CHAPTER SIX
Impit na napatili si Pippa nang mula sa likod ay sumulpot si Harry at buhatin sya. Mahigit isang linggo na mula nang halikan sya nito at bagaman walang sinasabi ang binata ay nanatili itong malambing sa kanya.
“Wag kang makulit, wala tayong hapunan.” aniya nang ibaba nito sa balkonahe.
“Full moon, mag swimming tayo.” itinuro pa nito ang buwan.
“Sige sa tabing dagat tayo kumain.” naengganyong wika nya.
“Tutulungan kitang magprepare.” muli tinangka sya nitong buhatin pabalik sa kusina ngunit natatawang itinulak nya ito at mabilis na tumakbo patungong kusina.
Tila batang sinubuan pa sya ni Harry ng ulam. Alanganing nagpaunlak sya.
“Bakit ka ba ganyan? Baka mawili ako.” aniya habang ngumunguya. Nasa tabing dagat sila at nakaupo sa banig na inilatag nito.
“Pwede namang mawili…” kaswal na wika nito.
Natigilan sya. Batid naman nyang hindi sila bagay ng binata at hindi sya nangangarap.
“Ayoko.” aniya matapos uminom ng tubig.
“Why not?”
“Nagtanong ka pa, obvious ba, kumplikado ang lahat. At kung patuloy akong kikiligin sa iyo, sigurado masasaktan lang ako.”
Hindi sumagot si Harry sa halip ay hinila sya patayo patungo sa dagat. Maya maya lang ay tila mga batang naghahabulan na sila sa tubig. Nang maabutan sya ni Harry ay agad syang niyakap.
“Para kang isda…” anitong humihingal. Magkalapit ang mukha nila at tila sya kinakabag sa nararamdamang tensyon.
“Malapit kasi kami sa dagat.”
“Kaya pala ganyan ang kulay mo…” pang aasar nito na nakayakap pa rin sa beywang nya.
“Hehe, pag pumuti ako, di na kita papansinin.”
“Di mangyayari iyon…” mabilis na dinampian nito ng halik ang labi nya.
“Na di kita papansinin?” bahagyang pumiyok ang boses nya kasabay ng pagtangkang kumawala.
“Na pumuti ka…” ani Harry na tumawa bago muli syang ginawaran ng halik. Sa pagkakataong ito ay mas matagal ang halik na iyon at tinugon nya ng kasing init ang halik nito. Ang kamay nito ay marahang naglakbay patungo sa gilid ng dibdib nya at ang isang kamay na nasa beywang nya ay bumaba sa may balakang nya. Nang tuluyang sakupin ng kamay nito ang dibdib nya ay marahan syang kumawala.
“Hindi pwede.” bulong nya.
Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Harry. “Yeah…”
Tuluyan syang lumayo mula rito at umahon sa dagat. “Magliligpit na ako, malamig na.”
“Come back here, Pippa.” pakiusap nito. May bahagi ng katawan nya ang nais bumalik sa mga bisig nito ngunit ang matinong bahagi ng isip nya ang tumututol at nanaig.
“Hindi pwede, Harry. Naiinip ka lang at ako ang nagiging libangan mo.”
“Ganoon ba ang tingin mo, Pippa?” may pagtatampong wika nito.
“Noong nakainom tayo at may namagitan sa atin, tinanggihan mo ako, hindi tayo lasing ngayon, Harry. Anong pagkakaiba kung may mamagitan muli sa atin. Pakakasalan mo na ba ako gaya ng nais ko?” mahabang paliwanag nya. “Mas maganda kung iwasan na lang natin ang mga ganitong eksena.” dagdag pa nya.
Hindi umimik si Harry. Tila naguguluhan ang ekspresyon ng mukha nito. Niyuko nya ang mga gamit at nagsimulang ligpitin. Hindi lumilingon na bumalik sya sa bahay. Pagkatapos maligo ay nasalubong nya si Harry na kapapasok lang.
“Gusto mo ba ng kape para mainitan ka?” alok nya.
“No thanks, matulog ka na.” anito at tinungo ang banyo.
Walang imik na naglatag sya at nahiga. Hindi na nya maaring bawiin ang sinabi kahit sumama pa ang loob ng binata sa kanya. Hindi sya dapat magpadala sa kilig na nararamdaman mula sa atensyong binibigay ni Harry. Maaring naiinip lamang ang binata sa ilang linggo nilang pananatili sa isla at sya ang naging libangan nito.
