ingay, at marahan akong sumilip sa loob. Bigla akong napatili ng malakas ng may kamay na humila sa likod ng pinto, dahilan upang bumukas ito ng mabilis.
“Yuuto, grabe ka naman makasigaw.”
“Mommy?”
“Wala ba ako’ng kiss? Na-miss ko ang bunso ko…”
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Notes:
* “ANTA GA YATTE IRU TO OMOIMASUKA?!” – What do you think you’re doing?!
Isang chapter na lang at tapos na ang book 1. Malapit nang magkuwento si Kiyotero Kaneshiro sa book 2 ng Macho Hearts! I love you all!!!
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25
0 thoughts on “MAGNET: A BL Story by Xross Kyuuketsuki”