CHAPTER THREE
Sinulyapan nya ang mga taong pabalik balik sa mansyon. Nag aayos ang mga ito ng dekorasyon ng malaking bakuran ng mansyon. Mamayang gabi ay ang surprise birthday party para kay Harry. Dalawang linggo na ang nakalipas mula ng mangyari ang panlalait sa kanya ng binata mula sa pool at ilang beses syang tinangkang lapitan nito at aluking humiram ng mga libro na tinanggihan nya. Marahil ay iyon ang paraan nito ng paghingi ng paumanhin. Alam naman nyang hindi sya maganda at marami ang namimintas sa kanya ngunit bakit nang kay Harry manggaling ang pamimintas ay nasaktan sya?
“Isasayaw kita mamaya, Pippa…” ani Patrick na di nya namalayang nakalapit.
“Hindi po ako marunong sumayaw, sir.” aniyang itinuloy ang pagpupunas ng mga kubyertos at baso.
Kumindat lang ito at nanatiling nakatayo sa harapan nya.
“Nagagandahan ho ba kayo sa akin?” tanong nya.
“Aba syempre. Exotic ang dating mo…” anitong hinagod sya ng tingin.
“Ah, exotic…parang yung galing lang sa kabundukan.” matabang nyang wika.
Natawa lang ito at sa tingin nya ay kulang na lang ay himasin nito ang bigote nito at talagang papasa na itong rapist sa pelikula. Nag iwas sya ng tingin.
“Umalis na nga ho kayo dyan at naiistorbo lang ako.” taboy nya.
Muli kumindat ito at humakbang na palayo sa kanya. “I’ll see you later.”
Naghikab sya nang dumating si Harry at kumanta ng birthday song ang mga bisita nito. Si Meg ang may dala ng birthday cake nito na halatang gustong gusto ng ina nito. Ilang beses na nyang napanood sa pelikula at nabasa sa mga pocketbooks ang ganitong eksena. Bumalik sya sa kusina at nakitulong tulong.
Pasado ala una na ng matapos ang party at antok na antok na sya ngunit may mga ligpitin pa.
“Girls uminom muna kayo…” ani Patrick at inilapag ang kalahating bote ng alak sa mesa. Tatlo na lang silang naiwan sa kusina. Akala nya ay tatambay ito sa kusina ngunit iniwanan din sila. Maya maya ay si nana Ebeng naman ang pumasok.
“Nida, iakyat mo muna ito kay Harry. Masama yata ang pakiramdam.” iniabot nito ang gamot at tubig.
“Tikman natin ‘to.” ani Edita sabay sulyap kay nana Ebeng na nagtitimpla ng kape. Binuksan nito ang dalang alak ni Patrick at nagsalin sa dalawang baso.
“Mamaya na…” tanggi nya sa basong iniaabot nito. Inilapag nito ang baso sa tabi nya.
“Pippa, penge naman ng tubig.” ani Patrick na muling sumulpot. Tumalikod sya at ikinuha ito ng tubig. Nang makainom ay nanatili itong nakaupo sa harapan nya at nakatitig sa kanya. Wala sa sariling dinampot nya ang baso ng alak sa tabi at uminom. Bahagya syang naubo at bahagya pang nagulat na napangalahati nya ang laman.
“Ano ba yan, Pippa? Ihatid mo muna ito sa library kay Sir Fidel.” tukoy ni nana Ebeng sa dalawang baso ng kape.
Mabilis syang tumayo upang makalayo agad kay Patrick.
Sumandal sya sandali sa pintuan ng library bago kumatok. Nanginginig ang mga tuhod nya at bahagyang umiikot ang paningin nya. Bakit parang ang bilis naman ng epekto ng alak?
Itinulak nya ang pintuan nang marinig ang boses ng matandang amo na pinapapasok na sya.
“Ilapag mo muna sa mesita, Pippa.” anito sa boses na tila napakalayo. Nilinga nya ito at tila malabo rin ang tingin nya rito. Ang kasama nito ay di rin nya masyadong makita ang mukha. Naupo sya sa sofa at isinandal ang ulo.