Nang makalabas ng banyo ay sinulyapan ni Harry ang natutulog na si Pippa bago dumiretso sa kwarto. May bahagyang guilt syang naramdaman sa pakikitungo rito. Sadyang plinano nyang makipaglapit dito upang mawala sa isip nito ang pagnanais na tumakas. Inaasahan nyang kapag palagay na ang loob ni Pippa sa kanya ay mas magiging madali para rito ang tanggapin ang halagang inaalok nya sa halip na pakasalan ito. But kissing her was not planned. At hindi nya inaasahan na tatanggi ito. Kumbaga, hindi pa man sya nagtatapat ay basted na. At sya ang parang tangang natatangay sa tuwing hinahalikan ito. Blame those sweet lips of her. Nang maalala ang insidente sa dagat kanina, ang matamis na labi nito at ang malambot na katawan ay kusang nagkaroon ng reaksyon ang sariling katawan. Tama si Pippa, naloloko na nga marahil sya. Mahina syang nagmura bago nahiga.
Hindi maipagkakailang may bahagyang tensyong namamagitan sa kanila ni Harry. Bahagya na itong sumagot tuwing magkasabay silang kumakain at tila laging umiiwas ito sa kanya. Kapag tinangka nya itong kausapin ay bigla itong lumalayo. Pilit na lang nyang inabala ang sarili sa mga gawaing bahay upang di maapektuhan ng pambabalewala ni Harry. Marahil nga ay natauhan na ito, ang nakakainis lang may bahagi ng pagkatao nya ang nalungkot sa pangyayari.
“Pwede bang mag usap naman tayo, dadalawa na nga lang tayo rito sa isla ganyan ka pa?” di nya napigil na magkomento nang matapos kumain ay tumayo na ito.
“Well, I thought kailangan kitang iwasan?” anitong muling naupo
“Pero kasi…” paano ba nya ipapaliwanag na namimiss nya ang malambing na pakikitungo nito.
“Namimiss mo ako?” kumikislap ang mga mata ng binata. Isang pigil na ngiti ang nasa labi nito.
“Hindi noh…mas safe ako pag di ka malambing.” tumayo sya at dinala sa lababo ang pinagkainan. Sumunod si Harry at nakahalukipkip na pinanood sya habang nakasandal sa gilid ng lababo. Ang ngiti nito ay hindi na ikinubli.
“Mas safe…” ulit nito
“Oo naman, kasi pinaglalaruan mo ako pag malambing ka…” patuloy sya sa paghugas at di ito sinusulyapan.
“Mas safe kasi naaapektuhan ka pag nilalambing kita.” konklusyon nito.
“Di ah.”
“Eh bakit di ka makatingin sa akin?” tudyo nito
Pinilit nyang titigan ito sa kanyang pinakaseryosong ekspresyon. Bakit ba tila alak ito, habang tumatagal ay lalong sumasarap, este gumagwapo. At nalalasing na nga yata talaga sya. “At bakit naman ako hindi makakatingin sa iyo, aber?”
“Dahil nagwagwapuhan ka sa akin?” unti unting itong lumapit sa kanya.
Natatarantang umurong sya at winisikan ito ng tubig mula sa mga basang kamay.
“Wag kang lalapit!”
Natawa si Harry at itinaas ang mga kamay bilang pagsuko. “Bawal kang lapitan tapos namimis mo naman ako.”
“Hindi nga. Matulog ka na, gabi na.” taboy nya rito.
“Maaga pa.” sinipat nito ang relo. “Maglakad tayo sa tabing dagat, hihintayin kita sa labas.” hindi sya hinintay sumagot nito sa halip ay lumabas na.
Naiwan syang nagtatalo ang loob. Kapag sumama sya rito ay magkakalapit na naman sila. Kung maglalatag naman sya at matutulug-tulugan ay mukha syang tanga. Bumuntong hininga sya at tuluyan ng tinapos ang paghuhugas.
Si Harry ay natagpuan nyang nakaupo sa pasimano ng balkonahe. Agad sya nitong sinalubong at hawak sa kamay na iginiya palabas.
“Saan ba tayo pupunta?” pagsisimula nya. Tahimik lang silang magkahawak kamay na naglalakad sa dalampasigan.
“Dito lang…magkahawak kamay lang.” ani Harry
“Ang sweet naman natin.” maasim ang mukhang komento nya na tinawanan lang ni Harry.
Naupo ito sa batuhan at sumunod sya.
“Hangga kelan ako rito, Harry?” tanong nya
“Hangga magbago ang isip mo.” matipid nitong wika.
May bahagyang inis syang nararamdaman. “Ganoon pa rin ang desisyon ko, Harry. Hindi ko matatanggap ang halagang inaalok mo.” pilit nyang hinila ang kamay na ayaw pakawalan nito.
