Download Story.

close

Love and Lies

Written By: KayleneSJ       |       Story Status: Completed
Posted By:
KayleneSJ

 

 

 

 

 

CHAPTER FOUR

 

Tila dinuduyan sya ng mga alon at hinahalinang muling matulog ng amoy ng karagatan.  Pilit nyang nilabanan ang antok at idinilat ang mga mata na agad ding ipinikit mula sa liwanag.  Makalipas ang ilang sandali ay muli nyang idinilat ang mga mata at hinayaang mag adjust sa liwanag ng paligid.  Nasa isang maliit na bangka siya at natatanaw nya si Harry at isang may edad na lalaki.  Pinilit nyang iangat ang sarili mula sa pagkakahiga at nagulat nang makitang nakatali ang mga kamay nya.

“Hoy, pakawalan mo ako…” tawag nya kay Harry.

“Hoy?  Sa pagkakaalam ko, may pangalan ako.”

“Hindi na kita amo, mga pamilya kayo ng masasamang ugali!”aniyang pilit maupo.  “Hindi mo ba ako tutulungang makaupo?” dugtong nya nang mahirapan sa pagpupumilit at si Harry ay manatiling nakaupo lang at pinapanood sya.

“Pagkatapos mong sabihing pamilya kami ng masasamang ugali, you still expect me to help you?” ang mga kilay nitong nakaarko ay kababakasan ng kapilyuhan.

Inirapan nya ito at binalingan ang matandang kasama nito.  Maliit na lalaki iyon, nakakalbo at maitim.

“Manong, ako ho si Pippa.  Kidnapping po ito, alam nyo ho ba?” inignora nya ang ngiti ni Harry.

Nilinga nito ang matanda na hindi sya pinapansin.  “MANONG!” sigaw nya sa matanda na sa wakas ay tumingin sa kanya.

“Ano kamo, ineng?  Kinakausap mo ba ako?” tanong nito na tila pangkaraniwan lang maisakay sa bangka nito ang isang babaeng nakagapos.

Inulit nya ang sinabi.  “Ano kamo?” ulit nito.

Lumapit si Harry dito at may sinabi na tinanguan ng matanda.  “Mahina ang pandinig ni Mang Bart.” ani Harry.

“Eh sana kanina mo pa sinabi, nagsasayang lang pala ako ng laway.” bulong nya na narinig ni Harry at muling ngumiti.

Nang huminto sila ay  naunang bumaba si Harry.  Inalalayan sya patayo ni Mang Bart at inilapit kay Harry.  Hinawakan sya ni Harry sa bewang at ipinasan sa balikat nito.  Malakas nyang isinipa ang mga paa at malakas na nagmura ang binata kasabay ng pagbagsak nila pareho sa dagat.  Pinilit nyang makatayo ngunit dahil nakagapos ang mga kamay ay nahirapan.  Walang kahirap hirap na muli syang binuhat ni Harry at ibinaba sa buhanginan.  Humakbang ito palapit kay Mang Bart upang kunin ang mga gamit at mabilis syang tumayo.

“MANG BART!  WAG NYO AKONG IWANAN DITO!” itinodo nya ang sigaw kahit bahagya pang namamaos ang boses.  “KIDNAPPING ITO!”

Mukhang naririnig naman sya ng matanda sapagkat napatingin ito kay Harry na inilapag ang mga gamit sa buhanginan.  Tinanguan ito ni Harry at nagsimula na itong muling paandarin ang motor ng bangka.

“MANG BART! KASABWAT KA! ISUSUMBONG KO KAYO SA MGA PULIS! MANG BART! PAG NAMATAY AKO, HINDI KITA PATATAHIMIKIN!” nanghihinang naupo sya sa buhangin.  Tuluyan ng lumayo ang bangka at si Harry ay binitbit na ang mga gamit.  Dire diretso ito papasok sa tila masukal na bahagi ng isla.  Mabilis syang tumakbo papunta sa kanang bahagi na tinawanan lang nito.

“Mapapagod ka lang, Pippa!  Wala kang pupuntahan.” anitong nagpatuloy sa paglakad.  “Wag kang masyadong lumayo, baka may mga naninirahang pirata rito.” nilinga sya nito.  Huminto sya sa pagtakbo at tiningnan kung nagbibiro ito.  Ang mga mata nito ay nangingislap sa kapilyuhan na lalong naemphasize ng mga nakaarko nitong kilay.

