Download Story.

close

Destined

Written By: KayleneSJ       |       Story Status: Completed
Posted By:
KayleneSJ

 

 

CHAPTER ELEVEN

 

She breathed in the salty air habang nakaupo sa buhanginan.  Nang makarating sa bahay ng matandang abogado ay agad nyang tinawagan si Tristan ngunit cannot be reached ang cellphone nito.  Nang tawagan nya ang resort ay nasa Davao raw ito at sa makalawa pa ang balik at ngayon na iyon.  Kahapon ay nagcheck in sya sa resort at sinubukang tawagan ang binata ngunit hindi pa rin ito makontak.  Inaasahan nyang makikita ito ngayon ngunit papagabi na ay wala pang balita kung nakabalik na ang binata.  Ang mama nito ay sinamahan syang maglunch kahapon.  Kaninang maliwanag pa ay nasa resort din ito ngunit ngayon ay nakauwi na sa farm.  Iniimbitahan sya nitong sa farm tumuloy at hintayin si Tristan ngunit magalang syang tumanggi.  She insulted Tristan the last time they talked.  Hindi nya alam kung paano sasabihin ngayon sa binata na tinatanggap na nya ang alok nitong kasal.  Hindi nga nya alam kung bukas pa ang alok nitong kasal.

“Ma’am nasa parking po si Sir Tristan kadarating lang.” Anang isang empleyado ng resort.

Nagpasalamat sya at tinungo ang parking.  Nakita nya si Tristan na nakatalikod sa bandang likuran ng pick up nito.  Bagaman well lighted ang parking ay bahagyang madilim sa pwesto ni Tristan.

Tila hindi namalayan ng binata ang paglapit nya.  Malalim syang huminga at nagsalita ng malakas bago pa sya iwanan ng lakas ng loob.  “Tristan…I’m accepting your marriage proposal.  I will marry you.”

She smiled awkwardly nang lumingon ang binata.  “Lena?”

Ngunit nabura ang ngiti nya nang mapansing hindi ito nag iisa.  Hindi nya napansin ang natatakpan nitong kasama.  A woman!  Na ngayon ay nakatingin din sa kanya with curiousity.  Napaurong sya and Tristan instinctively stepped closer bringing him to the lighted area pati na rin ang kasama nito.  She wanted to die in shame.  Bakit hindi nya naisip na maaring may nobya si Tristan?  The woman is tall and strikingly beautiful.

“Hi…sorry.  I’ll talk to you later.” Nagmamadali syang tumalikod at hindi pinansin ang pagtawag ni Tristan.

Sumandal sya sa saradong pinto ng cottage at nanghihinang pinunasan ang pawis at luha.  Luha!  Nabigla sya sa realisasyon na nasaktan syang may kasamang iba si Tristan.  Pregnancy hormones, giit nya.  O marahil ay nalulungkot lang sya para sa anak nya na hindi na magkakaroon ng kumpletong pamilya.  Kaya pala hindi na sya sinundan ni Tristan, malungkot nyang naisip habang muling nagbabanta ang mga luha.

     Nagulat pa sya nang may kumatok.  Pinahid nya ang luha at binuksan ang pinto.  It was Tristan.  His face serious.

“You wanted to talk to me?” tanong nito.

“I tried calling you.” Umatras sya nang pumasok ito.  Naupo ito sa pandalawang dining set at sinenyasan syang maupo.  Atubiling sumunod sya.

“I left my cellphone.  Hindi ko nadala sa Davao.  Galing na ako sa farm nang sabihin ng mama na nandito ka and wanted to talk.”

Hindi sya makapagsalita.

“I’m sorry.  Hindi ko naisip na may girlfriend ka…kalimutan mo na lang siguro ang sinabi ko.”

Tumaas ang kilay ng binata.  A hint of smile curved his lips.

“That’s Vivien.”

“Sorry, I blurted like that…”

“Yeah, that was unromantic.” Amusement lit his eyes.  “So, why are you here again?”

She bit her lips and stopped nang mafocus doon ang atensyon ni Tristan.

“I thought…” she sighed.  “Angelo was harassing me…” mabilis nyang ikwinento ang ginawa ni Angelo at nagdilim ang mukha ni Tristan. “So I thought…if we get married, titigil na si Angelo.”

“Ipagpapasalamat ko na ba ang mga gulong ginagawa ni Angelo…”

“Pero hindi ko naisip na may nobya ka…at kalimutan mo na lang kung makakagulo sa inyo…”

“Si Vivien?  She’ll understand…”

Nagsisikip ang dibdib nya.  Nobya nga ito ni Tristan!  “Will she be your mistress?” she asked in a small voice.

