Download Story.

close

For Always

Written By: KayleneSJ       |       Story Status: Completed
Posted By:
KayleneSJ

 

 

CHAPTER NINE

 

Kumislap ang mga mata ni Norma nang matanaw si Ramon sa labas ng mall.  Nagtatrabaho sya bilang kahera sa isang pawnshop.  Mag iisang taon na sya roon samantalang ang kasintahan ay bago  pa lamang nagsisimula sa isang marketing company. 

Nang matanaw sya ni Ramon ay nakangiting humakbang ito palapit sa kanya.  Bago ito tuluyang nakalapit ay may umabrisyete sa kanya.  Nagulat na nilinga nya ito.

     “Evelyn, ginulat mo ako.” Aniya sa anak ng may ari ng pawnshop.  Graduating ito sa kalapit na unibersidad at madalas dumadaan sa pawnshop.

     “Sabay na tayo.  Wala akong sundo ngayon.”  Ang tinutukoy nito ay ang paradahan ng fx sa di kalayuan.

     “May sundo ako…” tukoy nya kay Ramon na nasa harapan na nila.

     “Hi.” Ani Ramon. Kay Evelyn ito nakatingin.  Evelyn returned his smile.

     “Boyfriend ko, si Ramon.” Inilahad ni Ramon ang kamay.  Flashing his gorgeous smile.  “Si Evelyn ay anak ng may ari ng pinagtatrabahuhan ko.” Pakilala nya.

     “Nice meeting you, Ramon.” Ani Evelyn.  “Mauuna na ako sa inyo.” Paalam nito bago tuluyang lumakad.

     “Kamusta ang trabaho?” aniya.  Naglilibot ito sa mga malls para magdemo ng mga bagong produkto sa merkado at alam nyang hind nito gusto ang gawaing iyon.

     “Ayos lang…maraming customers.” Nagkibit balikat ito.  “Nasasanay na rin…”

     Bagaman nagulat ay hindi nya ipinahalata.  Pang apat na trabaho na ito ng nobyo sa loob lamang ng isang taon.  “Mabuti naman nag eenjoy ka na.”  Sya ang unang matutuwa kung magtatagal na ito sa bagong trabaho.  Ibig sabihin niyon ay matutupad na ang pangako nitong magpapakasal sila sa katapusan ng taong kasalukuyan.  Sapat na iyon para makaipon ng kaunti para sa isang simpleng kasalan.

     Simula highschool ay kasintahan nya si Ramon.  Dati silang magkapitbahay sa Pampanga ngunit nang mamatay ang kanyang mga magulang ay lumipat sya sa tiyahin nya sa Maynila.  Bagaman nagkalayo ay hindi naman naputol ang kanilang komunikasyon at lagi na ay nakakaluwas si Ramon dahil sa tiyuhing biyahero ng mga baboy.

     Nang magkolehiyo sila pareho ay lalong naging madalas silang magkasama.  At hindi miminsang nagpalipas sya ng gabi sa apartment ng binata.  Ang pamilya nito ay nakaaangat sa buhay kaya naman nakakaafford itong kumuha ng sariling apartment.  Hindi iilang beses na niyaya na syang pumisan ng binata sa apartment nito ngunit tumanggi sya.  Matanda na rin ang tiyahin at nahihiya syang iwanan ito sapagkat ito ang nagpapaaral sa kanya.  Ang mga anak ng tiyahin ay nasa ibang bansa na at bukod sa isang kasambahay ay sya lamang ang kasama nito sa bahay.

“Saan tayo pupunta?” tanong nya nang makarating sa kalsada.

     “Sa apartment na lang.  Magtake out tayo ng pagkain.  May bago akong pelikula.”

     Sumang ayon sya at pinara nito ang dumaang FX.

 

     Sa apartment ni Ramon sya natulog.  Maaga syang bumangon kinabukasan para makadaan pa sa bahay at makapagpalit ng damit.

     “Maaga pa…” reklamo ni Ramon nang bumangon sya.

     “Dadaan muna ako sa bahay.  Mapapagalitan na naman ako ni tiya.” Aniya habang nagbibihis.  “Sana ay magpakasal na tayo…” dugtong nya.

     “Mag iipon lang tayo at magpapakasal na tayo.  Hindi naman kita tatakbuhan, Norma.” Tila nainis na wika nito.  Hindi na sya sumagot sa halip ay nagpaalam na nang makapagbihis.  Matapos ihanda ang almusal ng nobyo ay muli syang nagpaalam ngunit ni hindi ito nag angat ng mukha mula sa pagkakadapa sa unan.