“At bakit kita paniniwalaan e kidnapper ka.” aniya

“Well, bahala ka.  Hindi ko kasi kabisado ang isla.  Tayo lang ang nandito pero pwede ring may mga naliligaw na pirata.”  nagkibit balikat ito.  “Just be careful.  Pag napagod ka sundan mo lang itong daan.”  itinuro nito ang arko na noon lang nya napansin.  Tinalikuran na sya nito at nagpatuloy na sa paglalakad.  Nang lingunin sya nito ay napilitan syang lumakad sa kabilang bahagi upang di ipahalatang bahagya syang nag alala sa mga piratang tinutukoy nito.

Nang makailang hakbang ay muli nyang nilinga ang tinungo nitong daan.  Naupo sya sa ilalim ng puno ng niyog at tumanaw sa karagatan.  Ang suot nyang damit ay bahagya ng natutuyo sa lakas ng hangin at medyo mahapdi na rin sa balat ang araw.  Pilit nyang kinalas ang pagkakagapos sa mga kamay at nang magtagumpay ay sumandal sa puno.  Kumukulo na ang tiyan nya at naalala nyang kagabi pa sya hindi kumakain.  Tumayo sya at nagbakasaling may matanaw na kalapit na isla.  Nang walang matanaw ay kumuha sya ng mga bato at binuo ang salitang HELP sa dalampasigan.  Muli syang naupo sa ilalim ng puno at nang muling kumulo ang tiyan ay tinanaw ang arkong tinukoy ni Harry.  Nunca, sumunod ako sa iyo, saloob nya.  Ipinikit nya ang mga mata at sinikap daanin sa tulog ang nararamdamang gutom.  Napapitlag sya nang may marinig na kaluskos sa bandang likuran.  Mabilis syang tumayo at nang makitang walang tao ay nakahinga ng maluwag.  Muling kumulo ang tiyan nya at muli ay napasulyap sya sa arko.  Umiling sya at humakbang palayo pa, ang plano ay libutin ang isla.

May ilang minuto na syang naglalakad at bahagya ng matatalim ang mga bato kung kaya ipinasya nyang muling bumalik sa pinanggalingan.  Nang mapatapat sa arko ay muling kumulo ang tiyan nya.  Mabilis ang hakbang na tinungo nya ang arko at sinundan ang mga bato na nakasalansan at nagsilbing daan.  Mga limang minuto na syang naglalakad nang matanaw ang isang cottage na yari sa narra at kawayan.  Bungalow style iyon na may balkonahe at malalaki ang bintana.  Dire diretso syang pumasok.  Maliit lang ang kabuuan ng bahay  at ang mga gamit ay yari sa kawayan.  Ang dibisyon ng dining area at salas ay isang shelf na puno ng mga libro, cd at dvd.  Sa pinakaibabaw ay maliit na tv at katabi nito ay ang casette player at dvd player.   Ang kusina ay malinis bagaman maliit.  Ang cr ay natagpuan nya katabi ng nag iisang kwarto at nang pasukin nya ang kwarto ay naroon si Harry at natutulog sa pandalawahang kama.  Nakashorts lang ito at walang pang itaas.  Natuon ang paningin nya sa mga gamit na ibinaba nito kanina.  Akmang lalapitan nya ang mga gamit nang muling kumulo ang tiyan nya.  Mabilis na lumabas sya ng silid at tinungo ang kusina.  Nang buksan nya ang kaldero ay may sinaing at sa plato ay may sardinas.  Sumandok sya ng kanin at naglagay ng sardinas sa plato.  Habang kumakain ay iginala nya ang tingin sa kusina.  Lumang stove lang ang naroon, microwave at ref na hindi nakasaksak.  Ibig sabihin may generator? aniya sa sarili habang ngumunguya. 

Matapos hugasan ang pinagkainan ay muli syang bumalik sa kwarto at nilapitan ang dalang gamit ni Harry.  Isang maleta lang iyon at isang maliit na kahon na naglalaman ng mga de lata at noodles.  Binuksan nya ang maleta at nakitang puro damit lang ang laman nito.  Nadismaya pa sya ng walang makitang damit pambabae maliban sa dalawang daster na triple XL yata ang size.  At walang underwear!  Napalingon sya kay Harry at impit na mapatili nang makitang gising na ito at pinapanood sya.