“Oh…I guess I’ll have to think about marrying you…” tila naaaliw na wika nito.

Her shoulders dropped.  “Yeah, I guess.” Hindi maipagkaila ang lungkot sa tinig nya.  Tumayo sya at binuksan ang pinto sa pag aakalang tapos na ang usapan nila.

“Pinapaalis mo na ako?” tanong nitong hindi tumatayo.

“Oh…akala ko pag iisipan mo…” she closed the door again.

“You can try convincing me…now…” Tristan said softly.

Nalilitong nakatayo lang sya sa harap ni Tristan.  Hindi nya alam kung paano kukumbinsihin ang binata.  Kung mahal nito si Vivien, ano ba naman ang laban nya.  She took his hand at dinala sa umbok ng tiyan nya.  “I don’t know how to convince you.  Kung mahal mo si Vivien…hindi ko kayang pantayan iyon…” her voice croaked.  “But…maybe..maybe our child can…”

Tristan’s eyes soften.  Hinagkan nito ang tiyan nya at hinapit sya.  He sat her on his lap at mahigpit na niyakap.

“Will you marry me now?” she asked.

Tristan chuckled.  “Definitely.”

 

“Why can’t you stay sa farm?” tanong ni Tristan na nakahiga sa tabi nya sa nakalatag na tuwalya.  Nasa tabing dagat sila at katatapos lang maligo.  “Mangingitim ka rito…” dumapa ito at minasdan sya.

She smiled at him sa ilalim ng sunglasses ngunit hindi sumagot.  Nakasuot sya ng one piece swimsuit sa kabila ng maumbok na tiyan.

“I feel peaceful here…masarap pakinggan ang mga alon…”

“Hmmm…” umusog si Tristan sa tabi nya and gently kiss her lips.  Mag iisang linggo na sya rito sa resort matapos ang “proposal” nya at halos hindi humihiwalay sa kanya ang binata.  Sa 2nd floor ng reception ito natutulog at sa maghapon ay pabalik balik ito sa farm at sa resort.  Kapag maraming trabaho sa farm ay sya naman ang isinasama nito sa farm and his mother is happy to have her company.  Minsan na nyang naabutan si Dana roon at medyo mailap ito sa kanya bagaman magalang naman.  She guess her past with Angelo put them in an awkward situation.

Tristan is sweet and attentive.  Napakadali nitong mahalin at batid nyang mahal na nya ito sa maikling panahon.  Natatakot syang itanong ang tungkol kay Vivien at hindi rin naman iyon binabanggit ni Tristan.  But it always makes her insecure.  Bagaman malapit na sila sa isat isa ng binata at tila naging gawi na nito ang hagkan sya ay wala naman itong binabanggit kung ano ang nararamdaman nito para sa kanya.

“Luluwas ako next week.  Baka two days ako sa Manila.” He traced the tan lines on her shoulder.  “Gusto kitang isama pero baka mapagod ka lang sa byahe.  Pwede bang sa farm ka lang habang wala ako?”

“What’s wrong kung dito ako?” nadidistract sya sa mga daliri nito sa balikat nya at ngayon ay nasa strap na ng swimsuit nya.  “Kung si Angelo ang inaalala mo, hindi ba mas safe ako rito dahil may guwardiya naman?”  Wala silang balita tungkol kay Angelo at iniisip nya na hindi na ito banta.

“You don’t know Angelo gaya ng pagkakakilala ko…” tumikhim ito bago sinimulang ikwento ang relasyon kay Angelo.

“Kayo ang legal na pamilya!” bulalas nya.  She was surprised to know the truth.  All the time ay mali ang mga kwento ni Angelo sa kanya.

“Yeah…pero hindi namin kayang ipaliwanag sa lahat iyon.  Some people judge without knowing.” Malungkot nitong pahayag.  Tumihaya ito and she adjusted her position at sya naman ang nakatunghay rito.  Hinaplos nya ang mukha nito and he took her hand then gently kissed her palm.  “My mother is in the wheelchair ng dahil sa kanilang mag ina.”

Hindi sya makapagsalita.  Shock was written on her face.

“My mom and his mom…kahit saan sila magkita, inieskandalo ng mama nya ang mama para mapahiya.  Labelling her as kabit and me as a bastard.  Nang ipagawa ko ang bahay sa farm, dumating si Angelo at ang mama nya.” Pinisil nya ang kamay ng binata.  She knew it was difficult for him to tell the story.  “Nagtalo sila.  Sa kalagitnaan ay nahulog sa hagdan ang mama.  They fled without helping her.  Hindi agad sya nadaluhan ng kasama sa bahay.”

