CHAPTER NINE
Wala agad nakapagsalita sa mag asawa ng dalhin sya ni Harry sa mansyon at ipaalam sa mga ito ang pagdadalang tao nya.
“Nagmamahalan ba kayo? Bakit hindi na lang natin sustentuhan ang bata, why marry her? Paano si Meg?” ang donya nang matagpuan ang boses.
“Please, Hilda.” Saway ng asawa nito. Napayuko sya kasabay ng pagpisil ni Harry sa kamay nya.
“Matagal na kaming hiwalay ni Meg, mama. At ayaw kong lumaking bastardo ang anak ko.” Ani Harry. Muli natahimik ang mag asawa.
“Hindi pwedeng ganyan ang itsura mo, pipintasan ka ng mga kakilala namin.” anang donya pagkalipas ng sandaling katahimikan. Hinagod sya ng mapanuring tingin nito. “Magbihis ka at pupunta tayo sa salon.”
Nagkibit balikat si Harry at tinanguan sya. Walang magawang nagpatianod sya.
Hindi lang sya sa salon dinala ng donya. Ipinamili rin sya nito ng mga damit at sapatos sa kabila ng pagtutol nya.
“Anong sasabihin ng mga kakilala namin kung makikita ka sa mga damit mong iyan. Walang wala iyan sa mga sinusuot ni Meg.” anito nang tumanggi sya sa isang evening gown na pinapasukat nito. Marami ng bitbit ang driver na si Mang Gusti ngunit tuloy pa rin sa pamimili ang donya. At hindi sya sanay sapagkat pawang mamahalin ang kinukuha nito. Pati mga pambahay at pangtulog na binili nito ay hindi basta basta. Ang mga underwears nya ay pinakialaman din nito.
“Tama na po siguro ito.” tutol nya nang muling pumasok ang donya sa isang boutique.
Tinitigan sya nito na tila may nais sabihin ngunit hindi nagsalita. Tumango ito at nagyayang kumain.
“Bukas may darating kang coach. Tuturuan ka kung paano magsasalita at kikilos ng maayos.” anito bago sila tuluyang pumasok sa mansyon.
Walang imik na tumango sya. Ani Harry ay mas madali nyang makakasundo ang ina nito kung hindi sya makikipagtalo.
Ang inookupa nyang silid ay ang kay Harry at ito naman ay sa katabing guestroom na pinagawaan nito ng daan patungo sa dating silid nito. Nang makapanhik sa silid ay excited na humarap sya sa salamin. Parang gumanda ako, bulalas nya. Ang buhok nyang lampas balikat ay tila kay lambot at sunod sa uso ang gupit na may side bangs. Ang kilay nya ay inayos upang lumutang ang kabuuan ng mukha nya at tinuruan din syang mag apply ng tamang make up. Bukod sa facial treatment ay pinascrub din ng donya ang buong katawan nya at pakiramdam nya ay kumikislap ang kutis nya.
Nang masatisfied sa itsura ay binalingan nya ang mga pinamiling damit at sapatos. Excited na sinukat nya ang iba. Ang gusto pa ng donya ay bumili na rin sila ng maternity dresses na tinutulan nya. Katwiran nya ay masyado pang maliit ang tiyan nya. Nang mapagod sa kasusukat ay nahiga sya at hinagod ang tiyan. Sa makalawa ay nakaschedule silang magpacheck up ni Harry sa doktor.
Nagising sya nang katukin ni Nana Ebeng at sabihing maghahapunan na in thirty minutes. Mabilis syang nagshower at isinuot ang bagong biling printed maxi dress. Tinernuhan nya iyon ng gladiator sandals.
“Is that you, Pippa?” si Harry na kasalukuyang inilalapag ang hooded jacket nito. Agad sya nitong sinalubong sa pagbaba sa hagdanan.
“Mukha na akong mamahalin?” biro nya.
“You’re beautiful.” ani Harry. Muling hinagod nito ng tingin ang kabuuan nya. Hinapit sya nito at akmang hahalikan nang isang tikhim ang nagpalingon sa kanila. Hindi binitawan ni Harry ang beywang nya nang lingunin si Patrick.
“Well, well.. anong meron?” tanong nito. Hinagod sya ng tingin at malisyosong ngumiti. Galing ito sa Subic dahil sa isang kliyente at ngayon lang ito nakabalik. Nagkibit balikat si Harry at mabilis na ikwinento ang nakatakda nilang kasal at ang pagdadalang tao nya. Tumawa si Patrick. “Napabuti ka naman pala, Pippa. At mas maganda ka ngayon ha.” anito. Hindi nya tiyak kung may malisya sa sinabi nito.
