Download Story.

close

For Always

Written By: KayleneSJ       |       Story Status: Completed
Posted By:
KayleneSJ

 

 

 

 

CHAPTER EIGHT

 

Ibinulsa ni Ramon ang cellphone at hinilot ang sentido.  Katatapos lang nyang makausap si James at si Cara at hindi ito lumipat ng boarding house gaya ng sinabi ng biyenan.  Ellen was lying.  He should have known.  Kailangan na nyang muling kausapin si Evelyn. And they will have to tell Venice the truth.  Nang una nyang sabihin kay Evelyn ang tungkol kay Cara ay hindi ito tumutol na tulungan ito.  Pareho nilang nais makatulong sa abot ng kanilang makakaya.  Pero habang tumatagal si Cara sa mansyon ay kinakain si Evelyn ng insecurities nito.  Ngunit ngayong nalaman nya ang sitwasyon ni Cara, nagdesisyon na sya na ang tanging paraan para lubusan itong maprotektahan at mapangalagaan ay ang pagsasabi ng tapat.  Sa ngayon ay kailangan muna nyang kausapin ang biyenan.  Hindi nya inaasahan na kaya nitong gumawa ng kasinungalingan dahil lamang sa maling akala nito kay Cara.  Well he could be partly to blame. He should have been man enough para sa mga consequences ng mga desisyon nya.

He dialed Evelyn’s number. It’s Saturday at alam nyang hindi ito umalis ng bahay.  Dapat ay hindi rin sya papasok ngayon ngunit gusto nyang iwasan ang tensyon sa pagitan nilang mag asawa.  This time, he has to end it.

“Hon…” aniya nang sumagot ito.  “Are you at the house?”

“Oo.” Maikling sagot nito.

“May lakad ka ba?”

“Wala naman.  Kung maagang uuwi si Venice ay baka yayain ko sa mall.”

Tumikhim sya bago muling nagsalita.  “We need to talk.”

“Please, Ramon…” nakikiusap ang tinig ni Evelyn.

“We need to do this, Evelyn.  Alam mo iyan.”  Pahapyaw nyang binanggit ang ginawa ng ina nito.

“I’m sorry…” she sob.  “I can’t believe magagawa nya iyon.”

“Please..let us talk.  With your mother…and with Venice later.”

“Okay…” mahinang wika ni Evelyn matapos ang tila napakahabang sandali.

Nagpaalam na sya at naupo sa swivel chair.  Ilang minuto ang lumipas bago nya dinampot ang gamit at lumabas ng building.

 

“What is this all about?”  tanong ni Ellen.  Nasa library silang tatlo.  He  silently sneered sa guilt na nakabakas sa mukha ng matanda.  Si Evelyn ay nag iwas ng tingin sa ina at nilaro ang mga daliri sa kandungan.  She was tensed.

“You know what this is all about, mama.” Aniya.

“I don’t know what are you talking about.” Malamig na wika ng matanda.

“It’s about Cara.”

“So what about her?  Hindi ko alam kung saang boarding house sya lumipat.  Basta ang sabi lang nya lilipat na sya.  Nagmamadali.”

“She’s in La Union.” Namutla ito.  “With James.”

Hindi nakapagsalita agad ang matanda.  Hinilot hilot nito ang dibdib but he knows better.  She is healthy as a bull.

“Pinagbibintangan mo ba ako?”

“Anong ibibintang ko, mama?  I have talked to Cara and James.  Pwede ko pa bang ibintang ang isang bagay na totoo naman.” Pinipigil nya ang nararamdamang galit alang alang kay Evelyn.

“Okay…” tumayo ito at hinarap sya.  “I lied.” Her chin proud.  “I lied because I love my daughter and my apo.  Ayokong masira ang pamilya mo.”

“What are you saying ma?” ani Evelyn.

“Cara is his mistress, Evelyn.” Tumaas ang boses nito.  “Narinig ko kayong nagtatalo sa lanai.” Pahapyaw nitong ikwinento ang narinig na usapan nilang dalawa.  “I know you’re submissive to your husband at ayokong danasin mo ang ginawa sa akin ng papa mo.  I have to do something para hindi tuluyang masira ni Cara ang pagsasama nyo.” Anito kay Evelyn.

“It’s not what you think, mama.” Ani Evelyn na iiling iling.

