CHAPTER TEN
Mariin nyang ipinikit ang mga mata nang muling maalala ang mga nangyari. Nagkaroon sya ng spotting at pinagpapahinga ng doctor. Si Patrick ay dinala sa rehab matapos nitong isalaysay ang mga nangyari. Muli nyang sinulyapan si Pippa na nagliligpit ng mga hugasin. Wala pang babae ang tumatanggi sa kanya at hindi si Pippa iyon na isang maid lang. Ang itsura nito ay tipikal na pinay ngunit ang katawan nito ay makatawag pansin. Katamtamang laki ng dibdib, maliit na bewang at magandang hugis ng balakang at pang upo. Idagdag pang kahit morena ito ay makinis ang kutis nito. Kinuha nya sa bulsa ang ibinigay ng isang kakilalang ahente ng gamot. Isa itong uri ng illegal drugs, a date rape drug type. Isinalin nya ito sa bote ng alak at nakangiting nilapitan si Pippa at ang kasama nitong naglilinis sa kusina.
“Girls uminom muna kayo…” aniya at inilapag ang kalahating bote ng alak sa mesa. Tatlo na lang ang kawaksing naiwan sa kusina. Pinili nyang hindi tumambay sa kusina sapagkat alam nyang darating si Nana Ebeng.
Mula sa kinatatayuan ay nakita nyang inutusan ng matanda si Nida na mag akyat ng gamot at tubig kay Harry. Palihim syang ngumiti nang makitang binuksan ni Edita ang alak at nagsalin sa dalawang baso. Inalok nito si Pippa na tinanggihan nito. Humakbang sya papasok sa kusina.
“Pippa, penge naman ng tubig.” aniya. Sinundan nya ito ng tingin at nang makainom ay nanatiling nakaupo at tinitigan si Pippa. Wala sa sariling dinampot nito ang baso ng alak sa tabi at uminom. Ngumiti sya ng bahagya itong maubo matapos mapangalahati ang laman ng baso.
“Ano ba yan, Pippa? Ihatid mo muna ito sa library kay Sir Fidel.” Tukoy ni nana Ebeng sa dalawang baso ng kape.
Humakbang sya palabas ng kusina upang sundan ito nang masalubong si Harry. Naupo ito sa inalisan nyang pwesto at wala sa loob na tinungga ang natirang alak na ininom ni Pippa. Napamura sya at pumuwesto sa sala kung saan kita nya ito at si Pippa na naglalakad patungo sa library.
“Ang papa?” narinig nyang tanong ni Harry.
“Nasa library, may kausap na kliyente.” Sagot ni nana Ebeng.
Napatayo sya. Natanaw nya si Pippa nya sumandal muna sa may pintuan ng library na tila nahihilo bago tuluyang pumasok. Ang tito Fidel nya ay nakita na nyang lumabas kanina pa upang ihatid ang bisita nito at ito na ang pagkakataong hinihintay nya upang masolo si Pippa. Nahinto ang kanyang akmang paghakbang nang makita si Harry na patungo sa library. Mabagal ang hakbang nito at muli syang napamura nang maalalang ininom nito ang natirang alak sa baso ni Pippa.
“Patrick…” tawag ng matandang tiyahin. “Ihatid mo muna si Meg sa kanila. Harry is not feeling well…”
“Pero tita…may gagawin pa ako…” pagtanggi nya.
“Common, Patrick, magtatampo na talaga ako.” Ani Meg na humakbang na palabas. Muli nyang nilinga ang direksyon ng library at walang magawang sumunod kay Meg nang makitang pumasok na si Harry sa library. There goes his chance, he thought.
Lahat sila ay pawang nakanganga kay Patrick. Ang donya ay bumunghalit ng iyak at si Harry ay mabilis na sinuntok si Patrick na hindi nito nailagan. Agad itong inawat ng ama.
“At ngayon, sinasabi ni Pippa na buntis sya…alam natin kung bakit ka iniwan ni Olive, hindi ka na magkakaanak. Pakakasalan mo pa rin si Pippa para samantalahing magkaanak kahit hindi sa iyo?” Tumatawang tuya ni Patrick na pinunasan ang dugo mula sa pumutok na labi.
Nanghihinang naupo si Harry at inihilamos ang palad sa mga mukha bago sumulyap sa kanya.
“Hindi totoo ang sinasabi nya, Harry.” pabulong na lumabas sa bibig nya. Imposibleng baog si Harry sapagkat ito ang ama ng ipinagbubuntis nya. Walang ibang lalaki sa buhay nya kundi ito.
“We’ll talk later, kailangan mo munang magpahinga.” Ani Harry. Inutusan nito si Nida na ihatid sya sa silid. Nilinga nya muna ang matandang mag asawa na tila hindi apektado ng sinasabi ni Patrick na pagiging baog ni Harry.
Muli syang nagmulat ng mata nang marinig na bumukas ang pinto. Iniluwa si Harry na alanganing ngumiti. Naupo ito sa gilid nya paharap sa kanya. “Kamusta na ang pakiramdam mo?”
“Ayos lang. Ikaw?” hindi nya alam kung paano sisimulang tanungin ito.
“I’m good. Go on, ask…”
“Ikaw ang ama ng dinadala ko, Harry…walang ibang lalaki…naniniwala ka ba?”
“Oo naman. Hindi ko pinagdudahan kailanman.”
“Pero bakit sinasabi ni Patrick na hindi ka na magkakaanak…at sino si Olivia?”
“I had an accident when I was younger, ang sabi ng doctor it will cause erectile disfunction and infertility…”
“Pero…pero hindi naman…” namumulang hindi nya madugtungan ang sasabihin.
“Of course, I am very capable.” Kumindat si Harry. “Kaya we took a second opinion. At kinontra niyon ang sinabi ng unang doctor. And Patrick only knew the first result.” Nagkibit balikat si Harry. “Hindi na naming pinagkaabalahang itama pa ang nalalaman nya. At iyon ang sinabi nya kay Olivia.”
“At…?”
“Impatient, aren’t we? Si Olivia ay kababata ko, we were supposed to get married, para sa merging ng family business, unfortunately for Patrick who was inlove with her. Kaya Patrick told her na hindi na ako magkakaanak. Olivia didn’t bother asking me, she just left. A week before the wedding.”
“Pero hindi ba alam ni Olivia na…na…you’re very capable?” napangiwi sya sa pag gaya sa term nito.
Humalakhak si Harry. “Hindi. She was a childhood friend, para ko ng kapatid. At wala akong nararamdamang excitement sa tuwing napapagsolo kami.”
“Pero pakakasalan mo sya…” lumabi sya.
“I never knew how it felt to be this happy until you came…wala akong gusto kundi makita ang mukha mo bawat minuto, hagkan ka…yakapin…”
“Anong ibig sabihin nun?” nakangiting tanong nya.
“Mahal kita, Pippa. Naniniwala ka ba?”
“Isipin ko muna…” tudyo nya. Inilapit ni Harry ang mukha nito at agad nyang sinalubong ang labi nito na inilayo nito.
Pinandilatan nya ito.
“Akala ko iisipin mo pa…” gumaganting wika nito.
Tumatawang hinawakan nya ang mukha nito at ginawaran ng mariing halik sa labi.
“Mahal din kita, Harry. Matagal na.”
“Halata ko naman…”
Kinurot nya ito sa tagiliran kasabay ng halakhak nilang pumuno sa silid.
0 thoughts on “Love and Lies”