CHAPTER FOUR
Sinubukan nyang magrelax nang pumasok si James sa sasakyan. Maluwag ang sasakyan ngunit tila napakasikip para sa kanila ni James. She felt giddy. Kung mula sa pagkakahospital o dahil sa presensya ng binata ay hindi nya matiyak.
“Ano kamo?” tanong nya. May sinasabi ang binata at hindi nya agad naintindihan. Napasinghap sya nang dumukwang ito at abutin ang seatbelt nya.
“Ang seatbelt.” He said gently. His breath fanning her face and she wanted to close her eyes dahil kasabay niyon ang bahagyang bahagyang pagkakadikit ng braso nito sa dibdib nya. “Are you okay?” he asked.
Paano ba nya ipapaliwanag sa binata na bagaman wala syang makapang familiarity mula rito ay ibat ibang emosyon naman ang binubuhay nito sa kanya. He is literally an assault to her senses. He makes her feel everything.
“Okay lang ako. Salamat.” Nag iwas sya ng tingin at niyakap ang bag.
“Gusto mo bang dumaan sa drive thru? Medyo mahaba ang byahe pauwi sa La Union.” Ayon kay James ay sa Bacnotan La Union naroon ang tinutuluyan nito.
“Hindi pa ako nagugutom, mamaya na lang.”
“Okay, magsabi ka kapag gusto mo ng kumain. Pwede tayong magstop over.”
Tumango sya. Muli puno ng agam agam ang dibdib. Marami syang mga tanong ngunit ayon kay James ay hindi nya kailangang madaliin ang pagbalik ng mga alaala nya. Sumandal sya at ipinikit ang mga mata.
Nagmulat sya ng mga mata nang huminto ang sasakyan.
“Nandito na tayo?” nilinga nya ang paligid.
“Yup. Ang akala ko ay mabilis akong magmaneho pero tinulugan mo ako sa buong byahe.” He teased.
“Ilang oras akong nakatulog?”
“About Five hours, walang trapik…it’s alright. Alam kong mahina pa ang pakiramdam mo. Nag alala lang ako na nalipasan ka na ng gutom.” Bumaba ang binata at umikot sa gawi nya upang pagbuksan sya ng pinto. Inalalayan sya nitong makababa.
May ilang sasakyang nakaparada sa loob ng malawak na beachfront property. Nakatayo sa gitna niyon ay isang apat na palapag na gusali na kulay puti at gray.
“Ipapaakyat ko na lang ang mga gamit mo.” Anang binata nang mag atubili syang humakbang.
“Matagal na ba tayong magkasama rito?” the place doesn’t look and feel familiar.
Tumikhim ang binata bago sumagot. “Almost a month pa lang.”
Ang ibaba ng gusali ay isang restaurant at may ilang customers. Sa gilid niyon ay may hiwalay na pinto paakyat sa itaas na palapag.
“Sa fourth floor pa ang tinutuluyan ko.”
“Oh…” tila nanlatang wika nya. James smiled at walang sabi sabing binuhat sya. “Please put me down. Kaya ko naman.”
“Napakagaan mo. I can manage.” Kumindat ito at nagsimulang umakyat. “Ang 2nd floor at 3rd floor ay mga kwarto para sa mga guests. Bawat palapag ay may dalawang standard rooms at dalawang double room.” anito nang malampasan nila ang 3rd floor.
“Pwede mo na akong ibaba.” Pakiusap nya. Marahan syang ibinaba nito at inalalayan paakyat sa 4th floor. Sinusian nito ang pinto at tumambad ang isang maliit na receiving area. Sa kanan ay isang pintuan na ayon kay James ay ang nag iisang kwarto.
“After you…” inilahad nito ang kamay para mauna syang pumasok.
Sa kaliwang bahagi ay isang saradong pintuan na ayon kay James ay ang CR. Karugtong niyon ay isang modernong kusina at dining area na may pang apatang mesa at upuan. Binuksan ni James ang pintuan ng kwarto.
“This is my…our room. You can stay here at sa salas ako.” Isang queen sized bed ang nasa gitna ng kwarto. May dalawang malaking cabinet at dresser.
Ang salas na tinutukoy nito ay sa kabila ng kwarto at may balkonaheng nakatanaw sa dagat. Humakbang sya palapit sa balkonahe.