“Are you okay, Pippa?” tanong ng matanda na nakatayo na katabi ang kausap nito. “Ihahatid ko lang si Pancho sa labas. I’ll come back.”
Hindi nya maalala kung sumagot sya sapagkat ang kanyang kamalayan ay tila idinuyan na.
Maganda ang panaginip nya, tila kay ganda nya at si Harry ay nabighani sa kanya. Hinagkan sya nito at hindi sya tumanggi sa halip ay tumugon din ng yakap at halik. At sila ay nadarang sa halik na iyon. Tila may kuryente ang bawat halik at haplos nito at nagpatangay sya sa kanyang magandang panaginip.
Inaantok pa sya ngunit kailangan na nyang bumangon kung hindi ay mapapagalitan sya ni nana Ebeng. Tumihaya sya at biglang napadilat. Niyuko ang sarili at tumili.
Hangos na pumasok si Nida sa library at ito man ay napatili rin. Mabilis nyang hinagilap ang mga kasuotan at itinakip sa kahubdan.
“Anong nangyari sa iyo?” tanong nito. Napalingon sila ng bumukas ang pinto. Pumasok si Donya Hilda kasunod si nana Ebeng.
“Rape…” napatingin sya sa bahid ng dugo sa carpet. “Narape ako…!” pumalahaw sya ng iyak.
“Anong rape? Sinong gagahasa sa iyo?” tanong ng donya. At tila cue iyon at sabay sabay silang napatingin kay Harry na nakadapang natutulog sa sofa. Tulad nya ay wala rin itong saplot at ang tanging nakatakip sa puwitan ay ang apron nya.
Ilang sandaling katahimikan ang namayani. Tila walang gustong magsalita.
“NOO!” si donya Hilda at dinuro sila. “Walang makakaalam nito. Walang ginagawa si Harry. Malamang inakit mo sya. Magbihis ka at mag uusap tayo.” mabilis itong lumabas ng library.
Si Harry ay ginising ni nana Ebeng samantalang sya ay tinutulungang magbihis ni Nida na tila bumait sa kanya sa pagkakataong iyon. Napayuko sya nang marinig ang marahas na pagmumura ni Harry. Hindi sya lumingon dito sa halip ay hindi magkandatutong ibinutones ang harapan ng uniporme.
“Look at me, Pippa.” Utos ni Harry na ginawa nya. Nakasuot na ang damit nito. “Anong nangyari?”
Umiling sya. “Akala ko ay nananaginip lang ako…” May mga imaheng lumilitaw sa isip nya at mariin nyang naipikit ang mga mata. “Kailangan mo akong pakasalan…” hindi nya alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob nya para sabihin iyon. At nanlumo sya sa nakitang reaksyon ni Harry. Gulat, Panic at Rejection ang nakita nya sa guwapong mukha nito.
“Okay ka lang, Pippa. I think I was drugged pero sa pagkakaalala ko, hindi kita pinilit. And sorry, ngayon pa lang, I’m telling you, hindi kita pakakasalan. Getting married is not my priority, lalo higit sa iyo.” Wika nito at mabilis na lumabas ng silid.
Napapitlag pa sya nang yakapin ni nana Ebeng. “Tahan na.” anito at pinahid ang luhang hindi nya namalayang pumatak.
Marahan syang kumatok sa kwarto ng donya.
“Maupo ka…” anito nang makapasok sya. “Magsalita ka…”
“Gusto ko hong magpatulong sa inyo upang panagutan ako ni Harry…kung hindi po ay mapipilitan akong magdemanda…” nakayuko nyang wika.
“Ng rape? You’re crazy. Hindi ka pagsasamantalahan ng anak ko.” Mariing pahayag nito. “Baka nilandi mo ang anak ko kaya nangyari sa iyo yan.”
“Birhen po ako, donya Hilda. Importante po sa akin ang dangal ko.”
