Download Story.

close

The Singer And The Dancer

Written By: Sweet_Angel-27       |       Story Status: Completed
Posted By:
Sweet_Angel-27

κ§πŠπ€ππ€ππ€π“π€ 3꧂

𝐙𝐄𝐑𝐋𝐀𝐂 ππŽπ•

Nakasimangot ako na tumayo dahil sa pinagsasabi ng pinsan ko, may sundo daw ako? may bisita? Sa ganitong oras?

Baliw ba siya eh gabing gabi na. As in gabi na 10:00 na ng gabi. Tsked.

Habang pababa ako ay tumunog ang cellphone ko kahit hindi ko knows ang tumatawag kasi naka unknownΒ  ay sinagot ko parin malay natin kung emergency nga ito.

“Hello, sino po sila?”-sabi tsaka tanong ko sa kabilang linya, hindi naman ako maatittude, si gumamit pa ako ng po duh.

“Is this Zerlac Nicole Garcia?”-sagot ng nasa kabilang linya kaya, imbes na bumaba na ako ng hagdan ay huminto ako, para kausapin ang magandang boses na ito.

“Yes I am, ano po kailangan nila?”-usak ko sa kanya, wala akong pakialam kung question and answer na kami.

“This is the manager of Mr. Anderson and we have some important matter to do because your hired as dancer in RPB studio right,”-sabi ng nasa kabilang na parang familiar ang boses na diko alam. Haixt. Nababaliw ako. Pero ano daw sa ganitong oras.

“Ah opo sige, pero ngayon na ba? Pero kung importante talaga pupunta na po ako,”-sabi ko sa kabilang, shit excited na ako na ewan, first appointment ko ito as dancer sa TV.

“Hmmm yes, and don’t worry Mr. Anderson will fetch you their wait for him”-sabi niya, pero what the hell, Gosh…omg omg omg totoo ba ito.

“A-ah e-eh—–“-hindi ko na natuloy ng may sasakyan na SUV na kulay gray papunta sa amin.

Dahil kitang kita ko kahit nasa taas ako, kasi hindi sa pagmamayabang pero may kaya naman sina tita, so ayon nga kitang-kita ko dahil makapal na salamin lang ang dingding ng isang parte ng bahay kumbaga para sa mga building ganun.

“I think he’s their okay see you later Ms. Garcia”-rinig ko sa kabilang linya tapos binaba na niya ang tawag.

Insaaaaaannnnn may tao sa labas sino siya?”-sabi ng makapal kong pinsan, kasing kapal ng kilay niya.

Papasukin mo na insan dahil magbibihis lang ako siya si Chad Anderson, tsaka mamaya ka sa akin, sinong sinasabi mong iniidolo ko, wala naman gago ba you,”-sabi ko sa pinsan kong Renz Julius Garcia.

“Shit totoo ba yan?”-hiyaw naman na sabi ni Reanna sa akin na nakaupo sa salas kaya nag nod nalang ako bilang sagot bago ako umakyat ulit para magpalitnng damit.

Nakakagulat naman ang nangyayari, tsked ibang klase kahit gabi na ay may susundo sa akin. Ang galing naman, makapagbihis na nga.

Nang makabihis na ako ng pantalon at crop top tsaka nag shoes nalang ako ng kulay puti. Kinuha ko na ang sling bag ko tapos bumaba na ako.

“Alam kung kilala mo kami, kaya kung mararapatin hayaan mo na siya mismo ang makaalala ang lahat,”-rinig kung usal ng pinsan kung Renz habang si Mr. Anderson ay may nakakatakot na awra.

“Hindi ako natatakot sa iyo, kahit under ka ng LA, alam mong kaya kita pataubin ngayon din,”-sagot naman ni Anderson. At kahit naguguluhan ay tumikhim ako, para sa akin mapunta ang atensyon nila.

