Download Story.

close

For Always

Written By: KayleneSJ       |       Story Status: Completed
Posted By:
KayleneSJ

           

           

 

CHAPTER TEN

 

Ang silid ay napuno ng katahimikan.  Ang unang nakabawi ay si James.

“At hindi mo alam na buntis sya?” baling nito kay  Ramon.

Umiling si Ramon.  “Sinubukan ko syang kausapin para makuha ang kapatawaran nya ngunit hindi na sya pumasok sa pawnshop.  Umalis din sya sa poder ng tiyahin nya at walang makapagsabi kung saan sya nagpunta.”

Naiiling si James.  “And you, Evelyn…I can’t believe  it..” nang aakusa ang tingin nito sa kapatid.  Nagpahid ng luha si Evelyn.

“I was sorry.  God knows I was sorry.  Hindi ako nagbuntis ng panahong iyon.  I never bear a child.  Iyon marahil ang parusa ko.” Bumaling ito kay Cara.  “Patawarin mo ako.  Dahil sa akin hindi ka nagkaroon ng buong pamilya.”

“Lumaki ako na may nakilalang ama. Isa syang sundalo at bagaman hindi ko sya madalas nakikita ay mabait sya sa akin at kay inay sa tuwing umuuwi sya.  Nagulo lang ang buhay namin nang mamatay sya at pumasok sa buhay namin ang pangalawang asawa ng inay.”

Nagtatanong ang mga mata ni James at pahapyaw na ikwinento ni Ramon at Cara ang mga naging pangyayari.

“That man’s a psycho!” bulalas ng binata.  “Are you sure Cara is safe here?”

Tumaas ang kilay ni Ramon.  “Of course, kaya kong protektahan ang anak ko.”

“I’m really sorry, Cara.  Hindi ko alam ang pinagdaanan mo at hinusgahan kita agad.” Ani Ellen.  Niyakap nito ang dalaga na matipid na ngumiti.  Walang bakas ng pagdaramdam sa magandang mukha.

Magkakasunod silang lumabas ng library at nagkanya kanya ng akyat ng silid.  Papanhik na rin si Cara nang tawagin ni Ramon.

“Maari ba kitang makausap sandali?” anito.

Tumango sya bagaman hindi sigurado kung ano ang dapat maramdaman.  Tila hindi pa lubos na nagsisink in sa isip nya lahat ng pangyayari ngayong araw.  Sumunod sya sa matanda patungo sa lanai.

Naupo sya sa kawayang upuan na katapat nito.  Hindi nya alam kung ano ang dapat sabihin.  Ni hindi sumagi sa isip nya na hindi nya totoong ama ang pumanaw na ama.

“Hindi ko alam kung paano magsisimula…” alanganin ang ngiti nito.  Ngumiti sya.  At least, kagaya nya ay nangangapa ito.

“Naiintindihan ko po.  Hindi ko rin inasahan ang mga nalaman ko.”

“Malaki ang kasalanan ko sa iyo at sa iyong ina.  Bagaman pinatawad nya ako bago sya nawala ay hindi niyon nabawasan ang guilt na nararamdaman ko.”

“Hindi ko ho kayo masisisisi.  Pero nais ko ring ipaalam sa inyo na wala akong hinanakit sa inyo.  Napalaki ako ng maayos ni Inay at ng Itay.  Bagaman hindi kami maalwan ay hindi sila nagkulang sa pagpadama sa akin ng pagmamahal.”

“Natutuwa ako na minahal kayong totoo ni Ruben.” Tukoy nito sa pumanaw nyang ama.  “Hindi na nakapagkwento ang inay mo nang magkausap kami sa hospital.  Ang nasabi lang nya ay nagkaanak kami at ikaw nga iyon.”

“Ang sabi ng inay ay nagkakilala sila ng itay sa isang bus papuntang Bicol.”

“Bicol!  Kaya pala hindi ko sya natagpuan. Sino ang kakilala nya roon?”

“Ang sabi nya ay wala syang kakilala at namasukan lamang sa isang hotel.  Halos isang taon sya roon at doon din sya sinuyo ni Itay habang nasa misyon ito roon.  Nagpakasal sila bago ako ipanganak at lumipat kami ng Lucena kung saan ipinanganak ang itay.  Hangga highschool ay nasa Lucena kami ng inay.”

“Paano kayo napadpad ng Maynila?”

“Nang magkasunod na mamatay ang mga magulang ng itay at magkolehiyo ako ay naisip nila na lumipat sa Maynila.  Mahirap ang buhay sa Maynila.  Nararamdaman kong nahihirapan ang itay at inay financially.  Kalagitnaan ng kolehiyo ay lumipat kami sa Tondo.  Mas mura ang mga paupahang bahay.  Kaso, nang umalis ang itay para sa mission sa Mindanao ay hindi na sya nakabalik.”  Nagbuntong hininga sya.  “Doon pumasok sa buhay namin si Ed.” Tumiim ang mukha nya.

“Naging mahina ang inay at pinapasok nya sa buhay namin si Ed.”

“Nameet ko sya sa hospital.  A devil in disguise.” Nailing na wika ng matandang lalaki.

“Sa itsura nya walang mag aakalang demonyo sya.  Nagsimula sya sa mga advances nya sa akin nang magkasakit ang inay.  Inisip kong hindi nya ako kayang takutin kaya hindi ako nagsumbong sa inay bukod sa ayaw kong mag alala ang inay.  And the rest is history, gaya ng naikwento ko na sa inyo.”

“Ligtas ka rito sa poder ko, Cara.  Ipakukulong natin sya.”

Tumango sya.