“Yeah, my soon to be wife, Patrick.” ani Harry. May warning sa tono nito na hindi pinansin ni Patrick na nagpaalam na aakyat na ng silid.
Tahimik silang naghahapunan nang dumating si Meg na may dalang cake. Matalim syang tiningnan nito nang ilapag ang cake sa mesa.
“So it’s true, magpapakasal na kayo? Ano bang pinakain mo kay Harry?” baling nito sa kanya.
“Meg, kung manggugulo ka rito ay mas magandang umalis ka na lang.” ani Harry.
“Masama bang magtanong.” maktol nito na tumayo. “Or mas tama sigurong sabihin na anong gayuma ang ginamit mo kay Harry?” wika nito bago tuluyang umalis.
“Don’t mind Meg, Pippa. Masama lang ang loob non.” ani Sir Fidel.
Hindi na sya nakasagot nang maupo si Patrick sa tapat nya. Nginitian sya nito bago naglagay ng pagkain sa plato. Gustuhin man nyang gumanti ng ngiti ay hindi nya magawa. May malisya syang nararamdaman sa tuwing tinitingnan at nginingitian sya ni Patrick.
Nang hindi makatulog ay bumangon sya at binuksan ang pintuang nag uugnay sa silid nila ni Harry.
“Harry?” tawag nya sa nakahigang bulto nito.
Umungol lang ito.
“Tulog ka na ba?” tanong nya
“Not yet…come here, Pippa.” lumapit sya at tumayo sa may paanan nito. “Anong kailangan mo?”
“Hindi kasi ako mapakali…” hindi nya alam kung paano sisimulan ang sasabihin.
“Can’t sleep? Gusto mo rito sa tabi ko?” tudyo nito. Naupo ito at sumandal sa headboard Wala itong pang itaas at kumot lang ang nakatakip sa kandungan nito. “May brief ako…” anito nang tila mahulaan kung ano ang naglulumikot sa imahinasyon nya.
Natawa sya at paluhod na naupo sa paanan ng kama nito. “Wag na lang kaya nating ituloy ang kasal. Pumapayag naman akong suportahan mo ang bata.”
Hindi nagsalita si Harry.
“Para kasing sa halip na matahimik e lalong nagiging magulo…”
“This is what you want noong una pa lamang…”
“At sa Mindoro pa lamang ay sinabi ko na sa iyong nagbago na ang isip ko…”
“Gaya ng sabi ko kanina, ayokong lumaking bastardo ang anak natin. Sana isipin mo rin ang kapakanan ng bata, Pippa.”
Hindi na sya sumagot. May punto naman si Harry. Kailangang isaalang alang na nya sa mga desisyon nya ang magiging anak nila. At bagaman may nakapang lungkot na talagang ang bata lang ang dahilan ni Harry para pakasalan sya ay matipid syang ngumiti.
Umunat sya at tinangkang tumayo ngunit agad na nahawakan ni Harry ang kamay nya. Nagtatanong ang mga matang tinitigan nya ito. Ngumiti lang ito at hinila sya paupo sa tabi nito.
“Anong gagawin mo?” kinakabahang tanong nya.
Bahagya syang napahiya ng tumawa si Harry. Tinangka nyang kumawala mula rito ngunit agad na humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. Mabilis na dinampian nito ng halik ang labi nya bago muling nagsalita.
“Wala akong gagawin na hindi mo gusto.” kumikislap ang mga mata nito. Ang mukha nito ay kaylapit sa kanya at ang mabangong hininga nito ay naaamoy nya. Wag ng idagdag pa ang hubad na katawan nitong nakadikit sa kanya.
“Sobrang tumatumbling ang puso ko sa nerbiyos, Harry…” hindi nya alam kung handa na ba syang muling ipagkaloob ang sarili rito. Sa pagkakataong ito ay hindi sila lasing.
“Ngunit hindi ka pa handa…” konklusyon ng lalaki. Puno ng pang unawa ang gwapong mukha nito. “Hindi kita minamadali, Pippa…hindi ko ipipilit. Gusto kong mangyari iyon sa panahong pareho tayong handa.”
“Hindi ka pa rin handa?”
“Physically, I am.” Isang pilyong ngiti ang sumilay sa labi nito na ginantihan nya ng irap. “Pero mas gusto ko na handa tayo emotionally…”
“Ano iyon?”
“Basta magulo, baka di maabot ng IQ mo…” biro nito at muli syang siniil ng halik habang inihihiga.
“Harry…”
“Matutulog lang tayo…goodnight kiss lang naman iyon, masyado kang nerbiyosa.”
