Download Story.

close

Destined

Written By: KayleneSJ       |       Story Status: Completed
Posted By:
KayleneSJ

 

 

 

CHAPTER NINE

 

She saw him first or he saw him first, it doesn’t matter.  Tristan cannot believe his eyes.  Pagkatapos ng ilang buwang paghahanap kay Lena, nandito ito mismo sa bahay nya.  She lost weight but still the same sweet looking girl.  Kinakabahang inayos nito ang salamin sa mata.  She looks like she’s ready to run but not this time, he thought.  He stepped closer ngunit saglit na natigilan nang mapansin ang bahagyang umbok sa tyan nito.  Nagbabara ang lalamunan nya nang magsalita.

“You’re Maria Helena Basco.” Hindi tanong iyon kundi kumpirmasyon.  If he only knew na ang dating may ari ng resort na si Marial Helena at ang Lenang hinahanap nya ay iisa ay matagal na syang nakipag usap sa abogado nito.  He thought talking to them was a waste of his time bukod sa talagang abala sya sa farm.  Naipaliwanag na ng abogado nito ang illegal na pagbebenta ng resort. He couldn’t care less.   Noong panahong iyon ay abala rin sya sa paghahanap kay Lena.  He almost asked Angelo about her.  He hired private investigators ngunit lahat ay nabigong hanapin ang babae.

“Yes.  And you’re Tris.” Nilinga nito ang mama nya na tila amused na nakatingin sa kanila.

“Tris to my mother…” hindi nya hinihiwalayan ng tingin ang babae.  Tila takot syang panaginip lang ang lahat at maglaho itong muli.

“Well…I guess you’re not selling and I should be going…” isinakbit nito ang shoulder bag.

“You’re not leaving me this time, Lena.”  Isang hakbang ang ginawa nya at magkaharap na sila.  “We have to talk.  At sa palagay ko ay may dapat kang ipaliwanag sa akin.” He was referring sa hindi maikakailang umbok ng tyan nito.  Her face turns white.

“I have to leave, Tristan…” she stammered.  Humakbang ito paurong ngunit agad nyang nahawakan ang braso nito.

“You didn’t wait for me back then.  Not this time, Lena.  We’re going to talk.”

“I’m only here para sa usapin ng resort.”

“Then we’ll talk about it.” Iginiya nya ito patungo sa library.

 

Ang tinutukoy nitong library ay isang kwartong tila nagsilbing opisina rin nito.  May mesa at computer sa kabilang bahagi at may sofa sa kabilang bahagi.  Iginiya sya nitong maupo sa sofa.  She saw his eyes linger sa tiyan nya kanina at alam nyang hindi  nya ito mapagsisinungalingan.

“So what do you want to talk about?” tanong nitong sumandal sa mesa at humalukipkip.  He looks lethal and sexy.

“I came here about the resort…I thought I can buy it back?” alanganin nyang wika.

“You must have noticed na malaki na ang ipinagbago ng resort.” Tumango sya.  “I invested money.  Magkano mo planong bilhin ang resort?”

“How much did you buy it from Odessa’s father?”

“9 Million.”

She gasped. Hindi nya akalaing ganoon kalaki.  “They wanted 12 Million pero nakadiscount pa ako.  But I can’t let you buy it back for 9 Million, sweetheart.  Marami na akong naidagdag sa resort.”

“How much are you selling, then?”  nanlulumong tanong nya.  Hindi na nga nya kayang maafford ang 9 Million what more ang presyong gusto nito.

“Double the price.  18 Million.”  Anito watching her face.

Napayuko sya kasabay ng paghilot sa sentido.  “I can’t  even afford the 9 Million.” Pag amin nya.  He smirked at humakbang palapit sa kanya.

“Now, I want to talk…” anito.  They were closed but not touching ngunit pakiramdam nya ay nawalan ng hangin ang paligid.

“About what…”

“About us…where we left off…” anito na tila kahapon lang nangyari ang pag alis nya sa duplex nito.  “About this…” ang kamay nito ay humaplos sa tiyan nya and she froze.  “I bet kaya kong hulaan kung ilang buwan na ito…” wika nitong nakayuko sa tiyan nya.  His hands continue to caress the roundness of her belly.  Tenderness reflected in his eyes.

“I…I don’t …” hindi sya handa sa confrontation na ito.

“Don’t tell me you’re going to deny me this child.” May galit na nakiraan sa mga mata nito.  His brown eyes turned a shade darker.

“Of course not…”

“And yet you have no plans of telling me.” Akusa nito.

