CHAPTER TWO
“Akala ko ba one week ka lang bago sumunod dito?” Ang unang usapan nila ng kasintahan ay uuwi na ito ng Saturday pero ngayon ay tumawag ito upang ipaalam na sa Wednesday pa ito makakauwi.”
“This is important, hon. I know you will understand. Kasama sa trabaho ito.” Tila nagpapaliwanag sa batang wika nito.
Kapag usapang trabaho na ay hindi na sya nakikipagtalo. Gusto nyang iparamdam sa nobyo na suportado nya ito sa lahat ng bagay. “Yung guest list ipadala mo na lang sa secretary mo at magpapaprint na ako ng imbitasyon bukas.”
“Babawi ako pag uwi, promise.” Ani Angelo.
“Alam mo namang pagdating sa trabaho mo eh sinusuportahan kita pero sana…” pinigil nya ang sarili. Ayaw na nyang dagdagan ang hinanakit sa nobyo.
“I know. Promise pag uwi, babawi ako. I got to go. I love you.”
Hindi sumagot na pinindot na nya ang end call button.
That was Thursday. Lunes na ngayon at maliban sa text ay hindi pa ulit tumatawag ang kasintahan. Nakuha na nya ang invitations at ihahatid na nya sa secretary ni Angelo ang mga iyon. Ang sekretarya na nito ang magpapadala sa mga guests. Ang tanging bisita nya ay ang tita Rose kasama ang asawa. Matanda na pareho ang mga ito nang magkapangasawahan at hindi na nabiyayaan ng anak.
“Manong, pakitabi ho saglit.” Aniya nang marealize na sa kalyeng kinatitirikan ng bahay nila dumaan ang taxi.
Malungkot nyang tinitigan ang bahay. Sinira na ni Odessa ang magagandang alaalang meron sya sa bahay na iyon.
“Bababa ho ba kayo?” di makatiis na tanong ng driver.
May appointment na sya sa ahenteng magbebenta ng properties nya next week ngunit gusto nyang sya ang magbalita kay Odessa na ibebenta na nya ang bahay.
Iniabot nya ang bayad sa driver nang ulitin nito ang tanong at bumaba ng taxi. Tila wala sa sariling tumawid ng kalsada at muntik pang mahagip ng dumaang bisekleta.
“Aba, tingnan mo nga naman kung sino ang bumisita sa atin.” Nanunuyang wika ng ina ni Odessa. Naiimagine na nya ang itsura ni Odessa kapag tumanda ito. Sumilip ang ama ni Odessa na naninigarilyo.
“Aba, Dess…” tawag nito. “May bwisita ka…” anito na tinawanan ng asawa.
“Hindi ho ako magtatagal.” Aniya. Narinig nya ang papalapit na boses ni Odessa na nagtatanong kung sino ang dumating. Lumabas ang babae wearing a neon tank top at short shorts. Maliban sa pisikal na anyo ay wala na syang makitang maganda sa babaeng ito.
“Ohh…ang aking stepdaughter…” naghalakhakan ang tatlo.
“Hindi ako magtatagal. Gusto ko lang ibalita sa inyo na ibebenta ko na ang bahay na ito at ang resort sa Batangas.”
Saglit na natahimik ang mga ito. And for a moment she felt triumphant.
“And I will give you until end of the month para bakantehin ang bahay na ito.” She saw hatred in their eyes.
“Sige lang ibenta mo ang bahay na ito…pero hindi mo mabebenta ang resort.” Nakaismid na wika ni Odessa. “Wala sa iyo ang titulo ng resort.”
Natigilan sya.
“May buyer na nga ako eh.” Nagmamalaking wika ng ama nito.
“O umalis ka na. At napagod rin ako sa trip ko abroad kaya magpapahinga pa ako.” Tila makahulugang wika nito na sinundan ng tawanan ng dalawang matanda.
Walang imik na tinalikuran nya ang mga ito at lumabas ng gate. Pinara ang dumaang taxi at nagpahatid sa opisina ni Angelo.
Nakarating sya sa opisina ni Angelo na malalim ang iniisip. Paulit ulit nyang iniisip ang sinabi ni Odessa. Ang titulo ng resort at bahay ay magkasamang ibinigay sa kanya ng abogado. She kept them in her apartment in Singapore. Tinext na nya ang kaibigan at ka-share sa apartment para macheck ang mga dokumento ngunit hindi pa ito sumasagot.
“Ano kamo?” ulit nya sa secretary ni Angelo.
Tila nabigla naman ito sa sinabi. “Nandito na po si Sir Angelo sa Pilipinas, dumating po sya kagabi pero nakaleave po sya hangga katapusan.”
“Sige tatawagan ko na lang sya. Salamat. Iwanan ko na sa iyo ang invitations.” Tumalikod sya at idinayal ang cellphone ng nobyo.
