EPILOGUE
Ginanap ang kanilang kasal ng sumunod na buwan sa kabila ng pagtutol ng Donya. Ang nais nito ay mas mahabang preparasyon at mas engrande sana taliwas sa simple nilang kasal na ginanap sa Bulalakaw.
Lingid sa kaalaman nya ay may biniling beach front property si Harry malapit sa bahay ng mga magulang at doon ginanap ang kanilang kasal kasama ang malalapit na kaibigan at pamilya.
Ang altar ay isang makeshift na gazebo na puno ng bulaklak. Suot ni Pippa ay kulay puting one shoulder dress na hangga sakong. Ang pinakang dekorasyon niyon ay ang iba’t ibang kulay ng mga bulaklak na nasa bahaging binti pababa sa laylayan, sa tenga nya ay isang malaking bulaklak. Si Harry naman ay simpleng puting polo at walking shorts na kulay khaki.
“Hindi tayo nagsimula sa isang karaniwang relasyon. And you’re not an ordinary girl to find. And I didn’t know what hit me, because you have turned my ordinary life into extra ordinary and I wouldn’t know how to live either without you beside me. You’re mine now, Pippa and I promise to keep you forever. Or kung may mas mahaba pa sa forever…I will love you and take care of you and our baby…”
Napasigok si Pippa. “Ang ganda ng sinabi mo kahit hindi ko masyadong naintindihan lahat…” mahinang natawa ang ilang mga bisita. “Gusto ko lang sabihin na…kahit walang forever…ang panahon na magkasama tayo ang pinakamasayang araw ng buhay ko at araw araw kong susulitin ang pambihirang pagkakataong mapangasawa ang isang gaya mo—pogi na, mayaman pa.” muli nagkatawanan ang mga bisita at naiiling na nangiti si Harry.
“I love you…” sabay nilang wika at sabay ring nagkatawanan.
“We can stay here everytime you miss your family.” Wika ni Harry na hindi nya namalayang lumapit. Nakatunghay sya sa dagat mula sa balkonahe ng katamtamang laking cottage habang hinihintay maligo si Harry. Bilog ang buwan at maliwanag ang paligid na kanina lamang ay puno ng mga bisita. Niyakap sya ng asawa mula sa likod at bahagyang nagtayuan ang mga balahibo nya.
“Kailan mo pala nabili ito?” pilit nyang ikinukubli ang nerbiyos na nararamdaman nang hawiin ng lalaki ang basang buhok nya at magaang dampian ng halik ang nalantad na bahagi ng leeg nya.
“A few weeks ago… nangibang bansa na ang dating mag asawang may ari nito…”
“Ah..” napalunok sya nang maramdaman ang isang kamay ni Harry na pumasok sa loob ng tshirt nya at magaang haplusin ang dibdib nya. Ang nya. “Harry…” hindi gaya noong unang beses na may nangyari sa kanila, sa pagkakataong ito, ang kanilang mga kamalayan ay walang impluwensya ng anumang alcohol o drugs. At hindi nya maintindihan kung mamimilipit sya o iiwas sa kiliting dinudulot ng ginagawa ng lalaki.
“Hmmm…?” mahina syang napaungol nang maglaro ang daliri nito sa dunggot ng dibdib nya kasabay nang pagdiin ng harapan nito sa likuran nya.
Nang hindi makuntento ay pinihit sya nito paharap at walang kahirap hirap na itinaas ang tshirt nya at may pagmamadaling sinimsim ang dunggot ng dibdib nya. Mariin nyang naipikit ang mga mata kasabay ng pagsabunot dito.
“You taste so good…” ungol nito bago lumipat sa kabilang dibdib nya. Bago pa nya maisip kung ano ang dapat isagot ay naramdaman nya ang isang kamay nito na pumasok sa loob ng shorts nya. Nakagat nya ang labi nang matagpuan ng daliri nito ang pagitan ng kanyang mga hita. Wala sa loob na inipit nya ang mga hita. Harry groaned in protest.
“Let’s get inside, Pippa.” Anito bago mabilis syang binuhat na tila dahoon.
“Ooo-kay…” ano pa bang dapat nyang isagot?
“Hangga kelan tayo rito?” tanong nya sa asawa. Nakaunan sya sa bisig nito habang ang isang kamay ay nilalaro ang ilang balahibo sa dibdib nito.
“Sorry, we can’t stay longer than a couple of days…” inaantok na wika nito. Hindi lang isang beses syang inangkin ng lalaki at tila ngayon ito nakaramdam ng pagod.
“Okay lang…” may bahagyang agam agam syang naramdaman hindi pa man sila bumabalik sa siyudad.
“Sa bahay ko malapit sa factory tayo titira.” Alam na nyang sa Pasig iyon.
“Okay lang ba sa mga magulang mo?”
“I want you to be comfortable, Pippa. At kahit alam kong okay na kayo ng mama, iba pa rin ang pakiramdam na meron tayong sariling bahay. You can renovate the house, redecorate…whatever you want…” naputol ang paghikab ng asawa nang mabilis nya itong hagkan sa pisngi.
“Salamat…”
Hinawakan ni Harry ang mukha nya at magaan syang hinagkan sa labi. “I want you to be happy…” sinserong pahayag nito. “With me…”
“Happy naman ako…sobra…”
“Good” may maliit na ngiti sa mga labi nito bago ipinikit ang mga mata na tila matutulog na. “Oh, I forgot to tell you…pinapaasikaso ko sa sekretarya ko ang paghahanap ng school malapit sa bahay…”
“School?”
“I mean…university.” Nagmulat ito ng mata. Saglit na nag alinlangan. “I thought you would want to continue studying…I wanted to surprise you, pero it’s still up to you…”
“Harry!” patalon nyang niyakap ang asawa at pinupog ng halik sa mukha.
“Whew…akala ko pinangungunahan kita…” natatawang wika nito na humigpit ang yakap sa beywang nya nang tangkain nyang bumalik sa pagkakahiga. Nakangiti syang tumunghay rito.
“Gusto ko iyon…”
“Basta walang lalapit na boys…” seryosong wika nito na bumaba ang kamay sa puwitan nya. “Seloso ako.”
“Hmmm. Para namang magkakaroon ka ng dahilang magselos…ikaw lang, Harry.”
A smug smile spread his lips. Sa ilalim ng kumot ay muling gumagawa ng masarap na landas ang mga kamay nito at ramdam nya ang kahandaan ng nasa pagitan ng mga hita nito.
“Again?” tudyo nya.
“Ride me, darling.”
“Sure, why not…” napigil ang hagikhik nya nang mariing angkini ni Harry ang labi nya.
0 thoughts on “Love and Lies”