Download Story.

close

WEB SHOTS

Written By: Nihc Ronoel       |       Story Status: Completed
Posted By:
Nihc Ronoel

 

(T-003) MY TEENAGE LOVE: PART 5

 

 

Dahil sa taong biglang sumulpot sa harapan ko ngayon ay hindi na ako mag-isa rito sa library. Third year high school na kami. Section one pa rin ako samantalang siya naman ay nasa section pa rin niya dati.

 

Kung noon ay may mga paruparo na nagliliparan sa aking tiyan at natutuwa akong makita siya, ngayon ay nadidismaya ako na nasa harapan ko siya. Hindi ko siya pinansin bagkus ay mabilis kong niligpit ang mga gamit ko at nilagay ang mga iyon sa aking bag. Isinukbit ko ito sa kanan kong balikat bago ako tumayo at mabilis na naglakad palayo sa kanya.

 

Nakalabas na ako sa library nang…

 

“Queenie, kausapin mo naman ako.” Naramdaman kong hinawakan niya ang kaliwa kong palapulsuhan ngunit mabilis at pasalya kong hinila ‘yon.

 

Anong karapatan niyang mag-demand na kausapin ko siya pagkatapos nang ginawa niya sa akin? Ang kapal ha!

 

Lalong naningkit ang mga mata ko. “Nagkamali ka yata ng kinakausap ngayon, Lance?” Umiling-iling ako sa kanya. “Dahil in the first place, wala naman tayong dapat pag-usapan!”

 

“Wala na kami ni Rachel, Queenie…” nakayuko niyang sabi sa akin. Ni hindi man lang niya ako magawang tingnan nang mata sa mata.

 

“So? Do I look like I care? Bakit mo pa kailangang sabihin ‘yan sa akin? Hindi por que wala na kayo eh papayagan na kitang manligaw ulit sa akin! Simula nang gabing hindi mo ako pinansin at dire-diretso ka lang na lumabas sa gate ng school natin, tinapos mo na ang kung ano mang koneksyon nating dalawa. Kaya pwede ba? Lubayan mo na lang ako, Lance!”

 

“A-Akala ko kasi, pinaasa mo lang ako eh. Totoong minahal kita, Queenie, pero napagod ako…” naluluha niyang sabi.

 

“Minahal? Hindi mo ako minahal!” Hindi ko na nakontrol ang sarili ko kung kaya’t biglang tumaas ang boses ko. “Anong alam mo sa sinasabi mong pagmamahal, ha Lance? At napagod? Pinaasa? Isang linggo lang ang exam’s week, napagod ka na agad? Sinabi ko sa’yo na magfo-focus lang ako sa pag-aaral at sinabi mo ring maghihintay ka kahit gaano pa katagal! Tapos, anong nangyari? Pinagpalit mo ang dalawang linggo mong panliligaw sa akin dahil may lumandi sa’yo sa isang sulat lang? Ngayon, sabihin mong minahal mo nga talaga ako ha!” Dala ng galit na muli na namang namuo sa aking puso ay bahagya ko siyang naitulak.

 

“I’m sorry kung nasaktan kita, Queenie. Pinagsisisihan ko ang nagawa ko. Kung maibabalik ko lang sana ang oras, sana ay nililigawan pa rin kita hanggang ngayon. Patawarin mo sana ako kung naging marupok ako,” akma siyang lalapit sa akin pero tinalikuran ko na siya.

 

Unti-unting namuo ang aking mga luha habang lumalakad ako palayo sa kanya. Madali lang naman ang magpatawad pero alam kong sa ngayon ay hindi pa ako handa.

 

*** WAKAS ***

 

Written by: Nihc Ronoel

 

Date Written: June 4 to 18, 2018

 

Date Edited: June 21, 2018

 

Notes: This is a true story. Some dialogues were changed to enhance them. Unfortunately, Lance (not his real name) did not apologize for what he did to Queenie. I only added that library scene, but it never happened to them.

 

At least, she had the chance to feel that he was somehow sorry to her. Sometime after college, they had a chat, and Lance only asked why Queenie was trying to bring back the past when she was clearly not—not even a dot!

 

Rachel and Queenie were still friends until now, but the friendship was no longer deep anymore. Rachel ended up with a different guy when she gave birth to her first baby at age seventeen. Queenie even became a Godmother to Rachel’s second baby eight or nine years after.

 

They both moved on from what happened as it would only do them no good. Lance might be Queenie’s first heartache, but she is more than happy now. Queenie learned her lessons so well, and she knew in her heart that she already forgave both of them.

 

Queenie studied hard and did not entertain any more suitors in high school. She graduated with Sixth Honorable Mention. In college, Queenie graduated from an engineering course with Latin Honors. She is now married to her long-time boyfriend, who never fails to show how much he loves her.

 

This is not really a love story, but a story with so many lessons. I wrote her story to inspire our millennials here that love doesn’t stop at school, and you have to reward your parents’ sacrifices by doing good. True love comes when you are in the real world, so you must take things slow!

 

Let me know if you want me to write the continuation of Queenie’s love story, xoxo. 😊

 

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21