Download Story.

close

Destined

Written By: KayleneSJ       |       Story Status: Completed
Posted By:
KayleneSJ

 

CHAPTER TEN

 

Naiiling na ibinaba nya ang hawak na feeding bottle at tinungo ang display ng mga damit ng sanggol.  Galing na sya sa OB noong isang araw at bukod sa resetang mga vitamins ay maayos naman daw ang lagay nya.  Masyado pang maaga para mamili ng gamit ng baby ngunit naiinip sya sa bahay.  At wala syang ginagawa kundi isipin si Tristan na mag iisang Linggo ng hindi nagpaparamdam.  Hindi ba at tinanggihan mo sya?  Bakit ngayon hinahanap mo? Sumbat ng isip nya.  Sinaktan at itinaboy nya si Tristan, hindi sya dapat makaramdam ng pagsisisi.

     Kinagabihan nang umalis sya sa resort ay tinawagan sya ni Tristan upang muling alukin ng kasal para sa kapakanan ng ipinagbubuntis nya.  Ngunit nagmatigas sya at ininsulto ito.

“I don’t love you.  I can’t marry you ng dahil lang dinadala ko ang anak mo.  Besides, hindi mo kailangang isakripisyo ang freedom mo dahil lang nabuntis ako.” Pinigil nyang gumaralgal ang tinig.

     “You’re selfish, Lena.  I am offering you my name.” Malungkot nitong pahayag.  Bigla gusto nyang bawiin ang sinabi.  “I love my child.  Our child.  Kaya kong ibigay ang freedom ko para mapabuti kayo.” Ilang sandali itong tumahimik at akala nya ay naputol na ang linya ngunit muli itong nagsalita.  “I have said my piece.  Tried to be responsible.  If ever you change your mind, alam mo kung saan ako hahanapin. ”

     “I won’t change my mind.”  She sob softly nang matapos ang tawag.  Hindi pa man ay gusto na nyang magbago ng isip.  Is she really selfish?  Ngunit ano ang magiging pundasyon ng kasal nila kung hindi sya mahal ni Tristan?  They were not even friends.  Attraction is not enough.  A child, sometimes is not enough. 

Pinahid nya ang luhang nagtatangkang magbanta.  Why am I hurting so much?  Must be the pregnancy hormones, saloob nya.  Walang dahilan para masaktan sya malibang mahal na nya si Tristan, napasinghap sya kasabay ng pag iling. 

Tinungo nya ang cashier at binayaran ang ilang pirasong damit ng sanggol na hindi nya napigilang bilhin.  After two months pa malalaman ang kasarian ng sanggol ngunit nakatakda syang bumalik sa OB sa sunod na buwan para sa regular check up.

Matapos magbayad ay lumabas na sya ng Department store nang may tumawag sa kanya.

“Lena?” it was Angelo.  Tinangka nyang umiwas ngunit mabilis nitong nahawakan ang braso nya.  “It’s really you!”

“Let me go…” aniya kasabay ng paghila sa braso na hindi nito binitawan.

“Let’s talk.” Anito.

“I can’t…may pupuntahan pa ako.” Kaila nya.  Niyakap nya ng isang kamay ang pinamili upang itago ang maumbok na tiyan sa mapanuring tingin ni Angelo.

“You owe me an explanation kung bakit hindi ka sumipot sa kasal natin.” May galit na nakiraan sa mga mata nito.

She laughed.  “You cheated, Angelo.  That’s why.”

“I can love you both, Lena.  Nariyan lang si Odessa dahil hindi mo maibigay ang pangangailangan ko bilang lalaki.” Sa wakas ay binitawan nito ang braso nya.  Hinagod nito ng mga kamay ang buhok na napansin nyang mahaba na kesa dati.

“What a lame excuse.” Matabang nyang wika.

“Hinanap kita.  I still want you back.” Muli tinangka nitong abutin ang braso nya na agad nyang iniwas.

