SIMULA
“Cheers! Mga kapwa single”
Itinaas ko ang cocktail na hawak ko, farewell party namin ngayon kaya naman naparami ang inom ko. Last na kasi naming pagkikita. Kaya kailangan ko nang lubusin ‘to .
Ewan ko ba alam kong masaya ako ngayon pero parang nasasaktan ako. ‘Yun bang parang winawasak ang puso mo nang paulit ulit. Hindi lang ngayon nangyari ito kundi araw araw. Non-sense naman ang sinasabi ng kaibigan ko, broken daw ako, e’ wala nga akong boyfriend. Kahit nga ang pakiramdam ng in love ,’di ko pa nararanasan.
Nabalik ako sa wisyo ng titig na titig sila sa akin kaya naman binigyan ko sila ng nagtatanong kong tingin. Inakbayan ako ng kaibigan kong si Ivey at bumulong.
“Walang single dito ikaw lang”
Tapos ay bumalik na siya sa akbay ng boyfriend niya. Napasimangot naman ako sa kaniya at weird na tumingin sa mga blockmates ko
“I-I mean, Cheers! Sa wakas nakapagtapos na tayo” pinilit kong ngumiti na agad namang gumana
Sabay sabay nilang itinaas ang hawak nilang mga cocktail at ngumiti, tumango sa’min si Owen kaya sabay sabay kaming sumigaw,
“Cheers! Congratulation to us!”
Tumawa kami at sabay sabay na uminom. Habang umiinom kitang kita ko ang titig ni Owen sa’kin kaya naman agad kong iniwas ang ulo ko para ‘di na siya makatitig pa
Kaso malas lang talaga ako ngayon. Naramdaman ko ang paghawak nito sa braso ko, pumikit ako para kumalma at nakangiting humarap sa kaniya
“I’m single, too, like you. I always give you the opportunity to be mine, Pola.” Bungad nito sakin.
Pilit naman akong ngumiti “And I always give you a thousand reason to stop.”
“Bakit ba hindi mo ako kayang mahalin, Pola? Kayang kaya ibigay ang lahat sa’yo,”
Ngumiwi ako. “Hindi ako katulad ng ibang babaeng iniisip mo Owen, ibahin mo ako.”
Hinawakan nito ang magkabilang balikat ko dahilan para mapa igtad ako, tinignan ko siya ng matalim at marahas na pumiglas sa kapit niya. Sobrang higpit ang pagkapit nito kaya napapikit ako sa sakit nang nakawala ako.
Nagtaas baba ang dibdib ko sa galit na nararamdaman ko. Kulong kulo ang dugo ko, ayokong madala ako ng galit ko kaya yumuko ako, ito ang mahirap sa akin pag nagagalit, ako ang umiiwas kaya hindi ako makalaban.
Naramdaman ko ang patak ng luha na lumandas sa pisngi ko habang nakatungo, ilang beses na nangyari ‘to sa tuwing pinipilit niya ako. Kaya lang ngayon ay nakainom ako kaya pakiramdam ko ay naging emosyonal ako sa konting dahilan
“Hoy! hoy! Anong na naman ang ginagawa mo sa kaibigan ko ha, Owen?”
Narinig ko ang boses ni Arlene na isa ko rin’ kaibigan. Umiling ako habang nakayuko at pinunasan ang tumulong luha ko. Iniangat ko ang ulo ko at nagbigay ng pilit na ngiti sa kaibigan ko,
“Wala ‘yon , Arlene.”
Nakita ko ang mga mata ni Owen na parang maamo at akala mo ay walang ginawa kanina sakin. Nawala ang alab sa mata niya at napalitan nang simpatya.
“Anong wala ka d’yan? Hoy! hindi ito ang unang nakita ko kayong ganiyan,” Lumingon ito kay Owen “At ikaw, ilang beses ka nang tinanggihan ni Pola, hindi ba? Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo na hindi pa alam o hindi pa nararamdaman ni Pola ang pagiging in love, kaya itigil mo ‘yang butchi mo!”
Lumapit sa’kin si Arlene at inakbayan ako, Isinenyas niya kay Owen na umalis na pero bago pa umalis si Owen ay tinanguan ako nito at nagsalita.
“I’m sorry, Pola. ‘Wag kang mag alala hindi na mauulit.”
Tumango na lang ako kaya naman nagsimula na siyang maglakad paalis. Naramdaman ko naman ang pagtapik sa’kin ni Arlene.
“Kung ako sa’yo mag hanap ka ng jowa para wala ng manggulo sa’yo.”
Dahan dahan akong lumingon kay Arlene at ngumiwi, “Kung alam ko lang ang pakiramdam ng in love siguradong marami na akong ex, Arlene.”
“Paano kasi para kang tanga.”
Kumunot ang noo ko
“What?”
“Diba sabi mo, nasasaktan ka kahit wala ka namang problema ka o ano, tapos parang may kulang sa’yo?”
Tumango ako.
“Dahil in love ka, Pola”
Tumawa ako “Do you hear yourself, Arlene? You think I’m in love with no one? Baliw na ‘yang takbo ng utak mo.”
“E’ broken ka nga kasi, basta ako malakas ang kutob kong in love ka na, mahirap man ipaliwanag pero in love ka sa taong hindi mo pa natatagpuan.”
Umiling ako, hindi talaga ako makapaniwala sa babaeng ‘to.
“Ginawa mo pa akong baliw, sige nga paano nasabi?”
“Dahil nakatadhana na siya sa’yo, pero hindi pa kayo nagtatagpo.”
Nagkibit balikat nalang ako at muling ininom ang natitirang margarita na nasa baso ko nang biglang may sumabat sa usapan naming kaya naman nasamid ako at halos mahawakan ang dibdib ko dahil sa pag ubo.
“Tama!”
“Ay puta!” gulat na ani ni Arlene.
Sinamaan namin ng tingin si Ivey na ngayon ay halos mapunit na ang labi nito kakangiti.
“Anong tama ka d’yan, tatamaan talaga kita.” Inis na sabi ni Arlene.
Natawa naman ako sa tono nito habang pinupunasan ko ang damit ko na nabasa sa pagsamid ko kanina.
Hinampas ni Ivey si Arlene sa braso “I mean, tama ang sinabi mo sa sitwasyon ngayon ni Pola. By the way, kilala niyo ba si Aleng Ore?”
Sabay kaming umiling ni Arlene
“Napaka outdated niyo talaga, isa siyang ‘Love expert’, lahat ng costumer niya kaya nagkakaroon ng lovelife.”
“Sus, nagpapaniwala kayo sa ganiyan. Baka mamaya may nirereto lang yon sa costumer niya then tada! May lovelife na.”
Umiling naman si Ivey “No, iba ang paraan niya. Hindi raw ‘yon kapani paniwala ayon sa mga naging costumer niya, kaya nga super effective” Tumingin siya sa’kin “Wala naming mawawala kung susubukan mo, Pola”
Tumango ako at ‘di na nagdalawang isip pa. At baka nga tama si Arlene kanina, kailangan ko nga siguro ang tulong ng Aleng ‘yon, pero ano yung paraan niya na hindi kapani paniwala?
1 2
1 thought on “Eclipse”
❤️❤️❤️