Download Story.

close

For Always

Written By: KayleneSJ       |       Story Status: Completed
Posted By:
KayleneSJ

 

 

 

 

 

CHAPTER FIVE

 

Nahihirapan syang makahinga dahil may nakadagan sa kanya.  He was trying to kiss her and his hands were all over her.  Alam nyang nanlalaban sya ngunit tila paralisado ang katawan nya.  Sinubukan nyang sumigaw ngunit walang tinig na lumabas sa kanya.  Malakas ang kabog ng dibdib na nagmulat ng mga mata si Cara.  Isang masamang panaginip lamang ngunit tila totoo.  Maari kayang bahagi iyon ng alaala nya?  Sino ang maaring magtangka sa kanya?  Imposibleng si James.  She feels secure with him.  Maliban sa kabog ng dibdib at tila hinahalukay ang sikmura nya sa ngiti nito ay hindi sya nakakaramdam ng takot mula rito.

Marahan syang naupo.  “James…” mahinang tawag nya.  Nilinga nya ang table clock.  Alas tres pasado ng madaling araw.  Marahan syang bumangon at lumabas ng silid.  Mula sa ref ay kumuha sya ng tubig at uminom.  Humakbang sya sa natutulog na pigura ni James.  Mula sa bahagyang liwanag ng malamlam na lampshade ay kita nya itong nakadapa.  Kalahati ng katawan nito ang may kumot at nakalantad sa kanya ang likod nito.  Ang tattoo nito mula sa braso ay karugtong ng tattoo nito na halos okupado ang buong likod nito.  Hindi nya masyadong makita ang design niyon.  “James…” muli nya itong tinawag ngunit nanatili itong natutulog.  Maingat syang naupo sa tabi nito at nahiga.  Inihilig nya ang ulo sa balikat nito at ipinikit ang mga mata.

 

Mula sa pagkakadapa ay tumagilid si James at nagulat kay Cara na natutulog malapit sa balikat nya.  “What are you doing here, babe?” he asked gently.

“I had a bad dream…” hindi nya inaasahang sasagot ito.  Nagmulat ito ng mga mata at inaantok na ngumiti.

Hinaplos nya ang gilid ng mukha nito at hinawi ang buhok.  “Go back to sleep.” Muli itong pumikit at nagbuntong hininga sya bago inayos ang kumot para sa kanilang dalawa.

Bahagya syang lumayo sa dalaga at muling ipinikit ang mga mata.  Hoping to get more sleep.

Muli syang nagising nang kumilos si Cara pasiksik sa dibdib nya.  Hinapit nya ito at sinamyo ang buhok nito kasabay ng paghaplos sa tagiliran nito na tila nananaginip.  He would love to explore her curves.

Cara opened her eyes at namulatan si James na bagaman nakapikit ay masuyong hinahaplos ang tagiliran nya.  A small smile on his lips.  Bahagyang nanlaki ang mga mata nya nang maramdaman ang ibabang bahagi ng katawan nito na nakadikit sa may tiyan nya.  They were sharing the blanket at wala itong anumang saplot.  Ang pajama top nya ay nakataas na rin sa may beywang nya.  Akma syang uusog palayo nang magmulat ito ng mga mata.

“You look so beautiful in the morning.” Admiration in his eyes.  His voice still husky from sleep.

Tumikhim sya at tinangkang maupo.  Inalalayan sya ni James samantalang ito ay nakatagilid pa rin ng harap sa kanya.  Napasinghap sya nang abutin nito ang dibdib nya.  Naipikit nya ang mga mata ngunit muling nagmulat  nang maramdamang inayos lamang nito ang ilang butones ng pajama top nya na naglalantad sa bahagi ng dibdib nya.  She blushed.

“Good morning.” Anitong nakangiti na.

“Good morning.” Wala sa loob na bumaba ang tingin nya sa harapan nito na bagaman natatakpan ng kumot ay hindi naman maipagkakaila.  He was fully aroused.  “I’m sorry, lumipat ako kaninang madaling araw…” her voice fades as her eyes linger on his body.

“Yes you had a bad dream..?” inabot nito ang isang unan at inilagay sa harapan.  Muli, namula sya at ibinalik sa mukha nito ang atensyon.  “Wanna tell me about it?”

“Someone is attacking me…sexually.”

He looks thoughtful.  “Maaring panaginip lang iyon.”

“Or part of my memory?”

“Relax, babe.  Noone will harm you here.” Hinaplos nito ang braso nya.