“Hindi kita nadalhan ng mga damit at underwear kasi biglaan ang kidnapping.  Anyway, babalik si Mang Bart para ihatid ang iba pang gamit.  Pansamantala eh iyang sa asawa muna ni Mang Bart na duster ang isuot mo.”

Iniladlad nya ang duster.  Parang tatlong katao ang kakasya rito.  “Sigurado ka na sa liit na iyon ni Mang Bart, ganito kalaki ang asawa nya?”

Natawa si Harry.  “Yeah, nakita ko na ang asawa nya.  Malinis iyan, pwede mo ng isuot.”

“Eh walang underwear?”

“Alangan namang ihiram din kita sa asawa ni Mang Bart?”

Pinandilatan nya ito.  “Dapat may sinturera iyon…”

“Wag kang mag alala, di kita sisilipan.” ani Harry na kumikislap ang mga mata.  Bakit ba tila lalong gumugwapo ang binatang.  Ang pagkakaarko ng kilay nito ay tila laging gagawa ng kapilyuhan, ang mga mata nito ay tila laging nakangiti, matangos na ilong at manipis na labi.  At ang mga ngipin, pantay pantay na tila pang commercial ng toothpaste.

“Anong toothpaste mo?” wala sa sariling tanong nya.

“What?”

“Ha, sabi ko kung may toothpaste ba rito at kung may toothbrush ba ako?”

“Nasa CR na, sa iyo yung pink na toothbrush.” anitong nag inat.  Napasulyap sya sa dibdib nito.  May mga manipis na balahibo roon at sinundan nya ang pagkapal ng mga balahibong iyon hangga sa may pusod nito.  Muling bumalik sa mukha nito ang tingin nya nang marinig ang paghikab nito.

“Saan ako matutulog?” tanong nya.  Napangiwi si Harry.

“Isa lang ang kwarto, well, may maliit na sofa sa salas pero hindi ako kasya roon kaya dun ka na lang.” anito.

“Hindi ka gentleman!” akusa nya.  Ang tinutukoy nitong sofa ay tila pang tatlong tao lang at maikli rin para sa kanya.

“Eh kidnapper ako eh.”

Inirapan nya ito.  “Pag nakatakas ako rito, isusumbong ko ang ginawa ng pamilya mo sa akin.”

May ilang saglit na tila naligalig si Harry ngunit iglap lang iyon.  “Kung makakatakas ka.”

“Plis naman, pauwiin mo na ako.  Ang sabi ko sa donya Hilda, hindi ako magsusumbong sa mga pulis basta pauwiin nyo na ako ng probinsya.”

“Why would you want me to marry you, it makes things complicated.  Hindi ba pwedeng alukin na lang kita ng malaking halaga na maaring makatulong sa iyo?” bigla seryoso ang anyo nito na tila nakasalalay sa sagot nya ang kaligtasan ng daigdig.

Natigilan sya.  Bakit nga ba?  Moderno na ang panahon at hind na ganoon kalaking isyu kung birhen ka o hindi.  “Wala akong ibang maipagmamalaki kundi iyon lang, hindi ako kagandahan, paano tatanggapin ng asawa ko na hindi sya ang mauuna?”

“Mula ka sa unang panahon, at sa panahon ngayon, hindi lahat ng lalaki ay ganoon.  But I’m sorry, Pippa, hindi ako nagpapakasal dahil lang nalasing ako and had a glorious sex with you.” sinserong pahayag nito.  Namula sya.

“Dahil lang doon o dahil ako ang humihingi ng kasal?” mapait nyang wika.  Umiling sya.  “Wag mong sagutin iyan…”

Tumayo sya bitbit ang duster at tinungo ang banyo.

Napangiwi sya nang makita ang itsura sa salamin sa banyo.  Ang buhok nyang lampas balikat ay buhol buhol na at nanlalagkit.  Ang mukha nya ay nangingintab.  Nangingitim ang ilalim ng mga mata nya at ang labi nya ay tuyot at namumutla.  Inamoy nya ang hininga.  Amoy sardinas, naamoy kaya ni Harry?  Mabilis na naligo sya,  nagtoothbrush at isinuot ang triple XL na duster.  Para akong lilipad, saloob nya.  Ibinalabal nya ang tuwalya sa duster at lumabas na ng banyo.  Tinungo nya ang likuran ng bahay at nilabhan ang hinubad na damit.  Nagsasampay na sya nang sumulpot si Harry.

