CHAPTER THREE
Tinanaw nya ang ina habang palabas ng hospital at pinigil ang sariling sundan ito. Lahat halos ng kahilingan ng ina ay ibinibigay nya. And realized late that it was bad for her. He spoiled his mother. Mula pagkabata hangga magkolehiyo ay magkasama sila sa dating bahay nila sa Alabang. Evelyn was Fifteen years older than him at nagkokolehiyo na. Sa isang dormitoryong pambabae ito tumuloy at bihirang umuwi. Marahil ay hindi rin nito kayang tiisin ang madalas na pagtatalo ng mga magulang dahil sa lantarang pambabae ng ama. Nang matapos ito sa kolehiyo at magkatrabaho ay kumuha ng apartment sa halip na pumisan sa kanila sa Alabang. Kung kaya naman sya ang naging sandalan ng ina. Kahit nang magkolehiyo na sya ay sa Alabang pa rin sya umuuwi. His mother constantly cried and filled him with her sob stories. She was depressed and constantly had nervous breakdown. At tila iyon ang lagi nitong ginagamit na mga dahilan upang hindi nya iwanan. Nasa huling taon sya sa kolehiyo nang mamatay ang ama dahil sa isang road accident. Ibinenta nila ang bahay sa Alabang at nanirahan sa Quezon City. Tila nagsimulang muli ang ina sa buhay nito. Nagtungo ito sa abroad sa kapatid nito at makalipas ang ilang taon ay naging citizen na roon. Pabalik balik na lamang ito sa Pilipinas. Nang makapag asawa si Evelyn at makapundar ang mga ito ng sariling bahay ay ibinenta nya ang bahay sa Quezon City. Nang matapos nya ang kursong Advertising ay dalawang taon syang nakapagtrabaho sa isang kilalang Ad agency bago sya muling nag aral ng Culinary Arts. Ang bahagi nya mula sa napagbentahan ng bahay sa Alabang at Quezon City ay ipinundar nya ng isang hotel/restaurant sa La Union. Napadpad sya sa La Union dahil sa mga dating kasamahan sa Ad agency. He fell inlove with the place at nahilig na rin sa surfing. Bukod doon, malayo iyon sa ina. His mother never approved of his choices. At ngayon, tila nais na naman syang kontrolin ng ina. Naiiling na humakbang sya patungo sa kwarto ni Cara. Hindi sya naniniwala sa ina na mistress nga ito ni Ramon. Hindi ang tipo ni Ramon ang gagawa ng bagay na ikasisira ng pamilya nito. Mas nais nyang kausapin ang bayaw kesa magpadala sa manipulasyon ng ina.
He opened the door and stepped inside. May isang nurse syang dinatnan na inaayos ang suwero ng pasyente. Hindi rin ito nagtagal at nakangiting nagpaalam sa kanya. Nang makalabas ito ay lumapit sya sa gilid ng kama at minasdan ang pasyente. Sa kabila ng pasa at tahi nito sa gilid ng noo, ito ang pinakamandang mukhang nasilayan nya. Ang braso nitong hindi nakacast ay puno rin ng pasa at galos. At tila dinurog ang puso nya. Kumunot ang noo nya sa emosyong naramdaman. Well, natural na maawa sya sa anyo nito.
Naupo sya sa katabing upuan at inilapag ang jacket sa kama nang mula sa jacket ay may nahulog. Kunot noong pinulot nya iyon. Iyon ang engagement ring na para sana kay Bella. But she declined his marriage proposal. Ayon dito ay hindi pa ito handa sa mas seryosong stage ng kanilang relasyon. Kinabukasan ay walang paalam na lumipad ito papuntang Europe para sa isang modeling audition. Ni hindi nito nagawang magtext o tumawag at ipinasabi lamang sa isang kaibigan. Isa itong modelo at ayon dito ay isang magandang oportunidad iyon na hindi nito mapapalampas. Nakilala nya ito sa La Union mismo nang magkaroon ng photo shoot ang mga ito roon. Halos isang taon na silang magkasintahan at inisip nyang iba ito sa mga dati na nyang nakarelasyon. Bukod sa confident ito ay hindi ito clingy at selosa. And he thought, bringing their relationship to a new level will be good for them. Ngunit tila may sariling plano si Bella at hindi sya kasama roon.
Wala sa loob na inikot ikot nya ang singsing at muli iyong nahulog sa gilid ng kamay ni Cara. He noticed her long fingers and her nails are clean and short. Hinawakan nya ang kamay niyon at wala sa loob na pinagsalikop sa kamay nya. Napangiti sya at wala sa loob na isinuot sa ring finger nito ang engagement ring. It was made in gold at may tatlong maliliit na brilyanteng nakapaikot. It was a perfect fit at sa tingin nya ay bagay iyon sa mga daliri ni Cara. Ibinaba nya ang kamay ni Cara and admire the ring on her finger.