Tumango sya.  Gusto nyang paniwalaang panaginip lang iyon bagaman may bahagi ng sarili nya ang nagsasabing parte iyon ng kanyang nawawalang alaala.

“Matulog ka ulit. Maaga pa.” Inalalayan sya nitong mahiga habang naupo na ito.

“Saan ka pupunta?” tanong nyang niyakap ang kumot.

“Bababa lang ako sandali sa restaurant.”  Ilang sandali itong nakaupo na tila nag iisip bago tumayo uncaring of his nudity at itinapi ang tuwalyang nakasampay sa sofa.  Mahina syang napasinghap bagaman hindi iniwas ang mga mata sa kahubdan nito.  “Go back to sleep.” Muling wika nitong nilingon sya bago humakbang patungo sa banyo.

Nakatulog na sya at hindi na namalayan nang lumabas ang binata pababa sa restaurant.

 

Maliwanag na nang muli syang magising.  Bumangon sya at lumapit sa mesa nang makitang may pagkain doon.  Sandwich at soup ang nakita nyang naroon.  Muli syang bumalik sa hinigaan at iniisip kung paano liligpitin iyon nang sumulpot si James.  He is wearing a muscle shirt and board shorts.  Basa ang buhok nito at may bitbit na plastic.  He beamed when he saw her awake.  And those dimples are driving her crazy.   Ibinaba nito ang dala at agad na kinuha mula sa kanya ang mga unan.  Inilapag nito iyon at iginiya sya sa dining table.

“Kumain ka lang.  Ako na ang bahalang magligpit.”

“Thank you James.”

Kumindat lang ito habang tinitiklop ang kumot at comforter.  Matapos nitong itabi ang mattress ay naupo ito sa tabi nya.

“Kumain ka na ba?” tanong nya.

“Yup kanina pa.” nagtimpla ito ng kape para sa kanilang dalawa.  “Galing na ako sa dagat.” He grinned.  “At nakabili na ng prutas.” Inginuso nito ang dalang plastic.

“Ang daya…” she pouted her lips.

“Kaya magpalakas ka agad.”

Kumagat sya sa sandwich bago humigop ng soup.  “Masarap.  Ikaw ba ang gumawa nito?”

“Oo.  Chicken sandwich with secret dressing and Brocolli cheese soup.”  Pinahid nito ang dressing na naiwan sa gilid ng labi nya and licked his finger.  She watched in fascination and found it sensual.  He met her gaze and something dark gleam in his eyes.

“May secret dressing ka pang nalalaman…” biro nya to break the tension.  “Tell me…” udyok nya.

“May kapalit…” his eyes twinkling in mischief.

“Ano?”

“A kiss…” his smile faded as his eyes linger on her lips.

“You’re cheap…” biro nya para ikubli ang pagkailang.  His eyes on her lips were hungry at tila tinitikman na ang labi nya.

“Won’t you kiss the chef?” biro nito bagaman ang mga mata ay seryoso.

Kung nagsasama na sila sa iisang bubong ay wala namang masama sa isang halik.  Maybe it could bring back memories.

“Why not…” napahagikhik sya nang hilahin nito ang upuan nya palapit.

“This is not a good idea but I can’t help it…” he whispered as his lips inch closer.  Ipinikit nya ang mga mata nang tuluyang dumampi ang labi nito sa labi nya.  Unlike the soft peck na ibinigay nito ng nakaraan, sa pagkakataong ito ang halik ng binata ay mapag angkin.  He was kissing her for ages na tila noon lamang sya nahalikan nito.  Gently tasting and sucking every corner of her lips. She shyly returned his kisses and he reluctantly stopped.  Niyakap sya nito.  “Whoah.  What am I doing?”  tila kausap nito sa sarili.

“Kissing your girlfriend?” gusto nyang mainis na huminto ito.  Na tila para rito ay malaking kasalanan ang ginawa nito.

He smiled.  “Of course.  Ang sabi lang kasi ng mga doctors ay mahina ka pa at baka hindi ko mapigilan ang sarili ko…” umusog ito palayo.

Tumango sya at humigop ng kape na bahagya ng malamig.  “Do we kiss often?” mahinang tanong nya.

“Bakit mo naitanong?  May naaalala ka?”

“Wala nga akong maalala…” she bit her lips.  “Baka kailangang ulitin?”

His bark of laughter echoed the room bago nito muling inusog ang upuan nya.  This time his kisses are slow.  At tila mas matamis.