“Babayaran kita…kahit magkano…” anang donya.
“Wala pong kabayaran ang nawala sa akin…” tumayo sya at nagpaalam.
Dumiretso sya sa kwarto at nag empake ng mga gamit. Kailangan din nyang makausap si Patrick, malaki ang hinala nyang may kinalaman ang dinala nitong alak upang makalimot sila ni Harry. Kung paanong nakainom si Harry ay hindi nya alam.
“Saan ka pupunta nyan?” si nana Ebeng.
“Pupunta po ako sa mga pulis…”
“Bakit hindi muna kayo mag usap usap nina donya Hilda at ni Harry? Baka mabigyan ng linaw kung ano ang magandang solusyon.”
“Ayaw ho nilang pumayag na panagutan ako ni Harry…birhen ako nana Ebs” pagdiriin nya. “Paano kung magbuntis ako, lalaking walang ama ang anak ko? Paano kung may makaalam na hindi na ako birhen, huhusgahan nila ako!” tinitigan sya ni nana Ebeng na tila sya nawawala sa sarili.
“Eh saan ka tutuloy nyan?”
“Bahala na po, may kaklase ako nung highschool na nangungupahan sa Cubao, susubukan ko pong puntahan.”
“Baka naman maaring hindi kayo magpakasal ni Harry…?”
“Mahirap lang po ako sa palagay po ba ninyo may maipagmamalaki pa ako sa magiging asawa ko pagkatapos ng nangyari?”
Nakakaunawang tumango ang matanda at naglabas ng ilang dadaanin mula sa bulsa. “Alam kong wala kang pera,wag mo ng tanggihan. Kung may kailangan ka ay tawagan mo ako.”
Niyakap nya ito at nagpasalamat.
Ang paglabas nya ng gate ay natigil nang lumabas si donya Hilda mula sa mansyon.
“Hindi ka pwedeng umalis.” sigaw nito at hinawakan sya ng driver. “Dalhin mo sya sa guestroom sa dulo.”
Nagpumiglas sya ngunit ang driver bagaman may edad na ay malaki ang katawan.
“Donya Hilda!” si nana Ebeng.
“Wag kang makialam, Ebeng, hindi pwedeng makarating sa mga pulis ang tungkol dito. At ang media! Hindi pwede ito…masisira ang pangalan namin!”
“Pero donya Hilda…” muli si nana Ebeng.
“Tumigil ka Ebeng, siniswelduhan lang kita…” nanlilisik ang mga mata nito.
Tahimik na muling pumasok sa mansyon si nana Ebeng.
“Nana Ebeng…!” tawag nya ngunit tuluyan ng nawala sa paningin nya si nana Ebeng.
Inilock ni Donya Hilda ang guestroom mula sa labas nang maipasok sya rito. Malakas na hinampas nya ang pintuan at sumigaw ng tulong. Tumigil lamang sya ng sumakit ang lalamunan. Tahimik na naupo sya sa kama at sinulyapan ang bintana na puro rehas.
Naalimpungatan sya nang bumukas ang pinto at iluwa si Nida na may dalang pagkain at tubig. Sa likod nito ay si Donya Hilda na hawak ang susi.
“Parang awa nyo na donya Hilda, pakawalan nyo na po ako. Hindi ako magsusumbong sa mga pulis, uuwi na lang po ako ng probinsya.” pakiusap nya sa namamaos na tinig. Hinawakan nya ang mga kamay nito ngunit agad sya nitong itinulak.
“Hindi mo ako maloloko, Pippa.” anito at tumalikod na kasunod si Nida na wala ring magawa.
Umiiyak na muli syang bumalik sa kama. Sa labas ay narinig nya ang paparating na sasakyan. Mabilis nyang tinungo ang bintana at natanaw si Harry na bumaba sa sasakyan nito kasunod ang paghimpil ng sasakyan ni Patrick.
