CHAPTER ONE
Walang pagmamadaling binagtas ni Lena ang patungo sa exit ng airport bitbit ang katamtamang laki ng maleta. Nasa Pilipinas din sya two years ago nang mamatay ang papa nya. At ngayon ay muli syang umuwi para sa dalawang dahilan. Una, may resulta na ang isinampang contention ng madrasta laban sa last will ng ama. At gaya ng inaasahan, hindi ito pinaboran ng korte, walang nabago sa maliit na halagang makukuha nito, at hindi nya ipinagtataka iyon dahil hindi naman binago ng daddy nya ang orihinal na kasulatan na ginawa nito kasama ang mommy nya. Ang malaking bahagi ng ari arian ng mga ito, ang bahay nila sa Quezon City at ang resort sa Batangas na namana ng mommy nya mula sa mga magulang, ay nakapangalan sa kanya. Ang naipundar naman ng parents nya na dalawang convenience stores ay sa kanya rin ipinangalan ng daddy nya. At bagaman ipinagkatiwala nya sa abogado ng ama ang pamamalakad ng dalawang convenience stores ay regular naman itong nagbibigay ng monthly sales performance report kaya natitiyak nyang hindi mauuwi sa wala ang pinaghirapan ng mga magulang.
Pareho nilang alam na walang hahantungan ang kaso at paraan lang ng madrasta iyon para idelay ang proseso ng mana nya mula sa mga magulang. Nang iuwi ng ama nya ang batang madrasta ay ipinasya nyang tanggapin ang alok na magtrabaho sa Singapore bilang junior chemist sa isang kilalang cosmetic company. Masama ang loob nya sa ginawang biglaang pagpapakasal ng ama. At nagdesisyon syang umalis kesa maging dahilan ng madalas na pagtatalo ng dalawa, inaasahan pa rin nyang magiging masaya ang ama sa bagong asawa nito. Nang mamatay ang daddy nya ay noon lamang nya nalaman mula sa ilang tapat na kasambahay na sakit sa ulo ng daddy nya si Odessa. Bagaman regular ang komunikasyon nila ng ama ay hindi ito dumaing sa kanya ng problema mula sa batang asawa. Sa Singapore rin nya nakilala ang kasintahang si Angelo. Marketing manager ito ng isang partikular na brand sa kumpanyang pinagtatrabahuhan kaya pabalik balik ito ng Pilipinas at Singapore. At si Angelo ang ikalawang dahilan ng pag uwi nya.
He proposed last month and she accepted. Nakatakda silang ikasal sa katapusan ng buwan, tatlong linggo mula ngayon at napagkasunduan nila na sa Pilipinas ganapin ang kasal. Ang nag iisang malapit na kamag anak nya, ang tita Rose nya na kapatid ng ama ay nasa Singapore din at nakatakdang umuwi isang linggo bago ang kasal kasama ang asawa nitong Singaporean. Dapat ay next week pa sya uuwi kasabay ang kasintahan na umattend ng seminar sa Singapore ngunit iginiit nito na masyado ng gahol sa oras. Kaya eto sya, mag isang mag aasikaso ng mga kakailanganin. Bagaman maayos na ang mga dokumento na iniutos ni Angelo sa sekretarya nito ay nais pa rin sana nyang kasama ang kasintahan sa pagpili ng design para sa invitation at ng gown. Ilang beses na nilang pinagtalunan ito. Masyadong busy ang schedule ng nobyo ngayong buwan at iminungkahi pa nyang sa sunod na buwan na lang gawin ang kasal ngunit bigo syang kumbinsihin ito.
At isa pang hindi nya ikinatutuwa sa pag uwi ay hindi sya ikinuha ng reservation ni Angelo sa hotel gaya ng usapan nila. Inaasahan nitong sa condo nito sa Makati sya tutuloy. Nang magmatigas sya ay saka lang nito inialok ang duplex nito sa San Juan. Nakaramdam sya ng paghihimagsik nang maalala ang lumang bahay nila, doon sya ipinanganak at nagkaisip pero ngayon ay inangkin na iyon ng madrasta. Ang mga magulang nito at kapatid na lalaki ay doon na rin nakatira nang mamatay ang daddy nya. Selling the house will be a better option. She never liked her family. Maingay at maluluho ang mga ito. Perang kinukuha ng madrasta mula sa resort. Ayon sa katiwala ng resort, halos wala ng gamit ang resort. Nang mamatay ang daddy nya ay unti unting ibinenta ng madrasta lahat ng maaaring maibenta mula sa resort hangga matigil na ang operation nito.
