Download Story.

close

For Always

Written By: KayleneSJ       |       Story Status: Completed
Posted By:
KayleneSJ

 

 

CHAPTER SEVEN

 

Cara opened her eyes.  Muli syang dinalaw ng masamang panaginip.  Parehong panaginip noong nakaraang gabi.  Marahan syang bumangon at tinungo ang higaan ni James.  Nakatihaya ito at nakadantay ang isang braso sa noo nang mahiga sya sa tabi nito.  Agad itong nagising.

“Hey…”

“Hindi ako makatulog…” Iniunat nito ang braso at umunan sya roon.  Ang isang braso nya ay iniyakap sa beywang nito.  The warmth of his bare skin makes her shuddered with overwhelming sensation.

“Or you had another bad dream?” he gently asked and she snapped out of her daydreaming and blinked.

Tumango sya.  Hinagkan nito ang tuktok ng ulo nya.  “Same dream?” tanong nito.

“Oo…may naikwento ba ako sa iyo na may nagtangka sa akin dati?”

Umiling ito.  “Para kasing totoong nangyari.”

“Well…sometimes dreams can feel real..”

Hindi sya sumagot.  Umaasa sya  na talagang isang masamang panaginip lang ang lahat.  Sumiksik sya sa binata at ipinikit ang mga mata.

 

Malalim na nagbuntong hininga si Cara bago pumasok sa opisina ng immediate boss nya.  Pangalawang trabaho na nya ito sa loob lamang ng anim na buwan at gusto nyang tumagal dahil mababait ang mga kaopisina nya.  Bago ang mga ito, she used to work bilang assistant ng dentista sa isang clinic malapit sa kanila.  Hindi kalakihan ang suweldo ngunit mabait ang dentista at kumportable sya sa trabaho bukod pa sa malapit sa kanila.  Malaking bagay iyon para mas maalagaan nya ang noon ay maysakit na ina.  Nang mamatay ang ina ay pinilit nyang agad makalipat ng boarding house dahil sa amain.  Noong nabubuhay pa ang ina ay pilit nyang binabalewala ang paghawak hawak nito sa kamay nya at pag akbay akbay.

  Nakapagtrabaho sya sa isang travel agency bilang receptionist ngunit ni hindi sya umabot ng isang buwan doon dahil sa harassment issue.  Naabutan sila ng asawa ng boss nya sa isang hindi magandang sitwasyon ngunit sa halip na sya ang ituring na biktima ay pinaratangan syang inaakit ang dating employer.  Nobody wants to listen to her side of the story.  May dalawang sumunod pa syang application pagkatapos noon ngunit parehong hindi natuloy sapagkat sa interview pa lamang ay nakakarinig na sya ng indecent proposals.  Maganda sya ngunit sa maraming pagkakataon ay hindi nya ipinagpapasalamat iyon.  Her beauty is a curse.  Ang trabahong ito bilang front desk staff ng condotel ay ipinagpapasalamat nya at biyaya para sa kanya.  Mababait ang mga kasamahan at bagaman istrikto ang immediate boss nya ay hindi ito nagpapakita ng interes sa kanya malibang tungkol sa trabaho.  Dalawang buwan na sya sa trabaho nang muli nyang kontakin  si Ramon Buenaventura.  Nakilala nya ito sa hospital bago mamatay ang ina mula sa cancer sa buto.   Ipinahanap ito ng ina. He was her mother’s first love.  Kung bakit hindi nagkatuluyan ang dalawa ay hindi na nya naitanong.  Ito ang nagbayad ng lahat ng gastos ng ina sa hospital.  Nang mamatay ang ina ay naputol ang ugnayan nya rito.

     “Good afternoon, sir.”

     Nag angat ng mukha mula sa binabasang dokumento ang lalaki at tumango sa pagbati nya.  Marahil ay nasa Fifty na ang edad nito.  Maliit na lalaki na may bilugan at masayahing mukha.  Palakaibigan sa mga guests pero istrikto sa kanilang mga empleyado.

     “Sit down, Cara.”anito sa business like tone na madalas gamitin sa kanilang mga empleyado.