 

     Lunch break at nasa labas si Ramon ng gusaling pinagtatrabahuhan.  Hindi sya sigurado kung tatagal pa sya sa trabahong ito.  Nagsinungaling sya kay Norma nang sabihing nasasanay na sya rito.  Alam nyang umaasa ang babae na kapag nakaipon sya ng sapat ay magpapakasal na sila.  Wala namang dudang pakakasalan nya ang nobya, bukod sa matagal na silang magkasintahan ay may nangyari na sa kanila at tama lamang na panagutan nya iyon.  Lamang ay wala pa syang sapat na ipon at gusto nya naman na maipagmamalaki sya ng babae.  Na hindi porke may kaya ang pamilya nila ay sapat na iyon.  Ang kanyang mga magulang ay parehong retiradong guro at ngayon ay nagmamanage na lamang ng isang hindi kalakihang grocery store.  Dalawa lamang silang magkapatid at pareho ng nakatapos.  Ang bunso nyang kapatid ay isa ring guro at regular na sa eskwelahang pinapasukan nito.  Samantalang sya ay nakailang palit na ng trabaho.   Matapos tapakan ang sigarilyo ay akmang babalik na sya sa loob nang matawag ang kanyang pansin ng ilang estudyanteng babae sa harap ng gusali.  Isa sa mga iyon ay pamilyar.

     “Evelyn..?” he called.  Natatandaan nya ito dahil sa maamong mukha nito.  Maganda at ismarte. 

     Lumingon ito at maluwang na ngumiti nang makilala sya.  Humiwalay ito sa mga kagrupo at lumapit sa kanya.  “Ramon, right?  Norma’s boyfriend?”

     Tumango sya.  “Anong ginagawa nyo rito?”

     “Pauwi na kami.  Galing kami sa kabilang building.  Nag aapply kami for OJT.”

     Ang tinutukoy nitong building ay ang mismong gusali katabi ng kanyang pinagtatrabahuhan.  “O magkalapit na pala tayo..” biro nya.

     She smiled kasabay ng pamumula ng pisngi.  “Dadagdagan ko ang baon ko para sa iyo.”

     He nodded.  Hindi sa pagyayabang ay marami pa ring babae ang nagkakagusto sa kanya kahit alam na may nobya na sya.  Ngunit ni minsan ay hindi nya naisip pagtaksilan si Norma.  But looking at Evelyn’s lovely face, may bahagyang guilt syang naramdaman.

     Nang may humintong taxi ay nagpaalam na ito at sumabay na sa mga kaklase.  “See you around.” Aniya kasabay ng pagkaway.  Gumanti ito ng kaway bago tuluyang pumasok sa taxi.

 

     Nang sumunod na linggo ay regular na nakikita ni Ramon si Evelyn tuwing lunchbreak kasama ang mga kaklase nito.  Regular na rin itong kumakain sa canteen na kinakainan nya.

     “Parang hindi na kita nakikitang sumusundo kay Norma?” anito nang minsang makasabay nya pabalik.

     “Busy lang.  Madalas ka pa rin bang pumupunta sa shop?”

     “Oo.  Mamaya dun ako didiretso.” Nilingon sya nito.  “Gusto mong sumabay?” she shyly asked.  Muli namumula ang pisngi nito.

Tila huminto ang tibok ng puso nya sa ngiting sumilay sa mukha ng dalaga.  Kasabay ng pagsalakay ng guilt.  “Baka hindi.  May tatapusin pa akong trabaho.”  Tumango ito sa kabila ng disappointment na hindi lubusang naitago.  Nagpaalam na sya nang tumigil sa tapat ng kanilang gusali.

     Kinabukasan na nya muling nakita si Evelyn sa kinakainang canteen.  Agad itong humiwalay sa mga kasama at lumipat sa mesa nya.

     “Bakit mag isa ka?” tanong nito.

     “Naunang maglunch ang mga kasama ko.”

     Tumango ito at nagsimulang kumain.  Tahimik din nyang ipinagpatuloy ang pagkain kasabay ng manaka nakang pagsulyap dito. 

     “Susunduin mo ba si Norma mamaya?” tanong nito bago sila natapos kumain.

     Tumango sya.  “Sabay na tayo?” nakangiting wika nya.

     Tila kumislap ang mga mata nito kasabay ng pagtango at pamumula ng pisngi.  Gusto ba sya ng dalaga?  Hindi sya manhid ngunit ayaw nyang isipin ang ideyang iyon dahil may bahagi ng pagkatao nya ang tila nagdiriwang.

 

     Ang minsang pagsasabay nila patungo sa shop ay ilang beses pang naulit. 

     “Pwede bang wag ka ng sumabay kay Evelyn pag sumusundo ka?” ani Norma nang minsang sunduin nya.

     “Bakit naman?  Wag mong sabihing nagseselos ka?”

     “Para kasing…parang may gusto sa iyo si Evelyn.”

     Natawa sya at inakbayan ito.  “Para kang sira.” Wika nya bagaman tila nais nyang magdiwang sa narinig.  “Magpapakasal na tayo tapos nag iisip ka pa ng mga ganyan.”

     “Talaga ba?” malungkot na tanong ni Norma.

     Sa halip na sumagot ay hinapit nya ito at hinagkan sa ibabaw ng ulo.  Bakit tila pati sya ay may nakapang pagdududa?

 

     Simula noon ay pinilit nyang iwasan si Evelyn.  Bagaman wala silang ginagawang masama ay tila nakokonsensya syang mapalapit dito.  At ayaw rin nyang pagsimulan ito ng pagtatalo nila ng kasintahan.  Sadya syang nagpapahuling kumain at umuwi. 