Nang marating ang taxi stand ay kakaunti ang pasahero kaya agad syang nakasakay.
“Sa San Juan po, manong.” Masama ang loob na ibinigay sa kanya ng nobyo ang susi ng duplex bago umuwi at ilang beses nilang pinagtalunan iyon. Naniniwala syang hindi magandang magsama sila na walang basbas ng kasal. Ipinagawa ang duplex ng ama nito bago pumanaw sa pag asang magkakasundo ang dalawa. Ang kanang pinto ang sa kasintahan at ang sa kabila ay ang sa kinamumuhian nitong ampon ng ama nito. Napakunot noo sya. He mentioned a Blumentritt Street. Kanan nga ba o Kanan kung galing ka sa Blumentritt? Dinukot nya ang cellphone at nagtext sa nobyo.
Nang ihinto ng driver ang taxi ay iniabot nya ang bayad at bumaba. Sinipat nya ang wristwatch bago humakbang sa pintuang nasa kanan nya. Wala pa ring text mula kay Angelo at ayaw nyang maghintay ng text sa kalsada. Pasado alas onse na ng gabi at may natanaw syang nag iinuman sa malapit na tindahan.
Ipinasok nya ang susi at bumukas iyon. She sighed her relief. Itinulak nya ang pinto at binuksan ang ilaw. Walang laman ang unit maliban sa two-seater sofa set at dining set na pang apatan. Matapos silipin ang c.r ay lumapit sya sa ref at binuksan. Bagaman nagtataka ay ipinagpapasalamat na may malamig na tubig doon…beer at pizza? Kelan huling nagpunta rito si Angelo? Binuksan nya ang pizza at kumuha ng isang slice. Alanganing inamoy nya ito bago kumagat. Pagkatapos maubos ang hiwa ng pizza ay uminom ng tubig at pumanhik bitbit ang maleta.
Isa lang ang kwarto sa itaas at may sariling banyo. Muli kumunot ang noo nya nang makita ang shampoo, after shave at gamit na sabon. Lumabas sya ng banyo at kumuha ng malinis na panty at oversized tshirt. Pagkatapos magshower ay itinabi nya sa mga gamit ni Angelo ang sariling shampoo at sabon bago lumabas.
Sandali lamang syang nagpatuyo ng buhok bago nagpahid ng lotion at nahiga na. Agad syang nakatulog.
Matapos igarahe ni Tristan ang lumang pick up ay agad na syang pumasok sa duplex. Ala una pasado ng madaling araw. Kailangan lang nyang matulog ng konti bago bumiyahe pabalik ng Batangas. Hindi nya natanggihan ang paanyaya ng isang kliyente para uminom. Bukod doon, interesado sya sa resort ng kumpare nito na ibinibenta sa Batangas. Bahagyang kumunot ang noo nya nang pagbukas ng pinto ay maliwanag ang kabahayan. Hindi nya maalalang naiwang bukas ang ilaw. Bagaman nakainom ay hindi naman sya lasing. Sa magaang yabag ay pumanhik sya sa kwarto. Patay ang ilaw sa kwarto ngunit bukas ang ilaw sa banyo at nakaawang iyon. Sapat ang liwanag para makita nyang may natutulog sa kama nya. Andrea. A fling. Bilang na bilang ang pagkakataon na pumupunta ito sa duplex. Iniisip nya kung nabanggit ba nyang luluwas sya ngayong weekend.
Naghubad sya at tinungo ang banyo. Matapos tuyuin ang katawan ay lumabas na ng banyo. Tulog pa rin si “Andrea”…or nagtutulog tulugan, he smiled bago sumukob sa kumot. Nakatalikod sa kanya ang babae at dinampian nya ng halik ang likod ng tenga nito. She smells different. Andrea smells of expensive perfume. This time she smells fresh. At mas gusto nya iyon. Hinalikan ang batok nito patungo sa balikat kasabay ng pagdama sa dibdib nito, he played with her nipple then gently cupped her breast nang may marealize. Andrea is cup C. Napaurong sya kasabay ng pagtihaya ng babae, still sleeping. She’s not Andrea! Mabilis nyang binuksan ang ilaw at hinila ang kumot na nakatakip dito.
