Download Story.

close

Destined

Written By: KayleneSJ       |       Story Status: Completed
Posted By:
KayleneSJ

 

 

 CHAPTER SEVEN

 

Nilingon nya nang bumukas ang pinto ng tinutuluyang kwarto.  Naupo sa gilid ng kama ang may edad na babae habang pinapanood syang mag empake.  Si Nana Nems ay naging yaya nya noong maliit pa sya hangga magdalaga.  Umalis lamang ito sa kanila nang mag asawang muli ang kanyang ama at magtrabaho sya sa Singapore.  O mas tamang sabihing pinaalis ni Odessa.

“Hindi na ba talaga kita mapipigilan?” tanong ng matanda.  “Sana ay sumabay ka na lang din kay Isko para hindi ka mag isang luluwas.” Tukoy nito sa apo na magkokolehiyo sa Maynila sa susunod na pasukan.

Inihinto nya ang pag eempake at naupo sa tabi ng matanda.  “Nana Nems, medyo matagal nyo na akong kinukupkop dito. ” Biro nya.  “Saka kailangan ko ring magpacheck up.”

Nasa Marinduque sya sa loob ng halos limang buwan at ganoon rin halos ang dinadala nya.  Wala sa loob na hinaplos nya ang tiyan na bahagya ng nahahalata.  Who would have thought na magbubunga ang nangyari sa kanila ni Tristan?

     “Kaya nga gusto ko sanang may kasabay ka man lang sa pagluwas.”

“Wag ka ng mag alala, nana.  Hindi na ako masyadong nahihilo at nagsusuka.”

Hindi kumbinsidong nailing ang matanda.  “Bumalik ka rito kapag may problema ka.”

Niyakap nya ang matanda.  “Salamat ho.  Alam kong lagi kayong nariyan.”

 

Kinabukasan ay inihatid sya ni Nana Nems at ng asawa nito sa pier.  Bago sya nagpunta sa Marinduque ay hindi nya alam ang eksaktong address nito maliban sa Barangay.  Ipinagtanong lamang nya ito at masuwerte naman na kilala pala ang asawa nito na isa mismong kagawad ng Barangay.  Tinanggap sya nito nang walang tanong at pag aalinlangan.  Isang buwan ang lumipas nang malaman nyang buntis sya.  Ipinagtapat nya sa matanda ang nangyari sa kanya at ang pagbubuntis nya.  Still, the old woman did not question and judge her.

Bukod sa kailangan nyang magpacheck up ay sa wakas ay pumayag ng makipag appointment ang nakabili ng resort.  Isang linggo matapos syang makarating sa Marinduque ay saka nya tinawagan ang abogado at ibinalita ang nalaman nyang pagbebenta ng resort.  Agad nitong inasikaso na malaman kung sino ang nakabili ngunit masyadong busy ang bagong may ari para makipag usap.  Si Odessa at ang ama naman nito ay kasalukuyang nagtatago mula sa isinampa nyang reklamong illegal na pagbebenta ng resort.  Nakausap na rin nya ang tita Rose nya at si Princess na natuloy ring umuwi.  Ayon sa mga ito ay labis ang galit ng mag inang Angelo at Elizabeth.  Bahagya lamang nabawasan ang galit ni Elizabeth nang magbigay ng salapi ang kanyang tita Rose para sa nagastos sa kasal. Ngunit nagbabanta pa rin ang mga itong magdemanda dahil sa kahihiyang tinamo.  Ipinagtapat nya sa tiyahin at sa kaibigan ang natuklasan tungkol sa relasyon nina Angelo at Odessa at ang sabwatan nito para maibenta ang resort.  Naunawaan naman sya ng mga ito ngunit hindi nya sinabi kung nasaan sya at ang tungkol sa pagbubuntis nya.