“I can’t be wrong.  Kung wala pa man silang relasyon ngayon, sooner or later papatulan din ni Cara si Ramon.” She was sarcastic.

“You should have confronted me instead.” Ani Ramon.  “Kung napahamak si Cara ay hindi kita mapapatawad.”

“See!” ikinumpas nito ang kamay.  “Harap harapan mong binabastos ang anak ko.  How could you care for that woman kung wala kayong relasyon!”

“Because she’s my daughter!” bahagyang tumaas ang boses nya kasabay ng pagtayo.  Si Evelyn ay tahimik na umiyak.

Ellen was gaping at him like a fish out of water.  Inihilamos nya ang kamay sa mukha bago muling naupo.  Tila nanghihinang naupo si Ellen.

“Your daughter…”anitong hindi pa rin makapaniwala.  “Kaya mo ba nasabing masasaktan si Venice?” tanong nito sa anak.  “Dahil meron syang ibang kapatid?  She’s old enough.  Maiintindihan nya iyon.”

“Venice is not our daughter.” Ani Evelyn.  “Nakunan ako on my 4th month of pregnancy.  Kinakain ako ng insecurities para kay Venice sa oras na malaman nyang hindi namin sya tunay na anak.”

Shock was visible on the old woman’s face.

“Inampon namin sya noong bagong silang sya.  Ang mga kasambahay na nakakaalam ay pinalitan na namin.”

“I didn’t know…bakit hindi mo sinabi sa akin?” she was crying.

“You’re in California.  Finally starting to live nang mamatay ang papa.  Kahit hindi ako nakapisan sa inyo noon, alam ko ang sakit na dinanas mo sa kanya.  Ayokong bigyan ka ng panibagong isipin.  Ayokong mag alala ka sa akin.”

“But you’re my daughter.” Niyakap ito ni Evelyn.  “Alam ba ni James?”

Evelyn smiled softly.  “Yes.”

Tumango si Ellen bakas ng pang unawa ang mukha.  “Can you forgive me, Ramon?  I have been wrong.  I’m so sorry.”

Tumango sya at hinagkan ang biyenan sa pisngi.

“Darating si James at Cara. At uuwi na rin si Venice.”

“And you’re planning to tell them.” Hindi tanong iyon kundi kumpirmasyon.  Magkasabay silang tumango ng asawa.

“We will get through this as family.” Ani Ellen.  And he believe her.

 

Kaharap nila si Venice ng tanghalian.  They thought telling her the truth would be difficult.  Tila walang nais magsalita matapos ikwento ni Evelyn kung paano nila naampon si Venice.

Pagkatapos ng tatlong miscarriage ay nagbuntis si Evelyn at walang pagsidlan ang kaligayahan nilang mag asawa.  Ikaapat na buwan ng duguin si Evelyn.  Walang nagawa ang mga doctor para iligtas ang bata.  At nadiskubre ng mga ito ang malaking bukol sa ovary ni Evelyn.  They had to removed it and  Evelyn was devastated na hindi na ito maaring magkaanak.  She was depressed for months hangga inaapproach sila ng Parish priest tungkol sa isang sanggol na babaeng iniwan sa simbahan.  Ramon was hesitant ngunit naniniwala si Evelyn na iyon ay blessing para sa kanila and they adopted the baby.  Dahil sa sanggol ay nanumbalik ang sigla ni Evelyn.

Venice smiled at ginagap ang kamay nilang dalawa.  “I know.”

Lahat sila ay nagulat.  “How?” tanong nya nang makabawi.

“I met the priest after highschool graduation.  Hindi nya alam na hindi ko alam.” Venice laughed softly.  There was no bitterness in her voice.  “Nang malaman nyang kayo ang mga magulang ko, he was excited to tell me the whole story.  Kung paanong nakita ako ng sacristan sa altar ng simbahan and called him.  I was gaping at him nang matapos ang kwento nya at noon lamang nya narealize na hindi ko alam.  Hindi nya alam kung paano babawiin ang kwento nya.” She laughed some more.

Teary eyed, Ellen and Evelyn laughed with her.  He held her hands.  “You know we love you, right?” masuyo nyang tanong.  “You gave us the honor of being your parents and you gave us so much joy.  And until now, we are honored and overjoyed.”

“I know right, dad.” She wrinkled her nose.  “And I love you all and I am so grateful to be your daughter.  I wouldn’t be where I am now kung hindi dahil sa inyo ng mommy.”