     Walang imik syang naupo.  Iniisip kung para saan ang pagpapatawag sa kanya.  May agam agam sa dibdib nya.

     “Marge hired you at hindi dumaan sa akin ang mga records nyo.”   Hinubad nito ang salamin sa mata at tinitigan sya.  Ang tinutukoy nito ay ang HR manager nila.  Ayon sa regular na proseso ay kailangang dumaan pa sa final interview ng matanda bago maapprove.  At hindi sya dumaan sa prosesong iyon.   “We are selling this condotel.”

     Hindi nya naitago ang pagkakabigla ngunit walang salitang nanatili syang nakatanga sa lalaki.

     “I want to retain all the employees ngunit gusto ng bagong may ari na qualified lahat.  I like you in the reception area.  Pleasant to the eyes and polite to the guests…”

     Nanlulumong napayuko sya.  Alam na nya ang tinutukoy ng lalaki.  She is an undergraduate.  May dalawang subjects syang naiwan para tapusin ang isang semester sa kursong Hotel and Restaurant Management.

     “In two months time ay kukunin na ng bagong may ari ang pamamalakad ng condotel.  Sana ay pwede kang makapag enroll agad para hindi kita alisin sa posisyon mo.”

     “Po?” tama ba ang pagkakaintindi nya.

     “Mag enroll ka.  Ipapaadjust ko ang schedule mo.  Ikaw lang ang undergraduate sa mga empleyado ng condotel.  Ang iba ay ievaluate base sa performance.  Performance wise, you deliver.  Kaya gusto kong bigyan ka ng pagkakataon to grow with the company.” Nakangiting wika nito.

     Mangiyak ngiyak na tumango sya.  “Salamat po, sir.  Pipilitin ko pong makapag enroll.”

     Masigla syang tumayo when he dismissed her.

 

Agad syang inusisa ni Pam nang makalabas ng opisina.  Isa rin itong front desk staff at syang pinakamalapit sa kanya.  Hindi na rin lingid dito ang kwento ng buhay nya.  Sa maikling panahon ay nakapalagayang loob na nya ito.

     “I’m so happy for you, sis.  Magandang opportunity ito.” Niyakap sya nito.

     “Baka lalo na akong hindi makaalis sa bahay ng tito Ramon kapag nag aral ulit ako.”

     “Isang sem lang naman, sis.  Saka ayaw ka naman talagang paalisin ng tito Ramon dahil dyan sa amain mo.” 

     “Ang layo na ng Quezon City at Ortigas sa Bulacan, friend.  Hindi na ako makikita noon.”aniya bagaman kulang sa conviction.

     “Naku ha, e bakit a month ago e kinontak mo ang tito Ramon—kasi nasundan ka.  At saan ka nasundan, Quezon City na rin iyon, girl.”  Iiling iling ito.  “Wag kang kampante.”

     Hindi sya nakaimik.  Sa boarding house sya nakatira noon at kakasimula lang magtrabaho sa condotel.  Nagulat sya nang sabihin ng landlady na nasa ibaba ang stepfather nya.  Sa kabila ng takot ay sinubukan nyang harapin ito lalo at marami rin namang tao sa boarding house sapagkat canteen ang ibaba noon.  Umaasa syang hindi ito gagawa ng eskandalo. 

     Tila maamong tupa ito sa harap ng landlady nila at ipinagpaalam na ipapasyal lang sya.  Sa panlabas na anyo ay walang mag iisip na makakagawa ito ng masama.  May trabaho ito bilang isang manager ng isang appliance store.    Magandang lalaki at higit na batang tingnan para sa edad.  Matikas pa rin ang katawan nito.   Malinis ito sa katawan at mukha talagang mabait.  But she knows his true color.

     Sinubukan nyang magdahilan ngunit nagbanta itong magwawala kung hindi sya sasama.  May angking karisma si Ed  na hindi nya maintindihan. 

