Download Story.

close

For Always

Written By: KayleneSJ       |       Story Status: Completed
Posted By:
KayleneSJ

 

 

CHAPTER ELEVEN

 

Kasalukuyan nyang tinutulungan si Kuya Abel na magdilig ng mga halaman habang nagbabasa ng dyaryo si Ellen sa kabilang sulok ng garden nang lumapit ang isang kawaksi, si Gina. Pamangkin ito ni Manang Linda.

“Ate Cara, nakalimutan kong sabihin sa iyo may naghahanap sa iyo noong isang linggo.”

“O isang linggo na ngayon mo lang sinasabi?” biro ni Kuya Abel.  “Maanong sinabi mo kina kuya Ramon.”

Napakamot sa ulo si Gina.  “Eh nakalimutan ko po.”

“Bata pa ulyanin na.” muling biro ng hardinero.

“Sino daw ba?” natatawang tanong nya.

“Uncle nyo raw ho.”

Namutla sya.  Tila nawalan ng hangin ang paligid.

“Ayos ka lang ba ineng?” tanong ni kuya Abel.  Kinuha nito ang hose mula sa kanya at ibinaba.  “Namumutla ka.” Nag aalalang wika nito at natawag ang pansin ni Ellen.  Tumayo ito at sinalubong sya upang igiya paupo.

“Ano bang nangyari?” tanong ng matanda.

“E sinabi ko lang hong may naghahanap na uncle nya nung nakaraang linggo…” ani Gina.

Bumaling sa kanya ang matanda.  “Wala ho akong ibang malapit na kamag anak.”

“Anong pangalan ng uncle?” ani Ellen.

“Hindi ko ho maalala..”

“Ed ba?” tila mapait sa dilang bigkas nya.

Umiling ang kawaksi.  “Hindi ho eh..Lito.. Chito?..Parang Chito?”

“Wala ho akong kilalang Chito.” Aniya kay Ellen.

“Anong itsura?” malapit ng magpanic ang anyo ng matanda.

“Matangkad..maputi..may bigote..”

“Wala hong bigote si Ed.  Yung buhok?” tanong nya kay Gina.

“Medyo manipis?”

Nanghihinang tumango sya.  “Si Ed ho iyon.  Matangkad, payat, maputi at medyo manipis na ang buhok.  Ang bigote ho ay napepeke.”

“Kailangang malaman ni Ramon ito.” Anang matanda at mabilis na pumasok sa loob ng bahay.

 

 

“Wag ka munang lalabas ng bahay.  Nasabihan ko na ang lahat ng kawaksi na ipagkailang dito ka tumutuloy.  Nagrequest na rin ako ng mas madalas na patrolya mula sa village guards.  At nakapagrequest ako ng police mobile na magpapatrol dito twice a day.  At maghapon na ang gwardya natin dito.” Ani Ramon.

Si Ramon ay agad na umuwi nang tawagan ng biyenan sa opisina.  Nasa salas silang tatlo at bahagyang nabawasan ang agam agam nya.  Marahil ay titigil din si Ed kung hindi na sya makikita sa mansyon.

Kinagabihan bago matulog ay sinilip nya mula sa bintana ang dalawang village guards na nakahinto sa may poste malapit sa mansyon.  Tiwalang humakbang sya palapit sa higaan at pinatay ang malamlam na lampshade na tanging ilaw ng kwarto.

 

Pangatlong araw na at walang palatandaan ni Ed.  Umaga at hapon umiikot ang police mobile sa kanilang street at sa gabi naman ay nagpapatrolya ang village guards.  She felt safe.  Matapos mag almusal ay sa hardin sya nagtigil kasama si Kuya Abel.  Nakikiusyuso sya sa mga tanim nitong bulaklak.  Umunat sya nang makaramdam ng ngawit.

“Kukuha lang ho ako ng maiinom.” Paalam nya.  Si Ramon at Evelyn ay nasa trabaho.  Si Ellen ay sandaling umalis upang mamalengke kasama si Manang Linda.  Ang tanging naiwang kawaksi ay si Gina at isa pang naglilinis sa itaas.

Nasalubong nya si Gina na palinga linga dala ang baso ng tubig.

“Ano iyon?  Sinong hinahanap mo?”

“Lumabas na yata yung pulis na makikiinom.” Ibinaba nito ang baso ng tubig sa mesa at lumabas na ng kusina.

Ipinatong nya ang baso sa mesa habang sinasalinan ng juice nang pumasok ang bulto ng lalaki na nakasuot ng unipormeng pang pulis.