“Maganda rito, James.” Nilinga nya ito na nasa may pintuan pa rin ng kwarto. May mahabang sofa sa salas at babasaging center table. Sa gilid ay isang malaking tv. May isang malaking picture itong nasa ibabaw ng surf board sa gitna ng malaking alon. Maliban doon ay wala ng ibang dekorasyon ang pader nito. “Pwede sigurong ako na lang dito sa salas.”
Lumapit ito sa kanya. “I promised the doctors, I will behave hanggat hindi bumabalik ang alaala mo. Wala kang dapat ipag alala.”
“Pero…” nahihiya sya na hindi ito kumportable.
“Kahit tuksuhin mo ako, hindi ako bibigay.” His eyes sparkled in mischief.
Natawa sya at niyakap ito. She felt him stiffen bago gumanti ng yakap. “Thank you for being so nice.”
“You’re welcome, babe.” Kinintalan sya ng halik nito sa noo at bahagyang inilayo. “Let’s eat.” Humakbang ito sa intercom at ilang sandaling nakipag usap. Samantala humakbang sya papasok sa kwarto. Naupo sya sa gilid ng kama at iginala ang tingin sa kwarto. Very basic. Ni walang picture frames sa ibabaw ng side table.
“Pwede kang magpahinga habang hinihintay ang pagkain.” Sumungaw si James sa pintuan.
“I’ve had enough sleep.”
Sandali itong nagpaalam nang may kumatok. Ilang sandali pa at inaayos na nito ang pagkain sa mesa. Humakbang sya para tumulong ngunit sinaway nito at pinaupo.
“Wag ka munang magkikikilos. Medyo mahina ka pa.” nilagyan sya nito ng pagkain sa plato.
“Masyado mo akong binibaby…baka masanay ako niyan.” saway nya.
“I want to. Masama ba?” naupo ito sa tabi nya at kinuha nya ang kutsara mula rito ng akmang susubuan pa sya. Bagaman may cast ang kanang braso ay nagagamit naman nya ang kaliwang braso.
“Salamat, James. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung wala ka. I have no one.” Malungkot na wika nya.
“Hey…” pinisil nito ng bahagya ang pisngi nya. “Cheer up.”
“Ipapasyal mo ba ako sa dagat mamaya?”
“Hmmm, maybe.” Nagsimula itong kumain. Ngumiti sya at kumain na rin.
Papalubog ang araw nang ipasyal sya ni James sa tabing dagat. Kahanay ng building ay natuklasan nyang may iba pang mga resort and restaurants.
“Mas marami sa San Juan.”ani James nang punahin nya. “Napupuno lang dito sa Bacnotan kapag peak season, that’s around August to December. Pero hindi naman nawawalan ng guests.”
“Marunong ba akong magsurf?” tanong nya.
James laughed. “No but I’ll teach you kapag malakas lakas ka na.” bahagya sya nitong hinapit. “Let’s go back at lumalamig na.”
They had dinner sa restaurant ni James at nalaman nyang ito pala mismo ang chef sa restaurant na iyon. Ipinakilala sya nito sa restaurant manager at mga staff nito. They had seafoods platter at inawat na nya ang binata nang mag order pa ito ng dessert.
Hindi na sya binuhat nito paakyat ngunit nakaalalay itong maige sa bawat hakbang nya. Matapos nitong ayusin ang higaan nya ay tinulungan sya nitong ihanda ang damit na pantulog. Inihatid sya nito sa pintuan ng CR at tila alanganin pang iwanan sya.
“Don’t lock the door para pwede akong makapasok agad kapag kailangan mo ako.”
Tumango sya.
“Are you sure kaya mo?” ulit nito na pinigil ang pagsara nya ng pinto.
“Sumama ka na kaya…” she teased.
“Really…?”
“I’m joking, James.”
“Well, I’m not joking.” Pumasok ito at inalalayan sya sa banyo. Iniupo sya nito sa stool.
“Sige na, iwanan mo na ako.” She felt shy. Kung nagsasama na sila ay bakit nakakaramdam pa rin sya ng hiya sa binata.
Alanganin itong tumalikod at hinila ang pinto. “Don’t lock the door.” Narinig nyang wika nito.