“K-kanina ka pa ba diyan?”-natatarantang sabi ng pinsan kong si Renz, kaya umiiling ako na ikinahinga niya ng maluwag.

“Nah! kababa ko lang, bakit?”-sabi ko tapos ng tuming ako sa susundo sa akin ay nag eye to eye kami ng Anderson na mahangin na to kaya, pero ako ang unang umiwas. Nakakaintimate kasi ang mga mata niya.

“Nothing,”-sabi lang ni pinsan kaya napatango-tango ako.

“Okay lets go,”-sabi naman ni Mr. Anderson at nauna ng lumabas, kaya humalik muna ako kay Reana at kuya sa kanilabg pisngi bago ako sumunod sa kanya.

Pagkarating ko sa mismong harap ng bahay namin kung nasaan ang kotse niya ay pumasok ako sa likod ng sasakyan niya. Pero hindi pa ako nakakasakay ng tumikhim siya.

“I’m not your driver,”-sabi lang niya. Ang sungit talaga. Kaya pumasok ako sa harapan, sa shut-gun seat.

Pero nagulat nalang ako ng bigla siyang tumunghay sa pwesto ko kaya napapikit ako, pikit dahil ang lapit lapit na niya sa akin.

“Tsked. Silly,”-sabi niya bago ako nakarinig ng pagclick ng aking seatbealt. Ay gago. Anong sili, sili na mahanghang ba o yung pinakbet.

Huminga muna ako bago ko narinig ang pag-andar ng sasakyan, shit nakakahiya, may papikit-pikit pa akong nalalaman. Shutaragya talaga.

Habang tumatakbo ang sasakyan niya. Wala ni isa sa amin ang nagsasalita kumbaga nakakabingi ang katahimikan kaya tumingin nalang ako sa bintana.

Ano ba hindi ko na kaya ang katahimikan eh pala salita ako. Kaya nag papasalamat ako ng magring ang cellphone ko.

Jake callinggggg…..

Sinagot ko naman agad-agad dahil alam kong magagalit ang mokong na to. Take note ako lang nakakaalam na bakla siya hahaha.

“Hello babe,”-bungad ko sa kanya, habang may ngiti sa aking mga labi.

“Where we’re you honey?”-sabi naman niya wow, ngayon siya nagtanong sa akin.

“Sa sasakyan papunta sa RPB studio bakit may kailangan ka sa akin huh lalaki?”-tanong ko sa kanya habang pinapakiramdaman ang katabi ko.

“Duh babae ako, and beside gusto ko lang na may kasama ako kasi nabobored na ako”-sabi naman niya.

“Alam mo Jake Scott Zuzear i-untog mo ang ulo mo para may magawa ka, huwag mo ako dinadamaydamay sa bwisit mong buhay,”-sabi ko sa kanya kaya narinig kong tumatawa siya sa kabilang linya.

“Alam mo Zerlac ang hurst mo sa akin sa ganda kong to shit sayang naman,”-sabi niya una ikinangiwi ko.

“Well punta ako diyan pagkatapos ng meet—–“-hindi ko na naituloy ang gusto kung sabihin dahil may humablot sa cellphone ko.

“She’s not free fucker”-sabi ni Anderson tapos in-loud speaker pa talaga kaya naririnig ko ang pagtawa ng mokong

“I know fucker ikaw pala kasama niya?”-sabi ni Jake, so magkakilala sila.

“What do you fucking think tsskkk, don’t you dare fucking flirt to my girl,”-sabi niya kaya biglang lumaki ang mata ko at lahat na ata ng dugo ko napunta na sa mukha ko syete…syete…otso..otso. Tapos pagtingin ko sa kanya ay nakasmirk pa ang loko. Kaya umiwas na lang ako ng tingin.

“Hahaha your so mean Anderson. I think she’s not because Im her man,”-sabi naman ng nasa kabilang linya teka teka pinagsasabi naman ng gonggong na to.

“M-mag k-kakilala pala talaga k-kayo?”-nauutal na sabi ko, sa kanila.