Nasa ganoon syang posisyon nang bumukas ang pinto at pumasok ang doctor kasunod ang ilang nurses. Tumayo sya at bahagyang lumayo nang icheck ng mga ito si Cara.
“Will she wake up soon?” tanong nya nang ulitin lang ng mga ito ang sinabi ng inang kondisyon ng dalaga.
“Yes of course. Pero kailangan pa namin syang bigyan ng gamot para sa sakit ng mga sugat nya. These medicines will make her groggy.”
Tumango sya. Nang lumabas ang mga ito ay dinampot na rin nya ang jacket at niyuko ang natutulog na dalaga. “Sleeping Beauty…” he whispered. “Will you wake up if I give you a kiss?” her lips inviting. Tila wala sa sarili na inilapit nya ang mukha. Ilang pulgada bago tuluyang dumampi ang labi nya ay nagmulat ito ng mga mata. Agad syang napaunat.
“Hi..” nakatingin lang ito sa kanya na tila kinikilala sya. “I’ll call the doctors.” Aniya at mabilis na tumalikod. Anong iniisip nya para tangkaing halikan ito!
Nanatili si James sa bandang likuran habang abala ang mga doctor kay Cara.
“She is regaining her consciousness. Maari mo na syang makausap.” Anang isang doctor bago lumabas ang mga ito.
Cara felt weak. In between the nights ay ilang beses nyang tinangkang magmulat ngunit tila sya laging pagod na pagod. Ngayon, hindi na sya pagod na pagod bagaman mahina pa rin ang pakiramdam nya. Nang una syang magising ay sinabi na ng mga doctor na mayroon syang temporary amnesia. She was shocked and helpless ngunit naroon ang isang matandang nagpakilalang tiyahin nya. Bagaman mukha itong istrikto ay halata naman ang pag aalala nito sa kanya. Sa pagkakataong ito ay isang lalaki ang nagisnan nya sa silid. Tila naalangan itong lumapit nang makalabas ang mga doctors samantala kanina ay namulatan nya itong napakalapit ng mukha sa kanya na tila hahalikan sya. He’s tall and sexy sa suot na white tshirt at ripped jeans. May pagkasingkit ang mga mata nito, well defined nose at manipis na labi. Tila ito rock star sa kabila ng barbers cut na buhok nito. May nakita syang tattoo sa kaliwang braso nito, peering on the sleeves of his shirt, paakyat sa balikat na natatakpan na ng suot nitong tshirt. Alanganin itong ngumiti and two delicious dimples showed on both cheeks at syang lalong nagpadagdag sa appeal nito. This guy is a walking testosterone.
“Hi.” She smiled weakly.
Lumapit ito at naupo sa gilid ng higaan nya. His scent assailed her senses at bigla nais nyang maconscious sa sariling hitsura at amoy. Hindi nya alam ang sasabihin. There is nothing familiar about him. “Ang sabi ng doctor ay may amnesia ako…” inaasahan nyang magpapakilala ito ngunit tila hindi rin nito alam ang sasabihin. “Ikaw ba ang bantay ko ngayon?” tanong nya.
“Ah yes, I’m James.” Maikling pakilala nito. Malalim ang boses nito at masarap pakinggan.
“Kamag anak ba kita? Hindi ba pupunta ang tiyahin ko?”
“Tiyahin?” his brows furrowed.
“Ang tiya Ellen?”
“Oh…Hindi ako sigurado. I’ll call her later.”
“Wala na ba akong ibang kamag anak?” fear was all over her beautiful face.
James sighed. He wanted to erase all the fear that she feels. Naiimagine nyang magising battered and bruised, na walang alaala at wala ni isang taong kakilala.
“It’s alright, Cara. Hindi mo ako kamag anak but we’re…” he was thinking what lie to tell her and grimaced na wala na syang ipinag iba sa ina.
“Oh…” napatingin ito sa mga daliri. She is still wearing the engagement ring. “Kasintahan kita?” isang alanganing ngiti ang sumilay sa labi nito na na tila nagpaliwanag sa silid. At hindi nya kayang pawiin ang ngiting iyon kung itatanggi nya ang akala nito.
“Yes…” aniya matapos ang ilang sandali.
“Hindi kita maalala…” malungkot na paumanhin nito. Hinawakan nya ang kamay nito at hinagkan.
“Wag kang mag alala. Ang sabi ng doctor ay temporary lamang ang iyong amnesia.”
“Wala akong ibang kamag anak?” ulit nito. Umiling sya.
“Ulila ka na.” Nabanggit iyon ni Ellen. Maliban doon ay wala na syang alam sa dalaga. Tila maiiyak ito at hindi mapigilang niyakap nya ito. “Let’s talk about this some other time. Ang sabi ng doctor ay makakasamang pwersahin mong makaalala.”