Ilang rings bago ito sumagot at tila bagong gising.
“Nasa Pilipinas ka na ba?” tanong nya.
“I’m still in Singapore, honey. Sa Wednesday pa ako uuwi dyan.”
Something is off. Or her secretary could be wrong.
Ibinalita lang nya sa nobyo na naihatid na nya ang invitations at nagpaalam na. Matapos ang tawag ay muli syang bumalik sa mesa ng sekretarya.
“ Ang sabi nya ay sa Wednesday pa sya uuwi.”
“Mam naconfirm ko po ang plane ticket nya paalis at pabalik dito.” anang sekretarya.
Nagpasalamat sya at lumabas na ng opisina. Ngayon ay mas nadagdagan ang isipin nya. Bakit magsisinungaling sa kanya si Angelo kung nakauwi na ito ng Pilipinas?
Nakasakay na sya ng taxi nang magtext ang kaibigang nasa Singapore. Ayon kay Princess ay titulo lamang ng bahay ang nasa envelope nya. Tila sasabog ang dibdib na tinawagan nya ang abogado.
“Tito Felix…” nanginginig ang boses na ikwinento nya na nawawala ang titulo at ang naging usapan nila ni Odessa.
“I gave you the original copies. Could you have misplaced it noong wake ng daddy mo?”
“Ang alam ko magkasama ko iyong dinala pabalik ng Singapore. I’m not sure anymore?”
“Baka namisplace mo lang, hija. Ipahanap mo ulit sa ibang lalagyan.”
“Can they sell the property kung nakuha nila ang titulo?”
“Sa iyo nakapangalan iyon, they can’t sell it. Except they make fake documents…like power of attorney from you…”
Nanghihinang nagpaalam na sya sa abogado. Sa halip na dumiretso sa mall para tumingin ng ready made wedding gowns ay ipinasya nyang bumalik na sa duplex. She is suddenly tired. Nahiga sya at hindi namalayang nakaidlip na. Nagising sya ay madilim na ang kwarto. Ilang sandali pa syang nanatiling nakahiga bago bumangon at akmang bubuksan ang ilaw nang marinig ang mga nag uusap sa labas ng kabilang duplex. Sa duplex ni Angelo. Hindi sya lumipat sa duplex ni Angelo simula ng umalis si Tristan. Humakbang sya palapit sa bintana at may nakitang dalawang kabataaang lalaki sa harap ng unit ni Angelo. Akmang tatalikod na sya nang sunod sunod na batuhin ng dalawang teenager ang bintana ng unit kasunod ng mabilis na pagtakbo patungo sa sasakyang nakaparada sa di kalayuan. Napaurong sya. May ilang concerned na kapitbahay pa ang lumapit sa unit at nagtawag. Ngunit nanatili syang nakakubli. Nang magsialisan na ang mga kapitbahay ay saka lamang sya nagbukas ng ilaw. Nanghihinang naupo sya sa gilid ng kama and dialed Angelo’s number ngunit hindi ito sumasagot.
Nagulat pa sya nang magring ang landline sa ibaba. Mabilis syang bumaba and picked up the phone.
“Hello?” bahagyang pumiyok ang tinig nya.
“Are you okay?”
“Tristan?”
She felt him smile. “I’m glad hindi ka lumipat sa kabilang unit. Itinawag lang sa akin ng Barangay Captain na may nambato raw diyan. They were checking on you pero hindi ka raw sumasagot.”
“I was…scared…” pag amin nya. Ayon kay Tristan ay sa Barangay Captain ang kalapit bahay na may tindahan. Ibinilin sya ni Tristan sa kapitan bago ito umalis. “Thank you sa concern.”
“You’re a guest in my unit kaya walang anuman…nakontak mo na ba si Angelo?” tanong nito.
“Hindi sya sumasagot.” She was expecting Tristan to say something against Angelo gaya ng madalas gawin ni Angelo rito ngunit hindi umimik si Tristan.
“ Will you be alright there?” sa halip ay tanong nito.
“Yes. Thanks again.” Aniya at nagpaalam na ito. Gusto pa nyang kausap ang binata dala marahil ng takot na naramdaman ngunit pinigil nya ang sarili. Tristan is not a friend, pilit nyang alalahanin lahat ng hindi magagandang kwento ni Angelo tungkol dito. Alam nya kung gaano kalaki ang galit ng nobyo rito at ayaw nyang gawing mas kumplikado pa iyon kung makipagkaibigan sya sa binata. Then why are you still in his unit? Sumbat ng isip nya.
“I’ll transfer tomorrow sa kabilang unit…” pahabol nya. Kung pauwi na rin si Angelo by Wednesday ay hindi magandang sa unit ni Tristan sya abutan ng nobyo.
0 thoughts on “Destined”