     Pumayag syang kumain sa labas kasama ito at nagkunwang natuwa na makita ito. Nagkunwa syang namiss ito kahit naghuhumiyaw sa pandidiri ang kalooban nya sa bawat akbay at hawak nito sa kamay nya.  Nang bumili ito ng tiket para manood  sila ng sine ay sinamantala nya ang pagkalingat nito.  Hindi na sya bumalik sa boarding house.  At mula sa cellphone ay muling kinontak si Ramon Buenaventura.  And Ramon protected her eversince.  At ngayon ay tila binibigyang kulay ng biyenan nito ang pagtira nya sa bahay ng mga Buenaventura. 

     “Wag mo na nga munang isipin ang sira ulo mong amain.” Pinasigla ni Pam ang boses. “Back to college ang beauty mo, baka magkaboyfriend ka na roon.”

     Napangiwi sya.  “Saka na ang boyfriend.  Mas gusto kong magfocus sa trabaho.”  Ang huling manliligaw nya ay pinagbantaan ng amain.  Hindi na ito bumalik.  “Saka nakakahiya kina tito Ramon at tita Evelyn kung magpapaligaw lang ako sa bahay nila.” Hindi na nya idinagdag na naninimbang din sya sa biyenan ng tito Ramon nya nang umuwi ito.

     “Pwede ka rin naman kasi sa bahay…kaso, apat na kami roon eh.  Sa sala ka na matutulog.”  Ang tinutukoy nito ay ang maliit na apartment sa may Santolan.  “Nakakahiya naman sa iyo kung pareho ang share mo tapos sa sala ka na matutulog.” Kasama nito ang dalawang pinsan at isang kaklase ng pinsan nito sa kolehiyo.

     “Okay lang iyon.  Hayaan mo pag pinayagan ako ni tito Ramon, sa inyo ako lilipat.”

     “Kaso ipakulong muna natin ang tito Ed  mo at hindi kita kayang ipagtanggol dun.”

     “Sira…” aniya bagaman batid na may bahid ng katotohanan ang sinabi ng kaibigan.  Nakita na nyang nagalit ang amain nang may bumisita sa kanyang manliligaw.  And he was disturbing.  She knew right there and then that something is off sa pagkatao ng amain.

     Natigil lang ang kwentuhan nila nang may dumating na guests.   Hindi nagtagal at pareho na silang abala.  It will be a long day.

 

Cara abruptly opened her eyes.  Pinagpapawisan sya ng malamig.  Napapitlag sya nang dumantay ang braso ng katabi sa beywang nya.  May katabi sya!  Mabilis syang bumangon at binuksan ang ilaw.  She sighed her relief nang makitang hindi ang amain nya ang kasama nya.  Iginala nya ang tingin habang unti unting bumabalik ang mga alaala ng mga nakaraang araw sa kanya.  Ang babaeng nagpakilalang tiyahin nya sa hospital ay ang biyenan ng tito Ramon nya.  Bakit nito ginawa iyon?  Alam ba ng tito Ramon na naaksidente sya?  And who is James?  Sa hospital lamang nya ito nakilala.  Sigurado sya sa bagay na iyon sapagkat ang tipo ng binata ang mahirap kalimutan.  Nasa ganoon syang pag iisip nang tumihaya ang binata.  Ang kumot na nasa tiyan nito ay bahagyang bumaba and she gasped softly kasabay ng pag iinit ng mukha.  He is wearing his boxer ngunit hindi sapat iyon para hindi maglumikot ang imahinasyon nya.  Nagmulat ito ng mga matang bahagyang nasilaw sa liwanag ng ilaw.

“Are you okay?” tanong nito.  His voice husky from sleep.  Naupo ito at inilahad ang kamay para abutin sya.

“James…” bumangon ito at naupo sa harap nya.

“What’s wrong?”

“Who are you?”

Kumunot ang noo ng binata.

“Bumalik na ang alaala ko…maliban sa hospital ay hindi pa kita nakikita sa buong buhay ko…” she watched his face changed emotions.

Isinuklay nito ang kamay sa buhok bago tumikhim.

“I’m Ellen’s son.  Evelyn’s younger brother.”