“At pwede bang hayaan mo akong makabawi?  Alam kong hindi ko mapapalitan ang itay mo sa buhay mo, pero bilang papa mo, bigyan mo sana ako ng pagkakataon na makabawi.”

Ngumiti sya.  “Syempre, papa.  Siguradong kung nasaan man ang inay ngayon ay matutuwa sya na nagkasama tayo.”

 

Mahimbing syang nakatulog ng gabing iyon.  She felt safer.  Kinabukasan ay maaga syang nagising at naabutan si James na nagkakape.

“Hi.  You’re early.”  Bagong ligo ito.  “Tulog pa yata ang mga tao rito.” Alas kwatro y media pa lang ayon sa wall clock.

“Mas maaga ka.  Nakaligo ka na eh.” Humila sya ng isang upuan at naupo.  “May lakad ka?”

“Babalik na ako ng La Union.” Matipid na wika nito.

Agad ang nadama nyang lungkot.  Diyatat aalis ang binata na hindi nagpapaalam sa kanya.  Kung hindi pa sya bumangon ng maaga ay hindi sila mag aabot.  Sino nga ba naman sya para pagpaalaman?  Wala naman silang relasyon!  Ang mga halik nito ay walang kahulugan.  Tila nahulaan naman ng binata ang iniisip nya.

“Magpapaalam sana ako kagabi kaso magkausap kayo ng kuya Ramon.  Hindi na kita kinatok after kasi sigurado napagod ka.”

Tumango sya at pilit na ngumiti.  “Ingat ka sa byahe.”

“Yun lang?”

“Hindi ka ba kakain muna?  Pwede kitang ipag gayak ng almusal.  Saka malamang babangon na rin si Manang Linda.” Tukoy nya sa kusinera.

“Sa daan na lang ako mag aalmusal.” Tumayo ito matapos ubusin ang kape.  Tumayo na rin sya.

“Ihahatid na kita sa pinto.” Akmang tatalikod na sya nang hawakan nito sa braso.

“Wait, maggu-goodbye kiss pa ako eh.” He smiled sheepishly.  Bago pa sya nakasagot ay bumaba na ang labi nito sa labi nya.  She wrapped her arms around his neck and returned his kisses as if it was the natural thing to do.

“Ay mariang garapon!” bulalas ni Manang Linda na pumasok sa dining area.  Gumawa ng ingay ang kalderong nabitawan nito.

Agad silang naghiwalay.  Namumulang lumayo sya sa binata na hindi pinakawalan ang beywang nya.  “Good morning Manang.” Ani James na nakangiti.

“Aalis ka na?  Hindi ka ba muna kakain?” anang babae nang makabawi sa pagkakabigla.

“Sa daan na lang po.”  Inakbayan sya ng binata at iginiya palabas.

“Ihahatid ko lang po si James sa pintuan.”  Pahabol nya sa matanda bago tuluyang makalabas ng dining room.

 

Binalingan ni Cara si James nang makarating sa pintuan.  Inalis nya ang kamay nito sa balikat nya.

“Hindi mo dapat ginawa iyon!” aniyang nag iinit pa rin ang mukha.

“Nakalimutan kong bumalik na ang alaala mo.” Nanunuksong wika nito.

Umismid sya.  “Ang mga halik sa La Union pala ay pananamantala mo lang sa pagkawala ng alaala ko.”

James turned serious.  “Yun ba ang gusto mong paniwalaan?  Na sinamantala lang kita?  Woman, you returned my kisses.”

“Kasalanan mo.” Napapahiyang wika nya.  “Kung walang kahulugan sa iyo ang mga halik na iyon eh wala ring kahulugan sa akin.”

May galit na nakiraan sa mga mata ng binata at tila nais nyang bawiin ang mga sinabi.  “Pinadali mo ang paghihiwalay natin.  Pinag iisipan ko pa naman kung paano ipapaliwanag sa iyo na ang mga halik na iyon ay walang kahulugan pero sa mga sinabi mo…nagpapasalamat ako na sa iyo na nanggaling.”  Mabilis itong tumalikod at sumakay ng sasakyan.

Hindi na nya hinintay na paandarin nito ang sasakyan.  Mabilis syang pumasok sa loob at pinahid ang luhang nagbabantang pumatak.

“Si James ba iyon?”  tukoy ni Evelyn sa umandar na sasakyan.

“Opo, tita.  Babalik na raw sa La Union.”

“Maari bang Mama Evelyn na lang ang itawag mo sa akin?  Hindi ako nagkaroon ng pagkakataon kagabi na makausap ka ng sarilinan.” Humakbang ito at hinawakan ang mga kamay nya.  “Patawarin mo ako sa nagawa ko sa inay mo at sa iyo.  Bigyan mo sana ako ng pagkakataong makabawi?” maluha luhang wika nito.

Nakangiting niyakap nya ito.  “Opo naman, Mama Evelyn.  Walang problema.”

Tumulong sya sa paghahanda ng almusal sa kabila ng pagtutol ni Manang Linda.  Ayaw na ayaw nitong may nakikialam sa pagluluto nito.  Ayaw nyang bumalik sa silid nya at magmukmok sa naging usapan nila ni James.  Sa pangungulit nya ay pumayag itong magprito sya ng itlog.

Sabay sabay silang nag almusal maliban kay Venice na tulog pa.  Ayon kay Evelyn ay hapon pa ang pasok nito.  Inaasahan nyang magiging malapit rin sila ni Venice kagaya nina Evelyn at Ellen.  Ang dalawang matandang babae ay nagpaplano ng outing bago bumalik sa California si Ellen.  Pakiramdam nya ay tapos na ang unos ng buhay nya at hindi na muling babalik si Ed.

 

 

 

 

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15