“Yes baby girl, sino naman ang hindi makakakilala sa kanya,”-sagot naman ni Jake pero baritong barito ang boses niya aah hahaha.

“K-kailan pa?”-sabi ko sa kanya habang takang-taka ako.

“When we still fetus hahahha,”-sabi na naman niya. Kaya na pasimagot na ako.

“Ewan ko sayo,”-sabi ko sa kanya at diko na sila pinakinggan dahil tumingin ulit ako sa labas.

“Okay fucker I’ll hang up now,”-rinig ko pang sabi ni Anderson.

“Possessive much,”-natatawang sabi naman ni Jake bago nawala sa kabilang linya, hinayahan ko na nasa kanya ang cellphone ko.

Kaya habang tumatakbo ang sasakyan ay hindi ko namamalayan na ng dito na pala kami.Β  Kaya lumabas nalang ako, hindi man lang niya ako ginising. Hayst.

Nagulat nalang ako ng may humawak sa kamay ko tsaka hinila niya ako papunta sa loob. Hilig talaga niya manghila tsk.

“Good evening sir,”-sabi pa ng mga empleyado sa studio pero snab ang loko diredertso lang siya sa paglalakad, hindi ba niya napapansin na lahat ng empleyadong babae at bakla may gusto sa kanya tsk.

Pumasok naman kami sa elevator at pinindot niya sa 27th floor siguro office ng may ari sa studiong to ang pupuntahan namin.

~Ting~ hahaha waley kayo yan lang naman ang hudyat na nakarating nakami sa 27th floor hahahaha. Binuksan naman ni Anderson ang pinto at derederetso na pumasok. Nagulat ako ng may yumakap saakin ang ganda niya parang model.

“I missed you so much Zerlac,”-sabi ng babae naghahalinlangan ako na yumakap sa kanya at bakit kilala niya ako.

“K-kilala m-mo a-ako?”-nagtatakang usal ko naman sa kanya. Tsaka nag nod lang siya sabay hawak ng kamay ko.

“Even you don’t remember who am I to your life, Im still your best friend,”-naiiyak na sabi niya

“Huh!”-sabi ko sa kanya.

“I’m Charice May Anderson na Founder of this Studio and the boy over their he is Chad Anderson I think you know him already,”-sabi ni Charice

“Yes ma’am Charice I know him already, he is the most famous artist inside and out of our country,”-sabi ko sa kanya

“Don’t call me ma’am, just Charice and by the way he’s my cousin,”-sabi naman niya.

“Oo obvious naman hehehe,”-sabi ko pa.

“Oh siya sige, If maalala mo ako, ako ang pinakamasayang babae sa balat na lupa”-sabi niya at umupo sa sofa kong nasaan si Chad na nakahiga halatang pagod. Ang gwapo niya pero ang sungit sungit.

Tinitigan ko siya. Ang ganda ng mga pilik mata, yong ilong niyang matangos. Ang lips niyang kissable. Almost perfect at at shit Abs. Nagulat ako ng nagsalita at imula niya ang kulay gray niyang mata.

“Done memorizing me?”-sabi niya kaya umiwas ako ng tingin.

“H-hindi ah, feeling mo naman,”-sabi ko sa kanya.

“Edi hindi tsked“-sabi niya at naka smirk pa ang loko loko. Tsk. At biglang nagulat ako dahil parang may may bumubulong sa mind ko kaya diko alam kong ano ang gagawin ko. Kaya napahawak ako sa noo ko.

“Shit what happened?”-sabi ni Anderson pero di ako makasagot kaya sumigaw ako ng.

“Aaaaaahhhhh bakit Aaaaahhhh may parang bumabalik na aaaaaahhhhh nangyari saakin noon aaaaahh,”-hiyaw ko pa at biglang nawalan ako ng malay sa bisig ni Anderson na nakikita ko pa siya sa akin ala-ala.

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30