Download Story.

close

Destined

Written By: KayleneSJ       |       Story Status: Completed
Posted By:
KayleneSJ

 

 

 CHAPTER FIVE

 

Kahit walang pasok ay sanay syang gumising ng maaga.  Lumabas sya sa maliit na porch bitbit ang mug ng umuusok na kape ngunit ang mga mata ay agad na hinayon ang kabilang unit.  Bagaman mataas ang pader at gate sa harapan, ang naghahati sa duplex ay hangga dibdib nya lamang.  Akala marahil ng contractor ng duplex ay close ang mga may ari at nais magkwentuhan, nangiti sya sa isiping iyon.  Napaunat sya sa pagkakaupo sa pasimano nang bumukas ang pinto at lumabas si Tristan.  Shirtless.  And her heart made that crazy beat again.  Agad na nagtama ang mga mata nila.  His smile was slow and sexy.  When did you know it was sexy, kastigo nya sa sarili.  Gumanti sya ng ngiti.

“Hi neighbor.” Anito.

“Hi yourself.” Humigpit ang hawak nya sa mug nang tumayo si Tristan sa pagitan mismo ng pader.  He was taller kaya nakikita nya ang malapad na dibdib nito at balikat.

“What’s for breakfast?”

“Oh…”  Pagkatapos magtimpla ng kape ay lumabas na sya upang silipin ang kapitbahay at nakalimutan nya ang almusal.  “I’ll make ham and egg sandwich…gusto mo ba?”

“That would be nice.”

Tumayo sya mula sa pasimano at nagpaalam na papasok sa loob.  Pagdating sa loob ay agad syang nagprepare ng sandwich.  Napakamot sya nang maalalang naubos na ang ham nya kahapon.  She fried the bacon instead and made another cup of coffee.

Nang muli syang lumabas ay abala si Tristan sa pagpupunas ng sasakyan.  Lumapit sya sa division ng duplex at sandaling minasdan muna ang binata bago inilapag sa ibabaw ng pader ang sandwich at kape.  His back was on her.  Glistening sa liwanag ng araw and there was something sensual about it.  Nakaboxer shorts lang ito at walang tsinelas.  Gusto nyang batukan ang sarili sa kung ano anong naiisip.

     “Like what you see?” anang binata na hindi lumilingon sa kanya.  Sa labis nyang kahihiyan, kita ang reflection nya sa pinupunasan nitong salamin ng sasakyan.  Lumingon ito at kumindat.

“I’m not…” hindi nya alam ang sasabihin kasabay ng pag iinit ng mukha.  “I brought your sandwich and coffee kung hindi ka pa nagkakape…”

Humakbang ito palapit.  Nais nyang umurong pa ngunit nanatili syang nakatayo gaping at him.

“Don’t look at me like that…” anito nang magkaharap sila.  She almost forgot how tall he was.  At sa posisyon nilang iyon, he was like a god looking down at her.  And she was awed.  His eyes almost golden with thick lashes.  Strong straight nose and sensual mouth which curve slightly when he talks or break into a lazy smile.  High cheekbones and strong jaw na tinutubuan na ng stubbles.  At may ilang sandaling nais nyang itaas ang kamay at damhin iyon.  Tumikhim ang binata at tila sya nagising sa hipnotismo.  His eyes were suddenly sharp bago ito umatras.  “Thanks for the breakfast.  Isosoli ko na lang mamaya ang platito at mug.  I have an early appointment.”  Tumalikod na ito bitbit ang dala nyang almusal.

She cursed silently bago nagmamadaling bumalik sa loob ng bahay.  What was she doing?  Tristan is not Angelo’s friend.  Ano na lamang ang sasabihin ni Angelo kapag nalamang nakikipagkaibigan sya rito.  And worse, dinalhan pa ito ng almusal.  Naupo sya sa dining chair at tinuon ang atensyon sa ginawang sandwich.

She was still eating her sandwich nang marinig ang tunog ng papaalis na sasakyan ni Tristan.  Pinigil nya ang sariling tumayo.  Napapitlag sya nang tumunog ang cellphone.

“Hey hon.  Did I wake you up?” bungad ni Angelo.

“No,kanina pa ako gising.” Nilinga nya ang orasan.  It was quarter to Eight.

“Pinapauwi na ako ng mama today sa Batangas, may mga kailangan pa raw ayusin for our wedding.”

“Isasama mo na ako?” nakaramdam sya ng pagtutol.

“Oh no.  Okay lang na sumunod na lang kayo ni Tita Rose and your friend on Thursday.”

“Pero di ba ngayon natin kukunin ang singsing sa mall?” naalala nya.  Sa reaksyon ng nobyo ay alam nyang nawala rin sa isip nito ang pagkuha sa singsing.

“Ako na lang ang kukuha.  Dadaanan ko na bago umuwi.” Tila nainis na wika nito.  Isa ito sa mga kapintasan ng nobyo na tinanggap na rin nya.  Madaling uminit ang ulo nito sa maliliit na bagay.

“Pwede ko ring daanan.  Wala naman akong gagawin ngayon.”