Kinurot nya ito sa tagiliran na ginantihan nito ng yakap. Ipinikit nya ang mga mata nang maramdaman ang marahang pagdampi ng labi nito sa noo nya.
Nang makatulog si Pippa ay marahang inayos ni Harry ang kumot at minasdan ang maamong mukha nito. Pippa is getting prettier each day, he thought. At sino ang niloloko nyang kailangan nyang maging handa emotionally? Well, alam nya kung ano ang nararamdaman nya kay Pippa. Kung araw araw itong gumaganda sa paningin nya at ayaw nyang nawawalay ito sa tabi nya ay malinaw na nahuhulog ang puso nya rito. Nang iwanan sya nito sa isla ay ilang araw pa syang nanatili roon sa labis na pangungulila rito. Nang marealize nya ang nararamdaman nya sa dalaga ay natakot syang aminin iyon sa sarili. It took time for him to accept na walang kulay ang kanyang buhay kung wala si Pippa. At nagkunwa syang naguguilty. At nang malamang nagdadalang tao ito ay sinamantala nya ang pagkakataon na umaayon sa kanya at inalok ito ng kasal. Nagbuntong hininga sya at muling hinapit ang dalaga. Umungol ito at lalong sumiksik sa dibdib nya. I can’t bear to lose you gaya ni Olivia…
Kinabukasan ay nagising sya sa lagaslas ng tubig sa banyo. Agad syang bumalikwas at sya ring labas ni Harry mula sa banyo. At walang anumang saplot. Mabilis syang nahiga ulit at itinutok ang mga mata sa kisame.
“Ugali mo talagang lumabas ng wala kahit tuwalya pag naliligo…” aniya nang maalala nang una silang magtagpo. Tumawa si Harry at humakbang palapit sa kanya. Tumili sya.
“Hey, may towel na ako…” tumatawang tinakpan nito ang bibig nya. “Matataranta ang mama sa tili mo…” humakbang ito sa tokador nang tumigil sya sa pagtili. Naupo sya sa kama at natatawang pinanood ito.
“Kaw kasi…” aniyang tumatawa. Ilang sandaling nakatitig lang sila ni Harry sa isat isa.
“Alam mo ba…” anito sa seryosong tono na nagpatambol sa dibdib nya.
“Hindi pa…” aniya. “Joke ba iyan?” sinubukan nyang magbiro upang hindi mahalata ni Harry na kinakaban sya.
Natigilan si Harry bago tumikhim. “Some other time, Pippa…malilate na pala ako.” Anito at nagpatuloy sa pagbibihis.
Hindi nya alam kung sino sa kanila ni Harry ang mas disappointed. Ano bang gustong sabihin ni Harry? Sira ulo ba sya para mag expect na mahal din sya nito? Mabilis syang tumayo. “Magbibihis lang ako at ipaghahanda kita ng almusal.” Paalam nya. Matapos magbihis ay agad syang bumaba at nadatnan si nana Ebeng sa kusina na naghahanda ng almusal.
“Bakit kayo ho ang gumagawa nyan? Nasaan si Edita?” tanong nya habang tinutulungan ito.
“Namalengke. Dalawang kawaksi kasi ang nasisante at wala pang kapalit.” Binaliktad nito ang omelette at binalingan sya. “Dun ka na sa labas at ihahain ko na ito.”
“Tutulungan ko na po kayo at wala naman akong gagawin.” Hindi na nya hinintay na sumagot ito. Naglabas sya ng fresh oranges at gumawa ng orange juice.
“Tama si Ebeng, hindi mo trabaho iyan, Pippa.” Ang donya na tila kanina pa sila pinapanood.
“Eh…kaya ko naman po, di naman po mahirap to.”
“Sana wag mong sasaktan si Harry…” anang donya na malayo sa paksa.
Napatingin sya kay nana Ebeng na natigilan din. Nagulat pa sila nang tumikhim si Harry. Lumapit ito sa kanya at humalik. “Anong namiss ko?” tanong nito.
Muli silang nagkatinginan ni nana Ebeng at parehong di makasagot. Inabutan na lang nya ng orange juice ang binata na tinanggap nito.
“Magsilabas na nga kayo sa dining room at sumisikip ang kusina ko…” nakangiting biro ni nana Ebeng na sinunod nila.
Mag isa syang naghapunan ng gabing iyon sapagkat maghapong masama ang pakiramdam nya. Si Harry ay nagpasabing baka madaling araw umuwi sapagkat nagkaroon ng equipment breakdown sa planta. Hindi na sya nagpapanhik ng pagkain sapagkat hindi nya nais na makaabala pa. Ang dalawang kawaksing natanggal ay hindi pa rin napapalitan sapagkat hindi pumasa sa kuwalipikasyong hinihingi ng donya.
