CHAPTER TWO
May pagdududang tinitigan ni Ellen ang babaeng kaharap sa hapag kainan. The woman is young and very beautiful. Wala syang makitang kapintasan sa panlabas na anyo. Ayon sa manugang ay anak ito ng isang namayapang kaibigan.
“So, Cara…hindi ka na nag aaral?” tanong nya matapos nguyain ang pagkain.
“Hindi ko po natapos ang isang semester…”
“How old are you?”
“Twenty Four na po.”
“You look younger.” May ismid na wika ni Ellen. “Young enough to be my son-in-law’s daughter.” Dagdag nito na may kasamang panunuya na hindi nakaligtas kay Ramon.
“Mas matanda sya kay Venice, ma.” Ani Ramon.
“And where is your daughter? Dumadalas umuwi ng gabi?”
“May practice sila ng presentation para sa finals nila, ma.” Ani Evelyn, asawa ni Ramon na sa wakas ay nagsalita.
“Sana ay makagraduate na sya.” Ani Ellen na sa wakas ay tinapos na ang pagkain.
“How long will you be staying here, ma?” Pagbabago ng usapan ni Ramon. Si Ellen ay US citizen na at taon taon ay nagbabakasyon na lamang sa Pilipinas.
“Maybe a month. I’m your mother in law, Ramon. I can stay here whenever I want. Hindi ako kung sino sino lang na patutuluyin mo rito.” Sinulyapan nito si Cara na yukong yuko.
“Ma,walang masamang ibig sabihin si Ramon. You’re always welcome here. ” Ani Evelyn.
Nagkibit balikat lang si Ellen.
Matapos maghapunan ay maagang umakyat ng silid si Evelyn upang magpahinga gaya ng nakasanayan na nito.
“Hayaan nyo na lang po akong humanap ng boarding house, tito.” Mahinang pakiusap ni Cara kay Ramon. Nasa terrace sila at hindi pansin si Ellen na nakatanaw sa kanila mula sa sala.
“This house is big enough. At hindi ko hahayaang mapahamak ka. Nangako ako sa inay mo.” May lungkot na nakiraan sa mga mata nito.
Hinawakan ni Cara ang braso ng matandang lalaki. He is always nostalgic and sentimental tuwing nababanggit ang kanyang yumaong ina. Ang akmang pagsasalita nya ay hindi natuloy nang tumikhim si Ellen na nakatayo sa pintuan palabas ng terrace.
“Dapat lang palang narito ako para nakikita ko ang mga hindi nakikita ni Evelyn.”
Binawi ni Cara ang kamay.
“Anong ibig nyong sabihin, mama?” tanong ni Ramon.
“Cara is very beautiful…sana ay hindi sya maging dahilan upang masira ang pamilya mo.” puno ng pagdududang wika ni Ellen.
“I don’t know what you’re talking about, ma.” Binalingan nito si Cara. “Umakyat ka na sa kwarto mo.”
IIling iling na nagpaalam si Ramon sa biyenan at umakyat na rin sa silid nilang mag asawa. Sanay na sya sa biyenan na sa simulat sapul ay lantaran ang disgusto sa kanya para sa anak.
“Yeah, she’s beautiful. And I’m glad dad’s helping her.” Ani Venice kay Ellen. Kumakain sila ng agahan. Nauna ng natapos ang mag asawa at si Cara.
“Naniniwala ka bang anak lang sya ng kaibigan ng daddy mo?” she tried to choose her words.
“Well, madalas namang ganyan ang daddy. Laging tumutulong…” Huminto sa pagkain si Venice at tinitigan ang lola. “What are you thinking, gran?”
“She could be your father’s mistress…”
“Dad’s mistress…in our house.” Hindi makapaniwalang wika ni Venice. “I don’t think so,gran.” Tila kulang sa conviction na wika nito.
“We’ll see…” ani Ellen habang sinusundan ng tingin ang papalayong sasakyan sakay si Ramon, Evelyn at Cara. She look at Venice na nakatingin rin.
“Isinasabay sya ng daddy at mommy hanggang sa paglabas ng subdivision. It’s convenient.” Tila para sa sarili ang ginawang paliwanag ni Venice sa matanda.
“Bakit mo pinayagan na patirahin ni Ramon si Cara sa bahay?” tanong ni Ellen sa anak habang pauwi galing sa supermarket.
“He is helping her.” Paiwas na sagot nito.
“Cara is young and beautiful…”
“Anong tinutumbok ng usapang ito, ma?”
“Hindi ka ba nagdududa sa dalawa? I look at them at iyon kaagad ang naisip ko.”
“May tiwala ako kay Ramon, ma. At hindi marumi ang isip ko.”
“Evelyn!”
Hindi sumagot si Evelyn at agad na bumaba ng kotse nang huminto sa harap ng mansyon.
Matapos ibaba ni Evelyn ang mga pinamili ay nagbilin sa maid at umakyat na ng silid. Ayaw nyang makipagtalo sa ina. Simula pa lamang ay ayaw na nito kay Ramon para mapangasawa nya ngunit hindi nya inaasahan na hangga ngayon ay wala itong tiwala kay Ramon. She trusts her husband. At alam nyang malinis ang intensyon nito ng pagtulong kay Cara. Wala sa loob na napasulyap sya sa picture frame na nasa ibabaw ng side table. It was their wedding picture. Though Cara’s presence brought strain sa relasyon nilang mag asawa nitong mga huling araw ay hindi sa dahilang iniisip ng ina.
