Download Story.

close

Destined

Written By: KayleneSJ       |       Story Status: Completed
Posted By:
KayleneSJ

 

CHAPTER FOUR

 

Kinabukasan ay lumipat si Lena sa unit ni Angelo. It was fully furnished at halatang wala pang gumagamit.  Iniakyat nya ang mga gamit at idinayal ang numero ni Angelo.

“Hey hon,sorry hindi na kita nasagot kagabi.  Bakit ka ba tumawag?”

Ibinalita nya ang ginawang pambabato sa duplex nito.  At gusto nyang maghinanakit sa kasintahan sa sunod nitong tanong.

“Damn, nbasag ba ang mga bintana?” inis na tanong nito.

“Well…I’m okay.  Hindi naman ako nasaktan but I was scared.” Sarkastiko nyang wika.  Hindi na nya binanggit na mas mainam pa si Tristan at kinamusta sya.

“Hon, I’m sorry.  Nagulat lang ako.  Of course kakamustahin ko kung nasaktan ka ba…”

“Isang bintana lang ang nasira.” Tamad na wika nya at nagpaalam na.

“I’ll pick you up tomorrow.  We’ll have dinner with mama.  Excited na sya sa wedding natin.”

“Yeah.  Bye.” Hindi na nya hinintay sumagot ang kasintahan at ibinaba na ang cellphone.

Nanatili syang nakaupo sa gilid ng kama bago idinayal ang number ni Princess sa Singapore.

“Sis, wala talaga akong makitang ibang titulo rito.  Baka naman naiwan mo diyan?”

“Sigurado akong dinala ko lahat ng dokumento ng mga properties dyan nang bumalik kami ni Angelo after ng libing ng papa.”

“Susubukan ko ulit hanapin.  Bakit hindi mo itanong kay Angelo? Baka naman naitabi nya.”

Kumunot ang noo nya.  Magkasabay silang nagtungo sa Singapore ni Angelo pagkatapos ng libing ng ama nya at inihatid pa sya nito sa apartment.  Hindi nya matandaang ibinigay kay Angelo ang envelope na naglalaman ng documents ngunit naalala nyang tinanong nito kung ano ang laman ng envelope.

“I’ll ask him bukas.  We’ll have dinner with his mother.”

“ Parang hindi ka naman excited…”

“Nakakainis kasi si Angelo…” ikwinento nya ang ginawang pambabato sa duplex at ang unang reaksyon ng kasintahan.

Natawa ang kaibigan matapos syang kamustahin.  “Mas importante raw ang mga bintana…”

“At may isa pa akong iniisip, Ces…” binanggit nya sa kaibigan ang pagkakabanggit ng sekretarya na umuwi na si Angelo ngunit nang tawagan nya ay nasa Singapore pa raw.

“Gusto mo daanan ko bukas sa office nyo rito?  Ipagtanong ko?”

Natigilan sya.  “Wag na lang.  Wala naman sigurong dahilan si Angelo para magsinungaling sa akin.”

“Sana…” alam nya ang disgusto ng kaibigan sa nobyo.

“Nakapagpaalam ka na ba para makauwi sa wedding ko?” pagbabago nya ng usapan.  Alam nyang hindi kakampihan ni Princess si Angelo.

“Yun na nga, sis. Papayagan ako kaso ung plane ticket eh hindi libre.”

“Hati tayo, uwi ka na please.”

“Promise?” tuwang wika ni Princess.  Breadwinner ito sa limang magkakapatid.  Ang tatay nito ay mekaniko at ang ina ay simpleng maybahay.  Alam nyang bukod sa wedding nya ay gusto rin nitong makita ang pamilya na tatlong taon na nitong di nakakasama.

“Oo naman.” Nahawa na sya sa kasiglahan nito.  Nagpaalam na rin sya at sinabing pipili pa sya ng gown nya.

Halos maghapon syang nag ikot sa isang malaking mall para sa wedding gown.  Gusto pa sana nyang pumunta sa Divisoria ngunit nagbago ang isip sa huling sandali.

Nakasakay sya sa taxi nang paghinto sa tapat ng isang hotel ay matanaw nya si Angelo na lumabas mula sa lobby.  Akma nyang ibababa ang bintana ng taxi nang umandar na ang traffic.

“May problema ho ba ma’am?” tanong ng driver.

“Wala ho, manong.” Aniyang nakalingon pa rin sa hotel.  Hindi na nya nakita ang nobyo.  Hindi sya maaring magkamali.  Si Angelo ang nakita nya at nagsinungaling ito nang sabihing nasa Singapore pa ito.