Tumikhim si Ellen kasabay ng pagsulyap sa kanya.

“Another thing, Venice….” Simula nya.  “I…” sumulyap sya kay Evelyn para humingi ng tulong.

“How about the idea of having a sister?” Evelyn smiled.

“Oh…mag aampon ulit kayo?” Kumunot ang noo ni Venice.  “Don’t you think you’re too old para mag ampon pa?  Children can be tiring.”

“Ahhmm…well…” napasulyap sya kay Ellen who gave him an encouraging nod ngunit nangangapa syang dugtungan ang sinimulan.

“Cara is your sister.” Mabilis na wika ni Ellen then shrugged helplessly at him.  He sighed.

“Cara is my daughter.”

“Oh…how..?”

 

 

James and Cara arrived just before dinner.  Bukod sa brasong nakacast ay halata pa sa mukha ng dalaga ang tinamo nitong mga pasa at galos mula sa hit and run accident.  Tila piniga ang kanyang puso ngunit pinigil ang sarili upang hindi yakapin ang anak.  Ellen stepped forward and hug her.

“I am so sorry, Cara.  I have been wrong.” Wika nito.  “Will you forgive this malicious old woman?” alanganing ngumiti ito kay Cara.

“Syempre naman po.” Ngumiti si Cara at gumanti ng yakap.  “Naiintindihan ko po kayo.”

“Come on, kumain muna kayo ni James.  I’m sure you’re both tired mula sa byahe.” Aya ni Evelyn.

Sumunod sila ni James sa dining area.

“Will you be spending the night here, James?” tanong ni Ellen sa anak nang makaupo.  Matapos silang hainan ng kawaksi ay tahimik silang kumain.

“Yes.  What’s up, guys?  You’re all tensed.” Ani James habang ngumunguya.  “Kumain na ba kayo?”  Halos sabay sabay na tumango ang mga nakapalibot sa kanila.

“May nangyari ba?” nag aalala nyang tanong sa tatlong matatanda.  Wala si Venice sa bahay.

“Tapusin nyo na muna ang pagkain nyo and then we will talk.” Ani Ellen.

Nagkatinginan sila ni James at atubiling nagpatuloy sa pagkain.

 

Nagtuloy sila  sa library matapos kumain.  She can feel the tension in the air.

“What’s wrong guys?” si James.

Nag alis ng bara sa lalamunan ang tito Ramon nya bago hinawakan ang kamay ng asawa na tila umaamot ng lakas.  “Gusto ko munang humingi ng tawad sa iyo, Cara.  Kung naging mas matapang lamang akong sabihin ang katotohanan sa simula pa lamang ay mas naprotektahan kita.”

Kumunot ang noo nya.  “Kung tungkol ho ito sa aking stepfather ay wag nyong sisihin ang sarili nyo.  Likas hong may taglay na kasamaan ang ibang tao.”

“No, it’s not about him.  We will talk about him later.”

“What about her stepfather?” singit ni James.

Sinaway ito ni Evelyn sa pamamagitan ng pagwasiwas ng kamay.  “Later…”

Muli napako ang atensyon nila kay Ramon.

“Hindi lingid kay James na ampon namin si Venice.” Napasinghap sya.  “At kanina ay naipaalam na namin iyon kay mama at maging kay Venice.”

“How did she take it?” James was concern.

“She took it well.  All along she knew.” Pahapyaw nitong ikwinento kung paanong nalaman ni Venice ang katotohanan.

“That’s good.” Ani James.

“At kanina rin ay naipaalam ko na sa kanila ang katotohanan tungkol sa aking anak.”

Silence fills the room.

“Ang anak kong iyon ay si Cara.”

Tila dinig sa silid ang tibok ng puso nya.  What is he saying? Baka namali sya ng dinig.  Umaasa sya na may magsasabing biro lang iyon ngunit nanatiling seryoso ang mukha ng lahat ng nasa silid.

“Paano nangyari iyon?” tanong nya nang makapagsalita.  “Ang aking itay ay isang sundalo.”  Hindi na nya idinagdag na namatay iyon sa isang engkwentro sa Mindanao.

Bago nakasagot si Ramon ay pumasok si Venice.  Nakangiting naupo ito sa tabi ni Ellen.

“It’s a long story…”ani Ramon.

 

 

 

 

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15