Binuksan ni Ellen ang pinto palabas sa balkonahe ng kanyang kwarto nang maulinigan ang tinig na tila nagtatalo sa ibaba. It was Ramon and Evelyn. Ang ibaba ay isang covered lanai at kahit lumabas sya ng balkonahe ay hindi sya makikita mula sa ibaba. She stepped closer.
“Don’t make this hard for me, Ramon.” May hikbing wika ni Evelyn.
“No, ikaw lang ang nagpapahirap sa sarili mo, Evelyn.”
“You can take her somewhere else at hindi ko papakiaalam pero hindi rito.”
“What’s wrong with Cara being here…”
“Pati ang mama ay nagsisimula ng magtanong…paano kung malaman ni Venice ang tungkol kay Cara?” napasinghap si Ellen mula sa pakikinig. “Masasaktan ang anak mo. Hindi pa ba sapat na naghihirap din ang loob ko.”
Matagal bago sumagot si Ramon. “Cara will stay here. Hindi ako ang magpapaalis sa kanya.”
Humakbang paurong si Ellen. Shocked. Kung ganoon ay may basehan ang mga pagdududa nya. How could Ramon do this to his wife! At kinukunsinti ito ni Evelyn o sadyang walang magawa ang anak.
Nang bumaba si Ellen para mag almusal ay naroon na ang mag asawa, ang apo at si Cara. Tahimik ang lahat. Tila bawat isa ay may kanya kanyang iniisip. Sinulyapan nya si Cara at nakaramdam ng paghihimagsik. Ang yumaong asawa ay babaero. She lived in insecurities and pain noong nabubuhay pa ito. Bukod pa sa kahihiyan sa lantarang pambababae ng asawa. At ayaw nyang maranasan ng anak ang naranasan nya mula sa ama nito. Noon ay wala syang ginawa kundi tanggapin at manahimik lamang ngunit ngayon, para sa anak, kailangang may gawin sya. Hindi sya papayag na masira ang pamilya ni Evelyn. Nang tumayo si Ramon para pumasok sa trabaho ay tumayo na rin si Evelyn. Nilinga ni Ramon si Cara nang hindi ito kumilos mula sa pagkakaupo.
“Sasabay ka ba?” tanong nito.
“Hindi na po muna, tito.” Wika nito na nagyuko ng ulo. “Nagbago po ang schedule ko.”
Nang makaalis ang mag asawa ay tumayo na rin si Venice. Akmang tatayo si Cara nang magsalita sya.
“Hindi mo ba naisip na magboarding house, Cara?” tanong nya. Hindi nya gustong maging kontrabida ngunit kailangan nyang protektahan ang mga mahal nya.
“Nagsabi na po ako kay tito Ramon pero hindi pa po sya pumapayag. Susubukan ko pong magpaalam ulit.”
“Yes, please do that.” Aniyang walang kangiti ngiti at pinigil nyang maawa sa anyo ng dalaga. Tumango ito at nagpaalam na.
“She can stay here, gran…” ani Venice na hindi naman lumayo. “Malaki ang bahay para sa lahat at nabanggit ni dad na may problema sya sa stepfather nya kaya sya nandito.”
“She has to deal with her own problems.” Wika nyang hindi interesado sa problema nito sa pamilya. Hindi na sumagot si Venice. Isinukbit nito ang bag at nagpaalam na.
Bumalik sa kasalukuyan ang kanyang isipan nang tumunog ang cellphone nya. Lumabas sya at tinagpo si James sa lobby ng hospital.
“My God, ma. Akala ko’y ikaw na ang nahospital. Why won’t you tell me what happened.” He was agitated.
Niyaya nya itong maupo sa kalapit na upuan at pahapyaw na ikwinento ang pangyayari.
“And you didn’t tell Ramon.” He looked surprise. “And worse, you expect me to help you! For all we know eh hindi naman sya kabit ni kuya Ramon.” Iiling iling ito.
“She has amnesia! Maiilayo natin sya kay Ramon…”
“Natin? I’m not helping you, ma.” Tumayo ito at niyuko sya. “Call Ramon and tell him about the accident. Don’t meddle and complicate things.”
Kumibot kibot ang mga labi nya at pumatak ang luha. She winced nang magmura ang binata.
“I only want the best for Evelyn. Ayokong danasin nya ang mga tiniis ko noong nabubuhay pa ang papa nyo. Alam mo ang kahihiyan at sakit na dinanas ko, James. Ikaw ang kasama ko samantalang nasa kolehiyo si Evelyn.”
His face turned grim. “Ako ang kakausap kay kuya Ramon.”
“No…please…sundin natin ang plano ko.” Pigil niya. “You have to listen to me, James.”
“Where’s Cara’s room?” tanong ng binata na tila hindi sya nagsalita.
Wala sa loob na binanggit nya ang number ng kwarto nito.
“Aren’t you going to come with me?” tanong nito.
Umiling sya. “Mauuna na akong umuwi. I’m not feeling well.”
“You should have yourself check dito sa hospital.” he sounded sarcastic. Ipinagpapalagay na isa iyon sa maraming pagkakataon na nagsasakit sakitan sya kapag hindi nasusunod ang gusto.
Hindi na sya sumagot at humakbang palayo. Hindi nya hahayaang mag abot si James at si Ramon. Kung ayaw syang tulungan ng anak ay sya mismo ang magsasagawa ng plano nya. The plan is simple. Ilayo si Cara habang wala itong alaala. Kung bumalik man na ang alaala nito ay maaring hindi na interesado si Ramon dito. Or ito kay Ramon. Or maaring may ibang paraan na syang naisip para tuluyan itong mawala sa buhay ng pamilya nila.
0 thoughts on “For Always”