“You want me back?  Or your mother wants me back?” tuya nya.  “At paano si Odessa?  Ang pakikipagkutsaba mo para maibenta ang resort?” pinigil nya ang pagtaas ng boses dahil may mga ilang dumaraan.

“Alam ko kung nasaan sila…I can help you get the money mula sa napagbentahan.” He looks eager to help.

“You know I can’t take you back kahit gawin mo iyon, Angelo.”  Bahagya syang nakaramdam ng awa.

“Why not?”

“Didn’t you get my note?” she asked kasabay ng pagbaba ng mga pinamili upang malantad ang tiyan sa suot na bestida.

Shock was all over his face.  And then anger.  Bahagya syang napaurong at nilinga ang kalapit na gwardiya na may kausap na shopper.

“You really did it with that bastard.” Hinablot nito ang braso nya.  Napaungol sya mula sa sakit.  “Well, hindi na nya malalaman.” Hindi nya itinama ang akala nitong hindi pa alam ni Tristan ang kondisyon nya.  “And I will take his child.  You have to marry me, Lena.”

“No.”

“You don’t have a choice.  I won’t let you go.”

Nilinga nya ang guard na ngayon ay nakatingin na sa kanila.  “Guard…” agad itong lumapit.

“May problema po, ma’am?” tanong ng guard pero kay Angelo nakatingin.

“Wag kang makialam.  This is my wife.” Ani Angelo.

“No.  Hindi ko sya asawa.  He is harassing me.” Hinila nya ang braso na atubiling pinakawalan ni Angelo.  Agad syang nagtungo sa likuran ng gwardya.  May mga ilang shoppers na rin ang nakikiusyoso sa kanila.  Narinig nilang nagradyo ng additional security ang guwardya.  Suddenly Angelo was his charming self.

“No need to call security.  I’m leaving.” Humakbang ito paurong.  “I’ll have you back, Lena.” His eyes were on her at nais nyang kilabutan sa ngiting iniwan nito bago tuluyang tumalikod.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan nya.

“Okay lang po kayo, ma’am?” tanong ng guwardiya.

Tumango sya. “Salamat.” Humakbang sya sa kabilang direksyon at pumasok sa isang restaurant.  Nanginginig ang tuhod na naupo sya at idinayal ang number ng matandang abogado.  Sinundo sya ng abogado sa kabila ng pagtanggi nya.  Inihatid sya nito sa townhouse.

“Nag aalala ako sa iyo, Lena.  I think Angelo is dangerous.” Anito bago sya bumaba.

She tried to smile.  “Sobrang abala na ako sa inyo, tito.  Hindi nyo na dapat alalahanin pa si Angelo.  Malabong malaman pa nya kung nasaan ako.”

“You’re like a daughter to me.  Please call me kapag may kailangan ka.”

“Thanks, tito.  I will.”  Bitbit ang isang plastic bag mula sa supermarket at ilang pinamili ay bumaba na sya ng kotse.

Sinususian nya ang pinto nang marinig ang paghinto ng sasakyan.  May nakalimutan marahil ang abogado.  Humakbang sya palapit sa gate upang muling buksan iyon nang marinig ang tinig sa kabila ng saradong gate.

“Lena…I know you’re there.  Let’s talk.” Napaurong sya.  It was Angelo.  Nang hindi sya sumagot ay kinalampag nito ang gate.  And she was holding her breath mula sa kabang nararamdaman kahit alam nyang hindi naman sya nakikita ni Angelo mula sa labas.

“You can’t just leave me, Lena.  I’ll be back. We will talk.” Anito makaraan ang ilang minutong pagkalampag sa gate.

Nang marinig ang papalayong sasakyan nito ay saka pa lamang sya nakahinga ng maluwag.  Nanghihinang napasandal sya sa pader.  She was about to dial the lawyer’s number but decided against it.  Angelo can’t scare her, she thought grimly.  She doesn’t have to hide anymore.