“Please understand my position, Pippa. Ayokong magulo ang pamilya ko.”
“Paano ako?”
“Tutulungan ka namin, kung anong gusto mo…”
Bigla ang masarap na pakiramdam ng presensya ni Harry ay naging mabigat.
“It’s give and take, Pippa. Hindi ko gustong lokohin ka kaya sinasabi ko sa iyo ito.”
“Mahirap lang kami Harry pero hindi ako pinalaki ng mga magulang ko na walang respeto sa sarili. Sana wag namang pati iyon kunin ninyo dahil mayaman kayo.” hindi nya napigilan ang pagpatak ng luha.
“I’m sorry, wag na muna nating pag usapan ito.” ani Harry kasabay ng pagpahid ng luha nya. Bago pa sya muling makapagsalita ay dumampi na ang labi nito sa labi nya. Marahang itinulak nya ito.
Inilayo nya ang mukha nang tangkain ni Harry na muli syang hagkan.
“I give up, hindi umuubra ang charms ko sa iyo.” natatawang wika nito. Hinaplos ng daliri nito ang labi nya. “You have sweet lips, what can I say.”
Ang mga sumunod na oras ay inubos nila sa kwentuhan at nanatili namang behave si Harry. Hindi na muli nito tinangkang halikan siya at nakuntento na sa paghawak hawak at pagpisil sa kamay nya.
“Tara na…baka nag eenjoy kang masyado sa kagwapuhan ko eh ala una na.” anito nang maghikab sya.
Tumatawang hinampas nya ito at nauna ng tumayo. Magkahawak kamay na muli silang bumalik sa bahay.
“Tabi tayong matulog?” tudyo ni Harry nang magsimula syang maglatag ng banig sa sala. Nakaupo ito sa sofa at pinapanood sya.
“Heh…matulog ka na…”
“Mamimiss kita pag pumasok ako sa kwarto…”
“Tigilan mo nga ako, antok lang iyan.” aniya
“Gising na gising nga ako pag kasama ka eh. Lahat ng himaymay ng katawan ko gising.” kumindat ito.
Bahagya syang namula sa kapilyuhang ipinahihiwatig ng binata. Binato nya ito ng unan na nasalo naman nito. Nagulat pa sya nang mahiga ito sa banig. Hinila nya ito at pinilit na ibangon.
“Sige ka sa kwarto mo ako matutulog kapag hindi ka bumangon.” banta nya. Ngumiti lang si Harry at ipinikit ang mata. Mabilis na tinungo nya ang kwarto nito at nahiga sa kama. Impit syang napatili nang mahiga si Harry sa tabi nya at mabilis syang niyakap. Ang mga binti nito ay nakadantay sa katawan nya.
“Ang bigat mo…” kunwa ay reklamo nya. Ang totoo ay nararamdaman nyang gising na gising nga ang lahat ng himaymay ng katawan nito. Kinakabahan sya sapagkat alam nyang naaapektuhan din sya ng pagkakalapit nila. “Lilipat na ako sa sala.”
“Ayaw.” lalo nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya. “Matutulog lang tayo, Pippa. Wala akong gagawing masama sa iyo.” anitong isiniksik pa ang mukha sa leeg nya.
“Hindi ba ako amoy pawis?” maya maya ay tanong nya. Mahinang natawa si Harry.
“Amoy baby.” sininghot pa nito ang leeg nya at nananayo ang balahibo nya sa braso. Hiling lang nya ay hindi alam ni Harry kung ano ang epekto ng ginagawa nito sa kanya.
“Hindi ako makakatulog ng katabi ka.” muli ay wika nya makalipas ang ilang sandali.
Umungol lang si Harry ngunit hindi sya binitiwan. Walang magawang ipinikit nya ang mga mata at pinilit matulog.
Maliwanag na ang sikat ng araw nang magmulat sya ng mga mata. At sa labis na kahihiyan nya ay gising na si Harry at pinapanood sya.
“Kanina ka pa gising?” bigla naconscious sya sa itsura nya.
“Medyo…” matipid itong ngumiti. “Akala ko hindi ka makakatulog, pero nauna pa akong magising sa iyo.” tudyo nito.
Naupo sya at hinagod ang buhok. “Magluluto na ako ng almusal.” paalam nya at tumayo na. Si Harry ay nanatiling nakahiga at may ngiti sa labi na tumango.
“Susunod na ako.” anito bago sya tuluyang makalabas.
Naghilamos muna sya at nagmumog bago nagpakulo ng tubig. Nagsalang sya ng sinaing at nagluto ng bacon at itlog. Papaubos na ang laman ng ref at nagsusulat sya ng mga kailangang stocks nang lumabas si Harry.