“That was trespassing!”

“Hindi na gustong magreklamo ng mama.  She said it was an accident.”

“Oh… but they didn’t help her when they could have…”

“Ako, I want to grab any opportunity para lang maipakulong sinuman sa kanila.  But lately, mahirap na rin kasi naiipit si Dana sa amin.  We care for her at alam kong nahihirapan din sya.  Kapatid ko pa rin sya.”

Humilig sya sa dibdib ng binata.  This man has a good heart and she feels so lucky.  If only he will say that he loves her.

     “I’m sorry…” aniya muling humarap dito.

“For what?”

“For using you para saktan ang pride ni Angelo.”

He smiled his sexy smile.  “Ah…I love this part…and the note sweetheart, wag mong kalimutan.  Angelo was a raging bull.”  He chuckled.

“Sinugod ka nya?”

“Yup…nagpang abot kami sa duplex.  Pero agad ding naawat.  Hindi na ako nagsampa ng reklamo dahil may dapat naman syang ikagalit.  I had the most wonderful night dahil sa kanya.”  Pinamulahan sya ng mukha.  “ But you left…”

“Oh…magulo ang isip ko…hindi ko alam kung ano ang dapat nating pag usapan that time.” Nahiga sya at tumagilid ang binata paharap sa kanya.

“I understand.  Ang mahalaga andito ka ngayon…” hinalikan nito ang noo nya bago inangkin ang labi nya na puno ng pananabik.

 

Kinakabahang bumangon sya nang marinig ang katok.  She texted Tristan at sinabing hindi sya makatulog.  She wanted more of him every moment.

“Lena, it’s me…” boses ni Tristan.  Binuksan nya ang pinto bago pa ito muling magtawag.  “Are you okay?”

“Oo…sorry kung nagising kita…hindi lang kasi ako makatulog.” Ngayon nya tila nais mapahiya.

Umangat ang kilay ng binata na tuwina nitong ginagawa kapag naaaliw.  “You want me to sleep here?”

Hindi sya makasagot.  Nakangiting itinulak ni Tristan ang pinto at pumasok.  “About time.” Ngumiti ito at iginiya sya sa higaan.

Tila sya tuod na nakatihaya nang yakapin ni Tristan.  Ipinikit nya ang mga mata nang dumampi ang labi nito sa labi nya.  His kisses travel on her ear and she held her breath in excitement.  “Goodnight.” He whispered.

Nagmulat sya ng mata at nilinga ito.  His eyes are closed.

“Matutulog ka na?” she asked irritably.

“Ahh…pregnancy…” he teased without opening his eyes.  A smile playing in the corner of his mouth.

Naiinis na tinanggal nya ang kamay nitong nakayakap sa kanya at tumalikod sa binata.  Narinig nya ang mahinang tawa nito na lalong nagpainis sa kanya.

Muli syang niyakap nito at magaang hinagkan sa batok.

“What do you want sweetheart?” masuyong tanong nito.  Nakaramdam sya ng pagkakapahiya.  Is she that obvious?

     “Nothing.” Mahina nyang wika.  Napasinghap sya nang maramdaman ang kamay ni Tristan sa dibdib nya kasabay ng pagdikit ng ibabang bahagi ng katawan nito sa kanya.  He was aroused and heat instantly spreads through her.

“I want to make love to you…” he gently bit her earlobe.  “But I want to be sure na gusto mo rin…do you want to, Lena?”

She wanted to lie but it would be pathetic lalo at tinatraydor na sya ng sariling katawan.  “Yes…” she whispered.

 

Gently Tristan removed their clothes and worshipped her body with his hands and mouth.  His lovemaking was long and slow.  Strong yet tender at the same time.  He muffled her scream with a kiss when finally he sent her to climax.

“I love you…” she whispered nang mahiga si Tristan sa tabi nya.  He didn’t stir and was snoring softly.  She smiled and closed her eyes to sleep.

 

Ilang sandali na ang nakalipas bago nagmulat ng mata si Tristan.  Lena is sleeping peacefully in his arms.  He smiled and planted a soft kiss on her lips.  Hindi nya gustong madaliin si Lena ngunit ngayong narinig na nya ang gustong marinig mula rito ay hindi na nya ito pakakawalan pa.  He wanted to thank Angelo for being such a fool.  Angelo’s loss is his gain.  He smiled at muling hinapit ang dalaga.

    

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14