 

Matapos magshower ay humakbang sya sa bintana upang isara iyon nang mapatingin sa katapat na kalsada.  May kotseng nakahinto roon.  Mabilis syang humakbang palayo sa bintana at pinatay ang ilaw ng kwarto.  Muli nyang sinilip ang sasakyan at nakaramdam ng sindak nang lumabas mula roon si Angelo.  He was looking at her window na tila alam na naroon sya sa dilim.  Itinakip nya ang kamay sa bibig at naupo sa kama.  Ilang sandali syang nanatili sa pagkakaupo bago muling sumilip at nakahinga ng maluwag nang makitang wala na roon ang kotse.  Hindi sya nakatulog ng maayos ng gabing iyon.

 

Hindi sya lumabas ng bahay ng sumunod na araw.  Nagluto sya mula sa mga pinamili at maghapong inabala ang sarili mula sa paglilinis ng bahay at panonood ng tv.  Napapitlag sya nang tumunog ang doorbell.  Wala syang inaasahang bisita.

“Sino yan?” tanong nya bago buksan ang gate.

“Delivery po ng flowers, ma’am.”

“Kanino galing?”

“Mr. Angelo Bustamante po.”

“I can’t accept it.  Sorry.” Humakbang na sya papasok sa kabila ng pagtawag ng delivery boy.

 

Kinagabihan ay pinatay muna nya ang ilaw ng kwarto bago lumapit sa bintana.  Angelo’s car was there.  Alam nyang nasa loob ng sasakyan ang binata.  Ibinaba nya ang kurtina at nahiga na.  Nagkakamali si Angelo para isiping madadala sya ng takot at makipag usap pa rito.

 

Pangatlong araw na at hindi nagbabago ang gawi ni Angelo.  Nagpapadeliver ito ng bulaklak sa umaga na hindi naman nya pinagbubuksan at sa gabi naman ay magdamag na nakaparada sa tapat ng townhouse.  Hindi na nya itinawag sa matandang abogado ang tungkol dito sapagkat sa palagay nya ay nananakot lamang si Angelo.  It turns out she was wrong.

 

Marahan syang naglalakad sa supermarket habang itinutulak ang cart nang may bumangga sa kanya.

“Hi, Lena.  Good to see you here.” Si Angelo.

“Pwede bang tigilan mo na ako?” may galit na wika nya.

“Nakalimutan mo na ba…hindi mo na ako pwedeng iwanan ulit.”

“Look, Angelo…tapos na tayo….” Nagsimula syang maglakad muli.

“Lena, Lena, Lena….” Iiling iling na wika nitong umagapay sa kanya.  “You don’t understand…ako ang magsasabi kung kailan tayo matatapos.”

“You’re crazy…”

Hinawakan nito ang braso nya kaya napilitan syang huminto.  “Pagbabayaran mo ang pagpapahiya sa akin…pinagtatawanan ako ng mga tao dahil sa hindi mo pagsipot sa kasal.  This time, we will get married.  At ang anak ni Tristan ay magiging akin.”

Hinila nya ang braso.  “Hindi ako magpapakasal sa iyo.”

“You will….soon…akin ka lang, Lena.” humakbang ito paurong at tuluyang tumalikod palayo.

Matapos patayin ang stove ay inilipat nya ang adobo sa bandehado.  Kumuha sya ng plato at akmang uupo na nang tumunog ang doorbell.  Ilang araw nang natigil ang delivery ng bulaklak ni Angelo at hindi na rin ito tumatambay magdamag sa harap ng townhouse.  Kampanteng lumapit sya sa gate.

“Sino yan?”

“Sa cable po.” Umangat ang kilay nya at nagtatakang binuksan ang gate.  Sa harapan nya ay isang malaking lalaking naka bullcap.  Ang suot nitong uniporme ng cable ay sikip para rito at may kaunting pagdududang umaahon sa pakiramdam nya.  She was about to say something nang magsalita ang nasa likod nito na hindi nya agad napansin.

“Hi, Lena.  Did you miss me?”  It was Angelo.  Mabilis syang humakbang paurong upang muling isara ang gate ngunit naagapan iyon ng lalaking kasama nito.  Agad na pumasok si Angelo at pahablot na hinawakan ang braso nya.  Pakaladkad syang dinala nito sa sasakyan nito.  Isang lumang pick up na itim iyon at hindi ang dating ginagamit nito.