Tumango ito at sinipat ang singsing. “Ang ganda.” Puri nito. “Naitakda na ba ang petsa ng kasal?” nahihiyang tanong nito.
Naubo sya. “We will marry kapag bumalik na ang alaala mo. Let’s not hurry.”
“Maari na ba akong lumabas ng hospital?”
“I- scan ka lang ulit bukas then kapag okay ang result ay maari ka ng sa bahay magpalakas.”
“Saan ang bahay ko, James?” she asked.
Ang gusto ng mama nya ay sa La Union nya dalhin ang dalaga. He groaned at naihilamos ang kamay sa mukha. Tila nanalo rin ang ina. This is what his mother wants.
“Oh…” namula ang mukha nito. “Magkasama tayo sa bahay…” bulalas nito na naipagkamali ang reaksyon nya.
“I’m sorry babe. Pangako I’ll take care of you.” He said in resignation. Naiimagine na nya ang kaligayahan ng ina. Paano ba nya itatama ang lahat sa isang taong walang alaala at sya lang ang tanging pag asang pinanghahawakan nito para maibalik ang mga nawalang alaala?
“Tutulungan mo akong makaalala ulit?” insecurities laced her voice.
Tumango sya sa kabila ng pag aalinlangan. Paano nya sasabihin sa dalaga na ngayon lang sila nagkita at ang mga alaalang hinahanap nito ay wala sa kanya.
“Paano kung hindi na bumalik ang alaala ko?”
“Don’t worry, babalik lahat ng alaala mo.” Just don’t hate me, babe, kapag dumating ang araw na iyon.
Nang makatulog muli si Cara ay tinawagan ni James ang ina. And she was very pleased gaya ng inaasahan nya.
“I will tell Ramon na nagpaalam sa aking lilipat na ng boarding house si Cara.”
“This is not a good idea.” Aniyang iiling iling. Gusto na nyang tawagan si Ramon ngunit papaano si Cara. Without memory, she feels like she’s ready to break anytime. And he cannot be the one to break her. Bukod doon, bilin ng mga doctor na importanteng wag i-stress ang dalaga.
Nasa hospital silang mag ina nang iapproved ng doctor ang paglabas ni Cara.
“Hindi ba kayo sasama sa amin, tiya?” tanong nito kay Ellen. Tinulungan itong magbihis ng ina at tila totoo naman ang ipinakitang pag alala rito.
“Hindi na muna, Cara. Marami akong inaasikaso rito. Papasyal na lamang ako roon bago matapos ang buwan.” He smirked. Sa katapusan ng buwan ay maaring nakalipad na ulit pabalik sa California ang ina.
“Sana ay bumalik na ang alaala ko by that time.” Malungkot nitong pahayag. He smiled inwardly nang mamutla ang ina.
“Oh, wag mong madaliin. Enjoy your days with James.”
Sumulyap sa kanya ang dalaga and she seems to blush everytime their eyes meet. Ngumiti sya at lumapit para alalayan itong makatayo. Nasa sasakyan na ang mga damit nito. Kung paano iyon nailabas ng ina sa mansyon ay hindi na sya interesado.
“Kung ang iniisip mo ay ang intimate part ng ating relasyon ay wala kang dapat ipag alala. I promised the doctors that I’ll be a good boy…hindi tayo magsisiping…”
“James!” hindi napigilang saway ng ina sa kapilyuhan nya. He laughed.
“I was joking.”
“No. You better be not joking..I mean..” nalito ang ina. Sa harap ni Cara ay hindi sila mag ina.
“Of course, tiya Ellen.” Idiniin nya ang salitang tiya. “I’ll take care of Cara.”
Sinaway ni Cara ang sarili. Wala na syang ginawa kundi mamula kapag nasa malapit ang lalaking ito. And when he laughed, he was gorgeous. Tiyak na nagkakandarapa ang mga babae rito. At sya ang maswerteng napili nito. At bagaman wala syang makapang anumang pamilyaridad dito at hindi sya mahihilig sa mga lalaking tila puro kapilyuhan, this guy makes her feel secure. Hinagod nya ito ng tingin. Gray tshirt na basta na lang isinuksok sa kupas nitong pantalon. Bahagyang magulo ang buhok na tila hindi pinagkaabalahang suklayin. At muli ang kuryosidad nya sa tattoo nito. It looks sexy on him at nagdadagdag ng misteryo na gusto nyang tuklasin sa ilalim ng damit nito. Sinaway nya ang sarili at sinubukang magpokus sa mga bilin ng tiya Ellen nya.
Kasabay nilang lumabas ng hospital ang kanyang tiyahin at inihatid sila sa sasakyan ni James.
“Mag iingat kayo.” Anito at hinalikan sya sa pisngi. Humalik din si James dito at inalalayan na sya sa passenger seat.
0 thoughts on “For Always”