     “Iniiwasan mo ba ako?” napaigtad sya sa boses ni Evelyn.  Alas dos pasado na at kasalukuyan pa lang syang nagtatanghalian.  Naupo ito sa harapan nya.

     Nilunok nya muna ang pagkain bago ito matipid na nginitian.  “Bakit ko naman gagawin iyon?”

     Tila maiiyak ang itsura nito.  “Dahil alam mo ang nararamdaman ko….”

     Huminto sya sa pagkain.  “Nararamdaman mo?”

     “Gusto kita.  Mahal kita, Ramon.” Napatungo ito.  “Alam kong may kasintahan ka na pero mali ba akong isipin na may nararamdaman ka rin para sa akin?” 

     Hindi nya alam ang isasagot.  Ang lahat ng katanungan at pagdududa nya ay inilalahad nito ang maaring kasagutan.  Hindi nga kaya may damdamin na sya para sa babae kaya sya nakakaramdam ng konsensya sa nobya?  Napailing sya kasabay ng pag iwas ng tingin.  “Hindi ko alam ang sinasabi mo.”

     “Magkita tayo mamaya at patutunayan kong mahal mo ako.” Wika nito.  “Hihintayin kita mamayang uwian.” Tumayo ito at tuluyang lumakad palayo.

 

     Tila wala sa sariling sumunod sya kay Evelyn nang pumara ito ng taxi.  Sa isang motel sila humantong.

     “Hindi mo kailangang gawin ito, Evelyn.” Aniya nang makapasok.

     “Isang halik lang ang nais ko, Ramon.”  Humakbang ito palapit at nahigit nya ang hininga nang dumampi ang malambot nitong labi sa kanya.  Her scent, her innocence, her softness caught him offguard at tila lahat ng matitinong kaisipan ay lumipad sa hangin.

 

     Bahagyang nabawasan ang ngiti ni Norma nang makitang pumasok sa shop si Evelyn.  Nitong mga huling linggo ay tila umiiwas din sa kanya ang dalagang anak ng amo.  Ang kasintahan naman ay bihira na rin syang sunduin gaya ng napagkasunduan nila.  Madalas ay nagkikita na lamang sila sa apartment nito.       At bagaman hindi sila nagtatalo ay tila may panlalamig syang nararamdaman mula sa nobyo nitong mga huling araw.  Tila rin lagi itong may malalim na iniisip.  Tinanguan lang sya ni Evelyn bago ito dumiretso sa manager sa loob ng opisina.  Iginayak na nya ang mga gamit at lumabas na.  Nagpaalam syang maagang uuwi para sorpresahin ang nobyo sa apartment nito.  Tatlong buwan na syang buntis at nakumpirma na nya iyon sa doctor.  Nang makalabas ay natawag ang pansin nya ng nagtitinda ng mais sa kabilang kanto.   Kasalukuyang isinusupot ng tindero ang binili nya nang matanaw si Evelyn na sumakay ng taxi.  Bagaman nagtataka ay ipinagwalang bahala nya iyon.  Kadalasan ay hinihintay nitong magsara ang pawnshop bago umalis.

 

     Nang makababa ng jeep ay sandali pa syang huminto sa karinderya para bumili ng ulam nila ni Ramon.  Tuwina ay tuwing Biyernes lang sya natutulog sa apartment nito ngunit hindi na nya mahintay ang Biyernes para ibalita sa binata ang pagdadalang tao nya.

     Bukas ang bintana ng apartment kaya sigurado syang nasa loob ang kasintahan.  Akmang kakatok sya sa pinto nang may magsalita mula sa loob.

     “Wag ka ng magalit.  Kumukuha lang naman ako ng tiyempo.” Anang nobyo.

     “Kailan mo ba kasi sasabihin?  Sinasabi mong ako na ang mahal mo pero sa tuwina ay ako ang nakokonsensya kapag nakikita sya.”

     Natigilan sya.  Boses ba ni Evelyn iyon?  Si Evelyn ang bisita ng nobyo?

     “Mahirap kumuha ng tiyempo…”

     “Pero paano ako, dalawang linggo na akong delayed.”

     Gimbal na napaurong si Norma at gumawa ng ingay ang basurahan sa likod nya.  Mabilis na bumukas ang pinto at tila tinakasan ng kulay ang mukha ni Ramon.

     “Niloko mo ako.” Punong puno ng sakit na wika nya.  Ang mga luha ay nag uunahan sa pagpatak.

     “Norma..magpapaliwanag ako..”

     “Hindi mo na nga ba ako mahal?”  Ang hindi pagsagot ng lalaki ang kasagutan sa tanong nya.

     “Patawarin mo kami, Norma.  Ako na ang mahal nya.” Wika ni Evelyn na walang bahid pagsisisi ang mga mata.

     Nanghihinang tumalikod sya.  Narinig pa nya ang pagtawag ni Ramon ngunit pinigilan ito ni Evelyn.

           

           

 

           

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15