“Nasa akin ang pambayad.”

“You can refund me pagdating sa Batangas…”

“Alright…” wala namang problema sa resibo dahil kilala silang pareho ng may ari ng jewelry shop.  “Thanks hon.”

“Anong oras ka ba aalis papuntang Batangas?”

“Mga after lunch siguro.”

Nagpaalam na sya at hindi na umimik na mas malapit ang condo nito sa jewelry shop kumpara sa duplex at kung after lunch pa ito aalis ay mahabang oras pa iyon.  Isang bagay na natutunan nya sa relasyong iyon ay ang pagbigyan ang maliliit na kapintasan ng nobyo.

 

Alas diyes eksakto pagbukas ng mall ay isa sya sa mga naunang customers.  Hindi sya naghintay ng matagal sa jewelry shop dahil nagtext sya sa may ari bago pumunta.  Dumaan pa sya sa bookstore bago nagpasyang bumili ng lunch.  Nang sipatin nya ang wristwatch at makitang mag aalas onse pa lamang ay nagdesisyon syang dagdagan na ang biniling tanghalian at daanan na si Angelo sa condo nito.  His condo is a 15 min ride from the mall.  Maaari silang magtanghalian bago ito umuwi ng Batangas.

 

Akma syang kakatok sa pintuan ng condo nito nang mapansing nakaawang iyon.   Binuksan nya iyon kasabay ng pagtawag sa binata.  Malakas ang tugtog mula sa MP3 player nito kaya marahil hindi sya narinig ng kasintahan.  May dalawang maletang nasa gitna ng sala nito.  Ibinaba nya ang biniling lunch sa center table at humakbang palapit sa kwarto.  Nakaawang ang pinto niyon.  Alanganing sumilip sya upang magulat.  Agad syang nagkubli sa likod ng pinto habang nag uunahan ang mga emosyon.  Ang nobyo ay hubad na nakahiga sa kama ngunit hindi ito nag iisa.  Nakaunan sa dibdib nito si Odessa na gaya nito ay nakahubad din! Of all people, he was cheating with Odessa!  Kailan pa nila ginagawa ito?  Tila sagot naman sa mga katanungan nya ay narinig nya ang tinig ng dalawa.

“I missed you baby.” Ani Angelo.  She heard Odessa’s giggle.

“Magkasama lang tayo sa Singapore namiss mo ako agad.” She said in her raspy voice  “Hindi ba nakahalata ang girlfriend mo?”

“Stupid enough as you’ve said…”  nagtawanan ang dalawa.  “She’s looking for the land title ng resort already.”

“Too late.  Naibenta na ni papa today.”

“Don’t forget my share.” Ani Angelo.

“Of course baby.  Para sa effort mong makuha ang titulo from her.  Sayang lang hindi mo nakuha ang titulo ng bahay.”

“It’s an old house.  Hindi mo na nga dapat inutusan si Jopet na takutin sya at batuhin ang duplex.” Tukoy ni Angelo sa kapatid ni Odessa.  “Makakabili kayo ng mas magandang bahay mula sa napagbentahan  ng resort.” She was shocked.   Ano pa ang kayang gawin ng mga ito?

Saglit na tumahimik ang mga ito.

“Why marry her?  Let’s run away, baby.  Sabi mo ako ang mahal mo.”

“Of course, ikaw ang mahal ko Odessa.  The first time I saw you sa anniversary nyo ng ex husband mo alam kong ikaw ang gusto ko…but you know I can’t.” naalala nya ang anniversary ni Odessa at ng daddy nya.  She invited Angelo na noon ay nanliligaw pa lamang sa kanya.  Sya pa pala ang naging daan para magkakilala ang dalawa!

“Yeah…dahil biyuda ako kaya ayaw ng mama mo.”

“My mother is conservative.”  Depensa ni Angelo.

“Kaya naman gustong gusto nya ang girlfriend mo who unwittingly declared na virgin pa sya.”

“Yeah that’s one factor.  Bukod doon, hindi pa naisasalin sa akin ni mama ang mga properties ng pamilya.  I don’t want her to disown me.  You don’t want a poor boyfriend, right.”  They laughed again.

“Promise me, hindi matatapos ng kasal ninyo ang relasyon natin.” She heard Odessa.  Almost begging and she wanted to scream at them.

“I promise. And there’s no way she will know about us.”

“She wouldn’t know of course.  She’s stupid.”

Itinulak nya ang pinto.  Basa ang mukha ng mga luhang hindi na nya namalayang pumatak.

“I knew!” she screamed at them.  Rage filled her.  Kung sa ibang pagkakataon ay nakakatawa ang reaksyon ng dalawa.  Parehong nakanganga sa kanya at nang makabawi sa pagkagulat ay nag agawan sa kumot para itakip sa mga katawan.  “I knew and I’m not stupid!  Nakakadiri kayo!” hinampas nya kay Angelo ang dalang shoulder bag na sinasalag nito.  Nang akmang aabutin sya nito ay mabilis syang tumalikod and slammed the door.