Nag email lamang sya ng resignation sa kompanyang pinagtatrabahuhan.  Gusto nya ang trabaho nya ngunit alam nyang hindi na sya makakabalik doon nang hindi malalaman at makakatagpo si Angelo.  Hanggat maari ay ayaw na nyang magtagpo pa ang landas nila.  Halos tatlong taon silang magkasintahan at mahirap paniwalaan na hindi sya minahal ng dating kasintahan.  Na kaya sya sinuyo nito at niligawan ay dahil sa udyok ng ina nito.  Naalala nyang nabanggit nya sa ina nito na hindi pa sya nagkakaroon ng nobyo kaya sya ipinakilala sa binata bago natapos ang company party.  Sa isip nya ay naroon rin ang pagdududa kung minahal nya si Angelo o nadala rin lamang sya ng tukso ng mga kasamahan.  Magandang lalaki at mataas ang posisyon sa kompanya.  He can be charming kapag ginusto nito.  Maging ang tita Rose nya ay hindi makapaniwala nang ikwento nya ang dahilan ng pagtalikod nya sa kanilang kasal.  Kung minahal nya si Angelo, bakit sya nadala ng atraksyon para kay Tristan?  Ilang beses nyang pinangatwiranan na dahil nakainom sya ay mahina ang control nya ngunit wala syang makapang pagsisisi.  Ang tila tanging pagsisisihan nya ay mukhang hindi na malalaman ni Tristan na nagbunga ang namagitan sa kanila.  Sigurado syang hindi na muling magtatagpo ang landas nila ng binata malibang sadyain nyang hanapin ito.  At wala syang balak gawin iyon.  Para saan pa. Ayaw nyang mapahiya lamang kung sabihin ni Tristan na casual sex lamang ang namagitan sa kanila.  Angelo made her feel low.  Hindi nya kayang tanggapin ang ganoong pagtrato kung  mula kay Tristan.  He seems nice.  Angelo seems nice.  They all seem nice, she thought bitterly.

Bukod sa appointment sa bagong may ari ng resort ay naibenta na ng abogado ang lumang bahay nila.  Mula sa napagbentahan ay kumuha ito ng isang townhouse sa Kamuning kung saan sya tutuloy.  Tatagpuin nya ito sa istasyon ng bus.

Sinipat nya ang relo.  Kumakalam na ang sikmura nya ngunit ayaw na nyang kumain.  Hindi naging madali ang biyahe nya.  Hindi magaan ang kanyang paglilihi at ang motion ng bus na pahinto hinto ay naging dahilan upang masuka sya.  Nanghihina na sya nang sa wakas ay makarating ang bus sa istasyon nito.  Isang maleta lang ang dala nya at tinulungan syang ibaba iyon ng konduktor.  Agad nyang nakita ang matandang abogado sa hilera ng mga upuan.  Tumayo ito upang salubungin sya.  Saglit na napatingin ito sa tiyan nyang  halata na sa suot nyang blouse ngunit walang sinabi.  Sa halip ay masigla syang binati.

“Kamusta, hija?  Parang pumayat ka yata.”  Bukod tanging ito ang pinagsabihan nya kung nasaan sya.

“I feel worse, tito Felix.  Masyadong matraffic at sumama ang pakiramdam ko.”  Kinuha nito ang maleta nya at iginiya sya sa sasakyan nito.

“Di bale, malapit lang ang townhouse.  You’ll like it.  Tahimik ang paligid at mukhang safe naman.  Kung kailangan mo ng kasama ay…”

“Hindi na po kailangan, kaya ko naman mag isa.”  Pumasok sya sa kotse nang pagbuksan nito.

Tumikhim muna ang matanda bago nagsalita.  “Sa kalagayan mo ay baka kako kailangan mo ng kasama?”  sinulyapan nito ang tiyan nya.

She sighed.  “Salamat ho.  Pag iisipan ko.”

“Si Angelo ba ang..?”

“Hindi ho.”

