Download Story.

close

Love and Lies

Written By: KayleneSJ       |       Story Status: Completed
Posted By:
KayleneSJ

 

  

 

CHAPTER TWO

 

Mag iisang buwan na sya sa mansyon at nakakagamayan na rin nya ang trabaho.  Si Nida ay masungit pa rin sa kanya.  Ang donya ay napakamoody, minsan mabait ngunit madalas ay napapagalitan sya sa maliliit na bagay.  Si Patrick naman ay tila lalong nagiging manyakis.  Wala naman itong ginagawang kakaiba maliban sa pagkindat kindat at paghawak ng kamay ngunit sa tuwina ay di sya komportableng mapag isa kasama ito.  Si Harry ay di nya madalas makita, kadalasan ay gabi na ito umuuwi at sa umaga naman ay maagang umaalis.  Ayon kay nana Ebeng ay may sarili na rin itong bahay mas malapit sa planta ng sardinas kaya mas madalas ito roon.

“Si Harry?”

“Kayo pala, Ma’am Meg, eh hindi ko po alam, di naman nagpaalam sa akin.” aniyang nakangiti.

Isang matalim na irap ang isinukli nito sa kanya at bubulong bulong na tumalikod.

“Ingles…minumura ba ako nun?”  baling nya kay Edita.

“Eh abnormal ka kasi, bakit naman magpapaalam sa iyo si Sir Harry?” tumatawang tanong ni Edita na nagluluto ng hapunan.

“Aba eh, bakit sa akin nya hinahanap?  Yun lang ang naisip kong isagot.”  katwiran nya at pinagpatuloy nya ang pagpupunas ng mga kubyertos.

Muli sana itong tatawa ngunit pumasok si nana Ebeng at sinaway sila.

 

.  Patungo na sya ng kwarto nang masalubong si Sir Fidel.

“Good evening po, may ipag uutos po kayo?” mabait ang matanda sa mga kawaksi at hindi pinangingilagan gaya ng asawa nito.

“Ah wala naman, Pippa.”

“Ay kilala nyo po ako…” tuwang tuwang wika nya.

Natawa rin ang matanda.  “Aba, oo naman.  Hindi pa ako ulyanin gaya ng Donya Hilda nyo na di matandaan ang mga pangalan nyo.” pagbibiro nito.

“Saan po ba kayo pupunta at gabi na?” tanong nya matapos matawa.

“Sa gazebo, hihintayin ko si Harry.”

“Ah may pag uusapan po kayo.  Ay sorry, masyado po akong mausisa ano.” tinakpan nya ang bibig.

Nangiti ang matanda.  “Kung gusto mo samahan mo muna ako at ng may makausap naman ako.”

“Aba, sige po.”  sumabay sya rito.

Nasa kalagitnaan na sila patungo sa gazebo nang marinig ang boses ng asawa nito.

“Anong ibig sabihin nito?  Saan kayo pupunta?”  tili nito.  Nasa balkonahe ito at nakatunghay sa kanila.

Natawa ang matandang amo.  “Halika, Hilda.  Walang masamang ibig sabihin ito.  Pupunta lang kami ni Pippa sa gazebo.”  sa sinabi nito ay mabilis na tumalikod ang donya.

“Naku sir, baka pagalitan ako.  Mukhang napakaselosa ng asawa nyo.”

“Tama, napakaselosa ng asawa ko.  She will kill for me.” anitong may matipid na ngiti.

Umusog sya palayo na ikinatawa ng matanda.  “Pasok na lang po kaya ako?”

“Nah, mabait ang asawa ko.  Kukonti nga lang ang nakakaalam.”

Tila ayaw nyang paniwalaan ang huling sinabi nito sapagkat ang tinutukoy nito ay tila susugod sa giyera habang palapit sa kanila.  Maputi ang mukha dahil sa mudpack at lumilipad ang laylayan ng roba.

“Nanay ko po…”

Dinuro agad sya nito ngunit bago pa makapagsalita ay agad na inakbayan ng asawa at nagsalita.

“Hihintayin ko si Harry at nagpasama lang ako kay Pippa sa gazebo para may kausap.  Kung gusto mo, samahan mo na lang ako.”

Nagdududang pinaglipat lipat nito ang tingin sa kanila.

“Donya Hilda, itong kulay ko po bang ito ay pagseselosan nyo sa kulay nyong yan na tisay na tisay?” di nya napigilang sabihin.

Isang matalim na irap ang isinagot ng donya at nagpaakay na sa asawa patungo sa gazebo.

