CHAPTER FOURTEEN
Siniko sya ni Venice nang umahon si James mula sa dagat. Yakap ang surf board ay tumatakbo itong palapit sa kanila.
Magkatabi silang nakaupo ni Venice sa upuan kaharap ang mesa ng pagkain na ipinahanda ni James. Sa dalawang lounging chair sa gilid ay nakapwesto ang mag inang Evelyn at Ellen. Si Ramon ay nagbabarbeque. Kahapon dumating ang mga ito at nagkausap na si James at ang daddy nya. Ipinaalam nila ang tungkol sa kanilang relasyon at si Venice ay hindi itinago ang kilig. Maging si Ellen ay lubos ang kasiyahan.
“I always knew you two would look good together.” Anito nang makalapit si James. Iniiwas nya ang namumulang mukha sa katawan ng binata. Nang gabing magtapat ang binata ay magkatabi silang natulog sa kama bagaman walang namagitan sa kanila except for a few kisses.
Ginawaran sya ng magaang halik ni James sa labi bago dumampot ng pagkain. Agad nya itong inabutan ng plato at akmang lalagyan ng kanin nang maupo ang papa nya sa harapang upuan nila. Mataktikang tumayo si Venice at lumayo. Bagaman walang sinasabi si Ramon ay nararamdaman nyang tila hindi lubos ang suporta nito sa relasyon nila ni James. Inabutan nya ng plato ang matandang lalaki.
“Ano bang plano mo sa anak ko?” biglang wika nito na ikinaubo ni James.
“Pa…” ayaw nyang mapressure naman ang binata.
“Hindi lingid sa akin ang mga past relationships mo. Ayoko lang namang matulad ang anak ko sa mga babaeng pinaiyak mo.”
“Iba si Cara, kuya Ramon.” Tinapatan ng binata ang kaseryosohan ng matandang lalaki. “And I’m a changed man. I found love.”
Ginagap nya ang kamay ng binata sa ilalim ng upuan at naramdaman nya ang pagpisil nito. “At kung binigyan mo sana ako ng pagkakataong magpropose ng maayos…” napatingin sya sa binata. Sinenyasan nito si Venice na agad lumapit at iniabot ang maliit na kahita. Si Ellen at Evelyn ay nakuha na rin ni James ang atensyon.
“Magpapaalam sana ako sa iyo ngayon para magpropose kay Cara mamayang gabi but you keep giving me that look.” Kinindatan sya ni James. “Hindi tuloy ako makakuha ng tiyempo. Kaya I’m asking you now..as Cara’s dad…I would like to marry your daughter…kuya Ramon, will you let me marry Cara?” tila nanginig ang tinig ni James.
Tumikhim si Ramon bago ngumiti. “I would like that. You may start calling me papa…”
Lumuwang ang ngiti ni James bago bumaling sa kanya.
“Cara…I know, maaga pa… but please don’t say no because I can’t let you go…please be my wife?”
Agad namasa ang mata nya. Niyakap nya si James at hindi na nahiyang hinagkan ito. Naghiwalay lang sila nang tumikhim ang ama. “Yes, James. I would love to be your wife. I love you.” Muli nya itong niyakap.
“And I love you more.” Bulong nito sa tenga nya.
Kinabukasan ay nasa simbahan sila. Pagkatapos ng misa ay sandaling nagbanyo si Ellen at Evelyn samantala sila ni Venice ay umuusyoso ng religious items sa loob ng maliit na pwesto kalapit ng simbahan. Nang dumami ang tao ay nilinga nya si Venice at sumenyas na lalabas. Nagulat pa sya nang may umakbay sa kanya.
“Kamusta, Cara?” si Ed. Nakasumbrero at shades ito.
Nagpapanic na luminga sya upang hanapin si James at ang papa nya ngunit wala ang mga ito malapit sa sasakyan.
Pinilit nyang kumawala sa pagkakaakbay ni Ed ngunit idiniin nito sa tagiliran nya ang patalim.
“Hindi mo na ako matatakbuhan. At wag kang magkakamaling sumigaw. Hindi ako magdadalawang isip na ibaon ito sa tagiliran mo.” May galit sa mga mata nito at alam nyang hindi ito nagbibiro. “Kung hindi ka mapupunta sa akin ay hindi ka mapapakinabangan ng iba.”
Akmang sasagot sya nang mula sa likod ay may pumalo kay Ed. Hindi nito inaasahan iyon. Agad syang kumawala at ito naman ay agad na nahawakan ng dalawang lalaki.
“Cara..” niyakap sya ni James.
“Saan…sino ang mga yan?” tukoy nya sa mga lalaki na isinuko si Ed sa mga pulis na nakontak ni Ramon.
“I hired bodyguards. That’s Andrew and Abe.”
“Nang hindi ko alam?”
“Yeah…sorry… ayokong maconscious ka.”
“At bakit may pulis agad? Ang bilis namang nakontak ni dad?” sinulyapan nya si Ramon na kausap ang pulis bago isinakay sa police car si Ed.
Guilt flashed James’ face. “Ramon knew na nasundan sila nang dumating dito noong nakaraang araw. Ed was watching us. We have no choice but to trust Andrew and Abe at ang mga pulis na natawagan na ng daddy mo. I hate to put you at risk pero kailangang lumabas si Ed para mahuli.”
Niyakap nya ang binata. “It’s okay. It’s over now.”
“I will not let him hurt you, Cara. Noone can hurt you as long as I’m here.” His kiss was calming. And she responds as she knew he is all that she needs. For now, for always.
Ellen extends her vacation for another week para saksihan ang civil wedding nila ni James. Next year, sa sunod na uwi nito ay nakatakda ang kasal nila sa simbahan.
Two months later and she is pregnant.
Sinampahan nya si Ed ng attempted kidnapping at pangmomolestiya. Lumabas din ang koneksyon nito sa serial killings at nahatulan ng habambuhay na pagkabilanggo.
0 thoughts on “For Always”