Download Story.

close

For Always

Written By: KayleneSJ       |       Story Status: Completed
Posted By:
KayleneSJ

 

 

 

CHAPTER TWELVE

 

Nang gabi ring iyon ay tinawagan ni Ramon si James.  Kinabukasan, sa almusal na nya nalaman na nakatakda syang sunduin ni James.

“Baka ho pwedeng ihatid na lang ako ng driver?  Baka maabala pa si James.” Aniya.  Sa kabila ng hindi maipaliwanag na excitement ay may bahagyang agam agam sya sa pagbalik sa La Union.  Hindi naging maganda ang paghihiwalay nila ng binata noong nakaraan at hindi nya alam kung ano ang magiging reaksyon nito sa muli nyang pagtuloy roon.

“Nonsense.  Hindi ka abala.” Ani Ellen.

“Saka mas kampante ako kung si James mismo ang kasama mo sa byahe.” Ani Ramon.  “Kung wala lang akong meeting eh ako mismo ang maghahatid sa iyo.  Pero siguradong by weekend naroon ako.”

“Safe bang dalawin natin si Cara, dad?” si Venice.  “I mean, baka masundan tayo ng stepdad nya?”

“We will make sure na safe bago sumunod.” Ani Ramon.

“Pakapananghalian kayo lumakad ni James para hindi masyadong gabihin.” Ani Ellen.

“Mamaya ng konti mo na ipagising si James at ng makabawi naman sa puyat.” Ani Evelyn.

Nagulat sya.  “Nandito na ho si James?”

“Nang makausap ko kagabi e nagpilit na bumiyahe na rin.  Kaninang madaling araw dumating.” Ani Ramon.

“Maige na rin tuloy eh nakatulog pa sya.”ani Ellen.  “Ipagising mo na lang mamayang mga alas diyes, Cara.  May lakad ako ngayon.”

Wala sa loob syang tumango bago hinigop ang kape.

 

Alas diyes bente na.  Pabalik balik sya sa kwarto.  Nakaempake na sya at nakaligo na.  Si Gina ay isinama ni Ellen sa lakad nito.  Si manang Linda ay namalengke.  At si James ay natutulog pa. Ang bilin ni Ellen ay magtanghalian sila ng mas maaga. Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan nya bago humakbang palabas ng kwarto.  Tinungo nya ang guestroom at kumatok.  Nang walang sumagot ay marahan nyang pinihit ang seradura at itinulak ang pinto.  Bahagyang madilim ang loob ng silid dahil nakababa pa lahat ng kurtina.  Huminto sya at ilang minutong hinayaang mag adjust ang paningin bago tinungo ang bultong nasa kama.

Ilang sandali syang nagdalawang isip bago ito inabot.

“James…” Hindi ito sumagot.  Akmang muli nya itong aabutin nang may tumikhim sa likod nya.

“Hey…”

Gulat na napapihit sya kasabay ng impit na tili.  Sa pag urong nya ay bumangga ang likod ng tuhod nya sa kama at napaupo.  Si James, sa pag aakalang matutumba sya ay agad syang hinawakan sa beywang.  Dahil sa bigat ng binata ay tuluyan syang napahiga sa kama, kasama si James sa ibabaw nya.  Nanlaki ang mata nya.

“Bakit wala kang damit!” tili nya at sinubukang itulak ito.  Her hands on his bare chest na noon lang nya napansing basa.  Pati ang mukha nitong nakatunghay sa kanya ay tumutulo rin.

“Naligo ako.” Anito.  May pinipigil na ngiti sa mga labi.  Itinukod nito ang mga kamay sa magkabilang gilid nya.

“Tumayo ka na muna.” Namumula ang mukha nya.  She could feel his manhood just below her stomach.  At pigil nya ang sariling sundan iyon ng tingin.

“Tatayo na.” tila may double meaning ang pagkasabi niyon ng binata at hinampas nya ang dibdib nito.  His eyes darkened with desire.  Tila may panghihinayang na umalis ito sa ibabaw nya bago inilahad ang kamay para abutin sya.  Wala sa loob na inabot nya iyon at lalong nahantad ang kahubdan ng binata.  And to her horror, her eyes raked his naked body.  “Damn.” Bulong ni James bago tumalikod at hinagip ang tuwalya sa cabinet.

Binato nya ito ng unan.  “Ikaw ang palakad lakad ng hubad tapos magagalit pag tiningnan.” Nakaramdam sya ng labis na kahihiyan.

Natatawang humarap ito sa kanya.

“Anong nakakatawa?”

“Ikaw.” He was clearly amused.  Muli naglakbay ang mga mata nya sa kahubdan nito.  Hindi sapat ang towel para ikubli ang mga hindi dapat bumakat.  “You thought I was angry because you were looking at me like you were about to ravish me?”

Namula sya.  Ganoon ba kaobvious ang nararamdaman nya.