“Saan mo ako dadalhin?” sinubukan nyang magpumiglas ngunit mahigpit ang pagkakahawak ng lalaki.  Ang kasama nito ay pumuwesto sa driver’s seat samantala sila ni Angelo ang magkatabi sa likod.

“We’re getting married today, honey.” masayang wika nito.

“What…you can’t do this, Angelo.  This is kidnapping.”

Tila hindi sya narinig ni Angelo na nakangiting sinapo ang mukha nya.  “My mother will be so happy, Lena.  At hindi na ako pagtatawanan ng mga tao.”

Inilayo nya ang mukha.  “Nobody’s laughing at you.” Aniya na hindi nito pinansin.  “Saan tayo magpapakasal?” kinakabahan nyang tanong makalipas ang katahimikan.  Pilit pinapagana ang isip kung paano makakatakas mula rito.

“Sorry, honey.  Hindi tayo sa simbahan magpapakasal ngayon.  Sa kaibigang mayor ko lang.  Pero don’t you worry, pag uwi nating Batangas ay magpapakasal din tayo sa simbahan.”

Tumango sya bagaman wala sa sinasabi nito ang isip.  They were approaching an intersection.  Sa kanang bahagi ay may nakita syang grupo ng mga traffic enforcers.

God help me, bulong nya kasabay ng pagsapo sa tiyan.  Eksaktong nagkulay pula ang ilaw at huminto ang sasakyan ay mabilis nyang binuksan ang pintuan ng sasakyan.  Muntik pang masagi ang paparating na motorsiklo at hindi agad nakasunod si Angelo dahil doon.  Mabilis nyang tinakbo ang grupo ng mga traffic enforcers na nakatingin na rin sa kanya.   Magulo ang buhok, walang sapin sa paa.  Nang salubungin sya ng isang traffic enforcer ay nilingon nya si Angelo.  Nakangising bumalik ito sa sasakyan at nakahinga sya ng maluwag.

“Ano pong nangyari ma’am?” tanong ng traffic enforcer at inalalayan sya sa tabing kalsada.

“That man tried to kidnap me.” Mabilis nyang ipinaliwanag sa mga ito ang nangyari ngunit sa kasamaang palad ay hindi nya nakuha ang plate number ng ginamit na sasakyan.

Matapos magpablotter sa presinto ay tinawagan nya ang matandang abogado.

“You should have told me.  Napakatigas ng ulo mo.” Nagagalit na wika nito habang pabalik sa townhouse.

“I’m okay now, tito.” Mahina nyang wika.

“Paano kung nagtagumpay si Angelo?  Paano kung may nangyaring masama sa pagtakas mo?  Maari kang nasaktan!  At ang dinadala mo!” he cannot be pacified.

“I know…I’m sorry…hindi ko inakala na aabot sya sa ganito.”

“Stay with us, Lena.  Alam mong dalawa lang kami sa bahay ng tita mo.”

“I can’t…sobrang tulong na ho ang naibigay ninyo…”

“Mag aalala lang ako sa iyo kapag hindi ka tumuloy sa amin…”

“Gusto ko lang namang maging independent…”

“This is not the time for independence.” Nailing na wika nito.

“Hihiramin ko na lang po si Ising…”

“What can the two of you do kung pasukin kayo ni Angelo?  Sabi mo may kasama sya.”

Hindi sya umimik.  She hates to leave the townhouse.  To be intimidated.  O maaring may isa pa syang solusyon.

 

Matapos mag empake ng ilang damit ay muli syang sumama sa abogado sa bahay ng mga ito sa Cubao.  Kung hindi mawawala si Angelo ay mananatili itong threat sa kanya at sa kanyang dinadala.  Isang paraan lang ang naiisip nya para lubayan sya ni Angelo.  To get married.  If Tristan will still have her.

 

 

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14