Habang nag aalmusal ay panay ang biruan nila. Pagkatapos mag almusal ay muli silang naglakad lakad sa isla. Namasyal sila sa batuhan at dinala na ni Harry ang camera nito.
“Bakit ba puro ako ang kinukuhanan mo …” reklamo nya. Sigurado makintab na naman ang ilong nya at buhol buhol ang buhok.
“Para pag nakatakas ka, ipapaskil ko to sa lost and found.” biro nito.
“Pag nakatakas ako rito, hindi mo na ako matatagpuan.”
“We’ll see.” matipid nitong wika at muli syang kinunan ng picture.
Bago magtanghalian ay bumalik na sila sa bahay at pritong manok lang ang niluto nyang ulam.
“Darating mamaya iyong stocks. Ikaw na lang tumanggap ha. Maliligo lang ako.”
Tumango sya at nagpatuloy sa pagkain.
“Hindi pa ba tayo aalis dito?” tanong nya
“Nagbago na ba ang isip mo?” ganting tanong nito.
Umiling sya.
“Eh di hindi pa.”
“Seryoso ka talaga? Eh paano kung tumahimik na lang ako, pababayaan nyo na ako?”
Ilang sandaling tila nag isip ito. “Knowing you, hindi ka mananahimik, Pippa. Makulit ka eh.” tila malungkot na pahayag nito.
“Masama ba iyon?”
“No, pero nasa sitwasyon ako na hindi kita pwedeng tulungan.”
Ngumiti sya. “Naiintindihan ko. At salamat sa pagiging tapat mo.”
“Wala kang dapat ipagpasalamat.” anito at binago na ang usapan.
Naliligo si Harry nang dumating ang stocks, hindi si Mang Bart kundi isang binatilyo ang may dala niyon. Mablis ang naging desisyon nya. Matapos ilapag nang binatilyo ang stocks sa kusina ay dinampot nya ang wallet ni Harry na nasa mesita at sinundan ang binatilyo palabas.
“Sasama na rin ako sa iyo, kasi may nakalimutan pang stocks na bibilhin ang amo ko.” tila nag alangan ang itsura nito.
“Wala namang bilin si Mang Bart.”
“Eh kasi nakalimutan nga kaya ako na ang bibili. Pareho tayong mapapagalitan kapag hindi mo ako isinama.” pananakot nya.
“Eh itatanong ko muna sa boss mo.” Alanganing wika nito.
“Naliligo nga. Sige ka,pag di ako nakabalik agad, mananagot ka. Pinagmamadali nga ako tapos ikaw ang nagpapatagal. Talagang pareho tayong mapapagalitan.”
Tila naniwala naman ang binatilyo at tumango. Mabilis syang sumampa sa bangka. Nakakabingi ang kabog ng dibdib nya nang may ilang sandali bago napaandar ng binatilyo ang motor ng bangka.
May ilang metro na sila mula sa dalampasigan nang makita nya si Harry na tumatakbo. Nakatalikod ang binatilyo kaya hindi nito nakita ang paghabol ni Harry. Malungkot syang kumaway dito at hinayaang pumatak ang luha. Mamimiss kita, Harry.
Nang makarating sa kabilang isla ay mabilis syang bumaba at hindi nilingon ang binatilyo na tinatawag sya. Nakita nya si Mang Bart na papalapit sa binatilyo at mabilis syang lumihis ng daan. Lakad takbong tinungo nya ang direksyon ng kalsada. At bahagya pa lang syang nakakalayo nang marinig ang pagtawag nito. Hindi sya lumingon sa halip ay tinako ang humintong jeep at mabilis na sumakay.
Nang bumaba sya ng jeep ay wala syang tiyak na patutunguhan. Halo halong emosyon ang nararamdaman nya at ngayon pa lang nakakahinga ng maluwag. Mula sa pagtatanong ay nalaman nyang nasa isang bayan sya sa Batangas. Sumakay sya ng bus patungo sa pier papunta sa Mindoro. Inilabas nya ang wallet ni Harry nang maningil ang kundoktor. May bahagyang panghihinayang na hinaplos nya ang picture ni Harry. Matapos iabot ang bayad ay ipinikit nya ang mga mata. Mukha ni Harry ang unang imaheng pumasok sa isipan nya. Hindi na nya hangad na pakasalan pa sya ni Harry. Suntok sa buwan iyon. Ang nais lang nya ay makalayo na kay Harry sapagkat hindi nya maipagkakailang nahuhulog na ang loob nya rito. At mas higit na sakit ang idudulot noon.
0 thoughts on “Love and Lies”