“Sir Harry! Sir Patrick!” paulit ulit nyang hiyaw sa kabila ng masakit na lalamunan. Nanghihinang naupo syang muli sa kama. Napatayo sya nang may marinig na mga yabag papalapit sa kwarto. Narinig nya ang boses ni Donya Hilda at ni Harry na nagtatalo. Maya maya lang ay bumukas ang pintuan at iniluwa ang mag ina kasunod si Patrick. Nag iwas sya ng mga mata nang mapatingin kay Patrick. Malisyoso ang mga mata nitong humagod sa katawan nya. Humalukipkip sya at hinarap ang mag ina na nagtatalo pa rin.
“You can’t keep her here.” ani Harry na sumulyap sa kanya ngunit muling nag iwas ng tingin.
“I can’t let you go to prison…” tili ng donya. “Paano kung may maniwala sa kanya?” nilingon sya ng donya.
“Why would you want Harry to marry you, you can’t get enough of him eh?.” ani Patrick. Isang malisyosong ngiti ang ibinigay nito sa kanya. “Nag enjoy ka ba?” tanong nito sa kanya.
“Patrick!” magkasabay na bulalas ng mag ina. Binalingan ito ni Harry at hinila palabas ng kwarto.
“Get off me!” ani Patrick at tinangkang suntukin si Harry na nailagan nito. Gumanti ito ng suntok na bahagyang naiwasan ni Patrick. Inawat ito ng donya at ng isang kawaksi na agad dumalo. Mabilis ang mga kilos nya ng tunguhin ang pinto at tila walang nakapansin dahil sa dalawang nagpapapambuno.
Sa may puno ng hagdan ay nasalubong nya si nana Ebeng. Mabilis syang sinabayan nito patungo sa pintuan ng mansyon. Nasalubong nila si Sir Fidel na kabababa lang ng sasakyan nito.
“O, kamusta ka na Pippa?” tanong nito.
Nagkatinginan sila ni nana Ebeng. “Okay na po, bibili lang ako ng toyo kasi naubusan si nana Ebeng.” mabilis na sinegundahan ni nana Ebeng ang sinabi nya.
Bago pa makasagot ang matandang amo ay tinakbo na nila ang gate. Kinausap ni nana Ebeng ang gwardiya at nang malingat ay mabilis syang lumabas ng gate. Bago tuluyang makalayo ay narinig pa nya ang pagtawag ng donya.
Tila wala sa sarili ang ginawa nyang paglakad takbo. Natauhan lang sya nang businahan ng pampasaherong jeep.
Naupo sya sa gilid ng bangketa at umiyak ng umiyak.
“Ne, ayos ka lang ba?” tanong ng matandang nagbebenta ng sigarilyo.
Tumango sya at iginala ang paningin. Madilim na ang paligid at hindi nya alam kung saan sya pupunta. Wala syang nadalang kahit anong gamit at kahit tsinelas sa paa ay wala sya. Kinapa nya ang bulsa. Nakahinga sya ng maluwag nang makapa ang perang ibinigay sa kanya ni nana Ebeng.
“Saan po ba ang presinto rito?” tanong nya sa matanda.
“Yang daan na iyan..diretsuhin mo..dun sa ikalawang kanto, kumaliwa ka. Makikita mo na ang presinto roon. Ano bang nangyari sa iyo? Naholdap ka ba?”
Tumango na lamang sya at nagpasalamat. Tumayo sya at nagsimulang maglakad. Magulo ang buhok, gusot gusot ang damit at walang sapin sa paa. Ang ilang nakakasalubong ay napapatingin sa kanya. Nang kumaliwa sya sa ikalawang kanto ay natanaw nya ang presinto sa dulo ng kalsada. Humakbang sya palapit kasabay ng paghinto ng sasakyan sa tabi nya. Bago pa nya maisip kung ano ang nangyayari ay may itinakip na panyo sa ilong nya ang lalaking lumabas mula roon. Bago tuluyang magdilim ang paningin nya ay mukha ni Harry ang nakita nya.
0 thoughts on “Love and Lies”