 

Inihanger nya ang wedding gown at ilang sandaling tinitigan.  Tube style at may maikling train.  May maliliit na beads sa dibdib na syang tanging nagsilbing dekorasyon.  Kumpleto na ang mga gamit para sa kasal nila.  Ang damit ng mga abay at iba pang gamit sa wedding entourage ay ang mama ni Angelo ang nag asikaso.  Gusto sana nitong syang bumili ng wedding gown nya ngunit tumanggi sya.  Nais din nitong sa Batangas sya dumiretso mula Singapore ngunit hindi sya kumportable sa nais nito.  She is friendly ngunit sa tuwina ay tila nakikita nya si Odessa sa ugali nito.  And she never liked Odessa.

Nakapagbihis na sya ng isang off shoulder green dress at kasalukuyang nagpapahid ng manipis na make up nang marinig ang doorbell.  Nilinga nya ang orasan bago bumaba.  It was 6 PM.

“Hi.  You look ravishing.” Wika ni Angelo nang pagbuksan nya.  Hinalikan sya nito at bahagya nya itong itinulak nang lumalim ang halik nito.  “My frigid bride to be…” anito na hindi na nya pinansin.  Lagi nitong sinasabi kung gaano sya kalamig sa sekswal na aspeto.

“Mabubura ang lipstick ko.” Dahilan nya.  “Kukunin ko lang ang bag ko kung lalakad na tayo.”

“Hey….”hinagilap ni Angelo ang kamay nya at hinila sya palapit.  “Hindi mo ba ako namiss?” niyakap sya nito.

“I was busy.”

“Alright.  Alam kong nagtatampo ka pero babawi ako.  I’m all yours simula ngayon hangga sa wedding natin.” Hinagkan sya nito sa pisngi patungo sa punong tenga.

Tumikhim sya kasabay ng bahagyang pagtulak rito.  “I saw you.  Kahapon.”  Binanggit nya ang pangalan ng hotel.  She felt him stiffen.

“Oh that…” he smiled nang makabawi.  Tumaas ang kilay nya nang hindi agad nito sundan ang sinabi.  “Isosorpresa sana kita kahapon.  Kaso hindi natuloy si mama sa pagluwas…”

Nagdududang tinitigan nya ang nobyo.

“We’re getting married, Lena.  Ano pa bang dapat mong ipagduda.” Tila nainis na binitawan sya nito at nagtungo sa ref upang uminom ng tubig.

“Nothing.  Kukunin ko lang ang bag ko.” Pumanhik na sya sa kwarto.

 

Sa isang Chinese restaurant ang dinner.  Naroon na ang ina nito nang dumating sila.  Humalik sya sa pisngi nito bago naupo sa pwesto nya.

“Nag order na ako para sa atin.” Agad na wika nito.

“Wala si Dana?” tanong ni Angelo.

Umismid ang ina nito.  “Mukhang nabrainwash na talaga sya ni Tristan…”  bumaling ito sa kanya.  “Oh, have Angelo told you about Tristan..?” bago pa sya nakasagot ay naglitanya na ito na kesyo ang nanay ni Tristan ay kabit ng papa ni Angelo at marami pang masasamang salitang binitawan at pinigil nyang mapangiwi.  Ang Tristan na inilalarawan nito ay tila hindi ang Tristan na nakilala nya sa duplex.  At wala syang balak sabihin sa mag ina na nakilala na nya si Tristan.

Nakahinga lang sya ng maluwag nang ibaba ng waiter ang pagkain nila.  Ang usapan ay manipulado ng ina ni Angelo at manaka naka ay isinasali sya sa usapan.

“I should see your wedding gown bago ang araw ng kasal.” Bigla ay bulalas ng ina nito.

“Nasa duplex po.” Hindi sya sigurado kung magugustuhan nito ang kasimplehan ng gown.

“Ipadala mo kay Angelo mamaya at nang maiuwi ko na sa Batangas.”

“Hayaan mo na sa kanya, ma.  Sya ang magsusuot noon.” Tila aburido si Angelo.

“Kailan nyo ba balak umuwi sa Batangas?”

“Monday next week.” Ani Angelo.

“Monday agad?” tanong nya.  Sa Saturday next week pa ang kasal nila at plano nyang hintayin pa si Princess at ang tita Rose nya saka sila sabay sabay na uuwi ng Batangas.

“Pwede naman silang sumunod na lang” ani Angelo nang sabihin nya ang plano nya.

“Wednesday sila darating.  Siguro kinagabihan naroon na rin kami or Thursday morning.”