“Gusto nyo po ba ng makakain habang naghihintay kay Sir Harry?” habol nya.

Ang matandang babae ay muli syang inirapan.

“No, thanks, Pippa.  Sige na magpahinga ka na.” anang among lalaki.

Mabilis na tumalima sya at di na muling nilingon pa ang mag asawa.  Nang makarating sa servant’s quarter ay tulog na ang mga kasamahan.  Naglinis lang sya ng katawan at nahiga na rin.

“Ay sir kayo po pala, sino po?” si Sir Fidel ang nasa kabilang linya.

“Sino iyan, Pippa?” matalim ang tingin ng donya sa hawak nyang telepono.

“Si Sir Fidel po, hinahanap po si Harry.”

“Bakit ikaw ang kinakausap?  Bakit hindi ako?”

“Eh ako lang po ang nakasagot donya”  inagaw nito ang telepono sa kanya.  At sa sinasabi ng donya, hindi mahirap hulaang inaaway nito ang kausap.  Unti unti syang lumayo.

“Ikaw!” baling nito sa kanya.

“Ako po!” gulat na wika nya.

“Sabihin mo kay Harry sagutin sa extension ang papa nya.  Nasa library sya.”

“Opo.” mabilis nyang tinungo ang library.  Hindi na nya hinintay na may sumagot sa pagkatok nya.  Mabilis nyang itinulak ang pinto at nagulat nang makitang hindi nag iisa si Harry.  Si Meg ay nakakandong dito at tila nainis pa sa pang iistorbo nya.

“What?” ani Meg.

Mabilis na tumayo si Harry at muntik ng mahulog sa sahig si Meg kung di naalalayan ng mesa.

“Kay Sir Harry po, telepono, ang papa nya.”

Sa halip na sagutin sa extension ay mabilis na humakbang si Harry palabas ng library.  “Sa kwarto ko sasagutin.  Pakidala ang mga gamit ko.” tukoy nito sa mga papeles na nakakalat.

“Ako na ang magdadala, Harry.” presinta ni Meg.

“No.  Si Pippa na ang magpapanhik.” baling nito kay Meg na nakabuntot agad dito.

“Pero…”

“It’s over between us, Meg.  At wala ka ng magagawa para bumalik pa ang dati nating relasyon.” ani Harry at mabilis na lumabas.

Humarang sya nang akmang susunod na naman si Meg.  “Ma’am wag na po kayong sumunod…” bahagya syang naawa sa rejection ni Harry dito.

Itinulak sya nito.  “Gaga, hindi ako susunod, uuwi na ako.” anito at iniwanan sya.

Kakamot kamot na dinampot nya ang mga papeles ni Harry at inilagay sa briefcase nito.  Agad nitong binuksan ang pinto nang kumatok sya sa silid nito.

“Pakilapag mo sa table.” tukoy nito sa mini office nito.  Parang mini library din iyon sapagkat puno rin ng mga libro ang shelves sa likod ng upuan.

“Di po ba kayo nasasawang magbasa?” tanong nyang di sinagot ng binata na may kausap pa rin sa kabilang linya.

Humakbang sya palapit sa bookshelves at tiningnan ang mga libro roon.  Mahilig din syang magbasa kahit highschool graduate lang sya.  May kaunting lungkot syang nakapa habang tinitingnan ang mga libro ng binata.  Ang mga libro nya noong highschool ay puro hiram lang sapagkat wala silang pambili.

“Gusto mong magbasa?”

Gulat na napalingon sya rito.  “Mahilig din po ako, kaso wala naman kaming pambili nyan.  Highschool graduate lang po ako.” muli nyang ibinalik ang mga mata sa mga libro.

“Pwede kitang pahiramin…” anang binata.

“Talaga po?” may katuwaan nyang wika na muling sumulyap sa mga libro.

“Yeah.  Ilang taon ka na ba?” naupo ito sa gilid ng mesa paharap sa kanya.

“Twenty four.”

May ilang sandaling namayani ang katahimikan at nakatitig lang sila sa mukha ng isat isa.

“You have an interesting face…” tila wala sa sariling wika ng binata.

“Ay, nagagandahan kayo sa akin, sir?”

Natawa ito at tila nag isip ng isasagot.

“Wag nyo na nga lang pong sagutin.”

Muli itong natawa.

“Hindi po ba kayo naawa kay Ma’am Meg kanina?”

Tumikhim muna ang binata bago sumagot.  “Dapat ba nagsinungaling ako?”

