Download Story.

close

WEB SHOTS

Written By: Nihc Ronoel       |       Story Status: Completed
Posted By:
Nihc Ronoel

 

(T-004) LESLIE AND LEYNAH: PART 3

 

 

Pagkatapos nilang kumain ay inihatid sila ni Rafael sa isang napakagandang mosuleo. Nagpa-iwan ang binata sa loob ng sasakyan at silang dalawa lang ng nanay niya ang pumasok sa loob nito. Habang naglalakad ay walang-patid si Mrs. Lalaine sa pagku-kuwento.

 

Doon nalaman ni Leynah na naaksidente silang magkapatid sa araw mismo ng pagtatapos sa senior high ng Ate Leslie niya. Masyado raw kasi itong excited para gamitin ang graduation gift ng ina. Bumangga silang dalawa sa isang malaking truck kung kaya’t pareho silang nahulog sa bangin. Na-comatose siya at sa kasamaang palad ay namatay si Leslie.

 

Masyado namang nagsisisi ang ginang sa nangyari. Kung alam lang niya na mangyayari iyon ay hindi na niya sana niregaluhan pa ang anak ng kotse. Pero sa hindi maipaliwanag na dahilan, alam niyang nagbago ang lahat mula nang magising si Leynah… isang taon at kalahati na nga ang nakalipas.

 

Mrs. Lalaine Rodriguez had always been a believer of paranormal entities. She was even a member of the famous Paranormal Society during her college years. Sa katunayan nga ay may third eye pa siya noon, pinatanggal niya lamang ito.

 

Simula nang magkamalay muli si Leynah mula sa pagkaka-comatose nito at base na rin sa kung paano ito kumilos—mula sa mga pagkaing gusto nitong kainin at sa mga bagay na palagi nitong gustong gawin, alam niya at sigurado siyang walang ibang nasa katawan nito kung hindi ang namayapa nang si Leslie.

 

“Your sister still made a way for you and Rafael to get closer. Alam kong noong nabubuhay pa si Leslie, she already likes him pero isinangtabi ng ate mo ‘yong nararamdaman niya dahil alam niyang may gusto ka rin kay Rafael. And when she died, her soul used your body para magkalapit kayo ng lalaking matagal mo nang gusto. ‘Yon nga lang, natagalan din siyang umalis dahil lumalim na ang pagtingin niya rito gamit ang katawan mo. But in the end, mas pinili pa rin niyang magparaya para sa’yo.”

 

Hindi kinaya ni Leynah ang kwento ng kanyang ina. Dahil doon ay humahagulgol siyang napaluhod sa harap ng puntod ng kapatid at kulang na lang ay itanong dito kung bakit bigla siya nitong iniwan. Lumabas na lang muna ang kanyang ina para lang mapagsolo siya. Nanginginig naman ang mga kamay na hinawakan niya ang nakaukit na pangalan ng kapatid sa lapida.

 

Kaya pala nalilito siya sa mga nangyayari. Kaya pala parang hindi naman talaga niya naranasan ang mga kwento ni Rafael. Dahil sa loob pala ng isang taon, ang Ate Leslie niya ang totoong kasama ng binata na sumanib lang sa katawan niya. Ang Ate Leslie niya ang kasama nito sa Azucena La Concordia na nakilala ng nanay ng binata.

 

“Ate, ang daya mo naman eh. Bakit mo ako iniwan? At saka… akala ko ba, wala tayong lihiman? Eh bakit hindi mo sinabi sa akin noon na may gusto ka rin pala kay Rafael? Eh ‘di sana, hindi mo na lang ako inisip. Sana, naging masaya kayong dalawa sa natitira mo pang oras dito. Sana tinagalan mo na lang ‘yong paggamit sa katawan ko.” Walang patid ang pagbuhos ng mga luha sa mukha ni Leynah habang sinasabi niya ang mga katagang ‘yon.

 

“Leynah…” tawag ni Rafael sa kanya.

 

Lumingon naman si Leynah kay Rafael nang maramdaman niyang hinawakan siya nito sa balikat.

 

Hilam ang mukha sa luha, tumayo siya upang pumantay sa binata. “Rafael, all this time… hindi ako ang kasama mo,” sabi niya sa binata bago muling pumatak ang mga luha sa dalawang mata. “It was Ate Leslie. She likes you at alam kong sa loob ng isang taong kasama mo siya, siya ang totoong minahal mo. Hindi ako.”

 

“I have always known that it was Leslie, Leynah…” sabi ni Rafael na nakapagpatigil sa kanya.

 

“Ha? Paano—” nagtatakang tanong niya rito.

 

Ngumiti lang naman si Rafael bago siya nito hinila papalapit sa dibdib nito at buong pusong niyakap. “I knew that I was with Leslie’s soul all this time, Leynah. But you know what? I stayed dahil alam kong babalik ka. I’ve waited long enough and you didn’t know how grateful I am dahil alam ko kaninang ikaw na talaga ‘yan.”

 

Nagtaas-baba ang Adam’s apple ng binata bago nagpatuloy sa pagsasalita.

 

“I want you to know na ikaw ang mahal ko noon pa man, Leynah. I was truly saddened by the fact that Leslie really died, but I was thankful to her that she used your body to get us closer to each other.” Pagkatapos niyon ay masuyo niyang hinalikan si Leynah sa noo.

 

ITUTULOY. . .

 

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21