She guiltily bit her lips at doon natuon ang mga mata ng binata.

“I want to kiss you…” ang isang kamay nito ay humaplos sa pisngi nya bago marahang bumaba ang labi nito sa labi nya.  His lips gently tasting the softness of her mouth and she suddenly feels emotional.   “Hey, it’s only a kiss…” pinahid ni Tristan ang luhang pumatak sa mga mata nya.

“..I’m okay..it’s just…” hindi nya maipaliwanag sa binata na kasabay ng halik nito ay ang pagsalakay ng libo libong emosyon sa kanya.

“You must be tired.  Iniradyo lang ng mama na may Maria Helena na naghahanap sa akin.  Says it’s an emergency.”

“She seems to know me.”

“She must have guessed.” Nagkibit balikat ito.

“Guessed what?”

His smile was guarded.  “Nothing.  Why did you left, Lena?  I told you to wait.”

Namula sya.  “I don’t know what to say after casual sex…”

“Casual sex…so that’s what you called what happened.” Tumiim ang mukha nito.

“Hindi ba?” she asked challenging him.

“Maybe.” Tumayo ito.  “Let’s have dinner.  Para maihatid na kita sa resort.”

She was hurt.  Hindi nya alam ang tamang isagot nang hindi napapahiya but when he agreed na casual sex nga ang nangyari sa kanila ay nasaktan naman sya.  She thought differently ngunit hindi nya kayang sabihin sa binata iyon.  Pinigil nya ang mga luha na muling nagbabanta.  Pregnancy makes her so emotional. 

     Nagpaalam si Tristan na magsashower at ipinasya nyang maghintay sa library.  Ninenerbyos syang matanong ng mama nito.  Hindi naman ito nagtagal at bumalik din agad.

Magkasabay silang nagtungo sa dining area at naroon na ang ina nito.  She looked up nang pumasok sila.

“Where’s Dana?” tanong ni Tristan kasabay ng paghila ng upuan nya.

May kumislap na alaala sa isip nya mula sa pangalang nabanggit.

“Dana…she’s…?”

“Your ex fiancee’s sister.” Matabang na wika ni Tristan.

“Umuwi sya sa kanila.  She visits her mom once in a while…” anang matandang babae.  Inabutan sya nito ng kanin.  “Dito ka ba matutulog?”

“Naku hindi po…”

“Ihahatid ko sya sa resort.” Ani Tristan na nilagyan ng ulam ang plato nya.

“Kung may driver na pwedeng…”

“Ako ang maghahatid sa iyo.” Ani Tristan with finality.  Nilinga nya ang ina nito na may matipid na ngiti sa mga labi.  She smiled awkwardly at nagsimulang kumain.

Nasa kalagitnaan sya ng pagkain nang matigilan.

“I need to go to the bathroom…” wika nya.  Pinagpapawisan sya ng malamig.

Mabilis syang inalalayan ni Tristan patungo sa banyo at hindi pa ganap na nakakapasok ay nasuka na sya.

“I’m sorry…” aniya matapos sumuka.   Lumapit sya sa sink at naghilamos.

“Lagi ka bang nagsusuka?” nag aalalang tanong nito.

“Noong mga unang buwan.  Medyo nabawasan na ngayon at pasumpong sumpong na lang.” inabutan sya ng binata ng towel.

Hindi na nya inubos ang pagkain nang bumalik sa mesa.  Sa halip ay kinain nya ang prutas na iniabot ni Tristan.

Matapos kumain ay nagpaalam na sya sa ina ni Tristan.

“You know you can sleep here.” Ani Tristan.

“I’m okay.  Gusto kong sa tabing dagat matulog.” Pag amin nya.  Tristan smiled and nodded.

 

Tahimik ang byahe nila sakay ng pick up.  Tristan was quiet at manaka naka ay sinusulyapan sya.  Humilig sya sa sandalan at ipinikit ang mga mata.  She had a long day.  Hindi nya inaasahang makakatagpo muli si Tristan.  Kung magbiro nga naman ang tadhana, saloob nya.

Naalimpungatan sya nang huminto ang sasakyan.

“We’re here?  Sorry,nakaidlip pala ako.” Aniya nang ipagbukas ng pinto ni Tristan.

“You’re tired.  Hindi ka dapat nagbibiyahe mag isa ng ganito kalayo.”

“Inihatid ako ni Peter…” tumiim ang mukha ng binata.  “Anak sya ng lawyer.  They’re almost my family.”  Hindi nagbago ang anyo ng binata.