“Careful baka liparin…” biro nito.

“Presko nga eh…” ganting biro nya.

“Well, ang hangin parang hindi na presko ang amoy…” suminghot pa ito.

“Ang yabang mo, mabango ‘to.” hindi sya makapaniwalang nakikipagbiruan na sya kay Harry samantala kanina lang ay masama ang loob nya rito.  “Paano kaya ako makakatakas dito, ano?” iginala nya ang tingin.

“Never.  By the way, puro de lata at noodles ang dala ko.  Yung iba pang pagkain, isusunod na lang ni Mang Bart.  Kung may ipapabili ka, ilista mo na lang para mairadyo ko.”

“May radyo ka?  Paano gamitin iyon?”

“Na para namang ituturo ko sa iyo.  Kidnapper nga ako di ba?”

“Inutusan ka ng mama mo na kidnapin ako, di ba?” seryosong tanong nya.

Nagkibit balikat ito.  “Umaasa syang malilinawan pa ang isip mo at pumayag mapakiusapan.  Pag nandito ka, walang paraan na makatakas ka at makapunta agad sa presinto.  By the way, pano mo naman sila mapapaniwala na ni-rape kita?”

“May…may mga marka ako sa katawan…” mahinang wika nya kasabay ng pag iinit ng pisngi.

“Those are love bites kahit hindi ko pa nakikita…” ani Harry na tumatawa.  “Or gusto mong ipakita sa akin?” he teased.

Pinandilatan nya ito.  “Love bites ba iyon…” maktol nya na lalong nagpalakas ng halakhak ni Harry.

 

Ang hapunan nila ay corned beef at instant noodles.  Sya ang nagluto at nagligpit ng pinagkainan nila.

“Di ka ba natakot na lasunin kita?” tanong nya sa binata na tinutuyo ang mga hinugasan nyang plato.

“You’re not bad, Pippa.” matipid na wika nito.  “And I’m really sorry na nandito tayo sa sitwasyong ito.  I need to do this, you know.” tukoy nito sa pagdala sa kanya sa isla.

Tumango sya.  Nararamdaman nya ang sincerity sa boses ng binata at naiintindihan naman nya ang dahilan nito.

“Kasya ka ba riyan?” tanong ni Harry na nakatingin sa kanya sa sofa.

“Obvious ba, hindi?” aniyang muling bumangon at inayos ang unan.

“Okay, goodnight.” ani Harry at iniwanan na sya.

Madaling araw nang maalimpungatan syang masakit ang leeg sa pwesto.  Marahang bumangon sya at lumipat sa sahig.  Mag uumaga na nang marinig nyang tila may nagtatawag.

“Mang Bart!” tuwang wika nya.  Nilinga nya ang kwarto ni Harry at hinila ang matanda palabas ng bahay.  “Ano hong ginagawa nyo rito?” inilapit nya ang bibig sa tenga nito.

“Magdadala ng supplies nyo.  Gising na ba si Harry?” tanong nito.

“Hindi pa ho.  Maari po ba akong sumabay sa bangka ninyo paalis dito?” tanong nya.

“Naku, hindi pwede.  Magagalit si Harry.” lumayo ang matanda sa kanya patungo sa bahay.

Hinila nya ito.  “Kidnapper po si Harry.  Narape po ako sa mansyon nila at itinatago nya ako para hindi makapagsumbong sa mga pulis.”

“Ikaw, narape?” tila hindi makapaniwala sa narinig na sinipat pa sya mula sa bahagyang liwanag.

“Totoo nga ho.” kitang kita ang pagdududa sa mga mata ng matanda.  “Tapos kinidnap nga ako ni Harry.”

“Para namang hindi ka kapanipaniwala ineng.  Nasaan na ba si Harry at ibibigay ko muna ang mga dala ko.” muli humakbang ito papasok ng bahay.  Humarang sya sa daraanan nito at idinipa ang mga kamay.  Napatingin ito sa kanyang nanlalaki ang mga mata.  Ang akala nya ay nabagbag na ang loob nito sa kanya ngunit bumagsak ang mga kamay nya nang magsalita ito.