Sya naman ang kumunot ang noo.  “Bakit nandito ako sa La Union?  Hindi ba alam ni tito Ramon na naaksidente ako?  Bakit nagpakilalang tiyahin ko ang mama mo?” sunod sunod nyang tanong.

“Well…my mom…Ellen thought you’re Ramon’s mistress…” nag iwas ito ng tingin.

Naubo sya.  “Hindi totoo yan…” nakaramdam sya ng paghihimagsik ng kalooban.  Alam nyang hindi sya gusto ng biyenan ng tito Ramon pero hindi nya inaasahan na pinagdududahan sya nitong may relasyon sa manugang. Na ganoon kababa ang tingin sa kanya ng matanda.  “You don’t believe that, do you?” importante sa kanya ang sagot ng binata.

“Of course I don’t.  Yan din ang sinasabi ko sa mama.  Nang malaman nyang meron kang temporary amnesia ay gusto nyang ilayo ka kay Ramon.”  Akma syang magsasalita ngunit nagpatuloy ito.  “I suggested na kausapin ko mismo si Ramon dahil hindi ako sumasang ayon sa plano nya pero nagkamalay ka sa hospital at ako ang namulatan mo…”

“Oh…” she gaped as realization sets in.  “At pinadali ko ang plano ng mama mo…inakala kong kasintahan kita…and I even assumed na nagsasama na tayo kaya walang kahirap hirap na naisama mo ako rito sa La Union.”  Tumango ang binata.

He smiled sheepishly ngunit hindi nagsalita.  Her cheeks burned.

“Bakit hindi mo itinama?  Saka bakit suot ko ang singsing na ito? Kaninong singsing ito?” hinubad nya ang singsing na suot and somehow her finger felt bare.

“I can imagine your anguish waking up without memory at wala ni isang kakilala.  Kung ako iyon, my whole world will feel like collapsing.  I can’t hurt you by telling the truth.  Ayokong sa akin manggaling iyon.  I hated lying to you but I just can’t hurt you sa unang beses na nagkita tayo.”  Tiningnan lang nito ang singsing na iniaabot nya.  “And you can keep the ring.”

“This is not mine.”

“It’s yours now.” Matabang nitong wika.

Bumalik ang atensyon nya sa singsing.  “May nobya ka?” she asked in a small voice remembering the kisses they shared.  Bahagi lang ba iyon ng pagpapanggap ng binata bilang kasintahan nya?

“She rejected my marriage proposal and dumped me.” He said drily. “I’m single.”

“Oh..” hindi nya alam ang sasabihin.  A part of her is glad.  “She must be out of her mind.” Wala sa loob na wika nya.  James smiled and gently touched her face.

“You’re good for my ego, babe.”

Bago pa sya nakasagot ay muli itong nagsalita.

“So what are your plans?  Definitely sleeping together and letting me kiss you are not part of it anymore?”  he teased.  His eyes briefly lingers on her lips.

Natawa sya bagaman namumula ang mukha sa pagkakapahiya.  “May trabaho ako, James.  Kailangan kong ipaalam kung bakit hindi ako nakapasok.  Saka kailangan kong tawagan ang tito Ramon.”

Tumango ang binata.

“At kailangan kong ikwento sa kanya kung paano akong napunta rito sa La Union.  Ang tungkol sa mama mo…” alanganin nyang idinugtong ang huling pangungusap.

“Yes do that.  My mother’s wrong about you at kailangan nyang tanggapin iyon.” His eyes narrowed thoughtfully.

“Thank you.”

“You can stay here hangga nagpapalakas ka.  Maraming kwarto sa ibaba kung maiilang kang kasama ako rito sa itaas.”

She sighed.  “You’re a complete package.” She said dreamily.

“What?”

Natawa sya.  “I mean, masuwerte ang magiging girlfriend mo.  Gwapo na mabait pa.”

“Oh, you find me gwapo.”  His eyebrows shot up playfully.  “Dahil dyan you deserve a kiss.”

His arms reached for her nape and pull her closer bago dumampi ang labi nito sa labi nya.  She closed her eyes in submission.  Maybe this could be the last time na maiienjoy nya ang halik ng binata.  Good things never last daw.

 

 

 

 

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15