“Ah, tama…naging totoo lang kayo.” humakbang na sya palabas ng silid.  “Sige sir, labas na po ako.”

Bago sya tuluyang makalabas ay muling tinawag ni Harry.

“You may borrow my books, Pippa.  Come here anytime.”

“Ay, parang nagagandahan lang kayo at gusto nyo akong nakikita lagi ha.” biro nya.

Natawa ang binata at naiiling na tiningnan sya.  “Iisipin ko muna kung nagagandahan na nga ako sa iyo.”

Nakangiting tumango sya at tuluyang lumabas ng silid.  Nakangiti pa sya nang masalubong si Donya Hilda.

“You!” turo nito sa kanya.

“Po?” alanganing lumapit sya rito.

“Bakit ka galing sa kwarto ng anak ko?”

“Hinatid ko lang po ang briefcase.”

“Sige, bumalik ka na sa trabaho mo.” taboy nito.  Nakakailang hakbang pa lang sya palayo nang muling tawagin nito.  “Ayaw kong nakikitang lumalapit ka sa asawa ko, naiintindihan mo?  Or else, sisesantehin kita.”

“Opo…eh paano po pag tinawag ako?”

Itinirik ng donya ang mga mata.  “Ewan ko, basta wag kang lalapit.” tumalikod na ito.

“Pippa, ihatid mo muna ito kay Sir Fidel.” si nana Ebeng hawak ang dyaryo.  “Nag aalmusal sila ni Donya sa poolside.”

“Ay, hindi po pwede, nana Ebs.” napangiwi ang matanda sa ginamit nyang palayaw dito.

“Aba, eh bakit naman?”

Ikwinento nya ang pagkaselosa ng donya at ang bilin nito na wag na wag syang lalapit sa asawa nito.  Naubo ang matanda.

“Eh di sa kanya mo iabot…” tukoy nito sa donya.

“Nana Ebs, plis lang, baka mawalan ako ng trabaho.”

Tinalikuran sya ng matanda.  Naiwan syang hawak ang dyaryo at walang magawang humakbang patungo sa poolside.

“Wow…” bulong nya nang matanaw si Harry na nakaswimming trunks at nakatayo sa pagitan ng mag asawa.  May tuwalyang nakasampay sa leeg nito at tila kaaahon lang mula sa pool.  Dumampot ito ng hiwa ng papaya.

“Good morning po, dyaryo nyo po.”  isang dipa ang layo nya sa matandang lalaki at inaabot ang dyaryo.  Hindi nito inabot iyon sa halip ay nakatingin lang sa kanya, di alam kung tatawa o maiinis.  Ang donya ay patuloy sa mabagal na pagkain.  At si Harry ay naaaliw na nakangiti sa kanya.

“Lumapit ka ng kaunti, Pippa.” ani Harry.

“Eh hindi po pwede…” napatingin sya muli sa donya na binalingan sya.

“Akina nga iyan…” anang donya.  Iniabot nya rito ang dyaryo at nagpaalam na.

“Bakit hindi pwedeng lumapit, Pippa?” tanong ni Harry.

Napatingin sya sa donya na umirap sa kanya.  Ang asawa nito ay tila naghihintay din ng isasagot nya.

“Bawal syang lumapit kay Fidel.” anang donya.

“Really, Hilda!” gulat na wika ng asawa.

“What did I miss?” tanong ni Harry na naupo pa at tila handang makinig sa nakakaaliw na kwento.

Mabilis na ikwinento ng donya ang pagkakita nito sa kanya at sa asawa nito na patungo sa gazebo at ang pakikipag usap nya sa telepono sa asawa nito.

“Wow, Pippa—ang ganda mo!” ani Harry at tumawa sa labis na inis ng ina nito.

“Sir, sarcastic kayo…” mahinang wika nya na lalong ikinatawa ni Harry.

“I can’t believe it, Hilda…” anang matandang lalaki sa seryosong tinig.

“I can’t believe it either…he likes Pippa.” anang donya na bumaling kay Harry.  Tila naghahanap ng kakampi sa anak nito.

“Well, kung si Pippa, I won’t believe it.” ani Harry na muling tumawa.  Sinulyapan sya nito at kumindat.

Napatungo sya sa panlalait ng binata.  “Hindi po ako pumapatol sa may asawa kahit ganito ang itsura ko.” aniya at nagpaalam.  Si Harry ay napangiwi.  Si Fidel ay naiiling na tiningnan ang asawa na nagpatuloy sa pagkain.

 

 

 

 

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12