“Mamang pulis…” natigilan sya kasabay ng pagkunot ng noo.

“Kamusta ka Cara?” si Ed.  Naka wig, nakasalamin ito at walang bigote kaya marahil hindi nakilala ni Gina.

Agad naibaba nya ang hawak na pitsel at akmang tatakbo palabas sa likod ngunit maagap itong humarang.

“Kuya Abel!” malakas nyang sigaw bagaman duda syang marinig ng lalaki na nasa hardin.  Lumayo sya kay Ed kasabay ng pagharang ng mga upuan.  Tanging ang malaking mesa lamang ang nakapagitan sa kanila.

“Halika na, Cara.  Hindi kita sasaktan.” Ani Ed.  Inilahad nito ang kamay akmang abutin sya.  Mabilis syang umurong kasabay ng pag abot sa ilang plato at ibinato rito.

“Alam kong mahal mo ako.  Sumama ka na sa akin at hindi ko sila sasaktan.” Banta nito.

“Hindi kita mahal!” muli nyang binato ang plato.  “Kinasusuklaman kita.”  Nagdilim ang mukha ng kaharap at sumampa sa mesa upang abutin sya.  Tinangka nyang tumakbo ngunit naabot nito ang buhok nya.

“Kuya Ab–!” tinakpan nito ang bibig nya kasabay ng pagsalya nito sa kanya sa pintuan ng ref.  Idiniin nito sa kanya ang katawan at kinilabutan sya.

“Bitiwan mo sya!” boses ng guard kasabay ng pagtutok ng baril.  Nasa likod nito si Abel at si Gina.

Iniharap sya ni Ed sa mga ito habang nakapulupot ang mga bisig sa beywang nya.  Humakbang ito paurong kasama sya.  Kapag naisama sya nito ay malaki ang tsansang hindi na sya makatakas.  Determinadong tinapakan nya ang paa nito kasabay ng pagsiko rito.  Tila naman nagulat ito sa ginawa nya at lumuwag ang pagkakahawak sa kanya.  Mabilis syang nakatakbo patungo sa guard.  Nagpaputok ito ngunit nakatakbo na si Ed.  Nakatakas ito bago pa dumating ang mga pulis.

 

Nanginginig ang katawan nya kahit yakap na ni Ellen.  Si Venice at Evelyn ay nasa kabilang sulok at hawak kamay.  Si Ramon ay kausap ang mga pulis.  Si Kuya Abel at si Gina ay kinunan rin ng pahayag.  Ayon dito ay si Gina ang nakarinig ng sigaw nya ngunit hindi sya nadaluhan sa sobrang takot.  Tinawag nito si Abel at humingi ng tulong ang dalawa sa guard.

“Siguraduhin nyong tututukan nyo ang kasong ito.  Kailangang maparusahan ang taong iyon.” Anito sa pulis bago umalis.  Ayon sa pulis ay suspek din si Ed sa ilang serial killings dahil nakuha ang fingerprints nito sa ginamit na sasakyan.

 

“Alam na ni Ed na nandito ka.  Siguradong babalik iyon.” Ani Ellen.  “Hindi na sya ligtas dito.”

“Wag mo na syang takutin, mama.” Saway ni Evelyn.

“Hindi ko sya tinatakot.  Sinasabi ko lang ang posibilidad.”

“Tama ang mama, hon.  Bagaman nadaplisan ng guwardya si Ed dahil sa mga patak ng dugo na nakita sa labas ay siguradong babalik iyon matapos magpagaling.  Hindi na sya makakabalik sa trabaho nya kaya malamang desperado na iyon.”

“What can we do?  Nalusutan nya ang guwardiya dahil nagpanggap syang pulis.  He can do anything to get Cara!” si Venice.

“The man is crazy.  Sa tingin ko hindi na safe si Cara rito.  Gagawa at gagawa ng paraan si Ed dahil alam nyang narito si Cara.” Ani Ellen.

“Saan natin sya dadalhin?  Isasama mo sa California?” sarcastic si Evelyn.  Sa sunod na linggo ang lipad ng ina nito pabalik.

“Maari pero sa ngayon…sa La Union.”  Hindi pinansin ng matanda ang sarkasmo ng anak. “ Bring her to James.”

Wala ni isang nakapagsalita.  Sa kabila ng agam agam dahil sa huling usapan nila ng binata, ang puso nya ay tila tumalon talon.

 

 

    

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15