     “Wag ka ngang mag ilusyon.” Iniiwas nya ang tingin nang humakbang ito palapit.  “Natural curious lang ako.”

“Hmmmm…curious…baka sunod mong sabihin sinasamantala na naman kita.” Seryoso na ang mukha ng binata.

Tumayo sya at nagkaharap sila.

“Hindi ka pa rin pala nakakamoved on sa huli nating usapan.” Humalukipkip sya sabay ng pag iwas ng tingin.

“Dahil hindi ka maingat sa mga binibitiwan mong salita.”

“Anong ibig mong sabihin?” nagtama ang mga mata nila.

Yumuko ang binata bago tila nag iisip na muling ibinalik ang tingin sa kanya.  “Kung sasama ka sa akin sa La Union, hindi pwedeng magkaaway tayo.”

“Hindi naman tayo magkaaway ah.”

“Pero hindi gaya nung dating dinala kita roon.”

“Hindi naman pwedeng ganun sa dati kasi hindi naman kita totoong kasintahan.”

He chuckled.  “Syempre hindi ganun.  Ayoko lang ng may sama pa tayo ng loob sa isat isa.”

“Masama ang loob mo sa akin?” hindi makapaniwalang bulalas nya.

“Inaway mo ako bago ako umalis dito nung nakaraan.” He fake a pout at bahagya syang napangiti.

“Sinabi ko lang ang totoo.”

“Alright…kung talagang iyon ang totoo sa iyo wala akong magagawa.”

“Bakit, hindi ba iyon din naman ang sinabi mo?  Wala namang kahulugan ang mga halik mo—“

Ngumiti lang ang binata bago sya iginiya palabas ng silid.

“Tapos na tayong mag usap?” mataray na wika nya.

“Hindi usap ang gusto kong gawin sa loob ng silid, Cara.  At malamang mamaya ng konti andito na ang mama.  Hindi magandang datnan nya ikaw sa kwarto ko na halos wala akong damit.”

“Hindi mo naisip yan sa—“

“Baka hindi ka ipagkatiwala sa akin ni kuya Ramon pabalik sa La Union.” He smiled again bago magaang dinampian ng halik ang mga labi nya.  The kiss was brief at bago pa sya makapag react ay marahan na syang inilabas ng binata sa pinto.

Ilang sandali syang nakakunot noo bago humakbang palayo ng guestroom.  Naguguluhan sya sa binata.  Nagulat pa sya nang makasalubong si Ellen.

“Gising na ba si James?”

“Opo.  Magbibihis na.”

“Sya sige magbihis ka na rin at nang makakain na kayo at makalakad.”

 

Habang nagbibihis ay nakakunot ang noo nya.  Naguguluhan sya sa binata.  Bati na ba sila?  Inaasahan nyang masama pa rin ang loob nito dahil sa naging palitan nila ng mga salita noong nakaraan ngunit tila nagbibiro lang din naman itong sabihin na sumama ang loob nito?  At bakit may pahalik halik na naman ito?  Sasanayin na ba nya ang sarili sa mga walang kahulugang halik nito?  Mas lalong lumalim ang kunot sa noo nya nang maisip na hindi naman sya nagalit sa halik ng binata.  Sa halip ay namiss nya ito.  Napapitlag sya nang may kumatok.

“Hi.” Nakangiting mukha ni James ang nabungaran nya.  Ang mata nito ay naglakbay sa kabuuan nya.  Ang suot nya ay sleeveless dress na lampas tuhod na binigay ni Evelyn.  Printed iyon at may malapad na collar.  Bigla naconscious sya kung bagay ba iyon sa kanya.

“Bakit?” pormal nyang tanong.

“Sinusundo po kita pati ang bagahe mo?” anitong hindi pinansin ang kapormalan nya.  Pumasok ito ng silid at diretsong kinuha ang katamtamang laking maleta nya.

“Kaya ko na iyan.” Protesta nya.  Bagaman nakacast pa rin ang kanang braso nya ay nakakasanayan na nyang kumilos.

“Wag makulit, Cara.” Humakbang ito at huminto sa harap nya.  “Kung sasama ka sa La Union, ayoko ng matigas ang ulo.  Let me take care of you.”

“Bukal ba yan sa loob mo?” mahinang tanong nya na nagbaba ng tingin.  Hindi nya kayang makipagtitigan sa binata.

Hinawakan nito ang baba nya at muling nagtagpo ang mga mata nila.

“Kung hindi bukal sa loob ko, hindi ako nagmamadaling pumunta rito at sunduin ka.” He sighed bago bumaba ang tingin sa labi nya.

“Salamat.” Bahagya syang lumayo rito.  Alam nyang nais syang hagkan ng binata ngunit bigla naisip nya, ayaw na nya ng mga halik na walang kahulugan.

“Bati na tayo…” lumuwang ang ngiti ni James.

Gumanti sya ng ngiti bago tumango at nagpatiunang lumabas ng silid.

 

 

 

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15