Wala syang pakialam na patuloy syang umiiyak nang makalabas ng lobby.  Hindi alintana ang kuryosidad sa mata ng mga nakakasalubong.  Nang makasakay sa taxi ay isinubsob nya ang mukha sa mga palad at muling humagulhol.

“Ma’am?” nag aalalang tanong ng driver.

Hindi sya sumagot.  They were heartless.  From anger to pain to self pity.  Lahat ay nag uunahan sa dibdib nya.

“Ma’aam?”  ulit ng driver.

“Just…drive around please.” Sumisinghot na wika nya.

They were cheating on her.  Cheating on her dad.  Buhay pa ang daddy nya ay may relasyon na ang mga ito.  And they connived to sell the resort!  She gritted her teeth.  Pagkatapos ng ilang minutong pag iyak ay kinuha nya ang cellphone.  Marami ng miscalls si Angelo.  She texted her tita Rose and Princess na wag ng umuwi because the wedding is off.  Nang makitang tumatawag muli si Angelo ay pinatay nya na ang cellphone.

Mahigit kalahating oras na silang umiikot.  Natuyo na rin ang luha nya. Akala nya ay kilala na nya si Angelo sa loob ng mahigit tatlong taong relasyon.  She was wrong.  All those lies.  Pinahid nya ang luhang muling tumulo.

“Para ho.” Agad na nagmaniobra ang driver upang itabi ang taxi.  Binayaran nya ang driver at nagpasalamat bago bumaba sa harap ng simbahan.

Walang tao sa simbahan nang pumasok sya.  Naupo sya sa isang sulok at muli ay tahimik na umiyak.  She felt broken and so alone.

Tiningnan nya ang relo nang kumalam ang sikmura nya.  It was past 5PM.  Tumayo sya at lumabas ng simbahan.  Mas kalmado na ang pakiramdam nya.  The wedding is definitely off.  Hindi na nya kayang pakasalan pa si Angelo.   The lawyer will have to deal with them sa illegal na pagbebenta ng resort.  Dumaan sya sa isang fastfood chain at mabagal na tinapos ang pagkain.  Medyo madilim na nang lumabas sya at pumara ng taxi.  Isang kanto bago ang duplex ay bumaba na sya.  Hindi sya nagkamali.  Nasa loob ng bakuran ang sasakyan ni Angelo.  Sigurado syang hinihintay sya nito at hindi sya handang harapin ito ngayon.  She is physically and emotionally drained and she just wanted to rest.  Wala na syang lakas para mag isip o maghanap pa kung saan tutuloy.   Lumapit sya sa gate ng kabilang pinto at pinindot ang doorbell.  Hindi sya natagalang naghintay.  Bumukas iyon at iniluwa si Tristan na bagong paligo.  Wearing sando at boxer shorts.  And she must have looked like a mess sapagkat nabura ang ngiti ng binata at agad napalitan ng pag aalala.

“Hey, what’s wrong?”  Nilinga nito ang katabing unit.  Marahil ay nagtataka na naroon si Angelo pero eto sya at sa kabilang gate kumakatok.

Nilinga nya ang unit ni Angelo at nagpasalamat na tila hindi namalayan ni Angelo ang pagdating nya.  “Pwede bang pumasok?”

“Of course.” Bahagyang tumabi si Tristan upang makadaan sya.  Nagpatiuna na sya sa loob.  Diretso syang naupo sa sofa at hinilot ang sentido.

“LQ?” tanong ng binata.  Hindi na nya ito itinama.  Tumayo sya at tinungo ang ref nito.  Puro tubig at beer pa rin ang laman ng ref nito.  Kinuha nya ang lata ng beer at binuksan.  Hindi sya sanay uminom ngunit kailangan nya ng mas matapang kesa sa tubig.  Naubo sya matapos ang unang lagok and Tristan looked amused ngunit hindi nagsalita.  “Want some pizza with the beer?”

Umiling sya at naupo sa dining chair.  “Kumain na ako.”  Muli syang lumagok ng beer.  Si Tristan ay sumandal sa may lababo at nakahalukipkip na pinanood sya.

“Kung hindi ka sanay uminom, I should tell you na nakakalasing iyan.”

Akma syang sasagot nang marinig ang tunog ng doorbell.  Tila ayaw syang iwanan ni Tristan sa klase ng ginagawa nyang pagtungga sa beer ngunit humakbang ito palabas.

Narinig nya ang tinig ni Angelo.

“Is Lena there?”

“Who’s Lena?” si Tristan matapos ang tila mahabang sandali.   She sighed her relief at binuksan ang ikalawang lata ng beer.  She feels lightheaded already.

“Wag mo akong pagsinungalingan.”

“Why would she come to me?”

“Papasukin mo ako.  Wala kang pakialam sa amin, bastard.”

“You should know better, Angelo.  At subukan mong pumasok, you’re trespassing.  Magkakaroon na ako ng dahilan, gaano man kabababaw, para ipakulong ka.” May pagbabanta sa tinig ni Tristan.

“Lena…” tawag ni Angelo.  “I’ll wait sa kabila.  Pag usapan natin to, hon.”

 

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14