“Who are you?” tanong nya kasabay nang pagtili ng babae. Mabilis syang lumapit dito at tinakpan ang bibig nito. Bahagya na nyang naramdaman ang pagpumiglas nito dahil halos nakadagan na sya rito. Ibang sensasyon ang ginigising ng pagkakadikit nila. He could feel her bare legs. At nang tangkain nitong tuhurin sya, napwesto sya sa pagitan ng mga hita nito. He saw panic in her eyes.
“Don’t move. Bibitiwan kita kung hindi ka sisigaw.” Aniya. Tumango ito. Marahan nyang tinanggal ang kamay na nakatakip sa bibig nito.
“You’re naked!” akusa nito. “And your…your..it’s poking at me!” namumula ang mukhang wika nito.
Tumayo sya at kumuha ng tuwalya bago humarap dito.
“Magbihis ka kaya.”
Tumalikod sya at kumuha ng boxer at tshirt.
“Now tell me, sino ka? Paano ka nakapasok sa unit ko?”
“Sa iyo? Kay Angelo ito.” Nakabalot na ulit ito ng kumot.
“Hindi mo ba nakita ang mga gamit ko? At hindi tumutuloy rito minsan man si Angelo.”
“I know you.. pervert.” Mahinang idinugtong nito ang huling dalawang salita.
Tumaas ang kilay nya. “Mukhang naikwento na ni Angelo kung sino ako…at sa nakikita ko sa mukha mo, it’s all to my disadvantage.”
Napapahiyang yumuko si Lena. Hindi sya mapanghusga at bagaman hindi nya personal na kilala ang kaharap ay sigurado syang ito ang ampon ng ama ni Angelo. Si Tristan. At walang ikwinentong maganda si Angelo patungkol dito. Ayon sa kasintahan ay inagaw ng lalaking ito ang atensyon at pagmamahal ng ama nito. At nang mamatay ang ama nito ay unti unti na rin nitong inangkin ang mga ari-ariang iniwan ng ama na dapat ay sa kasintahan.
“Pwede ka ng lumipat sa kabilang unit…” wika nito makaraan ang saglit na katahimikan.
Agad ang pag angat nya ng mukha. “Wait…” dinampot nya ang cellphone mula sa sidetable ngunit wala pa ring message mula kay Angelo. “Ang naibigay na susi sa akin ay para sa unit na ito…wala akong ibang susi…”
Tumaas ang kilay nito na tila hindi naniniwala sa kanya. May balak pa yatang palabasin sya sa disoras ng gabi.
“Are you making this up?” tila mauubusan ng pasensyang wika nito. “I’m tired and I want to sleep.” Hinubad nito ang suot na tshirt at humakbang palapit sa kama.
Mabilis syang tumayo kipkip ang kumot. “No. Hindi sumasagot si Angelo sa text ko.” Nahiga na ang binata at iniiwas nya ang mga mata sa katawan nito. Dinampot nya ang salamin at isinuot. “Wala akong matutuluyan and it’s late.” Dagdag nya sa pumikit na binata.
“We can share the bed. It’s okay.” wika nitong nagmulat ng mga mata.
“Of course not. Dito lang muna sana ako sa unit mo. Sa baba na lang ako matutulog.” Aniyang napangiwi nang maisip ang two-seater na sofa.
Walang imik na lumabas sya nang hindi na ito sumagot. Sa ibaba ay pilit nyang pinagkasya ang saril sa maliit na sofa. Hindi na nya alam kung paano sya nakaidlip sa posisyon nya. Naalimpungatan sya na nangangawit ang leeg at namamanhid ang braso. Nang tingnan nya ang oras ay alas dos pasado pa lang ng madaling araw. She sighed at ipinulupot ang kumot sa katawan bago pumanhik sa itaas.
Tila mahimbing na ang binata nang pumanhik sya. Halos sakupin nito ang buong kama. He looks bigger and taller than Angelo. Atubiling pumuwesto sya ng higa sa maliit na espasyo sa gilid nito.
“Don’t worry, I won’t bite.” Wika nito at agad syang napalingon dito. He was looking at her.
Napapahiyang tumalikod sya rito. “Gising ka pala,natiis mo akong mamaluktot sa ibaba.” Hindi napigilang wika nya.