“Saan ang cottage mo?” sa halip ay tanong nito.

 

Nang huminto sila sa harap ng cottage ay inaasahan nyang aalis na ang binata ngunit nanatili itong nakatayo.  Binuksan nya ang pinto at nagpatiunang pumasok.  Sumunod si Tristan kasabay ng pagsuyod ng tingin sa paligid.

“What?” tanong nya.  Tila walang balak itong iwanan sya.

“Akina’ng cellphone mo…” inilahad nito ang kamay.  Nagtatakang ibinigay nya ang cellphone.

He key in his number.  “Call me if you need anything.”

“Okay.  Thank you.” Isinara nya ang pinto nang humakbang na ito palabas.

 

 

Matapos makapagshower at magpalit ng pantulog ay agad syang nakatulog.  Talagang napagod sya at bahagyang nahihilo. Tama si Tristan na hindi sya dapat nagbyahe ng malayo.  Kagagaling lang nya sa byahe galing Marinduque ay bumiyahe na agad sya  paBatangas.

“Sorry, baby.” She whispered kasabay ng paghaplos sa tiyan.  She closed her eyes and dreamed of Tristan.

 

Nagising sya kinabukasan na masama ang pakiramdam.  It was 6 am ngunit nagsuka na sya.  Matapos maghilamos ay dumayal sya sa reception para mag order ng soup.  Muli syang nahiga matapos ibaba ang telepono.

Marahan syang bumangon nang may kumatok sa pinto.  She opened the door and was surprised to see Tristan kasunod ang waiter na may dalang tray ng umuusok na sopas.  Matapos ilapag ng waiter ang tray sa mesa ay nagpaalam na ito.

“You’re early.” Aniya kay Tristan.  Iba na ang suot nito.  Hooded tshirt na kulay gray at jogging pants.

“Nag jogging ako sa tabing dagat.  Are you okay?  Namumutla ka.”

Naupo sya sa upuan at humigop ng sabaw.  “Sinisikmura yata ako…Sa farm ka natulog?”

“No…sa 2nd floor…” kumunot ang noo nya.  “Sa itaas ng reception area may dalawang kwarto.  Minsan doon ako natutulog.”

“Oh.” Ipinagpatuloy nya ang mabagal na pagkain matapos nitong umiling nang alukin nya.

“Do you want coffee or tea?” tanong nitong naupo sa katapat na upuan.

“Mamaya na lang.” she feels better at itinigil na ang pagkain.

Tristan sighed.

“I’m marrying you.” Wika nito bago nag iwas ng tingin.

“What?” she thought she misheard him ngunit bakas ang insecurity sa gwapong mukha nito sa kabila ng pinalidad sa tono ng boses nito.

Hinawakan nito ang mga kamay nya.  “I am marrying you.”  Akma syang magproprotesta ngunit muli itong nagsalita.  “For the sake of our child.  And I won’t take no for an answer.”

Binawi nya ang mga kamay at tumayo.  Nakahalukipkip na hinarap ito.  “No.  I’m not marrying you.”

“No?” tumayo rin si Tristan.

“Hindi lahat ng nagbubuntis nagpapakasal.” Tila matalinong wika nya.  “We can raise this child nang hindi tayo nagpapakasal.”

“Why not?” may galit na tanong nito na tila hindi sya nagsalita.

“Because we don’t love each other!” bulalas nya.

“Para sa kapakanan ng bata ang isinusuhestyon ko.” Anito makalipas ang ilang sandali.  “We don’t have to be inlove.”  Bakit kapag kay Tristan nanggagaling ay labis syang nasasaktan.   

“Please leave.  Hindi kita kailangan.  Makakaya kong mag isang palakihin ang anak ko.” Pigil nyang maiyak.

“Think about it.  Think about our child.” Anito bago tumalikod.

Why are you crying, sita nya sa sarili?  Hindi ba at ikaw ang tumanggi dahil kamo ay hindi kayo nagmamahalan?  Bakit nang kay Tristan nanggaling na hindi nyo kailangang magmahalan ay tila doble ang sakit? 

    

Nagtatanghalian sya nang dumating ang matandang abogado.  Ibinalita nya ang selling price ng bagong may ari and accepted na hindi na nya mababawi ang resort.  They planned to leave pagkatapos magtanghalian at inaasahan nyang makikita pa si Tristan bago lumakad ngunit mukhang bumalik na ito sa farm.

She felt emptier habang palabas ng resort.

 

 

 

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14