Download Story.

close

Destined

Written By: KayleneSJ       |       Story Status: Completed
Posted By:
KayleneSJ

 

 

 

EPILOGUE

 

Isang buwan pagkatapos ng kasal nila sa huwes ay nagpakasal na sila sa simbahan sa pagpipilit ni Tristan.  Nagtangka syang tumanggi sa dahilang malaki ang tiyan nya ngunit ayon kay Tristan ay pakakasalan ulit sya nito kapag maliit na ang tiyan niya.  Gaya ng pangako nito, isang taon pagkatapos nyang manganak ay ikinasal silang muli sa isang beach themed wedding.  The bride is wearing a flowery tank top at grass skirt.  Ang groom ay nakahawaian shirt ay khaki shorts.  Flower girl ang kanilang anak na si Caitlyn at si Marieta ay nakakalakad na.  Lahat ng kasal nya ay dinaluhan ng matandang abogado, ng tita Rose nya at ng kaibigang si Princess.  A month after, she announced her second pregnancy.

 

Iniurong nya ang reklamo kay Angelo nang magmakaawa ang ina nito.  Kapalit niyon, si Angelo ay ipinasok ng sarili nitong ina sa isang mental institution.   They never heard from him again.

 

Si Dana ay mas dinalasan ang pagdalaw sa ina nito and sometimes spend the weekend and holidays sa piling ng ina.

 

Nahuli na ang ama ni Odessa ngunit nakapagpiyansa ito.  Ang natirang pera mula sa napagbentahan ng resort ay nasa bangko at nailipat na sa pangalan nya.  Si Odessa ay muling nakapag asawa ng isang kilalang matandang director.  He died after a month at kasalukuyang pinaiimbestigahan si Odessa ng mga anak ng director kung may foul play sa pagkamatay nito at kung may kinalaman si Odessa.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14