Ang pagshower at pagbihis mag isa ay hindi madali gaya ng inaasahan nya. Sa hospital ay tinutulungan sya ni tiya Ellen ngunit ngayong mag isa nya itong ginagawa ay nahihirapan sya. Her legs are shaky. At bukod sa nakacast ang kanang braso nyang hindi nya magamit ay nahihirapan syang itaas ang kabilang braso gawa sa tinamong bugbog. Pagod na pagod ang pakiramdan nya matapos tuyuin ng tuwalya ang katawan.
“What’s taking you so long?” tawag ni James. “Ayos ka lang ba?”
“Medyo…yes…”
Bigla itong sumungaw sa pinto at mahigpit nyang niyakap ang towel na halos hindi nya maibalabal sa katawan.
Kumunot ang noo nito. “You took a bath.” Puna nito nang makitang basa ang buhok nya. Puno ng disgusto ang mukha nito.
“Nanlalagkit ako.” Katwiran nya.
“Baka lamigin ka.” Humakbang ito palapit at mabilis syang binuhat palabas ng banyo.
“Put me down, James.” Napapahiyang wika nya. Maliban sa tuwalyang hindi naman maayos na nakatapi sa kanya ay wala na syang ibang saplot.
“This is not the time to be modest. Ang tagal mo na sa banyo.” Ibinaba sya nito sa kwarto.
She cried. “Hindi ko maitapi ang towel.” She felt helpless and she hated the feeling.
Marahang pinahid nito ang luha nya at inayos ang towel sa labis na pagkakapahiya nya. Saka tumalikod at kinuha ang mga damit nya. Iniupo sya nito bago yumuko upang isuot ang panty nya. She tried to hide her embarrassment. Sunod nitong isinuot ang pajama top nya bago hinila ang towel. Hangga hita iyon at hindi na isinuot ni James ang pang ibabang terno.
“I’m sorry. I feel so helpless.”
Sinapo ni James ang mukha nya at magaang hinalikan ang mga labi nya. “Hindi kita dapat dinala sa tabing dagat. The doctors said kailangan mo ng pahinga. Napagod ka sigurado sa byahe bukod sa nasa 4th floor tayo. Gusto mo bang magpahanda ako ng kwarto sa 2nd floor?”
“I’m okay here. Gusto ko rito.” Aniya. She tried to soften his guilt bagaman alam nyang tama ito.
“Get some rest. Nasa labas lang ako kapag kailangan mo. I’ll leave the door open.” Inalalayan syang mahiga nito pagkatapos ay kinumutan. Pinatay nito ang ilaw at humakbang palabas.
“James…” she called softly.
“What?” he stopped by the door.
“Hindi ka ba mag gugoodnight kiss?”
Tila kaytagal bago ito humakbang palapit sa kama at yumuko sa kanya. He gave her a soft peck on the lips bago tumuwid. “Good night.” Anito at lumabas na.
Lumabas si James ng silid na tila hinahabol ng multo. He enjoyed every moment with Cara. At talagang nag alala sya nang matagal ito sa banyo. Ibayong pagpipigil ang ginawa nya kanina nang mapagbuksan itong hindi magkandatuto sa pagtapi ng towel. She has the body of a goddess at sya ay mortal lamang. He sighed. At nang tulungan nya itong magbihis nais nyang batukan ang sarili sa reaksyon ng katawan. It was a good thing she did not notice. He doesn’t want to scare her. Hindi sinasadyang nahagkan nya ito nang umiyak ito and it was meant to comfort her. At nagulat sya sa tila kuryenteng dulot ng magaan na halik na iyon. At may gana pa itong humingi ng good night kiss samantala ang nais lang nya ay makalayo na mula rito.
Mabilis syang nagshower at nakatapi ng tuwalyang lumabas. Inilatag nya ang double sized mattress at comforter. Hindi sya kumportable kung sa sofa lang matutulog at kailangan nya ng pahinga. Ilang araw syang nasa Maynila at kailangan nyang bumangon ng maaga bukas para sa operation ng restaurant. Bagaman meron syang restaurant manager at assistant chef ay regular pa rin syang nagmomonitor sa kusina. Ayon din sa kanyang B&B staff ay may dalawang rooms na okupado at nais nyang kamustahin ang mga guests gaya ng nakagawian nya. Tinanggal nya ang tuwalya at isinampay sa upuan matapos tuyuin ang sarili. He sleeps naked at hindi sya nag aalalang malabasan ni Cara dahil sigurado syang mauuna syang bumangon kesa rito. Hinila nya ang kumot at ipinikit na ang mga mata.
0 thoughts on “For Always”