“Napakalaki pala talaga ng yumaong asawa ko…”

“Ho?  Patay na ang asawa nyong may ari ng duster na ito?”

“Oo, may dalawang taon na.  At bigla ko syang naalala nang makita kitang suot iyan.” tila maluha luhang sabi ng matanda.

“Isama nyo na ho ako pagbalik Mang Bart.  Magagalit ang asawa nyo na hindi nyo tinutulungan ang isang babaeng kagaya ko.  Walang lakas…”

Ipinikit nya ang mga mata upang may tumulong luha.  “Pinagsamantalahan…binaboy…” sa wakas may isang luha ang pumatak.  Nang magmulat sya ng mga mata ay muli ang kaduda dudang tingin sa kanya ni Mang Bart.

“Eh sinong gumahasa sa iyo?” tanong nitong tila kaawa awa ang gumawa niyon.

“Si Harry po.”

“Si Harry?  Yung nasa loob ng bahay?  Yung anak nina–” pinutol nya ang sasabihin pa nito.

“Si Harry nga po.  Wala ng iba at wala naman ho akong boyfriend.  Naniniwala ba kayo sa akin?”

“Oo naman, naniniwala akong wala kang boyfriend.”

“Mang Bart naman eh, ang tanong ko kung naniniwala kayong ginahasa ako…” himutok nya.

“Ano kamo?” tila nabingi na naman ito.

“Ay ewan ko sa inyo Mang Bart.” tinalikuran nya ang matanda at tinungo ang kinaroroonan ng bangka nito.

Itinutulak nya ang bangka nang marinig ang pagtawag ni Harry.  Natanaw nya ito at si Mang Bart na tumatakbo palapit.  Ibinuhos nya ang lakas upang maitulak ito at napamura nang hanggang tuhod na ay hindi pa sya nakakasampa.  Bahagyang malakas ang alon kung kaya’t mabilis na gumalaw ang bangka patungo sa mas malalim na bahagi.  Hangga beywang na nya ang tubig ngunit hindi sya bumitiw sa bangka.  Si Mang Bart ay nakita nyang nagtungo sa kabilang katig ng bangka at mabilis na nakasampa.  Ginaya nya ang ginawa nito ngunit ang kamay ni Harry ay nakapulupot na sa beywang nya.  At dahil nakaduster ay nakaangat ang duster nya sa tubig at wala syang underwear.  Itinigil nya ang pagpupumiglas nang marealize kung ano ang nangyari ang isang bisig ng binata ay nakayakap sa beywang nya at ang isang bisig ay nakayakap sa balakang nya sa mismong pipay nya.  Bumitaw sya sa bangka at nagpababa sa binata sa namumulang mukha.  Mabilis syang binitiwan nito nang tila maunawaan kung anong bahagi ng katawan nya ang nahawakan.  Muntik pa syang mapaupo kung hindi muling naabot ni Harry.  Binawi nya ang mga kamay at naglakad patungo sa mababaw na bahagi ng tubig, ipit ang duster.

“Wag kang magsasalita!” namumulang pigil nya nang makitang tila may sasabihin ito.  Mabilis ang hakbang na tinungo nya ang bahay at nagkulong sa banyo.

“I need to use the bathroom.” ani Harry matapos kumatok.

Walang imik na lumabas sya at kumuha ng panibagong duster.  Palabas sya ng kwarto nang pumasok si Harry dala ang isang maletang dinala ni Mang Bart.

“May dala ng mga damit at underwear para sa iyo si Mang Bart.” wika nito.  Inilapag sa harapan nya ang maleta.

Nakasimangot na yumuko sya at pumili ng isusuot.

“Look, I’m sorry.  Kalimutan na lang natin iyon.  Ikaw kasi…” ani Harry.

“Kasalanan ko pa…!”

“Sorry na nga.  Sana si Mang Bart na lang ang humawak sa iyo para di ka nagagalit sa akin.” anito.  Natigilan sya.  Parang ayaw naman nyang si Mang Bart ang kaeksena nya kanina.

“Wag ka na ngang magsalita..” namumula ang mukhang iniwanan na nya ito.

 

 

 

 

 

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12