 

“Lumabas ka na nga..” aniya kay James.  Maliligo na sya at nakaroba na lamang ngunit ayaw nitong lumabas ng banyo.

“You’ve seen me naked…don’t I get to see you…” hindi nito natapos ang sasabihin. Binasa nya ng tubig ang mukha nito.

Tumatawa ito nang lumabas ng banyo.  Natagalan sya sa paliligo sa kabila ng mayat mayang tawag ni James.  Tapos na sya nang muli itong pumasok.  Nakatapi lamang sya ng tuwalya.  Inalalayan sya nitong makalabas at tinulungang magbihis sa kabila ng protesta nya.  Matapos iyon ay muli itong bumaba.

Nakakatulog na sya sa harap ng tv nang maramdaman ang halik nito.  Pinagsalikop nya ang mga kamay sa batok nito and returned his kisses with the same passion.  Umungol ito bago kumalas sa kanya.

“Lunch time.” Anito.

“Para akong patabaing baboy dito.” Reklamo nya.

“Of course not.  But soon..makakapasyal ka na.”

They spent the rest of the afternoon sa itaas.  Hindi na ulit bumaba si James.  They watched tv and played board games.  Maliban sa manaka nakang paghalik, James was behaved.  The doctors will be proud of him, ika nga nito.  And in between his kisses, she wanted him to misbehaved.  James brings out a hunger in her na bago sa kanya.

Nakasandal sya rito nang mapansing nakatulog na ito mula sa panonood ng tv.  She was reading a book.  Ibinaba nya ang libro at inayos ang pwesto pasandal sa dibdib nito.  Wala itong pang itaaas at may kuryosidad na idinantay nya ang kamay sa dibdib nito.  Broad shouldered at may manipis na balahibo sa dibdib.  She tentatively touched one nipple and smiled when he sighed pero nanatiling nakapikit.  Ang mga balahibo nito ay nawala sa may bandang abdomen and made a sexy trail sa may pusod pababa.  Magaan nyang hinawakan ang mga balahibong iyon at inipon sa daliri.

“Dear Lord…iadya Mo po ako sa tukso.  Please don’t let her ravish me.” Anitong nakapikit pa rin bagaman nakangiti.

Hinampas nya ang tiyan nito.

“Kanina ka pa gising?” tanong nya nang magmulat ito.

“Long enough para maramdaman ang pagnanasa mo sa akin.” Tukso nito kasabay ng pamumula nya.  “I love it when you blush.”  Hinaplos nito ang labi nya.  At nang inaakala nyang hahagkan sya nito ay  bigla itong umayos ng upo.  “Matulog na tayo.” Inalalayan sya nitong makatayo at inihatid sa kwarto nya.  Ikinubli nya ang nararamdamang disappointment.

“Goodnight.” He said and briefly kiss her lips.

“Goodnight.” Aniya at ipinikit ang mga mata.

 

James lay awake in the dark.  Kanina pa nya pinatay ang ilaw ngunit hindi naman sya makatulog.  Nagkamali syang hagkan ito ngunit hindi na nya napigil ang sarili kanina.  He realized he wanted to kiss her the moment he laid his eyes on her sa hospital.  Tila ito bawal na gamot na hinahanap hanap nya.  Ni hindi nya maalalang dapat ay malungkot sya mula sa rejection ni Bella sa proposal nya.  He wanted to marry Bella dahil ito ang pinakamatagal nyang girlfriend.  Magkasundo sila sa halos lahat ng bagay at hindi ito emotional.  Their relationship was smooth and organized.  With Cara, everything seems to come tumbling down.  Bawat himayhay ng katawan nya ay binubuhay nito.  Noong una ay iniisip nyang naaawa lang sya rito ngunit ngayon ay hindi na sya sigurado kung yun pa rin lang ang nararamdaman para sa dalaga.  Mula sa pamilyang nakalakhan, hindi sya fan ng true love.  He had a handful of past relationships at maswerte ng tumagal ng tatlong buwan maliban kay Bella.  Ni isa sa mga iyon ay walang nagparamdam sa kanya ng tulad sa ipinapadama ni Cara.  What now, hinilot nya ang sentido.  Kung sakaling bumalik ang alaala ni Cara, ano na’ng mangyayari?  Is she just returning his kisses dahil ang pagkakaalam nito ay magnobyo sila?  Hindi pa man bumabalik ang alala ng dalaga ay may agam agam na syang nararamdaman.  He enjoys kissing her.

 

 

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15