Hindi na nagsalita ang matanda sa halip ay tahimik na nagdrive.  He is like a father to her.  Kaibigang matalik ito ng ama at hindi na ito iba sa kanya ngunit pinili nyang wag ng magkwento.  At hindi rin naman ito nagpilit.  Manaka naka ay nagkwekwento ito ng tungkol sa asawa nito at sa mga anak upang may mapag usapan sila habang bumibyahe and she indulged him.

Hindi nagtagal bago ito huminto sa isang townhouse na may mataas na gate.  Binuksan nito ang gate at ipinasok ang sasakyan.  Matapos kunin ang maleta nya ay magkasunod silang pumasok.  The unit is fully furnished.  Moderno at katamtamang laki.

“Dalawa ang kwarto sa itaas.” Anang matanda nang maibaba sa sala ang maleta nya.  “Maayos na iyon.  Ipinalinis ko kay Ising nung isang araw.” Ang tinutukoy nito ay ang sariling katiwala nito.

“Salamat ho.”

“Iaakyat ko na itong maleta mo.  Bukas ay susunduin kita ng alas diyes para i-meet ang bagong may ari ng resort sa Greenhills.”

Sumunod sya sa matanda nang iakyat nito ang maleta sa isang kwarto.  Adjoining bathroom ang nagdurugtong sa dalawang kwarto.  Ang kwarto nya ay bahagyang malaki kesa sa kabilang kwarto.

“May pagkain na sa ref.  Namalengke si Ising kaninang umaga.  Gusto mo bang dito muna si Ising?”

She smiled.  “Salamat tito Felix.  Wag na po kayong mag alala sa akin.  Bukod sa minsang pagsusuka at pagkahilo gawa ng pagbubuntis ko ay maayos naman po ako.”

He raised his hands in surrender.  “Sige.  Tawagan mo ako kapag may kailangan ka.  Malapit lang din kami rito.”  Sa Cubao ito nakatira.

 

 

Nang makaalis ang matanda ay binuksan nya ang ref.  Gaya ng sabi nito ay may pagkain sa ref ngunit tinamad syang magluto sa halip ay kinuha ang mansanas at syang kinain.  Matapos kumain ay umakyat sa kwarto at nahiga.  Madali syang nakatulog mula sa pagod sa byahe.

 

Maaga syang nagising.  Disoriented na bumangon sya at iginala ang tingin sa paligid.  Napailing sya nang maisip na hindi man lang sya nakapagpalit ng damit bago nakatulog.  She slept soundly.  Bukod sa pagod sa byahe ay masama ang pakiramdam nya kahapon kaya naman napasarap ang tulog nya.

Bumaba sya at naghanda ng sandwich at kape.  Walang pagmamadaling tinapos nya ang almusal bago naligo.  Kalalabas lang nya ng banyo nang tumunog ang cellphone.

“Hija, nagkaroon ng changes.” Anang tito Felix nya.  “Hindi makakaluwas ang bagong may ari, si Marieta San Jose or any representative.  Nireschedule ang appointment next week.”

“Oh…mukhang hindi talaga sila interesadong makipag usap.”

“We can go to Batangas or wait till next week.  Ang alam ko ay sa resort nag-i-stay si Mrs. San Jose.  Pwede nating subukan.”

“Parang wala naman tayong mapagpipilian.  Ngayon na ba tayo pupunta sa Batangas?”  She feels better dahil nakapahinga na.

“Well, hindi tayo sigurado kung haharapin tayo nang walang pasabi. At may meeting ako mamayang lunch. Kung ok lang e bukas na lang?”

“Ako na lang kaya ang pumasyal, tito?”  suddenly she wanted to be back in the resort.  May panghalina ang ideyang muli syang makakatapak sa resort.

“No, I can’t allow that.  Mahirap sa iyo ang bumiyaheng mag isa.”

“Land travel lang iyon, tito.  Sumakay pa nga akong barko from Marinduque and I survived.” She joked.

“Ipahahatid kita kay Peter.” Ang tinutukoy nito ay ang anak nito.

“Pero may trabaho…”

“No buts…at susunod ako roon bukas.”

“Alright…”

 

 

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14