Download Story.

close

WEB SHOTS

Written By: Nihc Ronoel       |       Story Status: Completed
Posted By:
Nihc Ronoel

 

(T-004) LESLIE AND LEYNAH: PART 2

 

 

Isang araw, nagising na lang si Leynah nang maramdamang may mahigpit na nakahawak sa kaliwang kamay niya. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata at bahagyang nagulat nang makita si Rafael na nakaupo sa gilid ng kama niya.

 

Hindi katulad nang huli niyang kita sa binata, parang nag-mature ang itsura nito at ngayon nga ay may salamin na ito sa mga mata. Isa lang ang hindi nagbago, gwapo pa rin talaga ito.

 

Wait! Was he really Rafael or my eyes were just fooling me? But what was he thinking? And what was he even doing here? sigaw ng utak niya.

 

Maingat siyang hinawakan ni Rafael sa pisngi. “Good morning, Leynah! How was your sleep? Masyado ka yatang napagod sa biyahe natin kagabi…” sabi ng binata bago nito tinawid ang pagitan nilang dalawa at saka siya hinalikan sa noo.

 

Kumunot naman ang noo ni Leynah sa ginawa ng binata at halos magsalubong na ang dalawang kilay niya.

 

Teka lang, hindi pa nagsi-sink sa akin kung bakit siya nandito. Ano bang meron? Biyahe? Anong biyahe ang sinasabi ni Rafael?

 

“B-Biyahe? What are you talking about?” nagtatakang tanong niya rito.

 

Bumangon siya at sumandal sa headrest ng kama. Pakiramdam niya ay pagod na pagod pa rin siya kahit napakahaba na nang naging tulog niya. Sa buong panaginip kasi niya ay walang tigil lang ang paglalakbay ng kanyang diwa.

 

“Yesterday, we had a road trip to our rest house in Azucena La Concordia. It was a three-hour drive from here. My mom always wanted to meet you that’s why we went there, Leynah. Limot mo na agad? Sobrang nag-enjoy ka pa nga eh,” nakangiting tugon ni Rafael.

 

Napahawak si Leynah sa ulo dahil bahagya iyong sumakit sa kapipilit na alalahanin ang sinasabing naging biyahe nilang dalawa ni Rafael. Alam niyang sa Azucena La Concordia ang probinsiya ng binata, pero kahit kailan ay hindi pa siya nakapunta roon… maging sa rest house na sinasabi nito. Ni hindi nga rin niya kilala kahit sa pangalan ang mama nito.

 

Sobrang nalilito si Leynah sa mga kinukuwento ni Rafael na wari ba’y wala ni isa man lamang doon ang totoong nangyari sa kanya.

 

Hindi naman maiwasang mag-alala ni Rafael para sa dalaga sa nakikita niyang reaksyon nito. “Are you okay?” Hinawakan niya ito sa noo at napag-alamang medyo mainit ang temperatura nito kaysa kahapon. “Teka, mukhang may lagnat ka ha. Where’s your thermometer?”

 

“There.” Agad na tinuro ni Leynah ang pangalawang drawer sa bedside table niya.

 

Binuksan naman iyon ni Rafael. Kinuha niya mula roon ang digital thermometer at maingat na nilagay iyon sa tainga ng dalaga. Nang tumunog iyon ay nagtaka rin naman ang binata dahil thirty-six-degree Celsius lang ang temperatura ni Leynah. Ang ibig sabihin ay normal at wala itong lagnat.

 

“Leynah…” bulong ni Rafael. Masuyo niyang hinawakan ang magkabilang pisngi ng dalaga bago niya ito sabik na niyakap.

 

Nagtataka man si Leynah ay wala na siyang nagawa kung hindi ang gumanti na rin ng yakap sa binata. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na naging masyado silang malapit sa isa’t isa at hindi niya akalain na magagawa niyang mayakap nang ganito ang binata.

 

Sa mga oras na ito ay dapat nga na nagtatago na siya, pero hindi magawa ng mga kamay niya ang kumalas mula sa pagkakayakap niya rito. Napakasarap niyon sa pakiramdam at alam niyang lubos na natutuwa ang kanyang puso.

 

Iyon ang tagpong nabungaran ni Mrs. Lalaine Rodriguez nang buksan niya ang pinto ng kwarto. “Lunch is ready, sweethearts!” tawag niya sa anak at sa bisita nito.

 

Natutuwa ang ginang sa pagiging malapit ng anak kay Rafael para saglit na makalimutan nito ang nangyari. “Oh! Don’t be so sweet, Rafael. Nami-miss ko tuloy si Armand,” banggit niya sa namayapang asawa.

 

Nagbitiw naman ang dalawa mula sa mahigpit na pagkakayakap at parehong tumingin sa ginang.

 

“Sorry, Tita… but I’ll be forever sweet to Leynah. I guess, you’ve got to be used to it…” nakangiting tugon naman ni Rafael na lalong nagdulot ng kilig kay Leynah sa kabila ng pagkalitong nararamdaman.

 

“Okay, I’ll wait for both of you downstairs!” ani Lalaine bago ito umalis.

 

“Careful, Leynah…” sabi naman ni Rafael bago inalalayan si Leynah palabas ng kwarto at pababa sa dining room.

 

Hindi pa rin umiimik si Leynah dahil gulong-gulo pa rin ang isip niya. Parang napakaraming memorya ang gustong pumasok at sumiksik doon, hanggang sa nagiging blangko na lang ang lahat. Bukod pa roon, nagtataka rin siya dahil sa sobrang bagal ng kanyang mga hakbang na para bang nangangalay agad ang kanyang mga paa.

 

“Kailan mo ba sasagutin ‘yang si Rafael at isang taon na yata ‘yang nanliligaw sa’yo?” nakangiting tanong ni Lalaine sa anak pagkatapos magpaalam ni Rafael na magbabanyo lang ito.

 

Hindi naman sumagot si Leynah pero gustong sumigaw ng utak niya. Ano raw? Hindi niya talaga naiintindihan ang mga nangyayari kahit anong pilit niya pa.

 

Nakakagulat na nga ang nagising siyang nasa loob ng kwarto niya ‘yong lalaking matagal na niyang gusto, masuyong niyakap at hinalikan pa siya nito sa noo… tapos ngayon, malalaman niyang manliligaw na pala niya ito?

 

At hindi lang ‘yon, isang taon na palang nanliligaw sa kanya si Rafael. Sino ba naman ang hindi magugulat? Bakit hindi niya iyon alam?

 

Imbes na sagutin ang ina ay binago na lang niya ang usapan nang mapansing wala ang kanyang Ate Leslie sa hapag-kainan. “Mom, where’s Ate? Isn’t she going to join us for lunch?” tanong niya sa ina at doon niya napansing bigla na lang nagkulay-suka ang mukha ng ginang.

 

“W-What happened, Mom?” nag-aalalang tanong niya sa ina nang wala na itong tigil sa pag-iyak.

 

ITUTULOY. . .

 

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21