“We’re both tired. At lalong hindi ako kasya roon. I offered the bed kanina pero ipinilit mo ang sarili mo sa sofa…”
Hindi na sya sumagot sa halip ay nagtalukbong ng kumot.
“Won’t you share the blanket?” tanong nito.
Nag iinit ang mukha nya nang maalala ang eksena kanina. “No.” aniya at narinig ang mahinang tawa nito.
She was so comfortable sleeping. Muli isiniksik nya ang sarili sa dibdib ng katabi. Katabi! She opened her eyes and gasped. Hindi lang sya nakasiksik sa dibdib ni Tristan, nakadantay rin ang mga hita nya rito at ito man ay nakayakap sa beywang nya. Ang kumot ay nasa paanan na nila at ang tshirt nya ay nakataas na hangga tiyan. Marahan nyang tinanggal ang mga hitang nakapatong sa binata at tinanggal ang kamay nitong nasa beywang nya.
“Good morning…” wika nito sa labis nyang kahihiyan. Ang tshirt nya ay hindi nya agad maibaba sapagkat naipit sa likod nya. Mabilis syang tumayo at hinila ang kumot at ibinalabal sa katawan. “It’s Tuesday…” naaaliw na wika nito uncaring of his arousal na obvious sa suot nitong boxer.
“What?” tanong nyang isinuot ang salamin.
“Your panty says Friday…” tukoy nito sa print ng panty nya.
“Bastos.” Tinalikuran nya ito at tinungo ang maleta upang kumuha ng damit. Napaunat sya nang magring ang cellphone. Dinampot nya iyon at wala sa loob na naupo ulit sa kama.
“Where are you?” tanong ni Angelo. “My secretary gave you the wrong key.” Dugtong nito bago pa sya makapagsalita. Anito ay sadyang may duplicate ito ng unit ni Tristan for emergency purposes at ganoon din si Tristan.
“I’m..” napalinga sya kay Tristan na ngayon ay nakatagilid na ng higa at nakapatong ang ulo sa mga braso. Tila interesado sa usapan nila ng kasintahan. “I’m here sa unit…”
“That’s Tristan’s unit.”
“Walang tao rito…” inirapan nya si Tristan na tumaas ang mga kilay.
“Anyway, ipapahatid ko dyan ang susi ng unit ko at lumipat ka na lang doon.”
“Okay.” Muli nyang ibinaling ang tingin sa binata. “Ihahatid daw dito yung susi ng kabilang unit…”
“So..?”
“Baka makita ka? May sasakyan ka ba sa garahe?”
“Look. This is my unit. Hindi ko problema kung anuman ang sinabi mong dahilan. You should have told him the truth.”
“At magpaliwag ng katakot takot…” dugtong nya.
Nilinga ni Tristan ang orasan sa side table and yawned bago tumayo at nag inat. Alam nyang wala itong suot maliban sa boxer nito na wala na rin halos itinago. Malapad ang dibdib nito at may pinong balahibo. Her eyes travelled down to his flat stomach at pababa pa nang marealize ang ginagawa. Blushing, she met his eyes in horror. Patuyang ngumiti ang binata bago kumuha ng tuwalya at tinungo ang banyo. Mabilis syang nagbihis habang naliligo ang binata.
“I’m leaving.” Anitong nakatapi ng tuwalya. Wala sa loob na muling naglakbay ang mga mata nya sa katawan nito. Tumikhim ito.
“Sorry…lalabas na ako.”
“You can stay here kahit umalis na ako kung hindi maihatid agad ang susi sa iyo. Naiwan ko ang duplicate ko sa kabilang pinto kaya hindi kita matutulungan.”
“Thanks.” Aniya bago lumabas ng silid.
Hindi pa sya natatagalang nakaupo sa sofa ay bumaba na si Tristan. Agad syang tumayo.
“Aalis na ako.”
“Yeah…ingat…”
“I guess I won’t be seeing you again…” anitong humakbang palapit. Akma syang uurong ngunit nasa likod na nya ang upuan.
“I guess so…” inayos nya ang salamin.
“I didn’t get your name…”
“Lena.” She met his gaze. Thick lashes accentuated his brown eyes.
“Nice meeting you, Lena.” Matipid itong ngumiti bago tumalikod na.
0 thoughts on “Destined”