IIling iling ang ina ni Angelo.  “Sana mas maaga kayong naroon.  Kausapin mo ang nobya mo at hindi pa kayo mag asawa ay hindi na marunong sumunod sa iyo.”

Hindi na sya sumagot.  Ipinagpatuloy nya ang tahimik na pagkain at lihim na nagpasalamat nang matapos na ang dinner at inihatid na nila ang ina nito sa hotel kung saan nya nakita si Angelo.  Mukhang totoo naman pala ang idinahilan nito kanina nang tanungin nya.  Ngunit nanatili ang pagdududa na hindi nya alam kung saan nagmumula.

“I almost forgot…itatanong ko lang kung napansin mo ang titulo ng resort sa Batangas?”

Kunot noong nilinga sya ni Angelo.  “No.  Ikaw ang nagtago non.  Why?”

“Nawawala yata…”

“Siguradong namisplace mo lang iyon.  Double check when you get back to Singapore.”  Pagkatapos ng kasal nila ay isang linggo lang sya mananatili sa Pilipinas at babalik na muli sa Singapore.  Nakatakdang sumunod si Angelo at itutuloy nila ang honeymoon sa Japan for another week.

Akmang bababa na sya ng sasakyan nang huminto ang kotse ni Angelo sa duplex ngunit pinigilan sya ng binata.

“Won’t you invite me in?” tanong nitong tila nanunukso.

“Angelo…” may pagtutol nyang wika.

Iiling iling ang binata.  Halata ang inis sa mukha nito.

“We’re getting married in a week pero…”

“Kaya hintayin na lang natin…” hinawakan nya ang kamay nito.

“Well, you better be worth the wait…” inis pa ring wika nito.  “Good night.”

“Good night.” Aniya at bumaba na ng kotse.

 

Nang makapasok sa duplex ay sandali syang naupo sa sa sofa at binuksan ang tv.  Ngunit ang atensyon ay wala sa pinapanood.  Could Angelo be right na sya ay frigid?  Noong una ay dinamdam nya nang sabihan sya ng nobyo na tila tuod sa tuwinang hinahalikan nito.  Nang una nyang makilala si Angelo ay hindi sya agad naattract dito.  Ganoon din naman ito sa kanya.  It was after the company’s party in Singapore kung saan kasama nito ang ina saka sya sinuyo nito.  Elizabeth was a charming companion in the company’s party.  Mas una nya itong nakilala kesa sa nobyo.  Ngunit lumabas ang tunay na kulay nito habang tumatagal ang party.  Mapagmataas at pintasera.  Sinubukan nyang lumayo rito ngunit tila nagustuhan syang maige nito at agad syang ipinakilala kay Angelo.  A week after the party, Angelo started showing interest.  Guwapo, may magandang posisyon sa kumpanya at napansin sya nito.  And she fell for him.

Pagkatapos ng mahigit apat na buwang panunuyo ay sinagot nya si Angelo.  Elizabeth called her overseas and congratulated them.  Sa panahon ng kanilang pagiging mag nobyo ay hindi miminsang nagtangka ang binata na lumampas sila sa halik at yakap.  Nang unang beses syang tumanggi ay labis na nagdamdam ang binata.  Tinawag sya nitong frigid at ipokrita.  Hindi sya kinontak nito ng mahigit dalawang linggo at nang akala nya ay tapos na ang lahat sa kanila ay sumulpot ito sa opisina nila.  Muling nanunuyo.  Muli nya itong tinanggap ngunit nanatili syang frigid ayon dito.  At nasanay na sya sa nobyo.  He was like a spoiled child na hindi napagbibigyan.  Natutunan nya itong pakibagayan bagaman may mga pagkakataon na nasasaktan pa rin sya sa masasakit na salitang binibitawan nito.

If he truly loves you, kaya nyang irespeto ang paniniwala mo.  And you don’t believe in premarital sex.” Ayon kay Princess nang ikwento nya ang unang beses na pagtangging ginawa nya sa nobyo.

Ang mga sumunod nilang away dahil doon ay hindi na nya muling ikwinento sa kaibigan.  Alam nyang hindi pabor ang kaibigan sa kasintahan at ayaw na nyang palalimim pa ang disgusto nito sa binata.

Pinatay nya ang tv at ipinasyang mahiga na lamang kahit hindi pa sya inaantok.

It was past midnight nang marinig nya ang pagbukas ng gate ng kabilang duplex at tunog ng makina ng sasakyan.  Tristan.  Pinigil nya ang sariling bumangon at silipin  sa bintana ang lalaki.  Ngunit hindi nya napigil ang pagtambol ng dibdib.  An image of his lazy smile flashes her mind.

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14