“Well, well…himala, mag isa ka ngayon…” si Patrick na kadarating lang. Naupo ito sa tapat nya at nakapangalumbabang tinitigan sya.
Naiilang na tinapos na nya ang pagkain. “Kumain ka na ba? Gusto mong ipaghain din kita?”
“Kaya naman gustong gusto ka ni Harry. Kahit hindi mo gusto ang isang tao, maganda pa rin ang ipinakikita mo.” Hinagod nito ng tingin ang katawan nya nang tumayo sya upang ligpitin ang pinagkainan.
Walang imik na tinungo nya ang kusina at sinimulang hugasan ang pinagkainan. Napapitlag sya nang maramdaman ang hininga ni Patrick sa may batok nya. Mabilis syang pumihit at lumayo rito.
“Nakainom ka. Umakyat ka na sa kwarto mo kung hindi isusumbong kita kay Harry.” Mariin nyang wika.
Tumawa lang ito. “At anong isusumbong mo? Wala pa akong ginagawa, Pippa.” Nagpatuloy ito sa paglapit sa kanya at nakorner sya sa pintuan ng ref. “Talaga bang buntis ka?” Hinawakan nito ang tiyan nya sa labis na pangingilabot nya. Ang isang kamay nito ay mabilis na tinakpan ang bibig nya. “Pagbigyan mo na ako, Pippa…” sininghot nito ang leeg nya. Ibinuhos nya ang lakas at itinulak ito. Dahil lasing ay bahagyang gumewang ito ngunit inabot pa rin ang kamay nya.
“Bitiwan mo ako kung hindi sisigaw ako…” may takot na bumabangon sa dibdib nya.
“Ah, panibagong eskandalo…kung alam mo lang, Pippa…ako dapat ang ama nyan…” pagyayabang nito.
“Anong sinasabi mo? Anong sinabi mo, Patrick?” wala sa kamay nito na nakapulupot sa beywang nya ang isipan nya kundi sa sinasabi nito. Anong kinalaman ni Patrick sa nangyari sa kanya?
“Sasabihin ko pagkatapos ko sa iyo, Pippa…” anitong tinangka syang halikan. Iniiwas nya ang mukha at muli itong itinulak.
“PATRICK!” Si Sir Fidel na tila nawala ang antok. Agad syang binitiwan ni Patrick. Mabilis syang lumapit sa matanda. “Anong ginagawa mo kay Pippa?” galit na tanong nito. Naupo si Patrick sa isang bakanteng upuan at nakangising pinaglipat lipat ang tingin sa kanila ng biyenang lalaki. Tila balewala rito ang nakikitang galit sa mukha ng matanda.
“May kinalaman sya sa nangyari sa akin…” paliwanag nya sa biyenan na naguguluhan. Mabilis na nilapitan ng lalaki si Patrick at hinawakan sa magkabilang balikat patayo.
“Anong kinalaman mo sa nangyari kay Pippa?” pigil ang galit ng matandang lalaki.
Pigil ang hininga nya sa paghihintay ng isasagot ni Patrick. Sa anyo nito ay tila hindi lamang sa alak ito lango kundi maging sa ipinagbabawal na gamot. Sa halip na sumagot ay binalingan sya nito.
“Gusto mo ba talagang malaman ang nangyari ng gabing iyon, Pippa? kumikislap ang mata nito na tila isang napakagandang sekreto ang ibubunyag nito.
“Bakit mo sinasabing ikaw dapat ang ama ng ipinagbubuntis ko?” halos bulong na lumabas sa bibig nya. Ang dibdib nya ay naninikip sa tension na nararamdaman kasabay ng marahang pananakit ng tiyan. Wala sa loob na dinama nya ang tiyan.
Nag aalalang nilapitan sya ni Sir Fidel at inalalayang makaupo. “I can call the police, Pippa. Hindi mo kailangang matensyon ng ganito.” Anito na hindi na nya napakinggan sapagkat ang atensyon nya ay sa mga sumunod na sinabi ni Patrick.
“The wine was drugged, pero hindi dapat si Harry ang makikinabang sa iyo. Ako dapat, ako ang nagplano nun.” Sinundan nito iyon ng nakakalokong tawa. “At ngayon sinasabi mong buntis ka? Imposible. Baog si Harry. That’s why Olivia left him.”
Nanlalamig ang mga kamay nya at tila piniga ang puso nya. Bago tuluyang nagdilim ang kanyang paningin ay nakita pa nya nang abutin sya ni Sir Fidel at saluhin.
0 thoughts on “Love and Lies”